One Hundred Days To Love Him...

By rui_na

6.3K 5.5K 1.8K

"Our Story Never Ends." BOOK 1 : Kendra Mae Delos Santos and Kendrick Marcova. ------- Living her life as a m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Characters
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Notes and Track List
Bonus Chapter

Chapter 7

143 146 12
By rui_na

CHAPTER 7



Kendrick's P.O,V




SHIT! My head is aching right now. Ugh, damn it.




I opened my eyes and I realize na nandito na pala ako sa kwarto ko. Umupo ako at hinilot ang sentido ko.




Fuck hangover.




Kumurap-kurap ako at bumangon. Lumabas ako ng kwarto at tinawag agad ang mga katulong ko.




Nagmamadali naman silang lumapit at sabay sabay na yumuko sa akin. Isa isa ko silang tiningnan pero may kulang. Where's that demanding woman?




"Where is Kendra?" I asked the old woman. Siya ang pinaka-head na katulong dito sa mansion. As far as I know, close siya doon sa babaeng daig pa ako kung makautos. Tss.




"Nasa garden hijo, nagdidilig ng mga halaman." sagot ni Manang. Hindi ako sumagot at sinenyasan lang sila na umalis na.




I let my fingers run through my hair and I walked towards the garden. I put my two hands in my short's pocket and I saw that woman standing there and humming.




I didn't realized that I'm staring at her already. I diverted my gaze and I looked at the wall clock. It's 8:00 am.




"Ay kabayo!" Napalingon ako sa direksiyon niya. Agad akong lumapit. Nabitawan niya ang hawak na water can.




"What happened?!" tanong ko. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita ako.




"A-Anong ginagawa mo dito?" You see? Ni hindi man lang ako binati ng 'good morning' or kahit mag 'po' man lang ay hindi. Tss. Kung sabagay, halos mag-kaedad lang naman kami but still, amo niya pa rin ako at katulong ko siya.




I look at her finger and I saw a blood dripping on it. Kinuha ko 'yon at tiningnan.




Hinatak ko siya papunta sa kusina. "O-Oy, saan mo'ko dadalhin?" Hindi ko siya pinansin at tinapat ang kamay niya sa gripo. Hinugasan ko 'yon hanggang sa mawala ang dugo.




Tulala siya at nakatitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.




"What?"




"A-Ah, wala! Sige, ahm nag-almusal ka na?" Umiling ako. Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya. "Bakit?"




"Samahan mo'ko." I said. Nagtataka niya akong tiningnan.




"Saan?" Psh. Bakit ba ang dami niyang tanong?




"Mall." walang emosyon kong sagot. Binitawan ko na siya at walang lingong-likod akong dumeretso sa kwarto ko at naligo na.




Heck yeah, I wanna punch my face. What the heck was that?



Kendra's P.O,V




Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagbibihis. Kanina pa ako nagtataka sa ikinikilos ng amo kong masungit. Ano bang trip niya?




Pupunta daw kami sa mall. Ano naman kaya gagawin namin doon?




Naka-gray shirt lang ako at maong pants. Nag flat shoes lang ako at lumabas na.




Nang pumunta ako sa garahe ay nagulat ako kasi nandoon na agad siya. Nakasandal siya sa itim na kotse at masama ang tingin sa akin. Bakit na naman?!




"What took you so long?" irita niyang tanong.




Napakurap ako. Ang gwapo---ay!




"Ha? Ano, wala!" Anong nangyayari sa akin? Bakit ako kinakabahan? Atsaka bakit ang lakas ng dating niya?!




Nakasuot siya ng puting shirt tapos may suot rin siyang blue na hoodie. Naka-pants din siya at white sneakers. Grabe naman 'to makaporma pero ang gwapo niya kahit ang simple ng suot. Nahiya tuloy ako :''>




"Oh? Ano pa hinihintay mo? Sakay na!" Natauhan ako bigla. Nakasakay na siya sa kotse. Dali dali akong sumakay at agad naman niyang pinaharurot 'yong kotse.




"Ano ba gagawin natin dito?" pag-uusisa ko.




"Will you just shut up? You're so annoying!" sigaw niya na ikinabwisit ko.




"Nagtatanong lang ako! Ako pa ang annoying ha?! Malay ko ba kung ano ang gagawin mo 'no, mamaya niyan may---ump!" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil sinalpakan niya ng candy ang bibig ko. Saan galing 'yon?!




Kunot ang noo niya at hindi talaga ko sinagot.





Umirap ako at nanahimik. Kanina pa kami dito sa mall pero paikot ikot lang naman kami. Kapag tinatanong ko naman siya ay sasabihan akong 'shut up.' -_-




Huminto kami sa covered court. Nakabuntot lang ako sa kanya at kung saan siya pupunta ay doon din ako. Daig ko pa nga 'yong anino niya eh.




"Tss. Dito ka nga sa tabi ko. Para kang stalker." Napasimangot ako pero hindi ko siya sinunod.




"Hoy." parang walang pangalang tawag niya na naman sa akin.




"Ano?" sagot ko, hindi siya tinitingnan.




"Dito ka sabi sa tabi ko!" angil niya.




"Ayoko."




"At bakit? Ang arte mo ah!" eskandaloso niyang sigaw.




"Sinong maarte ah?! Eh sa ayokong tumabi sa'yo!" naasar ko ng sambit. Bakit ba kasi sinama niya ako dito?!




Bigla niya akong hinatak at inakbayan. Papalag sana ako kaso tiningnan niya ako ng nagbabanta kaya hindi na ako umangal.




Kalma lang, Kends. Amo mo 'yan okay? Baka masesante ka ng wala sa oras.




Pinaupo niya ako sa isang upuan at tumawag siya ng waiter. Nag-order siya habang ako ay tahimik lang.




Dumating na ang order at lahat pero tahimik pa din ako.




Kumakain na siya kaya naisipan kong panoorin na lang siyang kumain. Tutal naman ay mukhang wala naman siyang balak na ayain ako. Adamot damot eh. -____-




"Ba't ang gwapo mo?" Aaaaah! Ano daw?! Ano ba 'yong sinabi ko?! Tengene! Nakakahiya ka Kendra! Dapat sa isip lang 'yon eh!




Napaangat naman siya ng tingin at maya maya lang ay ngumisi siya. Napayuko ako kasi nakakahiya!




Tumawa siya kaya mas lalo akong namula. Kasi naman!




"Ahm, Kendrick is that you?" anang babae kaya natigil siya.




Sabay kaming napatingin sa babaeng nagsalita.




Wow... Anghel ba siya? Bakit ang ganda?




"Hera? What are you doing here?" gulat na tanong ni Kendrick. Bakit siya nagugulat? Siguro na-star struck siya sa ganda ni ate ghorl 'no?




Bumeso naman 'yong babae sa kanya kaya nagulat din ako. Close sila? Magkakilala sila?




Aba malamang. Common sense, Kends. Tsk.




"Oh my god! Namiss kita Ken!" masayang sigaw nung babaeng Hera daw 'yong name.




"Kailan ka pa nakauwi?" tanong ni sungit. Mukha siyang masaya ngayon ah. Hmm, may something ba sa kanila?




Teka, girlfriend niya kaya 'to?!




"Kahapon lang! Tatawagan sana kita kaso hindi ko nga pala alam number mo! Haha!"




"Kamusta? Dito ka na ba for good?"




Sige lang, magkuwentuhan lang kayo. Hangin lang talaga ako promise.




Pwede ba mag-walk out? Nagchichismisan na kasi sila tapos ako nandito nakatunganga lang. Hangin lang ang ambag, tss. Nakaka-out of place talaga, pramis.




"Oh! Who's she?" Wow, napansin mo rin ako ah.




"She's my maid." Wow ulit. Okay, ang ganda ng pagpapakilala niya sa akin dito sa diyosa niyang frenny ah.




"Really? Ang ganda niya naman para maging maid mo lang!" Thank you sa compliment. BWAHAHA.




Bumaling sa akin 'yong babae at naglahad ng kamay.




"Hi! I'm Hera, and you are?" masaya niyang bati.




"K-Kendra..." Inabot ko ang kamay niya at nag-shake hands kami.




"What a nice name! Hihi, friends na tayo ah?" Alanganin akong tumango at nahihiyang ngumiti.




Sumabay sa amin si Hera at nagkuwentuhan sila ni Kendrick. Dahil chismosa ako ay nalaman kong galing palang US si Hera at dito na siya titira sa pilipinas for good. Bestfriends din sila ni Kendrick at talaga namang close nga sila.




Nakatitig lang ako sa kanila at pinagmamasdan silang dalawa. Kung titingnan, bagay sila. Maganda si Hera at gwapo naman si Kendrick. Para nga silang couple eh.




Kung pwede nga lang na sabihin ko na...




Gusto ko ng umalis...

---

END OF CHAPTER 7

Continue Reading

You'll Also Like

136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
2.3K 1.2K 40
Haru, Lucielle and Hero. Sino kaya ang pipiliin ni Lucielle sa kambal na sina Haru at Hero? Magkakaroon ba ulit ng lamat ang magkapatid dahil lang sa...
1.7K 64 29
"Ayuko ng ma-attach sa isang tao dahil sigurado akong iiwan din nila ako kapag dumating ang panahon watching them as they leave me just breaks my hea...