You Were Just A Dream [COMPLE...

By Missflorendo

533K 16.5K 2.2K

Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no... More

SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
Kabanata 32
Kabanata 33
KABANATA 34
Kabanata 35
Kabanata 36
KABANATA 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
KABANATA 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
Kabanata 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Epilogue (Part 1 of 3)
Epilogue (Part 2 of 3)
Epilogue (FINALE)

KABANATA 47

6.7K 215 36
By Missflorendo

"We really appreciate your personal visit, Mr. Hidalgo. Please send our regards to Mr. Castillejo."

"Will do. Thank you." Nagpaalam kami sa pinakaunang mall na binisita namin today.

Pagbalik namin sa sasakyan inabot ko agad sa kanya 'yung folder para sa susunod naming pupuntahan. Actually pwede naman niyang iutos ang trabahong 'to sa aming mga empleyado, pero ewan ko ba sa kanila ni Cenon—masyadong hands-on sa jewelry line na ito. Siguro ay dahil 2 years pa lang since nag-launch ito and I still remember na nagta-trabaho pa 'ko sa kanya noong pinaplano pa lang niya ang tungkol dito.

"Nakuha mo ba 'yung listahan ng mga kulang nila?" tanong niya habang binabasa 'yong ibinigay ko. Tumango ako at itinaas ang dala kong iPad.

"Nakuha ko. At kung may ihahabol daw sila ay i-email na lang nila sa 'kin."

"Okay good."

Kung saan-saan pa kami napadpad at kung kanina'y akala ko mabu-bwisit lang ako maghapon dahil siya ang kasama ko, ngayon ay parang nalimutan ko kung papaano ma-bwisit. Literal na nawalan ako ng oras para isipin pa 'yon at gaya nga ng sinabi niya, I have to focus on my work and that's what I did.

"Okay ka pa?" tanong niya after namin sa 2nd to the last mall naming naka-schedule. Tumango ako at tumingin sa labas ng bintana.

"Okay pa."

"Do you want us to have dinner first?" Madilim na rin kasi mukhang hindi talaga namin kakayaning makauwi ng alas otso. 6:30 pm na pero may dalawang mall pa kaming naghihintay.

"Tapusin na lang muna siguro natin 'yung mga natitira. Gutom ka na ba?"

"Oo."

Napatingin ako sa suot kong relo. Ki-nal-culate ko agad kung anong oras ako makakauwi kung kakain muna kami. Gusto ko pa sanang abutang gising ang anak ko kaso mukhang malabo na.

"Okay sige pero pwedeng mabilis lang?"

Blangko ang mukha niyang bumaling sa side ko at mga tatlong segundo bago siya nagbalik ng tingin sa daan.

"Let's just finish work if you're in a hurry. Mukhang may importante kang hinahabol."

"Okay lang sige na hanap na lang muna tayo ng malapit na kainan." Kasalanan ko pa kapag bigla siyang nahimatay sa gutom. Ni hindi ko nga siya nakikitang uminom ng tubig samantalang ako nakailang refill na 'ko sa dala kong tumbler.

At dahil medyo traffic ay nag-drive thru na lang kami at sa loob ng sasakyan niya kumain. Grabe pakiramdam ko 'yung energy ko for the whole week ay naubos na ngayong araw pa lang na 'to. Ginalaw-galaw ko ang mga paa ko at sinuntok-suntok nang mahina para mawala ang ngalay. Daig ko pa ang naglakad maghapon dahil sa taas ng heels na suot ko.

"Just wear rubber shoes tomorrow para hindi sumakit 'yang paa mo."

"As if namang makakapag-rubber shoes ako nang naka-pencil cut skirt? Tsk." Hindi ko napigilang sungitan siya.

"Sino ba kasing may sabi na mag-palda ka ng ganyan?" Sinulyapan niya 'ko saglit at kahit madilim ay nakita ko ang pag-ikot ng mga mata niya.

"Malamang nasa trabaho ako kaya gan'to ang suot ko!"

"Naka-fieldwork ka at wala sa loob ng opisina. Wear any decent comfortable clothes tomorrow."

"Okay. Sabi mo, eh. S'yempre susunod po ako sa inyo, sir." Napairap din ako sa gitna ng kadiliman at hindi ko na siya kinausap pa ulit hanggang sa matapos namin ang kahuli-hulihang mall ng around 10pm. Kung tutuusin dapat kanina pa kami tapos. Kaso nga lang ay mas mahaba pa ang binyahe namin dahil sa traffic kaysa sa itinagal namin sa mga mall.

"Sa office mo na lang ako i-drop."

"Gabi na. Idideretso na kita sa bahay mo."

"Hindi na kailangan. Sa office mo na 'ko ibaba."

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Hindi mo ba alam na delikadong bumyahe ng gan'tong oras?" galit na ang tono ng boses niya. Aba at masyadong concern naman yata 'tong boss ko?

"Alam ko ho, sir. Kaya nga ho may susundo sa 'kin sa opisina." Pinakadiin-diin ko na sa kanyang may susundo sa 'kin para manahimik na ang kaluluwa niya. Gustuhin ko man na ideretso niya na 'ko sa bahay para hindi na rin maabala pa si Nathan ay hindi ko naman kayang itaya na baka makita niya si Sydney. I have to carefully hide my daughter from him until Nathan finishes his work and we can get back to the States.

Paghinto namin sa tapat ng Castillejo Group ay saktong naro'n na ang sasakyan ni Nathan.

"I'll go ahead," sabi ko at hinawakan na ang handle ng pinto. Pero napahinto ako sa tanong niya.

"Kayo ba ulit niyang ex mo?"

Natigilan ako. Ano naman sa kanya kung oo o hindi?

"I don't think it's necessary for me to answer that question, sir," mabilis na sagot ko at tuluyang lumabas na ng pinto. Sinalubong ako agad ni Nathan at sinulyapan pa nito ang sasakyan ni Damon bago ako nito pinagbuksan.

"Mukhang pagod na pagod ka, Tin."

"Haaay naku sinabi mo pa." Napabusangot ako at napahugot ako ng malalim na hininga bago ikinabit ang seat belt ko. "Sobrang manhid ng mga paa ko sa pagod at gusto ko na lang na matulog. Can I take a nap?"

"Sure. Gisingin na lang kita pagdating natin." Sumandal ako ng maayos sa seat ko at medyo ibinaba ito.

"Si Sydney nga pala?" tanong ko kahit nakapikit.

"Already asleep. Don't worry alam naman niyang busy ka kaya hindi ka niya na hinintay." Tipid akong ngumiti at naramdaman ko na ang matinding antok.

"Thank you, Nathan," mahinang sagot ko bago ako tuluyang takasan ng diwa ko.

"Basta ikaw."

The next day iniwan ko na lang ang sasakyan ko sa parking ng kumpanya para hindi na maabala pa si Nathan kahit pa pinipilit niyang okay lang na sinusundo niya 'ko. May hiya pa naman ako kahit papaano dahil kapag sinundo niya 'ko ay pati si Isla kailangan naming abalahin para may maiwan kay Sydney sa bahay.

"Tingin mo ba kailangan na talaga nating kumuha ng yaya ni Sydney?" tanong ko kay Nathan habang nag-bi-breakfast kami. Noon pa naman niya 'to sinuggest sa 'kin nung sinabi kong magtatrabaho ako pagdating dito. Actually nasa US pa nga kami ay gusto niya ng magpahanap ng yaya ng bata kaso lang ay kumontra ako.

"Payag ka na?"

"Natatakot kasi akong baka makatagpo tayo nung mga katulad sa ibinabalita sa TV. Yung sinasaktan nila 'yung mga alaga nila?"

Napatingin si Nathan sa anak kong busy sa paglalagay ng snacks and liptint nito sa bag. Tapos bigla siyang tumawa kaya napataas ang kilay ko.

"Sydney is a very smart little girl," sabi niya nang nakatitig pa rin sa anak ko. "Tingin mo ba siya 'yung tipo ng bata na basta lang magpapa-api?"

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Are you saying na mas mataas ang chance na ang anak ko ang mang-api sa magiging yaya niya?" Doon biglang humagalpak ng tawa si Nathan at nawala tuloy ang pangamba kong maaapi ang anak ko.

So after that talk, we've finally decided na maghanap na nga ng yaya ni Sydney. Since busy ako sa trabaho, tinulungan na 'ko nina Isla at Nathan sa paghahanap. Nasa kalagitnaan ako ng fieldwork ko kasama ang boss kong kampon ni Satanas nang mag-text si Isla na nakahanap na raw sila.

"Thank God," I whispered in relief. Napatingin tuloy sa gawi ko si Damon at mabilis na itinago ko ang phone ko sa bulsa. Psh. Baka mamaya sabihin ng kurimaw na 'to na cellphone lang ako nang cellphone sa gitna ng trabaho.

Pagpatak ng alas-dose ng tanghali ay saktong nakarating kami sa restaurant kung saan kami inimbitahan ni Ms. Cheng na mag-lunch with her. Akala ko nga ay may gusto itong ipabago sa kontrata pero gusto lang pala talaga nitong magkaroon ng simple meal with us. Sayang nga at wala si Cenon dahil kasama dapat ito rito.

"Glad to see you, Celestine! Mabuti at nakasama ka rito kay Damon." Sinalubong ako ni Ms. Cheng na nangingibabaw ang kagandahan sa suot nitong white suit at bineso pa ako.

"I'm happy to see you as well, Ms. Cheng. Kamusta po kayo?" Sobrang bait nito sa 'kin at iginiya pa ako sa seat katabi ni kurimaw. Malapad ang ngiti nitong bumalik sa pwesto sa tapat namin.

"Hay as usual, heto stressed pa rin."

"And what stressing the beautiful and succesful Adelaida Cheng-Soliman?"

"Oh come on, Damon. You know I don't like hearing that dirt attached with my name."

Kinabahan ako dahil akala ko ay na-offend ito sa sinabi ni Damon, but turns out that they're close enough to talk about such things. Nagku-kwentuhan kaming tatlo habang kumakain. Nag-uusap sila about business and sumasagot naman ako kapag hinihingi nila ang opinyon ko.

"I was really surprised that day na nakita kita sa Castillejo Group, Celestine! I didn't expect to see you there since I knew that you were in Autralia."

"You have known her before?" Damon asked Ms. Cheng.

"Yeah we met already 4 years ago and alam mo bang sobrang gaan ng loob ko sa batang 'to unang kita ko pa lang sa kanya?" Elegante itong tumawa pa. "Sayang nga't paalis na pala siya ng bansa noon. Oh by the way! How's Atty. Fortez nga pala? I still owe him a meal!"

Napangiti ako. "He's fine, Ms. Cheng. Medyo busy lang din siya recently, but he's doing well. Nabanggit ko na rin sa kanyang nakita ko kayo."

"Naku balita ko nga tinanggap niya 'yung kaso laban sa mga Gonzago. Please tell him to always be careful of those people. They're dangerous and they certainly won't let lose the case."

Humigpit ang hawak ko sa baso pero nakangiti akong tumango. "Lagi ko nga po siyang pinaaalalahanan."

"Mabuti. Pero naniniwala naman ako na kayang ipanalo ni Atty. Fortez ang kasong 'yon. I had witnessed his skill as a lawyer before and I'm sure na mas lalo siyang gumaling ngayon. Especially you being next to him. He's a lucky guy." She was all smile praising Nathan's skill as a lawyer habang ako naman ay tipid lang na ngumingiti.

Hindi ko naiwasang mag-alala na naman tuloy kay Nathan sa paghawak niya ng kasong 'yon. Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi ko na nagawang makipagsabayan pa sa usapan nila dahil kung saan-saan na lumipad ang utak ko. Maruming maglaro ang mga Gonzago kaya unang sabi pa lang niya na hahawak siya ng kaso laban sa mga ito ay hindi na agad ako natuwa. Pero s'yempre ay wala naman akong karapatan na pakialaman ang mga personal na desisyon ni Nathan. I just shared him my opinion about it, but I did not interfere with him. I still told him that I'll support whatever his decision is.

Nakabalik na kami ni Damon sa sasakyan para sa susunod naming destinasyon. Naisiuot ko na rin ang seat belt ko, pero nananatili pa rin siyang walang kibo. Tahimik at nakataas ang kilay ko siyang pinagmasdan at parang kahit ang pagtingin ko sa kanya ay hindi niya napapansin. Anong nangyari sa kurimaw na 'to? Naiwan niya ba ang dila niya ro'n sa loob?

"So you were together in Australia?"

I froze on my spot. Bigla akong nabingi sa paglakas ng tibok ng puso ko at parang gusto nitong lumabas sa dibdib ko. Hindi ako nakaimik. Tulala pa rin akong nakatitig sa kanya at nang bumaling siya sa 'kin ay mabilis na ibinalik ko ang tingin ko sa harapan. Napalunok ako.

"Y-Yeah," kabadong sagot ko.

Iniisip ko pa lang na susundan niya pa 'yong tanong niya ay naghahanda na ako kung papaano ko siya susungitan para manahimik. Ngunit para akong pinaglaruan ng engkanto at biglang hindi nakaimik.

"Did you two get back together?"

"N-Nasa trabaho tayo. You should not be asking me personal questions."

"How is it fucking personal if it involves me?" Napaigtad ako sa kinauupuan ko sa medyo pagtaas ng boses niya. Pinanatili ko ang sarili kong kalmado para hindi niya isiping apektado ako. Diretso akong tumingin sa daang nasa harapan.

"There are things we should just leave in the past. I'm sorry, but I'm not comfortable talking about that," I said in my coldest voice. Napakunot noo ako nang mahina siyang tumawa ng nakakaloko.

"Not comforable? Or maybe you're just still avoiding it?" Kahit hindi ko siya tinitignan ay ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pananalita niya. Galit pa rin ba siya hanggang ngayon? Pwes, ang kapal naman ng mukha niya kung gano'n. 

"Wala nang silbi pa na pag-usapan natin ang nakaraan. May kanya-kanya na tayong buhay, Damon," kalmadong wika ko. Ayoko na lang na sabayan ang init ng ulo niya.

"Kelan ka pa nakabalik?"

"3 months ago. Just a month before ako pumasok ng Castillejo Group."

"Are you staying for good?"

"No," mabilis kong sagot. "We're going back to the states after Nathan's work here."

"So, you just accompanied him here..." Tumango ako at tumawa na naman siya ng mahina. 

"Ayoko lang na mag-stay nang walang ginagawa sa bahay kaya ako nag-decide magtrabaho muna. At saka baka magtagal din si Nathan dahil malaking kaso ang hawak niya."

"Do you live together in the States?"

Bakit ba ang dami niyang tanong?

"No. But we lived together for two years when we were in Australia," maingat na sagot ko. Alam kong kaya niyang alamin sa isang pitik lang ng daliri niya ang mga pinaggagawa ko sa ibang bansa kaya't hangga't maaari ay ayokong magsinungaling sa kanya. Maliban na lang s'yempre sa part ng pagbububuntis ko sa anak namin kaya ako nasa Australia.

I saw his grip tighten on the steering wheel. Binalot kami ng nakabibinging katahimikan dahil sa biglang hindi niya pag-imik. Ano ba kasi 'tong ginagawa niya? Anong bang gusto niyang palabasin?

"How hard is it for you, Celest, to let me know you're happy with him now? If you're thinking that I'm just gonna bother you two...don't worry—I won't." Napabaling ako sa side niya at gano'n din siya sa 'kin. Seryoso lang siyang tumingin. "Rest assured that I won't bother you anymore. It's enough for me to know you're doing fine ... and happy. That's all I want to know."

He loosened up his tie a bit before he started to drive. Akala ko ay magiging mas awkward ang paligid naming dalawa pagkatapos ng pag-uusap na 'yon, pero hindi ko inaasahan na mas magiging maayos siyang kasama. Kaswal na empleyado ang naging pakikitungo niya sa 'kin. Hindi mababakas ng kahit sinong makakakita sa aming dalawa na nagkaroon kami ng nakaraan dahil sa napaka-propesyonal niyang pakikitungo sa 'kin.

"If anything else is needed, please don't hesitate to contact Celestine."

Malapad ang ngiti ng mall manager na tumugon.

"Maraming salamat po, sir Damon!"

Maaga kaming natapos ngayon kumpara nang mga nakaraan dahil tatlong mall lang ang naka-schedule namin. Ibina-base kasi namin ang distansya ng mga ito para hindi kami mayadong mahirapan. Kaya bukas, since tapos na kami sa mga malalapit ay doon naman kami sa magkakalapit na mall sa mga probinsya. Ugh! Iniisip ko pa lang ang layo ng magiging byahe namin sa mga susunod na araw ay napapagod na 'ko.

Pabalik na kami sa parking at naglalakad na sa loob ng mall nang mag-ring ang cellphone ni Damon. Napatingin siya sa 'kin pagkatapos niyang makita ang screen ng phone niya. Tinaasan ko siya ng kilay nang manatili pa rin siyang nakatingin habang naglalakad kami. Tapos huminto siya at sinagot ito sa isang tabi.

Psh. Feeling naman niya makikinig ako sa kausap niya! No choice ako kundi huminto rin. Pero lumayo ako nang kaunti para hindi siya ma-bother na marinig ko ang kung sino man 'yung kausap niya. Tsk. Saktong nasa tapat ako ng isang store na puro laruan at hindi ako nagdalawang isip na pumasok para maghanap ng pwede ipasalubong ko kay Sydney. Ayos!

"May latest release ba kayo ng make up kit ni barbie?"

"Ay sakto, ma'am, kadarating lang kanina! Wait po kunin ko lang po." Excited itong umalis sa harapan ko na para bang ako pa lang ang customer nila sa araw na 'to.

"Okay sige."

Habang hinihintay ko itong bumalik ay nagtingin-tingin ako ng iba pa na pwede kong mabili. Maliban sa pagme-makeup, mahilig si Sydney sa mga stuffed toys. Sobrang dami niyang teddy bears sa States dahil iniispoil siya masyadong nina mommy at daddy. Kaya nang umuwi kami rito sa Pinas ay medyo hirap siyang matulog dahil hindi sanay na wala itong katabing teddy bear. Buti na lang at nagawan ng paraan ni Nathan at naitabi pa pala niya 'yung mga laruan namin noong bata pa kami. Sobrang sinop ba naman kasi ni Tita Emma!

"Anong binibili mo?"

Gulat na napalingon ako kay Damon na biglang nasa likuran ko na.

"Ma'am, heto na po. Sorry po natagalan. Heto po saktong for 3-5 years—" Nanlalaki ang mga mata kong pinutol agad ang pagsasalita nung sales lady.

"A-Ah sige pakibalot na lang! At saka ano...p-pakisama mo na rin ang mga 'to." Inabot ko 'yong dalawang teddy bear.

"Okay po, ma'am."

Pinigilan kong mabuti ang sarili kong 'wag mag-panic sa harapan niya dahil ramdam ko ang sunod na mga tingin niya. Tangina! Nawala agad sa isip ko na kasama ko nga pala ang kurimaw na 'to pagkakita ko sa mga laruan! Jusko anong sasabihin ko kapag nagtanong siya? Ipangreregalo ko gano'n? Tama. Pwede!

"Ma'am, 5,350 po lahat," sigaw ng babae sa cashier. Tinalikuran ko agad si Damon at pumunta ro'n sa harapan. Medyo nanginginig pa 'yung kamay ko sa pagkuha ng card ko sa wallet.

"Naku ma'am pasensya na po pero cash lang po ang tinatanggap namin today. Out of service po kasi ang aming system."

"Hala gano'n ba..." Napakamot ako ng ulo at tinanaw sa labas kung may malapit na atm dahil wala akong cash. "Pwedeng mag-withdraw lang ako sag—"

"Here." Napatingala ako kay Damon na nag-abot ng cash sa cashier. "I still have an appointment after this. We have to hurry back," aniya nang nakayuko sa 'ki bago pa 'ko makakontra.

"O-Okay. Bayaran ko na lang pagbalik natin." Hindi naman siya sumagot at nauna nang lumabas sa 'kin pagkaabot ng attendad sa mga binili ko.

Halong tuwa at kaba ang nararamdaman ko habang naglalakad kami sa mall. Kabado ako sa kung anong iisipin niya pero hindi ko mapigilan ang ngiti ko sa naiimagine kong mukha ng anak ko pagkabigay ko ng mga ito.

"Para kanino ba 'yang mga binili mo?" Bumaba ang tingin niya sa paperbag na dala ko. Para sa anak mong gago ka. Tsk.

"Pinabili lang 'to ni Isla. Baka may reregaluhang inaanak." Magaling, Celestine! Magaling!

"Ahh." Tumango lang siya. "Are you not hungry? We can still have dinner bago bumyahe."

"Wag na. May appointment ka pa 'di ba? At saka, ugaliin mong sa bahay mag-dinner kasama siya. That will surely make her happier."

"Who are you referring to?"

"Your wife—of course."

"Do you see me wearing a wedding ring?" Tumigil siya bigla sa paglalakad at saktong kalalabas lang namin sa exit ng mall. Nakataas ang kilay ko sa paghinto niya, lalo nang itaas niya sa harapan ko ang kanyang kamay.

"What do you mean?"

"I'm not married."

My brows furrowed. "What? Why?"

Natatawa niyang ibinalik sa bulsa ang mga kamay niya at saka malademonyong ngumisi sa 'kin ang gago.

"Now you are interested why I am not married, huh?" he said with a cocky grin on his face.

***
Angel's note: Kabanata 48-52 are now available on Patreon. Subscription is only 150php per month. Just send a message to my FB Page Missflorendo for assistance. Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
14.2K 360 22
Career Series #2 Ever since Kimea was in highschool, she had a bestfriend named Syebastian. They both had big goals for their own future to fulfill...
1.5K 70 8
Blurb "I lost the chance to confess my true feelings for you, Nikki. But today, I won't let this chance to pass. I love you. I love you, so much Nik...