One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 50

1.4M 31.3K 9.4K
By jonaxx

Kabanata 50

Good Night

"Why?" inulit ko kay daddy ang tanong ko.

Kumunot lamang ang kanyang noo at nagmukhang disappointed kasi tinanong ko pa siya non. Para bang hindi ko na iyon dapat pang tinanong. Dapat ay handa na akong ipabisita siya sa bahay namin kahit kailan niya gusto.

Humigpit ang hawak ni mommy sa kamay ko na para bang pinipigilan niya ako para hindi ako mapagalitan ni daddy. No... I want to hear the angry words from him. Gusto kong makita kung gaano siya kagalit sa akin para sa isa pa niyang anak.

Umigting lamang ang kanyang panga ngunit hindi ako sinagot. Tinitigan niya ako habang inaaalu si Arielle. And I hate that my eyes were filled with envy for the girl he is comforting! Galit ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon, gusto ko paring magmakaawa sa daddy ko to see my reason, to understand my feelings. O baka naman ako ang dapat na makita ang mga rason niya o nila? Hindi ko alam.

"Don't worry, Avon. Hindi ako titira sa inyo!" Humupa ang luha ni Arielle at klaro niya itong nasabi. "It's just visit!" Inirapan niya ako ngunit hindi iyon naging sapat para sa akin.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko!" maagap kong sinabi bago bumaling kay daddy na huminga naman ngayon ng malalim.

"Ayaw mo ba talagang magkasundo kayo?" Mukha siyang bigong bigo nang tinanong niya ako nito. Para bang ako ang magiging hadlang ng kanyang kaligayahan.

"Guillermo, it's hard for Avon, you know," banayad na sinabi ni mommy kay daddy.

"I know. It's hard for me, too. Pero paano natin ito maaayos kung sa unang subok pa lang ay titigil na tayo?"

Umiling si mommy at tiningnan ako.

Alam ko na ako lang ang problema ni daddy dito. I am depriving them of happiness. I am depriving his daughter of a family she deserves. Nag alab ang mata ko sa mga luhang nagbabadyang tumulo.

"Fine! Wag niyo na akong tanungin ulit para sa opinyon ko kung hindi lang din naman kayo makikinig." Punong puno ng pait ang boses ko.

Tumayo ako at nilagay ang bag sa aking balikat. Tinatawag na ako ni mommy upang mapigilan ang pag alis ko ngunit hindi ako nagpapigil. Taas noo akong umalis doon kahit na sinisigawan na ako ni daddy.

"Don't turn your back on me, Aurora!"

Hindi man lang ako nanginig sa boses niyang punong puno ng awtoridad. Habang naglalakad ako ng diretso ay alam kong nakasunod si mommy sa akin na halos tumatangis para sa mga pangyayari.

Hinarap ko siya nang nakalabas kami at namataan ko na naghahanda ang driver namin para sa pag alis. Niyakap ako ni mommy kahit na siya naman dapat ay niyakap ko dahil siya itong umiiyak.

"I'm sorry, anak. I'm sorry." Sabi niya.

Nanghina ako. Hindi ko na alam kung ano ba talaga. Sa akin ba may problema? Ako ba ang problema nila? Ako ba ang nagpipigil sa kanila para maging masaya? Masyado ba akong madamot sa pamilya ko kay Arielle? Anong magagawa ko kung talagang nasasaktan ako at namamadalian sa mga nangyayari?

"I want to go home, mom." Sabi ko nang humupa ang mga luha ni mommy.

"Ang daddy mo," sabay lingon niya pabalik sa restaurant.

Huminga ako ng malalim at pumasok sa sasakyan. Nasa dulo ako umupo habang ilang sandali nang hinihintay si daddy. Ang driver ay nasa labas at si mommy ay matuwid na nakaupo sa passenger's seat. Ang isang bodyguard ay nasa front seat, nakabanta.

Nilingon ko ang labas kung nasaan ko nakita si daddy na hinahatid si Arielle sa kanyang sasakyan. She kissed her on his cheeks. Yumakap rin siya bago pumasok. May bahid na pag aalala ang mga mata ni daddy sa kanya habang tinitingnan niya itong lumalayo sa parking lot.

Bumaling ako sa aking cellphone na may isang mensahe ni Brandon tungkol sa kanyang pagdating sa kanilang site at sa pangungumusta niya sa dinner kasama si Arielle.

Ako:

Nag walk out ako.

Iyon lang ang tanging naging sinabi ko. Mabilis siyang tumawag sa akin ngunit hindi ko sinagot. I sent him another text message saying I'll call him when I get home.

Nang pumasok si daddy sa sasakyan ay bumaling agad siya sa akin. Umigting ang kanyang panga at ipinakita niya sa akin na hindi niya nagustuhan ang inasal ko kanina.

"Avon..."

Suminghap ako. I am so tired of these. If he wants Arielle in our house, then so be it!

"Arielle needs love and affection. I'm sure kita mo sa ugali niya iyon. That's why I'm giving her everything." Paliwanag ni daddy sa akin nang tumulak na ang aming sasakyan. "Alam kong nararamdaman mo na kinakawawa kita pero hindi. I love you..." Nilingon niya ako.

"That you want me to compromise to give my sister love and affection, right?" Umirap ako.

"I'm not asking you to compromise. I'm asking you to be a sister to your sister." Pagod na ang kanyang ekspresyon nang hinarap ako.

"She needs to be a sister to me too. Hindi ito one sided, dad. Nasaktan siya, nasaktan din ako. Gusto niyang maging kapatid ang turing ko sa kanya, then kapatid din dapat ang turing niya sa akin. Hindi ibig sabihin na dahil pinagkaitan siya ay mas dehado siya!" Tumaas ang tono ko.

"She got abused, Avon! Her childhood was really, really toxic! Paano siya magbibigay ng pagmamahal kung wala siyang maramdamang pagmamahal? Can't you sacrifice and lower your pride now? Kahit ngayon lang! Ngayon lang!" Tumaas din ang tono ni daddy.

"Guillermo, please calm down," sabi ni mommy nang nakitang namumula na si daddy dahil sa galit.

"Hindi ako ang magdurusa para sa kawalan niya ng pagmamahal sa katawan! Hindi ako ang magbibigay sa kanya! Ikaw, dad! Kasi ikaw naman ang nagkulang sa kanya, hindi ba? Bakit pati ako? Bakit damay ako!? Bakit kami damay ni mommy?"

"Because we are family, Avon! I am your dad and you're living under my roof!"

Hinahaplos na ni mommy ang likod ni daddy. Kahit anong sigaw niya sa akin ay hinding hindi ko maiintindihan ang takbo ng kanyang utak. Tumigil ako sa pagsasalita hanggang sa makarating kami sa basement ng condo. Mabilis akong bumaba at nagsalita bago sila iniwan ni mommy doon.

"Then I can't wait to get out of your house." Nanginig ang boses ko sa galit at poot sa sarili kong ama.

"Avon!" Nanginginig din ang boses ni daddy nang sinigaw niya ang pangalan ko.

Nakapasok na ako sa elevator at nataranta kaagad. Galit na galit siya sa huling sinabi ko! I was so sure of that.

Nang nasa tamang palapag na ako ay tumunog rin ang kabilang elevator at nagpakita si daddy doon, sinusundan ako.

"What did you say?"

Umirap ako at binuksan ang unit. Pumasok ako sa loob at ganon din si daddy.

"Ano? Ganyan ba katayog ang pride mo para gustuhin mong umalis kesa pagbigyan kahit pagbisita lang ng iyong kapatid?"

"Stop it!" Sigaw ko at hinarap siya. I am not going to stay in this home anymore. Hindi ko kayang tumagal ngayong gabi na ganito kami ni daddy.

Namumula ang kanyang mga mata. Litong lito sa kung ano ang gagawin sa akin. Si mommy ay pinapakalma siya ngunit nahihirapan na rin sa away naming mag ama.

"Stop it, okay! If you want your bastard to visit... or even stay in this house then go!"

Nanlaki ang mata ni daddy sa sinabi ko at mabilis at malalaking hakbang ang kumain sa distansya naming dalawa. Natakot ako para sa aking sarili sa maaaring gawin niya sa akin nang lumapit siya. Sumigaw si mommy na siyang nagpawala sa galit na nag uumapaw para sa akin.

Mabilis ang hininga ko at nanlalaki din ang mga mata habang tinitignan si daddy. I was almost positive he'll gurt me tonight.

"Ano, dad? Sasampalin mo ako? Sige! Sampalin mo ako!" hamon ko.

Huminahon si daddy. Kitang kita ko ang dahan dahang pag angat ng kanyang dibdib habang kaharap ako. Umiling ako at nag walk out ulit. Hindi ko kaya sa bahay namin ngayon. I'm going out.

Wala akong mapuntahan kundi ang condo unit nina Anton at Jessica. Nag taxi ako patungo roon, tulala sa mga nangyari. Hindi ko makalimutan ang pulang mga mata ni daddy nang nilapitan niya ako. Nakakatakot. Tumulo ang luha ko at maagap ko itong sinalo.

Hinang hina ako nang kumatok sa unit nina Jessica. Ni hindi na ako nakapagtext. Nahiya tuloy ako at baka mamaya ay tulog na pala sila at nakakaistorbo lang ako sa dalawa ngunit nang binuksan ng nakangising si Anton ang pintuan ay nagulat ako.

Umalingawngaw ang ingay sa loob at alam ko kaagad na naroon ang mga kaibigan niya. Tipid na ngiti ang iginawad ko kay Anton. Ayaw kong salubungin ang ngisi niya ng lungkot.

"Oh, Avon! Pasok ka!" aniya at binuksan ng malapad ang pintuan nila.

Sa loob ay nakita ko ang apat niyang kaibigan na nag iinuman ng isang mamahaling wine. Pare parehong naka suit ang mga ito at namukhaan ko kaagad. Binati nila ako nang makita.

"Hi, Av! Oh!" tawa ni Tyrone nang namataan ako.

Tipid muli akong ngumiti at pumasok. Pinasadahan ko ng tingin ang loob. "Sorry, nakakaistorbo ba ako? Gising pa si Jessica, Anton?"

"Oo. Nasa kusina, kumakain. Lika! Puntahan natin," aniya.

Tumango kaagad ako at binati na ang mga lalaking kilala. Dalawa sa kanila, si Tyrone at Alvin ay parehong modelo at kaklase ko noon sa Enderun. 'Yong dalawa naman ay kilala ko lang bilang kabarkada ni Anton.

"Kamusta?" Tumayo si Tyrone at sumunod sa akin patungo sa kitchen.

Nag angat ng tingin si Jessica na naabutan kong kumakain ng fries na dinidip sa cheese. Napatayo siya kaagad nang nakita ako.

"I'm fine, Tyrone," ngiti ko bago nag beso kay Jessica.

"A! Napdalaw ka!" Niyakap pa ako ni Jessica.

"Jess, asikasuhin ko lang ang mga lalaki. Ayos na kayo ni A, dito?" tanong ni Anton sa asawa.

"Oo! Go ahead." Bago bumaling si Jessica sa akin sa nag aalalang ekspresyon.

Bumagsak ang balikat ko at umupo sa highchair. Nilingon ko si Tyrone na naroon parin at naghihintay sa sasabihin ko.

Ikinwento ko lahat kay Jessica ang nangyari. Nakinig na rin si Tyrone na hindi umalis sa kitchen para makinig sa problema ko.

"Your father got offended. Masama ang tinawag mo sa iyong half sister," ani Anton.

Tumango ako. "I know." Wala na akong naidugtong. Basta alam kong mali iyon pero mali rin ang magdilim ang paningin niya sa akin.

Kung silang lahat ay kumikilos ayon sa kanilang damdamin, pwes ganon rin ako ngayon. Am I not allowed to weep? Ako ba dapat ang nagbibigay? At gaano ka dami ba ang ibibigay ko? I'm trying my very best to understand but I just couldn't! At hindi sila makapaghintay sa araw na maintindihan ko ang lahat ng ito. Gusto nilang agad kong makuha, agad na maging maayos sa akin, agad na maging masaya ako para sa lahat ng ito!

"But I can't blame you, A." Suminghap si Tyrone. "I'm sorry. Hindi ko alam na ganyan ang nangyayari sa pamilya mo."

"Kung alam mo lang, Tyrone." Umiling si Jessica at sumubo pa ng isang fries.

Tulala ako sa gin na binigay ni Anton sa akin kanina habang nag kukwento ako. Lumalalim na ang gabi ngunit wala akong planong bumalik sa bahay namin. Ayaw ko rin namang abalahin si Jessica lalo na't buntis siya.

"Dito ka na lang matulog, A. Alam kong ayaw mo pang umuwi." Parang nabasa ni Jessica ang nasa isipan ko.

"May trabaho pa ako bukas," sabi ko.

"Oh? Saan ka nagtatrabaho ngayon?" tanong naman ni Tyrone sa gulat.

"Sa Carlzon Rockwell Hotel Group," sabi ko.

"Umuwi ka na lang mamayang umaga sa inyo para magbihis. Dito ka na lang matulog ngayon. Don't forget to tell tita Camila para hindi siya mag alala."

Tumango ako at sumang ayon. Kanina ko pa tinext si mommy na nandito ako kina Jessica.

Hindi na ako tumanggi sa gustong mangyari ni Jessica. Antok na rin ako at pagod sa mga nangyari sa araw na iyon. Pinahiram niya ako ng damit pantulog at nagpasalamat ako sa kanya. Siya ang tanging takbuhan ko pag may mga problema akong ganito.

Nakabihis na ako at kakaligo lang. Naghahanda na ako sa kama nang may kumatok at bumukas ang pintuan ng kwarto. It was Tyrone. His worried eyes were directed to me. Nagpupunas ako ng basang buhok.

"I'm sorry. Okay lang ba sayo na pumasok ako?" tanong niya.

Tumango ako.

Pumasok siya ngunit hindi naman lumapit para bigyan ko ng malisya. He was just checking the comfort of my room for tonight.

"Bukas, gusto mo ihatid na kita sa inyo?" tanong niya.

Umiling ako. "Wag na. Kaya ko namang mag taxi mag isa."

"No, A. I'm just really worried about you. Please, let me," aniya.

I was too tired to argue. Tumango na lang ako at tipid na ngumiti. Wala namang masama sa pagiging friendly ni Anton. I should thank him for the help. Wala akong masasakyang iba bukas at ayaw ko namang abalahin si Anton kaya ang offer niya ay pabor sa akin.

"Great!" aniya. "Then... I should leave now." Humakbang siya palapit sa akin at hindi pa ako nakapagprotesta ay maagap niyang hinalikan ang noo ko. "Good night, A." bago siya tumalikod at dire diretso ang alis.

Sa gabing iyon ay mahimbing parin akong nakatulog kahit sa dami ng naging problema ko. Siguro ay dahil nasabi ko sa ibang tao ang laman ng isip ko. Nabawasan kahit paano ang sakit na naramdaman ko.

Masakit sa balat ang sikat ng araw nang gumising ako kinaumagahan. Alas otso ang log in ng opisina ni Brandon at alas seis y media na ako nagising kaya halos baliktarin ko ang kama sa pagmamadali.

"Kain muna, A..." bati ni Jessica sa akin kinaumagahan nang nakita kong nagkakape pa silang tatlo ni Anton at Tyrone sa kusina.

Halos mamutla na ako. Maliligo at magbibihis pa ako! Low bat pa ako kaya hindi ko maitext si Brandon sa pagkakahuli ko.

"Aalis na ako. I need to run. I'm almost late. Thanks for the bed, Jess," wala sa sarili kong sinabi iyon.

Nagmamadaling uminom ng kape si Tyrone nang nakita ang pagmamadali ko. Tumanggi pa ako sa kanya kahit na kailangang kailangan ko ang tulong niya ngayon. Gusto kong ipakita na kaya kong mag isa but when he insisted, I also couldn't reject the offer.

"Salamat, Tyrone!" sabi ko nang nakarating sa basement ng aming condo unit ng mga las syete.

Maliligo at magbibihis pa ako ngayon. Kaya ba ng tatlumpung minuto iyon?

"I'll wait for you," tawa niya sa pagmamadali ko. "Ihahatid na rin kita sa opisina niyo."

Hindi na ako umimik dahil tinakbo ko na patungong elevator para mabilis ang dating ko sa unit. At inisip ko na sa likod ng utak ko ang mga isasagot ko kay daddy pag pagsasalitaan niya na naman ako ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

104K 5.3K 63
This is a story of a lone survivor of a devastating tragedy. She embarked on a quest to practice her magic while remaining silent about her true iden...
7K 553 43
Kung mahal ka talaga ng taong mahal mo. Hindi mo siya kailangang habulin para lang balikan ka niya. Kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya iiwang m...
608K 22.5K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3.4M 94.5K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...