MISSION 3: Claiming You

By AleezaMireya

184K 8.7K 2.5K

"Pwede bang hindi kita tawaging Kuya? Crush kasi kita." Ang mga salitang iyon ang unang sinabi ni Pretzhel k... More

Author's Note
Teaser
Chapter 1 - Memory Lane
Chapter 2 - Pretty
Chapter 3 - Jealousy
Chapter 4 - Research
Chapter 5 - Portrait
Chapter 6 - Love Story
Chapter 7 - Gift
Chapter 8 - Seduction
Chapter 9 - The Chase
Chapter 10 - Confirm
Chapter 11 - Threatened
Chapter 13 - Family
Chapter 14 - Admission
Chapter 15 - Lured
Chapter 16 - Cornered
Chapter 17 - Virtual War
Chapter 18 - Come Clean
Chapter 19 - Sweetheart
Chapter 20 - Secret
Chapter 21 - Priceless
Chapter 22 - Mission
Chapter 23 - Introduced
Chapter 24 - Unimpressed
Chapter 25 - Make Out
Chapter 26 - Future Plans
Chapter 27 - Lap Dance
Chapter 28 - Grand Slam
Chapter 29 - Warned
Chapter 30 - Taste
Chapter 31 - Tested
Chapter 32 - Unrestrained
Chapter 33 - Overheard
Chapter 34 - Wrong Verb
Chapter 35 - Evasive
Chapter 36 - Connive
Chapter 37 - Captivated
Chapter 38 - Tricked
Chapter 39 - Captured
Chapter 40 - Remorseful
Chapter 41 - Ready
Chapter 42 - Marked
Chapter 43 - Busted
Chapter 44 - Beloved
Chapter 45 - Perturbed
Chapter 46 - Cared For
Chapter 47 - Perfect Addition
Chapter 48 - Fairy Tale
Chapter 49 - Jubilant
Exciting News!!!

Chapter 12 - Getting To Know

3K 177 69
By AleezaMireya

"You're far more handsome in person than in your photos," aniya kay Jordan matapos itong titigan. Kakukuha lang niya ng pagkain. Pero imbes na kumain ay inuna niyang titigan ang lalaking kasama sa lamesa.

Ang kutsarang isusubo na sana ni Jordan ay na-suspend sa ere. Ilang sandali itong tumitig sa kanya. Hindi niya iniiwas ang mga mata. Mas lalo pa nga niyang tinitigan ang binata.

"Uhm. Thanks, I guess?" Jordan uttered, an unsure smile on his lips.

"And you are adorable when you're confused," Pretzhel snickered. Sumubo siya nang pagkain habang nakatingin pa rin sa lalaki.

Tumawa si Jordan, "Thanks. Kahit na hindi ko alam kung natutuwa ka, impressed o na-turn off ka na sa akin." Pagkasalita nito ay sumubo na rin ng pagkain.

"I am impressed. You earned my respect na nga, eh. Basta tuloy mo lang ang plano mo na mag-serve sa army. Maganda 'yon," aniya na muling sumubo ng pagkain.

And she really was impressed. At alam niya na magiging maganda ang samahan nila ni Jordan. Her gut feel told her so.

Jordan smiled. And his eyes smiled together with his lips. He really is very easy on the eye.

"Kailan ka babalik sa Cebu?"

"Bukas ng hapon. Bakit mo naitanong?"

"Di ba nga, sabi ko kanina na may research akong ginagawa. At seryoso ako dun sa sinabi ko na ikaw ang i-interview-hin ko. Pwede ka ba bukas ng umaga? We can do the question and answer in an informal way naman. Para lang tayong nagkukuwentuhan."

"Eh di ngayon mo na ako interview-hin," suhestiyon nito.

Nalukot ang mukha ni Pretzhel. "Not the proper time and venue for the types of questions I have in mind."

May ngiting unti-unting gumuhit sa labi ni Jordan, "Dapat ba akong kabahan sa mga itatanong mo, Pret?"

Ngumiti si Pretzhel, "Hindi naman. For sure na masasagot mo ang mga tanong ko. Actually, tingin ko'y mas maganda nga na lalaki ang tatanungin ko. But I want you to promise me na hindi mo sasabihin sa iba ang pag-uusapan natin, ha. Treat it like patient-doctor confidentiality," seryosong turan niya habang nakatitig sa lalaki.

"Okay."

"Pinky swear," aniya na itinaas ang hinliliit. Napangiting lalo si Jordan pero ikinawit din naman ang hinliliit sa kanya.

"Tomorrow na lang. Siguro mga around eight? Gising ka na ba noon?"

Tumango si Jordan.

"Okay. See you sa beach side na lang. We can do that while paddle boarding." Susubo na sana siya ng pagkain nang may maisip na i-confirm. "Wala kang girlfriend ngayon, tama?"

Dahil may laman ang bibig nito ay umiling ang lalaki. Pero kahit nanguya ay nagpipigil ng ngiti.

"Why?" muling tanong niya.

"Why 'why'?" balik-tanong ni Jordan.

"Why are you single? Was that your personal choice? Kasi, I mean, you're the perfect bachelor. Handsome. Smart. Rich. And as far as I can tell, a perfect gentleman," aniya na nakatitig pa rin sa lalaki. Makalipas ang ilang segundo ay dinagdagan niya ang sinabi, "Not unless, for the first time, pumalpak ang gaydar ko."

Napaubo si Jordan. "Gaydar?" Halata ang kaaliwan sa mga mata ng lalaki. Tumikhim ito saka nagsalita sa boses na sadyang pinababa, "Pinagdududahan mo ang pagkalalaki ko, Pretzhel?"

Imbes na sumagot ay tumayo siya. Walang salitang lumapit dito at saka suminghot.

Bahagyang napaatras si Jordan. "Anong ginagawa mo?"

"Inaamoy kung malansa ka," aniya na muling naupo sa bangko.

Ilang saglit na napamaang si Jordan, kasunod ang pagbunghalit ng tawa. "Woah! Lady! You really are something! Hindi nag-e-exaggerate si Ate nang sabihin niyang wala kang filter at inhibitions sa katawan."

"I didn't see that as a bad thing," kibit-balikat na tugon niya saka sumubo ng pagkain.

"It isn't," sang-ayon ni Jordan. "Sabi ni Ate Riah na iyon ang ilan sa mga katangiang nagustuhan niya sa iyo. At sa totoo lang, gusto ko rin iyon. 'Yong hindi ko kailangang mag-isip kung ano ang nasa isip mo kasi sinasabi mo kaagad. No filter. Just the truth."

Pretzhel grinned. If they only knew what was really on her mind!

Muli siyang sumubo ng pagkain. Si Jordan man ay kumain na muli.

Makalipas ang ilang saglit ay muli siyang nagsalita, "That's good to know pala."

"Good to know what?"

"Na pure-blooded male ka. At single," aniya saka muling sumubo ng pagkain. Paubos na ang pagkain niya pero wala na siyang planong kumuha pa.

Jordan laughed. "Bakit? Mag-a-apply ka bang girlfriend ko?" nakangiting tanong nito pagkalunok ng pagkain sa bibig.

"Hmmm." Nagkibit-balikat siya. Imbes na sumubo ay nilaro niya ang natitirang pagkain sa pinggan. "Been there, done that. At wala na akong planong manligaw ulit ng lalaki."

"Woah! Nanligaw ka talaga ng lalaki noon?"

Tumango siya. "At wala na akong planong ulitin. Hindi na nga ako sinagot, sinaktan pa," aniya na muling nagkibit-balikat at saka uminom ng juice.

"Pero tumatanggap ka naman ng manliligaw?" usisa nito.

May tumikhim sa gilid ni Pretzhel pero hindi niya pinansin. Lumabi siya. "I realized na kung gusto talagang manligaw ng lalaki sa akin, kahit naman sabihing kong ayaw ko, at kahit harangan ng kuya ko ng sibat, manliligaw talaga. Kaya hinayaan ko na lang sila."

Jordan grinned. "Let's say na manliligaw ako kunwari. May pag-asa ba?"

"Excuse me! Pwedeng maki-join ng table?" nakangising tanong ni Ace.

"May magagawa pa ba kami ay naupo na kaagad kayo, Kuya," aniya na iniwasang tumingin sa lalaking naupo sa mismong tabi niya.

Ace grinned but said nothing. Naupo na lang din sa tabi ni Clifford.

Muli na lang niyang ibinalik kay Jordan ang atensyon. Inilagay niya ang daliri sa tapat ng labi at matiim na tumitig sa lalaki. "Let's count the reason why I would consider you as possible boyfriend, shall we? First, gwapo ka, no doubt about that. Masarap kang ibanderang boyfriend-"

Jordan's hearty laughters halted what she's about to say. "Physical looks talaga ang una sa iyo?"

Maging si Ace ay napatawa. "Mahilig ka rin pala sa gwapo, Pet."

Pinaikot niya ang mga mata. "But, of course! Gwapo at macho! At kayong mga lalaki rin naman, di ba? Don't be hypocrites! Please! You, guys, won't even glance at a girl if she's not an eye candy! Physical beauty. Iyon ang unang dahilan kaya nakikipag lapit kayo sa mga babae."

"Hindi ko inasahan sa iyo iyan, Pet," nangingiting wika ni Ace.

"Akala ko sa inyong mga babae, ang gusto sa lalaki, iyong mabiro at masayang kasama?" tanong ni Clifford.

Nagkibit-balikat siya, "Nagpapakatotoo lang ako. Lagi namang physical beauty ang unang nakakaakit sa atin sa ibang tao, di ba? We want somebody we can proudly present to our friends. Lalo na kayong mga lalaki. But we, girls, don't settle for aesthetics. Outward appearance can only take a guy too far," aniya habang nakatingin kay Ace.

Pagkasabi noon ay tumingin siya kay Clifford. Tumaas ang kilay niya, "While being fun is important, that, alone, won't cut it on the long run. Aanhin ko ang lalaking masayang kasama kung pagtalikod ko ay may kinakalantari na palang iba? Smart girls look at what's within. Character matters. Girls are loyal, faithful to a fault. And we demand the same loyalty to our man. At least, that's for me."

"Okay. I get you," ani Jordan. Tumatango pa ito nang malingunan niya.

"Good. Anyway, back to what I was saying. The second reason is, matalino ka. Third, hindi nagkakalayo ang edad natin. Just one year gap. Very ideal, di ba? Next reason-"

"Anong one year gap? Three weeks bago ka pa mag-birthday, di ba?" kontra ng lalaking katabi niya. "You're not 24. 23 ka pa lang kaya two-year gap kayo, Pretzhel."

Tumaas ang kilay niya, "Kaya nga! My birthday is just around the corner kaya ni-round off ko na kasi gano'n din naman. At wag mo ngang gawan ng issue ang two-year age gap namin. That age gap is almost non-existent naman."

"Basta may age gap pa rin kayo," salubong ang kilay na sagot ni Clifford. Muling tumungga ng beer pagkatapos magsalita.

"Eh gaano ba kasi kahalaga sa iyo ang age gap na iyan, Pet?" natatawang tanong ni Ace na uminom din ng beer.

Ngumiti si Pretzhel. Her eyes twinkled, full of mischief. "Mahalaga, syempre. The nearest age to mine, the better. Same age, same page, and most of all, same energy level. A perfect match to mine. Walang energy gap. He can perform to the highest level."

Napabuga ng alak si Ace, napaubo si Clifford, habang tumawa naman si Jordan.

"Fuck!" ani Clifford nang makabawi. His face contorted with different emotions. Anger, confusion, jealousy.

Tumawa si Ace habang nagpupunas ng labi, "Shit, Pet. I didn't expect you'd say that! At wag mong sabihing ang iniisip ko ang talagang tinutukoy mo?"

Nagkibit-balikat siya, "Nagtanong ka, Kuya Ace. Sinagot ko lang. At kung energy sa sex ang iniisip mo, iyon nga mismo ang tinutukoy ko. I mean, the older the guy, the easier he gets tired, di ba? So, paano iyon, pagod na siya, ako bitin pa? Hindi masaya," aniya na nilukot pa ang mukha.

"Fuck it!" ani Clifford na pabagsak na ibinaba ang boteng hawak.

Si Ace naman ay lalong lumakas ang tawa.

"Unfiltered. Honest as fuck. I like you, Pret. I really, really like you," ani Jordan na tumatawa rin. Bakas sa mga mata ang matinding kaaliwan.

Ikiniling niya ang ulo at saka ngumiti, "And I like you, too, Jordan." Pagkasabi noon ay tumayo siya. "I want to indulge in something addicting and sinfully sweet. Care to join me?"

Clifford sucked a deep breath, his face grim.

Jordan stood up and grinned, "Sure."

Pretzhel winked, "Let's go get some dessert."

Continue Reading

You'll Also Like

455K 12.4K 38
Caleb Acosta grew up in a fucked up family. His mother's a cheater, and so as his father. Now he's planning to stay as a bachelor billionaire all his...
70.8K 53 1
Warning: SPG | R-18 | Mature Content Cassandra Sydeon Lopez, who was disowned by her family and forced to drop out of college due to her single-paren...
178K 3.3K 18
WARNING: MATURE CONTENT INSIDE | EROTIC-ROMANCE |18+ Ava Felicia Romero is just your typical girl who grew up in a very wealthy family. Pero kahit ha...
677K 13.2K 23
Krizza Mae Cloropio's life was perfectly fine even she'd to struggle hard for her loved one. But one day, she accidentally bumped with the well-known...