Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

19.7K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 58

101 10 3
By night-firefly



Tork points of view:

"Ahhhhh!" i heard some scream from the slide kaya napatingin ako doon.

Medyo nangunot pa ang noo ko ng pinilit kong aninagin kung sino iyon. Hinintay ko pa ang paglabas nila sa parang bitukang parte ng slide at nanlaki na lang ang mata ko ng maaninag kong si First ang nandoon sa unahan. Kasunod naman niya ang isa pang kaibigan niya na pinanggagalingan ng sigaw at sina Ivory kasunod ang isa pa nilang kasamang babae.

"What the hell." halos pabulong ko lang na sambit bago mabilis na lumusong sa tubig papunta sa malapit nilang babagsakan. She's afraid of water, right? Bakit siya nagpadulas?!

Ilang segundo ang nagdaan ng tuluyan na siyang bumagsak sa pool kaya mabilis ko namang nahawakan ang kamay niya habang napailalim siya sa tubig. Mabilis ko pa siyang nailayo sa parteng babagsakan din ng mga kasama niya pero wala namang sumunod na bumagsak sa tubig. Saan sila nagpunta?

"Tork." napalingon siya sa akin at nag-aalala pa niya pa akong tinawag na dapat ako ang mag-alala sa kanya.

"What the hell First? Bakit ka nag-slide?!" painis kong tanong sa kanya na inilingan lang niya bago may tinitignan sa likuran ko.

"First, andito si ate Sage." i heard ate Jelly said kaya napatingin na din ako kung saan nakatingin si First.

Tumingin lang ito sa akin ngunit ng tumingin na ito sa tabi ko ay nagbigay ito ng kakaibang ngisi na di ko alam kung bakit.

"Kumusta First?" tanong nito. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni First sa kamay ko kaya nagtataka akong napalingon sa kanya.

Seryoso lang siyang nakatingin sa harap niya kaya lalo akong nagtaka.

"Gaga, diba takot ka sa tubig? Bakit ka nagpadulas?" rinig ko pang sambit ng kapatid kong slow.

"Hahahhaha. She's not." automatiko akong napatingin sa pagtawa ng ate ni ate jelly na Sage ang pangalan. Naguluhan pa ako sa sinabi niyang 'she's not'. Sino? Si First ba ang tinutukoy niya?

"And she's not afraid to kill too." dagdag pa ni Sage.

"Ate, ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhan namang tanong ni ate Jelly sa kanya. "hindi magandang biro 'yan ate." dagdag pa nito.

"Why?" nakatawa niya pa ring baling sa kapatid niya. "Hindi mo ba alam na mamamatay tao ang kaibigan mo?!" sambit nito na nagpagulat sa aming lahat.

"What the fuck are you saying?!" galit na singit ni Clover sa sinabi niya.

"Bakit hindi niyo tanungin mismo si First? Ask her who killed her mother?!" galit nitong sambit na nagpabaling naman ng tingin namin kay First.

Nagpapalit-palit lang ang tingin namin sa kanilang dalawa. Ramdam ko ang galit ni ate Sage pero si First ay parang tulala lang na nakatingin at nakikinig sa sinasabi niya.

Is it true? Hindi ako slow pero parang ayaw iproseso ng utak ko ang katotohanang ayaw tanggapin ng puso ko.

"F-first?" rinig kong tawag ni Clover sa kanya pero hindi man lang niya ito nagawang lingunin.

"You killed your mother, right?! And you killed my mother too!" galit na sigaw ni Ate Sage kay First bago lumingon kay ate Jelly. "Your friend killed our mother Jelly! Mamamatay tao ang kaibigan mong 'yan!" malakas na sigaw ulit nito kay First na tulala pa ring nakatingin sa kanya sa mga oras na ito.

"Is it t-true?" pabulong ko lang na tanong sa kanya na malungkot na ikinalingon niya sa akin.

"You lied?" dagdag ko pa na ikinaatras ko ng marahan siyang tumango. Nagsinungaling siya sa akin? Bakit? Sobra akong naguguluhan. Bakit niya pa pinahanap sa akin ang pumatay sa ina niya kung siya naman pala mismo ang..— hindi ko na natapos isipin ang salitang lalong ikagugulo ng isip ko.

"Why?" muling tanong ko. Pansin ko ang pagbaling niya sa naging distansya naming dalawa dahil sa pag-atras ko. Muli siyang napatingin sa akin at kasabay nito ang pagtulo ng luha niya mula sa kaliwang mata niya.

Para akong natuod mula sa kinatatayuan ko. Nakaramdam ako ng takot at pagsisisi. Pagsisisi kung bakit ako napaatras at takot dahil nakikita ko sa mga mata niya ang sakit dahil sa pag-atras ko.

Pinangako kong lage lang akong nasa tabi niya pero bakit nagawa kong umatras ngayon? Nasaktan ako.. oo, dahil nagsinungaling siya. Pakiramdam ko pinaikot niya lang ako, pinaglaruan.. ang sakit ng biglaang nararamdaman ko pero mas nasaktan ako sa lungkot at sakit na nakikita ko sa mga mata niya.

Nakatuon lang ang pansin ko sa kanya kaya
hindi ko na namalayang nakalapit na pala si Sage sa kanya. Nanlaki nalang ang mata ko ng walang sabi-sabi siyang sinampal bago hinawakan sa ulunan at mabilis na nilunod sa ilalim ng tubig.

"First!"

"Ate!"

"Damn it!—

***

First points of view:

Ito ba ang kabayaran ng lahat ng kasalanan ko?

Mamamatay na ba talaga ako?

Nakapikit lang ako habang nilulunod ako ni ate Sage. Tama siya, napatay ko nga si Mama noon at kahit hindi man ako mismo ang pumatay sa ina nila ni Jelly, ako pa rin ang dahilan kung bakit siya pinatay ni Mama.

Matapos kong makalabas ng mental hospital noon plinano ko ng hanapin ang pamilya ng namatay kong yaya noon at kapalaran na din sigurong naging magkaklase pa kami ni jelly.

Mapait na lang ang napangiti habang inaalala kung paano nagsimula ang pagkakaibigan namin pati na din sina Butter at Ash.

Gusto kong makabawi sa naging kasalanan ko sa ina niya. Kahit man lang sa simpleng bagay ay matulungan ko ang ama niya kaya pinakiusapan ko si Blue noon na mapapasok man lang ang ama nila sa magandang kumpanya. Maging ang pag-aaral ni Ate Sage sa kolehiyo ay hinanapan ko din ng sponsor lingid sa kaalaman nila sa tulong pa rin ng mga kaibigan kong Sterces.

Gusto ko ring maranasan ang kinikwento ni yaya Sally noon tungkol sa pamilya nila. Masaya at mahal na mahal nila ang isa't isa kaya isa din iyon sa rason kung bakit ako nakipaglapit kay Jelly.

Hahayaan ko na sanang tuluyan akong lunurin ni ate Sage ng may biglang malakas na humablot sa braso ko na nagpa-ahon sa akin mula sa tubig.

"Damn it First!" galit niyang sambit na kahit nanatiling nakapikit ang mga mata ko ay alam na alam ko kung sino. Hila-hila niya ako papunta sa kung saan hanggang sa maramdaman ko na lang ang semento sa likuran ko.

"Hey! Wake up!" pasigaw pa niyang sambit na kahit galit siya ay ramdam ko pa rin ang pag-aalala niya. Hindi ba siya natatakot sa katotohanang narinig niya? Bakit nag-aalala pa rin siya?

"First!" tawag ulit niya sa pangalan ko. Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Ayokong dumilat. Ayokong makita ang reaksyon at emosyon niya. Ito na ang oras na kinatatakutan ko at ayaw kong makita iyon ng mga mata ko. Alam na niya ang katotohanan. I'm a killer at ako ang pumatay sa mga taong mahalaga sa akin.

"Bagay lang sayo ang mamatay First dahil mamamatay tao ka!" rinig ko pa ring sigaw ni ate Sage.

"Shup up!" sigaw din ni Clover kay ate Sage habang pinipilit niya pa rin akong dumilat.

Naiintindihan ko naman si ate Sage kung bakit gusto niya akong mamatay. Ako ang dahilan ng pagkamatay ng ina niyang si Yaya Sally noon dahil ginusto kong makipag-usap sa kanya noon kahit pinagbawal iyon ni Mama.

"I'm not gonna shut unless mapagbabayaran ng babaeng yan ang pagkamatay ng ina ko!"

"Ate tama na please." rinig kong pigil ni Jelly sa kanya.

"What? Tama na?! Nahihibang ka na ba Jelly? Ang baliw mong kaibigan ang pumatay sa ina natin. She's crazy Jel. Nanggaling siya sa mental hospital at hindi na ako magtataka kung isang psycho ang kaibigan mong 'yan!" patuloy niya pa ring sambit sa katotohanan tungkol sa pagkatao ko.

Nanatili na lang akong tahimik dahil tama naman ang sinasabi niya.

Nasasaktan ako. Nahihiya dahil sa masamang katotohanan ngunit mas mabuti na din sigurong malaman nila ang totoo upang tuluyan na nila akong layuan.

"First.." tawag ni Clover sa akin. Pinilit kong idilat ang mata ko kahit ayokong makita ang reaksyon niya.

Tinanggal ko pa ang kahit katiting na lungkot na makikita niya sa mata ko bago ko balingan ng tingin ang mga mata niya.

"She's right Clover." matapang kong sambit. Nagsukatan pa kami ng tingin. Nilabanan ko ang seryosong pagtitig niya dahil may hinahanap ang puso ko na makikita ko sa reaksyon ng mga mata niya.

Ito na ang katotohanan Clover. Pipiliin mo pa rin kayang mahalin ako?

"Y-you really killed my mother?" rinig kong hindi makapaniwalang tanong ni Jelly sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Kita ko ang lungkot niya habang basang-basa na ng luha ang pisngi niya.

Napatingin pa ako kay Butter at Ash na inalalayan siya habang naguguluhang nakatingin sa akin.

"I... I'm so s-sorry Jel.. I d-didn't mean it—

"S-so you planned all of these? You planned to be our friend kahit na alam mong anak si Jelly ng babaeng pinatay mo?" natigilan ako sa sinabi ni Ash. Napayuko ako ng hindi ko kayang sumagot sa tanong niya.

"F-first.." gulong-gulo pa ring tawag ni Butter sa pangalan ko bago pa bumaling sa gilid ko kung saan naroon si Tork. Pansin ko ang pagtingin niya dito at alam kong gusto niyang palayuin si Tork sa akin mula sa oras na ito.

Lalo lang humahapdi ang puso ko sa nakikita kong reaksyon mula sa mga kaibigan ko ngayon. Napaghandaan ko na 'to pero sobrang sakit pa rin pala kapag actual ng nangyayari.

Napalingon ako kay Miracle na nanatiling mag-isang tahimik sa gilid ng pool. Binalingan niya ako ng nagtatanong na tingin na malungkot ko lang na nginitian.

Yeah. She's my twin at wala akong planong sabihin iyon sa kanya kahit hanggang sa kamatayan ko pa.

***

Author's note: Maaga akong nag-update ng isang page dahil a few minutes from now ay mag-ba black out na sa amin. Hahaha skl lang naman kaya later na 'yung isang page. Abangan niyo po.. Maybe few pages na lang mag-epilogue na kapag wala na akong maisip na scene. Haha pero balak ko talagang paabutin to hanggang Page 100. Joke ✌️

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

469K 8.9K 85
NCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan an...
9.4K 637 55
Handa ka na bang pumasok sa isang unibersidad na puno ng gang? Kung handa kana, tara na't pumasok ka. "FIGHT UNTIL YOU DIE"
33.9K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
947K 25.1K 47
Once upon a time, there was a Heartless-Assassin who kill for hired. She killed enormous of people. She was known once as a COLD, MERCILLES, HE...