The love of a Prince in 1824

By AFairy_Bloosom

211 18 0

Back to past 1824, Lee Ryeong was a crown Prince from the Joseon Dynasty who failed his love according to his... More

Chapter 1:Present Times
Chapter 2: First Meeting
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 9

9 1 0
By AFairy_Bloosom

Chapter 9


Pangatlong araw na namin sa ensayo at ganon padin lagi ang routine namin. Mula sa tamang pagtayo, paglakad,at pag-upo ay halos inaabot na kami ng dalawang oras sa kakaulit.

"Woahhhh! "

Natutuwang sabi ko habang isa-isang tinitignan ang pagkain nakahanda sa mesa. Tamang-tama at gutom na ako.Kumuha ako ng chopsticks at nagdasal saglit.

"Lord, thank you for this food that you gave us Today. That will give us strength and wisdom. And this we us, Amen. "

Pag -mulat ng mata ko ay agad akong napahinto. Tinitigan ko sila dahil nakatingin sila sa akin ngayon. Nagtataka ako kung bakit ganun tingin nila sa akin? 

"Bakit po? "

Tanong ko pero umiling lang si Lady kyu at umatras naman ang ibang mga court maids.

Agad kung nilantakan ang nasa malapit kung kimchi ng biglang hampasin ni Lady hae ang kmay ko kaya nabitawan ko yung chopsticks.

Narinig kung may tumatawa sa mga court maids kaya agad ko silang sinamaan ng tingin.

"Hindi ganyan ang tama galaw ang isang binibini pagkakain, Lady Kim. Umupo ka ng comportable at dahan-dahan lang! " matamlay na sabi ni Lady kyu.

Pansin ko lang si Lady Kyu ang mahinhin sa kanilang tatlo. Napaghalataan tuloy parang di nadidiligin. Charoot!

"Nagugutom na ako e, !",naiinis kung sagot.

Hindi na ako umimik at tinoun ng pansin sa pagkain.

"Oww.. Masharap ito! Medjo ,a-anghang", turo ko sa kanila dun sa may ramyun. Pinaypayan ko narin ang bibig ko dahil sa sobrang anghang tong nakain ko. "May galit yata sa Akin ang nagluto nito ah? ",inis kung sabi.

Di kaya inutusan ni Lady Hae ang mga kusinero na lagyan ng maraming sili ,pagkain ko.

"Ahmm, binibini. Hindi rin tama na magsasalita pag kakain lalo na po pag puno ang iyong  bibig.Paumanhin sa salita na making bibitawan pero Panget po talaga tignan!. "

Tsskk!  Inirapan ko lang sila at tinuloy ang pagkain.

Panget nga din nila tignanNagreklamo ba ako. Di 'ba hindi. Kasi may respeto ako sa mga nilalang na katulad nila, e.

Nang matapos kung maubos lahat ang nakalatag ay humiga ako sa sahig sa sobrang busog.

"Ayyy! Lady kim!Bumangon po kayo ri'yan.Marumi po dito!"

Nang akmang lalapit si Lady kyu sa akin ay bumangon ako at umupo.Tinignan ko si Lady Hae na parang nagpipigil lang ng inis sa akin. Tumayo ako para baba ang kinain ko sa katawan. Nagpapahangin na din dahil sa dami kung kinain ay parang naghihina rin ako.

Maya-maya ay pinaupo ulit nila ako. May mga libro na sa mesa ko.

"Ito nayung panghuli sa pangkat ng mga libro. Hindi nama sila masyadong importeng basahen pero kailangan mo parin malaman ang nakasulat para may kunti kang kaalaman pagdating ng  takdang panahon! "

Sabi ni Lady Hae pero ang mata ko ay nakatingin lang sa Lake.  Tumango-tangoblang ako bilang sahot.

'Ye! ", wala sa sarili kung sagot.

"Bukas ay magsisimula na ang koronasyonLahat ng mga napag-aralan natin ay magagamit mo bukas o panghababg buhay na. Sana matatandaan mo lahat ng inaral natin, Lady Kim. Ang koronasyon ay para lamang sa iyo.!"

Agad akong napatingin sa kanila. Pano sa akin?  Kasal lang alam ko hindi koronasyon.

"Pano ang PrinsepeDi ba dapat siya ang kokoronahan hindi ako magpapakasal lang namin kami para di siya lonely, i mean para may masabi lang siya reyna! "

Sabay sila nagkatinginaan ni Lady Kyu at Lady Hae. 

"Tama ang iyong pagkarinig, Lady Kim. Sa iyo lamang ang koronasyon bukas. Pagkatapos mong makoronahan bilang reyna ay automatiko na maging hari ang prinsepe. Siya ang magbibigay sayo ng kautusan na maging reyna at asawa niya. Nasa libro na iyan ang mga sinasabi ko kaya mas mabuting mabasa mo ang mga iyonbinibini ", si Lady kyu.

"So saan ang kasal doon? "

"Ang kasal ay kasama na koronasyon. Hindi ka makokorohana bilang reyna kung hindi kayo legal o kasal ng hari"

"Okay! "

Bibalik ko nalang ang tingin ko sa mga libro at binasa.  Habang tumatagal ay parang nae-enjoy ko narin magbasa.  Ilang oras din ang inabot ko saka ko natapos ang libro.

Sabi nila ay yun na ang huling ensayo na gagawin namin kaya nagpaalam ako sa kanila na magpapahangin lang ako at pumayag naman sila. 

Hindi ko kabisado ang palasyo kung kaya't hindi ko alam kung nasaan na ako.  Namataan ko sa di kalayun si Lady Areum kasama ang dalawa niyang katulong. Kumaway ako sa kanila at lumapit.

Hindi naman ako friendly na tayo pero wala lang trip ko lang sila kausapin.

"Kumusta? ", bati ko sa kanila. Wala yata sa mood at ang talim ng tingin sa akin.

May galit!

"Hoy! ", sabay hawak ko braso niya ng talikuran niya ako ang hindi ko enexpect ay sinampal niya ako ng napakalakas.

"Aray! "

Umalis yata saglit kaluluwa ko at bumalik ng masampal ako.

"Wala kang karapatan na hawakan ako. Naintindihan mo? ", galit niyang sabi. Tumawa pa ang dalawa niyang katulong. Para akong kawawang bata na tumango-tango nalang habang hawak ko ang pisngi ko.

Sampalin ko rin kaya siya para patas kami?  Pero pag ako sasampal sa kanya baka di niya makakalimutan sa boung buhay niya. Kaya wag nalang, kawawa pisngi niya pag nag-kataon.

"Gusto ko lang nmin makipag-kaibigan sa iyo ,Lady Areum! "

"Hindi ko kailangan ng kaibigan na gaya mo. Alam mo kung hindi ka sana nagpapansin sa Reyna ay ako sana ang mapipili nila. Naisip mo ba yun? ", puno ng galit ang boses niya.  Halos magbilog nayung mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Hindi ko naman inaakalang mapipili ako ng reyna at saka hindi ko rin naman ginusto iyon! ", mas lalo siyang nainis sa sinabi ko. Akmang sasampalin  naman niya ako na may biglang nagsalita sa likod namin. 

Kahit hindi ko nakikita ay alam ko kung kaynino galing iyon.

"Prince Lee Ryeong! ", manghang sabi ni Lady Areum. Naitulak pa ako sa gilid ng lumapit sila sa prinsepe at nag vow.  Nanatiling nakatalikod parin ako sa kanila.

Sa diko malaman dahilan ng sobrang inis ko ,maaring sa prinsepe at kay lady areum. Bago pa ako makagawa ng eskandalo ay minatiling umalis na lang ako sa harapan nila at hindi ko na tinignan ang prinsepe.

"Lady kim!  "

Tawag ng prinsepe kaya napahinto ako sa paglalakad.  Hindi ko inaasahan na susundan niya ako hanggang nasa harap ko na siya. Napayuko dahil baka makita niyang namumula ang mukha ko sa sampal.

Bigla niyang inangat ang mukha ko kaya nagkasalubong ang mata namin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero biglang humigpit ang hawak niya sa mukha ko at nakita ko kung pano siya naghirap lumunok.

Walang lumalabas na salita sa bibig ko dahil parang naninigas ang katawan ko kahit gusto kung magsalita pero walang lumabas sa bibig  ko kahit anong pilit ko.

"Kayong dalawa! ", biglang turo niya sa likod ko. Pero alam kung itong dalawang katulong ni Lady Areum ang tinutukoy nito.

"Iuwi niyo ang binibini at ikulong sa silid niya.! "

"Huh! ", sabay nilang sabi. "Pero kamahalan "

"Susuwayin niyo ba ang utos ng magiging Hari. "

"Hindi po, kamahalan! "sabay nilang sagot. "Patawad binibini, sumusunod lang kami sa utos na nakakataas! "

"Ano ba?  Bitawan niyo ako . Bitawan niyo ako. Isusumbong ko kayo ama... Ahhhh! ", malakas na sigaw ni Lady Areum.

Muli napatingin sa akin ang Prinsepe at ganun rin ako sa kanya.  Hinawakan niya magkabilang balikat ko at at dahan-dahang hinarap kina Lady Areum at sa dalawa niyang katulong. Namumula na ang kanyang mata at parang maiiyak na siya sa sobrang inis.

"Di 'niyo pa yata kilala ang binibining nasa harap niyo para pagbuhatan mo ng kamay! "

Mas lalo nanlaki mata ni Lady Areum sa di makapaniwalang sabi ng Prinsepe. Kahit nga ako hindi rin makapaniwala na pinagtangol niya ako Kay Lady Areum.

So nakikita pala niya eksena namin kanina.  Dahan-dahan umiling si Lady Areum.

"Nakita ng dalawa ko ang boung pangyayari kanina.  Pero pinigilan ko lang sarili kung ayaw makisaw-saw. Pero mas ayoko rin makikitang sinasaktan ang reyna ko sa harap ko mismo lalo na sa isang hamak na mayamang babae lang pero walang koneksyon sa palasyo! ",boung-bou ang boses niya na may kasamang galit dahil sa paraan ng kanyang pagsasalita.

"Kamahalan! ", sigaw ni Lady Areum at biglang lumipat ang mata niya sa akin.."at ikaw bruha ka! ", sigaw niya.

"Sige,  iuwi niyo na siya, bago mag-iba ang isip ko at ipapakulong siya sa mga kawal! "

Sabi ni Prince Lee Ryeong at saka inalalayan akong tumalikod at lumabas sa isang gate.

Hindi ko inaakala na may ganitong side ang Prinsepe at ipagtatangol niya ako sa ibang binibini na malakas pa ang kapit sa palasyo kesa akin. Kung tutuusin ay mga Palace woman Material talaga sila o Queen material. Pero bakit ako?  Bakit ako ang pinili nila walang ibang ginawa kundi pasakitin lang ulo nila.

Walang nagsasalita sa amin basta sinabayan ko lang ang Prinsepe naglalakad hanggang sa.....marinig ko ang boses ni Boyoung.

"Ashi! "

"Boyoung! ", matamlay kung pagtawag sa pangalan niya. 

Patakbo siyang lumapit sa amin at nag nagbibigay galang rin sa prinsepe kasama ang nga guwardiyang naka destino sa silid ko.

"Pagpapahingain mo na ang binibini sa kanyang silid dahil sigurado akong pagod siya sa pag eensayo nila.  "

"Masusunod, Kamahalan! "
Nag bow lang si Boyoung saka niya ako inalalayan paalis sa harap bg Prinsepe.

"Salamat! ", yun nalang tanging binigkas ko sa Prinsepe para kahit papano ay wala siyang masabi sa akin.

Wala rin naman akong narinig na tugon mula sa kanya hangang sa makapasok na kami sa hallway patungo sa making silid..

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1.8K 112 46
Anim na taon ng nangungulila si Francesca sa matalik na kaibigan at kababatang si Joaquin, simula noong lumipad ito patungong Paris upang mag-aral do...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.4M 292K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...