The Last Dusk of Solitary | O...

بواسطة Nuivereign

3.5K 413 63

Status: Complete and Revised One Last Series Book # 1 Subtitle: One Last Night Amox Vestrella, who comes from... المزيد

The Last Dusk of Solitary
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
TLDS Writer's Note: A Reminder

Chapter 11

65 10 0
بواسطة Nuivereign

Chapter 11: Tequila

Bhea's

"Mang!" bungad ko kaagad nang sagutin na ni mama ang pangatlong tawag ko sakaniya.

"Oh, Fida? Kumusta naman kayo nina Amox diyan sa Baler? Maganda ba, anak? Kailan mo ba kami madadala riyan ng mga ate mo para naman makapag-beach din kami ulit!" Napailing ako at halos mapatampal na lang sa noo dahil sa narinig.

I can't believe her! Talagang eto pa ang ibubungad niya sa akin?

"Mang! Bakit naman si Amox pa ang tinatawagan niyo? 'Saka, siya ba ang anak niyo? Siya agad ang bukang-bibig niyo, ah? Hindi po ba p'wede na sa'kin kayo tumawag at ako ang kumustahin ninyo?" Ako ang anak diba? Nararapat lang na ganoon! Hindi sa nagseselos ako kay Amox. Ang iniintindi ko lang— baka nakakaabala sa tao. Isa pa, hindi naman ako ganoon ka-related kay Amox para dumaan at makisuyo pa si mama sakaniya. Ano ba kami? Itinali sa isa't-isa?

"Alam ko namang busy ka sa pagtratrabaho, Fida. Nagtratrabaho ka na nga, iistorbohin pa kita," dahilan niya pa. Napa-irap ako kaagad. Akala talaga ni mama kakagat ako sa sinasabi niya? Eh, kabisadong-kabisado ko kaya siya! Tsk!

"Ano po ba ang ilang minutong sandali para makausap ko kayo? Mas nakakahiya po kay Amox na siya ang tinatawagan niyo dahil siya ang naiistorbo," medyo malumanay kong kat'wiran. Kahit na-i-istress ako, ayaw ko namang magtunog bastos kay mama. Nanay ko pa rin siya.

"Wala naman siyang sinabi na naiistorbo siya, anak." Bakas sa boses ni mamang na medyo natatawa-tawa siya. Jusq! Kailangan pa bang sabihin ni Amox na naiistorbo siya? S'yempre kung ako man 'yon, mahihiya ako sa nanay ng kaibigan ko.

"Mang naman!"

"Oh siya, sige— at ikaw na ang tatawagan ko sa susunod." Nakahinga ako kaagad nang maluwag. "Mabuti pa nga, ma."

"Mag-enjoy kayo r'yan nina KC! Ibababa ko na itong tawag."

Ma? Ako ba? Hindi mo kukumustahin? O nakumusta mo na ako kay Amox? Pero ano namang alam ni Amox sa takbo ng buhay at utak ko diba?

Malakas muli akong napabuntonghininga at umiling. Gusto kong impit na tumili pero pinilit ko na lang na intindihin ang mamang dahil baka may importante siyang gagawin. Kung meron man talaga, pampalubag loob na lang sa'kin.





"Stressed ka ulit kay tita?" tanong ni EJ sa akin na tinanguan ko kaagad, "Eh, ano pa nga ba?"

"Tita's fond of Amox ah? Fishy~" gatong pa ni Iya habang ngumangata ng pagkain sa kama.

Nasa 15 minutes na kami rito sa room at ayon sa 'schedule' ni Vellardez, magpapahinga nga raw muna kami ng 30 minutes bago pumunta sa beach na siguradong hindi naman namin susundin. Lalo na ako na atat nang rumampa at lasapin ang fresh air sa labas ng kwarto na ito. Maganda rito, malaki at kahit sa iisang kama'y parang kasya kaming lima. Pero dahil may-iilang kama ang naririto, kahit magdala-dalawa kami sa isang kama, maluwang na maluwang pa rin.

Classy, modern at elegante ang disenyo ng malaking kwarto. Sa likod rin ng Resort, mahabang bukuhan muna ang lalakaran bago ang pinaka private resort na kahawig ng sa Hennan. Sabi ni Niquita, inspired raw itong Hillantas doon na inayos lang nang kaonti lalo pa't private resort nga.

Magkano kaya ang ibinayad nila rito? O baka naman wala kasi kakilala nila ang may ari? O siguro may discount lang?

"Tsk! Tara na nga lang at gumayak na tayo para makapag-swimming na sa labas, baka nagpapahinga pa sina Vellardez sa kwarto nila kaya mauna na tayo," aya ko sa kanila. Mga mabilis itong nabuhayan at tumayo na.

"True! Picture-picture tayo sa beach. Exciting!" excited na tili ni Iya habang inaalog si Ace na mukhang medyo inaantok pa.

No'ng una, nag dalawang isip pa kami kung isusuot namin ang pinamili ni Vellardez para sa amin pero kalaunan ay sinukat at sinuot din naman namin 'yon. Sayang kasi, dalawang araw lang kami rito at kung hindi namin isusuot, kailan pa namin iyon magagamit?

Tatlo ang ibinigay sa akin ni Vellardez na swimsuit, ang isa ay pastel green at ang isa ay puti  na parehong two-piece, tapos isang one suit na red.

Ang napili kong suutin ay ang tie-die na pastel green-white two-piece. Mayroon itong kasamang side skirt na manipis na tie-die rin. Itinali ko iyon sa aking bewang para maitago muna ang aking malusog na pwet bago lumabas sa beach. I-ni-clam ko rin ang buhok ko sa bandang batok para malinis tignan ang aking mukha.

"Wear this!" Inabutan kami ni Iya ng iba't -ibang aksesorya na sabi niya ay sa sale na online shop niya nabili kaya hindi namin kailangang mag-worry kung mawala man kapag nasa beach na kami.

Alam kong for picture purposes lang ito, pero bet ko ang design. Ang lakas maka-shining, shimmering, splendid!

"Ito ba talaga ang isusuot natin?" rinig kong bulong ni Kathia kay Ace. Malapit lang sila sa'kin kaya't kahit hinaan ang boses, rinig ko pa rin.

Parehas silang nakasuot ng two-piece swimsuit na brallette type pero walang staps at high waisted ang panty. Kulay royal blue ang suot ni Kathia samantalang bright red naman ang kay Ace.

"Ang sexy mo, B!" komento ni Iya na suot-suot na ang kaniyang dinalang asymmetric black swimsuit. Naka-shades na rin siya kahit nasa loob pa lang kami ng room. Itinabi niya ang tatlong swimsuit na binigay ni Vellardez, siguro hindi muna gagamitin.

"Hindi ko kinakaya, baka pag-uwi natin sa Cavana— hindi na ako dry!" Natawa ako dahil pilit tinatakpan ni KC ang kaniyang dibdib. Wala siyang choice kun'di isuot ang orange and white bandana styled two piece na ibinigay ni Vellardez sakaniya dahil iyon ang pinaka hindi daring tignan.

"Asa ka naman! Baka si Bhea kamo, siguradong hindi na dry!" akusa ni EJ sabay tingin sa akin. Suot niya ang white ribbon two-piece swimsuit tapos nagpatong siya ng pula'ng shoal sa kaniyang bewang na umabot hanggang tuhod niya.

"H'wag mo akong simulan, EJ. Tara na nga at mag-swimming na tayo!" Ako pa ang madidiligan? Eh wala nga akong jowa! Pare-parehas kaming wala nang mga jowa! Pare-parehas kaming mga dry! Ako na naman ang napansin niya, yawa talaga na 'to.


"Solo picture muna, para masaya! Unahin na natin si Bhea, napaka-sexy ni bakla— baka mamaya masunog na 'to kasi sobrang hot!" Ganoon nga ang ginawa nila, imbis na tumuloy sa beach, napagdiskitahan muna nila ang garden sa tabing room para roon kami mag-pictorial.

Si Kathia ang photographer at taga mando habang moral support lang sina EJ hanggat hindi pa nila turn para 'umawra', ika nga nila.

"Bhea itagilid mo nang onti ang ulo mo, tapos— Iya! pahiram ng shades mo, pang-props!" Malugod na inabot sa'kin ni Iya ang kaniyang shades. Sinuot ko iyon at sinunod si Kathia.

Sa 'di kalayuan, may sariling mundo na si Ace, KC at si EJ na kumukuha ng sari-sarili nilang picture mag-isa. Si Iya'y naka-tingin pa sa amin ni Kathia— matyaga siyang naghihintay sa pila sa kagustuhan niyang si Kath ang kumuha ng picture niya.

"Ayan, tas 'yang kamay mo sa bewang mo, then medyo itingkyad mo 'yang isang legs mo, emote-emote ka lang gurl." I am always confident when it comes to pictorials. Aware ako na photogenic ako kaya madali lang sa'king umawra. Ang ganda kasi nang lahi ng tatay ko eh. Hayst!

"Sandal mo 'yang arms mo sa railings, tas 'yang isang kamay mo sa baba mo, medyo tumuwad ka lang nang onti," mando muli ni Kath.

"Ay ang wild! Tumutuwad!" Humagalpak nang tawa si Iya dahil sa kadumihan ng utak niya. Akala mong hindi laman ng simbahan tuwing Linggo. Medyo natawa rin si Kathia kaya sinabayan ko na sila, natatawa rin kasi ako sa minsang mga banat niya kahit na alam kong wala naman talaga itong experience.

Dati na-alok na akong mag-model para sa isang kilalang brand sa Maynila na hindi ko pina-unlakan. Conservative kasi ang pamilya at malaking issue iyon kung sakali lalo na't bata pa ako noon. Pero nang nag-18 ako, sinigurado kong gagawin ko at mananamit ako ng base at naaayon sa kagustuhan ko. Hindi para mapuri ng iba o mabastos pero dahil— doon ako komportable at doon ko nararamdaman ang confidence para sa sarili. Madalas akong nakakarinig na dapat hindi ganito ang suot ko, kesyo nakakabastos daw kasi at baka kung mapano pa ako.

At my age, I already know how and when to wear appropriate clothes at the most appropriate time. Alam kong makibagay at ilagay sa lugar ang sarili within the fact of being myself and feeling myself at the same time. However, can we just be real here? Instead of blaming the person who wears their comfort clothes, why not educate other people to not sexualize every other person? Whether they are wearing revealing clothes or conservative ones, when a person has that dirty mindset and lust over their mind— it will not make everything fine.

People, especially parents must teach their kids not to be impertinent. Teach your kid not to sexualize. Teach your kid not to rape. Teach your kids not to overlook something and flatter themselves about a certain action that is not even meant for their approval. Instead, teach your kids and other people to respect— respect all people no matter how they clothe themselves. Teach them to show courtesy, politeness, and good manners to every person they face. Instead of telling them to act according to the norms— tell them to act accordingly to what is factually right and just.

Ay bongga, napapa-ingles ako ng straight. Hay.

"Whole body naman! Ipatong mo 'yang kanang kamay mo sa ulo mo, tingkyad mo uli 'yong isang legs mo tapos medyo umislant ka nang kaonti!" Nandito na kami ngayon sa beach para iba na ang background. Siguro nakaka-sinkwenta'ng shots na kami at hindi malabong mapuno ulit ang memory ng cellphone ni Iya. I-e-edit niya pa iyan mamaya at syempre, i-se-send ang lahat ng picture sa amin sa Telegram para hindi lumabo ang quality.

"Hala, dzai! Ang puti nang lahat sa'yo, Bhea! Ang kinis ng kili-kili mo, p'wede bang tumira riyan? Dili na ako mag-leave forever, swear! D'yan na lang ako sa imong kili-kili, ahahahah" puri ni Iya na sinundan ng puna ni KC sa malayo, "Ano ba'ng hindi maputi sa'yo Bhea?!"

Kunwari akong nag-flip ng buhok kahit pa naka-clam ito, "Hayst. Ako lang 'to, mga ate. Kumalma kayo, aware nako nga hot kaayo ako, seksi, ug matahum. (Kumalma kayo, alam ko namang hot,sexy at maganda ako.)" I crossed my arms, taunting a bit.

"Yes, gwapa kaayo ka." That certain deep and musky voice from a certain person made me stiff in an instant. Ang kaninang confidence sa harap ni Kathia ay tila ba unti-unti nang nalulusaw. Pinagmasdan kong mabuti ang papalapit na sina Amox sa gawi namin. Nangunguna siya dahil ilang hakbang na lang siya sa pagitan namin ni Kathia na nakatingin na rin sakanila.

Amox was topless. Lahat sila topless! Paparating na sina Dart at Migs sa likod niya na mukhang mga nagbibiruan pa. Ang suot na beach shorts ni Amox ay simpleng dark green lang na halata kong kahit simple eh, branded. His skin was kinda glowing because of the streak from the sun. Naka-silver chain necklace pa siya kaya't medyo nakakasilaw nang medyo kuminang iyon nang tinamaan na rin nang sinag ng araw.

"Gagi?!" Kathia cursed. Tinatakpan kunwari ang mata niya na  naka-awang din naman— tama lang para makita niya pa rin sila.

"Iya? Iya 'yong panty mo lumuluwag 'yong garter. Bad 'yan magkakasala ka kay Lord, pumikit ka na lang," pang-iinis ni KC kay Iya. Her eyes stayed at Dart who's wearing the same beach shorts as Amox na kulay itim, walang salita ang lumabas sa bibig nito at parang natameme.

"Hala gagi, may mga monay at pandesal!" ipit na bulong na rin ni EJ na nakalapit na pala sa amin. Halong may pagka laharan at nahihiya-hiyang pinagmamasdan ang mga nakabalandrang 'monay' sa harap niya.

"Ano'ng palaman?! Nutella?" sali pa ni Kathia, kunwaring naka-takip pa rin sa mukha niya.

"Parang mas masarap na palaman 'yong peanut butter?" suhestyon naman ni KC sa sinabi ni Kathia na siyang ikinabuntonghininga ni Ace. "Sabi ni Lord, kapag hindi kayo nag balik loob sakaniya, hindi na kayo qualified sa kaharian niya. Mga makikiri kayo masyado," mahinang komento nito habang busy sa cellphone para tignan ang mga picture niya.

Sa 'di kalayuan matatanaw ang magkapatid na Vellardez at si Liham. Bitbit ni Thyrell ang mga gamit ni Vellardez. Siguro, mag ta-tanning session dahil may dala pa siyang mahihigan at maliit na basket.

"Gosh! Hindi man lang kayo naghintay, Bhea! Urgh! Akala ko ba magre-relax tayong lahat? Bakit nagso-solo kayo?" Inilatag ni Thyrell ang gamit ni Vellardez at tahimik iyong inayos habang nagmamaktol ang kapatid.

Tahimik lang sa aking gilid si Amox habang hawak ang cellphone ni Iya. My whole system was alarmed at his presence and to my friend's phone. Yawa, tinitignan niya pa yata ang mga picture ko. Hindi ko pa nakikita ang mga iyon! Mayos ba ang mukha ko roon?

Pisti! Ano'ng nangyari sa 'ang ganda kasi nang lahi ng tatay ko' at nako-conscious ako ngayon? Ano ba, Bhea? Umayos ka nga!

"Niqui, hayaan mo muna silang magsaya'ng magkakaibigan. Do'n muna tayo sumama kina Kuya at Thyrell." Nginuso ni Liham si Dart at si Thyrell na gumawa ng sarili nilang p'westo medyo malayo sa amin. Siguro, ayaw malapit sa ibang kasama para matahimik ang buhay at sa ibang mga taong naka-check in din sa resort. Pero iilan lang naman iyon dahil nga siguro private ito.

Nanatili ako sa aking p'westo, pinag-iisipang mabuti kung kukuhanin ko ba kay Amox ang cellphone o hahayaan ko na lang siya. Baka naman kasi assumera lang ako at hindi pala picture ko ang tinitignan niya, diba?


"Naks! Ang gagandang dalaga niyo naman. Pose kayo ro'n, kunan ko kayo ng picture." Rinig kong puri ni Migs sa amin kaya't hinarap ko siya at tinanong. "Hindi ka ba mag-swi-swimming, Migs?"

"Nakapangako ako kay Sekiya na ako ang photographer of the trip niya, eh. Wala kasi siyang jowa," k'wento ni Migs na ikinagalit lang ni Iya.

"Ang kapal ng mukha mo, wala akong sinabing gan'yan no, gusto mo lang magpapogi points kay—" Mabilis na tinakpan ni Migs ang bibig nito– tinuro pa ang isang magandang spot kung saan p'wede kaming mag-picture para roon matuon ang pansin.

Malugod namang ibinigay ni Amox ang cellphone ni Iya kay Migs para magamit pang-picture.

"Pose na kayo!" Maraming kinuhang litrato si Migs hanggang sa na-satisfy na ang mga kasama ko. Hindi ko na ininda ang kainitan dahil mas mainit ang hatid na tingin ni Amox sa akin. I mean, he's looking at me intently! Kaso lang, kahit ganoon, malamig na pawis ang lumalabas sa akin.

"Shall we?" approach sa akin ni Amox, matapos kong tignan ang mga kuha ni Migs sa amin.

"Saan?"

"Turuan kitang mag-surf. Maganda ang alon ngayon." Ginawaran ko ang dagat. Katamtaman lang ang alon sa dalampasigan pero sa bandang gitna, medyo malakas ang hampas at hangin. May iilang nag-se-surf sa kabilang side ng dagat na hindi na ata sakop ng resort. Nakakita pa ako ng nahulog sa surfing board kaya't agad akong umiling at kumontra sa alok niya.

"Para sa lupa lang ang katapangan ko, baka mahulog ako r'yan sa tubig," daing ko habang sinesenyas nang dalawang braso ang pagtanggi.

Marahang ngumiti si Amox. Iyon ang ngiti na minsan niya lang ipakita. Bilang ko sa daliri ko kung iilang beses ko pa lang siyang nakikitang ngumiti kapag magkausap o magkasama kami. Lagi siyang siryoso at misteryoso, pero kapag nakita mo ang ngiti niya? It's as if he's the softest person in the world.

"I'll make sure you won't get any scratches or bruises. I'll take care of you." Medyo ti-nap niya ang taas ng ulo ko bago siya lumakad papunta sa mga nag-a-assist sa surfing.

"You'll be using this foam board since it is applicable for your height. I'll attach the leash on your feet." Isang malaki at medyo malobong surfboard na kulay blue ang nasa tapat namin. Iyon raw ang gagamitin ko.

Nakaluhod ngayon si Amox sa beach sand dahil ikinakabit niya ang leash sa non-dominant foot ko. Nakakabit iyon sa ankle ko. Sabi ng surfing instructor, magiging medyo nakakailang iyon pero kailangang suotin ko ang leash dahil beginner pa lang ako.  Itatapak ko raw ang paa kong may leash sa likod ng surfboard, medyo malapit sa tail part para sa control.

Ang dami nilang sinasabi na technical terms na hindi ko naiintindihan. Umabot ata kami roon nang sampung minuto dahil kinausap at tinuruan pa ako ng basics no'ng surfing instructor na mukhang kakilala pa ni Amox. Tinanong pa nga ako kung gusto ko raw magpalit ng surfing attire, eh wala naman talaga akong balak na mag-surfing ng tutuo kaya humindi na ako.

"Sigurado ka bang safe 'to? Paano pala kapag nahulog ako?"

"Yes, I already checked the daily wave conditions and the safe surf spot. Plus Kuya Alex said it's good timing to surf. Do you remember everything that he said?" Halos mapatampal ako sa noo.

Wala akong naalala dzai! Kung mamatay ako karon, edi rest in peace na lang jud sa akon! (Kung mamatay man ako ngayon, edi rest in peace na lang sa akin!)

"If ever you fall, be aware of your head immediately, cover it— even though I'll make sure you won't be hurt, you still must be aware of your own safety. Plus don't panic, I'm just beside you." Wala nang sinayang na oras pa si Amox at hinila na ako papunta sa dalampasigan.

Pinaalala niyang muli ang basics at safety precautions kahit pa ang ginawa ko lang naman ay mag-aral nang tamang pag-paddle at pagtayo sa board nang hindi nanginginig ang aking tuhod. Kanina'y dalawang beses akong montik mahulog sa board, mabilis namang lumalapit si Amox sa akin para hawakan ang aking kamay at maitayo nang matuwid. Ang daming kalaban dito sa pag-se-surfing. Ang sarili mo, ang alon, ang surfboard at ang gravity. Basics pa lang ito pero para na akong nag-gym dahil sa pagod at kaba sa tuwing susubukan ko nang tumayo.

Anyare sa pagiging independent at confident ko? Sabi na't hindi ako pang dagat, eh. Kaya siguro kahit kailan, hindi ako sinama ni papang dati kapag nangingisda sila nina Kuya at pinagtitinda na lang ako sa palengke.

"Gosh! You're not even playing with the waves!" kutya sa'kin ni Vellardez nang nakita akong nagpapadel. Nasa gilid ko si Amox, naninimbang kung lalapitan ba ako kung sakaling tumayo ulit ako nang alanganin.

"Ano, here ka na lang sa dalampasigan? Dadapa ka na lang diyan sa surfboard?" Kapag talaga nakalimutan kong siya ang kumargo sa lahat ng gastusin papunta rito sa Baler at isa siya sa dahilan kung bakit ako may trabaho— ihahampas ko na lang 'tong surfing board sa buong pagkatao niya at isasagad ko na hanggang sa kaluluwa!

Ka-imbyerna na naman ang bruha!

"She's still learning the right paddling technique, Niqui. Stop laughing, you don't even know how to surf, also. I'll teach you later, don't worry." Hindi ko pinigilan ang malakas na tawa ko nang sinabi iyon ni Amox.

Burn! Lowkey but hard naman pa lang bumanat nang asik ang isang Amoxicillin Jardience Vestrella! Nakakapaso, mapanakit!

Umalis si Vellardez sa harap namin nang wala nang sinabi, na-realtalk kaya hindi na bumanda pabalik. Inilingan ko si Amox habang nangi-ngisi-ngisi, "Sutil ka, baka mapa-iyak mo si Niquita."

"She'll be fine, 'wanna try surfing with the real waves?" aya niya habang inaalalayan akong bumaba sa surfboard ng ligtas.

"Hindi na, marami pa akong dapat matutunan." Hindi ko pa kaya roon sa gitna, 'di nga ako makatayo ng matino! 'Saka na kapag hindi na nanginginig ang tuhod ko dahil lang sa malapit siya sa akin.

"Okay, you better join your friends there, I'll just surf with Dart." Nang naalis na ang leash sa aking paa'y nagtungo na ako kina Iya. Nakahiga ang mga ito sa sunlounge na nakahilera sa medyo malilim na gawi ng resort. Si EJ,Kathia,KC, at Iya lang ang nando'n. Naki-upo ako sa tingin kong pwesto dapat ni Ace. Asaan kaya 'yon? Kausap na naman kaya ang jowa niya o baka gusto nang tahimik na buhay kaya  lumarga mag-isa?

"Oh? Kumusta naman ang pabebe session with Amoxicillin Vestrella?" si EJ, sinusuyod ng tingin si Amox na nag-se-surf na ngayon sa gitna kasama ni Dart. Para silang nagpapaliksahan at nagpapabilisan sa pagpunta sa tuktok ng alon.

"Yawa ka! Nakakatakot kaya, try mo!"

"Asaan na ang palaban na Bheanna Afidahrielle? 'Diba walang kinakatakutan si Bhea?" Dumapa siya sa sunlounge at sa akin ginawi ang mukha para mainis niya pa rin ako kahit gano'n na ang pwesto niya.

"Gusto mo, ikaw r'on? Itulak kita r'yan sa dagat, eh."

" 'Saka na, kapag may hahawak na rin ng kamay ko." Ginaya ko ang mapang-uyam na salita ni EJ bago ko tinignan muli si Amox. Nag-se-surfing pa rin siya pero ngayon ay may tri-na-try siyang ibang tricks na madalas, sa tv ko lang nakikita.

Nag-360 turn siya sa taas ng alon na tila ba kinakalaban niya. Natalsikan pa si Dart, kaya't gumanti sakaniya at hinintay ang tamang oras para umikot din at makapantalsik. Kung susuriing mabuti, masasabi mo talagang alam niya ang ginagawa niya. Sabagay, hindi naman siguro siya gano'n ka-confident na ayain akong mag-surf kung hindi siya propesyonal.

"Hinay-hinay sa kakatingin, baka tumulo ang mga laway. Wala si Ace para magpaalala kaya ako na ang babawal sainyo," paalala ni Kathia. May dala siyang isang buko juice para sa amin.  Nasa likod niya si Liham at si Migs na may mga dala ring buko juice dahil hindi iyon kayang dalhin lahat ni Kath. Isang buong buko kasi.

"Oh, eto buko juice, pangtanggal sa uhaw-na uhaw niyong mga kalanturan." Unang inabutan ni Kath si Iya na katabi ni EJ, mukhang uhaw na uhaw na nga ang bruha dahil sunod-sunod na higop na ang ginawa niya sa straw.

Lumapit naman sa tabi ko si Liham at siya ang nagbigay ng buko juice sa akin. Umupo ito sa kaliwang sunlounge na katabi ko. "Matagal na ba silang nag-se-surf?" tukoy ko kina Amox at Dart. Humigop ako sa buko juice habang nakatingin pa rin sa gawi nila.

"Ahh, oo. Bata pa lang marunong na kami nina Kuya, tapos no'ng naging close sila ni Amox, tinuruan siya ni Kuya." Kaya pala marunong na sila.

Hinarap ko si Liham dahil sa kyuryosidad, "Marunong ka rin, Liham?"

"Kaonti lang," sagot niya at bahagyang ngumisi. Pagkalingon ko muli sa harap, nanduroon na si Amox na nagpupunas ng kaniyang batok at buhok. Parang itinusok niya sa buhangin ang surf board na ginamit kanina at nagtungo sa amin ni Liham.

"Tapos ka na?" Tumango siya sa tanong ko, "Hmm, can I sit here?" Kay Liham siya nakatingin kaya't tumayo si Liham para paupuin siya. "Sige lang."

"Liham! Come here, let's surf!" sigaw ni Dart, kasalukuyang naka-upo sa surfboard niya at hinihintay ang paglapit ng kapatid. Tumango kaagad si Liham bago niya inalis ang flowy dress niyang puti. She's now wearing her blue and green tie-die bikini. Ang ginamit kong surfboard at ni Amox kanina ang gagamitin niya rin. Dahil abala sa kakatingin kay Liham, hindi ko na namalayang kinuha pala ni Amox sa kamay ko ang buko juice at siya ang uminom doon.

Considered bang indirect kiss 'yon?

"Ang galing ni Liham!" puri ko kay Liham na tumatalon-talon pa sa surf board. Sabi niya 'Kaonti lang' siyang marunong— sus! Pa-humble talaga masyado si Liham, ang galing-galing niya kaya!

"She's much better than her brother."

"Sana ako rin, kaso nakakatakot talaga ang alon." Ibinalik ni Amox sa palad ko ang buko juice, tumayo siya at inilahad ang kamay sa harap ko.

"Then how about Jetski? I'll drive and you stay comfortable behind me." Kabi-kabilang pekeng ubo ang narinig ko sa mga kaibigan ko na kaniya-kaniya ang parinig. Kunwaring naiiling ako sakanila pero nang tumalikod na si Amox ay nag-flip hair pa ako at nag-taas noo sa kanila, sabay bulong nang— "Ako lang 'to. Kumalma kayo."


In no time, may Jetski na sa harap ni Amox, dala-dala ng isang staff na binilinan si Amox nang gagawin. Binigyan din kami ng life-jacket na tinagihan ko kanina dahil nasa dalampasigan lang naman ako. Baka ilayo ni Amox ang pagpapatakbo, kaya't mas mabuti nang may ganito ako ngayon. Inalalayan niya muna akong sumakay bago siya sumakay sa harap ko, turning on the so-called Jetski ignition switch.

No'ng una mabagal niya lang pinatakbo kaya't sa may parang likod pa ako humawak. Alangan naman umakap ako bigla diba? Kahit makiri ako, desente pa rin naman akong nilalang! But when Amox tried to get my hand and put it around his waist while driving the Jetski with only one arm? I knew I had to remind my self na sinisigurado niya lang na hindi ako mahuhulog.

"Hold tight. We'll gonna ride fast and hard." Why the fuck does it sound so sensual in my ears? Jusq!

"Do you often ride Jetski?" pang-uusyoso ko na medyo pasigaw para magkarinigan kami. "No! It's my second time!" sigaw niya rin at mas lalo pang pinaharurot sa dagat ang sasakyan, do'n pa siya dumaan sa gitna ni Liham at ni Dart. Rinig tuloy ang himutok ni Dart dahil nahulog siya sa surfboard niya matapos naming makaraan ni Amox.

"Talaga ba?" Second time ha? 'Di kaya jamming 'to? "Yes! I first time rode a Jetski when I was on an outing trip with my family, you're the first girl who rode a Jetski with me." Nang gu-good-time ata 'to, eh! 'Wag naman gano'n hinay-hinay lang, I'm already flushing red here!

"Dapat ba akong ma-flutter?" bawi ko sa kaonting paro-parong lumipad panandalian sa aking t'yan. Sa gitna ng medyo umaalong dagat ay hininto niya ang Jetski, nilingon ako at huminga ng malalim.

"Are you up for a date?" Take note na naka-akap ako sa kaniyang t'yan at lumingon siya sa akin 'saka nagtanong ng siryosong katanungan!

"What?" It was that intense to have his face so near me, parang mas makinis pa ang mukha ni Amox kaysa sa akin. Wala ata siyang pores! His almond green eyes showed a lot of unsaid thoughts as he was waiting for my right response that didn't come because I was so caught up with his wild and hot presence.

"Don't be too fluttered, not until you're free from guilt to have a date with me, Afidahrielle..." Siryoso niyang wika kasabay nang malalim niyang panunukat ng tingin sa aking mata. Bumalik ang mistiryoso niyang awra. He's being unpredictable again, making me bite my lower lips because of the intensity of his stare.





"Tara roon sa lagoon?" aya sa akin ni KC nang nakabalik na ako sa kanila.

Hindi na muling umimik pa si Amox matapos niyang sabihin iyon sa akin kanina. Binalik niya na sa dalampasigan ang Jetski tapos lumapit na kay Vellardez nang agaran para turuan siyang mag-surf.

"Kanina pa si Ace doon, wala raw kasing masyadong tao," imporma pa ni Iya kaya't tinungo na agad namin ang lagoon para roon sana mag-swimming. Kaso lang, fake-news naman sila dahil kitang-kita nang dalawang mata kong hindi nag-iisa si Ace. Nagsusukatan ng pride silang dalawa ni Thyrell sa magkabilang side ng pool habang parehas na magkakibit ang balikat. Tila ba hinihintay nila kung sino ang unang aalis para masolo ang lagoon.

"H'wag na tayo sa lagoon, mukhang mainit ang tubig doon, kumukulo" aya ko na sa kanila at tinulak pa. Ayokong tawagin si Ace, mukhang bad mood.

"Huh? Hot spring ba 'yong lagoon, Bhea?" walang kamuwang-muwang na tanong ni Kathia. Hindi ko siya agad na sagot dahil kay Vellardez.

"Oh? I thought pupunta kayo sa lagoon?" panghihimasok nito, sumunod pala sila sa amin imbis na magpaturo mag-surf. Mabilis ko siyang inilingan, "Hindi, magbibihis na kami Niquita."

"Oh? Okay! Basta be ready at 7, ha! We'll have some fun and it's a surprise!"





Masarap sa pakiramdam na nakapagbanlaw kami at nakapagbihis. Medyo mahapdi sa balat ang tubig alat kaya't medyo namumula na ang balat ko. Hindi ko iyon namalayan kanina dahil bukod sa nag-e-enjoy ako— pre-occupied ako sa dami nang iniisip.

Mga ilang minuto lang din ang lumipas nang sumunod na si Ace sa amin at naglinis na rin bago tumabi kay Iya sa sofa. May pa-room service pa ngang pinadala sa amin si Niquita. Minsan talaga nagdidilang anghel iyon. Minsan lang.

Nag-selfie ako habang nanunuod ng Netflix, naka-upo ako sa kama at katabi ko si KC na nakahiga sa aking hita. Hindi nanunuod dahil may ka-chat na kung sino sa Bumble app niya. Si EJ at si Kathia naman ay nagpapaligsahan sa pagbibilang kung makakailan silang gwapo na feeling nilang daks na makikita sa palabas na pinapanuod namin.

Nakadalawang movie kami bago sila bumulagta at nakatulog. Inayos ko nang higa si KC sa unan para makapag-unat. Balak kong lumabas mag-isa. 5 na ng hapon at gusto kong makita ang sunset dito sa Dinadiawan. Gusto ko mang gisingin sila, hindi ko na ginawa dahil alam kong pagod rin sila dahil may mga ginawa sila kanina nang hindi ako kasama.

Hindi na ako nagsuot nang pang-patong sa suot ko, I was wearing my nude brown brallete top at cream white flowy trousers na highwaisted. Hindi na rin ako nag-abala pang magsuot ng sapin sa paa dahil sa kagustuhang makalabas agad sa beach.





On my way there, I saw Amox also walking— holding a bottle of tequila and a plate of lemon.

"You guys finished watching already?" bati niya nang napansin ako. He's already wearing his plain white shirt at dirty-white na trousers, tinatago ang kaninang nakabalendrang abs niya. Montik akong ngumisi nang malapad nang napansin kong hindi rin siya nakasuot ng kahit anong sapin sa paa.

"Mga nakatulog eh, pagod siguro. Pupunta ka sa beach?"

"I'll wait for the sunset."

"And drink tequila? Ikaw lang mag-isa?"

"Will you join me, then?" Wala namang masama kung sasamahan ko siya diba? Wala naman akong gagawing iligal. Diba?

"Sure!"





"Madalas ka bang mag-tequila mag-isa? Akala ko wine ang gusto mo..." roon kami umupo sa kaninang inuupuan na blanket ni Vellardez. Nando'n pa rin at hindi na inalis dahil balak niya sigurong bumalik.

Akala ko'y hihiga nang tuluyan si Amox pero tinukod niya ang braso niya sa blanket at nagsalin ng tequila sa shot glass.

"Different alcoholic drinks for different moods." The way he said that line, looked so cool and manly. With that husky, solid, and deep voice of his.

"Ano ba'ng mood mo ngayon?" Sa akin inabot ni Amox ang unang shot, hinintay ko muna siyang makapagsalin nang sakaniya bago namin sabay na ininom ang tequila.

"Stuck."

"Stuck? Saan naman?" Kunot noo ko pang tanong, sipping the lemon to ease the bitterness in my throat. Amox looked down at his shot glass, making sure that he will not have another eye contact with me, "Stuck between doing the right thing out of feelings or doing the right thing out of guilt."

"Eh ano ba kasi ang gusto mong gawin?" This time, ako naman ang nagsalin ng tequila para sakaniya. Gaya nang dati sa Waves no'ng wine pa ang iniinom namin. Nang nakalahati ko nang nasalinan ang kaniyang shot glass, tumingin na muli siya sa akin. Looking at me dearly while softly speaking the most eloquent sentence of the day, "I want to pursue a beautiful gem."

Ayan na naman, sinabihan niya ako kanina na huwag ma-flatter sa mga sinasabi niya. So I shouldn't assume and feel lovely when it's possible that he doesn't mean his words, or maybe he meant every word he says but I'm just not the right person to process every bit of it.

"Bibilhan mo ng alahas ang nanay mo?" baling ko, tinatakasan ang mga iniisip na hindi maaaring isipin. "Ako gusto ko rin! Sana isang araw mabigyan ko ng alahas si mamang," dugtong ko pa para masuportahan ang unang palusot.

"You'll give everything for your mamang, huh?" Nakadalawang shot si Amox ng tequila, hindi siya nag-le-lemon kanina pa kaya't napapa-isip ako kung bakit nagdala pa siya nito kung hindi niya pala kakainin.

"Oo naman! Kahit gano'n si mama, mahal na mahal ko iyon. S'yempre nag-iisang nanay ko 'yon eh! Wala naman akong choice! Charot!" Sabay kaming napangisi ni Amox.

Para fair, ako rin ay nagdalawang shot ng tequila.

"Did you know that your mom often tells me to remind you to take it easy on yourself?" Confirmed na siya talaga ang binubuliglig ng nanay ko! Sakaniya na mismo nangagaling. Buti pa siya updated, ako hindi.

"Ha? Kailan?"

"She says that you may be working too hard for them..." Talaga? Madalas kasi, ang naririnig ko kay mamang... 'Fida, magtrabaho ka nang mabuti para maka-ahon sa hirap.' Kaya ngayon, bakit parang baligtad? Bakit kapag bida sa ibang tao, parang nag-aalala si mama? Bakit kapag sa'kin mismo, iba ang patutsada? I mean, I appreciate her thoughts, sana lang— sakaniya ko mismo naririnig para mas nakakapampalumanay sa akin. Na nag-aalala pala siya sa kalagayan ko...

"Bakit naman sa'yo pa sinasabi ni mama? P'wede naman kasing sa'kin siya tumawag, ikaw pa tuloy ang naaabala," biro ko kay Amox, tinampal ko pa kunwari ang braso niya at tumingala nang mabilis para hindi tumulo ang luha.

"It's nothing. I like talking with your mom," he stated, also looking up at the sky that was currently changing its color scheme.

"Kaysa si mama ang kinakausap mo, dapat nga ang mama mo ang tinatawagan mo!"

Halata ang biglaang pagpikit ni Amox at paglunok, matapos kong sabihin iyon. Natahimik siya kaya't tinignan ko pa siya sandali. Nang naramdaman niya sigurong pinagmamasdan ko siya'y saka pa lang siya umimik, "I can't call her..."

"Kasi busy palagi sa hospital?" Parehas nga pa lang doctor ang mama at papa niya, tapos ang mga kapatid niya na kagaya niya ay mag-do-doctor din. Masaya pa kaya sila sa buhay nila? May oras pa kaya sila para harapin ang isa't-isa? Lalo pa't ang layo ni Amox sa Boston, andito siya mag-isa sa Pinas.

"Yep, she's very busy and far away to answer my call."

"Hayaan mo, kapag may free time 'yon gaya no'ng kinumusta ka dati, tatawag din uli 'yon." Buti nga ang mama niya, tinatawagan siya nang kusa. Ako kasi, ako pa ang tumatawag kay mama. Minsan nga binababaan pa ako sa linya dahil may importanteng pupuntahan o gagawin. Kapag naman siya ang tumatawag... kapag may problema lang.

"Are you enjoying this trip?" Dilat na ngayon ang mata niya, namumukod tangi tuloy ang kulay ng mata niya sa orange, dilaw at medyo blue na kalangitan.

"Oo naman! Nag-eenjoy ako, kami ng mga kaibigan ko— kahit hindi nila sinasabi, mga natutuwa iyon."

"Pero?" nangangapa niyang tanong, siguro naramdamang may ibang bumabagabag sa isip ko.

"Naiisip ko lang ang gastos, sagot kasi ninyo lahat, eh. S'yempre— kahit naman alam kong mapera kayo, nanghihinayang pa rin ako. Iniisip ko lang kasi, kung pagsasama-samahin lahat nang nagastos– makakatulong tayo sa ibang tao."

Panigurado gagastos sila ng ilang libo. Ang dami kayang gutom sa mundo, ang swerte nga namin at pa-tequi-tequila lang kami rito. Partida sa beach pa at sa harap nang isang mamahalin na private resort.

"You want to help other people even if you're struggling in life, yourself," Amox stated, spitting facts and not accommodating any errors from his vivid statement.

"Oo naman! S'yempre, ang sarap kasi sa pakiramdam na makatulong sa ibang tao diba?" Malapad akong ngumiti. Naiisip ko pa lang ang kapalit na 'salamat' at ngiti nang mga natulungan— parang ang gaan na kaagad sa pakiramdam. Paano pa kung tutuong nakatulong kami diba?

Umismid si Amox at sinimsim ang lemon, dahil siguro sa asim ay iniwas niya ang mukha sa akin bago siya maling umimik, "You always amaze me."

Umiwas ba dahil nangasim o umiwas ng tingin dahil — erase! Focus Bheanna!

"Ako pa talaga? Ikaw kaya ang nakaka-amaze riyan! Sa tutuo lang— napaka-unpredictable mo, kaya sa tuwing may gagawin kang isang bagay—parang nagugulat pa ako." Tanga! Sabi ko focus, hindi ko sinabing ilaglag mo ang sarili mo! Eh, ayan na nga at nalaglag na! Sige't manindigan kang yawa ka!

Taranta at basta-basta kong kinuha ang cellphone niya na nakalagay sa lapag ng blanket, wala pa rin iyong password kaya mabilis akong nakapunta sa camera.

"Pose ka na nga lang d'yan! Kunan kita ng picture, ang ganda ng view, eh." Hinarang ko sa mukha ko ang cellphone niya para hindi niya makita ang medyo pagkataranta nang aking mukha.

Amox smirked for a while before he turned to me, hinawi sa harap ko ang cellphone at minata ako nang mabuti. " I thought you'll say that I look too handsome." Aba!

"Luh, gaya-gaya ka ng line!" sinabi ko na rin kaya 'yan dati! Tsk, babanat na nga lang— hindi pa umisip ng may originality! Masungit ko tuloy na ibinalik sa ayos ang cellphone para kuhanan siya nang picture. Sinandal niya muli ang isang braso sa blanket at nag-side view. Because of his astonishing features, na-i-blast shot ko ang pagkuha ng picture. Bahala na siyang mamili kung alin doon ang gusto niya.

Pisteng yawa'ng Vestrella! Mamamatay ako dahil sa atake sa akong kasingkasing! (Mamamatay ako nang dahil sa atake sa puso!)

Limang minuto ang lumipas na parehas lang kaming tahimik hanggang sa dumilim na ang langit. I was admiring the fading colors of the sky when he spoke again, "I'll talk with Dart and the others about your idea, I'll update you once we already have funds to help others," he said out of nowhere while he was scanning the pictures. Pinupunto niya ang gusto kong pagtulong sa nangangailangan.

No'n lang nag-sink in sa akin na mag-gagabi na ulit kaya sa huli'y bahagya na lang akong tumango at tumayo na sa blanket para pagpagin ang sarili at magpaalam, "Sige. Ikaw bahala. Mauna na akong bumalik sa loob, baka gising na sina Kathia."

Amox slightly smiled and heaved a sigh, "Go on... I'll see you tonight."

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

86.5K 3.6K 54
"Just be honest with me or stay away from me. It's not that difficult." Alhana Isobel Mendez isn't the type of girl who play games. She's honest and...
39.9K 1.1K 38
Nexus Band Series #2 Jethro Yanez
11.8K 498 44
Dark and bright. That's how people describe Alessandria and Arabella when they are together. It's like a fusion of two of the world's greatest opposi...
20.3K 511 61
Avellanoza Series #1 Katrina Beatrice Avellanoza always excel in life. She knows what she wants, and she got everything figured out in her life. She...