A Martial's Query (Saint Seri...

By gereyzi

22.6K 1K 787

6/6 of Saint Series. Sylvia Ameliah and Feliciano are engaged for years. Little did Chano know that the 'mald... More

A Martial's Query
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 8

573 34 5
By gereyzi

Chapter 8
Love song

"Ameliah, I told you to sign up for the ballet class!" sigaw ni Mommy sa akin nang makaalis si Daddy sa bahay.

"Mom, if she doesn't want to, leave her alone," said Kuya Sentinel.

"What? So, anong maiibigay niya sa pamilyang 'to? Lamon?" Mommy asked with a shout. Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagkuha ko ng aking gamit habang harap-harapan kong naririnig sa asawa ng umampon sa akin na palamunin lang ako.

Ano bang want n'ya? If only I can work at this age, I will naman, e. Alam ko naman na kailangan ko mag-giveback.

"Mom, Daddy's not pressuring her. Si Dad ang kumuha sa kaniya kaya let him decide," si Bella naman.

"No! Sasamahan ko s'ya sa school today and she'll enroll!" galit na sabi ni Mommy. Tahimik akong dumaing when she pulled my arm para makalabas na kami ng house. "Pabigat na nga, matigas pa ang ulo!" she added.

Her words never leave my mind. Sa tuwing gabi ay napapanaginipan ko ang mga sinasabi at pananakit niya sa akin. She slapped me thrice already with her sharp words. Mabuti na lang Chano's there for me na handang makinig ng cry ko.

"Hoy, ano yan, ha?"

I quickly turned off my laptop when Romulo make silip to it.

"What?" naiinis kong tanong. I hissed at him kaya natawa siya.

"Yeah, I get. Rimbo is Chano and you're Freeda in your story, right?" nang-aasar na tanong ni Rom. Sumandal siya sa upuan na katabi ko, he pointed Chano using his lips.

Chano is way far from us. He's currently playing basketball with his classmates. He's the worst player, I swear. No lies or paninira.

"You like him din naman pala, e. Why don't you make patol?" Rom asked again. Sinimangutan ko na siya this time. He's so epal! "Malapit na ang Valentine's Day, ah? What's your plan?"

"Wala," tipid kong sagot. I opened my laptop again and continued what I'm writing.

Rom's right. I've been writing this story... of ours since last week. I don't know what's gotten into me and I did this. This is so nakakahiya kapag nalaman ni Chano—

"Eyes sparkling, heart beating so fast. The most fascinating man is standing in front of me," Chano cut me off while reading what I'm writing.

Kaagad kong isinara ang aking laptop dahil doon. Pahiyang-pahiya kong nilingon si Chano at malakas na itinulak sa mukha. Dahil sa aking ginawa ay natumba siya sa damuhan.

"Aray ko! Grabe ka naman! Inaano ka ba?" nakanguso na tanong niya. Tumayo siya at pinagpagan ang kaniyang damit na nadumihan. "Porket sinabi kong gusto kita ay sasaktan mo ako ng ganto?" he added dramatically.

"Baliw! You're looking at what I'm doing kaya! That's bawal!" bwelta ko bago siya talikuran. Rimbo and Freeda. That's the title of our story, I just hope it goes well.

I'm still wondering what our future will be. Sana maganda para maganda rin ang ending nito.

"Miss Zeich, I'd be really glad if you accept our offer," sabi ng publisher na ilang araw na akong kinukulit. "The demand of readers for a physical book and special chapters!"

"Miss, wala akong pake kahit matuwa ka o hindi! Sino ka ba?" pikon kong tanong. I rolled my eyes on her dahil hindi na ako natutuwa sa pangungulit niya.

Hindi ko maunawaan kung paano nito nalaman ang bahay namin ni Chano. Pinuntahan pa ako para lang sabihin na gusto nilang ma-publish ang Rimbo and Freeda. Tsk! Kapag pumayag ako ay malaki ang chance na mabasa iyon ni Chano, nakakahiya! Baka sabihin pa ng isang iyon ay patay na patay ako sa kaniya.

"Pupa, ano 'yan?" tanong ni Chano na kalalabas lang sa kusina.

"Wala," tipid kong sagot bago muling balingan ang publisher. "Just go away. I'll call you when I have my decision," sabi ko rito.

"I'm hoping high to have you in our publishing house, Miss!" huling sabi ng publisher bago ako nilubayan.

Nang mawala ang babae ay tahimik akong bumalik sa aking kwarto, hindi ko pinansin si Chano dahil naiinis pa rin ako sa nangyari noong nakaraang gabi. Ano raw? Mahal na mahal n'ya si Chantal? Matapos niyang sabihin noong nakaraan na nabawasan ang feelings n'ya? Ano ba s'ya hibang na wala nang ginawa kun'di paasahin ako?

"Pupa, sunduin kita mamaya after ng ballet class mo?" nakikiramdam na tanong niya nang kumain kami ng umagahan. "Inom tayo ng soju sa overpass mamaya? Tara?" tanong niya ulit.

"Nanay, ayos ka lang?" tanong na sa akin ni South. Hinawakan pa niya ako sa kamay kaya wala akong choice kun'di mag-angat ng tingin.

"Of course. I'm just... reviewing inside my mind," dahilan ko. Hindi ko pinansin si Chano at mabilis ko nang iniwan ang aking kinakain nang makita na malapit na akong ma-late. Dumating na kaninang umaga ang kasambahay namin kaya naman pwede nang iwan ang mga bata.

"Pupa, hatid na kita?" habol ni Chano. Mabilis akong umiling at dinampot na ang aking gamit na nasa sala. "Babyahe ka ba? Sabay na tayo!"

Wala akong nagawa nang sumunod sa akin si Chano palabas ng bahay. Hanggang sa paglakad ko sa bus stop papuntang train station ay talagang sinundan niya ako. Nanatili akong tahimik hanggang sa makasakay kami. Siya nama'y kanina pa ako kinukuhit para kausapin pero hindi ako umiimik.

Naupo ako sa upuan nang makakita ako, si Chano ay tumayo na lang sa aking harapan dahil pinagbigyan pa niya na makaupo ang isang Louis na babae.

"Oh my gosh! Alam mo ba na lumabas sa DNA test na ampon pala si Bea?"

Naantig ang tenga ko nang may dalawang non-saint ang nagkukwentuhan sa hindi kalayuan. Saglit ko silang nilingon.

"Gosh! The audacity to brag her things to us! Ampon pala ang malditang 'yon! Lakas!" sabi ng isa bago sila nagtawanan. Napalunok ako dahil doon, pakiramdam ko'y ako ang tinutukoy nila kahit hindi.

"Hays! I don't know where she's getting the strength to face us. Kadiri! Palaboy pala iyon dati dahil inabandona ng magulang! Serve her right!" sabi ulit ng isang babae. "The point here is, bakit pa kailangang magpanggap? For what? Para hindi mabawasan ang followers?"

Nanatili akong tahimik sa kabila ng mga sampal na naririnig ko sa dalawang babae. Nagpanggap na lang ako na abala sa aking cellphone kahit nanginginig na ako bigla, nagulat na lang ako nang lagyan ni Chano ng earphone ang kaliwa kong tenga. Nasa kaniya ang kanan na bahagi.

"Look at us,
We can paint a perfect picture about us
From your head to toe I'll fix you
They'll follow us
Yeah, we'll make a biggest picture
They'll believe it so I guess it must be real"

Iyan ang bumungad na kanta mula sa earphones ni Chano. Tiningala ko siya habang sa iba siya nakatingin, parang siyang nahihiya sa kaniyang ginawa pero dahil likas na sa kaniya ang iligtas ako, ginawa niya pa rin kahit nahihiya siya.

"I can read your mind,
I know what you're thinking
I can spend my time reading all the reasons
Working all about us doesn't make a difference
Baby, we got us,
We are something different"

Nang marinig ko ang lyrics nang kanta ay mabilis kong inalis ang earphone sa akin. Mabuti na lang at tapos na ang mga babae sa kanilang usapan, hindi na ako mababaliw sa guilt.

"Galit ka ba sa akin? May problema ba tayo, Liah?" nagulat ako nang biglang yumuko sa Chano para maging magkapantay ang aming mukha. "You don't want to talk to me right now? I'll give you your time. Let's talk later and fix us, okay?" marahan niyang sabi.

Para akong matutunaw sa titig niya kaya mabilis kong itinulak ang mukha niya bago umiwas ng tingin. Para akong sinisilihan sa mukha dahil sa sobrang init nito.

"Hindi ako galit. Wala tayong problema. Nakakasawa lang mukha mo!" bwelta ko para maitago ang pagkapahiya ko. Nilingon ko siya nang marinig ko ang o.a niyang paghugot ng hininga. Nagtakip pa siya ng bibig na akala mo'y hindi makapaniwala sa narinig.

"Pupa, totoo?" dramatic niyang tanong. Ang ilan pa'y nilingon kami kaya napairap na ako. "Nagsasawa ka sa mukha ng gwapo? Tsk! Masamang pangitain 'yan!"

Hindi ko na lang ulit pinansin si Chano dahil naalala ko na naman ang pag-iyak niya kagabi. Nang tumigil ang train sa station ay mabilis na akong bumaba. Malapit na ang Agnes dito habang ang Valdemor nama'y kailangan pang sumakay sa bus o jeep. Hindi ko na nilingon si Chano dahil sinalubong na rin ako ng ilang blockmates na nakasabay ko paglabas ng station.

"Hi, Liah!" bati sa akin ng grupo nila Jan nang makapasok kami sa Agnes. Kaagad ko silang tinaasan ng kilay at inirapan.

"Ganda natin, ah!" it's Jan.

"What? Agang-aga inggit ka agad sa ganda ko?" I fired. Mabilis siyang napikon kaya inirapan ako. Akma siyang susugod sa akin nang biglang mapaatras siya habang nakatingin sa aking likuran.

"May problema ba kung maganda si Liah?" it was Chano's voice from behind. Kabado ko siyang nilingon dahil doon. Nang makita niya ang aking ginawa ay ngumiti siya matapos ang pagiging seryoso. "You left this pen with me. I bet you need this so bad?" aniya.

Tumango ako at lutang na kinuha sa kaniya ang aking mechanical pen na gagamitin namin ngayong araw. "Salamat," tangi kong nasabi.

"Once I get to know who you really are... All the dirt, Liah... I'll spill you out and ruin every piece of you," bulong sa akin ni Jan bago siya umalis kasama ang kaniyang alipores.

"Is she bullying you?" kunot-noong tanong ni Chano na nakasunod ang tingin kila Jan.

"Ako? Ibu-bully? Mukha ba akong papayag?" matabang kong tanong.

Muli kong tinalikuran si Chano matapos iyon. Nakita ko kasi si Zoey at sinabayan. Sumigaw pa siya para ipaalala na hihintayin niya ako mamayang gabi. Ang ilan tuloy ay hindi na maiwasang asarin kami. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy ako sa pagpasok.

"You gorg! Bye!" paalam ko kay Zoey na nagulat sa akin.

"So, anong plano mo? You'll let them publish it?" usisa ni Bianca nang magkita kami sa cafeteria. Lunch time.

"Ewan. Natatakot ako na baka makita ni Chano," sagot ko bago nagpatuloy sa pagkain. Wala sila Gab at Ericka dahil hindi naman sila taga-rito. Madalas lang sila pumunta dahil ang ama ni Gab ay isa sa dean ng Agnes. Free pass ang mga gaga. Akala tuloy ng iba ay Agnas sila.

"Sus! E, iba naman ang ending no'n, ah? Happy ending sila. Nagkatuluyan sila. Kayo naman ni Chano'y hindi!" may halong pang-aasar ni Bianca. She even smirked.

"Oo. Kayo rin ni Leandro malapit na mag-break dahil bitch ka," bwelta ko. Nanlaki ang mata niya at mahina akong pinalo sa braso. I mean, mahina lang iyon para sa kaniya pero ang totoo'y masakit iyon.

Hello? One of the best spikers ng Saints League yan!

"Bakit masama ugali mo?" tila disappointed niyang tanong.

"Born this way," plain kong sagot. Ayaw kong dagdagan dahil paniguradong magtatarayan na naman kami kapag sinabayan ko ang attitude niya.

Matapos namin mananghalian ni Bianca ay naghiwalay na rin kaming dalawa. I have two classes this afternoon.

"Liah, pwede bang ikaw na lang representative?" tanong ni Kaye nang palabas na ako sa block namin matapos ang klase nang alas singko ng hapon.

"Saan?" tanong ko. Sinabayan naman niya ako sa hallway.

"We'll have a talent competition per block. You're the only one I can think of—"

"Girl, huwag mo ako masyadong kaisipin. Baka ma-fall ka," biro ko kaya natawa siya. I tapped her shoulder once bago ako naunang maglakad sa kaniya. "Pass!" paalam ko.

Nang nasa hallway na ako papuntang ballet classroom ay kinuha ko na ang aking camera at nagsimula sa aking vlog. Mataas ang demand nila ng vlogs ngayon dahil nakita nila sa isang video na kasama ko ang anak-anakan namin ni Chano. Gusto nilang isali ko ang dalawa, ayaw ko naman dahil ayaw ko silang ma-expose.

Nang malapit na ako sa ballet room ay natigilan ako. Nakita ko kasing palapit sa akin sila Jan nang may masamang tingin. Hindi lang iyon tumuloy nang may nagmamadaling lumapit sa kaniya na alipores niya at may ibinulong. Inirapan ako ni Jan matapos iyon at inaya ang mga kasamahan niya palayo sa akin.

What the hell is happening?

"Say hi, guys!" sabi ko sa aking mga kaklase sa ballet class nang makapasok ako sa kwarto. Dahil matatakaw sa camera ang aking mga kasama ay kaagad silang lumapit at inagaw na iyon sa akin. Vlog takeover daw.

Kinuha ko naman ang opportunity na iyon para makapagbihis na ako. Nang maayos ko ang aking sarili ay bumalik na ako sa aking mga kasamahan dahil dumating na rin ang aming instructor.

"Okay, start your warmup now," utos nito sa amin.

Natapos ang aming practice ay pasado alas otso na. Pwede naman akong lumagpas sa curfew namin ni Chano ngayon na alas otso dahil weekdays. Tuwing weekend lang kami naghihigpit sa rule dahil dapat ay bakante namin iyon. Kahit may weekend classes si Chano palagi.

Palabas na ako sa school nang mag-ring ang aking cellphone. Rinig na rinig iyon dahil tahimik na ang paligid. Nasa dorm na ang mga estudyante, wala rin namang practice ng athletes ngayon kaya wala talagang katao-tao sa paligid. Madalas kasing sila Rom ang naka-kalat dito sa Agnes kapag may practice sila ng soccer.

"Mom," sagot ko sa tawag.

"Where are you?" istrikta niyang tanong. Bumuntong hininga ako doon.

"On our way home po. Katatapos lang ng ballet class —"

"Siguraduhin mo lang na pumasok ka, ha? Malilintikan ka talaga sa akin, Ameliah!" banta niya bago patayin ang tawag.

"Crazy," naiusal ko na lang bago ako nagpatuloy sa paglakad.

Nang nasa may gate na ako palabas ng Agnes ay mabilis na kumunot ang aking noo nang may makita akong bulto ng tao na tila mabilis na tumatakbo para salubungin ako.

"Pupa, tara na, bilis!" it was Chano.

Nagulat ako nang mabilis niya akong higitin papunta sa kalsada at isinama sa kaniyang pagtakbo. Hindi ko alam ang nangyayare pero nagpahigit ako kay Chano. Magtatanong pa lang sana ako nang makita ko sila Jan at ang grupo ng nobyo nito na hinahabol na kami.

Black belter sa karate ang boyfriend n'ya!

"Gago ka, ano na namang ginawa mo?" natataranta kong tanong kay Chano habang mabilis naming tinatakbo ang kahabaan ng Agnes Avenue.

"Sorry, Pupa! Hindi ko alam na sumbungero pala sa tropa ang boyfriend ni Jan!" humihingal na sabi ni Chano. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay kaya doon ako napatingin. Bahagya pa akong natigilan, natauhan lang ako nang marinig ko ang sigaw ni Jan.

"Bumalik kayo rito! Mga duwag!"

"Gago! Ang sabi usap lang pero bakit kayo nagdala ng backup? Kayo ang duwag!" sigaw pabalik ni Chano. Nagulat pa ako nang bigla siyang mag-bend pababa at basta na lang ako isinampa sa kaniyang likuran.

Wrong move. Natumba lang kaming dalawa dahil doon. Naabutan tuloy kami!

"Chano naman, e!" angal ko. Akmang tatayo na kami nang palibutan kami nila Jan.

"Oh, ano? Akala ko matapang kayo?" Jan asked with a smirk. May hawak pa siyang lollipop at pauli-uling naglakad sa aming harapan. Ang apat na lalake at dalawang babae naman na kasama niya ay nakaantabay lang at mga nakangisi sa amin.

"Pupa, sige na," seryosong sabi ni Chano makalipas ang ilang sandali na katahimikan habang nakatingala siya kila Jan. Hinawakan niya ako sa braso. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon.

"Ha? H-hindi kita iiwan dito—"

"Sige na kausapin mo na sila para tapos na ang gulo," putol niya sa akin. Literal akong napanganga dahil doon. Akmang ko siyang pipingutin nang bigla siyang tumayo at mabilis na sinuntok sa mukha ang boyfriend ni Jan. Dahil doon ay nagkagulo ang lahat.

Sinugod ako nila Jan nang makita ang nangyari. Bago pa makalapit ang kaibigan niyang babae ay kaagad ko na itong nasipa sa mukha.

Mabuti na lang at tinuruan ako ni Kuya Sentinel ng self-defense.

Isinunod kong sipain at suntukin sa mukha ay ang babaeng pinaka-close ni Jan. Humadusay ito sa sahig dahil doon kaya galit na galit akong sinugod ni Jan. Dahil sa bilis ng naging kilos niya ang hindi ko naiwasan ang sipa niya sa aking tiyan. Bago pa ako maka-recover ay muli na niya akong sinipa sa mukha. Dahil doon ay tumalsik ako sa kalsada, kasabay ko si Chano.

"Tsk! Kalanan mo 'to!' bulyaw ko kay Chano na may sugat na sa labi. I'm pretty sure I have, too. Ramdam ko ang dugo sa aking bibig na galing sa aking labi.

"Sorry na! Ako gagamot mamaya, Pupa," hirap na sagot ni Chano.

"Ano? Hindi pa ba kayo tapos  magsisihan?" tumatawang sabi ni Jan. Inakbayan siya ng boyfriend n'ya kaya sinamaan ko sila ng ng tingin. Silang dalawa lang ang natira sa kanilang grupo.

"Ano bang problema mo, ha?" tanong. Akma akong tatayo nang biglang umamba ng sipa ulit si Jan. Ngayo'y nakatapat na sa aking mukha ang kaniyang sapatos kaya inalis ko iyon. "Ang yabang-yabang mo!" sabi ko matapos kong tampalin ang paa niya.

"Aba't sasagot ka pa—"

"Bakit, totoo naman, ah? Parang hindi ka nagpapansin kay Chano sa store!" putol ko. Kumunot ang noo ng boyfriend ni Jan dahil doon.

"You liar!" sigaw sa akin ni Jan.

"Sa store, Pupa? Kailan? Sino ba 'yang babaeng 'yan?" nalilito namang bulong sa akin ni Chano. Kinukuhit pa ako kaya siniko ko siya. "Kinakausap ko lang s'ya kanina para sabihin na lubayan ka na. Nagtawag bigla ng kasama, Pupa! Grabe!"

"Wala akong pake. Pahamak ka!" bulyaw ko sa kaniya. Sabay naming nilingon si Jan at ang boyfriend niya. Sabay din kaming napaatras ni Chano nang makita namin na pasugod na sa aming ang dalawa. Hindi lang natuloy nang may bumusina ng malakas.

"Hoy, ano 'yan ha?" tanong ng lalake mula sa sasakyan. Hindi ko makita kung sino dahil tinapatan kami ng ilaw.

Nataranta naman ang grupo nila Jan dahil doon. Akala ko'y susugurin pa nila kami nang bigla na lang silang lahat tumakbo papalayo. Naiiling akong tumayo nang makalayo sila. Hindi ko tinanggap ang kamay ni Chano nang mag-offer siya ng tulong.

"Who's that?" tanong ko habang pilit na inaaninag ang nasa sasakyan. Nasagot lang ang tanong ko nang bumaba ang isang hindi pamilyar na lalake mula roon.

"Ayos lang kayo?" tanong ng lalake. Matipuno at... mahitsura.

"Brigs! Ikaw pala!" ani Chano.

"Yeah. I was on my way to  my dorm pero nakita ko ang nangyayari dito," sagot noong lalake. "Should we call the cops?" tanong pa niya.

"No thanks. Were going now," ako ang sumagot. Tinalikuran ko na silang dalawa matapos kong sibihin iyon at iika-ika na naglakad palayo. Mabilis namang sumunod sa akin si Chano.

"Pupa, sakay na ikaw sa likuran ko," he then baby talked. Nag-squat siya sa aking harapan pero hindi ko iyon pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad. "Pupa, hindi na kita hahayang mahulog, promise!"

"Tigilan mo nga ako. Tara na sa train station, anong oras na," tangi kong sabi. Wala siyang nagawa nang magpatuloy ako sa paglakad papasok sa station. Nagulat ako nang hawakan niya ako sa dalawang balikat at titigan. Hindi ako nakagalaw matapos niyang gawin iyon. Naging tahimik siya lalo na nang bumyahe na kami pauwi ng bahay.

Hinayaan ko si Chano sa pagiging tahimik niya dahil once in a blue moon lang mangyari iyon. Tahimik ko na lang din na ininda ang masakit kong pisnge at labi. Nang makarating kami sa bahay ay nauna siya sa akin sa pagpasok. Naabutan ko siya'y palabas na siya sa maid's quarter at may dala nang medicine kit.

"Pupa, tara sa kusina. Gamutin natin sugat mo," marahan at nakangiti niyang sabi. Pero halatang may iniisip siya dahil ang tagal niyang alisin ang titig niya sa akin.

"Fine. I'll do you after me," sagot ko bago sumunod sa kaniya sa kusina.

Akward kaming naupong dalawa sa upuan habang magkatapat. Siya nama'y kinuha na ang gamot at sinimulan na akong gamitin.

"Oh, I found all my inspiration thinkin' about you," bigla niyang sabi. Kumunot ang noo ko at inirapan siya. "Love Song by Why Don't We. You haven't heard that, yet? Ang ganda, Pupa!" bawi niya.

Tahimik akong tumango at hinayaan siyang ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Hindi ako mapalagay dahil bigla siyang nagkaganyan matapos akong titigan kanina. Naging tahimik na awkward.

"I wrote another love song, baby, about you~"

I was shocked when he started singing. Nakangiti na habang ginagamot ang sugat sa aking pisnge at labi. Hindi ako nakaimik at tahimik siyang pinanood. Bigla niyang tinigilan ang panggagamot sa akin. Umupo siya sa katapat kong upuan bago niya isinubsob ang kaniyang mukha sa lamesa, tila problemado.

"I wrote another love song, baby, about you
I've written one for every second without you
It goes like this, oh
It goes like this, oh"

Mahina niyang kanta. Muntik pa akong mapaatras nang kuhanin niya ang dulong hibla ng buhok ko at pinaglaruan. Nakanguso siya na mahinang kumakanta. Ako nama'y hindi na makahinga sa bilis ng tibok ng puso.

"I wanna see the whole damn world with you, baby
Yeah you can be the one, girl, you driving me crazy
It feels like this, oh
It feels like this, oh"

"A-ano bang nangyayari sa'yo d'yan? Para kang baliw—"

"Wala naman, Pupa," agap niya na walang buhay. Sa buhok ko na nilalaro niya siya naka-pokus. "Kinakanta ko lang sa'yo kasi baka mabaliw na ako. Hindi ko alam kung bakit ikaw naiisip ko sa tuwing naririnig ko ang kantang 'yan," dagdag pa niya.

"Kabag lang siguro, Chano," nonsense kong sagot. Kinuha ko sa kaniya ang kit para gamutin na sana siya pero hindi ko naituloy nang magsalita ulit siya.

"Pupa, bakit gan'to?" tanong niya. Nagulat pa ako nang bigla siyang yumakap sa akin ng mahigpit na akala mo'y bata na ayaw maiwan. "Bakit pakiramdam ko'y sasabog na ang puso ko habang nakatitig sa'yo kanina? Bakit ako nalilito sa nararamdaman ko?" he asked again.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...