Slept with a Stranger #Wattys...

By Whroxie

31.5M 535K 37.1K

Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with... More

Slept with a Stranger
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
Chapter 20
CHAPTER 21
Chapter 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
Chapter 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40(Restricted)
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43(restricted)
CHAPTER 44
Chapter 45
CHAPTER 46
CHAPTER 4 7
To my beloved readers
Chapter 48
CHAPTER 49
Chapter 50
The Finale
Author's note
#MyWattysChoice

CHAPTER 28

474K 8.7K 447
By Whroxie

GALVEZ' Comp:

Magkausap si Iñigo at David sa opisina ni Iñigo.

"David I'm sorry sa nang-yari, hindi ko talaga yun sinasadya." Hinging paumanhin ni Iñigo sa kabigan. Alam na nito ang tungkol kay Iñigo at Cassandra.

"Gago ka! Ikaw pala ang dahilan kung bakit kami nasira ni Cassandra." Napahampas pa ito sa desk niya.

"Again, I'm sorry david."

"Balita ko niligawan mo lang si Cassandra dahil sa naging anak niyo? Binalaan na kita na wag mo siyang sasaktan diba?"

"Hindi yun totoo!" mabilis niyang sagot.

"Wala na kayo ni Cassandra, liligawan ko uli siya."

"Dude hindi." Mabilis na sagot ni Iñigo at napabuga pa ng hangin.

"Dude, david. Si Andra mahal ko, misunderstanding lang ang lahat. Utang na loob David, hindi ko na alam kung paano ko pa ma-papaamo si Cassandra, wag ka ng dumagdag pa."

"Mahal mo talaga siya?" Tanong ni David.

"Mahal na mahal. And I'll do everything to win her back." Seryoso niyang pahayag, tumango nalang si David.

"Daddy!" Masiglang hiyaw ni Gelo ang narinig ng dalawa. Tumakbo si Gelo, papunta kay Iñigo at agad naman niya itong kinandong.

"Hi Gelo, remember me? Tito David."

"Hi tito David." Bati ni Gelo dito.

"Sino kasama mo nag-punta dito? Si lola ba?" Tanong ni Iñigo sa anak.

"Hi guys!" Muling tumingin ang dalawa sa may pinto.

"Si tita Martina po at lola ang kasama ko daddy." Sabi ni Gelo, lumapit si Martina at nag beso kay Iñigo, maging kay David at umupo ito sa tapat ng desk ni Iñigo.

"Martina, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Iñigo.

"Pumunta ako sa bahay niyo, binisita ko si Tita, pero ako ang na-surprise ng husto sa nalaman ko. God! Anak mo pala si Gelo, nakakagulat talaga yun." Ngumiti lang si Iñigo.

"So, kumusta kayo ni Cassandra?" Tanong ni Martina.

"Ayon, galit na galit sakin. Pero, hindi naman ako susuko, gagawin ko ang lahat para patawarin niya ako." Napa-chin-up ng husto si Martina sa narinig.

"Dude, mauna na ako. Ikaw na bahala kay Andra ah." Paalam ni David.

"Okay dude, salamat." Nagpaalam din ito kay Gelo at Martina bago umalis. Bumababa si Gelo mula sa pagkakandong kay Iñigo at nag tatakbo sa loob ng opisina.

"Iñigo, mahal mo ba talaga si Cassandra?" Seryosong tanong ni Martina. Tumango si Iñigo.

"Mas mahal mo ba siya kesa sa pag mamahal mo sakin noon?" Bahagyang ngumiti si Iñigo.

"Minahal kita Martina. ( Sigh) Pero si Andra kasi.... siya na talaga ang gustong makasama habang buhay." Napakuyom ng husto ang palad ni Martina na nakapatong sa mga hita nito.

"Pwede pa naman siguro tayong maging magkaibigan diba?" Tanong ni Martina at matamis na ngiti ang sumilay sa labi nito.

"Of course! I would love to be your friend." Nakangiting sabi ni Iñigo, nilahad ni Martina ang palad niya.

"Friends" She says.

"Friends" He replied, and they shake their hands.

Biglang nag ring ang cellphone ni Iñigo na nasa ibabaw ng desk nito, mabilis niyang kinuha ito ng masilip niyang pangalan ni Cassandra ang nag flash sa screen.

"Hello Andra! Kumusta ka?" Mabilis na sabi ni Iñigo.

"Gelo, come here. Come to tita Martina, let's play." Malakas na tawag ni Martina, pero ubod ng lambing ang boses.

"Iñigo nand'yan si Gelo?" Tanong si Cassandra.

"Yeah, nandito siya, kasama siya ni mommy and Martina." Nilayo ni Iñigo ang cellphone sa tenga niya at tinignan ang screen.

"Pambihira talaga 'to si Andra, lagi nalang akong pinapatayan." Napasandal nalang siya sa swivel at binagsak ang cellphone sa desk niya.

****
Cassandra' s office:

"Bwesit ka Iñigo! Talagang ginagawan mo ng paraan para maging malapit ang anak ko sa babae mo. Ugghh!" Natukod ni Cassandra ang dalawang siko sa desk at sinalo niya ang noo niya ng dalawa niyang palad.

"Hey Andra!" Napaangat siya ng ulo ng marinig si Reghie, kasama nito si Preyh. Umupo ang dalawa sa tapat ng desk niya, pinakatitigan siya ng dalawa.

"Are you okay?" Tanong ni Preyh.

"Yeah" Tipid niyang sagot.

"Talaga! But you don't look okay.. you look so frustrated." -Preyh

"I bet Andra, one more night without Gelo, manghuhuli at kakain ka na ng insekto." Sabi naman ni Reghie, inikutan lang niya ito ng mata. Pero bandang huli, naisip niyang medyo tama ang mga ito, halos hindi siya nakatulog ng nakaraang gabi kakaisip kay Gelo, plus pagtawag pa niya maririnig niya si Martina na parang kinukuha ang loob ni Gelo.

"Bakit kasi, hindi ka nalang sumama sa bahay nila Iñigo, okay lang naman kay Iñigo eh." -Preyh

"No way! Sasama ako d'on, then what? Makikita ko si Martina do'n. damn them!" Napasandal si Cassandra sa swivel niya.

"Paano naman napasok si Martina sa usapan." -Reghie

"Hindi ba obvious? Boyfriend niya si Iñigo, at ngayon kasama ni Gelo si Martina, nakaka-bwesit ang Iñigo na yun." Napa-ooh ang dalawa.

"Tsk. Tsk. Paano na yan? Si Gelo pa naman ang dali-dali makuha ng loob ng batang yun. Hindi ako mag tataka, kung isang araw, tatawagin na ni Gelo na mommy si Mar--"

"NO WAY!" Napasigaw ng husto si Cassandra sa sinabi ni Reghie.

"Well, hindi malayong mangyari yun. Isa pa, baka nga mamaya niyan, mas gu-gustuhin na ni Gelo ang tumira kay Iñigo over you." Nangunot ang noo ni Cassandra sa sinabi Preyh.

"Come to think of it Andra, kila Iñigo, may Lola, may daddy at may Tita Martina na nag aalaga sakanya. Pero pag nasayo siya, si Yaya lang nag-aalaga na walang ginawa kundi ang makipag- telebabad, lalo na pag busy ka. Such a boring." Patuloy ni Preyh, hindi na maipinta ang mukha ni Cassandra sa mga pinag-sasabi ng mga kaibigan niya.

"Tumawag ka na ba kay Gelo? Hinahanap ka ba niya? Mukha ba siyang malungkot o masaya?" Tanong naman Reghie.

"Ikaw din, kapag matagal kang hindi nakita ni Gelo, you'll lose Gelo." Napapikit nalang si Cassandra sa pinag-sasasabi ng dalawa.

**

Umuwi si Cassandra ng bahay niya, pagpasok palang niya, nalungkot na naman siya dahil walang Gelo na sumasalubong sakanya.

"Ma'am Andra, kakain na po ba kayo?" Tanong ng yaya. Hindi naman ito sumama kay Gelo, dahil marami naman daw mag aalaga kay Gelo ayun kay Iñigo.

"Hindi na yaya, wala akong gana eh." Matamlay niyang sagot. Umakyat nalang siya sa taas at tumuloy sa kwarto, binagsak niya ang katawan niya sa kama.

"I miss you baby." Anas niya, bumangon nalang siya at nag tuloy sa banyo.

Naligo siya at nagbihis ng pang tulog, masyado pang maaga para matulog, wala siyang tulog halos ng nakaraang gabi, pero hanggang ngayon hindi siya antok-antukin. Kinuha nalang niya ang cellphone sa bag niya, at tinawagan si Iñigo. Mga ilang ring bago ito sinagot ni Iñigo.

"Hello Andra, napatawag ka?" Sabi ni Iñigo hindi pa man siya nakaka-pag-salita.

"Kumusta si Gelo? Okay lang ba siya?" Tanong niya, pero naririnig niya sa background ang pag sigaw-sigaw ni Gelo. "Hurry up daddy" yan ang Paulit-ulit na sinasabi ni Gelo na naririnig niya. Mukhang naglalaro ang dalawa at natigil lang dahil sa pag tawag niya. Lalo siyang nakaramdam ng lungkot.

"He's fine, hindi mo ba naririnig? Masaya siya dito, don't worry, inaalagaan ko--" Natigil si Iñigo sa pag sasalita.

"Iñigo what happen?" Narinig niyang may kamulabog at napamura si Iñigo, kasabay n'on ang malakas na iyak ni Gelo.

"Iñigo!" Patay na ang cellphone nito, sinubukan niyang tawagan uli, pero hindi na sinagot ni Iñigo.

"Ugh! Anong nangyari?" Mabilis na nag punta si Cassandra sa closet niya at agad na nag bihis. Nag suot lang siya ng jeans at t-blouse. Kinuha niya ang bag, at mabilis na lumabas ng kwarto. Patakbo siyang bumaba.

"Ma'am Andra saan ka po pupunta? Tanong ng Yaya na nasa sala, at mukhang may katext na naman ito.

"Pupuntahan ko si Gelo."

"Ow! Hindi mo din natiis si sir Iñigo no? Sabi ko naman kasi sayo ma'am Andra, masyadong yummy si sir Iñigo para pakawalan pa."

"Ikaw nga yaya tigil-tigilan mo nga ko ah... aalis na ako, wag kang mag-papasok ng iba dito ah. Baka mamaya hindi na naman kita makontak, tigilan mo ang pag tetelebabad mo... tigilan mo ang pag lalandi mo."

"Naku ma'am Andra ah. Hindi ako malandi, virgin pa nga ako eh, ikaw nga ang nag-kaanak-- hehe! Pakikumusta po ako kay Gelo, pakisabi miss ko na siya." Biglang pag iiba nito ng usapan dahil masama ang tingin sakanya ni Cassandra.

Lumabas si Cassandra at yaya, nagtuloy siya sa sasakyan niya at ang Yaya binuksan naman ang gate. Agad na nilabas ni Cassandra ang sasakyan at tinahak ang daan papuntang village nila Iñigo. Narating naman agad niya ang lugar.

"Paano kaya ako makakapasok nito?" Sabi niya habang papalapit ang sasakyan niya sa entrance ng village, kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan uli si Iñigo, pero hindi na niya ito makontak.

"Haist! Iñigo!" Marahas niyang binagsak ang cellphone niya sa ibabaw ng dashboard. Hininto niya ang sasakyan sa entrance at binaba ang car window.

"Good evening ma'am. Saan po sila?" Magalang na tanong ng security guard.

"Um. Kuya, kay Iñigo Galvez sana. Pwede po kaya akong makapasok?" Tanong niya.

"Sino po sila ma'am?"

"Cassandra, Cassandra Lopez." Sagot niya. Tumingin muna ang security guard sa log book at muling tumingin sakanya.

"Okay na po ma'am, kayo po pala ang asawa ni sir. Pwede na po kayong pumasok." Sabi ng guard.

Asawa!? Adik talaga yun..

"Sige salamat." Muli niyang sinara ang car window at pinasok niya ang sasakyan sa village.

Nagpalinga-linga siya sa mga bahay habang hinahanap ang number ng bahay nila Iñigo.

"There you are." Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng mansiyon. Agad siyang umibis ng sasakyan at nagdoor bell.

May agad namang nag-salita sa intercom.

"Sino po sila?" Isang babae ang nag-salita.

"Cassandra po, Um. Cassandra Lopez, Gelo's--"

"Cassandra, girlfriend ni Iñigo. Naku! Sandali lang." Hindi pa man natatapos ang pag papakilala niya, parang tuwang-tuwa na ang boses ng isang babae. Nagulat si Cassandra dahil parang kilalang-kilala na siya sa bahay nila Iñigo.

Maya-maya lang nagbukas ang gate.

"Good evening po." Magalang na bati niya dito.

"Halika pasok ka hija. Ako nga pala si yaya Corita, yaya ako ni Iñigo mula pagka-bata palang niya." Pumasok naman si Cassandra, pero tumingin siya sa sasakyan niya.

"I-papapasok ko nalang yan sa driver." tumango nalang siya, pumasok sila sa kabahayan, saktong kaka-baba lang ni madam Sonia ng hagdan.

"Cassandra hija, you're here." Masiglang sabi ni Madam Sonia at agad na lumapit.

"Good evening po." Niyakap siya nito at gumanti na rin siya ng yakap.

"Buti naman at napadalaw ka."

"Pupuntahan ko lang po sana si Gelo." Ngumiti ito at inakbayan siya.

"Halika nasa kwarto sila." Umakyat sila ni Madam Sonia.

"Cassandra hija. Hindi mo parin ba napapatawad si Iñigo?" Tanong ni Madam Sonia habang papaakyat sila. Ngiti lang ang tangi niyang naisagot dito.

"Alam ko nasaktan ka sa ginawa ng anak ko. Pero hija, natakot lang siya na baka ilayo mo si Gelo pag nalaman mo ang totoo." Hindi umimik si Cassandra, nakikinig lang siya dito.

"Halika" Inaya siya nito sa kwarto ni Iñigo, tumayo siya sa may gilid at si Madam Sonia naman sa tapat ng pinto. Kumatok ito, bumukas naman agad ang pinto.

"Mom, ano po yun?" Ngumiti si Madam Sonia.

"May kasama ako." Nakangiting sabi nito sabay tingin kay Cassandra na katayo sa gilid dahilan para hindi siya makita ni Iñigo. Sumilip si Iñigo sa may gilid para mapag sino ang kasama ng mommy niya.

"Andra!" Agad na lumapit si Iñigo dito at walang sabi-sabing niyakap si Cassandra.

"Andra baby." Nginitian siya ni Madam Sonia.

Hindi naman alam ni Cassandra ang magiging reaksyon niya, hinayaan nalang niya itong yakapin siya, kinuyom nalang din niya ang mga palad niya para pigilan ang sariling yakapin din ito.

"Iñigo enough, kawawa naman si Cassandra oh." Saway ng mommy niya, pero nakangiti ito, sobrang higpit kasi ng yakap nito. Kumalas naman ng yakap si Iñigo.

"Sorry" Sabi nalang ni Iñigo.

"Maiwan ko na muna kayo ah." Umalis si Madam Sonia at naiwan and dalawa.

"Pinapatawad mo na ba ako kaya nandito ka?" Tanong ni Iñigo.

"Si Gelo ang pinunta ko, asan siya? Kanina pa kita tinatawagan eh." Sagot ni Cassandra.

"Sorry na-low bat kasi, Tulog na si Gelo, halika sa loob." Pumasok sila sa loob, nakita ni Cassandra na tulog na nga si Gelo, agad siyang lumapit at umupo sa tabi nito.

"God! Anong nangyari dito Iñigo?" Tanong ni Cassandra habang hinahaplos ang noo ng anak na nagkabukol. Tumingin siya kay Iñigo ng hindi ito sumagot.

"What happened?" Tanong uli niya.

"Sorry, nalaglag siya kanina sa kama eh." Sagot ni Iñigo.

"Bakit hindi mo bantayang mabuti." Medyo tumataas na naman ang boses ni Cassandra.

"Sorry, kasi tumawag ka kanina."

"Sabi ko na nga ba eh! may nangyari sa anak ko. Naku Iñigo! Umayos ka, babawiin ko talaga ang agreement natin pag ganitong nasasaktan si Gelo."

"Baby wag naman."

"And stop calling me baby. Nakakasuya ka." Singhal niya kay Iñigo. Napangiwi nalang si Iñigo dahil sa pag sigaw nito.

Tumingin uli siya sa anak niya at pinagmasdan, mga ilang sandali, muli siyang tumingin kay Iñigo na nakatayo parin at nakatingin sakanya.

"Can I stay here tonight?" Pag kway tanong ni Cassandra, medyo masungit parin ang tono.

"O-of course, kahit forever, you can stay here as long as you want." Aligagang sabi ni Iñigo, pinaningkitan siya ni Cassandra ng mata.

"I mean, just for tonight, the next night pwede pa rin and so on." Napa tss nalang si Cassandra sa pinag sasabi ni Iñigo.

Napangiti naman ng husto si Iñigo at agad na humiga sa tabi ni Gelo sa kabilang side. Tinignan siya ni Cassandra, ngumiti naman si Iñigo sakanya.

"What are you doing?" Tanong ni Cassandra.

"Matutulog na, gusto mo tabi tayo?.. biro lang." Sabay bawi nito dahil sa sama ng tingin sakanya ni Cassandra.

"Dito ka talaga? Pwede sa iba ka nalang matulog." Masungit na sabi ni Cassandra.

"Andra baby, this is my room."

"Okay fine. Saan kami pwedeng matulog?" Tanong nalang niya dito.

"What do you mean kayo? Nino?" Inikutan lang siya ng mata ni Cassandra.

"Ng anak ko." Umangat sa pag kakahiga si Iñigo, tinukod niya ang isang braso sa unan at bahagyang nilapit ang sarili kay Cassandra na nakatukod din sa unan ang isang braso.

"This is our time baby, so Gelo will stay with me tonight. Pero hindi naman ako madamot eh, you can stay here with me and Gelo." Nakangiting sabi ni Iñigo, umayos ng pagkakaupo si Cassandra.

"Saan ako pwedeng matulog?" Tanong nalang niya dito. Umupo din si Iñigo.

"Are you sure ayaw mong tabihan ang mag ama mo? Miss na kitang ka-yakap." Pilyong tanong ni Iñigo.

"Are you sure gusto mo akong katabing matulog?" Balik na tanong ni Cassandra. Ngumiti naman si Iñigo ng pagkatamis-tamis.

"Of course baby. I would love to sleep with you."

"Are you sure? Baka kasi pag gising mo wala na ang love bird mo, pag nag-didilim pa naman ang paningin ko, nakakagawa ako ng hindi maganda." Napahawak si Iñigo sa kanyang pagkalalaki.

"Whew! Wag naman."

"Then saan ako matutulog? Tigilan mo ang pakikipag biruan dahil hindi ako natutuwa, wala kang sense of humor." Tumayo na lang si Iñigo.

"Oo na halika na, sa guest room ka, ang sungit talaga oh." Hinalikan lang ni Cassandra si Gelo noo, saka siya tumayo. Lumabas sila ng kwarto, at pumunta sa isang guest room.

"Dito ka, kailangan mo ba ng pamalit." Tanong ni Iñigo.

"No thanks. Pwede ka ng lumabas." Napakamot na lang si Iñigo sa ulo dahil sa pag-susungit ni Cassandra sakanya, pumunta nalang siya sa may pinto.

"Good night baby, I love you. Dream of me." Sabay sara ni Iñigo sa pinto kasi paniguradong susungitan na naman siya ni Cassandra.

Naglakad si Iñigo pabalik ng kwarto niya.

"Mukhang napabuti pa ang pagkakahulog ni Gelo ah." Nailing nalang siya, dahil ayaw naman niyang masaktan ang anak. Pero sa kabilang banda yun talaga ang naging dahilan kaya napasugod si Cassandra dito.


Continue Reading

You'll Also Like

29.9K 911 9
Arranged marriage is a very old tradition that is still followed by some families in the world, and unfortunately for Odette Morcilla, her family jus...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1M 33.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...