Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

184K 5.3K 276

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 43♕

1.9K 63 4
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

♕♕♕

Nakatitig lang ako sa matulis na espada na nakatutok sa leeg ni Viggo habang nanlalamig ang kamay at pigil na pigil ang paghinga.

"Kiera, gusto mo bang sunugin ko ang kamay ng mortal na 'yun?" Rinig kong bulong sa 'kin ni Achlys mula sa likuran habang nakatingin din kay Viggo at Hendrix.

Nakahanda na ang kamay niya upang saktan si Hendrix kaya agad ko siyang inawat dahil mas magbibigay pa ito ng malaking kaguluhan kung masaktan ang crown prince.

"Huwag, d'yan ka lang at wag kang gagawa ng kahit ano," bulong ko sa kaniya at akmang lalapit kay Hendrix nang biglang magsalita ang emperor.

"Prince Hendrix, anong kaguluhan ito?" Tanong niya at napukaw ang lahat ng atensyon sa emperor na naglalakad papunta sa aming kinaroroonan.

"Ibaba mo ang espada mo," utos niya rito at galit niyang inalis ang espada na nakatutok sa leeg ni Viggo.

"Pasensya na your majesty," pabalang niyang sagot saka binalik ang espada niya sa kaniyang lalagyan at muling tumingin kay Viggo.

"Babawiin ko ang pulang laso na iyan," sabi niya rito at pinaandar na ang kaniyang kabayo pero bago pa siya tuluyan makalayo sa amin ay muli niya kong nilingon at para bang nasaktan ako sa mga tingin na 'yun.

Para bang kinokonsensya ako ng malungkot niyang mata na nagsasabing niloko ko siya.

"Bakit sa servant niya binigay ang pulang ribbon? Hindi ba't may relasyon sila ng crown prince?"

"Mukhang nagsawa na ang binibini sa crown prince," rinig kong usapan ng mga tao sa paligid ko at hindi talaga sila na hiya na pag-usapan ako sa mismong harapan ko.

"Sabagay, wala naman sineseryoso si lady Kiera, kilala naman siya sa larangan na maraming lalaking kasama," dagdag pa ng isa at talaga namang nag-iinit ang ulo ko sa kaniya.

"Seryoso? Lalakero ka?" Bulong naman sa 'kin ni Achlys at kulang na lang ay sikaran ko ang sikmura niya dahil pakiramdam ko ay na e-enjoy niya pa ang mga tsimis na naririnig niya.

"Magsisimula na ang hunting event, lahat ng mga kalahoo ay pumila na sa unahan!" natawag ang atensyon namin ni Achlys at Viggo nang marinig namin ang anunsyo ng isang kawal na may hawak na watawat na kulay puti.

"Tatlong oras ang itatagal ng palarong ito at kung sino ang makapag-uwi ng pinaka mahirap na hulihing hayop ay siya ang mananalo ng isang kahilingan mula sa emperor," dagdag niyang anunsyo at napatingin naman ako kay Viggo, kung siya ang mananalo ano kaya ang hihilingin niyang premyo?

"At kung sino naman ang binibining may pinaka maraming offering na makukuha ay tatanghaling hunting queen ngayong araw at bibigyan ng premyo ng prinsesa," muli niyang anunsyo at napaisip naman ako iung anong premyo ang ibibigay ni Diana.

"Ngayon magsisimula na ang palaro! Humanda ang lahat! Pagkabilang ko ng tatlo at pagtaas ng watawat na pula ay simula na ang palaro!" Sigaw niya at napahawak ako sa aking dibdib, kinakabahan na baka may mangyari na hindi maganda kay Viggo o hindi naman kaya ay baka may makaalam ng sikreto niya.

"Isa!"

"Dalawa!"

"Tatlo!" Hiyaw ng lalaki sabay taas ng watawat na pula at lahat ng mga kalalakihan na sakay ng kanilang kabayo ay mabilis na tumakbo papasok sa gubat kung saan naninirahan ang iba't ibang uri ng mga mababangis na hayop.

"Bigla akong kinabahan," sabi ko kay Achlys at natawa na lang siya.

"Wag kang kabahan para kay Viggo, sisiw lang ang panghuhuli sa kaniya ng mga hayup na 'yan. Kabahan ka sa mortal na kasama niya at baka hindi natin alam hindi hayup ang huhulihin niya kung hindi isang bampira," sabi ni Achlys na lalong nagbigay sa 'kin ng kaba dahil sa maaari nang mangyari iyon.

"Kiera anak!" Napalingon ako bigla nang marinig ko ang pamilyar na boses at agad kong nakita ang aking ina si Duchess Carla kasama si Keisha na halatang hindi nais na makita ako.

"Mabuti naman at nakadalo kayo," saad niya at humalik naman ako sa kaniyang pisnge.

"Syempre po, unang beses ito na may tiga represinta ang mga tiga border kaya naman hindi kami papatalo sa Romulus," saad ko at natawa naman siya.

"Binigyan mo ba ng puting panyo ang iyon ama?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Naku, kanina ka pa hinahanap nu'n at gusto niya nga raw na tayong tatlo ang magbibigay sa kaniya ng panyo," sabi ng Duchess at natawa na lang ako sa kwento niyang iyon.

"Ah siya nga pala mother, ito po ang kainigan kong si Achlys," pakilala ko sa kaniya at itong si Achlys naman ay tumango lang.

"Kagwapo naman ng binatang iyan, ako si Duchess Carla at ito naman ang kapatid ni Kiera na si Lady Keisha," pagpapakilala ng Duchess kay Keisha pero hindi man lang ito yumuko o pinansin ang sinabi ng Duchess bagkos bigla itong naglakad papalayo sa pwesto namin at sumama sa mga kabigan niya sa isang table.

"Ah, pasensya na sir Achlys medyo pagod lang siguro ang binibini," palusot ng Duchess at tumango na lang si Achlys.

"Wala naman akong pakialam sa mga mortal na walang galang," saad niya at natawa na lang ako saka sinukbit ang braso ko sa Duchess.

"Ahahaha wag niyo na rin intindihin mother," sabi ko at inaya siya pumunta sa loob ng tent namin, nagkwentuhan kami doon at nakita ko muli si Krista na siyang naging personal maid ng aking ina.

Marami kaming nakapag-usapan habang iniintay namin matapos ang tatlong oras na pangangaso ng mga kalalakihan.

Ganito lamang daw ang gawain ng mga noble lady tuwing may hunting event sa empire, mag-uusap at magkakaroon ng tea party.

Napatingin tuloy ako kay Achlys na halatang tamad na tamad na sa kaniyang kinauupuan, sumama siya rito para mawala ang boredom niya sa loob ng kastilyo pero mas tinamad siyang makinig sa mga usapan ng mga kababaihan sa paligid niya.

Madalas din siyang kausapin ng Duchess at tinatanong siya tungkol sa sarili niya kaso pinipigilan ko naman siya sumagot dahil baka mamaya ano pang maikwento niya kaya ang ending ay wala din siyang ginawa kung hindi kumain.

"Achlys, pwede ka mahlibot-libot basta wag ka lang gagawa ng kalokohan naiintindihan mo?" Tanong ko at agad naman siyang ngumiti sa 'kin na akala mo isang bata na pinayagan na maglaro sa labas ng kaniyang ina.

"Yes ma'am!" Sagot niya at agad na umalis sa loob ng tent namin.

"Nakakatuwa naman ang kaibigan mong iyon lady Kiera," sagot ni Krista at natawa na lang din ako.

"Lady Kiera, nais daw po kayo imbitahan ni lady McMillan sa isang tea party," saad naman ni Miranda pagpasok niya sa loob ng tent namin at nagkatinginan lang kami ng Duchess.

"Sigurado ka ba na galing ang imbitasyo  na 'yan kay lady McMillan?" Tanong ng Duchess na pawang gulat na gulat nang marinig ang pangalan na iyon.

"Yes your grace, nais niya raw po makilala si lady Kiera," dagdag pa ni Miranda at napatingin naman ako sa Duchess.

"Ayos lang po ba na iwan ko kayo rito?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.

"Syempre naman, magsaya ka rin sa labas at makipagkilala sa iba, dito lng kami," sagot niya at tumango naman ako saka muling humalik sa pisnge niya.

Bago ako lumabas sa tent ay dinala at sinukbit ko na rin ang crossbow sa aking likuran dahil kung boring ang tea party na iyon ay manghuhuli na lang ako ng koneho.

Sinamahan ako ni Miranda pumunta sa kinaroroonan nila at nakita ko ang isang bilog na lamesa na pinagtitipunan ng matataas na antas ng mga noble lady sa Lumire Empire.

"Lady Kiera, buti pinaunlakan mo ang pag-anyaya ko," sagot niya at nang makita ko ang mga noble lady na kasama niya sa kaniyang lamesa ay agad na kumunot ang noo ko.

Kasama niya ngayon ang mga kaibigan ni Keisha at si Kesiha mismo ay nasa harapan ko at ngiting-ngiti.

"Kamusta na sister, maupo ka," pag-anyaya pa sa 'kin ng plastik na 'to at ngumiti na sobrang lambing sa harapan ko.

Wala akong nagawa kung hindi tanggapin ito dahil isang kabastusan sa McMillan household kung hindi ko papaunlakan ang kaniyang pag-anyaya.

Kaso pakiramdam ko naman ay nahulog ako sa bitag na nilaaan ni Keisha at mukhang papahiyain na naman ako ng babaeng ito sa lahat.

"Balita ko may minahan ka na raw lady Kiera? Totoo ba iyon?" Tanong ni lady McMillan na sinundan naman ng isang pang kaibigan ni Keisha.

"Sabi pa nila ay na alis mo raw ang miasma na bumabalot sa border?" Tanong ninto at panay ang intriga nila sa buhay ko.

Pinapunta ba nila ako rito para lang may mapag-usapan sila?

"Hmm... tama kayo, ang bilis talaga lumipad ng balita," sagot ko sabay higop ng tsaa na inihanda nila sa 'kin.

"Nakakatuwa naman, edi marami ka nang ipapangsugal niyan," sagot ni lady McMillan at halos mapataas ang isang kilay ko nang marinig ko iyon pero kinalma ko lang ang aking sarili at mahinhin na ininum ang tssa ko.

"Sa totoo lang, balak ko bumili at magpatayo ng sarili kong casino para mas maganda," sagot ko sa kaniya sabay lapag ng tsaa at ngiti sa harap niya.

Halata sa mukha nila ang pagkairita sa sagot at pagmamayabang ko kaya lalo akong napangiti.

"Talaga ba? Sabagay mas mabilis ka makakakuha ng mga lalaking magugustuhan mo roon," dagdag pa ng kaibigan ni Keisha at pakunwari silang na gulat sa sinabi ninto.

"Oh my, grabe ka naman lady Sofia," awat pa ng isa pero halata sa mga mata nila ang pagtawa.

"Ladies, hindi ganiyan ang kapatid ko, sa katotohanan iisa lang ang lalaking gusto niya no," sagot bigla ni Keisha at nagkunwari na galit sa mga kaibigan niya dahil sa minamaliit nila ako.

Pero hindi ako kakagat doon at hindi ko kayang maniwala sa mga kasinungalingan niya kaya naman kabado ako sa kung anong pakana ang gagawin niya ngayon.

"Ow sorry lady Keisha, hindi lang namin mapigilan maniwala sa mga balita na umiikot sa pangalan ng kapatid mo," sagot naman ni lady McMillan at tumingin sa 'kin.

"Patawarin mo sana kami lady Kiera, kung may nasabi kaming hindi mo nagustuhan," paghingi niya ng paumanhin pero halatang peke naman ang mga ito.

"Pero totoo nga ba na may iniibig ka na? Ang crown prince ba ito?" Tanong ni lady Sofia at bumaling ng tingin kay Keisha.

"Mukhang alam ni Keisha, dali sabihin mo sa 'min kung sino ang karelasyon ni lady Kiera," dagdag niya pa at halos mayukom ko na ang mga palad ko sa ilalim ng lamesa dahil ang kakapal talaga ng mga mukha nilang pag-usapan ako sa mismong harapan ko.

"Hmm... ayos lang naman na sabihin ko di ba sister?" Tanong niya sa 'kin at sasagutin ko pa lang siya ng hindi ay agad niya nang sinabi ang nais niyang sabihin.

"Si sir Viggo ang karelasyon niya," mabilis niyang sagot at halos pumintig nang mabilis ang puso ko sa kaba.

Pano niya na laman ang tungkol sa 'min ni Viggo?

"Hu? Sino 'yun? Saan noble house siya galing?" Maintriga nilang tanong at napayuko na lang ako.

"Hindi siya galing sa noble family, siya 'yung butler na kasama niya lagi," paliwanag pa ni Kesiha gamit ang mahinhin niyang boses na akala mo talaga hindi maitim ang budhi niya.

"Ano! Totoo ba lady Kiera? Pumatol ka sa isang butler?" Tanong ni lady McMilla at napakagat na lang ako sa labi.

Hindi sa kinakahiya ko si Viggo o ano, pero ayoko malaman nila ito dahil alam kong madadamay pa si Viggo sa usapan na 'to.

"Akala ko kalaro mo lang siya dahil na uuso ang bagay na 'yun sa high society," dagdag pa nila at tumingin ako sa kanila nang diretsyo.

"Masisira ang pangalan mo niyan lady Kiera, pano mo naaatim pumatol sa peasant?" Tanong pa nila at panay ang bulungan sa harapan ko.

"Ano ba ang dahilan bakit niyo ko inimbita sa tea party na 'to? Para may pagtsimisan kayo? Ha?" Tanong ko sa kaniya nang diretsyo at lahat sila ay napatikom ang bibig.

"Ano naman ngayon kung karelasyon ko siya?" Tanong ko ulit at humalukipkip sa harapan nila, tahimik sila ngayon at parang nalunok ang dila na kanina pa nila ginagamit para yurakan ako.

"Ano naman kung servant ko lang siya? Hindi ba't bagay kami dahil black sheep lang naman ako ng Romulus, wala naman kayong pakialam sa estado ko at gagawin ko so bakit parang concern kayo masyado ngayon?" Tanong ko sa kaniya at ni isa sa kanila ay hindi magawang sumabat sa 'kin.

"Oh, bakit hindi na kayo magsalita d'yan samantalang kanina ay panay kayo dada?" Muli kong tanong at narinig ko naman si Keisha.

"Sister, nag-aalala lang kami dahil syempre isa kang noble lady tapos isang peasant ang lalaking karelasyon mo, pano kung ubusin niya lang ang pera mo? Pano kung lokohin ka lang niya? Saka may pinag-aralan ba siya?" Tanong ni Kesiha na akala mo talaga concern sa desisyon ng kapatid niya.

"Ta-tama siya lady Kiera, nag-aalala lang kami na baka lokohin ka ng peasant na 'yan," dagdag ni lady Sofia at tango naman ng iba pang nasa lamesa kaya natawa ako at napasandal sa upuan ko.

"Ang babait niyo naman pala," sagot ko sa kanila at tumayo na sa kinauupuan ko.

"Pero hindi ko kailangan ng concern niyo dahil simula't sapul 'di naman tayo close," sagot ko sa kanila at nagsimula na maglakad pero muli kong narinig si lady McMilla.

"Ha? Buti nga't may pakialam kami sa 'yo," sagot niya at nagpintig ang tenga ko.

Seryoso ba siya na isusumbat niya sa 'kin 'yun? Like hello kailan sila ng karoon ng pakialam sa 'kin? Saka nahihibang na ba sila?

"Ano?" Tanong ko at muling bumalik sa mesa na pinagtitipunan nila.

"Utang na loob ko pa bang pinag-titsismisan niyo ko?" Tanong ko sa kaniya sabay duro sa pagmumukha niya.

"Ha! Sino nagsabi sa 'yo na pinagtitsismisan ka namin? Isang usapan 'yun sa pagitan na 'tin mga noble lady, buti nga inimbita pa kita dahil wala naman nais na makasama ang katulad mo sa isang pagtitipon na 'to," saad niya sabay tulak sa 'kin pero hindi ako nasindak sa ginawa niya.

"Tignan mo nga 'yang suot mo! Ni hindi ka nga mukhang noble lady eh, nagmagandang loob na ko imbitahin ka sa tea party na 'to dahil mukha kang kawawa," sagot niya at muli akong tinulak-tulak sa dibdib.

"Tama si lady McMilla, tapos iisipin mong pinag-titsimisan ka namin at pinapakialaman ang relasyon mo sa alipin na 'yun?" Dagdag ni lady Sofia at parang natutulig ako sa mga boses nila at panduduro nila sa 'kin.

Bakit binabaliktad nila ang kwento? Victim blaming pala ang nais nilang laro?

"Ha? Hahahaha!" Na tawa na lang ako saka ko binunot ang crossbow sa likuran ko at tinutok ito sa mukha ni lady McMillan.

"Nakikita mo 'to?" Tanong ko sa kaniya at natigil sila sa pagdakdak sa harapan ko.

"Pinagawa ko 'to sa pinaka magaling na panday sa bayan, ang ganda niya no?" Tanong ko sa kanila at halos mamutla ang mukha niya habang nakatingin sa mga daliri ko na nasa pwesto ng gatilyo.

"Pinasadya ko talaga itong gawin para protektahan ang sarili ko, at nais ko sana itong gamitin sa hunting event para makita ang ganda ninto," pagpapatuloy ko at ngumiti sa harap nilang lahat.

"Kaso na isip ko na kung gagamitin ko ito sa maliliit na hayop sa hunting event ay hindi ko makikita ang totoong ganda ninto kasi pinagawa ko ito para pumatay ng tao," dagdag ko sabay tingin sa gantilyo at balik ng tingin sa namumutlang mukha ni lady McMillan.

"Kasi nga 'di ba pinagawa ko 'to para maprotektahan ako sa mga taong kumakalaban sa 'kin at nais akong maliitin," sagot ko sa kaniya at nanginginig ang mga labi niya habang matalas akong nakatingin sa kaniya.

"Na-nahihibang ka na! Papatayin ba mo ko!" Takot na tanong ni lady McMillan at natawa naman ako.

"Kung gagalitin mo ko bakit hindi," sagot ko at tumingin sa lahat ng bisita niya.

"Tapos isusunod ko kayong anim at syempre uhuhuli ko si Keisha kasi kapatid ko siya at mahal na mahal ko siya," sagot ko sabay ayos ng tutok sa crossbow na hawak ko.

"Tatawag ako ng kawal!" Galit niyang sabi sa 'kin at napangisi naman ako.

"Sige tumawag ka, isipin mo mabuti kung ano ang mabilis. Itong pagpindot ko ng gantilyo o 'yung pagdating ng kawal?" Tanong ko sa kaniya at ngumisi.

"BANG!" Sigaw ko at malakas silang nagtilian.

"AAAAAAH!" Sigawan nila at hawak ang mga ulo nila at halos mapaluhod si lady McMillan sa harapan ko.

"HAHAHA! Ito naman binibiro lang kayo, ni wala ngang bala ang hawak kong ito," sagot ko habang lahat sila ay putlang-putla at habol hininga sa kaba.

Akala ata nila ay katapusan na nila.

"Osiya, na enjoy ko ang tea party na 'to, salamat sa pag-imbita," sagot ko at naglakad na palayo sa kanila habang may ngiti sa labi.

Habang naglalakad ay rinig ko pa rin ang pag-iyak ng iba sa kanila dahil sa kaba at ang galit nila sa 'kin.

Wag kayo mag-alala, hindi ko kayo papatayin dahil kung gaganti man ako, gusto ko 'yung dahan-dahan kayong babagsak.

Wala nang trill kung mabilis kayong mamatay, lalo na ikaw Keisha.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

268K 6.8K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
2.6K 158 34
For over a thousand years, the Phantom King has been placing monsters all over the land of Reocuria. But with the arrival of Melody in Aozora Academy...
26.9K 1.4K 32
Lucille Bretwood- anak ng dating pinakamakapangyarihang Duke sa Goldton Empire, biniyayaan ng kagandahan at katalinuhan na hinahangaan ng lahat ng ka...
106K 5.3K 68
They say that if they drink my blood their life will be prolonged. If they eat my body- they will never get old and be immortal. And if he takes me a...