" No need Lutenant General wala namang kahina-hinala sa kanya. "
"ok. "
Pumunta na si sir Garcia sa iba at pinapahubad nya yung mga napupuntahan nya. Tssk. Buti nalang. .
Bumalik na ako sa dorm ng matapos na ang lahat mukang walang klase dahil ilalabas pa ang bangkay ni sir Catamco sa school.
"Akala ba nila di ko sila matatakasan."
Naglalakad na namang payabang tong si gagø. Lumandag sya sa kama nya saka tumingin sakin.
" HI BABYGIRL! "
" TANG*INA KA! "
" Ano na kasi yung totoo mong pangalan? "
Lagi nya kasi akong kinukulit sa totoo kong pangalan. Tsk.
" Bahala ka. Hanggat di mo sinasabi ang buo mong pangalan. Tatawagin parin kitang babygirl"
" Eh kung laplapin ko kaya yang muka mo."
" AYYYYY GUSTONG GUSTO KO YANNNN!! "
Aytsss. Bw*sit bakit kasi ganung term pa sinabi ko.
" Pwede ba manahimik ka na. Nakakatulili na! "
" ayuko nga! "
" Bahala ka! "
" talaga! "
Lumapit sya sa akin dito sa kusina at umupo don sa may bangko.
" Ano masasabi mo kay sunflower? Diba ang cute? "
" Pangit "
" Cute kaya. Tingnan mo oh. Ang liit nong bulaklak haha parang si Bargas hahhahah"
" Ang ingay mo! "
" Ang sungit mo talaga babygirl. Pano nalang kaya pag naglihi ka na sa baby natin HAHAHAHAHA! "
*TSSOKK*
" WOOAHHHHHH. BALAK MO BA AKONG PATAYINNNNNNN!! "
Hinagisan ko sya ng kutsilyo. Nakailag ang bw*sit.
" OO! DAPAT NGA MATAGAL NAAAA!!"
" ANG SAKIT NON AHHHHH!! "
" WALA AKONG PAKI!! "
" AYAW MO BANG MAGKA-ANAK HAAAHH. SINABI KO LANG NAMANG MAGLIHI HALOS PATAYIN MO NA AKO!! "
" TANG*NA KAAA. KUNG MAG-AASAWA AKO SISIGURADUHIN KONG HINDI IKAWWWWW!! "
" SISIGURADUHIN KO DING AKOOOOOOOO!!"
" AYUKOOOOO SAYOOOOO. NASUSURA AKO SA KAKULITAN MOOO!! "
" GUSTOOO KO NAMAN SAYOOO!!"
" PWEDE BA WAG MO AKONG SIGAWAN GAGØ!! "
" WAG MO DIN KASI AKONG SIGAWAN! "
"SINIMULAN MO NA NAMAN AKONG PIKONIN!! NAPAPAGOD NA AKONG MAKIPAG AWAY SAYO JAVIER!! "
" EDE LALO KITANG PAPAGURINNNN!! "
Bigla nya akong tinulak sa kama.
Tang*na anong gagawin nitoooooo. Babangon sana ako ng umibabaw sya sakin at pinigilan ako. Tatadyakan ko sana sya ng pigilan nya ang paa ko gamit ang tuhod nya. TANG*NA TALAGAAAAAAA.
" Humanda ka babygirl"
Lumapit sya sa tenga ko. Kaya't kinabahan ako bigla.
"o-oy Javier! Subukan mo lang talaga!"
" Ginamit mo shampoo ko no? "
"ha-hah? "
"YUNG BUHOK MO NAAMOY KO SHAMPOO KOOOO!! "
Tumayo na sya kaya't kinuha ko yung unan at hinampas ko ng hinampas sa kanya.
" WALANG H*YA KA TALAGAAAA JAVIERRRR. NAUBUSAN AKO NG SHAMPOO KAYA GINAMIT KO YUNG SAYO!!"
" IKAW NA NGA TONG NANGGAGAMIT NG SHAMPOO IKAW PA TONG NANGHAHAMPAS NG UNAN!! "
" GAGØ KA KASIIIIII!! "
" HAHAHAHA BAKIT GUSTO MO BA ITULOY KO ANG INIISIP MO HAHAHA"
" ANG TIGAS TALAGA NG MUKA MO!! "
" GUSTO MO ATA EHH! "
" TANG*NA KAA. MAPAP*TAY NA KITA!!"
"SUBUKAN MO. PAPAT*YIN KITA SA MASARAPPPPPP NA PAMAMARAAN HAHAHAHA"
" TANG*NAAAA KAAAA. M*NYAKOL KAAA"
" MANY*KIS YON DI MANYAKØL! "
" PAREHAS LANG YONN!! TANG*NA KAAA TALAGAA. F*CK YOU SAGAD "
" HAHAHAHA IBA ANG DATING SAKIN NONG SAGAD BABYGURL HAHAHA! "
" TANG*NA MO TALAGAAAA!! "
" HAHAHAHAHAHA MASYADO KA KASING NAGIISIP NG IBA HAHAHAHA. PASALAMAT KA. MAHAL KITA KAYA GAGALANGIN KITA!!"
Napatigil ako sa paghampas ng unan at napatitig ako sa kanya. Mahal? Mahal nya ako? At gagalangin?
" ahaha. Ayos lang kahit gamitin mo lahat ng gamit ko--"
" Mahal mo ko? "
Parang di sya makatingin ng diretso sa kin at nagpipilipitan ang mga kamay nya at paa. Tapos panay ang paggalaw ng adams apple nya. Tskk. Parang sira.
*Tok*tok*tok*
Napalingon kami sa pintuan. Binuksan nya yung pinto at tumambad samin si Kris at Taner na may dalang bag.
" ALEXXX AT CALVIN PARE. SAMA KAYO? "
"yaw namin! "
*boogsh*
Sinarado niya ulit ang pinto.
*tok*tok*tok*
Binuksan nya ulit ang pinto.
" Pare. Sama na kayo! "
" ayaw"
*boogsh*
Sinarado nya ulit ang pinto.
*tok*tok*tok
Binuksan nya ulit
" Sama na kasi kayooo! "
"Yaw! "
*boogshh*
Putr*gisan sisirain nya ba ang pinto namin. Kaya't lumapit ako don at binuksan ko ulit. Muntik pa akong kaltukan ni Kris.
" ayy hehehe. Sama na kasi kayo. Calvin. Dali naaa. Magbabakasyon tayo kila James! "
Yaya samin ni Taner. Bakasyon kila James?
" tamad ako"
Naupo na si calvin sa kama nya.
"Dali na kasiiii! " pagpupumilit pa ni kris.
" Parang ang pangit naman kung aalis tayo tapos kamamatay lang ni sir Catamco "
Napasimangot naman si kris sa sinabi ko.
" Alex. Tumingin ka kasi sa labas. Tingnan mo ang mga Señiors oh. Nagsisitakbuhan na palabas ng Academy. Sila Pascual at Vasquez ng Alpha. Dumaan na sa bakod sa likod. Kayo din magiging bagoong kayo dito!"
Sinilip ko ang labas. Tama nga si Taner nagkakagulo na ang lahat parang nagdiriwang sila at nagtatakbuhan na palabas. Pinipigilan lang sila nong mga bantay sa gate. Wala ata sila sir Bargas at Garcia. Sila siguro nag-intindi sa pagkamatay ni sir Catamco.
" Ano? Oyyyy Calvin. Pare. sama ka naaaa. Ikaw lang ang makakatakot sa mga bantay sa gate. Sigeeeee naaaaaaa JAVIERRRR!!! "
Inalog alog ni kris ang kamay ni gagø. Di naman siya nagsasalita.
" Sigee. Magbabakasyon tayo! "
Nananawa na din kasi ako dito sa loob ng Academy. Masyado ng nagiging komplikado ang lahat at wala din sila sir Bargas.
" oh payag na si Alex! "
" saan pala tayo sasakay? "
" Ahhh. Ganito kasi Alex. Si Van At Michael ay tumakas na at dumaan sa likod. Kukuha sila ng sasakyan sa bahay nila Van. Si James ay susunduin nya daw kapatid nya dahil may sakit daw to kaya hihintayin nalang nila tayo sa may gate. ! " pagpapaliwanag ni Taner.
" PAREEEEE SIGEE NAAA!! "
" Pakiimpake ang gamit ko. Bilisss!! "
Parang boss na utos ni gagø kila Kris at Taner
"AREGLADO BOSS!! "
Sumaludo pa yung dalawang kum4g. .
" Tulungan na kita dyan! "
Pinukpok ko ang kamay ni Javier ng papakialaman nya sana ang gamit ko. Kaya nanahimik naman sya. Naglakad na kami papuntang gate. Nakaharang yung tatlong bantay.
" PAPADAAIN NIYO KAMIIIII O SUSUNUGIN KO TONG ACADEMY!!!!! "
lagi nalang si sunog to. May pansunog naman kaya sya.
Hinarangan kami lalo nong mga bantay. Binigay ni Taner yung isang Lighter kay Calvin.
" O SUSUNUGIN KO MGA MUKA NIYOOOOOO!! "
nagatrasan naman yung mga bantay. May pakinabang din talaga ang pagiging gagø nito ehh.
*pepeeep*
Saktong dumating si Michael at Van may tig isang kotse. At may kasama pang babae tong si Michael. Hmm.
Mayabang na sinipa ni Javier ang gate ng Academy.
"WOAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHGHHGGGGG!!! "
Naghurimintado sa hiyawan ang mga estudyante na parang nakalaya sa preso.
NAKARATING na kami sa bahay nila James. Probinsyang probinsya parang kay lola. Simple lang yung bahay nila James. Gawa sa kawayan ang dingding at kugon ang bubong. Para lang syang rest house sa mga resort pero malaki at maganda ang paligid. Puro halaman din at Malinis.
Binuhat na ni James yung kapatid nya at inalalayan naman ni Michael tong si Mary. Bulag pala sya. Nagkwento kasi tong si Mary sakin.
"JUSKOOOO JIMSSS ANAK!! JESSA. BAKIT NAMAN DI KAYO NAGPASABI NA UUWI PALA KAYO. AT MAY KASAMA KA PA PALA! "
Mukang yung nanay ni James.
lumabas din yung tatay ni James.
" MAGANDANG ARAW PO! " bati naming lahat sa magulang ni James. Nagmano si James don sa magulang nya at ginamot naman na nila yung anak nilang babae na kapatid ni James.
Simple lang ang buhay nila at halatang masaya ang pamilya nila.
" Naku mga iho. Pasensya n akayo sa bahay namin ahh. Medyo may kasikipan! "
Kumakain kami ngayon. Nagkatay pa sila ng manok para samin.
" ayos lang po yon! " sabay ngiti ni Kris.
*kaching*kaching*
" SIGE JIMSSSS. BASAGIN MO NA LAHAT ANG PLATO NG WALA NA TAYONG KAINANNNNNN!! "
Bigla naman napatigil kaming lahat sa pagkain.
Naghuhugas kasi si James ng plato.
" tssk. Nagkalansing lang ng mahina. Nagdadabog na agad. Si mama talaga! "
" ahehehe sige lang tuloy lang sa pagkain. Minsan talaga may katamaran ang anak ko haha. Sige kain na. "
Matapos naming kumain ay nagtulong si Calvin at Van sa pag-igib ng tubig sa tatay ni James.
Si Michael at Mary ay parang nagdadate don habang naglalaba silang dalawa. Naalala ko tuloy si Gagø. Tskk. Bakit ko ba iniisip yonn.
" TANG*NAA KA TANER!! AKIN NA YANG SAGINGGGG!! SAGING KO YANN!! "
" OH OH AH AH! HAHAHAHA. UNGGOY KA BA KRISSS?? OYYYY. GAGØ KA KRIS AHHH!! MUNTIK NA AKO DON"
nahahabulan yung dalawa at nagbabatuhan ng bato. Nag-aagawan sila sa saging.
" HOYY BAWAL MAGMURA DITO MARINIG KAYO NI MAMA! Oh alex. Ako na magsisibak dyan! ...Parang di ka naman marunong eh hahahaha! "
Kinuha ni James yung palakol at nagsimula na syang magsibak ng kahoy. Dumarating din si tatay ni James, Van at Javier na may buhat na timbang may tubig.
" hi bb gerl! Haha" bulong sakin ni gagø ng mapadaan sya sakin.
Nagpose pose pa sya sa harap ko at pinagmamalaki ang mga cute nya daw na abs. May nalalaman pa din syang pabasa basa ng buhok.
* tookk*
" ARAYYYYY SINO ANG BUMATO SAKIN? "
" SIIII KRISSS!!! CALVIN!! "
" KAPAL MO TANER. IKAW YON!!!"
" MGA PUT*RAGYA KAYO!!! SINIRA NIYO MODELLING KO!! "
Dumampot ng bato si gagø at kumaripas naman ng takbo yung dalawa sa likod ni Van at minsan ay napupunta kila Micheal.
Pinagmasdan ko silang lahat.
Lahat sila ay lalaki. Silang anim. Naging kasama ko sila ng matagal sa Academy. Mayroong pagtatalo, kalokohan at kasiyahan. Akala ko magiging tahimik ang pagsisiyasat ko sa Arsenal ngunit nagkamali ako. Nakasama ko silang anim na may iba't ibang katangian. Masaya talaga ako ng makilala ko sila at masaya ako ng makasama ko sila. Masaya ako ng makilala ko ang bawat isa sa kanila. Lalo na ng makilala ko si Calvin.
Apat na araw din kaming namalagi kila James at naging masaya naman ang lahat.
" tang*na. Nagbaon ka talaga ng saging Kris no. Unggoy ka talaga"
" hoyy Taner. Pinanganak ako sa US kaya ang saging samin serve as vitamins na makakakuha ng potassium"
" hoy Kris. Pinanganak ako sa pinas kaya ang saging dito serve as food of monkey HAHAHAHAHAHHA!! "
"F*ck youu ka talagaaaaa!!!!"
Papaakyat na kami ng dorm ng biglang dumating si kuya Tristan. Mukang hinahapo pa sya kakatakbo.
" ALEXXX. Kayo!! UMALIS NA KAYO DITO!! "
bigla syang hinaklit ni Javier at kinuwelyuhan.
" Sino ka ba? "
" bitawan mo sya Javier. Kilala ko sya! "
Sinunod nya naman ako.
" Bakit kuya? "
" KUYAAAAAAAA??! "
Napasigaw silang lahat lalo na tong si gagø tudo react. Pumasok kaming walo sa dorm nila Michael dahil nasa tapat na kami non.
" Sinabihan na ba kayo ni sir Bargas tungkol sa operations?"
" oo pumayag kaming sumama don. sinabi nyang sa susunod na buwan ay sumama daw kami sa operation nila Lutenant General."
" Alam niyo bang nakakulong ngayon si Sir Bargas sa Arsenal Prison Hall"
"ANOOOOOOOO!! "
napasigaw kaming lahat. Bakit?
" Wag kayo masyadong maingay. Nakita ang bote ng lason sa opisina ni sir Bargas kaya't under investigation siya ngayon. Sinabihan ko ang grupo nila Hake na itakas si Sir Bargas mamayang gabi at Alam na namin kung sino ang salarin sa pagkawala niSir Sarmiento! "
" Sino? "
Paguusisa ni Javier.
" Si Catamco at Garcia "
Napatingin kaming lahat kay Van. Alam nya?
" VAN. BAKIT DI KA NAGSASABI? ALAM MO NA PALA?" pagrereklamo ni Michael.
" dahil kapag sinabi ko sa inyo ay mauungkat ang tinatagong sinkreto ni Alex! "
Napatingin naman silang lahat sakin. Anong ibig nyang sabihin. Alam ba ni Van ang tungkol sakin? May nalalaman ba talaga sya sa pagkamatay ng kuya ko?
" Alex. Sabihin mo na sa kanila ang totoo kung sino ka talaga. Para di ka na mahirapan. Hindi mo kakayanin tong mag-isa. Kailangan mo din sila! "
Napatingin ako sa kamay ni kuya na napahawak sa braso ko.
*tokk*
" wag mo ngang hahawakan si alex! "
" bakit ka ba namimitik Javier. Pasaway ka talaga! " pagrereklamo ni kuya Tristan ng pitikin ni Javier ang kamay ni kuya na nakalapat sa braso ko.
Siguro nga tama si kuya Tristan. Hindi ko kakayanin tong mag-isa..kailangan ko din ang tulong nila.