BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHM...

By AshQian

75K 3.6K 199

Love, and ignorance of loving brought her inside the cold corners surrounded by bars. She was left alone with... More

UNANG YUGTO
Chapter 1 - Unang Yugto
Chapter 2 - Unang Yugto
Chapter 3 - Unang Yugto
Chapter 4- Unang Yugto
Chapter 5 - Unang Yugto
IKALAWANG YUGTO
Chapter 1 - Ikalawang Yugto
Chapter 2 - Ikalawang Yugto
Chapter 3- Ikalawang Yugto
Chapter 4 - Ikalawang Yugto
Chapter 5 - Ikalawang Yugto
IKATLONG YUGTO
Chapter 1 - Ikatlong Yugto
Chapter 2- Ikatlong Yugto
Chapter 3 - Ikatlong Yugto
Chapter 4 - Ikatlong Yugto
Chapter 5 - Ikatlong na Yugto
IKAAPAT NA YUGTO
Chapter 1 - Ikaapat na Yugto
Chapter 2 - Ikaapat na Yugto
Chapter 3 - Ikaapat na Yugto
Chapter 4 - Ikaapat na Yugto
Chapter 5 - Ikaapat na Yugto
IKALIMANG YUGTO
Chapter 1- Ikalimang Yugto
Chapter 2 - Ikalimang Yugto
Chapter 3 - Ikalimang Yugto
Chapter 4 - Ikalimang Yugto
Chapter 5 - Ikalimang Yugto
HULING YUGTO
Chapter 2 - Huling Yugto
Chapter 3 - Huling Yugto
Chapter 4 - Huling Yugto
Chapter 5 - Huling Yugto
DENOUEMENT

Chapter 1 - Huling Yugto

1.7K 87 4
By AshQian

One solid punch, followed by a roundhouse kick and the heavy bag erupted violently from where it hooked. Sinangga iyon ni Javier sa kaliwang kamay nang pumalo pabalik habang magaspang na pinahid ang pawis mula sa noo na tumulay pababa sa tangos ng kanyang ilong.

Habol ang hiningang lumapit sa bench ang lalaki, hinubad ang suot na leather gloves at ibinagsak ang mga iyon sa upuan. Dinampot ang water jug at binuhusan ng tubig ang nanunuyong lalamunan. Dama niya ang pagdoble ng sigla ng katawan dahil sa pagkabanat ng mga buto at masels. Ngumisi siya. He's ready for the event today.

Pagbalik niya sa kanyang unit ay inabutan niyang nagkakagulo na naman ang kanyang mag-ina. Naghahabulan ang mga ito sa sala patungo sa kuwarto at paikot-ikot. Walang damit si Aki at si Roanne ay bitbit ang shorts na khaki at pink shirt na ipasusuot sa bata.

Tumakbo papunta sa kanya ang anak at nagtago sa likod ng kanyang mga hita.

"No! I don't like pink, Mama. Why would you keep making me wear pinks everyday? Papa, tell her I don't like it!"

Sumimangot si Roanne at mukhang maiiyak na sa pagdismaya. "Natuto na siyang pagsalitaan ako ng ganyan, ang liit pa niya."

Kinarga niya ang anak. "Mama loves pink these days because she has a baby girl in her tummy," bulong niya.

"Really?" Bumilog ang mga mata ni Aki. Tumingin ito sa ina pababa sa tiyan na nakalitaw sa suot nitong crop top blouse.

"Papa will wear pinks too, come on." He suggested.

Tumango ang bata. Ibinaba niya ito at lumapit kay Roanne. Inirapan siya ng dalaga at tinangay nito pabalik sa loob ng kuwarto ang anak nila. Hindi pa kompirmadong buntis ito pero nahahalata niya ang mga sintomas. Masyadong antukin at bugnutin. Kunting bagay inaaway siya. Tinatamad laging kumilos. Lahat ng nakikita sa unit niya ay hinahanapan ng kulay pink. Kung walang makita ay nililigpit kung hindi itinatapon sa basurahan. Tiniis na niyang magsuot ng pink boxers para lang matuwa ito at hindi masira ang mood tuwing nagtatalik sila.

Humabol siya ng mabilisang shower habang naghahain si Roanne ng agahan nila, katulong si Aki na nag-iingay sa maraming tanong at kapag mali ang sagot ng ina ay umaalingawngaw ang masayang tawa. This is what home would be like in his imagination.

Dumulog siya sa hapag habang humahagod sa kanya ang namumungay na mga mata ng nobya. Nakanguso ito at lukot ang mga kilay.

"Bakit ang guwapo po ngayon? Anong mayroon?" tanong nito.

"What?" Natawa siya sa pang-umagang banat nito. "Lagi naman akong guwapo, ah! Kaya nga araw-araw kang naglalaway sa akin."

"Gusto mong hambalusin kita ng kiss?"

"No, please, baby! Baka magkabukol ako ng puso sa panga."

Nagkatawanan na sila. Si Aki ay nakihalakhak din kahit walang naintindihan. Matapos magdasal bago kumain ay hinagkan niya ng magaan sa labi si Roanne at sa noo si Aki.

"Pagkatapos daw mamaya ng photo shoot ko ay bibiyahe na kami papunta sa location ng movie tapings sa Tondo. Naiilang pa rin akong kasama si Kreed. Baka magselos ang fiancee niya. Ikaw ba, hindi ka nagseselos sa kanya?"

"Kung nakatutulong sa iyo ang pagseselos ko, sige, magseselos ako sa kanya. Pero ayaw kong nag-iisip ka ng negatibo habang sumasalang ka sa trabaho. Stress lang ang mapapala mo. I trust you as much as I love you, Roanne, remember that."

"Hindi ko lang maiwasan. Naguguluhan kasi ako kay Kreed. Kapag iyong ibang models ang naroon sa photo shoot, wala siya. Pero kung time ko na dumarating siya at nanonood."

"I don't have anything against that guy. I may not know him like I've known Rheeva but one thing about those men, they're not the type to cause trouble to anyone much less to mess up with another man's woman, unless it is really necessary to step in and their protection is needed."

"Okay, ikaw na ang may sabi kaya maniniwala ako. Pero pupuntahan mo pa rin ako ha? Gagalingan ko lagi kapag nandoon ka."

"Of course, baby. I will be there to watch you rise back to the top." Banayad niyang pinisil ang kamay nito.

***
Matagal na pinakawalan ni Roanne ang labi ni Javier habang nasa loob sila ng sasakyan. Hinatid siya ng binata sa venue ng photo shoot niya. Wedding gown collection ni Julie Andromida ng Kimberly ang kanyang irarampa mamaya. Gaganapin iyon sa open garden ng kilalang mountain resort.

"Love you, Papa Jav!" Humabol pa siya ng kagat sa panga ni Javier bago umibis ng sasakyan.

Binisita muna niya ang garden at nanlaki sa saya ang mga mata nang makita ang eleganteng pagkakaayos ng lugar. Parang totoong kasal ang mangyayari. May makeshift altar sa gitnang dulo malapit sa Grotto ng Our Lady Of Fatima. Sa ibaba ng altar ay nakahilera sa magkabilang gilid ng red carpet ang mga upuang balot ng sutlang telang kulay pink. Buong perimeter magmula sa bukana ng garden ay nakakoldon ng kadena ng mga bulaklak na may shades ng pink. May kasamang talulot ng pink roses ang tubig na ibinubuga ng fountains sa bawat gilid.

"Ang ganda," nasambit na lamang niya.

Masigla siyang nagtungo sa dressing room at nadatnan doon si Kreed na magbibigay ng briefing sa mga crew. Binati niya ang mga naroon at tumuloy na sa couch.

"Good, you're here! To your seat now." Itinuro nito ang couch sa harap ng dresser table kungsaan nakakalat ang mga gamit ng make-up artist niya. Handa na rin pati ang kanyang hair stylist.

"Would you like to check the wedding gown first?" bulong aa kanya ni Sunray mula sa likod.

Na-excite siya at tumango. Tinangay siya ng babae patungo sa connecting door.

At the center of the room, stood gorgeously the wedding gown in perfect shades of white and pink. Laced in stones worth millions at the market today. The low neckline will showcase her breasts' cap size augmented by a built-in straps ruby necklace fits for a mortal goddess.

Iyon nga lang, hindi siya sigurado kung kakasya sa kanya. Tingin niya ay masikip iyon lalo na sa bust section. Hindi na kasi maikakailang tumaba talaga siya ngayon. Dapat nagpababa muna siya ng timbang kahit kunti.

"May nagsabi sa amin na pink season daw ngayon," sabi ni Sunray na nakangiti ng matamis sa kanya. "Bakit hindi mo isukat?"

"Baka hindi kasya. Kita mo naman hindi na pang-model itong katawan ko. I don't have the perfect curves anymore," disappointed niyang sagot.

Tumikhim si Kreed sa likuran nila. "If you saw perfection as the only standard in modeling world, then you are walking in the wrong direction and might as well proposing a wrong notion of beauty. How you project that dress and tell the viewers it is made for you, that is the standard."

"I know right, Mr. Andromida. Pero hindi mo iyan pwedeng sabihin sa society. Their opinion still matters and we are marketing this product." Argumento niya sa kanyang boss.

He raised an eyebrow as if he was insulted. "Maganda ba sa iyo ang payat at matangkad dahil iyon ang sinasabi ng society? Dapat ang isang model ay may 34-24-34 vital stats? Dapat 5'4 upward ang height?" Hinagod siya nito ng nanunuring tingin. "Paano kung sabihin ko sa iyong ang standard para sa akin ay mataba at pandak? Na maganda iyon sa paningin ko, mali na ba ako? Nothing is wrong with seeing beauty in your own perspective. You should get to enjoy that right." He jerked his head back to the dresser where her team is waiting.

Tumingin siya kay Sunray na nagkibit ng balikat. Gusto niyang sabihing kaya pala sobrang ganda ng fiancee nito dahil may sarili itong pananaw tungkol doon. Sabagay, hindi naman niya pwedeng asahan na ang isang hot at super-hunk na Andromida tulad ni Kreed ay hindi pagpalain ng diyosa ng kagandahan. Kung maari nga lang siguro'y si Venus na mismo ang bumaba rito para gawing boyfriend ang lalaki. His eyes alone are golden apples.

Matapos siyang ayusan ay parang bumata siya ng ilang taon. Sinamahan siya ni Myra, ang wardrobe in-charge sa loob ng connecting door para makagbihis na at hindi makapaniwalang kasyang-kasya sa kanya ang wedding gown. Tila ba sinadyang likhain iyon sa kanyang sukat.

"Here," ipinutong ni Sunray sa ulo niya ang head dress na gawa sa sariwang mga bulaklak na noon lang niya nakikita. "Native flowers from thirty countries around the world, requested by your pink prince charming." Nakalawit sa gawing likod niyon ang kadena ng thirty gemstone.

Natawa siya sa pink prince charming. Sino iyon?

"At ito na po ang bouquet." Ibinigay ni Myra ang sariwang pink flower bouquet na gawa rin sa kaparehas na mga bulaklak na nasa kanyang ulo.

Humagikgik na lamang siya habang iginiya ng dalawa palabas. Biglang bumundol sa dibdib niya ang kaba nang matanaw ang maraming tao sa garden. Pamilyar sa kanya ang iba. Ang pamilya ni Javier at mga kaibigan nito ay naroon. Sina Jim at Xiellou. Kahit si Miles na nakaupo sa wheelchair at nasa likod nito si Rowena na nagpupunas ng luha.

"Oh my, God!" Sumabog na ang emosyon niya nang sumagad sa paningin niya ang kanyang mag-ama na naghihintay sa bukana. Both wearing white tuxedos and smiling at her.

"Mama Bride!" hiyaw ni Aki na nagpatawa sa mga naroon. Nahiya ang bata at isinubsob ang mukha sa harapan ng ama.

"I need you to give it your best up there in the altar," pahayag ni Kreed na lumagpas sa kanya.

Tinapik nito sa balikat si Javier at hinaplos ang ulo ni Aki bago sumama sa ibang guests. Lahat ay nakangiti sa kanya. Larawan ng kaligayahan ang mga mukha pero siya ay hindi makahinto sa pagluha. Kulang na lang ay bumulalas na siya ng iyak. Wala man lang siyang clue sa sorpresang iyon ni Javier. Her dream wedding. At kasapakat pa talaga nito si Kreed Andromida?

"I'll explain later. Gawin muna natin ito, hindi na ako makapaghintay na makita sa pangalan mo ang apelyidong Sepulbidda-Lextallionez." Kabado rin ito habang nagsasalita at kumislap ang emosyon sa mga mata.

"Is there a need to explain? Oh, God! I love you, Javier!" Pilit niyang ikinalma ang sarili at ngumiti ng matamis.

Silang tatlo ang naglakad sa aisle. Hawak ni Aki ang mga kamay nila at hanggang sa altar ay kasama nila ang anak. Ang tunay na bigkis ng kanilang pagmamahalan.

Continue Reading

You'll Also Like

641K 15.5K 33
Ybañez Series Side Story He's a Casanova She's a bitch When someone hurt you big time, it caused you so much pain. But it doesn't mean hurting them b...
241K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
4.6M 73.3K 43
De La Cerna 1 (Completed) Napakislot si Queennie. Feeling niya ay may nakahawak sa kanyang kamay. Marahan siyang nagmulat and to her surprise she fo...
651K 10.8K 31
Señorita Series 2 R18 Not suitable for young readers. Cover by @Jejenok