Under A Rest | โ˜๏ธ

By blueth_24

475 36 6

Police Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
A/N

Chapter 40

7 0 0
By blueth_24

Dumating ang isa sa mga araw na pinakahinihintay namin pero sa kabilang banda ay parang ayaw namin mangyari. Ang graduation niya.

Sobrang proud at masaya ako para sa kaniya dahil sa wakas ay malapit na niyang maabot ang pangarap niya, pero kasabay noon ay ang bahagyang paglayo ng distansya namin sa isat isa.

Noong nakalipas na taon ay naging madalas ang pagtatalo nila ng Lolo niya, at para makabawi ay pumayag siyang sumama sa Manila para magtraining at kumuha ng kung ano anong exam para sa pagpupulis. Kasama niya ako sa pagdedesisyon doon. Naalala ko pa ang itsura niya na halos maiyak habang tinatanong ako kung ayos lang iyon sa akin. Syempre hindi, pero dahil mahal ko siya at may tiwala ako sa kaniya ay pumayag ako.

"Congrats Uno!" sinalubong ko siya ng yakap bitbit ang bouquet ng rose na pinitas pa namin ni Maui sa tanim niya.

"Sariling sikap para magkabulaklak" natawa naman ako sa sinabi niya.

Tumingin ako sa likod kung saan naroon sina Tita Cruzete at Tito Zero. Ngumiti ako sa kanila at sinuklian naman nila iyon.  Kitang kita ko kung gaano sila kaproud sa anak nila. Ako kaya? Kailan ko kaya sila makikita na proud sa akin?

"Hey! Aren't you happy?" iwinasiwas niya pa ang kamay sa harapan ko para makuha ang atensyon ko.

Iwinaglit ko ang naiisip ko at ngumiti sa kaniya. Yumuko siya ng kaunti para maabot ko ang pisngi niya. Kinulong ko iyon sa dalawang palad ko at tinitigan siya.

"Masaya ako syempre! Proud na proud ako sa'yo Uno. Sa wakas madadagdagan na ang mararangal na pulis"

"Malayo pa Meisha, pero gusto ko kasama pa rin kita" hinalikan niya ako sa noo bago sumunod sa parents niya papuntang sasakyan.

Sana nga Uno, sana sa mga panahong iyon ay kasama mo ako dahil iyon din ang gusto ko. Gusto kong makita kung paano ka magtagumpay at gusto kitang samahan sa bawat pagsubok at lumbay.

"Uno!" bago pa man kami makapasok sa sasakyan ay may isang pamilyar na tinig ang tumawag sa kaniya. Mas humaba ang buhok niya na hanggang balikat na ngayon. Si Kiesha.

Nawala ang ngiti sa labi niya ng bumagsak ang tingin niya sa akin. Hindi lingid sa kaalaman ko na gusto niya si Uno noon pa man. Nasabi sa akin ni Uno na umamin ito sa kaniya noong 3rd year sila, kaya medyo dumistansya siya rito lalo na at ito ang natitipuhan ng Lolo niya para sa kaniya. Wala naman iyon sa akin dahil sa assurance na ibinibigay ni Uno, hindi siya nagkulang sa akin at sobra sobra pa ang ibinibigay.

"Ano yun Kiesha?"

"Ah. I just want to say congratulations." akala ko ay aalis na siya pero may pahabol siya. "And oh! Sabi ng Sir Lolo mo ay sabay na tayo sa pag puntang Manila. See you!"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, pagtingin ko kay Uno para kumuha ng sagot ay ganoon din ang reaksyon niya. Ibigsabhin ay hindi niya rin alam.

Tahimik lang kami buong biyahe pauwi sa kanila dahil mayroong maliit na salo salo roon. Mabuti na lamang at wala ang Lolo niya dahil abala ito sa pag aasikaso ng mga papers para kay Uno.

"Baby I didn't know" siya ang unang nagbasag ng katahimikan habang nakaupo kami sa garden ng bahay nila. Katatapos lang namin kumain, siguro ay gusto niya rin akong makausap kaya inaya niya ako rito.

"Ang alin?"

"Aish. Iyong kay Kiesha, hindi ko alam na kasama siya, I swear. Hindi rin naman kami madalas mag usap kaya hindi ko talaga malalaman"

Ramdam ko ang pag aalala at kaba sa bawat salitang binibitawan niya. Tinitigan ko siya at tinantya ang sasabihin ko. Bumuntong hininga ako para kumalma ang nararamdaman ko dahil sa simpleng titig niya ay nababaliw ako.

"Uno, may tiwala ako sayo. Huwag kang mag alala." kahit iyon ang sinabi ko ay may parte sa akin na taliwas doon ang gustong sabihin. May tiwala ako sa kaniya, pero sa Lolo niya at kay Kiesha? Ayaw ko na lang magtalk.

Mukhang napansin niya naman na may bumabagabag pa rin sa akin kaya ikinulong niya ang pisngi ko sa dalawang palad niya.

"Gusto mo bang huwag na akong tumuloy?" sa lambing ng boses niya ay parang gusto kong sabihin na 'oo, dito ka na lang' pero naisip ko ang pangarap niya, ang relasyon nila ng Lolo niya na nalalatayan dahil sa patuloy niyang pagmamahal sa akin. Sa lahat ng sakripisyo niya para sakin, oras na siguro para ako naman ang magsakripisyo.

"Mahal kita Uno, alam mo iyon hindi ba?" parang bata siyang tumango ng sunod sunod. "Kaya wala akong ibang gusto kundi matupad ang mga pangarap mo."

"Pero paano ka?"

"Saka na ako Uno. Ikaw muna bago ako"

Tumango siya at napangiti ako dahil nakumbinsi ko siya. Mabilis na lumipas ang araw at ang bakasyon, kaya naman nalalapit na rin ang araw ng pag alis niya.

Ang mga natitirang araw na nandirito siya ay sinulit na namin, dahil matatagalan bago ulit kami magkita. Sinigurado namin na walang masasayang na oras o araw habang nandirito siya. Kahit na sa trabaho ko ay sinasamahan niya ako.

Kakauwi ko lamang galing trabaho nang makita ko si Ate na nasa loob ng bahay.

"Saan ka nanaman nanggaling Meisha? Ang daming kailangan gawin dito sa bahay pero inuuna mo pa ang kalandian mo!" iyon ang mga salitang bumungad sa akin pagkauwi ko.

"Ate galing akong trabaho" mahinahon pa rin ako dahil pagod na ako buong araw at wala na akong lakas na makipag talo.

"Ano bang trabaho mo? Waitress o hostes? Bakit palagi mong kasama iyong lalakeng iyon. Naku! Sinasabi ko sayo, walang maitutulong sa iyo yon."

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso sa kwarto ko para magpahinga. Kung alam niyo lang kung ano ang naidudulot sa akin ni Uno. Kung alam niyo lang kung paanong nabibigyan niya ako ng lakas dahil sa mga katulad niyong nakakapanghina.

Dumating ang araw na iniiwasan ko, ang pag alis niya. Ngayon ay binabalot ako ng lungkot dahil aalis na siya at maiiwan akong mag isa.

Nagpapaalam siya sa parents niya habang ako ay nakatayo lamang sa tabi ni Maui. Lumapit siya sa amin pagkatapos. Narito rin ang mga kaibigan niya para magpaalam sa kaniya.

"Mag iingat ka roon Nuno, siguraduhin mong uuwi kang buhay"

"Opo Mamaw. Huwag mo ako masyadong mamiss ha." Bahagya siyang lumapit kay Maui para bumulong pero rinig ko pa rin. "Kapag inaway ka ni Astrid, sabihin mo lang ang pangalan ko. Para lalo siyang mainis sayo- Aray!"

Napadaing siya ng hatakin ni Avril ang leeg niya.

"Hoy SiraUno, huwang kang tatanga tanga doon ha!"

"Sana naman pagbalik ko mabuting tao ka na"

"Tangina ka talaga"

"Mommy oh! Si Avril" nagtawanan kami dahil nagsumbong pa siya sa Mommy niya.

Nakipag fist bump siya sa iba niya pang kaibigan, pero natagalan siya kay Hershel dahil mukhang maraming bilin ito.

"I promise to look after Meisha but promise me that you'll take care of yourself huh! I'm gonna punch you if not"

"Yes madam!" sumaludo pa siya bago magsalita ulit, " okay na ba? Wala na? Pwede bang sa baby ko naman?"

Namula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Bakit ba kailangan niya pa akong tawagin ng ganun. Napatingin ako sa mga kaibigan niya pati na rin kay Maui pero nag iwas sila ng tingin at halatang nagpipigil ng tawa.

"Baby take care of yourself huh? Do not force yourself, rest is necessary." tumango ako sa kaniya

"Ikaw din Uno"

Hinila niya ako para yakapin, pinigilan ko ang maluha dahil baka hindi siya tumuloy kapag ganoon ako.

"Pagbalik ko, pakakasalan kita. Intayin mo ako ha"

"Oo naman. Sigurado Yan"

Naramdaman kong mas hinigpitan niya ang yakap sa akin kaya ganoon rin ang ginawa ko.

"Mahal na Mahal kita Meisha"

"Mahal din kita Uno"

Hinalikan niya ako sa labi bago tuluyang sumakay sa van na sasakyan nila.

Hindi pa nagtatagal bago sila makaalis ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko.

From: Uno<3

Please take care of yourself. I promise to comeback as soon as I can. I'll be gone for I don't know how long but what I can assure you is I'll come home to you. No matter what. Trust me baby, I won't break it. I love you so much<3

To: Uno<3

Maghihintay ako Uno. Mahal din kita.

Mahal ko si Uno at mahal niya ako iyon ang pinanghawakan ko ng mga panahong iyon. Alam kong babalik siya ng ligtas at matagumpay. Walang kasiguraduhan kung gaano katagal at kung hanggang kailan pero sigurado akong pagkatapos ng pagod uuwi siya sa akin para magpahinga.

~💙

Continue Reading

You'll Also Like

66.4K 1.6K 38
โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€ you got me down on my knees it's getting harder to breathe out . . . โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€ ๐‘ฐ๐‘ต ๐‘พ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ฏ . . . ๐œ๐ก๐ซ๐ข๐ฌ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ง๐ข๐จ๐ฅ๐จ ha...
623K 20.7K 169
The young lady from the Xue family was talented and beautiful, and married the dream husband at the age of 16. They had a loving and harmonious relat...
399K 13.4K 53
Anhay Sharma:- Cold business tycoon who is only sweet for his family. He is handsome as hell but loves to stay away from love life. His female employ...
38.9K 1K 20
Isabella Rose Ivy Valencia-Moretti, the only girl born in Italian Mafia family after so many generations. Not only she is the princess of Italian Maf...