Capturing Her Heart

By DarkPncyl

41.1K 1.1K 130

BOOK FOUR OF SWEET BACHELOR SERIES |RATED SPG Xylyx Soreman is a leading champion when it comes in gossip. A... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter

Chapter 23

1.1K 37 6
By DarkPncyl

CHAPTER 23

NAGISING SI Sanie na para bang may yumuyugyog sa kanya. Idinilat niya ang mga mata at nakita si Xylyx na malapit ang mukha sa mukha niya.

"Hmm." Umayos siya ng pagkakaupo at kinusot ang mata. "Nasaan na tayo?"

"Ahm, i think we're here?" Hindi siguradong sagot nito. Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita ang daan patungo sa bahay nila. "Hindi naman tayo naliligaw hindi ba?"

Mahina siyang natawa sa sinabi nito. "Or course not."

Binuksan niya ang pinto saka bumaba ng sasakyan. Nag-unat siya ng katawan. Namiss niya ang sariwang hangin rito sa probinsya nila. Sa syudad ang lagi niyang nalalanghap ay polluted air.

Tumingin siya sa likod nang maalala niyang kasama pala nila si Lucas. Baka iniwan na iyon ni Xylyx sa daan.

Thanks god.

Nakahinga siya ng maluwag nang makita si Lucas na nakasandal sa kotse habang may kausap cellphone.

"Akala ko iniwan mo na siya sa daan." Wika niya at nilingon si Xylyx na nakapamulsa at nakatingin lang sa kanya. So hot!

"Even if i want to, i have no choice." Anito at napabuntong hininga. "Alam ko namang magagalit ka kapag iniwan ko yan."

"Buti alam mo." Natatawang wika niya. "Ayos, dito na tayo."

"Huh?" Napalingon siya rito. He look so confuse. Tumingin ito sa daan na patungo sa bahay nila. "Dito?"

Tumango siya. "Hindi kasya ang sasakyan niyo papasok sa iskinita na yan kaya maglalakad tayo."

"Malayo ba bahay niyo?" Tanong nito na para bang pagod na pagod ito. "Wala bang ibang daan papunta sa inyo? Yung kasya kotse namin?"

"Wala." Sagot niya at tinuro ang likod ng sasakyan. "Buksan mo na yung compartment para makuha na natin yung mga gamit."

Napabuntong hininga ito at sinunod ang sinabi niya. Napailing-iling na lang siya saka nilapitan si Lucas na tinabi na ang cellphone sa bulsa.

"Lucas." Tawag niya rito at agad naman itong lumingon sa kanya. "Tara na. Maglalakad tayo papunta sa bahay."

"Ah, sige. Kukunin ko lang yung mga gamit ko." Wika nito. Tumango na lang siya saka ito hinintay. Nang bumalik ito sa kanya ay may dala na itong isang backpack at dalawang gift bag. "Halika na."

Tumango siya at bumalik sa sasakyan ni Xylyx. Kinuha niya ang backpack niyang dala nito at pati na rin ang mga regalo niya para sa mga kapatid pero hindi siya nito hinayaang makuha iyon.

"Ano ba, bigay mo nga sakin yan." Aniya at pinilit na bawiin rito ang mga regalo pero itinaas nito ang kamay na may hawak na regalo. "Xylyx, akin na yan."

"Ako magbibitbit nito maglakad ka na lang." Anito. Wala na siyang nagawa kundi ang sundin ito. Nakatabi na rin sa gilid kung saan may parkingan talaga ng mga sasakyan para hindi sagabal sa mga sasakyang kasya sa iskinita. "Lead the way."

Inirapan niya muna ito saka nag-umpisa nang maglakad. Nang makapasok sila sa iskinita agad niyang nakita ang mga kapit-bahay nilang hindi naman tsismoso at tsismosa. Note the sarcasm.

Hindi na siya nagulat nang biglang magbulungan ang mga kapit-bahay nila nang makita na may kasama siyang dalawang lalaki. Bakit ba nauso ang mga tsismoso at tsismosa ngayon?

"Bakit sila nakatingin satin?" Inosenteng tanong ni Lucas nang makatabi ito sa kanya. "May problema ba sila?"

"Huwag mo silang pansinin." Napabuntong hininga siya saka masamang tingin ang pinukol sa mga kapit-bahay nilang nagbulungan na agad namang nag-iwas ng tingin. "Mga tsismoso at tsismosa yan dito. Konting kibot mo lang pag-uusapan ka na agad."

"That's kind of annoying." Wika nito na sinang-ayunan naman niya. "Hindi ba kayo naiinis?"

"Syempre naiinis. Sino ba namang hindi." Aniya. Ito ang rason kung bakit hindi mahilig umalis ng bahay ang pamilya nila. Dahil sila ang sentro ng usapan sa lugar nila. "Basta huwag mo na lang silang pansinin."

Lumipas ang anim na minutong paglalakad at pagtitiis sa mga bulungan ng mga kapit-bahay nilang kala mo wala sa harapan ang pinag-uusapan, nakarating na rin sila sa lugar nila.

Tahimik dito sa lugar. Ito na ata ang pinakatahimik na lugar dito sa lugar nila. Walang mga kapit-bahay na tsismoso at tsismosa at malawak rin ang lupain.

Naglakad siya papasok sa maliit nilang gate na gawa sa kawayan. Walang tao sa labas kaya alam niyang nasa loob ang pamilya niya.

"Huwag kayong maingay kasi gusto ko silang surpresahin." Wika niya sa dalawang asungot niya saka lumapit sa pintuan ng bahay nila. Kumatok siya ng dalawang beses. Lumipas ang ilang segundo, bumukas ang pintuan at bumungad sa kanya si Yako na mukhang bagong gising lang. "Hi, Yako."

Tumigil ito sa pagkusot sa sariling mata at dahan-dahang tumingin sa kanya at nanlaki ang mga mata. "Ate Sanie! Nay, tay, ate Kera! Andito na si ate Sanie!"

Malakas siyang natawa dahil sa lakas ng boses nito. "Kahit kailan talaga ang lakas ng boses mo."

"Ate!"

"Sanie."

"Anak ko."

Nagtaas siya ng tingin at nakita ang kapatid niya pati na rin ang nanay at tatay niyang kumakaway sa kanya.

"Namiss ko kayong lahat." Wika niya at isa-isang niyakap ang mga ito. "Kumusta kayo?"

"Ayos lang po, ate." Sagot ni Kera. Lumingon ito sa likod niya at biglang kumunot ang nuo. "Ate, sino yang dalawang lalaki na kasama mo?"

Nilingon niya sila Lucas at Xylyx na halata sa mukha ang kaba. Mahina naman siyang natawa. Nilapitan niya ang dalawa saka hinila papasok ng bahay.

"Nay, tay, Yako at Kera, this is my boss. Xylyx Soreman." Pakilala niya kay Xylyx.

"It's nice to finally meet Sanie's family." Wika nito na bahagya pang yumuko.

"Ito naman ang kaibigan ko, Lucas Perez." Pakilala naman niya kay Lucas.

Yumuko at nang mag-angat ng tingin, ngumiti ito. "I'm so happy to meet all of you."

"Kera Reyes." Pakilala ng kapatid niya. "I'm single by the way."

"Kera!" She hissed to her sister. Ngumuso naman agad ito. "Pasensya na sa kapatid ko."

"Yako nga pala, mga pare." Pakilala naman ni Yako. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ang pagkaseryoso sa mukha at ang tindig nito.

"Pasensya na kayo sa mga kapatid ni Sanie." Paumanhin ng ina niya at bahagyang natawa. "Oh siya, pumasok na kayo at maupo. Magluluto lang ako. Hindi ka naman kasi nagsabi na uuwi ka pala ngayon at may kasama ka pa."

"Gusto ko kasi kayong surpresahin, nay." Aniya at niyakap ang ina. "Tay, namiss kita."

"Namiss din kita, anak." Anito saka niyakap rin siya. "Anak, wala ka bang kasintahan ni isa sa mga yan?"

"Tay, naman e." Wika niya at bahagya itong pinalo sa braso. "Wala ho. Hindi rin ho ako nagbabalak na magkagusto sa mga yan."

"Gwapo naman silang dalawa ah, pero para sakin mas gwapo yung amo mo, anak." Pabulong na wika ng kanyang ama na ikinamula ng pisngi niya. "Anak, tandaan mo na suportado ako sa relasyon mo."

"Tay, wala kaming relasyon." Iritadong wika niya. Bakit ba kasi ang kulit ng ama niya? "Amo ko lang siya."

"Ate, medyo type ko si Lucas." Pabulong na wika sa kanya ng kapatid niya. "Bigay mo na lang sakin."

"Kera, tigilan mo ko." Aniya at pinanliitan ito ng mga mata. "Sobrang layo ng age gap niyong dalawa kaya maghunos-dili ka."

"Ano ba kayong mag-ama, pagod yang mga yan, paupin niyo muna sila." Ani ng ina niya at mahinang pinagpapalo ang ama niya at ang kapatid niya. "Yako, bumili ka nga coke sa labas, anak."

"Sige ho, nay." Sagot ni Yako.

Humarap siya sa dalawa at tinuro ang sofa. "Maupo muna kayo. Tutulungan ko lang si nanay." Nilapitan naman niya ang ama at kapatid niya na nakatayo lang sa isang tabi habang nakamasid kila Lucas at Xylyx. "Kayo hong dalawa, pakiasikaso sila kasi ho tutulungan ko si nanay sa kusina. Kera, no funny business."

"Aish, magtiwala ka sakin, ate."

Naiiling na pumasok siya sa kusina at tinulugan ang ina. "Nay, tulungan ko na ho kayo."

"Hindi na, anak. Ako na dito. Magpahinga ka na lang dun, alam kong napagod ka sa byahe." Ani ng ina pero nagpumilit pa rin siya. "Sige na, Sanie, ako na dito."

"Hayaan niyo na lang ho ako, nay." Wika niya. Tinulugan niya ang ina sa pagluluto. Siya ang naghiwa sa mga sahog na kailangan habang ang ina naman niya ang nagluluto. Siya na rin ang naghugas.

"Anak?"

"Bakit ho, nay?"

"Wala ka bang kasintahan ni isa sa kanila?" Muntik na niyang mahulog ang platong hawak dahil sa tanong ng ina niya. Bakit ba pati ang ina niya ay nagtatanong? "Huwag mo sanang mamasamain pero umaasa ako na ni isa sa kanila ay kasintahan mo."

"Nay, alam niyo namang ho diba na wala pa ho yan sa isip ko ngayon." Seryosong wika niya habang pinagpapatuloy ang paghuhugas. "Saka kaibigan ko lang ho talaga sila. Wala akong balak na makipagrelasyon sa isa sa kanila."

"Alam mo, umasa kami ng tatay mo na may ipapakilala ka na samin pagbalik mo dito." Napatingin siya sa ina nang mapagtanto niyang seryoso ang tono ng pananalita nito. And she was right, her mother is dead serious alright. "Kaya nga nang makita namin na may kasama ka natuwa kami."

"Nay," hinugasan niya ang kamay na puno ng bula at nagpunas bago humarap sa ina, "sa ngayon ho, hindi pa nabubuo iyan sa isip ko."

"Pero, Sanie, naman. Matanda ka na. Dalawang taon na lang ang lilipas magpapaalam ka na sa kalendaryo." Wika nito. Hindi na siya nagulat sa sinabing iyon ng ina niya. Karamihan naman ng nakakakilala sa kanya ganoon ang sasabihin. Kesyo magpapaalam na siya sa kalendaryo ay wala pa rin siyang asawa. Like she cares. Her mother sigh. "Pero kung iyan ang desisyon mo, siguro wala na kaming magagawa kundi suportahan ka. Pero tandaan mo na pagtuntong mo ng trenta anyos mahirap na ang buhay pag-ibig."

Hindi na siya nagsilata at ganoon rin ang ina niya. Hanggang sa matapos sila sa ginagawa ay hindi sila nagkibuan. Dahil siguro sa iniisip niya ang sinabi ng ina niya.

Mahirap na ang buhay pag-ibig pagtuntong niya ng trenta. Bakit ba lagi niya iyon naririnig? Tutol na ba ang mundo sa pagiging single niya?

"Anak, tawagin mo na ang mga kasama para kumain." Ani ng ina na agad naman niyang sinunod.

Lumabas siya ng kusina at nagtungo sa sala para lang makita kung gaano kakulit ang ama't kapatid niya. Si Kera ay nakakapit sa braso ni Lucas na parang tuko habang ang ama naman niya ay kinakausap si Xylyx na halatang nakukulitan na rito.

Naglakad siya palapit sa kapatid at mahinang hinampas ang ulo nito at ganoon rin sa ama.

"Tigilan niyo nga silang dalawa." Wika niya. Napanguso naman ang kapatid niya habang ang ama naman niya ay napabuntong hininga. "Kayong dalawa, tara sa kusina kakain na tayo."

Tumayo ang dalawa at nagpaalam sa ama't kapatid niya bago sumunod sa patungong kusina. Wala na ang ina niya sa kusina nang makapasok sila sa loob.

Hindi na niya ito hinanap ang naupo na sa upuan ganoon rin ang mga ito. Tumabi ng upo sa kanya si Xylyx habang si Lucas naman ay umupo sa kaharap niyang upuan.

"You have a nice family." Wika ni Xylyx na ikinangiti niya. So he find my family nice. Hintayin lang nito ang ang araw na papahirapan na ito ng ama niya. "Sana may ganito rin akong pamilya."

"Why? Does your family disown you?" Tanong ni Lucas na medyo ikinainis niya. Tinignan niya na may masamang tingin. "What?"

"Don't say that." Wika niya saka napabuntong hininga. "You don't know him."

Sinulyapan niya si Xylyx para lang makita ang walang emosyon nitong mukha. Sigurado siyang nasaktan ito sa sinabi ni Lucas. Kahit naman kung siya ang nasa posisyon nito ay masasakyan siya.

That's a biggest turn off for her. Judging someone even though you don't know them. Tulad na lang mga tsismosa nilang kapit-bahay, hindi niya gusto ang mga ugali nun.

"Sorry." Hingi ng tawad ni Lucas. Napatingin siya rito at nakita niya itong nakatingin kay Xylyx. Well, Xylyx is not looking at him though. Ano pa nga bang aasahan niya. "I shouldn't judge you like that."

"Kumain na tayo." Aniya para mawala ang awkwardness na bumabalot sa kanila. "Masarap yang luto ni nanay. The best yan."

Siya na ang naglagay ng pagkain sa plato ni Xylyx dahil mukhang wala itong ganang kumain. Pero dapat kumain ito dahil ilang oras itong nagdrive.

Hapon na nga nang makarating sila dito at wala siyang tanghalian kaya sigurado siyang gutom ito.

"Kumain ka na." Wika niya. Hinawakan niya ito sa balikat. "Hindi bagay sayo nakasimangot, hindi ka ma gwapo."

Xylyx look at her and smile. Yun yung ngiting walang laman. Halatang pilit.

Hindi naman niya ito masisisi dahil alam niyang namimiss na rin nito ang pamilya. But unfortunately, si Xyrin na lang ang pamilya nito. She felt sorry for her.

At that time, an idea came to her mind. She wants him to be happy. And she'll help him to get over that pain. The pain that he has been keeping for all these years.

-------
:)

Continue Reading

You'll Also Like

164K 10.9K 125
Disclaimer: I do not own this story, this is just and heavily edited MTL. Full title: Stockpiling Supplies and Raising a Child in the Post-Apocalypti...
411K 55.1K 142
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
314K 7.6K 79
Truyện: Đêm đông hôn đóa hồng Tác giả: Khương Lãm Nguyệt Số chương: 78 chương Thể loại: Ngôn tình, hiện đại, gương vỡ lại lành, hào môn thế gia, lâu...
6.8K 213 35
SERIES COLLABORATION: CEO's SERIES 10 by 3shaaah The hotties CEO from Manila, his name is Levisian Astreo. He like playing girls and he didn't want...