Their Complexities (Book 3 of...

By keeperofsins

46.8K 1.4K 401

What happens when you're both at your ends More

FOREWARNING
Prologue
Is there a difference?
Best dad ever!
Clarity
Entanglement
Flicker
Invasion
The boy in the middle
Concerns
Strucked
It begins
In motion
Revelation
Gifts
Good surprises
Spotted
Having it
Clearing things
Importunate
Let's get it on!
Pulling out
Cornered
Try
Hooking it
Who to pick?
In the red corner
Plan
Fall of the figure
Confrontations
Hunches
Enticing
A possible sidetrack
What is the surprise?
Surprise, surprise!
Another test
Face-off
Comfort
Disturbance of comfort
Disturbances
Fate and its consequences
Is it too late to apologize
For them
A request
Compromise
Final Decision

In the blue corner

580 30 11
By keeperofsins

"Mikael can I talk to you for a sec?" tawag niya sa binata pakapunta ng sala.


Nadatnan niya ito na nakikipaglaro sa mga anak niya kaya naman agaran na lamang ang pagtigil nito.


"Sige po," agaran na sagot ni Mikael na ngiting-ngiti pa na sumunod sa kanya.


Pasimple niya na lang na sinilip si Andrew na abala na ngayon sa pakikipagkulitan sa paslit nito at sa bunso niya, ang iba naman na anak nila ay abala pa rin sa paglalaro kaya naman nagtuloy-tuloy na siya papunta sa garahe kasunod ang binata.


"Kamusta ka naman these past few weeks, ayos na ba iyong work mo sa papa mo?" agad na lang niyang bati nang makalayo na sila at makapunta sa may gilid ng sasakyan.


"Opo, wala na rin naman problema since patapos na kami," masayang saad na lang nito na umuuga-uga pa sa tila paglalaro ng paa.


"That's good to hear," ngiting saad niya na lang habang napapatango.


Nakahinga siya ng kaunti dahil kahit papaano ay mukhang talagang umaayos na ang buhay ng binata.


"May problema ba mam Lucy?" pansin na lang ni Mikael nang mapansin ang tila malalim na iniisip ng kausap.


"I just wanted to be honest with you Mikael," pilit ngiti niya na lang nang maalala ang dahilan ng pagtawag niya rito. "Alam mo naman na nakasama ko iyong ex-husband ko nitong nakaraang bakasyon namin diba," pagpapaalam niya.


"Opo," nanghihina na sagot na lang ng binata sabay napayuko na lamang.


Isang malalim na paghinga ang ginawa niya dahil sa bahagyang hiya ng mga sandaling iyon. "Well, we got drunk and something happened between us, alam mo naman kapag naka-inom, and being in that situation made me realize a lot of things," turan niya na lamang.


"A...Ano naman po iyon?" kabadong saad na lang ni Mikael.


Marahan niya na lang hinaplos ang pisngi nito. "The thing with us, it's something that a lot of girls dream of, alam mo iyon, having a caring, successful and loyal guy like you at their side plus the fact that you're also really good looking and gifted just adds more positive points to it," lambing niyang turan sa binata.


"Mam Lucy naman," napanguso na lamang ito ng wala sa oras.


Pinilit manatiling seryoso ni Lucy kahit pa naroon ang bahagya niyang pagkaaliw sa inaasal nito. "And you staying with me just end up becoming such a waste for someone out there, lalo pa na I can't return your feelings," amin niya na lang muli.


Iyon naman kasi ang ilang beses niya ng paulit-ulit na sinasabi sa binata dahil kahit ano yatang gawin niya ay sadyang hindi niya maibabalik ang ibinibigay nitong pagtingin.


"Mam Lucy, sabi ko naman sa inyo basta makasama ko lang kayo, ayos na ako," saad na lang muli ni Mikael na nilalaro na ang paa sa sahig.


"It's that exact thinking that scares me right now, you should think a bit more about your self some time, so that you can enjoy yourself naman, have fun, be with people your age," sermon niya na lang sa lalake dahil sa tila pag-uugali nito.


"I'm having fun naman eh, and also na-e-enjoy ko pa rin naman lahat ng gusto ko kasi hindi niyo ko pinagbabawalan, mas gusto ko na iyong ganito," magiliw na saad ni Mikael na ngiting-ngiti pang pinaglalaro ang kilay.


"Eh paano naman iyong pangarap mo na magka-anak at pamilya." Pamamaywang na lang niya rito.


"Ayos na po iyon!" Makulit na tango na lang nito sabay halakhak.


Hindi niya tuloy napigilan ang pagkunotan ng noo ang binata dahil sa mabilisan na nitong sagot.


"What do you mean by that?" Pagtataas niya na lang ng isang kilay sabay halukipkip dahil sa inaasal nito.


"Lalake naman ako mam Lucy, kahit anong oras pwede ako magka-anak," magiliw na sagot na lang ni Mikael.


Napabuntong hininga na lang siya muli dahil mukhang hindi nanaman nakakarating ang nais niyang sabihin sa binata, halatang sarado nanaman ang isipan nito ng mga oras na iyon.


"Eh paano naman iyong nangyari sa amin, don't you feel the least bit angry about it?" pagpapaalala niya na lamang.


Naroon kasi ang parte na nais niyang maintindihan nito na sadyang hindi talaga sila pwede dahil sa lagay nilang dalawa, maliban roon ay naisip niya rin ang sinabi ni Andrew na baka iyon ang paraan para makapag-isip-isip na ito.


"Siyempre nagagalit rin po, pero wala na naman ako magagawa kasi nangyari na, tsaka wala naman sa usapan na hindi pwede iyon," sambulat na lang ni Mikael.


Doon niya lang napagtanto na talagang mukhang iba na talaga ang pag-iisip ng binata, dahilan para lalo lamang siyang mag-alala rito.


"And this is exactly the reason why we need to stop, this kind of relationship isn't healthy for you," turan niya habang hinahawakan ang magkabilang pisngi ng binata.


Pilit lambing niya na lang na paliwanag dahil nakikinita niyang talagang iba na ang nagiging epekto ng relasyon niya sa binata.


"Okay lang naman po ako mam Lucy, promise," sabi ni Mikael na puno ng paglalambing habang iniaangat pa ang isang kamay.


"Hindi ganoon ang nakikita ko," sita niya na lang rito.


"Wala naman nagbago sa akin mam Lucy, okay naman ako o," Pumostura na lang si Mikael na nakaangat ang dalawang kamay at ngiting-ngiti pa.


Napabuntong hininga na lamang si Lucy sa kakulitan nito. "No you are not Mikael," Marahan niyang hinaplos ang magkabilang pisngi nito para mabalik sa pagseseryoso. "I knew I should have never agreed to that set up, sorry for everything, sorry for doing that to you, sorry na hindi ko man lang naisip ang kalagayan mo, sorry if hinayaan nasira ko ang kinabukasan mo ng ganoon and sorry na I just couldn't return your feelings for me," kagat labi niyang sambit.


Ngayon niya na tuluyan naiintindihan at pinagsisisihan ang lahat ng ginawa rito. Masyado niyang pinanghawakan ang pagiging lalake nito sa punto na hindi niya na naisip noon na sobra-sobra ang magiging epekto niya sa isipan at damdamin nito kaya naman naroon na ang pangamba niya na baka huli na hindi niya na basta-basta mababago at maisasa-ayos iyon.


"Mam Lucy, bakit naman po kayo ganyan magsalita? Babalikan niyo po ba iyong lalake na iyon?" Nguso na lang ni Mikael sa kanya na napabagsak na lamang ng balikat.


Napapigil na lamang siya ng tawa rito sabay nagpalinga ng tingin. "Oh, Mikael, alam mo na naman ang sagot diyan diba. But the thing here is, this is not about him, this is about you and the things na nangyayari sa iyo ngayon, like I said, narealize ko na ang dami ko ng kasalanan sa iyo, kaya I want to make it up to you and I want to make things right," muli niyang subok paliwanag ulit.


Naroon kasi ang parte sa kanya na nakokonsensya sa ngayon dahil sa kalagayan nito at alam niyang may malaking impluwensya siya sa parteng iyon.


"Sabi ko naman sa inyo mam Lucy, wala naman po kayong kasalanan sa akin, ginusto ko naman iyon, kaya wala po kayong dapat ipag-sorry," turan na lang ulit ni Mikael na nagkukutitap pa ng mga mata.


"No Mikael, you have to understand, I took advantage of you, of your youth, your curiosity, and look at you now," sermon niya na lang habang pilit ipinapasok sa kokote nito ang mga kamalian na nagawa niya noon.


"Naiintindihan ko naman mam Lucy kung bakit ginawa niyo iyon, kasi nga diba malungkot kayo noon at depressed dahil sa paghihiwalay niyo ng asawa niyo, kaya may kasalanan rin ako kasi alam niyo iyon, tinake-advantage ko rin iyong kahinaan niyo," kagat labing balik naman ng binata.


"But I'm older, more mature kaya I should have known better," halos nanghihina niya na lang na sambit dahil naroon ang kung anong sikip sa kanyang dibdib.


Hindin niya alam kung bakit ganoon kabait ang naturang binata sa puntong mas lalo lang siyang naiinis at nagagalit sa sarili dahil sa nagawa rito.


"Hindi na naman po ako bata noon, alam ko na iyong ginagawa natin," bara na lang ni Mikael.


"Pero tingnan mo ngayon iyong naging epekto sa iyo. Hindi ka makahanap ng girlfriend, ng maayos na relationship, and hindi mo mabuo iyong family na gusto mo ng dahil sa nangyayari sa atin, do you see the problem here?" "I'm holding you down Mikael, I'm keeping you away from all the things that you should have right now, you understand me?" sita niyang balik habang dinudutdut ang daliri sa dibdib nito.


Napanguso na lang si Mikael habang napapayuko sa pagkamot ng batok. "Hindi niyo naman kasalanan iyon mam Lucy, alam niyo naman po iyong issue ko kaya nahihirapan ako makahanap ng girlfriend, hindi naman po kasi ganoon kadaling makahanap ng babae na katulad niyo na tatanggap ako kung ano ako at kung ano ang mayroon ako. Iyong walang arte, hindi clingy, hindi nanghuhuthot, mabait, maasikaso at higit sa lahat tulad niyo na hindi pabaya sa pamilya, kasi kahit may nangyayari sa atin ni minsan hindi niyo kinalimutan iyong mga anak niyo, kahit pa may nakaschedule tayo kapag may kailangan sila, inuuna niyo pa rin sila kaysa sa akin, kaysa sa mga pangangailangan niyo at mga gusto niyo gawin," buong lambing na sambulat na lang nito.


"Mikael naman," hindi niya na napigilan ang pamamsa ng kanyang mga mata dahil sa sakit na nadarama dahil tila dinudurog ang kanyang puso.


Naroon ang katotohanan na hidni niya masusuklian ang ibinibigay nitong kabutihan at ang bagay na iyon ang sadyang nagpapahirap sa kanya.


"Sinusunod ko naman po iyong sinasabi niyo eh, naghahanap naman po ako ng girlfriend, nakikipagdate, lumalabas, pero talagang ang hirap lang po humanap ng matinong babae ngayon," dagdag pa nito sabay buntong hinga.


Napalinga na lang siya ng ulo sa binata. "You're really making things hard for me you know," natatawang turan niya na lamang habang pinipigilan kumawala ang mga luha.


Minabuti niya na lang na hatakin ang ulo nito upang maisandal iyon sa kanyang balikat, naroon ang paulit-ulit niyang paghingi ng tawad sa binata dahil sa mga nagawa, pero naroon rin ang taus puso niyang pasasalamat dahil sa kabaitan nito at ang tila pananatiling mabuti sa kanya.


"Sorry mam Lucy," saad na lang ni Mikael habang niyayakap siya.


"It's all right, and I'm just really sorry. I can't love you back cause I don't have any more to give to you, alam mo iyan, half of my heart went to my husband Jeff and the other half was already broken, the only thing I can give you is my care, cause iyon na lang talaga ang mayroon ako, kaya if by any chance na may makilala ka na babae na you know you like and will love you back, promise me na you will do the right thing, okay." turan niya na lang sa binata habang hinahaplos ang ulo nito.


"Okay, basta ayos pa rin po tayo diba," lambing na saad na lang na sagot ni Mikael.


Napapigil na lang siya ng tawa sa sinabi nito, naroon man ang pagnanais niya na bitawan na ang binata ay alam niyang hindi niya magagawa iyon ng ganoon, lalo pa at alam niya ang pwedeng maging epekto noon sa binata. Naisip niya na lang na kalaunan ay magsasawa rin naman ito at makakahupa sa mga ginagawa nila dahil na rin sa mas madalang niya na itong nabibigyan ng oras.


"Basta naiintindihan mo na priority ko pa rin ang mga anak ko, kaysa sa kahit anong bagay, then okay lang tayo," paalala niya na lang.


Hindi niya nais matulad ang binata sa ama nito noon kaya sa isip-isip niya na mas maayos na ang ganoon kaysa naman ang mapariwara ito.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...