Under A Rest | ā˜ļø

By blueth_24

475 36 6

Police Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
A/N

Chapter 44

7 0 0
By blueth_24

"M-mama" mas mahinang tawag ko sa kaniya kaya naman imposibleng marinig niya ako isa pa ay ilang metro ang distansya namin mula sa kanila. Nanghihina ang mga tuhod ko at parang babagsak ako pero sinuportahan ako ni Uno.

"Saan ka ba pupunta? Pumasok na tayo sa loob" wika ni mama sa isang malambing na boses.

"Mommy look! Someone's crying over there! I think she's hurt. Shall we help her?" nagtama ang mata namin ng sinundan niya ang itinuturo ng bata. Bakas ang gulat at takot sa mga mata niya.

Paano niya nagawa sa amin ito? Paano ?

"Honey, I baked something for the two of you!" Lumabas mula sa gate ang isang lalake na maitsura, maputi ito at halatang mayaman. Napansin niyang natuod si Mama sa kinatatayuan niya, so siya pala? Siya pala ang ipinalit sa amin? "What's wrong?"

Sinundan niya ang tinitingnan ni mama at Nakita ako. Para bang kilala niya ako dahil kahit siya ay nagulat.

Kinuha niya ang bata mula kay mama at may ibinulong bago pumasok sa loob.

Lumapit sa amin si mama habang umiiyak. Bakit siya umiiyak? Kanina lang ay ang saya niya.

"A-anak! Pumasok muna kayo"

Hindi na ako nagmatigas at sumunod sa kaniya. Nasa likod ko si Uno at nakasunod sa amin.

Naupo kami sa sala at ipinaghain pa kami ng kabit niya ng cake. Nabalot kami ng katahimikan at parang walang gustong magsalita.

Tumayo iyong lalake pati na rin si Uno, para siguro bigyan kami ng privacy.

"A-anak. Kumusta ka? Ang mga kapatid mo?" ramdam ko ang kaba sa boses niya.

"N-nangugulila pa rin sila sa ina" pinilit kong patatagin ang boses ko. "Sobrang bata pa nila ng iniwan mo kami, para bumuo ng ibang pamilya"

"Patawarin mo ako anak" nagsimula na siyang umiyak sa harapan ko.

"Bakit ma? Paano mo nagawa sa amin ito? Bakit nagawa mo kaming ipagpalit?"

"Patawarin mo ako"

"Hindi ko ho kailangan ng paghingi ng tawad, ang kailangan ko paliwanag"

"Noong umuwi ako ay buntis na ako, alam iyon ng papa mo. Nag usap na kami at sinabi ko sa kaniyang makikipag hiwalay na ako, pumayag naman siya." kung ganoon ay alam na ni papa. Napapikit ako sa sakit ng maisip kung ano ang nararamdaman ni papa ng mga oras na iyon. Iyon siguro ang dahilan ng impit na pag iyak niya. Para akong madudurog kapag naiisip ko iyon.

"Napagod lang ako anak. Napagod akong magtrabaho pero hindi rin naman sapat para sa atin. Nahirapan ako at napagod sa tungkulin na dapat ang papa mo ang gumagawa, hanggang sa nakilala ko ang Tito Danny mo, tinulungan niya ako at pati na rin kayo. Nabuo si Dara at naging masaya ako Meisha. Mabait siya at binabalak namin na kuhain kayong magkakapatid ngayon taon."

Hindi ako nagsalita at dinadigest pa lahat ng sinabi niya. Napagod siya? Pagod rin naman ako a!.

"Noong nabubuhay pa si papa, siya ang nag aalaga sa amin ma. Siyang ang katulong ko sa bahay kahit na may sakit siya, kahit nanghihina siya." sunod sunod ang paglunok ko dahil may kung anong nakabara sa lalamunan ko. "I-iyong pambili na lamang ng gamot niya ay ibibili pa niya ng pasalubong para kay Mon at Mai, ng payong para sa akin d-dahil alam niyang wala ako noon at mahilig akong lumusong sa ulan"

Unti unting tumulo ang mga luha ko. Naalala ko kung gaano kalaki ang sakripisyo sa amin ni papa. Maaaring hindi iyon nakita ni mama pero ako, kitang kita ko at nasasaktan ako dahil sa sigurado akong hanggang sa huling hininga niya ay sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nangyari ito sa aming pamilya.

"A-alam mo ba mama, kahit hinihika na siya nagagawa niya pa ring magpadikit ng apoy sa pugon kapag walang gasul. Kahit inaapoy siya ng lagnat nagagawa niyang maglaba, k-kasi a-alam niya na pagod ako buong a-araw sa trabaho at eskwela, kaya naman ginagawa na Niya iyon para mabawasan ang gawain ko."

"P-patawarin niyo ako" umiiyak na siya ngayon at nasasaktan akong makita iyon. Pero kailangan kong mailabas ito, kailangan niyang malaman na napagod ni kami, na napagod din ako pero hindi ako sumuko, hindi ako nang iwan.

"M-mama napagod din Po ako. Pagod na pagod na Po ako. Alam mo ba na araw araw hinihiling ko na sana ako rin, sana ako rin nagagawang ipagluto ng mama ko hindi yung ako ang magluluto para sa mga kapatid ko. Sana maranasan kong maglaba kasama ka para kahit papaano, mabawasan ang pagod ko. Sana maranasan ko iyong uuwi pagkagaling sa school tapos sasalubungin mo ng yakap." lumandas ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ang kamay ko pero iniwas ko iyon.

"Mama, pagod na pagod na din Po ako sa lahat ng responsibilidad na dapat ay sa iyo. Pagod na pagod po ako, pero hindi Po ako sumuko, hindi Po ako nang iwan. A-akala ko k-kasi kayo rin." lumuhod siya sa harapan ko at paulit ulit na humingi ng tawad habang hawak hawak ang kamay ko.

Marahan kong tinanggal ang ang pagkakahawak niya sa akin.

"Uuwi na rin po ako dahil walang kasama ang mga kapatid ko." Lumayo ako sa kaniya at hinarap siya. "Kaya ko ho kayong pakinggan pero hindi ko pa kayang magpatawad. Pasensya na"

Lumabas ako sa bahay na iyon at ramdam kong nakasunod sa akin si Uno.

Nang makapasok sa sasakyan ay humagulhol ako na parang sanggol. Sa loob ng maraming taon na nangungulila kami sa kaniya, bumubuo na pala siya ng ibang pamilya. Habang kami ay nag aalala sa kalagayan niya, nag aalaga na pala siya ng iba.

"Hushh baby! I'm here" niyakap ko siya at umiyak ako sa balikat niya. Ibinuhos ko ang lahat ng sakit at sama ng loob.

"Bakit naman ganito U-uno. H-hindi ito yung inaasahan ko"

"Shhh. It will be alright"

Sa sobrang pag iyak ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa kwarto ko. Nakauwi na pala kami? Gaano kahaba ang naging tulog ko.

Panaginip lang ba iyon? Sinampal ako ng malaking 'HINDI' ng makita ko ang bagahe namin na dala.

Hinanap ng mata ko si Uno pero wala siya. Nagtext siya sa akin na may pupuntahan siya at babalik rin kaagad.

Habang mag isa ay hindi ko namalayan na naiiyak nanaman ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga kapatid ko kapag nagtanong sila. Ayaw kong masaktan sila sa nalaman ko.

Dahil sa kagustuhang itago sa kanila ang nangyari ay iniwasan kong mabuksan ang topic na iyon. Kahit nadudurog ay nagpanggap akong maayos sa harapan nila. Pinilit kong ngumiti at pagaanin ang mood ko. Kahit na kapag mag isa na lang ay umiiyak pa rin ako.

Malapit na ang pasko pero parang Undas ang nababagay sa akin. Sa lahat ng nangyayari ngayon ay nahihirapan na akong mag isip.

Habang naglalakad pauwi galing sa trabaho ay naramdaman kong may sumusunod sa akin. Binalewala ko iyon dahil parang nawalan na ako ng pakealam sa paligid ko at tanging iyong sakit na nararamdaman ko ang pinapakinggan ko.

Sinabi ni Uno na hintayin ko siya dahil patapos na ang duty niya pero, hindi ko siya hinintay. Gusto ko na kasing umuwi at makapag pahinga.

"Miss holdap to! Ibigay mo na lang ang pera mo kung ayaw mong masaktan" nanlamig ang katawan ko at nanindig ang mga balahibo ko ng maramdaman ang patalim sa tagiliran ko.

H-hindi ko pwedeng ibigay ang pera ko. Pinaghirapan ko ito, para ito sa mga kapatid ko.

"Sabing ibigay-" hindi na nito natuloy ang sasabihin ng may malakas na suntok ang tumama sa kaniya.

Si Uno. Galit na galit ito habang sinusuntok ang lalake. Nang halos hindi na makagalaw ay lumapit ito sa akin para tignan kung ayos lang ako.

"Are you okay baby?"

Imbis na makasagot ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaking may hawak na tubo sa likuran niya.

"Uno!" Bumagsak siya sa sahig at kumalat ang dugo niya.

Ginawa iyong pagkakataon ng mga magnanakaw para makatakas kasama ang napuruhan ni Uno.

"Tulong Po! Tulungan niyo kami"

Sa mga oras na iyon ay nanginig ang buong katawan ko sa takot at kaba. Baka pati siya ay mawala sa akin. H-hindi pwede, hindi ko kaya.

"Uno, kapit ka lang ha! Huwag mo akong iiwan"

Hinawakan niya ang pisngi ko, may malay pa siya kahit maraming dugo ang lumalabas sa ulo niya.

"B-baby... huwag kang.. aalis ha! Matutulog lang ako saglit" pinipigilan ko siyang magsalita pero tinuloy pa rin niya. "Mangako ka... Hindi ka aalis ha!"

"Pangako Uno."

Iyon ang unang pangako ko sa kaniya na hindi ko nagawang matupad. Hindi ko siya naintay na makabalik bago ako makaalis.

~💙

Continue Reading

You'll Also Like

180K 6.6K 82
Not many people understood 12 year old Jessica, as a person and an individual. That doesn't include, however, her older sister, who Jessica adores w...
276K 17.7K 48
The feeling of being abandoned by one's own family was not unknown to Aadhira. She hates her family for abandoning her when she was only a newborn, l...
246K 37.7K 109
Maran and Maya, two independent individuals hate each other out of their family background but destiny has some other plans by bringing them together...
65.9K 3.4K 54
The Rajputs well known as the most powerful and devil's for the people who tries to messed up with them people got goosebumps just by listening to th...