raiah derreo
online
raiah
huhuhuhu mikay!!!! hindi ko na kaya!
raiah
grabe, nag-aral naman ako, bakit nabablanko isip ko kapag nagtetest na?!
kaila
tapos na exams mo?
kaila
gusto mo punta tayo mall after?
raiah
oo pls! shit lang talaga nakakaiyak
raiah
ang baba parin ng scores ko!
kaila
gaga? tingin nga! ano ba scores mo?
raiah
[sent a photo]
raiah
ayan test papers namin yesterday, natanggap ko ngayon! nakakaiyak!
kaila
tumaas naman scores mo ah? kahit papano, unlike before
kaila
tsaka first exam plang naman natin, kaya pa yan!
raiah
easy for you to say, eh top student ka kaya!
raiah
pashare naman ng braincells! huhu bat ba ang talino nyo ni kuya killian?! ang unfair! pinsan nyo ako, mikay! bat di umabot IQ nyo sakin?!?!
kaila
gaga ka talaga
kaila
nahihirapan din ako noh! tangina, hindi ako makapaniwala mas mataas si fortalejo sa calculus! putragis talaga
kaila
tingin ko may mali talaga sa pagcheck sa papel ko eh! gago paano kasi nangyari yun?! lahat ng tests ko kahapon, ako highest!
kaila
tapos biglang ganon?! calculus, si fortalejo?! the fuck!
raiah
ewan ko na talaga sayo kaila huhuhu
raiah
namomoblema ka pa dyan eh for sure 3 lang yung mali mo dun noh?
raiah
eh ako bilang na bilang yung tama! naka 18 lang ako couz! gusto kong magpakain sa lupa
kaila
bat di mo nalang kainin yung lupa
raiah
baliw ka talaga 😭😭😭 ano ba
raiah
uy pero teka! chika minute muna tayo
raiah
nakita ko yung post ni aqui kagabi!
kaila
oo, nakita ko nga! see? effective yung plano ko!
raiah
ha?! hindi yun ang ibig kong sabihin!
raiah
i mean, marunong pala sya magpiano?! omg!
kaila
sus, para yun lang?! wag ka ngang ano!
raiah
gaga, ang talented lang kasi! diba team captain si lawrence ng seniors? tapos honor student! scholar tsaka class president! grabe lang.
kaila
ano naman? what's so great about him?! pabibo parin siya, epal at feelingero!
kaila
mukha siyang sitaw!
raiah
gaga HAHAHAHAHA
raiah
lahat nalang ba na lalaki mukhang sitaw sayo? ang gwapo kaya ni lawrence!
kaila
wala akong paki tangina
kaila
basta ang importante, maging successful ang plano ko at mawala siya sa landas ko! ayun, tapos! kingina.
raiah
grabe ka couz! di ka ba nagu-guilty?!
kaila
hays, oo medyo nakakaano lalo na nagsinungaling ako kay aqui, sabi ko crush ko si axel para lang hindi na niya maging crush yun! pero pag na-in love naman sila ni fortalejo sa isa't isa, baka pasalamatan pa nila ako noh!
raiah
pero sure ka ba na gagana yung plan mo?
kaila
oo! ano namang dahilan para hindi gumana?! parehas silang single! tsaka alam ko na lalo silang nagiging close
raiah
hay nako
raiah
okay, sabi mue eh pero payong kagandahan lang
raiah
love is complicated! hindi ganoong kadali. you also can't force it. basta malalaman mo nalang na nahulog ka na, and you won't be able to stop loving someone that easily.
raiah
mag ingat ingat ka rin ah? baka mamaya ikaw ang mahulog kakatulak mo dun sa dalawa