MISSION 3: Claiming You

By AleezaMireya

184K 8.7K 2.5K

"Pwede bang hindi kita tawaging Kuya? Crush kasi kita." Ang mga salitang iyon ang unang sinabi ni Pretzhel k... More

Author's Note
Teaser
Chapter 1 - Memory Lane
Chapter 2 - Pretty
Chapter 3 - Jealousy
Chapter 4 - Research
Chapter 5 - Portrait
Chapter 6 - Love Story
Chapter 7 - Gift
Chapter 8 - Seduction
Chapter 9 - The Chase
Chapter 10 - Confirm
Chapter 11 - Threatened
Chapter 12 - Getting To Know
Chapter 14 - Admission
Chapter 15 - Lured
Chapter 16 - Cornered
Chapter 17 - Virtual War
Chapter 18 - Come Clean
Chapter 19 - Sweetheart
Chapter 20 - Secret
Chapter 21 - Priceless
Chapter 22 - Mission
Chapter 23 - Introduced
Chapter 24 - Unimpressed
Chapter 25 - Make Out
Chapter 26 - Future Plans
Chapter 27 - Lap Dance
Chapter 28 - Grand Slam
Chapter 29 - Warned
Chapter 30 - Taste
Chapter 31 - Tested
Chapter 32 - Unrestrained
Chapter 33 - Overheard
Chapter 34 - Wrong Verb
Chapter 35 - Evasive
Chapter 36 - Connive
Chapter 37 - Captivated
Chapter 38 - Tricked
Chapter 39 - Captured
Chapter 40 - Remorseful
Chapter 41 - Ready
Chapter 42 - Marked
Chapter 43 - Busted
Chapter 44 - Beloved
Chapter 45 - Perturbed
Chapter 46 - Cared For
Chapter 47 - Perfect Addition
Chapter 48 - Fairy Tale
Chapter 49 - Jubilant
Exciting News!!!

Chapter 13 - Family

3.1K 153 34
By AleezaMireya

"Pret!"

Kapapasok pa lang niya sa restaurant. At hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na ilibot pa ang paningin sa loob niyon dahil nakita na niya si Jordan. Nakangiti. Nakataas ang kamay at kumakaway sa kanya.

A smiled crossed her lips as she walked towards the table. Bukod kay Jordan ay nasa lamesa ang mga magulang niya, ang Lolo at Lola nito, at ang engaged couple. Masayang nag-uusap ang grupo.

Anvaya is an ancient Sanskrit word that means "family". And their table stands for the very meaning of the exclusive resort where they are staying.

"Good morning!" masiglang bati niya bago naupo sa bangko na hiningit ni Jordan. Ito ang katabi niya. Alas otso ang unang usapan nila ni Jordan pero naging alas siyete ng umaga dahil na rin napagkasunduan kagabi na sabay-sabay silang mag-aagahan.

"Good morning," halos sabay-sabay na bati sa kanya ng mga taong inabutan niya roon. Pagkatapos noon ay bumalik na rin sa pag-uusap ang grupong inabutan niya. Her parents and Jordan's grandparents were discussing something, while the happy couple was on their own happy bubble, murmuring and gazing sweetly at each other's eyes.

May nakalapag ng pagkain sa tapat ng bangkong nakalaan para sa kanya. Naunang umalis sa Casita ang mga magulang niya at nasabi na niya sa Mama niya kung ano ang gusto niyang agahan. Puro heavy meals ang nakahayin sa lamesa. Ang pagkain lang niya ang naiba. Pancake at freshly squeezed orange juice.

Ito ang isa sa malaking kabalintunaan ng buhay niya. She'd been creating decadent cakes. With designs and flavors people would find a hard time to resist. She literally witnessed how people lined up and craved for her cake and cupcake creations. Yet she won't even take more than two bites of those masterpieces.

Maingat siya sa pagkain ng matatamis. Or any food for that matter.

At kung mag-indulge man siya ay sinisigurado niyang nabu-burn niya ang extra calories at fats na na-consume niya. Kaya hanggang ngayon ay tambayan niya ang dance studio malapit lang sa bakeshop nila. At nae-enjoy niya lalo iyon dahil bukod sa exercise ay madalas pa silang gumawa ng mga dance videos na ina-up load nila sa YouTube.

"Breakfast is important, if not the most important, meal of the day. Ang agahan ang magsu-supply ng energy na gagamitin mo sa majority ng araw mo. At iyan lang ang kakainin mo?" puna ni Jordan na pinasadahan ng tingin ang pagkain sa harapan niya. "Akala ko ba magta-tandem kayak tayo? Paddling is a very physically demanding activity, Pret. Mauubos kaagad ang energy mo."

Pretzhel grinned, "Kaya nga tandem kayak ang pinili ko na gawin natin dahil mismo sa dahilang iyan. At kagabi'y pumayag ka nang sa unahan ako maupo. Ang tunay na rason kasi noon ay para kapag napagod na ako, ikaw na ang bahalang magpaddle para sa ating dalawa. For sure naman na hindi lang pang display ang mga biceps mo, di ba?"

Jordan chuckled. "From your breakfast to my biceps real quick."

"Of course. For sure sanay ka namang napupuna ang good looks at toned body mo." Naka t-shirt man si Jordan ay kita naman ang outline ng katawan nito.

Jordan smiled but shrugged his shoulders.

"And I want to see you topless later, ha. Sayang naman ang mga muscles mo na iyan kung hindi ko man lang makikita at mapakikinabangan, di ba?"

Jordan heartily laughed.

"Baka gusto ninyong i-share sa amin ang pinag-uusapan ninyo. Mukhang masaya pa naman," salubong ang kilay na salita ni Gabriel. Ito ang umookupa sa bangkong katapat ng kay Jordan, habang siya ay si Riah ang katapat. Naglipat-lipat ang tingin ng kuya niya sa kanila ni Jordan.

Buti na lang at ang mga kapatid lang nila ang naabala nang pagtawa ni Jordan. Ang mga nakatatanda ay busy pa rin sa kung anong pinag-uusapan.

Siniko niya si Jordan. Sinulyapan niya ito saka siya sumulyap sa kuya niya.

Ang binatang katabi ay natatawang tumingin sa kanya, "Bakit?"

"Share mo raw bakit ka masaya."

"Bakit ako? Ikaw ang nagsabi noon kaya ako tumawa," naaaliw na tanggi ng binata.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata, "Hindi ako nagjo-joke kanina. Seryoso iyon. Ewan ko kung bakit ka tumawa. Explain mo sa kanila."

Lalo lang lumakas ang tawa ni Jordan. Nang makabawi ito ay umiling habang naaaliw na nakatitig sa kanya. "You really are something special, Pretzhel."

"She may be special but she's also off-limits, bro," seryosong babala ni Gabriel.

Pinaikot ni Pretzhel ang mga mata. Bumaling siya kay Jordan. "Kain na tayo nang mabilis para makaalis na tayo rito."

Jordan grinned and nodded.

"At saan naman ang punta ninyong dalawa?" tanong ni Riah.

"Sa dagat."

"Sa dagat?" Dumilim ang mukha ni Gabriel. "Anong gagawin ninyong dalawa sa dagat?"

Pinaikot niya ang mga mata, "My gosh, Kuya! Ano bang ginagawa sa dagat? Pick-up sticks. Tumbang-preso. Langit-lupa. Bahay-bahayan. Pwede rin magtakbuhan. Kung trip mo, pwede ring magbaril-barilan."

Napatawa si Riah, maging si Jordan.

Nagdilim lalo ang mukha ni Gabriel. "Sumagot ka nang maayos, Pretzhel. Kung hindi ay hindi kita papayagan."

Ibinaba niya ang kobyertos at pinagsalikop ang mga braso sa tapad ng dibdib. "OA mo naman kasi, Kuya! Sa dagat lang naman kami pupunta! It's not as if sa kwarto kami pupunta at magsu-swimming sa kama."

Napamaang si Riah. Pero lalong nanliit ang mga mata ng kuya niya. "Watch your language, Pretzhel! Baka maikulong kita sa Casita!"

"Magka-kayak lang kami, bro, then swimming after," ani Jordan na hirap na hirap magpigil ng tawa.

"Hindi pwede," pinal na sagot ng kuya niya. Bakas ang pagdududa sa mga mata.

Umikot ang mga mata ni Pretzhel. "My gosh, Kuya! Ayan ka na naman. Hindi na ako bata. Malaki na ako. Kaya ko na mag-decide para sa sarili ko."

Isa ito sa madalas na pagtalunan nila ng kuya. Double-edged sword ang presensiya nito sa bahay nila. While she's very happy that her kuya is with them, it also means that her movement will be scrutinized to the tiniest level. Mas mahigpit pa nga ito kaysa sa Papa nila!

Lumamlam ang mga mata ni Gabriel. "Mananatili kitang baby sister, Pretzhel. Ayaw ko lang na may mangyari sa iyong masama. At ayaw kong kung saan-saan ka dinadala ng mga lalaki. Kahit na ba pinagkakatiwalaan ko pa sila, ibang usapan kapag ikaw na."

She is torn between being touched and annoyed. And she choose to understand her kuya. Nakalakihan na niya ang kwento na siya ang wish ng kuya noong mag-birthday ito. At nang mabuntis ang Mama nila ay gayon na lang daw ang panalangin nito na sana ay baby girl siya.

Her Kuya Gab was always been so protective of her. Even to a fault. He would go out of his way just for her comfort. Even just to give in to her whims and caprices.

Pero ibang usapan kapag lalaki na.

Nagsalita siya sa mas malumanay na boses. "Sa dagat nga lang kami pupunta, Kuya. Open space iyon. Open area. Maghiram ka na lang ng binoculars sa lifeguard kung gusto mong bantayan kaming dalawa."

Hinawakan ni Riah sa braso ang kuya niya. Nang tumingin ang kuya niya rito ay ngumiti ang babae. "Let them be, Gab. Malalaki na sila at alam na nila ang ginagawa nila."

"But, honeypie. Paano kung-"

Ihinarang ni Riah ang daliri sa labi ng kuya niya, bakas ang kaaliwan sa mga mata nito. "Don't be silly, kind sir. I know my brother. Hindi siya flirt at unruly."

Inalis ng kuya niya ang daliri ng fiancée. "Hindi naman iyon ang iniisip ko, honeypie."

Umangat ang kilay ni Riah, halatang hindi naniniwala.

"Paano kung kailan nasa gitna na sila ng dagat ay saka biglang tumaob ang kayak?"

"Maalam naman akong lumangoy, Kuya."

"At maalam din akong lumangoy, bro," ani Jordan. "Lumaki ako sa tabing beach. Kahit hindi maalam lumangoy si Pretzhel ay kaya ko siyang i-rescue."

Kokontra pa sana ang kuya niya nang humilig sa gawi nito si Riah at bumulong sa tenga nito.

Tumikhim ang kuya niya. "Okay," pabulong din na tugon nito.

Tumingin sa kanila si Riah at saka ngumiti. "Sige na. Finish your breakfast and go. Enjoy the sea."

Nagsulyapan sila si Jordan saka tahimik na bumalik sa pagkain. Naunang natapos si Jordan at nang matapos siya ay halos sabay silang tumayo. Hiningit ni Jordan palayo ang bangko para maayos siyang makaalis sa lamesa. Ang lalaki na rin ang dumampot sa sling bag na dala niya kanina.

"Thank you," she beamed at him.

Jordan just smiled.

Palabas na sila sa restaurant nang muling tawaging ng kuya niya ang binatang kasama niya. Sabay silang lumingon ni Jordan sa lamesang pinanggalingan.

Hindi nagsalita ang kuya niya. Itinapat lang nito ang hinlalato at hintuturo sa mga mata saka iyon itinuro sa kanila. Subtly telling them that he will be watching.

Pretzhel eyes went heavenwards while letting out an exasperated sigh.

Pero bago pa siya makapihit paharap sa entrance ng restaurant ay nagtama ang mga mata nila ni Clifford. Kasama nito sa lamesa ang mga mistah, na kumaway sa kanya nang makitang nakatingin siya sa gawi ng mga ito. Ngumiti siya bilang pagbati. Na sinuklian din ng mga ito ng ngiti.

Maliban sa isa.

Hindi na nga ngumiti, mababakas din sa mga mata nito na hindi ito masaya. Manapa'y selos ang nakikita niyang nakaguhit sa mga mata ng binata.

Nagbawi siya nang tingin nang humawak sa siko niya si Jordan at iginiya siya palabas ng restaurant.

"Diretso lang ako sa kayak rental. Sa tabing dagat na tayo magkita," ani Jordan nang makalabas sila sa restaurant.

"Sure." nakangiting sagot niya. Kinuha ang sling bag dito bago lumakad pagawi sa mga nakalinyang beach chair at umbrella sa baybay-dagat.

Nang makarating doon ay ipinatong niya ang sling bag sa beach chair. Ang nakalugay na buhok ay itinali niya sa ibabaw ng ulo. Ayaw niyang mahirapan mamaya sa gitna ng dagat. Mahirap magsagwan na nakasabog ang buhok sa mukha. Kasunod na hinubad niya ang suot na puting button down kimono style cover up. Isinampay niya iyon sa sandalan ng beach chair.  Naka pulang one-piece swimsuit siya. Plunging ang neckline niyon. Ang design ng likod ng swimsuit ay mga strap na naka crisscross. Matangkad na siya, pero mas lalo siyang nagmukhang matangkad dahil high cut ang bottom part ng swimsuit.

Binuksan niya ang sling bag. Pasado alas siyete na. At kung magtatagal sila sa gitna ng dagat at tiyak na masakit na rin sa balat ang sikat ng araw. Kinuha niya ang sunscreen at naglagay sa palad. Ipinatong niya ang paa sa beach chair saka nilagyan ng sunscreen ang hita. Maging mga braso, ang naka-exposed na bahagi ng dibdib, at leeg ay nilagyan niya ng sunscreen.

Naglagay siya ng sunscreen sa kamay at sa abot ng makakaya ay pinahiran ang likod. Iyon nga lang, hirap siyang maabot ang buong likuran.

"Ako na, Pretty."

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
257K 5.7K 22
WARNING: MATURE CONTENT INSIDE | RATED SPG | 18+ Isang sikat na Matchmaker ang inutusang hanapan ng babaeng mapapangasawa si Leonardo Villaruiz- a we...
320K 11.9K 44
LANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si...
191K 8.9K 52
It was supposed to be a tranquil night. Gabriel just got back from his military duty and is already sleeping soundly. It was supposed to be an ordina...