A Martial's Query (Saint Seri...

By gereyzi

22.7K 1K 787

6/6 of Saint Series. Sylvia Ameliah and Feliciano are engaged for years. Little did Chano know that the 'mald... More

A Martial's Query
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 7

558 32 12
By gereyzi

Chapter 7
Wake

"Wake me up before you go-go..."

Chano sing along with the old song as he dances in front of me. Nasa room kami ni Rom ngayon at heto si Chano, nakialam ng cassette ni Tita Paige. Pauwi na sana kaming dalawa nang marinig niya iyong tumutugtog. Katatapos lang ng 8th birthday party ni Raciela, kapatid ni Rom.

"Yeah, yeah, yeah, baby!" Pasigaw na kanta ni Chano. Hawak pa niya ang suklay ni Rom para gawing mic.

"Are we serious that he's part of us?" tanong ko kay Rom nang pumasok siya sa kwarto.

"'Cause you're my lady
I'm your fool
It makes me crazy when you act so cruel
Come on, baby , let's not fight,
we'll go dancing and everything will be alright!" patuloy ni Chano. "Wake me up before you go-go, don't leave me hanging on like a yo-yo..."

"Oh my God!" napapahiya kong usal at nagtaklob na ng tenga. Narinig ko naman ang tawa ni Rom na ngayo'y kinukuhanan na ng vid si Chano.

"Wake me up before you go-go 'cause I'm not planning on going solo..." kanta niya habang palapit sa akin. Nanlaki ang mata ko when he pulled me for a dance. Wala akong nagawa nang hawakan niya ako sa kamay para iikot.

"You stupid talaga!" tumatawa kong sabi at sinabayan na siya sa pagsayaw nang i-sway niya ako.

"Woooh!" huling sigaw niya.

Nang matapos sa pagiging crazy si Chano umalis na rin kami sa bahay nila Rom. Bike ko ang gamit namin habang siya ang nagmamaneho, naka-angkas lang ako habang dinadama ang patak ng snow at malamig na simoy ng hangin.

The party was funny. But it was funnier when Chano danced with me. He's epic! He was so happy so I let him be, even though he looked stupid.

"What's your plan this Christmas? It's coming!" masaya kong sabi habang nakasuot sa bulsa ng winter coat niya ang aking kamay. Nasa likuran ako ng bike.

"Home... alone?" he replied plainly.

"Huh? No family dinner or anything?" tanong ko. Tumigil ang bike dahil nasa harapan na kami ng napakalaki nilang bahay. Parang palasyo sa laki pero... parang wala tao always? Why kaya?

"Wala-"

"Oh come on, honey!"

Natigil ang sasabihin ni Chano nang may lumabas sa bahay nila. I saw a lady and a man going out of the house. They're magka-akbay at nagtatawanan dahil sa usapan nila.

Are they Chano's parents?

"Anak..." said by the man when he saw us. He looked so shocked. He looked like Chano! Matandang version at mas seryoso ang figure ng face.

"Are you two his parents? I'm Liah po-"

"Martial, halika na!" pigil sa akin ni Chano. Nagulat ako nang higitin niya ako pabalik sa angkasan at mabilis iyong pinaandar.

"Hey! What's the problem ba?" usisa ko dahil ang bilis ng pedal niya sa bike. "Can you please stop the bike? We're far from them na!" angal ko.

Sinunod naman ni Chano ang aking utos. Nang makababa ako sa bike ay mabilis din siyang bumaba. Dumiretso siya ng upo sa sidewalk at isinubsob ang face niya sa kaniyang knees.

"Hey! What's the problem? You can't just sleep here..." usal ko. Natigilan ako nang marinig ko ang iyak niya. Hindi ko alam ang ire-react kaya nanlalaki ang mata ko na pinanood siya na nakayuko habang iyak nang iyak.

Nang hindi ko talaga ma-figure out ang aking gagawin ay tumabi na lang ako sa kaniya. I was so nervous when I let my hand tap his back slowly as he cries.

"T-the g-girl..." panimula niya after yata ng ten minutes na pag-cry niya. "She's... s-she's dad's... m-mistress. Iyon... a-ang reason k-kaya home alone ako... s-sa pasko," he added while sobbing. Nanlaki ang mata ko dahil doon.

"How about your mom? Where is she?" panchi-chismis ko.

"Work," he replied. Nakakawa niyang pinunasan ang pisnge niya kaya I pouted at tinulungan siyang punasan iyon. "With his boyfriend, too."

I bit my lower lip after hearing that. Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagtapik sa kaniya. Akala ko puro lang siya naughtiness. I never thought na ganito pala s'ya ka-sad. I feel so guilty for being mataray sa kaniya tuloy! But still! If he's makulit, tatarayan ko pa rin siya!

"You can spend your Christmas with my family naman, e. Ipagsasabi kita."

"Talaga?" his face brighten up. Mabilis akong tumango at muling ni-remove ang tears sa face niya.

"Uh-hum! I'll be here for you till you don't need me anymore. I promise," I replied. Determined to make him feel that he's not alone.

"Salamat, Martial! Huwag ka rin mag-alala. Kahit anong mangyari ay sasamahan kita!" sagot naman niya. Napangiti ako dahil doon at ganoon din siya.

"Pupa, paki-abot naman nung pako!" sigaw ni Chano mula sa hagdan.

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sahig at inabutan siya ng pako. Nasa tapat siya ng pintuan ng mini office niya ngayon at ikinakabit doon ang name plate ng kaniyang pinto. Nakasaulat doon ay 'Havoc's Piece of Advice'. Hindi na niya nabago into my plan ang business name kasi hindi na raw pwede baguhin dahil iyon na ang na-submit niya sa school. Hinayaan ko na lang dahil kinukulit na siya ng customers niya na buksan na ang office niya.

Duda ako na advice ang gusto ng mga kababaihan. Hmp!

"Kailan mo planong buksan 'to?" tanong ni River na abala ngayon sa pagpipinta ng kahoy na pader.

Maliit lang ang office ni Chano. Para lang malaking box na nilagyan ng bintana at mga gamit sa loob. Punong-puno iyon ng libro at mga materyales para sa advice niya. Hindi ko alam kung paano naging pang-advice sa usapan ang condom. Mayroon din kasi siya noon, in case daw na humingi ng ganoon ang customer niya ay bebentahan n'ya.

"Mamaya kapag natuyo 'yang pinipinturahan mo na hindi mo matapos kasi busy ka kate-text," Chano said with a smirk. Napapahiya naman si River na ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa matapos itabi ang kaniyang cellphone.

"Pogi, i-abot mo kay Tito yung pintura dali," pakiusap naman ni Reego kay North. Nagulat ako nang masiglang tumango ang bata at malugod siyang sinunod.

"Aba, hoy! Kapag sa akin ay angal ka ng angal sa utos ko!" puna ko kay North. Binelatan lang niya ako bago buhatin ang lata ng pintura palapit kay Reegs.

"It's because you're mataray?" sagot ni North. Tumayo ako at namewang sa harapan niya. Ginaya niya ako at pinaningkitan pa ng mata.

"Hmp! Kung hindi ka lang pogi, e!" nanggigigil kong pinisa ang pisnge niya.

North is very book character type. With his brown curly hair, a little thick eye brows, long eyes lashes, pointed nose, and reddish lips. Ganoon din si South. Hindi ko maunawaan kung paano sila nagawang iwan ng magulang nila.

Pero, anyway, ganoon siguro talaga kapag masyadong maganda ang pagkakagawa, iniiwan. Look at me, abandoned.

"Kain tayo, Pupa, after this!" anyaya ni Chano nang nililigpit na namin ang aming pinag-gawaan. Kaagad namang umalis sila River dahil may pupuntahan pa raw sila.

"Can't," sagot ko. "South, go get your things na. Sabihin mo 'yan sa kapatid mo rin."

"Yes, Nanay!" mabilis na sagot ni South.

"Bakit naman, Pupa? It's Sunday! Fam day!" Chano said with a pouted lips.

"Anong fam day ka r'yan?" I asked bluntly. "I have to meet Daddy today. We'll go eating together," I added while smiling.

Napanganga si Chano dahil sa aking sinabi. Kaagad siyang tumango at nakipag-apir. "Be happy, ha? Kapag hindi ka happy ay susunduin kita!" he said. Kaagad akong tumango.

"Kapag hindi ka maka-move on ay manahimik ka, ha?" balik ko. Inirapan lang niya ako at binalingan ang aking cellphone nang tumunog iyon.

"Why is Gallad calling you, Pupa?" tanong niya habang hawak ang aking cellphone. Nanlaki ang aking mata at kaagad na kinuha 'yon sa kaniya.

"Ewan ko," agap ko. Kinuha ko na ang aking gamit para makaalis na.

"You're lying, Pupa," he replied with a bored look.

"I... uh... he'll be eating with us-"

"Okay. Ingat kayo," putol niya sa akin bago ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Matamlay niyang inabot sa akin ang papel, hindi ako tinitingnan. "Sa isang linggo ang Valdemorian Day. Iyan gate pass mo."

Mabilis akong lumapit kay Chano at kinuha sa kaniya ang papel. Tiningnan ko ang nakasulat doon bago iyon ibinulsa. "Sige. Pupunta ako. Salamat! Bye kids!" paalam ko.

Nang palabas na ako ay narinig ko ang mahinang sabi ni Chano na, "Sabi n'ya ako raw hindi maka-move on. S'ya rin naman pala."

Hindi ko pinansin si Chano. Mabilis akong umalis ng Valdemor para puntahan si Gallad at Drake sa parking lot dahil sa lakad namin. Hindi naman totoo ang sinabi ko na kasama namin ni Daddy si Gallad sa aming late lunch mamaya. Magpapasama lang kami ni Drake sa ama ni Gallad na lawyer para sa paghahanda ko.

I want to view cases na pwedeng isampa sa nanay-nanayan ko kapag kaya ko na siyang kaharapin. Nasabi ko na rin naman kay Daddy ang plano ko kaya magkikita kami ngayon.

"She can change her surname din naman, ano?" tanong ni Drake sa lawyer.

"What? Ayaw ko!" agap ko sa aking kapatid. Kaagad na kumunot ang noo niya.

"At bakit? Akala ko ba galit ka sa kanila?" matabang niyang tanong.

"Hindi, ah! Si Mommy lang ang sasampahan ko ng kaso! I love Daddy and my siblings!" depensa ko. Drake shrugged, hinayaan na rin ako sa aking gusto.

"So, anong plano mo?" tanong ni Gallad.

"Bahala na soon. I'm just reviewing the case," tumatango kong sabi.

"Isn't she your girl?" nangingiting tanong ng tatay ni Gallad sa kaniya.

"Ex-girl po," sagot ko.

"She's engaged," paliwanag ni Gallad sa ama. He smiled at me after that. Umiwas ako dahil naaawa ako sa kaniya.

I really liked him before, it's just that, hanggang like lang talaga. Ayaw ko naman maging unfair sa kaniya kaya I broke up with him. Hindi na rin naman niya ipinipilit at pinangakong tutulungan na lang niya ako. He was there for me the whole time. Ang kaso lang, it was Chano who accepted the first time he knew. Si Gallad kasi ay nahirapan tanggapin kung ano ako. Pero hindi ko naman... nagustuhan si Chano dahil tinanggap niya ako. I... loved him because he showed me himself. I loved him because of his flaws that I've witnessed from the very beginning.

Alam kong malabo na magustuhan ako ni Chano romantically pero ine-enjoy ko na lang ang oras na kasama ko s'ya. I won't tell him my feelings. Akala kasi yata niya ay platonic ang friendship namin. Hays.

Matapos ang aming meeting with the lawyer ay nagpaalam na kaagad ako sa dalawa kong kasama dahil late na ako sa meet up namin ni Daddy. I want to tell him what we talked about there.

"That's good," seryosong sabi ni Daddy habang abala sa pagbabasa ng kaso. He's on his uniform today. Martial na Martial ang hitsura. "I'll be your backup if she uses her power. Huwag kang umasa masyado sa mga kapatid mo, mahihirapan sila to take sides because she's still their mother."

"Yes, Dad, I understand that," agap ko.

"Good. Now let's eat. I miss eating with my pretty daughter," sagot niya at ngumiti pa ng bahagya. Nahabag ang puso ko nang marinig ko mula sa kaniya ang salitang anak. Mabilis akong tumango at masayang kumain.

"Pero, Dad... kung nahihirapan ka sa situation ay kaya ko naman po," sabi ko makalipas ang ilang sandali. "I have Chano naman po in case na you have to take Mommy's side."

"Of course, you have Chano, anak," natatawang sabi ni Daddy. "Kaya nga siya ang napili kong ipakasal sa'yo. Ang hinihintay ko lang nama'y magsabi kayo ng date ng kasal n'yo."

"I think Chano's not yet ready for marriage, Dad," I smiled at Daddy. "He just broke up with Chantal. I respect every bit of him kaya ayaw kong pangunahan s'ya."

"Hay, ang anak ko ay dalaga na talaga."

Nang umalis si Dad sa restaurant kasama ang sangkatutak niyang tauhan ay umalis na rin ako kalaunan at dumiretso sa mall na malapit lang sa lugar. Plano kong bumili ng dinner just in case na umalis ng bahay si Chano ngayon. Baka walang pagkain ang mga bata. Bibili na rin ako ng groceries.

"L-Liah?"

Mula sa pagiging abala, nilingon ko ang tumawag sa akin. Mabilis akong ngumiti nang makita ko si Zoey. Namimili rin.

"Hi! Alone?" tanong ko. Mabilis siyang tumango.

"Ano... I followed you since I saw you at the restaurant," she said. Nagulat ako dahil doon pero hindi ako nagpahalata. "Was that your father?" she fired again.

"Oo. Bakit?" sagot ko. Inilagay ko sa cart ang aking pinamili.

"Wala naman. Kilala rin pala ang tatay mo."

"Ah, oo," awkward kong sabi. Naging tahimik kaming dalawa matapos iyon kaya pinili ko na lang na magpatuloy.

"Uh... Liah?"

"Hmm?" abala kong sagot kay Zoey.

"Can you... teach me how to be confident?" tanong niya. Natigilan ako sa aking ginagawa at nakangiti siyang nilingon. "Gustong-gusto ko lang talaga yung way ng pagiging confident mo."

"Of course! You want to do it now?" tanong ko. Mabilis siyang tumango, inayos pa ang kaniyang salamin. "Okay, then. Let me finish this first before we proceed."

Mabilis kong tinapos ang aking pamimili ng kailangan at ganoon din naman siya. Kaya pala siya namimili ay dahil ubos na raw ang laman ng sari-sari store ng kaniyang nanay.

"A-ayos ba?" nahihiyang tanong niya nang makalabas siya sa dressing room ng boutique na pinagdalahan ko sa kaniya. "Uh, Liah... yung mura lang sana-"

"Aish! Stop that! Ako bahala sa bayarin. Basta ang kailangan ay maging confident sa isusuot mo para kaya mo silang harapin," agap ko.

"Huwag na! Nakakahiya, Liah-"

"No, Zoey," putol ko ulit sa kaniya. Tumayo ako sa couch at nilapitan siya. "Show them bitches that you're not puchu-puchu!" determinado kong dagdag.

"Puchu-puchu?" Nagtataka niyang tanong. Natigilan ako sa tanong niya at napaisip.

"Hmm... Let's say na... hindi ka basta-basta na tao lang," sagot ko. "After dress fitting, we'll go to salon and let's fix that hair," maarte kong sabi.

Matapos namin makapili ng masusuot ni Zoey ay tumungo na kami sa salon. Medyo nailang pa ako dahil parang... uhm... kagaya ng style ko ang napili niya. Pero baka ganoon naman talaga ang choices n'ya, di ba? Baka wala lang siyang money to buy some.

"Ganda!" I utter when I saw Zoey's final look.

Ang buhok niya dati na simple straight ay pinakulot niya. Ang sobrang kapal na kilay niya ay ipina-ahit ko sa mga parlorista, while ang salamin naman niya ay pina-palitan ko ng contact lenses. Isang set ang binili ko for her. Binilihan ko rin siya ng new glasses dahil malabo na rin daw ang luma niya.

"S-salamat, Liah," nahihiya niyang sabi. "Hindi mo naman ako kailangang gastusan para matulungan, e."

Nang sabihin iyon ni Zoey ay lantaran ko siyang inirapan. "Oh, please! Iyan lang na kabutihan yata ang alam ko kaya huwag ka nang umangal!"

Matapos kong masigurado na ayos na ang hitsura ni Zoey ay inaya ko naman siya sa kainan. Sa 90s Best kami pumunta, doon ko napili dahil wala naman si Chano.

"Hi, Miss Zeich!" bati sa akin ng manager.

"Hi! Please, give us these. Thanks!" sabi ko bago iabot sa kaniya ang list ng food na in-order namin.

"Bakit... hindi mo yata kasama si Chano?" nag-aalangan na tanong ni Zoey.

Dahil sa pagiging halata niya na gusto niya si Chano ay pinaningkitan ko siya ng mata. "You like him?" I fired.

"Ha? H-hindi, Liah!" she said defensively. Umiwas siya ng tingin at nagsimula nang mailang sa akin.

"I'm clearing this to you na agad, ha?" paglilinaw ko. Nang makita kong tatanggi siya ay nagsalita ulit ako. "He's my fiancé. Let's say na fixed marriage ang magaganap but I don't share. I may be stupid when it comes to him but I don't want to be martyr for as long as I can."

"Liah, hindi naman-"

"Hep! Enough," pigil ko bago ngumiti. "I saw your secret messages to him. It's fine to adore him, okay? Just don't go beyond boundaries," paalala ko.

"O-oo. Sorry," napapahiya niyang sabi.

"Again, it's fine. Sanay na akong maraming kaagaw," sanay din akong hindi pinipili.

But I won't share this time, sorry.

"H-huwag ka mag-alala! Titigilan ko na ang pagme-message sa kaniya. You don't deserve to be treated that way. Sorry ulit!" said Zoey na tinanguhan ko.

Pasado alas otso ng gabi nang makauwi ako. Nagulat pa ako nang si North ang nagbukas ng gate, naka-pamewang at kunot-noong nakatingin sa akin.

"What?" tanong ko. Hinigit ko siya sa kamay papasok sa bahay.

"You're very late! Hindi ka manlang nagsabi!" bwelta ng bata. Natigilan ako dahil sa narinig, kaagad akong napangiti at mabilis na nag-squat sa harapan ni North para maharap ko siya.

"Nag-aalala ka sa nanay?" tanong ko.

"What? No! Eww!" depensa niya at itinulak pa ang mukha ko palayo. "It's just that, we're very hungry! Tatay Chano went out with his friends just minutes ago. Our yaya went out, too. Nagka-emergency raw sa house nila!"

"So... Kayo lang dalawa ni South ang naiwan?" gulat na gulat kong tanong. Hinawakan ko ulit siya sa kamay nang tuluyan kaming makapasok sa loob.

"Yes! You're very late!"

"Kuya, so ingay!" angal ni South na nasa couch, abala sa panonood ng TV.

"I bought nuggets. Is it okay for you two?" tanong ko. Nagkatinginan ang kambal at sabay na tumango. Napangiti ako. "Good. Now, help me prepare our dinner."

"Okay!" masiglang sabi ni North. Nagulat ako nang mauna siya sa kusina.

"What's his problem?" tanong ko kay South bago siya binuhat mula sa couch.

"It's his favorite. Shh, Nanay!" mahinang chismis sa akin ni South. Napanganga ako dahil doon at tumango.

Nagsimula akong magluto ng dinner namin. Ang inuna kong lutuin ang kanin bago ko isinunod ang nuggets. Sila South at North nama'y siyang pinag-ayos ko ng lamesa. Sinigurado kong hindi sunog ang nuggets dahil baka maka-plus points ako kay North kapag maayos ang luto ko.

"Okay, let's eat!" I announced after putting our viand on the table. Masayang naupo naman ang dalawa. Napangiti pa ako ng lagyan ni North ng ulam ang plato namin ng kakambal niya.

"Tatay Chano told us to give you many food when we're eating with you," seryosong sabi ni North. "You're so skinny, he's right."

"Wow!" nai-usal ko na lang. "By the way, who's with your tatay?" usisa ko.

"Girl," North replied plainly. Kaagad kumunot ang noo ko.

"You liar! He's with Tito Reego and the rest! I've heard they're gonna drink juice!" pagsali ni South. Sumimangot si North dahil sa sinabi ng kapatid.

Juice ba talaga?

Pasado alas nueve nang ihatid ko ang dalawa sa kwarto nila. Palabas na sana ako roon nang marinig ko ang mahinang iyak ni South at ang pagsaway naman sa kaniya ni North.

"Will you please be quiet? We've cost enough here! Nakakahiya na, South!" said North. Mabilis ko silang nilingon, nakita kong yakap na niya si South na ngayo'y umiiyak.

"I just miss mommy! I want a mommy!" ani ng nagta-tantrum na si South. Bumuntong hininga ako dahil doon saka ko sila nilapitan. Marahan akong tumabi sa kanila at niyakap si South.

"It's okay, Nanay Liah's here. I'll be your mother," bulong ko sa kaniya. I kissed her forehead after that. Si North naman ay kunot-noong nakatingin sa akin. I smiled at him at hinigit din siya para yakapin. Akala ko'y aangal siya pero nagulat ako nang maramdaman ko na dumampi na sa aking braso ang maliit niyang kamay.

"Thank you... Nanay," he whispered.

Uminit ang puso ko dahil doon pero tumango na lang ako at hindi na nag-react. Baka maunsumi at magsungit bigla, e.

I've decided. Hangga't hindi tapos ang foster period namin sa kanila ay gagawin ko ang lahat para lang maparamdam sa kanila na may nanay sila. Ang alam ko kasi, may nakapulot sa kanilang dalawa sa lansangan. Sabi raw ni North sa nakapulot sa kanila ay bigla na lang sila iniwan ng mommy nila. Wala silang ama. Iyon lang ang alam nila.

They were named North and South dahil sa magkaibang lugar sila natagpuan kagaya ng pangalan nila. Nagkataon lang na sa iisang bahay-ampunan sila dinala kaya nagkatagpo.

Alas dyes nang umalis ako sa kwarto nila. Hindi muna ako natulog dahil nilinis ko pa ang kusina at sala dahil sobrang kalat noon. Ngayon ko lang din napansin ang text sa akin ng aming katulong, napag-alaman ko na isinugod daw sa ospital ang asawa nito kaya kinailangang umuwi. Bukas daw siya babalik.

Nang matapos ko ang paglilinis ay pumasok na ako sa aking kwarto. Pero dahil hindi makatulog, kinuha ko ang aking art materials. Ang pinakamalaking canvas ang aking napili na pintahan. Dinala ko iyon sa sala at doon inilatag ang panibagong kalat ko. Hindi ko alam kung ano ang ipipinta kaya napili kong ang mansyon na lang ang ipinta.

Nasa kalahatian na ako ng aking ginagawa nang matigilan ako dahil sa tunog ng gate mula sa labas. I looked at the wall clock, it's passed one in the morning. Kaagad akong tumayo at binuksan ang pinto, napaatras ako nang makita si Chano na nasa labas at lasing na lasing.

"Hi, miss, ang ganda mo!" he said while very drunk. Ilang saglit ay tinitigan niya ako nang may mapupungay na mata. "Ang ganda mo naman! Kasing ganda mo si Martial, oo," parang baliw niyang dagdag.

Bumuntong hininga ako bago ko siya dinaluhan. Inalalayan ko siya papasok ng bahay habang daldal siya ng daldal.

"Alam mo ba na ang lungkot-lungkot ko ngayon? Sumama ako sa mga kaibigan ko kasi sabi ko baka nadismaya lang ako kanina nung iwan ako ni Martial. Pero alam mo?" tanong niya habang pasuray-suray kami na umaakyat sa hagdan. "Kahit ilang inom at sigaw ko sa bar kanina ay hindi maalis-alis yung bigat sa puso ko."

"Bakit naman?" tanong ko. "Umayos ka nga! Ang laki-laki mo!"

"Hindi ko alam. Ang alam ko, mahal na mahal ko si Chantal," tumatawa niyang sabi. Natigilan ako dahil doon. "Pero ang hindi ko maunawaan ay kung bakit ang sakit na makita si.. si... ano na kasama ni..."

"Ni?" usisa ko kahit napipikon na ako.

"Ni Gal-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil natumba na siya sa hagdan. Tulog na tulog na. Napairap na lang ako dahil bigla akong nainis nang marinig ko na mahal niya si Chantal. Nilapitan ko siya at akmang itatayo na nang matigilan ako dahil sa mahinang hikbi niya.

"Ang sakit-sakit n'ya mahalin," parang bata niyang sabi. Umiwas ako ng tingin nang makita ko ang butil ng luha na lumabas sa isa niyang mata habang nakapikit siya. "Sana ako na lang."

"Wake me up before you go-go..." mahinang kanta niya bago tuluyang nakatulog ulit.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...