The Playboy's Toy (Dangerous...

By kaizerKKYOS

63K 3K 469

ᴅᴀɴɢᴇʀᴏᴜs ᴍᴀɴ sᴇʀɪᴇs ••• "With you, all my playtime is over." - Alfred Tale More

Prologue
TPT OST
TPT - 01
TPT - 02
TPT - 03
TPT - 04
TPT - 05
TPT - 06
TPT - 07
TPT - 08
TPT - 09
TPT - 10
TPT - 11
TPT - 12
TPT - 13
TPT - 14
TPT - 15
TPT - 16
TPT - 17
TPT - 18
TPT - 19
TPT - 20
TPT - 21
TPT - 22
TPT - 23
TPT - 25
TPT - 26
TPT - 27
TPT - 28
TPT - 29

TPT - 24

761 59 10
By kaizerKKYOS

Mark Hope Calvares

* * * * *

M A R K

"Mark..." Natigagal ako sa aking pwesto nang madinig ko ang isang pamilyar na boses.

Tumingala ako. Hindi inaasahan na makikita siya sa ganitong lugar at pagkakataon.

Hindi na siya ang kilala kong Tale noon. Parang kinurot ang puso ko nang mapansin ang balbas-sarado niyang mukha at ang pangingitim ng ilalim ng kanyang mga mata.

Agad kong winaksi ang awang naramdaman sa kanya. Nagawa kong maikuyom ang aking kamay nang muling manariwa sa aking isipan ang kababuyang ginawa niya sa akin.

"Mark. Can we talk?" Mababang tono niyang pagkausap sa akin. Balak niya sana akong hawakan at mabuti na lang ay mabilis kong nailayo ang sarili ko mula sa kanya.

"Wala tayong dapat pag-usapan. Umalis ka na." Pilit kong pinipigilan ang galit na namumuo sa aking sistema. Gusto ko na siyang kalimutan pero ito pa rin siya at pilit na binabagabag ang buhay ko.

"Please... I'm begging you. I have done nothing wrong to you, Mark. Why are you doing this to me?" Hindi ko alam kong maaawa ba ako sa hitsura niya o matatawa sa mga kasinungalingan niya. Sino ba ang niloloko niya? Ramdam na ramdam at malinaw na malinaw sa isip ko ang lahat ng kababuyang ginawa niya sa akin nang gabing 'yon. Tapos ngayon, itatanggi niya na lang ng gano'n na lang.

Pagak akong napatawa. Napailing at sarkastiko siyang tiningnan.

"Pinapatawa mo ba ako? You've done nothing wrong? Seryoso ka ba diyan?" Ayokong maawa sa kanya. Gustong-gusto ko sa kanyang magalit. Gusto ko siyang sampalin. Gusto kong ipamukha sa kanya ang lahat. Matagal akong nagtiis sa mga sakit para lang hindi siya mawala sa akin pero narating ko na ata ang sukdulan ko.

"Kahit kailan hindi kita kayang saktan, Mark. I know we've done that thing countless times but I can't force you with that." Napansin ko ang paghakbang niya palapit sa akin. Mabilis ko siyang pinigilan sa balak na gawin.

"Huwag kang lalapit sa akin."

"Wala kang ideya kung ilang beses mo na ako nasaktan. Mahal kita, Tale pero durog na durog na 'tong puso ko. Ilang beses mo na sa aking pinamukha na wala lang ako sayo, na naging isa lang ako sa mga naging laruan mo." Nanumbalik lahat sa isip ko ang mga masasakit na pagkakataon dahil kay Tale. Mula nang makita ko siyang may kasamang babae sa mall hanggang sa pagbulgar ng mga reyalisasyon sa akin ni Natalie. Siguro, sapat na ang mga 'yon para bumitaw na ako sa kanya.

"No. That's not true. You don't understand, Mark." Napasabunot siya sa kanyang buhok. Frustrated siyang napahilamos sa kanyang mukha at mariin na pinikit ang mga mata. Mas problemado pa siyang tingnan sa akin ah. Ako na nga itong nadurog pero parang pinapamukha niya sa akin na mas nasasaktan siya ngayon. Wala siyang karapatan para makaramdam niyan dahil hindi siya dito ang nasasaktan. Ako ang biktima dito.

"Ano pang hindi ko maintindihan?! Ano pang kailangan kong intindihin?! Asang-asa ako sayo, Tale. Nagpakasasa ako sayo sa kama ng ilang ulit at umaasang mahalin mo rin ako. Nagpakatanga ako sayo. Naging martyr ako ng ilang ulit para lang sayo." Saglit akong tumigil. Pilit na kinalma muna ang sarili sa pamamagitan ng pagbuntong-hininga. "Pero natauhan na ako. Siguro nga hindi ko kayang pantayan diyan sa puso mo si Veronica. Siguro nga hindi ako sapat tulad ni Natalie para paniwalaan mo. Siguro nga wala lang ako kumpara sa kanila. I've had enough, Tale. Ayoko na."

Nang mga oras na 'yon ay naisip kong ito na nga siguro ang pagkakataon para palayain ko ang sarili ko mula kay Tale. Sapat na ang mga sakit na ininda ko para sa kanya. Sapat na siguro ang mga luhang sinayang ko para sa kanya. Pinagmukha ko lang tanga ang sarili ko dahil sa kanya. Siguro masasabi ko sa sarili ko balang araw na hindi siya kawalan - na hindi lang siya ang lalaki sa mundo.

Balak ko na sana siyang talikuran at umalis na kahit gusto ko pa man manatili at makasama ang mga magulang ko, nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa pulsuhan ko. Matatalim ang mata na tinapunan ko siya ng tingin.

"Bitawan mo ako." Nagtitimpi kong utos sa kanya.

"Mark. Let me explain. Just this time, maniwala ka naman sa akin." Tila naging sarado na ang isip ko upang paniwalaan pa ang mga sasabihin niya. Kapag hinayaan ko pang pasukin niya muli ang buhay ko, baka ikamatay ko na.

"Ayoko nang marinig ang mga sasabihihin mo, Tale." Pinilit kong ikalas ang kamay niya sa akin ngunit laking gulat ko nang mahigpit niya akong ikinulong sa pagitan ng mga braso niya.

"Bitawan mo ako!" Malakas kong sigaw. Pinipilit na itulak siya palayo sa akin. Ngunit masyadong malaki ang katawan niya at hindi man lang siya natinag sa ginagawa ko.

"Don't do this to me, Mark. Kung kailangan kong gumamit ng dahas para lang mapasakin ka ulit, gagawin ko." Saglit akong natigil sa pagtutulak sa kanya at nanatili na lamang ang pareho kong kamay sa ibabaw ng kanyang maumbok na dibdib dahil sa mga sinabi niya.

Hindi ako makapaniwala na kaya niyang sabihin ang mga 'yon.

Nanlaki ang aking mga mata nang mas humigpit ang yakap niya sa akin. Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan nang bumulong siya sa akin. Damang-dama ko ang mainit na hangin na humalik sa balat ko.

"You can't do this to me." Ang kaninang nagmamakaawa niyang boses ay ultimong naglaho. Hindi ko maipaliwanag ang dating ng boses niya, pero parang nagbabanta ito.

Inipon ko ang buong lakas para makaalis sa mga bisig ni Tale na napagtagumpayan ko naman. Wala akong sinayang na pagkakataon at buong lakas ko siyang sinampal.

Napabaling patagilid ang kanyang mukha. Mababakas ang pamumula nito dahil sa ginawa ko.

"Baliw ka na! Hindi mo na ako laruan, Tale. Hindi mo ako pag-aari para diktahan kung kailan mo gusto. Baka nakakalimutan may kasalanan ka sa akin? Pwedeng-pwede kitang ipakulong dahil sa ginawa mo sa akin." Gusto niya ng hamunan? Pwes! Pagbibigyan ko siya. Ito ba ang gusto niyang mangyari sa aming dalawa?

"Go ahead!" Napadaing ako nang muli niyang nahawakan ang braso ko. "Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. I know to myself that I didn't do that you." Kitang-kita ko ang repleksyon ko sa umaalab niyang mga mata.

Muling nang-init ang palad ko at buong pwersa siyang sinampal muli. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi man lang nabaling ang mukha niya.

"Go! Sampalin mo lang ako kung 'yan ang gusto mo! I don't care." Kinilabutan ako nang gumuhit ang isang ngisi sa kanyang labi. Nagpumilit akong kumawal at sinunod ang sinabi niya. Ilang ulit ko siyang sinampal at sinuntok sa kanyang dibdib ngunit hindi pa rin siya bumitaw.

"Hayop ka! Wala kang kasing sama! Hayop ka!" Ilang ulit ko siyang sinumpa sa isip ko. Nagtatanong kung bakit kailangan ko pa siyang makilala. Nagtataka kung bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng 'to.

Muntikan na akong matumba nang maramdaman ko ang isang kamay na humila sa akin palayo kay Tale. Kahit gulat ay nagawa ko pa itong mabalingan ng tingin bago pa dumapo ang kamao nito sa mukha ni Tale. Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan.

Naging mabilis ang mga pangyayari nang sunod-sunod na silang nagpapalitan ng mga malalakas na suntok sa isa't-isa. Nakapaibabaw si Jackal kay Tale ngunit agad ring nakabawi ang huli nang makatanggap si Jackal ng malakas na suntok mula kay Tale dahilan para matumba ito. Bigla akong natauhan sa nakita nang hindi na nakapalag pa si Jackal at pilit na lamang hinaharang ang pareho niyang braso sa mga walang habas na suntok ni Tale. Kahit natatakot ay nagawa kong pigilan si Tale sa ginagawa. Buong lakas ko itong tinulak palayo kay Jackal.

"Jack?" Pagtawag ko sa pangalan niya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mapansin ang paggalaw niya. Dahan-dahan itong umupo mula sa pagkakalugmok sa lupa.

Buong tapang kong binalingan ng tingin si Tale na ngayon ay dumura ng dugo.

"Umalis ka na, Tale!" Malakas kong sigaw sa kanya.

"No! Hindi kita hahayaan na iwan diyan sa gagong 'yan!" Nagawa niya pang iduro si Jackal.

"What?!" Narinig kong angal ni Jackal. Balak pa sana nitong tumayo nang pigilan ko ito.

"Seriously, Mark? Pinsan ko pa talaga?" Narinig ko ang pagak niyang tawa matapos. Wala akong pakialam kung ano ang ibig niyang sabihin at kung ano ang gusto niyang paniwalaan. Basta tapos na kami.

"Ayaw mong umalis? Fine! Kami ang aalis." Inalalayan kong makatayo si Jackal. Bigla naman akong naawa sa hitsura niya. Halos magkasinglaki lang silang ng katawan pero walang duda na mas malakas si Tale kumpara sa kanya.

Saglit ko pang tinapunan ng tingin si Tale bago kami tuluyang makalayo.

"Don't look at me like that. I'm fine." Bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya nang magsalita siya habang nagmamaneho. Hindi ko lang kasi talaga mapigilang magalala sa kanya.

"I'm sorry. Nadamay ka pa tuloy kanina." Nakayuko kong paumanhin sa kanya. Dapat hindi na kasi siya nakialam kanina. Hindi sana magkakagalos ang mukha niya. Mukha pa namang hindi pa nadadapuan ng suntok ang mukha niya.

"It's alright. By the way, how did you know Tale?" Muli ko siyang binalingan ng tingin ngunit nanlaki na lang ang mata ko nang mapansin ang pagdugo ng ilong niya.

"Dumudugo ang ilong mo." Hindi ko napigilang sabihin sa kanya. Inangat niya ang isa niyang kamay upang ipunas ang dugong 'yon pero kumalat lamang ito.

Narinig ko pa ang mahina niyang pagmura bago tuluyang itigil ang sasakyan. Mabuti na lang ay wala pa kami sa express way.

Mabilis kong kinuha ang panyo sa bulsa ng pantalon ko. Bahagya akong dumungaw papalapit sa kanya upang maabot ang dugo sa ilong niya.

"Ikaw naman kasi eh..." Sambit ko sa gitna ng ginagawa. Kahit naiilang dahil nararamdaman ko ang pagsunod ng mata niya sa bawat galaw ko. Hindi ko magawang maipanatag ang loob ko.

"Ako na." Kinuha niya ang panyo sa aking kamay pero imbes na ang panyo ang mahawakan niya ay ang kamay ko ang nahawakan niya.

Awtomatikong napako ang mata ko sa mata niya. Natigil ako sa ginagawa dahil sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Nanatili pa kami ng ilang segundo sa posisyong 'yon bago ako mabalik sa sarili. Mabilis akong lumayo sa kanya at umayos ng pagkakaupo. Hinayaang siya na ang maglinis ng mukha niya.

Pareho kaming natahimik bago ko marinig ang muling pagbuhay niya sa makina ng sasakyan. Halos isang oras pa ang lumipas bago kami nakarating sa subdivision na tinitirahan. Hindi ko maiwasang mailang sa kanya dahil sa nangyari sa amin kanina sa loob ng kotse.

"Saan kayo galing?" Pagsalubong sa akin ni tita Emma. Sasagot na sana ako nang mabaling ang atensyon nito sa nakasunod sa akin si Jackal.

"Diyos ko po! Anong nangyari sa mukha mo, Jackal?" Nakatakip ang bibig ni tita na lumapit kay Jackal. Marahang hinawakan ni tita ang mukha ni Jackal.

"It's nothing, tita. I just had a little fist fight." Pagdadahilan niya pero sa akin nakatingin. Bigla na naman tuloy akong nailang sa kanya. Kanina niya pa kasi ako tinitingnan.

"Little?" Muling bumaling ang tingin ni tita sa akin. "Ano ba talagang nangyari, Mark?"

Hindi na ako nakasagot nang si Jackal muli ang magsalita.

"He has nothing to do with it, tita Emma. You don't have to worry. I'm used to it." Pareho na lamang kaming natahimik ni tita Emma nang tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay at nilampasan kami.

"Hay naku! Ang batang talagang 'yon." Naiiling na sambit ni tita nang kami na lamang ang nasa labas. Lumapit ako sa sa kanya at marahang hinawakan ang braso niya.

"Huwag na po kayong magalala, tita."

Kahit bakas ang pagaalala sa mukha ni tita Emma ay pinilit niya pa rin akong ngitian.

Mabilis na lumipas ang mga araw sa pananatili ko dito sa bahay kasama sina tito Romeo. Sa mga araw ding 'yon ay mas lalo ko pang nakilala si tito Romeo maging ang anak nitong si Jackal. Dumating na ang araw ng engagement party nina tito Romeo at tita Emma kaya naman ay halos abala na ang lahat sa magaganap na okasyon. Masaya ako para kay tita dahil sa wakas ay natagpuan niya na ang lalaking makakasama niya habang-buhay.

Isang simpleng engagement party lamang ang magaganap sabi ni tito Romeo pero sa tingin ko ay napakaenggrande ng okasyon. Mula pa lamang sa pagkakaayos ng venue ay halatang pinaghandan na. Tanging malalapit na tao lamang ang imbetado sa okasyon. Lahat nga ata ay mga Crosagne at mga malalapit na tao ng pamilya. Wala nga atang bisita si tita Emma kung tutuusin.

"Hey." Nabaling ang tingin ko kay Jackal nang umupo ito sa tabi ko. May mesang nakalaan para sa amin at sa mga bisita. Iilan pa lamang ang mga tao sa paligid.

"Ba't ang tagal mo?" Pagtatanong ko dito. Si Jackal kasi ang kasabay ko papunta dito pero pinauna niya na akong umakyat dahil naghanap pa siya ng mapapa-parking'an.

"Had a hard time finding a place to park." Rason niya habang abala sa pag-aayos ng necktie niya. Kusang gumalaw ang pareho kong kamay at ako na nag-ayos ng medyo tagilid niyang necktie.

Nginitian ko siya nang mapansin ang pagngisi nito dahil sa ginawa ko. Ewan ko ba, noon ay naiilang ako sa tuwing tumititig siya sa akin pero ngayon parang wala na lang ito sa akin. Nasanay na lang siguro ako.

"Thanks." Simple niyang pasasalamat kasabay ang marahan na paghaplos sa pisngi ko. Tinarayan ko siya dahil doon. Masyado na siyang nasasanay na hawakan ang pisngi ko ah.

Hindi ko na 'yon ginawang big deal at umayos na lamang ng pagkakaupo. Saktong pagtuon ng mga mata ko sa unahan ay 'yon na lamang ang paninigas ng buo kong katawan nang makita ang isang lalaki na naglalakad papalapit sa kinauupuan namin.

Gusto ko mang ibaling palayo ang tingin sa kanya ay hindi ko magawa. Tila nagkaroon ng 'glue' ang mata ko at sa kanya lang nakatuon. Sobrang bumagay sa kakisigan ng katawan niya ang kulay asul na formal suit at dumagdag pa rito ang pagkaka-brush up ng buhok niya. Nagsusumigaw ang karangyaan at kagwapuhan niya sa dating niya ngayon. Malayong-malayo ang hitsura niya ngayon kumpara sa huli naming pagkikitang dalawa.

"Am I late?" Bigla akong natauhan nang marinig ang malalim niyang boses. Hindi ko man lang namalayan na tuluyan na pala siyang nakalapit sa kinauupuan namin.

Nakasunod lang ang mga mata ko sa bawat galaw niya. Hindi ko magawang maputol ang titig ko sa kanya. Para akong nahihipnotismo at gusto lang sundan ang bawat galaw niya. Bakit ako nagkakaganito?

Bago pa man magwala ang sistema ko dahil sa presensya ni Tale ay nagpaalam muna ako kay Jackal at pilit na isinawalang-bahala ang nakaupo sa harapan kong si Tale. Mabilis akong naglakad patungo sa comfort room nitong venue. Mabuti na lang ay kakaunti pa lamang ang mga tao at mabilis kong nahanap ito.

Nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin nang mapansin ko ang pagpasok ni Tale. Biglang lumakas ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa presensya niya.

Naging mabilis ang sunod ng nangyari at hindi ko nasundan ang mga nangyari sa sumunod na mga segundo. Napadaing ako nang maramdaman ko ang malamig na pader nitong comfort room. Walang hirap niyang naituon paitaas ang pareho kong kamay gamit lamang ang isa niyang kamay.

"I know you still like me, Mark." Halos manghina ang mga tuhod ko ang madama ang mainit na hangin na tumama sa aking mukha. Kahit halos pabulong lamang ang pagkakasabi niya ay bakas doon ang labis na pagtitimpi. Mas lalong nagwala ang puso ko sa dibdib ko dahil sa posisyon naming dalawa.

Napalunok ako. Hindi ko magawang makapagsalita. Kinakapos ako ng hangin. Hindi ko magawang maigalaw ang katawan ko.

"You're still mine and always been mine."

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don't forget to hit the 'star' button. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 55.9K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
480K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
23.3K 2.1K 8
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...