Anya Loris Was Fine That Night

By gery_anne

2.1K 214 38

Hugh Evans Lagdameo's boring and non-purpose life suddenly becomes thrilling and chaotic when one of his bloc... More

Anya Loris Was Fine That Night
PAKI-READ :">
i know her better
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 2

141 20 1
By gery_anne

Just in case some of you are confused: Hugh is pronounced as "you"/"yu".

Additional info as well, this story will have a present-flashback-present routine. I'll try my very best to make every transition as smooth as possible ^_^

----------

ANYA'S DEAD BODY WAS still vivid in my head as I walked through the corridors of our university. Tulala ako at animo'y wala sa sarili. Diretso ang tingin sa kawalan at mabagal ang paglalakad -- tila walang patutunguhang direksyon.

Nahimasmasan lamang nang kaunti ang diwa ko nang bulabugin ng bell ang pandinig ko. Napakurap-kurap ako at nilingon ang paligid. Nagmamadaling mga estudyante ang bumungad sa akin. Mga patungo sa kanilang-kanilang mga klase.

I looked down on my wrist watch to check the time. It was already 8:15 AM. Late na ako ng kinse minutos sa unang klase ko. Mabigat akong napagkawala ng buntonghininga at napahilamos sa aking mukha. Pasimple ko pang sinampal ang pisngi para magising ang wala sa sarili kong diwa.

Pagpasok ko sa room ng unang major subject ko para sa araw na ito, gulat pa akong makita na wala pa ang prof namin sa lamesa nito. I strutted towards my seat and immediately went back staring at nothingness. My eyes then got focused on Anya's permanent seat for this class which was only placed right in front of me.

Kagaya ng inaasahan... bakante iyon.

Tumagal ang pagkakatitig ko rito hanggang sa muli na namang nanumbalik sa utak ko ang bangkay ni Anya na nakita ko kanina sa tabing ilog. Bangkay ni Anya na may tama ng saksak sa mismong dibdib. Bangkay ni Anya na may mga pasa at galos sa mga braso't hita.

Naputol lamang ang paninitig ko sa armchair ni Anya sa harap ko nang pumasok ang prof namin sa silid.

"Class, you have a new blockmate. She's a transferee from another city." Our prof, Ms. Morendo lightly pulled the girl trailing behind her. "Introduce yourself to the class, Anya."

Isang babaeng sa tingin ko'y kasing edad lang naming lahat ang nahihiyang ngumiti sa amin. Pasimple ko siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. She had a long, brown wavy hair. She was a bit thin and got an average height. Her skin was kinda pale -- almost paper white.

Maliit ang kaniyang mukha at maganda ang hubog ng mga kilay at may kakapalan. Makurba ang mga pilikmata na bumagay sa mulat, bilugan, at kulay abong mga mata. Ang ilong ay matangos na maliit habang ang mga labi ay natural na mapupula at may kakapalan.

Sa unang tingin, maiisip na agad ng ibang tao na may lahi siyang foreigner. Hindi siya mukhang purong Pilipino.

"Uh... h-hi," rinig ko ang kaba sa kaniyang boses. "I'm Anya Dyan Loris. I'm eighteen and I live just a few blocks away from here. Uh...n-nice to meet you!"

Isang nahihiyang ngiti pa ulit ang kumurba sa mga labi niya bago siya yumuko at hindi na nag-angat pa ng tingin. Napalingon ako sa mga kaklase ko. Ang iba'y nagbubulungan 'tapos ay mayâ-mayâ ay bubungisngis na para bang may katawa-tawa. Ang iba ay nakatingin lang sa bago naming kaklase habang tila mga nagpipigil ng tawa.

"Ganda sana kaso mukhang weirdo."

Nilingon ko si Darcy sa likod ko nang marinig ko siyang nagsalita. Maikli siyang tumawa.

"Ano, Hugh? Maganda, 'diba? Kaso mukhang engot," dagdag pa niya.

"Gago. Nananahimik 'yong tao," sagot ko.

Napatingin din ako kay Chase nang tumawa siya kasabay ni Darcy.

"Sus. Ito na naman si Mr. Hugh "always the good boy" Lagdameo," pang-aasar niya sa akin.

I raised my middle finger on him before I faced front again. I heard their chuckles from behind. Napailing-iling na lang ako. Gago talaga 'tong dalawang 'to minsan.

"Take the seat in front of Mr. Lagdameo, Anya," ani Ms. Morendo sabay turo sa upuang bakante sa harap ko.

Nagsimulang maglakad si Anya at bawat kaklase naming madaanan niya ay sinusundan siya ng tingin. Hindi ko lang alam kung sa anong dahilan -- kung dahil ba sa nagagandahan sila sa kaniya o... nawiwirdohan.

Huminto siya sa armchair na nasa harap ko. Nagkatinginan pa kami at sa maikling sandaling iyon ay nabigyan ako ng laya na makita nang malapitan ang mukha niya. I couldn't really deny that she's pretty. I just also noticed the brown freckles under her eyes and on the bridge of her nose.

She really had a foreign blood, then. That also explained her surname that didn't sound like a Filipino surname. Made sense.

Natapos ang klase na kakaunti lamang ang nai-discuss ni Ms. Morendo dahil kalahati yata ng durasyon ng klase ay tanging si Anya lang ang estudyante nito. Tinanong nito kung may lahi ba si Anya. Half-american daw. Matagal na daw patay ang Amerikanong ama habang ang ina ay matagal niya nang hindi nakikita. Ang kapatid ng nanay niya ang nag-alaga sa kaniya mula pagkabata.

Itatanong pa sana ni Ms. Morendo kung nasaan ang nanay ni Anya ngunit tumunog na ang bell. Mabilis na nagsitayuan ang mga kaklase ko. Hindi ko naiwasang pagmasdan si Anya sa harap ko na halos mataranta sa pag-aayos ng mga gamit niya. Isang beses siyang sumulyap sa akin na parang naramdaman ang paninitig ko.

Nang madatnan nga ang tingin ko ay mabilis siyang nag-iwas na tila napaso. Kumunot ang noo ko.

Weirdo nga.

Tumayo na rin ako mula sa kinauupuan at isinukbit ang bag ko. Bumagal nga lang ang hakbang ko nang makita ko ang paglapit sa kaniya ng isa sa mga kaklase ko na si Corinne kasama ang dalawa nitong kaibigan.

Corinne was one of the prettiest girl in our block. She always stood up from the rest. Tall, fair skin, and very fashionable. She was also one of the campus crushes here and that just made her more popular.

"Hoy," maangas na pagtawag ni Corinne.

Naging mabagal tuloy ang pagtayo ni Anya mula sa kinauupuan niya. Corinne raised her eyebrow and smirked at her. Anya, on the other hand, looked scared and confused.

"Akala mo makakalimutan ko na lang 'yong ginawa mo sa 'kin kanina, ha?"

"I d-don't know what you're talking a-about."

Sarkastikong tumawa si Corinne at nilingon ang dalawa nitong kaibigan na parehong matalim ang tingin kay Anya.

"Oh, you don't know?" pinalungkot pa nito ang boses. "Aww, how boba!"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang sabunutan ni Corinne si Anya.

"Tinapunan mo 'ko ng juice sa damit kanina, you bitch! Nagmamaang-maangan ka pa ngayon?!"

"H-hindi ko 'yon sinadya--aray!"

Wala akong nagawa kundi lumapit sa kanila at awatin sila. Ayaw bitawan ni Corinne ang buhok ni Anya na ngayon ay umiiyak na.

"Stop it, Corinne!" saway ko. "What the hell is your problem?"

Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa akin. "This is none of your goddamn business, Hugh!"

"Pare, hayaan mo na 'yan sila!" Pilit akong hinila ni Darcy palayo sa mga ito. "Tara na! Male-late na tayo sa susunod na subject."

"Kaya nga. Hayaan mo na 'yang mga 'yan. Mga away babae na immature," segunda pa ni Chase.

Tuluyan nila akong nahila palayo sa mga ito. Bago kami nakalabas ng room ay nakita ko pang malakas na itinulak ni Corinne si Anya na ikinatumba nito sa sahig.

"Class, listen..." panimula ni Ms. Morendo pagkapasok na pagkapasok niya sa silid. "I just received a sad news this morning."

She looked at us in both fear and sadness. Her lips were trembling and hands a bit shaky.

"Natagpuang patay si Anya," pagpapatuloy niya.

Parang kailan lang noong unang ipakilala ni Anya ang sarili niya sa buong klase. Parang kailan lang, binu-bully siya ni Corinne na ngayon ay tulala lamang sa upuan nito.

Parang kailan lang... nakaupo pa si Anya sa bakanteng upuan na nasa harap ko ngayon.

Parang noong Biyernes lamang ng gabi ay kasama at kausap ko pa siya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

692K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...