The Odious Doxy (Flight Atten...

By Blacckkfairry

16K 233 36

FLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
EPILOGUE
Author's Note

23

177 3 0
By Blacckkfairry


"We're going now."

Paalam ko kay Chandria matapos namin mailapag ng maayos si Bea sa shutgon seat.  Humarap ako sa kanya at saglit pa ako na umupo sa hood waiting for her also to speak up. I saw her looking at Bea again before she look back on me with a serious look. I heard her letting a heavy sighed.

"Are you sure? You can still manage to drive?" Tanong niya sakin.

Tumawa ako ng bahagya at tumango sa kanya. "Oo naman no! Baliw ka akala ko kung ano na yung ibig sabihin niyang mga tingin mo." I look at her eyes playfully.

"Don't you...don't you smile at me and asked me how I've been.."

Napukaw ang tingin ko kaagad kay Bea matapos ko siyang marinig na kumanta. She was now sliding her head into the window while his hand was busy waving like she was in a big concert!

"Ilang bote nainom niya?" Umayos ako ng tayo at mabilis na lumapit kay Chandria. Pero nagkibit balikat lang siya at naglakad papalapit kay Bea para aluhin ito na ipasok ang ulo niya sa loob ng kotse.

Napabuntong hininga nalang ako at mabilis na kumilos papunta at papasok sa driver's seat. Binuksan ko ang bintana sa gawi ko saglit matapos ko mag maiobra para kumaway sa kanya. Bukod pa roon ay binuksan ko rin ang music player dahilan para hindi ganon maging kaboring ang biyahe namin.


Pagdating namin sa dorm site niya, may babae na kaagad akong natatanaw na naglalakad papalapit sa amin. I don't know if she's Bea sister or neighbor because she was younger than her at ngayon ko lang siya nakita. Alalang alala siya na kinuha kaagad ang isang kamay ni Bea para alalayan kaya hindi na ako nagsalita pa at nanahimik nalang.

"Dito mo nalang po siya ihiga Ate." Pambabasag at pag iingay na sabi ng babae sakin matapos namin makapasok sa kwarto ni Bea. Tumango lang ako at dahan dahan namin na inihiga si Bea roon kinumutan ko na rin siya para hindi siya lamigin at pagkatapos ay humarap ako sa babae.

Pero ganon din akong nagtaka kaagad ng bigla nalang siyang yumuko sa harapan ko at tipid na ngumiti. "Salamat po sa paghatid sa ate ko."

Tumango ako at tipid na ngumiti rin sa kanya bago ko siya nilapitan para pisilin ng mahina ang kanyang pisngi. She was so cute! "Your always welcome!" Minsan ko pa na nilingon ulit si Bea bago ako tuluyan na lumayo sa babae. "So paano mauna na ako? Take care of Bea hm? Pakisabi nalang din sa kanya na wag na niya ulit gagawin yung ginawa niya kanina."

Nakita ko na kumunot kaagad rin kaagad ang noo niya at mabilis na humawak sa braso ko. "A-anong ginawa?"

Ngumiti ako at dahan dahan na inalis ang kamay niya sa braso ko. "Alam na niya yon kapag sinabi mo."

Tumalikod na ako pagkatapos niyon at mabilis na naglakad papalabas ng kwarto. Narinig ko pa ang pahabol niya na mga tanong pero napailing nalang ako habang bumababa na ng hagdan. Nang mapalingon ako sa relo ko ay pasado alas onse na rin pala ng gabi kaya mabilis na akong nagmaneho pauwi.

Simula nung nagtapos ako as a college student, palagi na muna akong nakatambay sa kung saan saan also to spoil myself to the days that I was so busy in studying. Kapag wala at hindi pwede sila Chandria at ang iba ay ako lang ang gumagala. Minsan ay inaabala ko nalang rin ang sarili ko sa kung ano anong bagay para malibang ako.

Tulad nitong darating na linggo, aabalahin ko ang sarili ko na pumunta sa kung saan saan na lugar just to lessen all the things that I've been thinking. Hindi rin ako nanatali sa bahay dahil ayokong nakikita si Stephanie kahit na sinasabi sakin ni Kuya Harvey na ako nalang ang magpakumbaba sa ugali nito.


Maging ang samahan namin nila Papa at Mama ay hindi pa rin ganon na maayos. Palagi pa rin akong ilag at iwas sa kanila kahit na nararamdaman at may nagsasabi na sa loob loob ko na kausapin ko silang dalawa. Pero ewan ko ba kung bakit ang tigas tigas ng dibdib ko!

"Ano nanaman yang iniisip mo?" Dinig ko na tanong ni Kuya Harvey sakin ng makita niya akong nakatingin sa malayo. He walk towards on me and silently standing beside in front of the railings roon ay sunod niyang ipinatong ang kanyang mga kamay. While looking at me with his face curious. Nandito kasi kami ngayon sa terrace at hindi pa ako ganon na dinadalaw ng antok. "Late ka na umuwi ah?"

Tumingin ako sa kanya matapos ko magpakawala ng isang buntong hininga. "Chandria and the others invited me to had a party." Tumawa ako ng bigla kong maalala ang mga pinag gagawa namin kanina bago inalis sa kanya ang paningin ko at ilipat 'yon sa maganda, maliwanag, at bilog na buwan. "Pero alam mo yon, I thought we will ended it with a happy moments. Pero nagkamali ako dahil lahat sila," Tumingin ulit ako kay Kuya Harvey at pagkatapos ay bahagya ko siyang nginitian. "mukhang na broken."


Umiling siya at hindi nagtagal ay tumawa rin. Nakita ko pa ng bahagya niyang iangat ang kilay niya. Hindi makapaniwala. "Really huh?"


Pinili ko na ibahin nalang din kaagad ang usapan dahil ayokong mag aalala nanaman siya sakin.

Tumango ako at nginitian siya. "Oo. Baka hindi ka pa nga makapaniwala kung sasabihin ko sayo na nag iiyak si Yvette habang si Bea naman ay maoy ng kumakanta kanina bago ko siya hinatid sa dorm niya."

"Hindi rin pala loko loko yang mga kaibigan mo e no?" He said playfully. Ganito lang ang bonding namin ni Kuya Harvey kapag nagkikita kami dito sa bahay at pag wala na siyang gaano na ginagawa sa trabaho niya. Hindi ko nga rin lubos maisip na sa eksaktong laki ng bahay namin ay minsan nalang kaming magkitang dalawa.

"Pero alam mo yon Kuya? Hindi ko rin maisip na makita ko minsan sa kanila yung sarili ko nung mga panahon na iniiyakan ko si Kiel non." Bigla akong natulala at natigilan ng maalala ko siya. Magsasalita pa sana ulit ako pero ng masalubong ko ang tingin ni Kuya ay awtomatiko na akong tumahimik at bumuntong hininga.

"Did you still love him?" Seryoso niyang tanong. Kita ko sa mga mata niya na kahit hindi niya sabihin ay nababasa ko roon na hanggang ngayon ay galit pa rin siya kay Kiel. Umiwas ako ng tingin at mabilis na umiling iling tinumbok ko nalang rin ang paningin ko kay Goffer na ngayon ay tahimik ng nakahiga sa paanan ko.

"I just remember him Kuys, but I don't have any feelings for him already." Lumuhod ako at pagkatapos ay kinuha si Goffer para kargahin. Sa sobrang pag iisip ko sa kung ano ano ay ngayon ko nalang din siya naharap muli at naasikaso. Muntikan ko ng makalimutan na may alaga nga pala akong pusa.

Tahimik ko na hinaplos haplos ang balahibo ni Goffer habang nakatingin ako sa labas ng bahay. Kuya Harvey was also started to sitting down beside the chair that has over there. Pagkatapos niyang humiga ay mabilis niya na kinuha sunod ang libro para magbasa.

Bumuntong hininga nalang rin ako at tahimik na kinuha ang phone ko para i-chat sila Aiofe sa gc kung lahat ba sila ay nakauwi ng maayos sa kani-kanilang bahay pwera kay Bea na alam kong tulog na tulog na magpa hanggang ngayon.


Natigilan lang ako sa pagtitipa ng maramdaman ko ang tingin sakin ni Kuya Harvey. Napalingon ako sa kanya at mabilis ko siyang pinagtaasan ng kilay. Inalis niya ang paningin sakin at sunod na nilipat sa phone ko.

"I did not chat Kiel. Kaya wag kang nega jan Kuya." Masungit ko na sabi sa kanya at mabilis na inangat ang phone ko at ipinakita iyon sa kanya. I thought he was going to say something after that but then I only heard him letting a heavy sighed and go back to read the book that he was handed.


"Mabuti naman kung ganon. Dahil ayoko ng makita kang masaktan pang muli." Biglang dinig ko na sabi niya at pagkatapos ay tahimik siyang tumayo at lumapit sakin para kunin si Goffer bago niya ako tinalikuran para maglakad na ulit pabalik sa loob.

Naiwan at napamaang nalang tuloy akong pinanuod sila bago ako bumuntong hininga. Napatingin din kaagad ako sa phone ko ng maramdaman ko na mag vibrate iyon at makita ang chat replies nila Aiofe. Kaya sa huli ay nagsend nalang rin ako ng okay sign at sumunod na rin pabalik sa loob para matulog dahil hindi ko na namalayan na sobrang late na pala ng oras.


I woke up early in the morning to prepare myself to do something new while my flight were apparently scheduled on friday night. Naligo na rin kaagad ako at mabilis na bumaba para kumain ng breakfast napangiti ako ng makita ko si Kuya Harvey na kauupo lang habang umiinom ng kape. Nang pasadahan ko siya ng tingin ay doon ko lang napansin na nakabihis na pala siya at handa ng umalis.


"Ang aga naman yata ng work mo ngayon?" I asked on him after I sat down in front of him.


"There's an important meeting that's why I woke up early." He seriously said.


Nakangiwi lang akong tinanguan siya bago  ako nagsimulang kumain. Walang namutawi na ingay sa pagitan namin hanggang sa mauna siyang matapos sa aming dalawa. Pinunasan lang rin niya ang labi niya at pagkatapos ay mabilis siyang tumayo para kunin ang gamit niya. Kaya tahimik nalang akong pinanuod siyang maglakad papalabas sa kusina.


Matapos ko kumain ay hinugasan ko na din kaagad ang lahat ng kinainan namin ni Kuya Harvey. Habang ang mga natirang pagkain na nasa mesa ay tinakpan ko nalang muna. Nang mapatingin ako sa orasan ay maaga pa pala dahil mag aalas siyete pa lang ng umaga. Sunod ay nilabas ko ang phone ko para pumunta sa music at mag play roon ng random songs bago ko iyon nilapag sa hagdanan.


Woah oh I'm feeling you baby

Don't be afraid to jump and fall

Jump and fall into me

baby I'm never gonna leave you

"Say that you wanna be with me too.."

Nanlaki ang mga mata ko at bahagya akong natigilan ng marinig ko ang boses ni Gaviniel sa likuran ko. Oo kilalang kilala ko na ang boses niya! Sa tagal ba naman naming nagkakasama sino ba namang hindi makakakabisado. Nang lingunin ko siya ay prente lang siyang nakatayo at daretsong nakatingin sakin habang nakangisi at nakalagay naman ang isa niyang kamay sa kanyang bulsa.

Awtomatiko akong napalingon sa paligid sandali para tignan kung may gising na ba bukod sakin para kaagad siyang makapasok dito sa loob. Pero wala naman akong nakita. Naibalik ko lang ang paningin ko kaagad kay Gaviniel ng marinig ko siyang tumawa.


"Your brother was exactly outside when I came here," Sabi niya bago humatak ng upuan at maupo roon. "And he approach me to come inside because he knows already that you're my reason why I came here."

"Pero hindi ba't parang ang aga pa para pumunta ka rito?" I arched my brows to him. Lumakad na rin ako papunta sa ibabaw ng ref para kumuha ng tissue para mapunasan ang kamay ko. "Did you take breakfast already?"

"Yeah, dumaan ako saglit sa drive thru  para bumili ng steak at burger wih Mccafe."

"Mabuti naman kung ganon dahil wala akong maipapakain sayo." I playfully said walking towards on him. "Let's go outside?"

"Wala talagang pinagbago.." He whispered even though I heard it clearly. "Kamusta ang buhay mo habang wala ako?"

Sa backyard kami pumunta since medyo maaraw na sa bandang harapan ng bahay. Mas maganda rin kasi roon dahil may bubong at hindi kami ganon na maaarawan. Sa kabilang side ako umupo habang siya naman ay tumayo lang at tahimik na sumandal sa railings habang nakatingin sa mga halaman.

Tumingin ako sa kanya bago bumuntong hininga. "Sa tingin ko okay lang?" Hindi siguradong sagot ko. "Gala gala lang tulad nitong friday na darating magfa flight ako papuntang Singapore."


Nakita ko na kumunot kaagad ang noo niya at mabilis siyang napaayos ng tayo pagkatapos ay lumakad siya papalapit sakin at naupo sa tabi ko.

"Why where you going there?" Daretso siyang nakatingin sa mga mata ko. Kita ko sa kanya na pilit niyang binabasa ang mga mata ko kaya umiwas na agad ako ng tingin.


"Trying to find myself." Simpleng sagot ko bago ko muling inangat ang paningin ko at lingunin siya. Humawak ako sa balikat niya at tipid siyang nginitian. "Saka ano ka ba! Wag ka ngang O.A. jan. Uuwi rin naman kaagad ako mananatili lang ako roon ng ilang weeks."


Tumawa siya at basta nalang rin na humawak sa kamay ko na nasa balikat niya. "Sinong may sabi na O.A. ako?" Tanong pa niya. "Pero anong oras ba ang flight mo sa friday para maihatid kita." Pagvo volunteer niya kaagad.


"Baliw ka! Wag na no. Hindi ba naghahanda at abala ka sa pagre-review for your board exam?" Pagtaas ko kaagad ng kamay ko at pagtanggi sa alok niya. But he just held my wrist giving me a startled look to him.

"Anong palagi kong sinasabi sayo?" He asked using his cute face. Halatang ginagamit niya yon para lang asarin ako.

"Tigilan mo nga ako!" Pabirong asik ko sabay tulak ko sa mukha niya palayo sakin.

Narinig ko siya na tumawa pa pero pairap nalang akong ngumiwi. Kahit na sa loob loob ko ay natatawa na ako sa katarantaduhan na ginagawa naming dalawa.


"Anong oras nga kasi yung flight mo?" Pangungulit niya.

Pagharap ko sa kanya, My eyes suddenly widened when I saw him now so close to me. Kinailangan ko pa na i-bend sandali ang katawan ko para lang mapalayo sa kanya dahil sa tingin ko ay yon ang dapat ko na gawin. Pero mukhang napasama lang at napalala dahil naramdaman ko kaagad ang pagsalo niya sa likuran ko.

Kaya sa huli, pareho kaming natahimik kaagad at napatitig sa mga mata ng isa't - isa. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ki ganon na mabasa kung ano ang sinisigaw at gustong sabihin ng mga tingin niya.

"Oh! Gaviniel you're here!"

Agad ko na naitulak si Gaviniel matapos kong marinig ang boses ni Stephanie at umayos ng tayo. Nasa harapan na namin siya ngayon at tahimik na magka krus ang magkabila niyang mga braso habang abala siyang pinalipat lipat ang paningin sa aming dalawa.

"What the two of you were doing?" She pointed the two of us.


Napatingin ako kay Gaviniel na magpa hanggang ngayon ay nakatingin pa rin pala sakin. I was about to talk also when he suddenly looking away his eyes from me to face my sister.

"We're just joking and playfully teasing each other." Nakangiti na sabi niya kay Stephanie. Nagulat ako ng kasunod niyon ay bigla nalang niyang nilagay sa bewang ko ang braso niya at pahagip niya akong nilapit mismo sa kanya!

Muli akong tumingin sa kanya at pinanlakihan siya ng mata para itanong sa kanya ang tungkol roon pero hindi niya ako pinansin. At sa halip ay parang nag e-enjoy pa siya na gawin iyon.

"Tsh! So childish!" Dinig ko na sagot ni Stephanie.

"Say what you want but it has a lot of meaning to us." Sagot rin kaagad ni Gaviniel sa kanya! Talagang halata na gusto niyang asarin si Stephanie.

"So did I look like I care?" Masungit at mataray na sagot pa ulit nito sa kanya bago niya kami tuluyan na tinalikuran at naglakad pabalik sa loob ng bahay.

Nang mawala na sa paningin namin si Stephanie ay mabilis ko na hinampas ang kamay ni Gaviniel sa bewang ko at hinarap siya habang nakakunot na ang aking noo.
Nakita ko na napamaang pa siya ng bahagya bago magkibit balikat. Tumatawa.

"Siraulo ka!" Asik ko sa kanya. Aambaan ko pa sana ulit siya ng sapak pero hindi ko na tinuloy pa at sa halip ay bumalik nalang ulit ako sa upuan ko para umupo.

"Gala us? My treat." Pag aaya niya rin sakin. Tinaas pa niya ang kanyang kilay.


"Yon naman pala! Kaya pumunta rito para ayain ako gumala." Nakangiwi ko na sabi sa kanya bago ako tumayo. "Sige hintayin mo ko dito magbibihis lang ako. Libre mo ah? Sabi mo yan."


I was wearing a white tank top with a pair of light brown skirt. Tinali ko nalang rin ang buhok ko gamit ang lace handkerchief at nagtira nalang ako ng kaunting buhok sa magkabilang dulo just to make myself comfortable. Sinuot ko rin ang pearl earrings ko maging ang singsing ko. Ganon rin maging ang white rubber shoes ko.


Gaviniel was already stood up when I already went out. Kaagad na siyang kumilos palapit sakin at sandali na pinasadahan ng tingin ang suot ko kaya napatingin rin tuloy ulit ako roon. Akmang magsasalita na sana ako para tanungin siya ngunit hindi na natuloy pa dahil kaagad na siyang nagpamaunang maglakad papalabas.

"Seatbelt." Utos niya ng makapasok at upo na ako sa shutgon seat. Hindi ko alam pero parang may kakaiba na kaagad akong napapansin sa kinikilos niya. Nang mapalingon ako sa side mirror ng sasakyan matapos ko mailagay ang seatbelt at para tignan siya ay parang abala siya kaagad sa pag iisip sa kung saan. Umiwas lang ako ng tingin ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya.


Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin but I'm sure sa magandang lugar niya ako dadalhin. Dahil iyon siya. Si Gaviniel na magaling mamili ng magagandang attractions even though ako rin dapat since I graduated in line of Tourism Management.


"I heard about what happened to Yvette, Gianna, and Bea last week." Pag iingay niya sa gitna ng katahimikan while he was straight looking at the road. "And your also there too."


"Yup. But I'm not that so drunk like them. Why did you asked?"

Umiling siya. "Nothing. Because Tyler texted me to pick you up there."

"E bakit hindi mo ko sinundo?" I teased  him. Tinitignan kung ano ang magiging reaksyon niya.


Tumingin siya sakin but this time with a poker face. Wala man lang karea reaksyon ang mukha niya dahilan para ganon nalang rin mawala kaagad ang ngiti sa labi ko. Saglit lang din iyon dahil kaagad niya na ibinalik ang paningin sa daan.


"Because he said that you're finely fine. And you're not so drunk like your other friends." Tanging sagot niya.

Ngumuso ako at pairap na inalis sa kanya ang paningin. Hindi ko rin maiwasan ang magtaka kung bakit ganon nalang kaagad kabilis nagbago ang pakikitungo niya sakin. May nagawa ba akong mali na hindi ko nalalaman?

Wala ng namutawi pa ulit na ingay sa aming dalawa pagkatapos niyon. Tahimik ko nalang rin na tinanaw ang mga sasakyan na nakakasabay namin. Ganon lang kami hangggang sa makarating kami sa Ayala.


Pagkatapos ipark ni Gaviniel ang sasakyan ay kaagad na rin akong kumilos para tanggalin ang seatbelt ko at ayusin sandali ang damit ko. I was about to open the door also after that but then I stop and look at Gaviniel when he out of the car kaya tahimik ko siyang sinundan ng tingin. Inaalam kung saan siya pupunta.

I startled a bit when the door beside of my place suddenly open. Pag angat ko ng ulo ko, there I saw Gaviniel who's now silently standing while looking away. Pero hindi ko mapigilan ang magtaka ng makita kong nakalahad ang isa niyang kamay.

Bumuntong hininga lang ako at pagkatapos ay inilahad ko na rin kaagad ang kamay ko sa kanya. Inalalayan niya ako na makakababa at siya na rin ang nagsarado ng pinto. Maglalakad na sana ako para manguna ng maramdaman ko muli ang kamay niya sa kamay ko.

"Alam mo Gav, kung ano man yang topak mo sabihin mo sakin dahil hindi ak-"

I did not complete my sentence when I felt him putting his jacket on my shoulder. Kaya hindi ko tuloy napigilan ang magtaka. Pagkatapos niyon ay tahimik siyang lumakad at humarap sakin. He tapped my shoulder and giving me a small smile.

"Next time, don't wear some outfits like that hm?"

"Bakit naman? Ano bang masama sa suot ko?" Nakakunot at nagtataka na tanong ko. Minsan ko pa ulit na pinasadahan ng tingin iyon. Pero wala naman akong napapansin na masama roon. Hindi naman siya ganon ka revealing kaya bakit niya nasabi iyon?

"Let's go?" Pag iiba niya rin kaagad ng sinabi at pagkatapos ay nanguna ng maglakad.

Naiwan tuloy akong nagtataka at naguguluhan sa kinikilos niya. He's so weird today huh?

We went first to the department store to room around since busog pa naman din kaming dalawa. We both separate also when we saw some things that we actually want. Pero bumabalik rin ako sa kanya kapag may gusto siyang bagay at nahihirapang pumili.

Since naisip ko na malapit na rin ang birthday ni Chandria ay pumunta ako sandali sa women's section para tumingin ng pwedeng mairegalo sa kanya. Pero kahit sa dami ng magagandang naka display roon, hindi ko alam kung alin ba roon ang sa tingin kong magugustuhan niya.


Bukod kasi sa puro dress ang karamihan na naroon, ang iba ay puro lotion na halos na alam ko namang sobrang dami ng ganon ni Chandria. But since, I know that she's into bags, yon nalang ang naisip ko na bilhin sa kanya. The one Louis Vuitton who has two straps that was color brown. Matapos niyon ay bumalik na ulit ako kay Gaviniel just to check if he's already done to picking some clothes.

Natigil lang siya sa ginagawa ng makita niya ako. Ganon rin ang hawak ko na box ng bag.


"Don't worry I'm the one who will pay for it. Gift ko para kay Chandria." Inunahan ko na siya. Yung tingin niya kasi parang nakakita ng kung ano e. Halatang kinabahan kaagad.

"Really?" Pagbibiro niya na akala mo hindi niya alam ang birthday ni Chands. Kahit na ang totoo naman ay laging shanghai ang tinitira niya kapag pumupunta kami at sama-samang sine-celebrate iyon.


Nakangiwi ko na inalis sa kanya ang paningin ko bago ko hinawakan ang damit na hawak niya at hinarap iyon sakin. Maganda naman. Isa iyong dress shirt na eksakto lang ang pagkakagawa ng kulay itim dahilan para bumagay sa kanya. Even though he's skintone was light brown. Moreno.

"Wag mo sabihing hindi ka pa rin nakakapili magpa hanggang ngayon ng damit na bibilhin mo?" I asked and look at him while arching my brows.

Mabagal niyang kinamot ang likuran ng batok niya bago siya tumango tango. Pero hindi ko magawang maniwala sa kaagad sa kanya dahil mukha lang kasi siyang nagbibiro.

"Saan mo ba gagamitin?" Kinuha ko na rin maging ang isa pa niyang hawak hawak para tignan rin iyon kung maganda at ayos lang ba sa kanya. "Hindi ba't ang dami mo ng ganito? Kaya bakit bibili ka pa?"


"Because my high school classmates invited me to go in our reunion even though its not already 10 years." He shrugged.


Hindi ko tuloy naiwasan ang tumawa. "Ang advance n'yo naman pala," I said glancing at him.


Sa huli, yung kulay gray na ang kinuha niya at binili. May binili pa siya na ibang shirts bukod roon but I did not tried to look for it. Pagkatapos namin mabayaran ang lahat ng pinamili roon ay sunod naman kaming pumunta sa bookstore. Since namiss ko ng magbasa ng libro ni hindi ko na rin alam kung ano na ba ang mga latest at magagandang basahin. Last na pagbabasa ko kasi ng libro nung second year college pa.

"Try to read this," Natigil ako sa paghahanap ng kung anong libro ng may iabot sakin na libro si Gaviniel. Hinawakan ko iyon at binasa ang title, sunod ay binuklat ko rin ang loob at tumango tango. "Well, you have a good taste huh?"


"Of course!" Dinig ko na sabi niya. May sinasabi at binubulong pa siya na kung ano bukod roon pero hindi ko na ganon pang marinig iyon dahil sa sobrang hina.

Hindi na rin kami nagtagal pa roon at binayaran na rin kaagad iyon bago kami sunod na pumunta na sa isang kilalang restaurant para kumain ng tanghalian.

Pagkalapag ko sa mga pinamili namin ay kaagad na akong pumili ng makakain dahil sa sobrang gutom na nararamdaman ng tiyan ko. Gaviniel was also busy looking for his food.


Japchae ang sakin habang ang kay Gaviniel naman ay Cheese Katsu with rice. Matapos maihatid ang pagkain ay nagsimula na rin kaming kumain. Yon nga lang kahit konti pa lang ang nakakain ko ay sandali akong natigilan ng may makita akong bata na nakatingin sakin.

I think she was around in 4 or 5 years old. Daretso lang siyang nakatingin sakin habang abala siyang kumakain ng fries that's why I couldn't keep my lips to form a small smile. Mas natuwa pa ako sa kanya ng makita siyang tuwang tuwa sa hawak niya na iba pang fries bukod kasi sa nakaupo siya sa baby chair, ang dungis dungis na ng mukha niya.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Gaviniel sa kamay ko dahilan para mapatingin at maibalik ko ang tingin ko sa kanya. "What?"

"Sino tinitignan mo?" Curious niya na tanong sakin.

Nakangiti akong inalis ang paningin sa kanya at mabilis na inginuso ang batang kanina ko pa tinitignan. But sad to say she was now crying in loud. I don't know why but I stood up already and walk towards on their place. Narinig ko pa tinatawag ako ni Gaviniel pero hindi ko na muna siya pinansin pa.

Gusto kong tumawa ng makita ko ang reaskyon ng mama nung bata. Nagulat siya ng maupo akong bigla sa upuan nila at laruin nalang bigla ang bata para patahimikin.

"Samantha, what are you doing?" Dinig ko na sabi ni Gaviniel. Hindi ko inakala na sumunod pala siya. He was standing right behind of me.


Tumingin ako sa kanya at tipid na isinenyas ang bata. "I'm just trying to help the mother of this child para patahimikin. Besides, you know that how much I love kids hindi ba?" I wink at him after before I looking back to the child.


"Uhm...can I asked a favor?" Singit rin kaagad nung nanay nung bata sa pagitan namin ni Gaviniel. Napalingon ako sa kanya at tahimik na nag aantay ng susunod na sasabihin niya. "Can I go to the restroom first?" Paalam niya at mabilis ng tumayo para maglakad papunta roon.

Kaya sa huli, kami nalang ulit ni Gaviniel ang naiwan kasama ang batang babae na kasalukuyan ng tumahan sa kaiiyak at abala nalang ngayon sa paglalaro ng laruan niya. Naramdaman ko na umupo si Gaviniel roon sa pwesto sandali ng nanay ng bata bago siya sumandal at roon ay tahimik akong pinagmasdan.


"You look like her mom already," He teased on me. Kaya nakakunot ang noo kong inangat ang paningin sa kanya para sana ngiwian siya but it was too late! Because he was handed a phone on his hand. Kinukuhaan na pala niya ako ng litrato!

"Delete it," I warned him. But he just playfully shaking his head. Hindi pa siya nakuntento dahil sandali niya iyon na pinakita sakin bago niya iyon itinago ulit sa bulsa niya at lumapit ng husto malapit sakin.

"As you wish!" Ngumisi siya at pagkatapos ay saglit na nilaro ang bata. Babatukan ko na sana din siya pero hindi ko na ginawa pa dahil nasa public place kami at eksakto rin kasi na bumalik na yung magulang nung bata.

Magiliw niya na kinuha sakin ang bata at sunod sunod siyang nagpasalamat sakin. Kinuha na rin niya sunod ang mga gamit nila kaya sa huli ay tahimik nalang namin silang pinanuod at kinawayan hanggang sa nakalabas na sila ng tuluyan sa restaurant.

Nakangiti ko na ibinalik kay Gaviniel ang paningin ko para sana ayain na rin siyang bumalik na kami sa pwesto namin. Ngunit natigilan ako kaagad ng makita ko siyang ngiting ngiti na nakapokus at nakatingin sakin. Hindi rin nakaligtas sakin ang pag angat niya sa gilid ng labi niya.

"Kanina mo pa ako tinitignan ah? Ano bang meron?" Nagtataka at nakasimangot ko na tanong ko sa kanya. Walang ano ano'y sunod ko na hinawakan ang mukha ko para haplusin iyon kung may pagkain ba na nakasabit roon o wala. Pero ganon nalang akong inirapan siya ng wala naman akong nakuha na kung ano.

"Kahit kailan talaga ang cute mo!" Tumatawang sabi niya bigla at pagkatapos ay naramdaman ko nanaman ang pagpisil niya sa pisngi ko bago siya tumalikod at nagpamaunang maglakad muli pabalik sa pwesto namin. "Halika na ng marami pa tayong malibot pa na iba."

"Hala ang cute nila gagi! Nakakakilig!"

"Kapag ako nagkajowa ng ganyan, nako! Hindi ko na papakawalan mars!"

"Tama ka jan! Tapos idagdag mo pa yung height nilang dalawa! Myghad! Mapapa sana all ka nalang talaga dzai!"

Natitigilan akong napalingon kaagad sa mga menor de edad na abalang kumakain kasama ang mga kaibigan nila. Hindi man ganon kalayo ang table nila sa amin ngunit ramdam ko at dinig ko lahat ang aksyon na pinag gagawa nila. Kaya sa huli ay bumuntong hininga nalang ako at nakangiwing sumunod pabalik sa upuan namin.


Gaviniel was the one who pay all the bills for the food. Sabi ko nga ako na lang dapat magbayad sa dessert pero ayaw niya. Gusto niya siya. Kaya ayon hindi ko na siya pinigilan pa. Hindi ko rin alam kung bakit pero pati ang pagbitbit ko sa mga pinamili ko ay basta nalang niya kaagad na inako. Gusto ko man kunin sa kanya ang mga 'yon pero mabilis niyang iniiwas at inilalayo sakin ang lahat ng iyon. Nung tinanong ko siya kung bakit ang tanging sinagot niya lang ay ayaw niya raw kasi akong nahihirapan.

"Bakit ganon mare? Ang cute nila Ate at Kuya oh! Look!"

Nagtataka at sandali akong natigilan sa paglalakad ng may marinig nanaman ulit akong nagbubulungan na magkaibigan. Nang lingunin ko ay mga nakatayo lang ito sa bandang gilid ng railings na meron roon. Palihim silang tumitingin sakin maging kay Gaviniel na ngayon ay nasa malayo na at nag iisang maglakad.

"We're not couple," Nakangiti ko na sabi sa kanila. "We're only bestfriends."

Nakita ko na natigilan sila sa pag uusap at saglit silang nagkatinginan na dalawa. Alam ko naman na ayaw nilang maniwala sa sinasabi ko pero iyon naman kasi talaga ang totoo.

Kaibigan lang ang turing ko kay Gaviniel. Ganon rin naman siya sakin.

"Anong ginawa mo roon sa dalawang babae?" Bungad na tanong kaagad sakin ni Gaviniel matapos ko tumakbo papunta sa kanya. Nilingon pa niya ulit ng minsan ang gawi ng mga iyon bago niya ko tinignan muli. At kahit wala pa man siyang sinasabi ay parang alam ko na inaakusahan na niya kaagad ako kahit na wala naman akong ginawa sa dalawang babae.

"Narinig ko nanaman kasi yung narinig ko kanina sa loob ng restaurant habang kumakain tayo kanina." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Anong narinig? Saka ano ba 'yon?" Naguguluhan na rin kaagad na tanong niya.

"Pinagkakamalan nalang lagi nila tayo." Daretso akong tumingin sa kanya.

Eksakto rin na natigil kami sa tapat ng isang boyband na kumakanta roon sa mall. Kaya kaagad ko na naiiwas at naialis ang paningin ko sa kanya.

"Alam mo, hindi mo na dapat kasi sila pinapansin." Bulong niya sa tainga ko. Nawala tuloy sa konsentrasyon ang utak ko at mabilis na bumalik ulit sa kanya. Nakangiti na siya ngayon at maingat na sinasaulo ang mukha ko.

"Lumayo ka nga!" Tulak ko agad sa mukha niya ng mabilis akong makaramdam ng pagkailang. Napansin ko din kasi na marami ng nakatingin sa amin.

"Bakit ka ba kasi nahihiya?" Tanong pa niya ulit sakin. Gamit ang tono niyang halata namang nang aasar.

"Tigil tigilan mo ko Gaviniel." Matalim ko siya na tinitigan bago ko inalis ang paningin ko sa kanya. Handa na sana akong sumabay rin sa kanta pero halos umuwang ang labi ko ng marinig ko ang sunod na sinabi niya.

"Bakit? Natatakot ka? Dahil ibig sabihin non ay totoo ang sinasabi nila?"

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

860 149 35
A COLLABORATION SERIES [ONGOING] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her love experience. She never thought that it wo...
781 124 39
chaos and seleira ••• an epistolary solliary, 2024
64.3K 1.9K 29
"𝐟𝐨𝐫 𝐨𝐮𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐥𝐬 𝐰𝐞𝐫𝐞 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐚 𝐩𝐮𝐳𝐳𝐥𝐞. 𝐭𝐡𝐞𝐲 𝐟𝐢𝐭 𝐬𝐨 𝐩𝐞𝐫𝐟𝐞𝐜𝐭𝐥𝐲 𝐭𝐨𝐠𝐞𝐭𝐡𝐞𝐫. 𝐉𝐮𝐬𝐭 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐚 𝐬𝐨𝐮𝐥...
2.4K 79 2
Taking care Master Pond is not for a weak heart - Phuwin "He was the kind of man everyone would fall in love with, even if they didn't want to." ― N...