I DATED AN ANTI FAN (LABREI)

Von Amyfinity_writes09

14.7K 1.1K 87

Brei being a number one basher of Lara Mae who was a member of Winkle Pop , A very popular girl group in japa... Mehr

00
C2
C3
C4
C5
C6
C7
C8
C9
C10
C11
C12
C13
C14
C15
C16
C17
C18
C19
C20
C21
C22
C23
END

C1

1.9K 65 3
Von Amyfinity_writes09

Brei's Pov

I'm Aubrey Binuya in short for brei , I'm 21 years old from Makati City and I'm a certified fan ni Ms. Ella Mae Amat ng Jpop Group na Winkle Pop at kasama niya yung pinaka hate na member ko which is yung Lara Mae Layar na yun.

Nagsimula lang yung pagiging hater ko sa kanya nung nilait lait niya si Ms. Ella sa pictures na magkasama sila nung mga bata pa lang sila hanggang sa naging Top hater na niya ako.

Ewan ko ba kung bakit pero nababagot ako na makita siya na kasama ni Ms. Ella every may event , well hindi naman na maiiwasan yung ganun gayung co member silang dalawa.

"Ate brei! Kain na daw sabi ni mommy! Wag mong sabihin na natutulog ka pa ngayon tanghali na ate brei!" Pambubulabog ng kapatid kong si Frances agad ko na itong binuksan baka kasi masira na yung pintuan ko sa kakakatok niya.

"Gising na ako frances , bababa na ako maya maya maghihilamos lang ako saglit at magtotoothbrush" sabi ko sa kanya bago ko siya sinarhan ng pinto agad na akong nagtungo sa may cr ko at tsaka nag morning routine na.

Nang makalabas ako ng cr ay akmang bababa na ako para kumain ng almusal nang biglang may nag notifications sa may laptop ko kaya agad agad na akong nagpunta sa may study table ko kung saan nakalagay ang laptop ko.

LaraMaeLayar_WP.Official Posted A New Pictures on Facebook!


1,037,895 Likes 400k Comments 80k Shares

Magandang tanghali nuno😆 @ElllaMaeAmat_WP.Official

EllaMaeAmat_Wp.Official replied to @LaraMaeLayar_Wp.Official Wow huh! Hindi lang nagkakalayo yung height natin Lara Mae😤 Wag ako ah?

You replied to @LaraMaeLayar_Wp.Official Sa ganda ni Ms. @EllaMaeAmat_Wp.Official tatawagin mo lang ng nuno? Ikaw na mukhang engkanto? Tsk patawa ka Lara!

Madami pa sana akong itatype dahil nababadtrip ako sa Lara Mae na to nang bigla may sumigaw na naman sa may pintuan ko.

"Brei? Ano wala ka ba talagang balak bumaba at kumain? Tutok ka na naman dyan sa kaka laptop mo?! Sa sunod talaga ay kukumpiskahin ko na yan ah?!" agad ko nang sinarado yung latop ko at nagtungo sa may pintuan , bumungad sa akin ang nakakunot noo na si mommy.

Napa peace sign na lamang ako gayung halata na ang inis sa kanyang mukha habang nakatitig sa akin.

"Sorry mom , eh kasi yung Lara Mae na yun nag post na naman ng Pictures kasama si Ms. Ella Mae tapos sinabihan ba naman niya na nuno si Ms. Ella Mae eh napakagandang dalaga nun!" Naiinis na kwento ko kay mommy napasapo nalang siya sa kanyang ulo nang marinig niya yung sinabi ko at diretso ng bumaba ng hagdan

Habang ako papadyak padyak pa sa sahig sa sobrang inis ko sa kulot na babaeng yun! Argh panira ng araw amp.

Ang ganda ng gising ko eh tapos mukha niya yung makikita ko sa news feed ko.

"Hay nako brei! Umaandar na naman yung pagiging basher mo dyan sa Winkle Pop member na si Lara , ang cute ng batang yun tapos sasabihan mo lang ng mukhang engkanto? Hay nakong bata ka!" Ani ni dad nanlaki naman ang mata ko nang sabihin niya yun, wait paano niya nalaman na nagcomment ako dun?

"Wait paano mo nalaman na ako yung nagcomment ng ganun dad? Hinack mo ba yung acc ko?!" Takang tanong ko saka umupo na sa may upuan magkatabi naman kami ngayon ni Frances.

"Paanong hindi malalaman ni daddy eh naka follow yan sa lahat ng social media accounts ni Ate Lara Mae at sobrang fan yan ng taong binabash mo at ikaw lang naman yung kilala naming pinaka consistent sa pambabash kay Ate Lara" sabi pa ni frances sa akin , abay kinakampihan niya pa yung kulot na engkanto na yun?

At itong si dad ngayon ko lang nalaman na fan pala nung lara mae na yun na sobrang pangit at sama din ng ugali , di porket kaibigan niya si Ella ay sasabihan niya na ng ganun.

"Maka ate ka magkapatid ba kayo frances?! Tsk sabagay pwede naman parehas kayong nakakainis tignan" Singhal ko kay frances at inirapan siya , sabay kuha ng kutsara at tinidor sa may harapan ko nang sa ganun ay makapagsimula nang kumain.

"Makabash ka sa kanya eh ang liit liit mo naman Ate Brei?! Walang wala ka pa sa hinliliit ni Idol Lara!" Rebat niya naman sa akin , napataas naman ang kilay ko at kita kong napatawa ng pasikreto sila mom and dad na ikinainis ko.

"Aba aba mommy oh sumasagot na sa akin si queen oh! Deserved niya naman yun sinabihan niya si Ella my loves ng nuno eh?!" sabi ko pa sa kanya sabay sinamaan siya ng tingin , kung hindi ko lang to kapatid baka nasapak ko na to.

"Sus ang sabihin mo naapektuhan ka lang kasi ikaw naman tong mukhang nuno sa punso sa sobrang liit mo at baka nga ikaw pa yung pinatamaan ni ate lara sa post niyang yun" rebat pa niya ulit bigla naman akong napatayo at binigyan siya ng isang malakas na batok na siyang ikinadaing niya.

"Aray ko ate brei! Masakit ah!" Sigaw niya sabay hawak sa may ulo niya kung saan ko siya binatukan , ayan rebat ka pa ah.

"Tama na yang bangayan niyong dalawa! Magsikain na tayo at dahil malamig na ang pagkain ng dahil sayo brei" sabi sa amin ni dad at bago kami tuluyang matapos ay inapakan ko muna yung paa ni Frances sa sobrang inis ko.

Tinignan niya lang ako ng masama dahil sa ginawa ko tsk certified fan talaga sila nung lara na yun , baka nga siguro dahil lang sa kapit ng mga magulang niya kung bakit siya nakapasok doon sa Winkle Pop na Jpop Group.

Argh! Nakakairita siya pati tong mga kasama ko sa bahay , maya maya ay natapos na kami sa pagkain at bumalik na ako sa kwarto ko.

Pag open ko nang laptop ko ay inulan na ako ng batikos dahil sa nilagay kong comment , hey hey hey ito yung gusto ko eh dahil madami fans ni lara na iyakin yung nang iinsulto sa akin eh itong lara naman na to ang nagsisimula ng fan wars ang kinaibahan nga lang ako vs sa fandom ng Laranatics_Wp na mga iyakin.

@Larami4keeps replied to you comments on @LaraMaeLayar_wp.Official ; Pinanganak ka ba @Bweibanana na pakialaman yung trip ni Ms. Lara?

@Bweibanana nabuhay ka na naman ah , Top hater ni Lara, siguro pangit ka at naiingit ka lang kay lara kaya umeepal ka lagi sa comment section.

@Bweibanana saktong sakto yung username mo ang sarap mong balatan ng kutsilyo ng buhay.

@Bweibanana , laswa ng username mo parang ikaw.

Napaoff nalang ako ng laptop dahil sa mga nabasa ko hindi dahil sa naasar ako kundi baka mainis ako at matempt akong patulan yung mga iyakin na yun sa pamamagitan ng pag hack ng social media accounts nila at iexposed yung privacy nila.

Napaupo nalang ako sa may kama at tinitigan yung malaking poster ni Ella na nakapaskil sa may pader ng room ko , sa ibaba naman ay makikiita yung buong picture ng winkle pop at napairap nalang ako ng makita si Lara don.

Pangit ng taste nila sa pagpili ng kanilang iidolohin di nila ako gayahin na nasa tamang artist na ako which is kay Ms. Ella Mae Amat , mabait na maganda at lalong lalo na ugaling idol talaga siya hindi gaya nung lara na yun tsk.

Napahiga nalang ako saglit at kinuha yung cellphone ko saktong sakto bumungad sa akin yung post tungkol sa winkle pop na may ganap daw silang meet and greet plus hand shake events dito sa pilipinas.

Na excite naman ako dahil doon hays pangarap ko talagang makita si Ella sa personal pati yung ibang members ng Winkle Pop na sila Sela , Abby , Gabb and Coco except lang sa pangit na Lara na yun.

Napapikit nalang ako at nag imagined ng mga posibleng mangyari pag nagkita na kami ni Ella for sure mas maganda siya sa personal hanggang sa tuluyang makatulog na ako.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

17K 276 51
Si Maya, isang babaeng maraming pangarap sa buhay. Nag ibang bansa para maka tulong sa pamilya at maka pag ipon para sa pansariling pangangailangan...
582K 35.4K 100
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
235K 5.8K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ જ⁀➴ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 𝐋𝐈𝐊𝐄 .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
10.6K 258 20
Siya si Zoey kilala bilang 'Casanova girl' sa kanilang magkakaibigan at sa kabila ng pagiging casanova girl nya ay may malungkot na istorya siyang ki...