Defiant Youth Series # 12: Un...

Bởi AthanWP

7K 424 53

PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING) Defiant Youth Series #12 (A COLLABORATION SERIES) COMPLETED Years ago, t... Xem Thêm

Defiant Youth Series
Playlist
Prologue
Chapter 1: Pagkabata
Chapter 2: Eskwelahan
Chapter 3: Magnanakaw
Chapter 4: Bugbog
Chapter 5: Dead
Chapter 6: Pagtatapos
Chapter 7: High School Life
Chapter 8: Karahasan
Chapter 9: Alak
Chapter 10: Pariwara
Chapter 11: Kicked out
Chapter 12: Pulis, Kulong, Pagbabalik
Chapter 13: Pag-alis
Chapter 15: Babae sa iskinita
Chapter 16: Babae sa nakaraan
Chapter 17: Pag-alok
Chapter 18: Bagong Trabaho
Chapter 19: Aling Berna
Chapter 20: Kawalan ng tiwala
Chapter 21: Two years
Chapter 22: Paggahasa
Chapter 23: Atty. Mishel Marrey
Chapter 24: Muling pagkikita
Chapter 25: Pagsampa ng Kaso
Chapter 26: Warrant of Arrest
Chapter 27: First Hearing/Trial
Chapter 28: Feelings
Chapter 29: Last Hearing/Trial
Epilogue
Special Chapter

Chapter 14: Buhay sa Lungsod

96 9 1
Bởi AthanWP

Laxxus POV

PAGKATAPAK ko pa lang ng Maynila, walang sariwang hangin, mainit at maraming sasakyan. Napangiti na lang ako dahil iba talaga ang buhay dito sa lungsod kaysa sa probinsya.

"Paano ba iyan Laxxus, dito ka na muna tumuloy pansamantala," imporma sa akin ni Mang Kanor.

Inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid. Pansamantala muna akong matutulog rito sa barong-barong na tulugan ng mga drayber ng truck. Sabagay, kapag siguro makalipas ang isang linggo may mahanap na rin akong paupahan.

"Sige po, Mang Kanor. Maraming salamat po."

Tinapik nito ang aking balikat. "Iiwan na muna kita rito, kailangan ko rin umuwi sa asawa ko," natatawa niyang saad sa akin. "Mahirap na at baka palayasin ako sa bahay, selosa pa man din iyon," biro niya na siyang ikinatawa ko.

"Sige, Mang Kanor. Ingat po sa daan,"

"Ikaw ang mag-ingat, Laxxus. Maraming masasamang loob rito," seryosong paalala niya.

Ngumiti na lang ako ng pilit sa kaniya. Umalis na rin ito at naiwan akong mag-isa. Napabuntong-hininga ako, naupo ako sa isang mahabang upuan. Inayos ko ang aking dalang bag at iyon ang ginamit na unan.

Matutulog na sana ako ngunit may narinig akong kaluskos. Napabangon ako ng mabilis nang may marinig akong nagsalita.

"Gago, pare! Ang kinis ng babaeng iyon, gusto ko tuloy siyang i-kama!" napahalakhak pa ang lalaki.

Nakikinig lang ako sa kanilang usapan habang nakakunot ang aking noo. Tila nagbalik ang isang ala-ala sa utak ko na ayaw kong mangyari muli. Ayaw ko nang alalahanin pa ang bagay na iyon dahil magiging sagabal lang sa pagbabagong buhay ko.

"Ako rin, pare! Kung hindi lang dumating ang boyfriend niya siguro sarap na sarap na tayo ngayon," pagsang-ayon ng kasama nito.

Tumawa silang dalawa na tila ba baliw at hayok sa isang babae. Mabilis akong nagtago sa ilalim ng medyo maayos na pa naman na kama dahil narinig ko ang yabag nilang papasok sa loob.

"Bakit iba ang amoy rito sa loob? Parang may bagong salta, pare."

Tinakpan ko ang aking bibig upang walang marinig na kahit anong tunog. Hindi rin ako makahinga dahil nasisikipan ako sa aking pinagtataguan. Sinubukan kong tumagilid at hindi gumawa ng kahit na anong tunog.

"Guni-guni mo lang iyon pare,"

Humiga ang isa sa kama. Pinilit kong huwag huminga ng mga ilang segundo. Nakikita ko ang biyas ng isa pang lalaki na nakatayo pa lang sa gilid ng kama. Napaigtid ako nang maramdaman kong sisilip siya sa ilalim pero mabuti na lang at napigilan ng kaniyang kasama.

Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Tangina! Muntik na ako roon, ah. Bulong ko sa aking isipan.

Naging tahimik ang buong paligid, namatay na rin ang ilaw na nagsisilbing liwanag sa buong kwarto. Minumura ko ang aking sarili dahil panay ang kagat sa akin ng lamok. Anong aasahan ko rito? Wala na ngang bentilador, marumi pa ang buong paligid.

Hindi sa minamaliit ko ang tulugan ng mga ibang kargador at drayber ng truck pero mukhang mas malinis pa ng kaunti sa aming baryo. Ipinikit ko na lamang ang aking mata at hindi inalintana ang pagkagat sa akin ng mga lamok.

KINABUKASAN, maaga akong nagising. Wala na rin ang dalawang lalaki sa loob. Lumabas na ako sa aking pinagtataguan, nag-inat pa ako at talagang masakit ang aking likuran dahil sa sahig lang naman ako natulog.

Pagbukas ko ng pinto, umalingasaw sa akin ang amoy ng Maynila, ang amoy ng squatter na aking nakasanayan. Paglabas ko pa lang ay nakita na ako ni Mang Kanor kaya agad akong lumapit sa kaniya.

"Magandang araw po, Mang Kanor." masiglang bati ko. Ngumiti rin ito sa akin pabalik.

"Magandang umaga rin, hijo." bati niya, "Ah, siya nga pala, ipapakilala ko ang iyong makakasama at tiyak kong diyan rin sila natulog kagabi," usal niya sa akin bago tawagin ang taong sinasabi niya. "Kunoy! Berting!" pagtawag niya, tumingin ako sa direksyon na kaniyang tinitignan. Napalunok ako, lumakad na sila patungo sa aming kinaroroonan.

"Aba! Magandang umaga, Kanor!" bati niya rito na sa tingin ko ay Berting ang pangalan bago tumingin sa akin, "Oh? Sino siya? Bagong salta?" tanong niya.

"Oo. Siya si Laxxus, nagmula pa 'yan sa isang maliit na barrio sa Antique," paliwanag ni Mang Kanor.

"Ako si Kunoy, galing rin sa isang liblib na lugar sa Marinduque," pakilala ng lalaki sa akin. Matangkad siya at talagang malaki ang pangangatawan buhat na rin siguro sa pagbubuhat. "Ang guwapo mo namang bata." nakangiting usal niya.

Kinutusan siya ni Berting. "Gago, mas guwapo tayo riyan!" sambit nito na siyang ikinatawa ko.

"Guwapo naman po tayong lahat, mas lamang nga lang po ako." pagbibiro ko na kanilang ikinatawa.

Tinapik-tapik nila ang aking balikat at tila naasiwa ako roon ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang nang muling magsalita si Berting.

"Ang hangin naman niyan, Laxxus. Tiyak kong maraming magkakandarapa sa iyo rito sa Maynila pero kailangan mo munang magpalaki ng katawan," nakangising usal nito.

Natawa kaming tatlo sa sinabi ni Berting.

"Hehe, siguro." iyon na lang ang tangi kong na-isagot sa kaniyang sinabi.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nagpaalam na si Mang Kanor sa amin. Kasama ko na ngayon ang dalawa na tila wala lang sa kanila ang pagbubuhat ng dala-dalawang sako ng gulay.

"Itong mga gulay na ito, bata ay ilalagay natin doon sa may truck na nakaparada roon," sabi ni Kuya Berting at sinundan ko ang itinuturo ng kaniyang nguso.

Tumango na lamang ako bilang sagot at binuhat na rin ang isang sako ng gulay. Sinundan ko ang kanilang dinadaanan dahil medyo lubak rin kasi rito sa paradahan. Napailing na lang ako at sa ganitong pamumuhay, ay sana maging maayos at wala ng huhusga pa sa akin.

SA SUMUNOD NA ARAW, naghanap ako ng paupahan na silid dito sa may Tondo. Habang naglalakad, nakikita ko ang mga batang naghahabulan sa lansangan at pansin ko rin ang bawat titig ng mga taong nagbebenta sa bangketa.

Naisipan kong magtanong sa isang Ale sa isang maliit na tindahan. "Ale, maaari po ba akong magtanong?"

Ngumiti ito sa akin, "ano iyon, hijo? Bago ka lang ba rito sa Maynila?"

"Naghahanap po kasi ako ng pwede kong upahan, Manang. At opo, bago lang po ako rito," nakangiting sagot ko sa kaniya.

Tumango-tango naman ito. "Tamang-tama, hijo at naghahanap ako ng maaaring tumira sa isang kwarto sa aking bahay," pag-imporma niya.

"Talaga po?! Magkano po ang buwanang bayad?" Napakamot ako sa aking ulo sa tanong na iyon.

"Ah, isang libo lang, hijo. Ang tubig at kuryente mo ay libre na dahil bumawi ka naman sa ka-gwapuhan mo." naiiling na sagot niya na aking ikinatawa. "Baka maraming bumili rito sa aking tindahan kapag nagkataon," dagdag pa niya.

"Maaari na po ba akong tumuloy mamayang hapon, Manang?" tanong ko at naglabas ng isang libo sa aking bulsa, "ito po muna ang pa-unang bayad ko ngayon," abot ko sa kaniya ng pera.

"O sige, hijo. Pagkabalik mo mamayang hapon ay malinis na ang iyong silid-tulugan."

Nagpasalamat na lang ako kay Manang Nez at umalis na roon para bumalik sa trabaho. Mabuti na lang at nakahanap agad ako ng malilipatan kung hindi ay baka kung ano na naman ang aking madatnan na usapan nila Kuya Berting at Kunoy.

Sa pagbalik ko sa trabaho, hindi ko inaasahan na mapapagalitan ako ni Mang Kanor. Hindi kasi ako nakapagpa-alam sa kaniya.

"Laxxus! Saan ka ba galing? Hindi ba't sinabi ko sa iyo na tuwing aalis ka ay magpaalam ka?" singhal niya sa akin.

Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil sa hiya, "pasensya na po, Mang Kanor. Naghanap lamang po ako ng pwede kong mau-upahan na siyang magsisilbi kong tirahan rito sa Maynila."

Namewang lang ito, "O siya! Buhatin mo na ang mga sako ng gulay dahil kailangan na 'yan mailuwas agad," utos niya sa akin.

Hindi na lang ako nagsalita at tumalima na lamang sa kaniyang ipinag-uutos. Ganito pala ang buhay sa Maynila. Kapag napagalitan ka, mapapahiya ka talaga lalo pa at bagong salta lamang.

Kung ito man ang magiging kapalaran ko, ang magbuhat ng sako-sakong mga gulay at prutas, magiging panatag na ako dahil nakalayo rin lang ako sa dating buhay ko noon. Kung hindi ako yayaman, hindi ko na rin papangarapin pa iyon dahil sa buhay, hindi lang pera ang kailangan. Hindi man ako nakatapos ng pag-aaral, basta kaya kong dumiskarte, kayang-kaya kong i-angat ang sarili ko na walang tinatapakan.



To be continued...

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

30K 1.5K 33
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
11.3K 576 41
She was lost and caged herself with the idea of being alone. Bitterness can be seen in her eyes but what if life surprises her that in a blink of an...
90.3K 2.5K 48
"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories and ended up with an unknown man named Ra...
572K 10K 54
Si Iris Freya Jimenez ay may malaking pangarap para sa sarili. She has always been the good daughter to her family para lang mapasaya ang mga ito. Un...