Blood Contract with her Royal...

بواسطة FinnLoveVenn

172K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... المزيد

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 37♕

2.1K 58 2
بواسطة FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

Mabilis na natapos ang bakasyon namin sa Romulus estate at agad ding bumalik sa border dahil hindi ko pwedeng iwan si Wilbert mag-isa habang kasama niya si Achlys na hindi ko alam kung anong binabalak kaya naman maaga pa lang ay umalis na agad kami para byumahe pauwi.

"Pero bakit ka nga nasa tabi ko?" pangungulit ni Viggo habang nasa loob kami ng karwahe at malapit na sa gate ng kastilyo, paulit-ulit niya kong tinatanong tungkol sa bagay na 'yun simula pa lang nang magising siya na nasa tabi niya ako.

"Hindi ka ba nagsasawa na tanungin 'yan? Kanina pa tayo na sa byahe at makakarating na tayo sa paroroonan na 'tin hindi mo pa rin binabago ang tanong mo," reklamo ko pero ang totoo nito ay nahihiya rin ako sa kaniya dahil hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa kokote ko kagabi para humiga sa tabi niya.

"Gusto mo ba na tumabi sa 'kin?" tanong niya na naman na halos pang sampung beses na.

"Viggo naman! Oo na, sige na inaamin ko na, gusto ko tumabi sa 'yo okay? Ayos na ba 'yun?" tanong ko sa kaniya at hindi maiwasan mamula ang mga pisnge sa hiya dahil sa pag-amin ko sa kaniya.

"Pfft— nahiya ka pa aminin, pwede naman kita tabihan gabi-gabi kung iuutos mo," mayabang niyang sagot sabay ngisi sa harap ko na kinalabas ng pangil niya kaya napairap na lang ako dahil hindi ko maiwasan kiligin sa mga pilyong ngiti na 'yun.

Nakarating kami sa border at agad akong sinalubong ng mga guard at binati sa aming pagdating, pagkababa ko pa lang ng karwahe ay nakita ko na agad ang tatlong katulong ni Keisha na nag-gugupit ng damo sa malawak na hardin ng kastilyo, mano-mano nila itong ginagawa at halata ang pagod sa mga mukha nila.

"Buti naman sinunod ni Wilbert ang utos ko na pagpapahirap sa tatlong iyon," bulong ko kay Viggo at tumingin din siya sa direstyon ng tatlo na kitang-kita sa pwesto namin ngayon.

Pasalamat nga sila at laging makulimlim sa Lumire Empire kung hindi baka kanina pa sila nasunog nang matinding sikat ng araw sa katanghalian.

"Kiera! Nakauwi ka na rin sa wakas!" Pareho kaming napalingon ni Viggo sa diretsyon ni Achlys na mabilis na tumatakbo sa kinaroroonan namin, agad na kumunot ang noo ko dahil pinagtitinginan siya ng mga trabahador ko dahil sa pagtawag niya sa 'kin sa aking pangalan ng wala man lang paggalang.

"Mahabagin, hindi ba marunong gumalang si sir Achlys?" bulong naman ni Miranda na nasa likuran naming dalawa ni Viggo.

"Nung nakaraan pa kita inaantay, gusto ko sana hiningiin 'yung isang kabayo mo, nagsasawa na ko sa karne," agad niyang bungad sa pagdating ko na kinanganga ko.

"Ha? kakainin mo 'yung kabayo?" tanong ko at tumango naman siya at sabay kaming umiling ni Viggo at salamat na lang talaga at hindi nakatuon ang atensyon ni Miranda kay Achlys at nakatingin doon sa tatlo na nagbubunot ng damo.

"Saka ka na kumain ng maraming pagkain pag naging ganap ka nanag dragon ulit, ipaghahanda kita pangako pero sa ngayon wag muna ang mga kabayo ko ah," pagpapahinahon ko sa knaiya at agad naman siyang sumimangot.

"Tsk, ang damot mo naman," bulong niya at nang gigigil ko siyang sinasakal sa utak ko.

"Hahaha hindi sa madamot, gusto ko muna palakihin 'yung ibang batang kabayo para masarap ang laman ng kakainin mo, isa pa ipapaluto pa na'tin iyon," palusot ko at agad naman siyang ngumiti. Mukha naman gumana ang pang-uuto ko sa kaniya.

"Saglit lang maiwan ko muna kayo d'yan," sabi ko sa kanilang dalawa at si Miranda naman ang sumunod sa 'kin papunta sa kinaroroonan ng tatlong mga katulong na halos pagod na pagod na sa mga pinapagawa sa kanila ni WIlbert habang wala ako.

Naglakad ako papalapit sa kanila at agad nilang naramdaman ang pagdating ko kaya agad silang tumayo mula sa lapag at binitawan ang mga hawak nilang damo, yumuko sila sa harap ko at nagbigay galang.

"Greetings my lady," bati nilang tatlo sa 'kin nang sabay-sabay.

"Mukhang nangangalahati na kayo sa inyong trabaho," sabi ko at tahimik lang silang nakayuko sa harap ko na halatang natatakot magkamali o may masabing mali na ikakagalit ko.

"May pinapasabi nga pala ang kapatid ko sa inyo," dagdag ko at pagsisinungaling sa harap nila dahil wala naman na banggit si Keisha na kahit ano sa 'kin.

"Tinanong ko ang aking kapatid kung nais niya pang kunin kayo, lalo ka na Beth dahil ikaw ang tumayong nanny niya hindi ba? Papayagan ko sana kayong makabalik sa puder niya ngunit sabi niya wala na raw kayong silbi sa kaniya," pagsisinungaling ko at kitang-kita sa mga mata nila ang pagkadismaya sa mga narinig nila.

"Alam ko naman na alam niyo ang dahilan bakit ko kayo pinapahirapan ng ganito hindi ba? Kasi katulong kayo ni Keisha at akala ko mahalaga kayo sa kaniya at nais kong gamitin iyon para asarin ang kapatid ko, pero binaliwala niya kayo kaya parang walang kwenta na lang din 'tong ginagawa ko," sagot ko sabay buntong hininga at humalukipkip sa harap nila.

"Pumili kayo, maglilingkod kayo nang ayos at tapat sa 'kin o papalayasin ko kayo at mawawalan ng trabaho?" tanong ko sa kanila at biglang lumuhod si Beth sa harap ko sabay yuko at hingi nang pagmamakaawa, sumunod si Emely at Nancy sa kaniya at nagmakaawa rin sa aking harapan.

"Patawarin niyo kami my lady, nagkamali kami ng pinaniwalaan, simula ngayon ay kayo na ang susundin namin at paniniwalaan, pagod na pagod na ko lady Kiera at ayaw kong mawalan ng trabaho dahil may tatlong anak pa kong binubuhay," pagmamakaawa ni Beth at hindi ko naman maiwasan mahabag sa kaniya dahil kita ko ang sinseridad sa pag-iyak niya.

Nilahad ko ang kamay ko sa kanilang tatlo at naiiyak silang tumingin sa 'kin, ngumiti lang ako at inakay silang tatlo sa pagkakatayo. "Simula ngayon ay aasahan ko kayong tatlo na magiging loyal maids ko," sagot ko at agad naman silang tumango.

Tumingin ako kay Miranda at nilahad niya naman ang isang kahon sa 'kin, ang kahon na 'to ay naglalaman ng tatlong brooch na may malaking dyamante galing sa minahan, isang linggo ko na ito pinagawa at kanina lang ay dinaanan namin ito sa bayan. Pinasadya ko ito para sa mga katulong na bibigyan ko nang mataas na rango ng pamamalakad sa loob ng kastilyo.

"Beth, Emely at Nancy, binibigay ko sa kaniyo ang mga brooch na ito bilang tanda ng royalty niyo sa 'kin at sa Romulsu family," saad ko at inabot sa kanilang tatlo ang mga brooch na may emerald na gemstone sa gitna.

Lahat sila ay na windang habang si Miranda naman ay pinagmamalaki sa kanila ang nakasabit sa kaniyang damit na brooch katulad ng ibinigay ko sa kanila ngayon.

"M-my lady," na iiyak na sabi ni Beth at sabay-sabay ulit silang yumuko sa harap ko at nagpasalamat.

"Makakaasa po kayo na hindi namin sisirain ang tiwala niyo!" sagot nila at napangiti naman ako, katulad ng inaasahan ko, mas mabilis mong mapapamo ang aso kung bibigyan mo ng buto.

Katulad nilang tatlo na dating aso ni Kiesha, pakitaan ko lang sila ng kabaitan at sulsulan ng mamahaling bagay ay makukuha ko na agad ang tiwala at panig nila. Akala ko nung una ay mahihirapan ako kay Beth pero mukhang naging praktikal na lang din siya para sa mga anak na binubuhay niya.


"Ayoko na mag-aral ng mga etiketa at pagbibigay galang sa mga mortal na 'yan! Bakit ba kailangan ko pa 'yan? Bugahan ko sila ng apoy eh, makita nila," reklamo ni Achlys habang nasa loob ng opisina ko at nagmamaktol tungkol sa panenermon sa kaniya ni Wilbert.

Hindi ko akalain na sa sobrang seryoso ni Wilbert sa kaniyang trabaho ay magdudulot siya ng stress sa isang dragon na katulad ni Achlys, "Pareho lang kayong napapagod ni Wilbert, sundin mo na lang siya para walang problema at para hindi ka mahirapan na mamuhay kasama ng mga mortal," saad ko sa kaniya at sumimangot lang siya sabay subo ng meryenda na nasa harap niya.

"Kiera, hindi ka pa ba magpapalit ng damit?" tanong naman ni Viggo at umiling ako.

"May tatapusin lang ako at mamayang hapon ay pupunta tayo sa Majiro Kingdom," sagot ko sa kaniya na pinagtaka niya.

"Anong gagawin mo roon?" tanong niya at napatingin lang ako kay Achlys sabay balik ng tingin kay Viggo.

"Malalaman mo rin ang lahat Viggo," maikli kong sagot sa kaniya at akala ko ay magrereklamo siya o magmamaktol na naman pero hindi niya ito ginagawa at tahimik lang na tumango sa 'kin na pinagtaka ko. Aba, mukhang ayos lang sa kaniya at iintayin na lang ako sa ano mang sasabihin ko.

"Sa Moonvault Empire tayo dadaan ah," sagot ni Achlys sabay tungga sa tsaa at ginawa lang itong tubig.

"Sige, tatakas lang tayo at magpapalusot lang ako kay Wilbert na may dadalawin tayong baryo," sabi ko sa kanila at tumango naman silang dalawa.

Sang-ayon sila sa 'kin na tumakas na lang kay Wilbert dahil alam nilang katakot-takot na paalala pa ang ipapabaon ninto sa 'min bago kami makaalis sa border.

Bandang hapon ay nagpaalam na kami at umalis gamit ang tig-iisang kabayo saka nagtungo sa border at dumaan sa masukal na gubat.

"Mabuti pang wag na tayo gumamit ng kabayo dahil matatagal lang tayo," sabi ni Viggo at agad naman bumaba si Achlys sa kabayong sinasakyan niya at itinali ito sa puno sa loob ng gubat.

"Buti na isip mo 'yan dahil baka makain ko lang ang kabayo na 'to sa sobrang bagal, tara na!" malakas niyang sabi at nakarinig na lang kami ng tunog na parang napupunit na tela at ang sunod ko na lang nakita ay ang paglabas ng malaki at itim na pakpak ni Achlys sa kaniyang likod.

Para iyong pakpak nang isang malaking paniking itim, halos matangay ako nang hangin na nang gagaling sa pagwasiwas ng pakpak niya kaya agad akong tinago ni Viggo sa likod niya.

"Lilipad ako patungo roon, makakasunod ka ba bampira?" tanong niya kay Viggo at inis lang itong sumagot.

"Malamang!" sagot niya at lumapit sa 'kin si Achlys sabay lahad ng kaniyang kamay, inaaya niya ba kong sumama sa kaniya sa himpapawid?

"Ano Kiera? Tara na bubuhatin kita at mabilis lang tayo makakapunta roon," sabi niya sa 'kin pero hindi ko maiwasan kabahan at matakot sa kaniya ng kakaunti dahil kahit sabihin na natin isang linggo ko na siya nakikilala at nakatira sa puder ko ay hindi pa rin maiitanggi ang takot ko at hindi pa rin nag si-sink in sa utak ko na tunay siyang dragon.

Ngayon pa nga lang ay halos mahulog na ang panga ko habang pinagmamasdan ko ang malaki niyang pakpak na dahilan kaya siya nasa ere ngayon.

"Sa 'kin siya sasama," awat naman ni Viggo at doon na putol ang pagkakatulala ko sabay tango sa harap ni Achlys.

"Kay Viggo ako sasama, mamaya ihulog mo pa ko eh," sagot ko sa kaniya at malakas lang siyang tumawa sabay tango sa harap ko.

"Osige ikaw ang bahala basta bilisin niyo lang ah, ayoko nang mabagal!" Sigaw niya at mabilis na lumipad sa himpapawid at hindi man lang kami inintay sa pagtatali ng mga kabayo namin na halos na gulat na sa presensya niya.

Hindi naman siguro siya tatakas no? Ito ang tanong sa utak ko habang pinagmaamsdan ko ang imahe niya mawala sa himpapawid, nakakatakot lang isipin na sobrang dali para sa kaniya makatakas sa puder ko at baka anong gawin niya pag hindi na ko nakatingin sa mga galaw niya.

Na baka hindi niya tuparin ang pinag-usapan namin at ang hiling ko sa kaniya na huwag siyang papatay ng kahit sino mang mortal.

"Tara na," sagot naman ni Viggo at mabilis akong sumampa sa likod niya at buti na lang talaga at lagi akong nakapantalon tuwing lalabas, sa ganitong kasuotan hindi ako mahihirapan makipagsabayan sa galaw nila.

Mabilis na sinundan ni Viggo si Achlys na halos hindi namin matanaw dahil a bilis nito sa paglipad, halos mangalay ang leeg ko kakatingala sa langit para mahanap siya at masundan siya.

Sobrang bilis ng takbo ni Viggo at tumatalon pa siya nang sobrang taas na akala mo talaga ninja mula sa mga nababasa kong comics sa panahon ko.

At dahil sa ayaw magpatalo ni Viggo kay Achlys ay mabilis namin siyang na abutan at halos hindi ko namamalayan na nakalagpas na pala kami sa Moonvault Empire at ngayon ay nasa harap na ng unang gubat sa pagitan ng dalawang lupain, ang Moonvault empire at ang Majiro Kingdom.

"Hindi na masama para sa isang vampire slave," rinig kong bati ni Achlys pagkababa niya sa himpapawid at inangilan lang siya ni Viggo na hindi mo rin makikitaan ng pagod.

Seryoso ba siya? Hindi ba siya hinihingal o kahit pawisan man lang?

"Narito na tayo Kiera, katulad ng pinangako ko sa 'yo ay hahanapin natin ang mga sagot sa mga katanungan mo," sabi niya at naglakad na kami papasok ng kakahuyan at ilang sandali lang ay tumambad sa 'min ang simpleng pamayan ng mga tao na nakatira sa lugar na 'to.

"Hu? Mukhang wala nang namamalakad sa kanila ah," sagot ni Achlys habang nagsusuri rin sa lugar na akala mo ay isang balik bayan na nakakita nang malaking pagbabago sa lugar na kilala niya.

Matagal nang walang tinuruting na hari at reyna ang Majiro Kingdom, isa na silang non-sovereign country kung saan nabubuhay ng walang sinusunod na batas galing sa ano mang monarkiya o hari at reyna, kaniya-kaniyang pamumuhay at batas ang nasa lugar na 'to.

Inilibot ko ang paningin ko sa lugar pansin kong maraming tao ang nakasuot ng kakaibang damit na panayaw, mga tipikal na damit ng isang traveling gypys. Marami ring mga musikero sa paligid at iba-iba pang mga trabaho at atraksyon sa lugar na 'to.

"Ingat ka bampira, sumusulyap sila sa 'yo," rinig kong bulong ni Achlys kay Viggo at doon ko lang na pansin ang kakaibang tingin nila kay Viggo.

"Alam ba nilang bampira si Viggo?" bulong at tanong ko kay Achlys at tumango naman siya.

"Oo naman syempre, karamihan ng mga taong nakikita mo ngaon ay wizard at witch na nagpapanggap lang bilang normal na tao, malamang na ramdaman nila agad ang presensya ni Viggo," saad niya pero may pinagtataka ako.

"Eh, bakit ikaw hindi nila maramdmaan?" tanong ko at ngumisi lang siya sa 'ming dalawa ni Viggo at mayabang na nagsalita.

"Syempre kaya kong itago ang kapangyarihan ko sa iba, lalo na sa lugar na 'to dahil malaki ang galit sa 'kin ng angkan ng mga pangkukulam no," sabi niya at parang walang pakialam na naglakad sa gitna ng kalsada at nagtitingin ng mga binibenta nilang mga pagkain sa daan.

"Sigurado ka ba Kiera na matutulungan ka ng dragon na 'yun sa bagay na kailangan mo malaman?" tanong ni Viggo at napangiwi na lang din ako ng ngiti sa harap niya habang nakikita ko si Achlys na kumakaway sa 'kin para humingi ng zeno at ibili siya ng pagkain.

"HIndi ko rin alam Viggo, ang kaya ko lang gawin sa ngayon ay magtiwala sa kaniya at ibili siya ng pagkain para hindi siya magwala," sagot ko at napailing na lang siya habang naglalakad kami sa kinaroroonan ni Achlys.

Sa ngayon hahayaan ko muna ang isip ko na tangayin nang kagandahan ng lugar na 'to, ng kasaysayan na nakaukit at magaganap sa lugar na 'to, pati na rin ang mga historical places na noon ay sine-search ko lang sa internet.

Hindi ko alam kung ano ang matatagpuan kong katotohanan sa pagpunta ko sa lugar na 'to, hindi ko alam kung anong kakalabasan nang paghahanap na 'to.

Pero isa lang ang alam ko ngayon, kailangan kong lawakan ang isipan ko sa mga posibleng ideya at impormasyon na makukuha ko sa pagpunta ko sa lugar na 'to.

Sa lugar kung saan daw kami ni Kiera nagmula.

TO BE CONTINUED   

edited

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

14.9M 482K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
33.7K 1.6K 46
A girl with no emotion written her face and eyes. Dahil sa likod may mga nakakatagong nakikilabot na nakaraan. That why she change a lot not until sh...
17.4K 626 58
This story is only a work of fiction. ⚠ Beware of Grammatical Errors and Typos.
Once Upon a Time in Citadel بواسطة coco

الخيال (فانتازيا)

202K 8.1K 29
Luna traveled back in the year 1889, and she's stuck inside the body of Lady Celestine --- the noble lady who's bound to marry the King of Citadel. ...