The Five Stages Of You

By tnyadgaf

203 41 79

The mind knows the truth when your heart denies what it feels. When you don't feel safe to let people in, it... More

Synopsis
Prologue
Chapter One

Chapter two

22 3 0
By tnyadgaf

The car ride was short but very uncomfortable. Paano ba naman kasi 'to si Lance panay tingin sa akin na nanunukso! Kaya nahalata tuloy nung kliente namin!


This is so unprofessional!


As one of the top engineers in our company, I always see to it to meet the proper etiquette when it comes to work. Pero ano 'to? Hindi pa nga nagsisimula ay nakapuntos na kami!


Good thing, she didn't mentioned anything about the incident yesterday that would make things more awkward. Ano nalang sasabihin ni Sir Kan sa amin? Mukhang kilala pa ata ni Sir itong mga kliente namin tapos ito kami at pinapahiya ang kompanya.


Naghihintay kami ngayon sa loob ng office ni Ms. Buttercup—este sa kliente pala namin. Ito kasing si Lance, kasalanan talaga niya kapag magbiglang withdraw ang kliente sa kontrata. Malalagot talaga kami kay Sir Kan.


We are actually beside the beach but we didn't really get to look around. Dito kasi kami agad dumeretso sa isang opisina. The place looks like it was barely used. Bookshelves covered the beige colored walls, in the middle of the room, there's a big desk that occupies half of the place, paired with two pastel yellow single sofas. The place is so simple, no decorations, no framed pictures nor artworks. It's basically just scattered books and empty selves everywhere.


Parang lumang library na hindi na ginagamit.


"Astig, Star, ano? Akalain mong si Ms. Buttercup pa talaga ang naging kliente natin? Siguro ito na 'yung sign ni papa God sa akin para magka-girlfriend na ako 'no?" Binatukan ko si Lance dahil sa mga pinagsasabi niya.


"Wag ka nga maingay, Lance. 'Yang mga lumalabas bibig mo ang magiging dahilan para mawalan tayo ng trabaho. We are here for work kaya itabi mo na muna 'yang paghahanap mo ng girlfriend." Pangaral ko sa kanya pero tinawanan lang ako ng mo'kong.


"I'm sorry for letting you wait, Engineers. I have to call my assistant first and also your company to confirm everything. We'll have to wait a little more because my assistant is not here yet. If that's okay with both of you?" She said without looking directly at us. To think about it, she's actually cute. Mahaba at itim ang kanyang unat na buhok, na bagay sa kulay kayumangi niyang balat. Hindi rin siya mataas, kung iisipin nga mas matangkad pa ang kababatang kapatid niya na si Sigal kaysa sakaniya.


"Okay na okay lang po, ma'am! Diba, Engineer Salazar?" Nakuha ni Lance ang atensyon ko. Nakatingin lang pala ako sa kliente namin na naghihintay sa sagot ko. "Pre, tulala ka. Wag mong titigan si Ms. Buttercup nang ganyan, nahahalata ka masyado." Bulong pa ni Lance sa akin kaya tuluyan akong natauhan.


"Ah, opo, ma'am. Tama po si Engineer Guerrero." Sabi ko at napaiwas nalang nang tingin sa hiya. Siraulo talaga 'tong si Lance. Nakakaasar naman oh!


"Uy, Sol! Pasensya ka na talaga—ay may mga pogi!" Napalingon kaming tatlo sa bagong dating na babae. Matangkad at nakapormal na damit. Hangang leeg lang ang buhok na kinulayan nang tsokolate maputi naman ito kumpara kay Sol. Magkasalungat silang dalawa.


"Alani, you're late." Bati sa kanya ni Ms. Buttercup—ay este, teka ano ba pangalan nito? Hindi ko pa ba kilala ang kliente namin? Ano ba ang problema ko? Ba't hindi ako makapagbigay tuon ng mabuti ngayon?


"Oo nga, sorry na nga, Sol." Sagot naman niya kaya inirapan na lang siya ng kliente namin sabay tinuro kami ni Lance, pagtutukoy kung ano ang nais namin bakit narito. Agad humarap ang babaeng bagong dating sa amin at nagpakilala. "Oh kayo pala. Sorry to keep you both waiting. I am Alani Silverio, the assistant, secretary and best friend of your client, Miss Mirasol Rose Guzman." sabi niya at tinuro ang kaibigan niya.


Tumayo ako sa pagka-upo at sinalubong siya nang pakikipag-kamay bago pinakilala ang sarili. "I am Engineer Asterio Salazar and this is Engineer Lance Guerrero. We will be representing our company in helping you out with this project."


"We are looking forward to working with you both, Engineer Salazar and Engineer Guerrero." Sagot naman ni Miss Alani. Pagkatapos ay nagsimula na kami mag-usap tungkol sa prohekto.


"So lemme show you around the beach, you can take photos and measurements along the way. hopefully maka sama na 'yung architect next time as soon as possible to talk about the designs." Sabi ni Miss Alani nang matapos naming mag-usap tungkol sa contrata at iba pang detalye. Tumayo kaming lahat maliban kay Miss Guzman.  Na pansin ata ng assistant ni Miss Guzman, ang pagtataka ko kaya nag salita siya ulit. "Miss Guzman will not be joining us during the tour or any further transactions on the process of renovating the resort, I'll be the one contacting you for your future concerns. I hope that would okay for you, Engineer Salazar." Dagdag niya.


Napaisip pa ako kung bakit, hindi ba siya interesado sa project na 'to? I mean, siya naman ang may ari at gagastos dito? Debale na, hindi naman ito ang unang beses na walang pakealam ang kliente sa prohekto. "No, that would'nt be a problem." Sagot ko kay Miss Alani habang nakatingin kay Miss Guzman na nagbabasa na ng isang libro. 


Lumabas kami roon sa opisina, at dito ko na nakita ng lubos ang kagandahan nitong lugar. Kahit mukhang abandonado na ang dalampasigan na 'to ay parang natagong paraiso lang na hindi pa natutuklasan ng kahit sino. Napakalinis ng dagat at napakaganda rin ng puting buhangin na makikita sa buong lugar. Kung tatanongin mo ako ay masaya siguro tumira rito. malayo sa mga tao, walang polusyon, at punong-puno pa ng magagandang tanawin. Malalayo ka sa problema ng mundo.


Gigising ka at matutulog na ito ang makikita mo araw-araw. 


Kaya napaisip ako kung bakit hindi naman gaano ka masayahin si Miss Guzman, di tulad kina Sigal at Miss Alani ay madalang siyang ngumiti. Ni hindi pa nga siya ngumiti buong araw. Siguro galit parin siya sa amin ni Lance roon sa nangyari kagabi. Humingi naman ako ng sorry ah? Tapos nag-alok din naman ako na bilhan siya ulit noong pagkain. Nagalit talaga siya roon? Kung hihingi nalang kaya ako ulit ng sorry? 


Ano ba'yan! Ang hirap naman niyang basahin.


"Pre, okay ka lang? Kanina ka pa natutulala ah? May crush ka na roon sa kliente natin?" Biglang umakbay si Lance sa akin at muli akong natauhan. Pinagsasabi nito? Hindi ba siya nakokonsensya sa kliente namin? Hindi ba niya naiisip na bad trip 'yung kliente namin dahil sa pinagagawa namin kahapon?


"This five hectares beach resort is a very important project for us, the place has been used for private and personal events only so the concept of actually opening it to the public is a total game changer, most especially for Miss Guzman. She has been the one taking care of this since she was eighteen, so she expects to have a good result after a long time of work." Paliwanag ni Miss Alani sa amin. "As you can see the place is completely untouched, except for the office earlier and the barriers surrounding the site. We would like to keep it that way. The more natural the place could be the better, so no cutting down of trees as much as possible most especially that one." Tinuro ni Miss Alani ang isa coconut tree na nasa dulo ng resort. Sa tabi ng puno ay may bangko na gawa sa kahoy, luma na ito at mukhang sira na.


"Pati po ba and bangko hindi gagalawin, Miss Alani?" Tanong naman ni Lance na sinusulat lahat nang sinasabi ng assistant.


"Kung pwede lang tani, ako gid una guba sina," (If we could, I'll be the first one to chop that tree and bench down.)


"Hah? Pasensya ka na, Miss Alani, hindi kasi kami nakakaintindi ng Ilonggo." napakamot pa ng batok si Lance nang hindi maunawaan ang sinabi ni Miss Alani.


"No, you can't touch the bench beside that coconut tree."


Napalingon kaming tatlo at nakita si Miss Guzman na nagsalita. Nakatayo siya sa hindi kalayuan samin, nakahalupkipkip ang kanyang mga braso at seryosong nakatingin sa upuan katabi ng puno ng buko. Ano kaya ang dahilan ba't napakaimportante ng lugar na 'to?


"Naintindihan po namin, Miss Guzman." Medyo nagulat pa ako sa sagot ni Lance. Sure ka na ba dyan,Lance?


"Lani," Tawag naman ni Miss Guzman sa assistant niya.


"Yes, Miss Sol?" Nakangiti namang bati sa kanya ni Miss Alani.


"I want to be hands on with this project. Starting today I wanna be the first one to know and decide with everything involved in making this resort happened. From the designs, to the materials and to every matter, I want all the details on this day and forward." Sinabi niya iyon na puno nang emosyon. Napakaseryoso niya. 


"Sis! Talaga? Pero diba sabi mo last time, na ayaw mo kasali? Pinilit pa nga kita eh.." Masayang salubong sa kaniya ng kaibigan.


"I want this to be perfect. I just don't want to fail Tres again." Yun lang at tinalikuran na niya kami.


Napalingon ako kay Lance at pareho ko ay puno rin ito nang pagtataka. Si Miss Alani naman ay malungkot na napabuntong hininga sa nangyari. Nagugulohan parin ako. Diba kakasabi lang na ayaw ni Miss Guzman na pakealaman ang prohekto? Ba't biglang nag-iba?


At tyaka sino 'yung Tres?


____________________________________________________________

f.f. Alani is 5'7 tall : )


Continue Reading

You'll Also Like

80.9K 3.4K 79
โค๏ธ
36.9K 65 14
๐Ÿค if u're not interested, don't report, just dont read!! ๐Ÿค
266K 6K 57
โ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. โž kate martin x fem! oc
223K 4.9K 71
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad