Reincarnated as a Stupid Daug...

By DemLux_Pain

6.3M 326K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... More

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 18

55.6K 2.7K 342
By DemLux_Pain

"Hello sir, nice to see you again..."




"Okay? What is happening?"




"You know my father, Trider?" Tanong ko kay Trider na nakangiting nakatingin kay Lord Caventry.





"Yes, my lady..."





"Saan? Paano?" Naguguluhan kong tanong. Gosh! This is so different! 



Paanong nagkakilala 'tong dalawang 'to? Sa nobela kasi magkakakilala lang si Trider at ang ama ni Heavenhell sa isang party ng mga Lucretius, kung saan dadalo rito si Lucas kasama si Theo at Trider.





"Sa slave auction, my lady. Malaki ang pasasalamat ko kay Mr. Caventry dahil siya ang naglabas sa'kin sa auction na 'yon. Hindi ko alam na ama mo pala siya, my lady." nakangiting sabi nito na halata mo sa kaniyang boses ang pasasalamat niya sa daddy ni Heavenhell.





Aiya! Ibig-sabihin nang makita ko siya sa plaza ay kakalabas niya lang sa slave auction at si lord Caventry ang nagpalaya sa kaniya. What the hell? Impossible! 



Pagdating sa characteristic nitong ama ni Heavenhell ay imposible ang sinasabi niyang niligtas siya nito sa auction! Pero imposible rin naman na nagbibiro lang si Trider diba?





"So why are you really here, Athanasia? Stop wasting my time." Seryosong sabi ni Lord Caventry.





"I want Trider to be my personal bodyguard, father." Kalmado kong sabi at inalis ang mga katanungan sa aking isipan. Hindi ito ang oras para matulala ako lalo pa't kaharap ko ang demonyong ama ni Heavenhell!





Seryoso ko lang tinignan si Lord Caventry nang bigla na lang lumamig ang paligid. Gosh! Siguradong mahaba-habang paliwanag na naman 'to! Sa memories kasi nitong si Heavenhell kapag meron itong pinapaalam na balak niyang gawin, tulad na lamang nang pag-aaral ng computer science ay kailangan niya pang magbigay ng mga magagandang rason para payagan siya. May pa-pros and cons pang nalalaman ang lolo niyo, kaya bilib din ako kay Heavenhell at natiisan niya 'tong pamilya niya. Tsk!






"Alright. I'll arrange his training first and once I saw that he is capable protecting you then it's settled. Is that all you want?"





Literal akong napanganga sa narinig. Ano daw? Alright? As in okay at payag siya?! Nakatulala lang akong nakatingin kay Lord Caventry at pustahan mukha akong tanga ngayon sa harap niya, pero wala akong pakialam sa oras na 'to. Si Lord Caventry na head at mafia boss ng buong Caventry Mafia ay pumayag nang ganon-ganon lang? Seriously?





"What? Do you still want to say something, Athanasia? If none, then get lost!"






"Thank you, father!" nakangiti kong sabi nang mabalik sa reyalidad. 



Ikaw ba naman sigawan ng demonyo sinong hindi magugulat? Tsk! Pasalamat siya at medyo good mood ako ngayon dahil hindi ko na kailangang magpaliwag pa. Naghanda pa naman ako ng script sa utak ko ng mga sasabihan sa paghaharap namin tapos balewala lang pala? Pero mas maigi na rin 'yon dahil tinatamad akong magsalita.

 


Nakita kong lumapit si Butler Kajik kay Trider at sinabi na siya na ang bahalang mag-asikaso sa lugar na tutuluyan nito. Sigurado ako na dadalhin na siya sa training ground ng mga mafia members na para sa iba ay dungeon dahil sa mga maduguang training na araw-araw nilang ginagawa. 



Mabuti na lang at isa akong Caventry dahil takot ko lang mag-train ulit no! Sa tanan ng buhay ko puro training lang ang ginagawa ko. Gusto ko namang magpahinga aber! Lalabas na sana ako ng library nang marinig kong magsalita si Lord Caventry na kinatigil ko.




"Hindi na kita tatanungin sa mga binabalak mong gawin, Athanasia pero isa lang ang masasabi ko. Mag-iingat ka sa mga pinapasok mong gulo." seryosong sabi nito na kinangisi ko na lang nang patago.




"I don't understand what you mean, but I'll keep that in mind. Thank you and good night, father." pa-inosente kong sabi bago tuluyang lumabas ng library.




Nakakunot-noo akong bumalik sa kwarto sa mga narinig. Sinong binalaan niya? Ako? Tsk! Sa mundong 'to ako lang ang may alam ng mga gulong mangyayari sa hinaharap kaya kahit hindi niya ako pagsabihan ay alam ko ang ginagawa ko. 



At hindi ako natutuwa sa tuwing may mga hindi naman importanteng tao sa'kin ang magbibigay kuno ng payo na akala mo alam nila ang lahat. Tsk! Mas matutuwa pa ako kung mananahimik na lang siya sa isang tabi at huwag akong ipatawag pa sa mga susunod na araw. Hayys!





Chillax self! May pasok ka pa bukas. Damn! Muntik ko nang makalimutan na bukas nga pala ay kailangan kong pumunta sa A.I.A na siyang kasalukuyang school nitong si Heavenhell. 



Bakit naman kasi nag-aaral pa rin siya kung kaya naman niyang grumaduate ng sobrang aga? Pero syempre bilang weak sa pamilya ay ito lang ang sa naiisip niyang maging ambag niya. Ang makapagbigay ng achievements pagdating sa intelligence na natatanging meron siya.






Pero bakit kaya hindi nila naisipan na bigyan ng posisyon itong si Heavenhell sa mafia? Sa talino nitong character na 'to ay siguradong tataas ang ranggo ng Caventry sa mafia organization. Like duh? 



Magaling si Heavenhell sa computers at napakatalino nito na pwede siyang maging analyst o kaya battle stategist, so bakit? Masyado ba nilang minamaliit itong si Heavenhell at sa tingin nila wala siyang kwenta? O dahil sa mahina siya kaya wala siyang lugar sa mafia world?





Tsk! Kung ganoon man ang rason nila pwes ang tatanga nila! Sa Earth bibihira lang yung may mga mala-out of this world brain na gugustuhing makuha ng mga tao. Kapag may utak kang ganito ay posibleng makamit mo ang gusto mong makuha. 



Tulad na lamang ng mga CEOs, politicians, lawyers, developers, innovators at marami pang iba, lahat sila ay utak ang ginagamit. Mapa-scammer at con-artists ay talino nila ang ginagamit para makapanloko ng mga tao. Mapabuti man o masamang rason ay masasabi mo kung gaano ka-importante na matalino ka dahil konting mali mo lang ay posibleng magdala ito ng malaking problema sa inyo.





Para sa'kin ay pangalawa lamang ang resources sa pinaka-importante sa tao. Yes! With resources ay mas mapapabilis ang pagkamit mo sa pangarap mo, pero kung wala ka namang talino na magagamit mo para lumago ay wala ring kwenta ang pinaghirapan mo. 



Ganoon din sa mafia, kailangan may matalinong tao na gagabay sa buong organisasyon para maiwasan ang pagkamatay ng mga tauhan mo.





Bawat operasyon ay may mga posibleng conflicts na dapat ay alam mo na ang solusyon para mabawasan ang casualties at losses. Kung may plan A dapat may nakahandang Plan B at C, at dapat may plan for retreat kapag may mas delikadong pangyayari na hindi niyo inaasahan.





"That's why in my opinion, Heavenhell can be the brain of Caventry's mafia organization if she's given a chance!"





Pero huli na ang lahat dahil wala na si Heavenhell! At kung ako ang tatanungin kung papayag ako na maging brain ng mafia ng pamilyang Caventry ay baka pagtawanan ko lang sila. Mas mabuti kung mabura na sa mundong 'to ang pangalang Caventry.  



Sa ginawa nilang pangmamaliit kay Heavenhell ay aasa pa sila na tutulungan ko sila? Tsk! Kahit umiyak pa sila ng dugo sa harap ko ay wala akong pakialam. Hangga't hindi nanganganib ang buhay ko ay wala akong pake sa mangyayari sa kanila. Kikilos lang ako para tulungan sila kung may banta na sa buhay ko at 'yon lang yon!





Pinikit ko na lang ang aking paningin at hindi na nagbalak pa na bumaba para kumain ng hapunan. I don't want to see them!





***



Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili dahil ngayon ay balak kong pumunta ng school para mag-submit ng mga assessments at activities na hindi nagawa ni Heavenhell ng mga panahon na absent siya. Hindi naman mahirap ang mga 'to kaya mabilis ko ring natapos.



Sa tulong ng mala-computer na utak ni Heavenhell at ang stock knowledge ko as Carnelia ay masasabi kong basic lang ang mga theoretical exams, problem-solution chuchu at kung ano-anong subjects na may pagkakatulad din naman sa Earth.





Nagsuot lang ako ng dress na pinagawa ko kay Chiara. This one is designed by me so I can say that this one is pretty hahahaha! Such a thick-skinned creature! Isa siya white long sleeve bud silk dress na nakita ko before sa online shop. 



Bilang si Carnelia ay trip ko rin namang magsuot ng mga dresses kaya lang dahil sa medyo mataba ako at hindi kagandahan ay hindi siya bumabagay sa'kin. But now that I'm Heavenhell, I can wear anything as much as I want! 





Tinali ko na lang ang ash brown kong buhok at inayos ang mga baby hair ko sa gilid. Hindi na rin ako nag-abala pang magmake-up dahil noon pa ay hindi ko talaga trip lagyan ng kolorete 'tong mukha ko. Ewan ko ba! Nagsuot rin ako ng puting high heels na nakita ko sa closet ni Heavenhell. 



Mabuti na nga lang at may bagay din akong nakita sa cabinet niya na hindi makinang ehh! Geez! Kung pati mga sandals niya kulay silver at gold ay baka masakal ko si Heavenhell kapag nakita ko siya sa impyerno.





"Lady Athy, the car is ready." narinig kong sabi ni Pira sa labas ng pinto. Huminga na ako nang malalim bago kunin ang itim na bag na ginagamit ni Heavenhell kapag papasok siya sa school.





Lumabas ako ng kwarto at nakita ang nakatulala na si Pira sa harap ko. Okay? What's wrong with her?!





"W--wow! Your fashion sense is really good today, Lady Athy!" nakangiti nitong sabi. Napailing ako dahil hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o magalit sa sinabi niya ehh!




As usual ay taas-noo akong naglakad sa mahabang pasilyo ng mansyon at hindi na pinansin ang mga tingin sa'kin ng mga katulong. Wala kasi akong ibang naririnig kung hindi ang papuri nila sa fashion sense ko na nag-improve raw ngayon. What the heck, right?





"Good morning, Young lady Caventry." sabay-sabay na bati sa'kin ng mga security guard ng masyon. Tinanguan ko lang sila at pumasok na sa kotse.





"Lady Athy, sigurado ba kayo na ayaw niyong ihatid ko kayo?" Dinig kong tanong ni Pira sa bintana.





"Yes, don't worry 'cause I'm a great driver!" nakangisi kong sabi bago kumaway sa kaniya. 



"That's right! I'm gonna drive this time and I'm so fucking excited! Sa sobrang galing ko kasing mag-drive ay ilang kotse na ang nasayang ko. P--pfft! Just kidding!"




Hinawakan ko ang manibela at mabilis na pinaharurot ang kotse. Hindi ko rin maiwasan na mapangiti nang makita ko sa side mirror ang gulat sa mata ng mga guard at ni Pira. Geez!




Nagmaneho lang ako base sa memory ni Heavenhell ay nasa Capital ang number 1 university ng Pangaea. Sa A.I.A kasi ay puro mga genius ang nag-aaral kaya huwag na kayong magtaka kung bakit hindi makapasok si Mitchel doon. Tsk! Sa liit ng utak non ay pwede na siyang bumalik sa middle school.




Makalipas ang kalahating oras ng paglipad este ng pagmamaneho ay nakarating na rin ako sa malawak na parking lot ng A.I.A. Damn! Sa laki nito ay nahiya ang parking lot ng biggest mall sa Earth! Nang makahanap ng space ay tsaka ako bumaba ng kotse at pinagmasdan ang paligid. 



Iba't-ibang kotse ang nakikita kong nakahilera sa kaniya-kaniya nilang space at sa nakikita ko ay sobrang mamahalin ng mga ito. Sa sobrang kinis ng mga kotse ay sigurado akong araw-araw yan pinapa-car wash! Geez! So rich!





Napataas ako ng kilay nang makita ang mga noble students na nakasuot ng kanilang uniforms na nakadepende sa department na pinasukan nila. Si Heavenhell ay nasa Research and Innovation department kaya mas formal ang uniform namin kaysa sa iba. 



Sa Beauty and Care Department ay walang uniform pero may light pink coat silang suot para makilala sila na pasok sa department na 'yon. Sa Military Department ay more on green ang kulay ng uniform nila with black military boots na same sa Earth. Marami pang ibang Department sa A.I.A at iba rin ang mga uniforms nila.






Naglakad na lang ako sa hanggang sa marating ko ang main gate ng school na maraming mga military guards na nakabantay. Geez! Huwag mo nang subukang mag-cutting class at baka mabaril ka ng mga bantay dito!





"Tap your I.D and A.I.A card." Malamig na sabi ng guard kaya agad kong nilabas ang I.D ko at yung A.I.A card na ibibigay sa'yo kapag official kang student ng school.





Nang makita nila ang kulay ng A.I.A card ko ay agad silang yumuko sa'kin bilang paggalang. Tulad ng badge sa buong Atlante ay may symbolism din ang mga kulay ng card dito. Ang card ay nakadepende sa department na pasok ka. Halimbawa meron kang green A.I.A card kung nasa military department ka, at white naman kung nasa medical group ka. But my case is special!





Si Heavenhell ang pangalawang taona naka-perfect ng napakahirap na entrance exam ng A.I.A after three years kaya may special treatment na natatanggap si Heavenhell dito. Pero para kasi sa bruha ay hindi ito big deal dahil halos lahat naman ng university na napasukan niya ay binibigyan siya ng special treatment. Mapapa-sana all special ka na lang! Damn!





Ang card na meron si Heavenhell ay ang Platinum A.I.A card at kapag meron ka nito ay halos meron kang access sa lahat ng facilities dito sa A.I.A!!! My gosh! Naiisip ko pa lang na pwede akong pumasok sa Military training ground ay napapatalon na ako sa tuwa!





Tinago ko na lang ang tuwa sa aking mukha at minabuti pang pumasok na sa loob ng school. Tutal maaga pa naman ay naisipan kong maglibot-libot muna sa napakalaking garden. Gosh! Parang lahat ng lugar dito sa A.I.A ay malaki ang space!






Makalipas ang limang minutong paglalakad ay narating ko na rin sa wakas ang fountain na nasa kalagitnaan ng garden. Actually hindi ko talaga alam na may fountain dito, pero dahil sa mga nababasa kong novel na madalas may fountain sa garden ay hinanap ko 'to at hindi nga ako nagkamali!





Pero hindi tahimik na fountain ang nakikita ko dahil kasalukuyang may away na nagaganap sa tahimik na lugar na 'to. My gosh! Sinisira nila ang magandang ambiance ng lugar. Bakit ba nauso ang bullying sa mga novel? Pero dahil nga sa novel ito syempre kailangan tumulong ng character which is ako, right? 



Napahinga na lang ako nang malalim at lumapit sa dalawang babae na mukhang nasa noble class. Tinignan ko ang binubully nila at napanganga na lang ako sa na-realize!





"This n--nerd? Is she Lorraine?! The daughter of Maxwells?!"





_____________________________________

Dem's note: May mga errors kaya paki-intindi na lang. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

702K 38.3K 101
She's a Princess Of Heart in The Demon Boys in Section Kings.. Parang Anghel na napadpad sa Empeyerno.. Babaeng Dahilan na nagpabago sa mga Demomon B...
1.4M 45.6K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
132K 2.7K 41
People always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transfere...
10M 310K 68
(1 of 3) First installment of Monstrous Academy. Highest rank achieved: #1 in Action.