Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

171K 5K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 39♕

1.9K 53 2
By FinnLoveVenn

VIGGO

♕♕♕

Sa pagsapit ng dilim, napagpasyahan na namin umuwi sa border at makapagpahinga na rin sa mahabang kasiyahan kanina.

Halata sa mukha ni Cana ang sobrang saya, ang dami niyang kwento sa 'min ni Achlys habang binabaybay namin ang daan pabalik sa Moonvault Empire.

"Nakakatawa nung sumayaw ka na Achlys, isipin mo 'yun wahaha isang dragon may kaliwanag paa," pang-aasar ni Cana kay Achlys at hindi ko maiwasan mapangiti sa saya na nakikita ko sa mukha niya ngayon.

Sa totoo lang hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang Cana, pero mas gusto ko ito dahil ito ang totoong siya.

'Yung pakiramdam ko noon na parang ang layo niya dahil sa mga sikretong tinatago niya ay unti-unti nang nawawala sa isip ko ngayon.

Kasi alam kong wala na siyang bagay na hindi sinasabi sa 'kin, pinakilala niya na sa 'kin ang totoong siya at wala nang tinatago pa.

Ang iniisip ko na lang ay kung iiwan niya ba ko o kung makakaya ko ba pag-iniwan niya ko.

"Alam ko ang ilog na 'to eh, ito 'yung humahati sa Majiro Kingdom at Eato Kingdom 'di ba? Bakit hindi na lang tayo dumaan dito at kailangan pang umikot sa Moonvault kung mas malapit naman ito sa border?" Tanong ni Cana habang tinuturo ang mahabang ilog na naghihiwalay sa dalawang kaharian.

"Gusto mo bang mapatay 'yang si Viggo?" Tanong naman ni Achlys at tumingin siya sa 'kin ng inosente.

"Bakit hindi ka ba pwedeng mabasa ng tubig ilog?" Tanong niya at pareho namin na sapo ang noo namin ni Achlys dahil sa kamangmangan niya.

"Matalino ka sa ibang bagay pero tatanga-tanga ka rin minsan, sabi naman kasi sa 'yo wag ka na uminum ng alak iyan tuloy hindi ka makapag-isip nang matino. Hindi ba iyan ang kingdom ng mga werewolves,"  sabi ko sa kaniya sabay turo sa kabilang bahagi ng ilog.

Napabuka ang bibig niya at kuminang ang mga mata, "Ah! So d'yan galing sila sir Grimm?" Tanong niya at tumango naman ako.

"At sino naman 'yang Grimm na 'yan?" Tanong naman ni Achlys at napatigil sa paglalakad.

"Royal knight sa Lumire Empire," sagot naman ni Cana at tumingin din sa tinitignan ni Achlys, naningkit ang mata niya pero hindi niya maaninag kung ano 'yung tinitignan ni Achlys sa malayo.

"Pwede bang mauna na kayo? Susunod ako may bibisitahin lang," sabi ni Achlys at mabilis na lumipad papunta sa kabilang bahagi ng ilog.

Buti na lang at malayo-layo na kami sa bayan at malapit na sa gubat na kanina naming pinasukan kaya walang nakakaita sa paglabas niya nang malaki niyang pakpak.

"Tignan mo 'yun iniwan na naman tayo," reklamo ni Cana at nagpatuloy na lang kaming maglakad papasok sa masukal na gubat.

"Hayaan mo siya, babalik 'yun sigurado," sabi ko naman dahil halata sa mukha niya ang pag-aalala na baka hindi niya makontrol si Achlys at magdulot ito ng panganib sa lugar.

"Hays, kulit kasi eh, baka mamaya kung anong kainin nu'n," reklamo niya at akmang sasampa na sa 'kin ngunit bigla akong napapitlag at nakaramdam ng kakaiba sa paligid.

Mabilis kong hinawakan si Cana at tinago sa likuran ko na kinagulat niya.

"Bakit ano 'yun Viggo?" Tanong niya ngunit tahimik lang ako na nakikiramdam sa paligid.

Tatlo? Hindi! siyam na mga bampira ang nararamdmaan kong papunta sa kinatatayuan namin ngayon.

"Dali sumampa ka sa likod ko!" Utos ko sa kaniya at agad niya naman itong ginawa saka ako tumakbo nang mabilis pabalik sa Majiro Kingdom ngunit agad akong napaurong nang makita ko ang apat na mga bampira sa dadaanan namin kaya naman pumihit ako pabalik at pinilit na lang tumakbo nang mabilis pabalik sa border.

"Anong nangyayari Viggo? Bakit sobrang namamadali ka!" Tanong niya habang mahigpit na nakakapit sa balikat ko, hindi niya siguro na sundan ang mabilis na galaw ng mga bampira sa harapan namin kanina.

"Sinusundan tayo ng anim na bampira, mukhang mga common vampire sila pero masyado silang marami," sagot ko sa kaniya at na ramdaman ko agad ang tensyon sa katawan niya.

Kung ako lang ang narito ay makakaya ko silang harapin nang walang problema ngunit kung kasama ko si Cana na isang mortal ay magiging mapanganib ito para sa kaniya.

Kahit sabihing mas malakas ako dahil vampire slave ako at may master ako na nagbibigay sa 'kin ng pangangailangan ko ay hindi ko pa rin alam kung gano na kahayok ang nga kalaban ko sa dugo.

Mas matindi ang mga bampirang hindi na makontrol ang gutom nila at nakakapagtaka lang dahil gumagalaw sila na parang isang grupo at may plano. Paniguradong sila ang mga bampirang natira mula sa digmaan at ngayon ay hirap nahirap na para mabuhay sa patay na emperyo na 'to.

"Anong gagawin na 'tin? Maabutan ba nila tayo?" Tanong niya at ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng mga palad niya sa kaba.

"Hindi, wag ka matakot makakabalik ka sa kastilyo pangako," sagot ko at pinilit tumakbo nang mabilis sa kaya kong takbuhin ngunit na gulat na lang ako nang maamoy ko ang sariwang dugo ni Cana.

"Vi-viggo?" Narinig kong boses niya at nang lingunin ko siya ay may nakita akong umaagos na dugo sa kaniyang noo.

Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko mababaliw ako.

"Cana!!!" Hiyaw ko at tigil sa pagtakbo sabay buhat sa kaniya sa bisig ko.

Nakita ko ang maraming dugo sa ulo niya pero nagagawa niya pa namang imulat ang mga mata niya.

"May tumamang bato sa ulo ko," sagot niya at mukhang kagagawan nila ito.

"Wag ka mag-alala gagamutin kita," saad ko at akmang yuyuko para maghilumin ang sugat niya pero biglang may tumamang pana sa braso ko, sinundan ng dalawa, apat at pinaulanan na nila kami ng mga palaso.

Mabilis ko siyang niyakap para masangga ang mga iyon ngunit hindi ko na gawang protektahan ang babaeng iniingatan ko.

"Argh!" Narinig ko ang pag-impit niya matapos tumama ang dalawang palaso sa binti at braso niya.

"Cana!" Hiyaw ko at mabilis na tumingin sa paligid para mahuli kung sino man ang gumagawa ninto sa 'ming dalawa.

"Lakas din ng loob mong bumalik dito ano?" Rinig kong salita mula sa madilim na sulok nang kakahuyan at nakita ko na isa-isang naglalabasan ang mga pulang mata mula sa dilim.

"Sinong nagsabi sa 'yo na pwede kang pumasok at lumabas sa teritoryong ito? Hindi ba't iniwan mo na ang lahing ito at pinili na mabuhay kasama ng mga mortal?" Muli niyang tanong pero hindi ko ito inintindi at pilit na tumayo kahit na halos siyam na palaso ang nakaturok sa iba't ibang parte ng katawan ko.

"Wag mo nang tangkain na gumalaw, may lason ang bawat dulo ng palaso na 'yan at miske bampira na katulad mo ay hindi makakatagal," saad niya at lumapit sa 'min ni Cana kaya agad ko siyang niyakap at itinago sa harap nila.

"Saang emperyo ka nagtatago? Nakita na namin kayo noong mga nagdaang linggo pero hinayaan lang namin kayo dahil parang na mumukhaan kita," sagot niya at nang maaninag ko ang mukha niya, nakita ko ang isang pamilyar din na mukha sa 'kin.

Isa siya sa mga subordinate ko noong naging Heneral ako sa Alfonso at isa siyang Ducal Knight sa pamamalakad ko.

"Felipe?" Tanong ko at agad siyang ngumiti saka lumabas ang mahaba niyang pangil, lahat sila ay palait nang palapit sa kinaroronan namin at halata sa mga mukha nila ang pagkasabik matikman ang humahalimuyak na amoy ng dugo ni Cana. 

"Tama ka sir Viggo, anong nangyari sa 'yo? Na tanggalan ka ba ng apilyido dahil sa pagiging item mo sa under ground market? Hindi ba't tinitingala ka namin noon? Anong nangyari? Bakit naging slave ka na lang ng isang mahinang nilalang?" Tanong niya at napapailing dahil hindi niya mapigilan ang pagkahayok niya sa dugo.

"Master ko siya kaya hindi niyo siya pwedeng galawin!" Utos ko at natawa lang siya.

"Tingin mo susundin pa namin ang utos mo?" Tanong niya at kumuha ng isang tirador at nilagyan ito ng bato bilang bala.

"Ikaw! Ikaw ang tumira sa ulo ni Cana!" Galit na galit kong tanong sa kaniya at akmang susugod ngunit na raramdaman ko na ang epekto ng lason na ginamit nila sa mga palasong na nasa katawan ko.

"Mas madali asintahin eh," sagot niya at muling pipilantik para tirahin ang ulo ni Cana kaya agad ko itong hinarang at ako ang paulit-ulit niyang tinatamaan.

"Ano ng nangyari sayo? Bakit ang hina-hina mo na sir Pollux? Ah teka, wala ka na nga palang apilyido kaya mabuti nang tawagin na lang kitang Viggo," sagot niya at umupo sa harapan namin at mabilis na hinawakan ang kamay ni Cana.

"Bitawan mo siya!" Sinunggaban ko siya ngunit agad siyang nakatalon paurong.

"Vi-ggo, ku-kung kaya mo tumakbo, tumakas ka na at hanapin mo si Achlys," mahina sabi ni Cana at pilit na inaabot ang pulyo niya sa 'kin.

"Da-dalian mo, inumin mo ang du-dugo ko," utos niya gamit ang natitirang lakas sa katawan niya at umiling naman ako.

"Si-sige ka, pareho tayong mamatay," sabi niya at nagawa pang ngumiti sa harap ko na sobrang kinadurog ng puso ko.

Halos naliligo na siya sa dugo at hindi na maigalaw ang ibabang parte ng katawan niya, alam kong pag nainum ko ang dugo niya ay papakawalan niya na ko sa kontrata pero akala niya ba mabubuhay din ako kung wala siya?

Makukulong na naman ako sa mahabang pagkakahimhing at makukulong sa panibagong magiging master ko.

Kaya kung mamatay siya rito ay mabuti nang sumama na ko sa kaniya.

"Vi-viggo, dalian mo na," sagot niya at umiling ako, mabilis kong binubot ang mga palaso sa binti niya at halos panawan siya ng ulirat sa sakit ninto.

Pero wala akong ibang alam na paraan para maibsan ang hirap niya kaya agad kong sipsip ang mga lasong maaring kumalat sa katawan niya at mabilis na pinaghilum ang bukas siyang mga sugat.

Bawat kuha ko ng dugo niyang may halong lason ay unti-unti kong nararamdaman ang mainit na sensasyon sa lalamunan ko.

Alam kong makakatagal ako nang tatlong oras bago tuluyang patayin ng lason ang katawan ko, pero hindi ko hahayaan mangyari iyon kay Cana kaya naman ako na ang kukuha ng sakit na nararamdaman niya.

"Hahaha! Sa tingin mo maliligtas mo pa siya sa dating na 'yan? Bali wala lang 'yan Viggo dahil papatayin namin kayong dalawa rito," sagot niya at tinignan ko lang siya namg masama.

Ramdam ko ang pananalaytay na lakas na bigay ng dugo ni Cana pati na rin ang sakit na dulot ng lason, nag-iinit ang buo kong katawan at mabilis na pumipintig ang puso ko na parang sasabog sa ano mang oras.

Hindi ko sinayang ang natitira kong lakas at mabilis na tinanggal ang mga palaso sa aking katawan at sa isang iglap, ang apat sa mga palasong iyon ay nakaturok na sa leeg ng mga kasama ni Felipe ngayon.

"Arrrgh!" Rinig niyang hiyawan ng mga kasama niya at kada lilingon siya sa mga direksyon nila ay isa-isa itong tumutumba na halos hindi niya masundan nag bilis ng galaw ko.

"Argh! Dalian niyo at kunin niyo ang babaeng iyon!" Utos niya sa natitirang dalawa niyang kasama at agad naman akong tumakbo sa harap nila para protektahan si Cana.

"Subukan niyo lang!" Sigaw ko sa kanila at kitang-kita ko ang mga mata nila na halos balutin ng takot sa halimaw na nasa harapn nila.

"Felip narito na ang iba!" Rinig kong sigaw ng isa niyang kasama at ramdam ko sa buong paligid ang presensya ng halos benteng bampira na nakapaikot sa 'min at nagtatago lamang sa masukal na gubat, nag-iintay ng pagkakataon na sugurin ako.

"Hahaha! Buti naman!" Masaya niyang sabi at binalik ang tingin sa 'kin.

"Ngayon hindi mo na mapoprotektahan ang babaeng iyan Viggo!" Hiyaw niya at sinenyasan na sugurin ako nang mga kasama niya kaya naman nilabanan ko sila habang pilit kong prinoprotektahan si Cana.

Kaso ramdam ko nang nanlalambot na ako, nanginginig na ang tuhod ko at nanlalambo ang paningin ko. Ramdam ko rin ang pagbagal ng galaw ko pero pilit ko pa rin siyang prinoprotektahan dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala sa 'kin ang babaeng mahal ko.

"Vi-viggo tu-tumakas ka na," hirap niyang sabi habang pinipilit na makaupo ngunit lambot na lambot na ang buo niyang katawan.

"Tu-tumakas ka na," muli niyang hiling at rinig ko sa mga pagitan nang salitang iyon ang pag-iyak at hikbi niya.

Halos durugin ang puso ko tuwing nakikita o nararamdaman ko ang pag-iyak niya, sobrang dama ko ang lungkot niya ngayon na sumisira sa tamang pag-iisip ko.

"Umalis kayo sa harap ko!" Sigaw ko at mabilis na hinablot ang isang bampira at pinutol ang leeg ninto at bago pa man maging abo ang katawan niya ay hinagis ko ito sa katabi niya at mabilis ding pinangas ang leeg ninto.

"Hmmp!" Napalingon ako kay Cana nang marinig ko iyon at akmang sasakmalin siya ng isa pang bampira kaya mabilis akong tumalon sa kinaroroonan nila at parehong binali ang leeg nila.

Sumunod ang tatlo na magkasabay na sumugod sa diretsyon ko, pinupuntirya nila si Cana kaya naman todo bantay ako at halos ibuhos na ang natitirang lakas ko para sanggain ang mga atake nila.

Bawat bampira na lumalapit sa kaniya ay pinuputulon ko ng leeg, sinasakmal o binabasag ang mga ulo ninto, paunti sila nang paunti habang ang lakas ko ay ganoon din.

Halos maligo na sa dugo si Cana ngunit hindi ito galing sa kaniya kung hindi sa mga biktima ko na walang sawang sumusugod pa rin kahit na makita nila ang nangyayari sa mga nagtatangkang saktan si Cana.

"Ano Felipe? Hindi pa ba kayo tapos?" Tanong ko at tumingin sa bawat direksyon nila.

Habol hininga ako nang maramdaman kong tumigil sila sa kanilang pagsugod, nakalahati ko sila pero alam kong hindi sila titigil hanggat hindi nila nakukuha si Cana.

Napahawak ako sa dalawnag tuhod ko at pinunasan ang pisnge ko na may bahid ng dugo, ramdam ko ang paglamig ng paligid at ang amoy ng abo ng mga bampirang pinatay ko na humahalo sa malamig na simoy ng hangin.

Walang umiimik sa 'min, lahat sila ay naghahanap ng butas sa dipensa ko upang makuha nila si Cana pero hindi ko hahayaang mangyari iyon.

Huminga ako nang malalim at nararamdaman kong naninikip na ang dibdib ko at tila ba pinipiga ito at pinipigilan akong huminga.

Nanlalabo na rin ang paningin ko, pero kitang-kita ko ang tahimik na pagbagsak ng nyebe sa unang araw ng buwan ng septiyembre.

Umiikot na ang paningin ko pero kitang-kita ko ang pagpatak ng mga puting yelo sa paligid ko.

Nanlalamig ako, pero hindi ito dulot ng panahon kung hindi dulot ng kumakalat na lason sa buong sistema ko.

"Cana sandali na la—"

"Ugh!"

Kabado akong napalingon nang marinig ko iyon bago ako makarinig nang nakakabinging katahimikan sa tenga ko na para bang tumigil ang buong mundo ko.

Napabagsak ako sa tuhod ko nang makita kong hawak niya si Cana at takip-takip niya ang bibig ninto habang malalim na nakabaon ang pangil niya sa balikat ni Cana.

Nakatingin lamang siya direkta sa mga mata ko na para bang kinakausap ako na tumigil na ko, na pagod na siya at tama na ang lahat nang 'to.

Pero umiling ako at akmang lalapit sa kaniya nang makita kong binitawan ni Felip ang bibig niya at sa muling pagkakataon, binaon naman nito ang kaniyang pangil sa leeg ni Cana na para bang nais niyang putulin ito.

"Malaya ka na Vi—"

Halos tumigil ang mundo ko nang makita ko ang bibig niya na hindi na tapos ang pagbanggit sa pangalan ko.

Unti-unting sumara ito kasama nang marahan na pagpikit ng mga mata niya at pagbigay ng katawan niya sa bisig ni Felipe.

Sumikip ang dibdib ko, hindi ako makahinga, nagdidilim ang buong paligid ko.

Cana... Wag mo kong iwan.

TO BE CONTINUED

edited

Continue Reading

You'll Also Like

45.2K 2.2K 55
Highest Ranking: #1 KingandQueen #1 castle #1 book #1 historical #1 liar #1 mask Kaharian, kapangyarihan at trono. Iyan lamang ang mayroon si Hilary...
48.1K 3.2K 24
Matapos magising sa tatlong buwang pagka-comatose si Charlie ay hindi niya alam bakit tila kulang na ang pagkatao niya kahit na hindi naman siya na w...
2K 351 17
Bigla ko nalang naisip dahil sa napanood kong movie at inupload ko dito sa wattpad kaya ayan nishare ko nalang. One of my fictional short story with...