Malayah

By itskavii

2.1K 300 566

Isang tagna. Mula sa balon ni Tala ay bumaba ang isang pangitain sa lupa. Sa ika-anim na beses na tangkaing a... More

Malayah
PROLOGO
1. Ang Pagkawala ni Apulatu
2. Ang Kapre sa Balete
3. Ang Mapa
4. Si Mariang Sinukuan
6. Ang Tiyanak
7. Kay Mariang Karamot
8. Si Agua
9. Huwad
10. Ang Panlilinlang
11. Sa Tugot
12. Ilang Ilang
13. Engkanto
14. Hiling
15. Ang Ginintuang Kabibe
16. Si Angalo
17. Ang Ikalawang Hiyas
18. Si Aran
19. Sa Makitan
20. Ang Araw
21. Sa Daluti
22. Mga Tadhanang Magkakadikit
23. Anong Tadhana
24. 'Di Kasiguraduhan
25. Sa Dagat Kung Saan Nagsimula
26. Ang Mahiwagang Sandata
27. Si Linsana
28. Adhikaing Maging Babaylan
29. Pagkagayuma
30. Sa Pagkamatay ng Ibon
31. Si Dalikmata
32. Ang Pagpula ng Paruparo
33. Sa Talibon, Bohol
34. Ang Susi Upang Mapakawalan.
35. Ama
36. Ang Itim na Hiyas
37. Kay Daragang Magayon
38. Isang Sugal
39. Ang Kakaibang Pwersa
40. Si Panganoron
41. Mula Sa Akin At Para Sa'yo
42. Umiibig
43. Si Pagtuga
44. Ang Kasal
45. Isang Sumpa
46. Himala
47. Isang Panaginip
48. Si Magayon
49. Mga Tikbalang
50. Portal
51. Ang Tagna
52. Batis Ng Katotohanan
53. Isang Dayo
54. Dalangin
55. Ina
56. Anino

5. Sa Lumang Bahay

50 8 1
By itskavii


"Maghanap tayo ng murang pansamantalang tutuluyan dito."

Iyon ang saad ni Lakan at halos dalawang oras na silang naghahanap. Ang mga nadaraanan nila ay pawang mga presyong panturista. Ngunit hindi sila mga turista. Mahaba pa ang kanilang lalakbayin at kailangan nilang magtipid.

"Nais niyo ba talaga ng murang matutuluyan?" Tanong ng nadaanan nilang ale na may dalang bilao ng suman.

Nagkatinginan sina Lakan at Sagani bago tumango sa matanda. Si Malayah naman ay mahimbing pa rin ang tulog hanggang ngayon.

"Doon sa dulo," saad ng ale habang itinuturo ang daan. "May malaking lumang bahay doon. Ang alam ko ay nagpapatuloy sila ng bisita. Dalawang daan lang kada tao."

Napatango si Lakan at nagpasalamat sa ale. Iyon na nga ang perpektong tuluyan na kanilang hinahanap.

Kaagad niyang pinandar ang sasakyan. Hindi naman sila nahirapang hanapin ito sapagkat namumukod-tangi ang makalumang disenyo ng bahay. Malayo rin ito sa iba pang mga kabahayan.

Unang bumaba si Sagani. Kinuha niya ang mga dalang kampilan at ibinalot ito ng isang tela upang hindi matakot at magtaka ang mga tao sa tutuluyan nila. Nilingon naman ni Lakan ang nahihimbing na si Malayah. Bahagya niyang niyugyog ang balikat nito upang gisingin.

"Nandito na tayo."

"Saan?" Umupo si Malayah at humikab.

"Dito muna tayo magpapahinga at pag-aaralan ang mapa. Mamayang madaling araw tayo babyahe upang hanapin ang hiyas."

Tumango lamang si Malayah. Parehas silang lumabas mula sa sasakyan at lumapit sa bahay.

"Tao po."

Ilang sandali lamang ay bumukas ang pinto. Isang ginang na nasa edad apatnapu ang sumalubong sa kanilang tatlo.

"Ano 'ho ang maipaglilingkod ko?"

"May nagsabi po sa amin na maaari kaming umupa ng isang araw dito." Magalang na sabi ni Sagani.

Sandaling natigilan ang ginang. Ngunit ngumiti rin ito at binuksan nang malaki ang pinto. "Ah, oo. Halikayo't pumasok."

Pati ang loob ng bahay ay makaluma na tila ba napag-iwanan ng panahon. Ngunit saliwa sa pagkaluma nito ay ang kalinisan at kawalan ng alikabok ng paligid.

"Ma, sino sila?" Isang katorse anyos na lalaki ang bumaba mula sa hagdan.

"Ah, mga bisita." Tugon ng ginang at masiglang ngumiti.

Ngunit ang ideyang mayroong ibang tao sa kanilang bahay ay hindi gusto ng lalaki. Tumalikod ito at muling umakyat sa taas.

"Pagpasensyahan niyo na ang anak ko. Hindi lang sanay sa bisita iyon."

"Ang akala ko po ba ay isa itong bahay panuluyan? Ibig sabihin ay madalas na may ibang tao rito." Wika ni Malayah dahilan upang mapalingon sa kaniya ang ginang.

"Ah, ako nga pala si Rene. Maaari niyo akong tawaging Aling Rene," pag-iiba nito sa usapan. "Iyong anak ko na nakita niyo kanina ay si Jasper."

"Ilan po kayo dito sa bahay?" Tanong ni Lakan habang inililibot ng tingin ang paligid.

"Lima kami. Ang tatay ko, si Jasper, ang isa kong kapatid at ang asawa niya. Sampu ang mga kwarto rito kaya napagdesisyunan naming paupahan ang mga bakante."

Sa isang pasilyo ay naglalakad na lumabas ang isang babae na hawak-hawak ang umbok nitong tiyan.

"Ito nga pala si Esme, ang kapatid ko."

"Sino sila, ate?" Kunot-noong tanong nito.

"Mga bisista sila. Uupa ng mga bakanteng kwarto sa bahay."

Katulad ng kaniyang anak, tila ba hindi rin nagustuhan ng kaniyang kapatid ang ideyang may tutuloy sa kanila.

"Nasaan na si Alfredo? Tawagin mo at nang matulungan na makuha ang mga gamit nila sa sasakyan."

Wala namang nagawa si Esme kung hindi ang tumango at sumunod.

"Ano nga pala ang mga ngalan ninyo?"

"Ako po si Lakan. Ito naman si Sagani at si Malayah. "

Ngumiti at tumango si Aling Rene. "O siya, halikayo't ituturo ko ang mga kwarto ninyo."

--

Nang matapos makaligo at makapagpalit ng damit, kaagad na nagtipon ang tatlo sa hardin ng lumang bahay upang pag-usapan ang tungkol sa mapa.

Inilabas ni Lakan ang nakatuping mapa mula sa sisidlan at binuklat ito. Walang kahit anong sulat o imahe man lang. Ngunit hindi na nagulat si Lakan.

Ibinigay niya ito kay Malayah. "Anong nakasulat?"

Kunot-noo siyang nilingon ng dalaga. "Bakit? Hindi ka marunong magbasa?"

"Isang bakanteng papel lamang ang nakikita ko."

Dahil dito ay lumapit si Sagani kay Malayah upang tingnan din ang mapa. Mayroong mga guhit at sulat, iyon ang nakikita niya.

"Bilang tagapagbantay, ako at ang mga ninuno ko ay walang kakayahang makita ang laman ng mapa. Iyon ay upang malayo sa tukso na kuhanin ang mga hiyas."

Naintindihan ni Malayah. Kaya pala nais nitong sumama sa kaniya sapagkat hindi nito kayang makuha ang mga hiyas nang mag-isa.

Ngunit iba ang nasa isipan ni Lakan. Hindi siya isang tagapangalaga lamang. Siya si Apalaan, ang diyos na mismong lumikha sa mga hiyas.

Ang katotohanan, nang maalis ang iba niyang kapangyarihan bilang diyos ay nawalan na siya ng kontrol sa mga hiyas. Kusa ang mga ito na lumutang at nagkalat sa iba't-ibang parte ng bansa.

Ang tanging pag-asa niya na lamang ay ang mahiwagang mapa na naipapakita ang lugar ng kinalalagyan ng mga hiyas. Ngunit sinigurado ng mga diyos na wala nang pagpipilian si Apalaan kung kaya't binasbasan nila ang mapa upang walang makita mula rito ang diyos ng dapit-hapon.

Ngayon ay ang natatanging paraan upang makabalik siya sa Kawalhatian ay ang itama ang tagna na kaniyang binaluktot.

"Bakit may butas ang mapa?" Tanong ni Sagani nang makita ito.

"Ang ibig sabihin niyan ay nagamit na ang hiyas na nakapaloob dito."

Dahil sa sinabi ni Lakan, napahigpit ang hawak ni Malayah sa mapa dahilan upang bahagya itong malukot.

Naalala niya ang mga nakita mula sa bolang kristal ng manghuhula sa likod ng simbahan. Ang mga puting usok na bumalot sa kanyang ama. Ang sabi ng manghuhula ay mula ito sa isang hiyas. Marahil ay ito ang nakalagay sa butas na parte ng mapa.

"Nakasulat ang mga salita sa baybayin." Inilapit ni Malayah ang mapa sa kaniyang mukha. "Kay Mariang Karamot sa Zambales."

Napangiti siya. Ang pagbasa ng baybayin ay turo rin ng kaniyang ama. Halos lahat ng mga kaalamang nagagamit niya ngayon ay galing sa kaniyang ama. Ang sarili nitong mga turo ang tumutulong kay Malayah na mailigtas ito.

"Si Mariang Karamot?" Kunot-noong saad ni Lakan.

"Bakit? Sino ba siya?" Tanong naman ni Malayah.

"Siya ang maalamat na sirena na pumapatay ng mga mangingisda at mga turista sa Zambales. Sa tuwing may malulunod, sinasabi ng mga tao doon na pakana ito ni Mariang Karamot. At sa tuwing kabilugan ng buwan, kaya niyang mag-anyong tao at maglakad-lakad sa pampang."

"Hindi ba't bukas na ng gabi ang kabilugan ng buwan?" Tanong ni Sagani at tumango naman ang dalawa.

"Aalis tayo ng madaling araw mamaya para magkaroon pa tayo ng panahon upang makapaghanda at makapagplano pagdating sa Zambales." Wika ni Lakan at sumang-ayon naman si Malayah.

Katahimikan ang bumalot sa kanila pagkatapos. Pinagmasdan ng dalaga ang hardin ng lumang bahay. Tila ngayon lang niya napansin ang magagandang mga pulang rosas na nakatanim dito pati ang mga lilang orkidya. Si Lakan naman ay nakasandal sa upuan at iniinom ang kape sa katanghalian. Habang si Sagani naman ay hawak pa rin ang mapa.

"Pero bakit walang mga nakasulat na salita sa ibang mga ekis?" Tanong ni Sagani dahilan upang mapansin din ni Malayah.

"Ang alam ko, sunod-sunod ang mga hiyas. Nakuha na ang una kung kaya't ang hiyas sa Zambales na tinutukoy ninyo ay marahil ang pangalawa na."

Napatango ang dalawa sa sinabi ni Lakan. Pero hindi pa rin maalis sa isipan ni Malayah ang nakita niya sa bolang kristal.

"Hindi ba't ikaw lamang ang may alam ng kinalalagyan ng mapa? Paano nakuha ng iba ang unang hiyas?"

Natigilan si Lakan sa tanong ni Malayah. Napayukom siya nang may maalala. "Alam ng ibang mga diyos ang kinalalagyan ng mga ito. Marahil ay sila rin ang nag-atas sa iba't ibang mga makakapangyarihang nilalang upang bantayan ito."

"Pero bakit naman makikialam ang mga diyos?" Hindi maintindihan ni Malayah. Nagkaroon siya ng kutob na isang diyos ang kumuha sa kaniyang ama. Ngunit bakit? Ano naman ang koneksyon ni Apulatu sa mga ito?

Tinitigan lamang ni Lakan si Malayah. Walang kaaam-alam ang dalaga, minsan na ring nakialam ang mga diyos sa buhay niya. Nang pagkasilang pa lamang niya ay nakasalamuha na niya si Apolaki, ang diyos ng araw. At ngayon naman ay ang diyos ng dapithapon, si Apalaan.

--

Nang dumating ang gabi ay sabay-sabay silang naghapunan kasama ang pamilya na nakatira sa bahay kung saan sila pansamantalang tumutuloy. Tahimik lamang ang lahat nang basagin ni Tandang Nilo, ang ama nina Esme at Aling Rene, ang katahimikan.

"Saan nga pala kayo galing bago kayo nagtungo rito, mga bata?"

Nagkatinginan ang tatlo, iniisip kung dapat ba nilang sabihin ang totoo.

"Galing po kami ng maynila, may hinahanap kami kaya po napadpad kami rito sa Arayat." Tugon naman ni Lakan.

Napatango lamang ang matanda at hindi na nagsalita. Napahinga naman nang maluwag ang tatlo.

"A-Alfredo, manganganak na yata ako."

Napalingon ang lahat kay Esme. Kaagad siyang inalalayan ng kaniyang asawang si Alfredo upang tumayo at pumunta sa kwarto.

"Ang mga bintana at pinto! Jasper, isarado mo. Bilis!"

Kaagad namang sumunod ang anak ni Aling Rene sa kaniya. Nakakunot-noo itong sinundan ng tingin ni Malayah. Maski ang dalawang kasama niya ay hindi rin alam ang nangyayari.

"May maitutulong po ba kami?" Tanong ni Lakan kay Aling Rene.

"Maaari ba kayong magbantay rito? Malayah, halika't tulungan mo akong magpa-anak kay Esme."

Walang alam na kahit ano patungkol sa pagpapaanak si Malayah ngunit tumango siya at sumunod sa ginang patungo sa kwarto.

Hindi pa man siya pumapasok ay rinig na niya ang iyak ni Esme dahil sa sakit. Nasa tabi nito ang kaniyang asawa, hawak ang kamay nito upang iparamdam na hindi siya nag-iisa.

"Malayah, pakikuha ang batya sa banyo at pakilagay ang maligamgam na tubig. Bilis!"

Kaagad naman niyang sinunod si Aling Rene. Kinuha ng ginang ang isang malinis na basahan at ibinabad ito sa tubig na dala ni Malayah. Lumapit na ang ginang sa kaniyang kapatid at ito naman ang pagtayo ng asawa nito.

Nagtatakang pinagmasdan ni Malayah si Alfredo na nagsindi ng tatlong kandila sa lamesa at hinubad ang suot na pantaas. Iwinawagayway niya ang dalawang itak sa bukas na bintana na tila ba may hinahampas na hindi makita ng normal na tao.

"Itinataboy ni Alfredo ang patianac."

Napalingon si Malayah kay Tandang Nilo na ngayon ay nasa tabi niya na pala. "Ano po iyon?"

Maraming alam si Malayah ngunit ito pa lamang ang unang beses na kaniyang narinig ang salitang iyon.

"Ang patianac ay mga espiritung mapaglaro na madalas naaakit sa mga nanganganak. Kaya nilang pigilan ang paglabas ng bata mula sa sinapupunan at pag namatay ito ay kakainin ang kaluluwa ng walang-muwang na sanggol."

Tila tumaas ang mga balahibo ni Malayah. Hindi niya akalaing may mga ganitong nilalang.

"Inaasahan kong ang mga laking maynila na tulad mo ay walang mga alam sa mga ganitong bagay."

Hindi na muling kumibo si Malayah. Napalingon silang lahat nang marinig ang iyak ng bagong silang na sanggol. Ibinalot ito ng lampit ni Aling Rene at ibinigay kay Esme na ngayon ay may matamis na ngiti sa labi habang pinagmamasdan ang anak.

--

Alas nuwebe na ng gabi. Ang usapan ng tatlo ay aalis sila nang alas dose ng madaling araw.

Pinilit pa sila ni Aling Rene na manatili rito nang isa pang gabi nang libre bilang pasasalamat sa pagtulong sa maayos na pagpapaanak sa kaniyang kapatid. Ngunit tumanggi ang tatlo sapagkat kapag nanatili sila, hindi na nila maaabutan ang kabilugan ng buwan bukas sa Zambales.

Kaninang alas syete, nang maayos na nakapanganak si Esme ay nagpaalam muna si Malayah na iidlip sapagkat nais niyang bumawi ng tulog.

Ngunit dalawang oras lamang ay nagising na siya. Iminulat niya ang mga mata at tumitig sa dingding. Bukas ay makukuha na nila ang isa sa mga hiyas, iyan ang nasa kaniyang isip.

Napabangon siya nang may marinig na isang iyak ng sanggol. Kunot-noo niyang pinagmasdan ang sanggol na ngayon ay nasa tabi.

"Bakit nandito ang anak ni Esme?"

Nilapitan niya ito at pinagmasdan. Naalala niya ang mga ngiti ni Esme nang mahawakan ang bagong silang na sanggol.

Ngunit nagdala lamang ito ng lungkot sa kanyang puso sapagkat hindi niya nasilayan ang sariling ina kahit isang beses. Ang sabi ng kanyang ama, namatay ito pagkasilang pa lamang sa kanya.

"Nagugustuhan mo ba ang kwintas ko?" Tanong niya sa sanggol nang mapansing inaabot ng maliit nitong kamay ang suot-suot niyang kwintas.

Napangiti siya nang biglang tumawa ang sanggol. Binuhat niya ito at hinele. "Ihatid na kita sa mama mo?"

Tumayo siya at naglakad palabas ng kwarto. Nasa ikalawang palapag siya dahilan upang masilip niya ang mga kasama sa bahay na nakaupo sa harap ng isang mahabang lamesa maliban kay Esme.

Bahagyang natawa si Malayah nang mapansing hanggang ngayon ay hinahawak-hawakan pa rin ng sanggol ang kwintas na bigay sa kanya ng kanyang ama.

Nang makababa siya ay napatingin ang lahat sa kanya.

"Kaninong bata 'yang dala mo?" Tanong ni Sagani.

"Kay Esme, di'ba?" Wika niya na tila hindi na dapat iyon itinatanong ni Sagani.

Ngunit natigilan siya nang lumabas si Esme mula sa kusina... kalong-kalong ang anak nito. Nanlaki ang kaniyang mata at napatingin sa sanggol na hawak.

"Malayah, bitawan mo ang bata!"

Inaabot ng sanggol ang kanyang kwintas ngunit dahil sa sigaw ni Lakan ay binitawan nga ito ni Malayah dahilan upang hindi ito nagtagumpay sa pagkuha ng kwintas.

Kaagad na lumapit si Lakan at hinitak si Malayah palayo sa ngayon ay nag-iibang anyong sanggol.

"Ang tiyanak!"

***

Continue Reading

You'll Also Like

527 44 5
⚠ WARNING ⚠ This story is not what you think it is DO NOT ENTER if you're hiding something Unless you want to take the risk? His Dreams, where he can...
176K 7.5K 61
[CLANNERS 01] She is Nariah Riye Velniroñia, a woman who had no idea who she really is. She only lives in an orphanage avoiding the people around her...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
104K 1K 141
Fairy tales are more than true: not because they tell us that dragons exist, but because they tell us that dragons can be beaten. - Neil Gaiman