Beyond the Raging Storm

By Eleynnne

1.1K 216 1

Survival Series 1 More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 27

2 0 0
By Eleynnne

Chapter 27

"Get a hold of yourself, Tasheeva. Don't let your words be their victory. Your life is on the line."

Tumango lang ako sa sinabi ni Atty. Locson. Alam kong nakikita na nila ang pagkabalisa ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko, naghihintay na sa akin si kamatayan.

"Come on honey. You'll be proven not guilty. Umupo ka na dito dahil ako ang nahihilo sa ginagawa mo." Sambit ni mama nang mapansin na kanina pa ako palakad-lakad sa harap nila.

Agad naman akong umupo sa tabi niya at humingi ng paumanhin. Mahigit isang buwan nang buntis si mama at kasabay noon ay ang pagbilis rin ng usad ng kaso ko.

"You are not thinking about your case, right? Tell me, is it Storm?"

Nanlamig ako sa sinabi ni papa. Nilingon ko siya at nakita kong deretso lang siyang nakatingin sa harap. He's void of any emotions. May alam kaya siya sa biglaang hindi pagpapakita sa akin ni Storm?

"It's not like that, pa. Hanggang ngayon kasi, nagtataka pa rin ako kung bakit hindi na siya nagpapakita sa akin. He's not like that." He would never ghost me.

Yumuko ako matapos makaramdam ng hiya sa sinabi ko. Akala ko ay hindi na sasagot si papa dahil iyon naman ang lagi niyang ginagawa 'pag si Storm na ang pinag-uusapan namin ngunit nagulat na lang ako nang makitang padabog siyang tumayo.

"Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon niyo, Tasheeva? You are a suspect for killing his grandmother! Lola niya! Ikaw na rin mismo ang nagsabi na siya ang pinakamalapit sa matanda kaya bakit ka pa nagtataka? Ano? Nagbubulag-bulagan ka na lang ba? Malamang ay napaniwala na 'yon ng pamilya niya na ikaw nga talaga ang pumatay sa lola niya dahil sa lahat ng mga ebidensyang hawak nila. Kaya pwede ba? Kalimutan mo na siya at isipin mo muna ang sarili mo kung paano ka makakalabas sa gulong pinasok mo!"

Namumula ang mga mata ni papa at kahit na hindi siya sumisigaw ay mariin naman ang pagkakasabi niya kaya halos makita ko na ang mga ugat sa kaniyang leeg.

Agad na tumayo si mama para pakalmahin si papa. I was left dumbfounded. Maihahalintulad ko si papa sa isang bulkan na sumabog dahil punong-puno na ito. Nakatitig lang ako sa kaniya.

Hindi ako nakaimik lalo na nang nakita ko ang marahas na paglandas ng luha sa mga mata ni papa. He's guilty. I can clearly see it in his eyes.

Nakonsensya siya sa outburst niya but the question is, did he mean what he said?

"Please stop thinking about other people when you are experiencing a disaster. You can think about them once you saved yourself. Kasi Tash, you can't save a person who is drowning when you had already sank."

That was the last thing he said before he turned his back on us. Hindi na siya nagawang pigilan ni mama dahil mas pinili na lang niyang yakapin ako ng mahigpit.

"Please try to understand your father, Tash. You know he only cares for you." Mom said as she gently tucked behind the strands of my hair that fell on my face.

Right. I can't save a person who's drowning when I had already sank.

"Huwag mo hahayaang kainin ka ng emosyon. Tandaan mo, standing firm is the only weapon you can use in this battle. Our chance of winning this case is on the edge of a cliff. Isang maling salita mo lang, mahuhulog ka na. Don't let them take advantage of you." Saad ni Atty. Locson.

We're on our way to the court. Dito na malalaman kung ano ang magiging hatol sa akin ng korte. Paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Attorney na maliit lang ang tyansa kong manalo with all the evidences pointing on me.

I once asked myself, bakit pa ba ako lalaban kung alam ko naman na katiting na porsyento lang ang tyansa kong manalo? But then again, a one percent chance is still a chance. It's either I'll die trying or I'll die regretting, asking myself why I did not took the risk of trying.

"You killed no one. Don't let them prove otherwise." Mariing sabi ni Attorney na agad kong sinagot ng tango. Ilan lang 'yan sa mga salitang paulit-ulit kong naririnig sa mga araw na nagdaan. Nagmistula na itong parang sirang plaka sa akin.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Agad akong napalingon nang maramdamang may tumapik sa balikat ko at nang makita ko si papa ay bahagya akong nakaramdam ng pag-asa. Pag-asa na manalo sa isang bagay na hindi ko naman obligasyong labanan. Do I have a choice? No, none.

Dahil kahit na ako ang sinisisi ng lahat ay may apat na tao pa ring naniniwala sa akin. Ang mga magulang ko, si Jax at si Johaness.

Pagtapak ko pa lang sa court room ay agad ko nang pinasadahan ng tingin ang kabuoan ng courtroom. Nilingon ako ng mga taong nakapansin sa presensya ko. Sa huli ay yumuko na lang ako dahil sa mga matatalim na tinging ipinupukol nila sa akin, lalo na ng mga kapamilya ni Storm.

"Don't mind them." Mahinang bulong ni mama.

Umupo na ako sa tabi ni Atty. Locson nang biglang nahagip ng mata ko ang mapanuring tingin ng tatay ni Storm. He was just staring at me, void of any emotions. Naaalala ko sa kaniya si Storm. Parehong-pareho sila ng paraan ng pag tingin. Katabi niya ang kaniyang asawa na agad na nag-iwas ng tingin nang mahagip ang mga mata ko.

Ang pinagkaiba lang nila, punong-puno ng ekspresyon ang mga mata ni Storm sa tuwing tinititigan niya ako na kahit hindi na siya magsalita ay alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.

Hindi na ba talaga siya darating? Ganoon na lang ba iyon? Maiintindihan ko naman kung galit siya sa akin kaya hindi niya na ako nagawang bisitahin sa loob ng mahigit isang buwan.

God knows how I'm trying my best to understand him. But is it really hard to communicate with me? Is it really hard to tell me what's bothering him?

I've been in a relationship before and honestly things won't really work for the both of you when you lack communication and comprehension because one way or another, we would end up assuming things that could leave us in torment once we keep things to ourselves.

"All rise for the presence of Honorable Oliver Sanchez."

Huminga ako ng malalim. Bahagya pa akong napangiwi nang bigla kong nakagat ang labi ko. So he's not really coming.

Nagsimula nang magsalita ang bailiff sa harapan ngunit nagmistulang hangin ang lahat ng sinabi niya nang makita ko ang biglaang pagpasok ni Storm. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. I thought he's not coming.

Alam kong dapat akong makinig sa lahat ng sasabihin ng judge ngunit hindi ko talaga maialis ang tingin ko kay Storm. Umupo siya sa tabi ng nakakunot noong si Hurricay. May ibinulong kay Storm ang kaniyang pinsan ngunit binalewala niya lang ito kaya agad na rumehistro ang inis sa mukha ni Hurricay.

"Tasheeva Hadria! Nakikinig ka ba?" Napaigtad ako sa biglaang pabulong na pagsigaw ni Atty. Locson sa tabi ko. Sigurado akong narinig iyon ng mga taong malapit sa amin.

Napatingin ako sa harap at agad na nanliit ang mga mata ko nang makita ang househelp nila Storm. Siya iyong tinulungan ko para ilibing ang namatay nilang aso. Tama nga sila, tumestigo talaga siya laban sa akin. Kilala ba niya kung sino ang nasa likod ng lahat na ito? Dalawa lang naman 'yan, it's either binayaran siya o hawak siya sa leeg.

She stated her name as she swore to tell us all the truth.

Tinitigan ko siya, hindi siya makatitig pabalik sa akin. Nakita ko ang pagdaan ng pagdadalawang isip sa mga mata niya but it quickly faded. Ngunit kahit na anong tago niya ay hinding-hindi niya maipapakita sa amin na kinakabahan siya.

Bakit? Kinakain ka na ba ng konsesnya mo kaya nagdadalawang-isip ka kung ipagpapatuloy mo ang pagkampi mo sa demonyo? I wanted to ask her this. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa dahil hindi ko maiwasang isipin ang side niya. There must be a reason why she's doing this.

She was asked to tell us what happened that day. Iwinaksi ko muna sa isipan ko ang presensya ni Storm at itinuon ko ang buong atensyon ko sa sasabihin ni Elena.

"Napapadalas po ang pagpunta ni Ma'am Tasheeva sa bahay ng mga Arius dahil sa online business nila ni Sir Storm. Wala naman pong kaso iyon sa pamilya ni Storm dahil gustong-gusto siya ng mga iyon... Nang araw na iyon..." Yumuko siya kaya napatingin ako sa kamay niyang nanginginig.

Huwag... Nagmamakaawa ako sayo, huwag mong ipagpatuloy 'yan...

"Noong araw na iyon ay gaya pa rin ng dating gawi. Iyon nga lang, sa kalagitnaan ng pagluluto nila ay naubusan sila ng stock kaya kinakailangang umalis ni Sir Storm para bumili sa pinakamalapit na grocery. Nakita kong tinulungan siya ni Madam Martina na tapusin ang ginagawa niya kaya hinayaan na lang namin sila. Nang matapos sila ay hindi ko na alam kung saan sila nagtungo ngunit..."

"Ngunit ano?" The prosecutor asked.

Sumulyap siya sa akin ngunit agad niya ring ibinaling sa prosecutor ang tingin niya.

"Ngunit makaraan ang halos isa't kalahating oras ay nakasalubong ko si Ma'am Tasheeva. Lumabas siya galing sa kwarto ni Madam."

"Ano ang ginagawa mo sa labas ng kwarto ni Mrs. Arius?"

"Ah! Noong araw na rin po kasing iyon ay namatay ang ang isa sa mga aso nila na si Asena. Karga-karga ko ho ang asong iyon nang makasalubong ko si Ma'am Tasheeva at nang malaman niyang ipapalibing ko ang aso ay agad siyang napresintang tulungan ako. Hindi naman ako makatanggi dahil siya na mismo ang nag-alok ng tulong... At may mga trabaho pa ako kaya pumayag ako..."

Totoong napresinta akong samahan siya ngunit magkaiba ang sasamahan sa tutulungan.

Nakita ko ang pagpikit niya nang mariin nang sabihan siya ng prosecutor na magpatuloy sa pagsasalaysay.

"Inutusan niya akong kumuha ng malaking bag na hindi na masyadong nagagamit at aniya'y iyon ang paglalagyan namin sa aso. Sinunod ko ang sinabi niya habang naghihintay siya sa labas ng kwarto ni Madam. Nang makahanap ako ng malaking bag ay agad koi tong binigay sa kaniya... Tutulungan ko sana siya ngunit inutusan niya ulit akong maghanap ng mga gamit panghukay kaya iniwan ko siyang mag-isa doon. Nahirapan akong maghanap kaya natagalan ako... Nang makabalik ako ay nagtaka ako nang mapansin masyadong mabigat ang bag na pinaglalagyan sa aso. Alam ko namang mabigat si Asena dahil isa siyang golden retriever ngunit kakaiba ang bigat ng nasa loob ng bag. Hindi ko na lang din iyon pinansin dahil sinabihan rin niya akong huwag na buksan ang bag. Sabay naming binuhat iyon papunta sa likod ng bahay at doon namin inilibing."

Tuluyan na akong napanganga at napaluha sa sinabi niya. Iniba niya ang kwento para masigurong ako ang madidiin sa kasong ito. Sinisigurado nilang wala na akong kawala...

Napatayo ako ngunit agad rin akong nahawakan ng mahigpit ni Atty. Locson. Tila pinipigilan niya ako sa balak kong gawin.

I pressed my lips as I battled my urge to shout at her. She's fucking lying! Alam niya sa sarili niya ang totoo! Pinagtulungan naming ilagay sa loob ng malaking bag ang aso at kitang-kita iyon ng dalawang mata niya.

"Attorney, she's lying... Tell them she's lying." Humagulhol ako habang pilit akong pinapaupo ni Atty. Locson.

"Calm down... You know the truth so calm down." He said, bakas sa mga mata niyang nawawalan na rin siya ng pag-asang maipanalo ang kasong ito.

"How can I calm down when they're trying to burn the truth by a lie? The truth will become a lie and the lie will become the truth, Attorney..." Mapait na sambit ko.

Hindi ko na natutukan ang mga sumunod na nangyari. Nawalan na ako ng pag-asa... Hindi ko inaasahang iyon ang sasabihin niya. They're really pushing my luck down.

We were given a 20 minutes recess kaya kasama ko ngayon si mama, papa at si Attorney.

"I have already seen this coming. Hawak sa leeg ang testigong iyon. Mas lumiliit ang tyansa nating manalo."

Umiling si Attorney na para bang wala na siyang maisip na paraan kung paano namin malulusutan ito. The evidences were all solid at kung isasali pa ang lahat ng sinabi ng househelp nila Storm ay siguradong wala na akong kawala.

"We didn't stand a chance in the first place." Punong-puno ng hinanakit ang boses ko.

Agad akong niyakap ni mama ngunit wala na akong sapat na lakas para yakapin siya pabalik. Gusto ko ng lakas... Lakas para intindihin kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin.

"Hindi ka makukulong, Tasheeva. Hindi kita dinala sa sinapupunan ko ng siyam na buwan para lang makulong sa kulungan. Hindi ako makakapayag."

Humikbi si mama ngunit walang nagtangkang magsalita. Nakatingin lang sa kawalan si papa... Alam niya na kung ano ang kahahantungan ko.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na I should choose my battles. There are battles that are not worth fighting for. But my case is a pure exception... I am not only fighting to win this case, I am fighting for the truth.

Sabi nila, the truth will set you free. But what if the truth is altered with a lie? Will it set me free or will it bring me hell?

The atmosphere was so heavy that no one dared to talk. Understandable. I can't expect my dad to sugar coat his words and comfort me with lies. We have to face the truth.

Despite knowing that we stand no chance in this battle, Attorney Locson continued to brief me on what to say and how I should act. I already know that. Hindi porket alam ko nang matatalo kami ay magpapatalo na ako.

Nang matapos ang allotted time for recess ay agad na kaming nag-ayos.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Storm. He looks so... Bored. Pakiramdam ko ay biglang sumikip ang dibdib ko. How can he act like that when he told me to trust him? How can he manage to attend here and act as if he is a victim and I am a murderer?

I pressed my lips together as I felt my heart throbbed in pain. I've been staring at him for quite a long time now kaya hindi na nakakapagtakang mapansin niya ako. Ibinaling niya ang tingin sa akin ngunit walang nagbago sa ekspresyon niya.

So that's it? He came into my life for more than a year now... He courted me and made me feel like I am at home when I'm with him. We were fine with our relationship. Walang label but we both have assurance from each other. I may not have told him directly those words he longed to hear pero hindi naman ako nagkulang.

Is it considered as being selfish when I want him to believe only me? Alam ko namang mahirap ang sitwasyon namin ngayon. Naiintindihan ko... Ngunit naiintindihan ko nga ba lahat?

"I told you to focus, Tasheeva. Nagmamakaawa ako sayo." Nagsusumaamong bulong sa akin ni Attorney.

Lumunok ako bago nagsalita.

"I'm sorry."

Iyon pala pinapatawag na ako para ibahagi sa lahat ang side ko... Para madepensahan ko ang sarili ko... Gaya ng dating gawi ay deretso akong naglakad.

Ipinakita ko sa lahat na hindi nila ako matitinag. Little did they know, I am already shattered into pieces on the inside...

I answered every questions thrown on me. Gaya ng laging pinapaalala sa akin ni papa at Attorney ay hindi ko sila hinayaang paikot-ikutin ako.

I recalled what happened that day. Sinabi ko sa lahat kung ano ang sinabi ko kay papa at kay Attorney. Walang labis, walang kulang. I recalled and said it smoothly, I did not stutter.

They were all having doubt on me. Of course, iniba nila ang kwento. But I stayed still. I made sure that my answers were consistent.

Hindi ko alam kung kasabwat rin ba ng totoong killer ang prosecutor at ang judge ngunit nagpapasalamat akong ginagawa lang ng prosecutor ang kaniyang trabaho. He's not pinning me... Or so I thought.

Thing is, it's for the judge to decide who's side is more authentic. At kung ano man ang maging resulta sa huli, iyon ang magiging tama... Iyon ang mananalo. Ang isa ay mababaon sa limot habang ang isa ay madadala mo hanggang sa iyong huling hininga.

Nakatitig lang ako kay Storm habang nagsasalita ako. I wanted to know what's running on his mind while he's looking at me as if I am just a stranger to him. That's what I felt...

Alam kong anumang oras ay maaari nang bumuhos ang mga luha ko kung patuloy kong tititigan si Storm. Pero hindi ako nagpatalo. Gusto kong makita niya ang katotohanan sa mga mata ko.

Ngunit wala siyang pinakitang emosyon. Parang ibang tao na ang tinititigan ko ngayon. Hindi na siya si Storm... O nagbago na ba siya dahil sa lahat ng mga pinagdadaanan niya ngayon?

Si Atty. Locson na ang nagpatuloy pagkatapos kong ibahagi ang side ko. I know I should focus dahil baka tuluyan na talaga nila akong mapagalitan ngunit kahit anong pilit ko sa sarili ko ay hindi ko magawa... Dahil nasa harap ko na si Storm. He's near me yet he seems so far. He's the answer to my questions

Nang matapos ang trial para sa araw na iyon ay agad akong tumayo. Lalapitan ko si Storm. This is the only chance I have.

Ngunit nakakaisang hakbang pa lang ako ay nakita ko na ang mabilis na pag-alis ni Storm. In just a span of 10 seconds, he was already gone out of my sight. Hurricay saw me, he looked at me apologetically before he ran out to follow Storm.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa tita niyang naglalakad papalapit sa akin. Siya rin iyong sumugod sa akin sa detention cell.

"Were you expecting Storm to come and hug you? Ah, maybe you expected too much." She said, obviously taunting me.

Hindi ako nagsalita. Tinitiigan ko lang siya na siyang kinainis niya.

"Mabuti na lang pala at hindi kayo nagkatuluyan ng pamangkin ko. You don't deserve our name." Nagkasalubong ang kilay niya at ramdam ko ang inis sa mga mata niya. Her eyes look so familiar.

"I'm sorry ma'am, but I have my own name. I can and I would create a name for myself without you, your family or anyone."

She suddenly laughed sarcastically.

"How? I'll make sure you'll rot in hell for the rest of your life. And oh, I forgot! You already created a name for yourself." Natatawang sambit niya.

"Tasheeva Murderer Hadria. How ironic would it be if people will remember you as someone who killed her suitor's grandmother, right? Balita ko sundalo rin ang tatay mo? Siya siguro ang nagturo sayong maging bayolente, ano? Ganyan naman talaga ngayon... Trabaho ng mga nakauniporme ang protektahan ang ating bansa pero sila lang rin naman ang umuubos at pumapatay sa mga inosenteng walang alam... Mailigtas at makaangat lang sa kanilang posisyon. Isa rin ba dyan ang tatay mo?"

I tightly clenched my jaw. My instincts were telling me to slap her but I don't want to cause a scene. Nasa loob pa rin kami ng courtroom ngayon at ayaw ko nang mapabigat pa ang kaso ko.

"Shut up." I said in a gritted teeth.

Agad na lumapit sa akin sila mama nang mapansin nila ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Lumapit rin si Fier at pwersahang hinila ang tita niya papalayo sa amin. Hindi naman ito nagreklamo, ngunit hindi na nawala ang mapang-asar nitong ngiti.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni papa. Tumango ako at sumunod na lang sa kanila.

Hindi ko man lang nakausap si Storm. Makakausap ko pa ba siya?

---

The last and final hearing came so fast. It was as if they were too eager to put me behind bars.

Wala akong narinig na salita mula sa mga magulang ni Storm ngunit hindi rin nila maitatago ang dismayado nilang tingin sa akin.

Storm would always tell me that his family liked me. Hindi ko naman sila masisisi kung napaniwala sila sa kasinungalingang ito. Hindi pa nila ako kilala ng lubos at kahit sino naman sigurong nasa posisyon nila ay mapapaniwala dahil sa lahat ng mga ebidensya at testigo.

Pero si Storm... I didn't saw that coming. I thought he'd stay with me until the end. Maybe they were all right... All I can trust now is myself.

"Tulala ka naman. I'll stay with you, alright?"

I heaved a deep sigh. Pinanliitan ako ni Jax ng mga mata nang makita niya ang reaksiyon ko.

"Just like you, hindi ko rin alam at maintindihan kung bakit ka iniwan ni Storm sa ere. I'm sorry to say this but he doesn't seem to care about you anymore."

Naramdaman ko ang pagtutubig ng mga mata ko. He's right. Para ngang ibang tao na ako sa mga mata ni Storm eh.

"Tell me... How can I forget him? How can I forget him when he's all I think every day and night? Paano, Jax? Kasi parang ayaw ko na... Parang napapagod na ako..." I said as my tears started to stream down on my face.

Agad niya akong niyakap ng mahigpit. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko, pinipigilan ang sariling humagulhol.

"I'm sorry you have to experience all of this. I am so sorry Tash... Umiyak ka lang, vent it all out and I'll be your confidant 'til then." He said in a soft, comforting voice.

Hindi ako nagsalilta. Hindi ko ata kakayanin... Pero nagpapasalamat akong nakilala ko siya.

Naging malapit kami noong panahong naghiwalay kami ni Lake. We became friends in an unexpected event. They were always there to support me in any way. It felt good to have someone like them. They were my older brothers and best friends at the same time.

Hanggang ngayon, hindi nila ako iniwan... No matter how rocky the road I take, they were always there to light me up, lessening my chances of falling down.

At kung may mga panahon mang napagod na ako, gaya ngayon, ay hindi sila umalis... Nanatili sila hanggang sa makaahon ako.

Wala na sa piling namin si Johaness but I'm glad they both stuck by my side. Johaness... He always have and always will have a special place in my heart.

Nagsimula na akong kabahan nang makapasok kami sa loob ng courtroom. Today is the day... Malalaman ko na ang magiging hatol sa akin...

Naroon na si Storm pagpasok namin. Kompleto silang magkakapamilya. Bakas ang pagdadalamhati sa kanilang mga ekspresyon. Naghahangad sila ng hustisya, ngunit paano nila makakamit iyon kung maling tao naman ang hinahabol nila?

Mababawasan ba ang sakit na nararamdaman nila 'pag naipakulong nila ako? Siguro oo... Pero hindi ba nila naisip na hindi ko magagawa iyon? Malamang hindi.

Tinitigan ko si Storm. Deretso lang siyang nakatingin sa harap.

Nahagip ng mata ko si Sunnaih... She's looking at me as if she wanted me dead. Iniwas ko ang tingin ko at bumuga ng hangin.

Natatakot ako...

Agad kaming tumayo nang makarating ang judge. Nanlamig ako... Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila.

Gusto kong lingunin sila papa at Jax para kumuha ng lakas ngunit hindi ko magawa. Hindi ko magawang igalaw ang buong katawan ko. Parang anumang oras ay sasabog na ang puso ko.

Nagpapasalamat akong tinulungan ako ni Atty. Locson na makatayo nang mapansin niyang hindi na ako nakagalaw sa kinauupuan ko. Pinapatayo na ako... Ilalabas na ang hatol sa akin.

Hindi pa man nakapagsalita ang judge ay agad nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ito na ba ang katapusan ko? May pag-asa ba talaga akong makawala sa problemang ito?

Nakatingin lang ako sa bibig ng judge habang nagsasalita siya.

Nanlumo ako nang marinig ko ang sumunod na sinabi niya. Iyon lang ang mga salitang tumatak sa akin. Iyon lang ang naintindihan ko.

"The defendant, Tasheeva Beau Hadria is found guilty beyond reasonable doubt..."

They won... Pakiramdam ko bibigay na ang tuhod ko sa sobrang panlalambot na nararamdaman ko. I'll be in jail for almost half of my life... I'll be put behind bars... I'll probably live half of my there.

Hindi ako ang pumatay kay Tatila... Nagkakamali kayo...

Para akong nabingi. Napatingin ako sa mga kapamilya ni Storm nang sabay silang tumayo. May ngiti sa mga labi nila. Masaya sila sa naging hatol ng korte... Inaasahan na nila ito...

Binalingan ko si Storm. Nakatingin siya sa akin. Gusto ko siyang lapitan... Gusto ko siyang yakapin... Ngunit napapikit na lang ako nang biglang bumalik sa akin ang lahat... Lahat ng sakit na napagdaanan ko mula noong nangyari kay mama hanggang sa nangyayari ngayon.

Huminga ako ng malalim. Ito naman ang lagi kong ginagawa para pakalmahin ang saril ko ngunit sa tingin ko ay hindi na ito gagana sa ngayon.

Kung ito na man ang huling pagkikita namin ni Storm... Kung sakaling hindi niya na ako magagawang bisitahin, then I would tell him what I really feel about him. He deserves to know.

I love you, Storm. Ikaw lang ang bagyong hahayaan kong magtagal sa buhay ko...

Idinilat ko ang mga mata ko. Sana pala hindi ko na lang ginawa dahil saktong pagdilat ko ay nabasa ko sa labi ni Storm ang mga katagang hindi ko inaasahang manggagaling sa kaniya...

"Serves you right."

Kasabay ng pagtalikod niya sa akin ay ang tuluyang pagguho ng mundo ko. He left... And he brought my heart with him.

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...