Blood Contract with her Royal...

Da FinnLoveVenn

172K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... Altro

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 41♕

2.2K 52 3
Da FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

♕♕♕

Ramdam ko ang malamig na kapaligiran, 'yung malamig na simento na aking tinatapakan at 'yung matataas na pader na nakapaligid sa 'kin. Hindi ko alam kung na saang lugar ako pero hindi ko rin alam bakit tanda ko ito.

Pamilyar sa 'kin 'yung lugar at 'yung sensasyon na parang nangyari na 'to sa 'kin at nakapunta na ko sa lugar na 'to.

Na saan ako? Bakit walang lumalabas na boses sa bibig ko? Bakit pakiramdam ko imbes na malamig na simento ang tinatapakan ko ay isang malamig na tubig ang nasa talampakan ko?

"Bakit, Cana?" Rinig kong tawag ng isang babae sa pangalan ko gamit ang boses ko mismo.

"Bakit hindi mo ginagawa ang nais ko?" muli kong rinig at nung lingunin ko ang aking likuran ay biglang naging pula ang buong paligid.

Halos sakupin ng pulang sikat ng bilog na buwan ang lugar na 'to at rinig na rinig ko malakas na pag-ihip ng hangin mula sa kilalagyan ko.

Napalingon ako sa buong paligid, tanda ko na kung na saan ako ngayon.

Ito ang tore at lugar kung saan binawian ng buhay si Kiera, dito niya planong patayin ang kaibigan niyang si Diana at nabigo dahil na una siyang patayin ni Viggo.

Napahawak ako sa dibdib ko, ramdam ko ang malapot na dugo kong umaagos mula rito at nang tignan ko ang aking palad ay puno na 'to ng dugo mula sa aking dibdib.

Gusto kong sumigaw, gusto kong humingi ng tulong pero walang kahit anong boses ang lumalabas sa aking bibig hanggang sa may nakita akong nakatayo sa aking harapan.

Inangat ko ang aking tingin sa kaniya at nakita ang puti niyang bistida at ang mahaba niyang brown na buhok na hanggang bewang, bahagyang nakataas ang kamay niya habang nakatingin sa 'kin at doon ko lang na pagtanto kung ano ang hawak niya, ito ay ang puso ko.

"Bakit hindi ka naghihiganti? Bakit hindi mo ko ipaghiganti?" tanong niya habang nakayuko at nang unti-unti niyang iangat ang kaniyang ulo ay halos manginig ang sistema ko.

Kitang-kita ko ang mga mata niya na puno ng galit ngunit nakakapagtaka na umiiyak siya kasabay ng galit na 'yun, hawak niya ang puso ko at puno ng dugo ang mga palad niya.

"Kiera," sa wakas na sabi ko rin ang pangalan niya at akmang lalapitan siya pero naglakad siya paurong at tumalikod sa 'kin.

"Bakit hindi mo ko maipaghiganti?" tanong niya at unti-unting nilamon ng kadiliman sa loob ng tore na 'to at bigla na lang akong nagising habang hawak-hawak ang dibdib ko.

"Haaaa... haaa..." habol hininga ko at pagpapakalma sa sarili ko matapos kong mapaniginipan si Kiera. Bumangon ako at agad kong nakita si Viggo na kakapasok lang sa bintana ng aking silid at halatang alalang-alala

"Binangungut ka na naman ba?" tanong niya at inabutan agad ako ng isang basong tubig at ininum ko naman ito saka ako tumango sa harap niya.

"Pangalawang beses na 'yan," saad niya at iyon din ang pinagtataka ko, nung magising ako pagtapos ng insidente sa Moonvault Empire ay hindi na ko tinantanan ni Kiera sa aking panaginip.

Himalang nakaligtas ako sa kamatayan ko sa araw na 'yun, hindi ko na pansin ang petsa na iyong araw na iyon din pala ang araw na dapat ay mamatay si Kiera. Nakaligtas ako sa posible kong kamatayn ng araw na 'yun pero hindi ko alam bakit ako sinusundan ni Kiera sa panaginip ko.

Ano ba ang gusto niyang gawin ko?

"Babalik ka ba sa pagtulog mo o ipagtitimpla na lang kita ng tsaa?" tanong ni Viggo at bumangon naman ako sa higaan dahil mag-aalasais na rin naman ng umaga.

"Hindi na, maghahanda na lang ako para sa trabaho,"sagot ko at agad siyang umiling.

"Kahit na maayos ka na ay kailangan mo pa rin magpahinga, kakauwi lang natin sa border at dapat maipahinga mo ang katawan mo dahil malapit na ang hunting festival," paliwanag niya at binuksan ang bintana saka inayos ang mga kurtina sa loob.

"Saglit lang kukuha lang ako ng maiinum mo," muli niyang sabi at mabilis na umalis sa tabi ko at wala pang limang minuto ay agad na siyang nakabalik sa tabi ko.

Napatingin ako kay Viggo, pansin ko na simula nang mangyari ang bagay na 'yun ay halos bantayan niya na ko ng sobra at talagang hindi hinahayaan na mawalay sa paningin niya kahit saglit lang.

Halata rin ang pag-aalala sa mukha niya parati na akala mo naman ay mawawala ako sa harap niya bigla, na para bang takot na takot na hindi ako makita.

"Viggo nagpapahinga ka ba?" tanong ko sa kaniya dahil halata na hindi niya maipirme ang sarili niya.

"Oo naman, wag mo kong intindihin, intindihin mo ang pagpapagaling mo," saad niya at tumayo naman ako para lapitan siya at kusa ko na lang siyang niyakap na kinagulat niya.

"Patawad kung pinag-alala kita, hindi na ko aalis sa tabi mo kaya wag ka na matakot pa," saad ko sa kaniya at naramdaman ko rin ang mahigpit niyang yakap.

"Hindi ko alam kung maniniwala ako sa pangakong 'yan Cana, dahil alam kong hindi ka nararapat sa panahon na 'to," sagot niya na kumurot sa puso ko. Pinaghahandaan niya na ba ang pag-alis ko kung sakaling mahanap ko ang sulusyon dito?

Tinggap niya na ba sa sarili niya na iiwan ko siya balang araw at muli siyang makukulong sa ibang kontrata at magiging alipin?

"Viggo, hindi pa naman natin alam ang mangyayari," saad ko sa kaniya ay hinawakan niya ang dalawang balikat ko at tinignan nang seryoso.

"Alam ko, nais ko lang ihanda ang sarili ko at wag ka mag-alala, kahit anong mangyari o ano mang panahon ka mapunta ay hahanapin kita," sagot niya sa 'kin na lalong nagbigay ng lakas ng loob sa 'kin na kahit anong mangyari ay makakaya ko ang lahat dahil alam kong nasa tabi ko siya.

"Viggo, mahal na ata kita," bulong ko sa kaniya at nanlaki ang mata niya at lalong humigpit ang kapit sa dalawang balikat ko.

"Ha? Ulitin mo nga 'yung sinabi mo!" utos niya at pakiramdam ko na mumula na ang buong mukha ko kaya umiwas na ko sa kaniya ng tingin at hindi na kaya pang banggitin ulit ang sinabi ko kanina.

Bakit kasi pinapaulit niya pa eh, alam ko naman na narinig niya na.

"Cana, ano ulit 'yung sinabi mo?" tanong niya at kinalog-kalog ako.

"Hoy aray naman," reklamo ko at agad niya naman binitawan ang pagkakahawak sa 'kin at humingi ng pasensya.

"Pasensya ka na, ang bilis lang kasi nang pintig ng puso ko, pakiramdam ko ako 'tong nanaginip," sabi niya at ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya.

'Yung hindi siya nahihiya sa sinasabi niya o hindi niya tinatanggi ang mga ito, lumilipas ang mga araw na lalo siyang nagiging prangka at totoo sa nararamdaman niya kaya naman ako tuloy itong nahihiya samantalang hindi ko naman ugali ang ganito.

"Kung tama ang narinig ko ay wala na 'yung bawian ah," sabi niya at medyo na tawa ako.

"Hindi mo nga ganong narinig ang sinabi ko eh, tapos sasabihin mo agad walang bawian?" tanong ko at tinaasan niya ko ng kilay sabay hawak sa baba ko at tumingin sa mga mata ko. 

"Ano ba kasi iyong sinabi mo?" muli niyang tanong at napalunok ako habang nakatingin sa maganda niyang labi na ilang dangkal lang ang layo sa 'kin.

"Ahh, a-ano," nauutal kong sabi at unang umiwas nang tingin sa aming dalawa kaya agad niyang inilihis bahagya ang aking mukha para muli akong makatingin sa mga mata niyang kulay ginto at napalunok naman talaga ako sa kaba.

"Sabihin mo sa 'kin Cana, gusto ko marinig nang direkta ang sinabi mo kanina," saad niya at napapikit ako at mabilis na sinabi sa kaniya ang nararamdaman ko.

"Mahal na kita Viggo! wala ng ata-ata pa mahal na kita, okay?" sagot ko sa kaniya at kasunod nu'n ay ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Nagtataka ako kung bakit hindi siya nagsasalita kaya naman dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita siyang nakatingin sa 'kin nang may mga ngiti sa labi at nangingilid na luha sa mata.

"Hindi mo alam kung gano mo ko na pasaya Cana," saad niya at mabilis akong hinalikan at pinagsaluhan namin ang mainit at matamis na halik na 'yun kasabay na unti-unting pagsikat ng araw sa paligid.

Nung araw na 'yun, kaming dalawa ang pinakamasaya, hindi ko matago sa buong araw ang mga ngiti sa labi ko at ganoon din siya na halos buong tao sa kastilyo ay nagtataka na.

"Oh, edi kayong dalawa na ngayon?" tanong ni Achlys habang nakatambay kaming tatlo sa hardin at ako naman ay nagpapaaraw kahit kaunti.

"Hu? pano mo na laman? manghuhula ka rin ba?" inosenteng tanong ni Viggo at napatawa naman ako habang naririnig ang usapan nilang dalawa mula sa gazebo.

"Anong manghuhula? Hindi na kailangan hulaan pa ang bagay na 'yan kasi halatang-halata naman sa inyong dalawa," saad niya at natawa naman ako habang si Viggo ay hiyang-hiya sa inaakto niya.

"Ganun ba? Unang beses ko kasi na ramdaman ito kaya hindi ko alam na ganito pala kasaya, hindi ko tuloy mapigilan ngumiti" direkta niyang sagot na ako na ang nahihiya para sa kaniya at narinig ko na lang na napasagitsit si Achlys.

"Naku, mahirap magmahal lalo na kung hindi naman kayo magkauri, hindi ako hadlang sa pagmamahalan niyong dalawa pero gusto ko lang itatak niyo sa isip niyo 'yan kasi maraming kakambal na paghihirap iyan," sagot niya na kinatahimik naming dalawa.

Tama naman si Achlys, totoo ang sinasabi niya kasi hindi naman talaga namin alam kung anong ibubunga sa 'min ng pag-iibigan na 'to at kung anong mangyayari sa 'min pagnalaman ito ng iba, lalo na ng high society at ng royal church.

"Alam namin dalawa iyon, kaya nga hindi kami nagpapakampante," biglang sagot ni Viggo at hindi ko naman maiwasan mapangiti dahil doon.

"Maiba ako Achlys, nagkaroon ka na rin ba ng karelasyon noon?" tanong ko at hindi mapigilan maging tsimosa dahil pakiramdma ko may pingahuhugutan ang mga paalala niya sa 'ming dalawa na para bang pinagdaanan niya na iyon.

"Wala, wala naman akong ibang ginawa noon kung hindi magsaya at gawin ang gusto ko, wala akong oras para sa ganiyan," sagot niya at umiwas ng tingin sa 'min sabay pikit at sandal sa upuan.

"Wag niyo na nga ko idamay sa mga ganiyan niyo, pag-usapan na lang natin ang hunting festival, hindi ba isasagawa na 'yun sa lunes?" tanong niya at pag-iiba ng usapan kaya naman hinayaan na namin siya ni Viggo na gawi ang gusto niya.

"Oo, si Viggo ang tiga representa ng border," saad ko at napatayo naman siya.

"Gusto ko sumali!" sagot niya at kita sa mukha niya na pananabik sa panghuhuli ng mga hayop sa gubat.

"Pero isa lang ang kailangan," sagot ko at napasimangot naman siya, hindi ko rin naman na isip na isama siya sa gaganapin na hunting festival dahil natatakot ako na baka malaman ng iba ang pagkatao niya na ikapahamak pa nila.

"Ano ba 'yan! Alam mo bang buryong-buryo na ko sa kastilyo mo? Aasahan mo ba talaga ang isang dragon na manatili sa loob ng kastilyo at walang gawin?" tanong niya at napatingin naman sa 'kin si Viggo.

"Bakit hindi natin siya isama?" tanong ni Viggo na pinagtaka ko dahil sa kinampihan niya ang dragon na 'to na talaga naman nakakapanibago sa paninigin ko.

"Sigurado ka d'yan?" Tanong ko sa kaniya at ito naman si Achlys ay parang tuta na nagmamakaawa sa 'kin na isama siya kaya napakamot na lang ako sa aking ulo at nagbuntong hininga.

"Sige na nga, pero Achlys hindi ka lalayo sa tabi ko ah," saad ko at tumango naman siya nang masaya.

"Basta may pagkain sa tabi mo hindi talaga ako aalis hahaha," sagot niya kaya na tawa na lang din ako at si Viggo naman ay naapailing na lang habang nakangiti.

Mukhang nagdulot ang trahedyang nangyari sa 'kin upang maging mas maging malapit ang dalawa na ito sa isa't isa, hindi na sila ganong nag-aaway at nagbabangayan na magandang panimula dahil mukhang magtatagal pa sa puder ko si Achlys.

Ang iniisip ko na lang ay pagnakita siya ni Hendrix, isa pa iyong sakit sa ulo at walang ginawa kung hindi tignan nang masama ang mga kalalakihan na lumalapit sa 'kin.

Pero hindi ko maiwasan na manabik din sa gaganapin na hunting festival dahil ito ang unang beses ko na makakasali doon, noon sa mga historical books ko lang nababasa ang tungkol doon at pinangarap na magkaroon ng maraming offering sa mga binatang sasali sa hunting game.

Ang Hunting festival kasi ay ginaganap bago mag-umpisa ang taglamig para pasalamatan ang bahtala sa masagang ani sa buong emperyo.

Ngunit ngayon taon ay na udlot ito ng mahigit isang buwan dahil sa pagkakasakit ng emperor na ngayon ay unti-unti nang nakakabangon dahil sa ibinigay kong gamot sa panglalason.

Nabalitaan ko rin na isa-isang inaalis ni Diana ang mga lumang vassals ng emperor na siyang kurap at lason sa buong emperial palace, unti-unti na wawala ang mga hadlang sa paglago ng Lumire Empire at mukhang magiging sagana ang lahat sa mga darating na taon dahil sa magkatulong na paghawak nina Hendrix at Diana sa trono.

Ang tanong lang ay kanino nga ba mapupunta ang trono? Sino ang magpaparaya sa kanilang dalawa at isa pa ano kaya iyong binigay na pagsubok sa kanilang dalawa ng emperor para malaman kung kanino mapupunta ang trono.

Wala ito sa orihinal na kwento at malaki ang pinagbago dahil sa pagpasok ko sa loob ng libro, hindi ko na ganung alam ang mga susunod na mangyayari pero ang importante sa 'kin ay na ligtas ko na ang buhay ni Kiera sa kapahamakan.

Napatingala ako sa makulimlim na langit at iniisip kung ano ang nais gawin ni Kiera sa pagpunta ko sa panahon na 'to at sa katawan niya.

Kung tama ang iniisip ko ay kaya ako na punta sa katawan niya at panahon na ito ay dahil sa pagnanais niyang maipaghiganti ko siya sa nangyari sa kaniya. Hindi kaya, kaya siya nag-aaral ng itim na mahika ay para mabuhay siyang muli at maiayos ang mga pagkakamali niya? O makaganti sa nangyari sa kaniya?

Napahawak ako sa dibdib ko habang patuloy na dinadama ang preskong hangin sa hardin, hindi ko alam ang nais mong gawin Kiera, pero ramdam ko ang galit mo at pagsisisi nang makita ko ang mga luha mo sa mata.

Alam kong hindi mo pa rin alam kung ano ang bagay na nais mong gawin, pero Kiera kung nakikinig ka man sa loob ng katawan na 'to, kung alam mo ang nararamdaman ko.

Kiera, idaan natin sa magandang paghihiganti ang lahat, wag tayong mabuhay sa puot at gawin na lang nating masaya at tama ang landas na tinatahak natin para kung sakaling dumating ang panahon na makabalik ako sa mismong katawan ko ay alam kong hindi kita iiwan nang may galit pa rin sa puso mo.

Sana makatakas ka sa paghihiganti na nais mo, sa sumpang ikaw mismo ang gumawa Kiera.

"Mukhang malalim ang iniisip mo Cana," napatingala ako kay Viggo at nakita ko ang ngiti niya sa labi kaya napangiti rin ako.

"Hahaha wala naman, gusto ko lang maging ayos lahat ng desisyon na gagawin ko," saad ko at umupo siya sa tabi ko at nakita ko ang balat niya na lalong pumuputi sa kakaunting sinag ng araw na tumatama rito.

"Magiging ayos ang lahat Cana, magtiwala ka lang sa sarili mo," sagot niya at akmang hahalikan ang noo ko nang biglang makarinig kami ng kinikilig na tili sa aming harapan.

"Huli! heheheh kinikilig ako sa inyong dalawa," saad ni Mirandan at sinaway naman siya ni Beth dahil sa kaniyang bibig, napatawa na lang ako dahil hindi ko na maitanggi ang namamagitan sa 'min ni Viggo sa harap ng mga katulong na nagtatrabaho sa 'kin.

"Sana hindi ito maging laman ng usapan," saad ko at ngumiti sa harap nila pero may seryosong mga tingin na kasama kaya naman agad na yumuko 'yung tatlo samantalang si Miranda naman ay hindi maitago ang ngiti.

"Masusunod my lady," sagot nila at tumango naman ako.

"My lady, dumating na po pala ang damit na pinatahi niyo para kay sir Viggo at sir Achlys," saad naman ni Beth at tumago ako sa kanila.

"Sige susunod kami," saad ko at tumayo na sa pagkakaupo at sinundan sila papasok sa kastilyo.

"Pinatahian mo rin ako? gusto ko 'yung labas ang matikas kong katawan ah," sagot ni Achlys at napailing na lang kaming dalawa ni Viggo.

Isang araw mula ngayo, magsisimula na ang hunting festival at hindi lang ang kasiyahan ang inaasahan ko pati na rin ang muling pagharap sa mga aristrocarts na alam kong gigisahin ako dahil sa yaman na natatamasa ko ngayon.

Kiera, kung makikita mo ako sa oras na 'yun, ako na ang bahala sa mga taong nang maliit sa 'yo, para naman sa ganoon ay maibsan ang puot sa puso mo.

TO BE CONTINUED

edited

Continua a leggere

Ti piacerà anche

45.2K 2.2K 55
Highest Ranking: #1 KingandQueen #1 castle #1 book #1 historical #1 liar #1 mask Kaharian, kapangyarihan at trono. Iyan lamang ang mayroon si Hilary...
91.5K 5.3K 46
Liliana West is a Healer from Sandovia. She was living her life peacefully until the son of a High Lord asked her hand for marriage. She knows better...
2K 238 28
Title: Sweet Treats Author: katanascytheslash29 Genre: Scifi, Mystery/Thriller, Action Things are getting bittersweet as the time flies. A parasite...
20.2K 855 71
Bella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Qu...