Under A Rest | ā˜ļø

By blueth_24

475 36 6

Police Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
A/N

Chapter 35

5 0 0
By blueth_24

Ilang linggo na mula noong umalis ulit si Mama para bumalik sa trabaho, pero sa loob ng mga panahong iyon ay bihira ko na siyang makausap. Noong huling beses sinabi niya na matatagalan siyang makatawag ulit dahil maraming naiwan sa kaniyang trabaho dahil nasa ibang bansa ang amo niya.

Ngayon ay Sabado kaya mamaya pang hapon ang pasok ko sa food court. May oras pa akong gawin lahat ng gawaing bahay.

Habang naglalaba ay nagluluto ako ng tanghalian namin. Wala si papa dahil mayroon siyang sideline, pinagsabihan ko siya na huwag ng magtrabaho pero mapilit siya. Nahihiya daw siya dahil wala siyang naiaambag dito sa bahay. Wala namang problema iyon sa akin dahil mas mahalaga ang kalusugan niya.

"Ate! Si Maica napaso" rinig kong sigaw ni Mon mula sa loob ng bahay.

Tumakbo ako papasok para tingnan kung anong nangyari. Nakita kong umiiyak si Mai habang hawak hawak ni Mon ang kaliwa nitong kamay.

"Anong nangyari?" tanong ko nang makalapit ako sa kanila.

"A-ate s-sorry po" umiiyak na sabi ni Mai.

Kinuha ko ang kamay niya kay Mon at nakita kong puro paso ito. Tiningnan ko ang sinaing ko na maayos na nakalagay sa pugon, mayroon na itong sapin para hindi masunog ang kanin.

"Ano ba kasing ginawa mo Mai?!" bahagyang tumaas ang boses ko kaya nakita kong natakot si Mai.

"G-gusto lang naman po kitang tulungan ate. S-sasapinan ko lang naman po iyong sinaing, a-ang kaso ay muntik ko ng mabitawan kaya sinalo ko gamit ang kamay. A-alam ko po k-kasing naghihirap kayo p-para lang makabili ng bigas, a-ayaw ko lang po na masayang" naiiyak na paliwanag niya habang nakayuko.

Nanlambot ang puso ko dahil narealize kong napagalitan ko siya ng hindi ko sinasadya.

"H-huwag mo nang uulitin yun ha?" tumango siya ng marahan upang sabihin na naiintindihan niya ako.

"Anong meron?" hindi ko na napansin na dumating si Uno sa sobrang pag aalala ko sa kapatid ko. Masyadong maliit pa ang kamay niya para sumalo ng mainit na kaldero. "Hala! Napano 'yan?"

Mukhang napansin ni Uno ang kamay ni Mai kaya dali dali siyang lumabas. Pagbalik niya ay may dala na siyang first aid kit.

"Ako na" ngumiti siya sa akin at nginitian ako.

Iniwan ko muna sila doon para tapusin ang nilalabhan ko. Mamaya na siguro ako magluluto pagkatapos, maaga pa naman.

Natapos ko lahat ng labahan ko at ngayon ay nagsasampay na lamang ako. Habang nagsasampay ay hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari kay Maica. Gusto niyang tulungan ako kaya siya nasaktan.

"Meisha, kain na" nagulat ako ng may biglang yumakap mula sa likuran ko. Kahit hindi ako humarap ay alam kong si Uno ito.

"Tatapusin ko lang ito"

"Aww. Bakit ang cold?" humarap ako sa kaniya at tama ang hinala kong nakanguso siya.

"K-kumusta iyong kamay ni Maica?"

"Ayos na siya bibilhan na lang natin siya ng ointment mamaya pagkagaling sa food court" pagpapagaan niya sa loob ko pero hindi pa rin mawala ang pag aalala ko. "Teka! Sinisisi mo ba ang sarili mo?"

Nag iwas ako ng tingin sa kaniya pero kinulong niya ang mukha ko sa dalawang palad niya at bahagyang yumuko para pantayan ang tingin ko.

"Wala kang kasalanan ok? Hindi lahat ng bagay ay kontrolado mo. Huwag mo nang isipin iyon" umayos siya ng tayo at isinilid ang kamay sa kaniyang bulsa. "Mabuti pa ang isipin mo ay ang pagpapakilala sa parents ko"

Lumawak ang ngiti niya kaya napasimangot ako. Bahagya ko siyang hinampas sa braso bago siya lagpasan para pumasok sa loob.

Pagkatapos kumain ay nagbilin ako sa kanilang dalawa na huwag gagawa ng kung ano at mag iingat. Kailangan na din namin kasing pumasok sa food court.

"Maaga pa naman hindi pa tayo late" si Uno habang nasa sasakyan niya kami papasok sa trabaho. Napansin niya sigurong hindi ako mapakali sa upuan ko.

Mula noong bakasyon ay nag apply din siya kay Avril para mag part time. Dahil masipag naman si Uno at ganado magtrabaho, pumayag ito. Hindi ko nga alam kung bakit niya iyon ginagawa, sabi niya ay gusto niya lang ng experience plus point na lang daw iyong kasama niya ako.

"Hindi naman iyon ang iniisip ko"

"Bakit mukha kang kinakabahan? Don't tell me it's because of my parents?" humalakhak pa siya.

Sinimangutan ko siya para ipakitang hindi ako natutuwa.

"Paano kung hindi nila ako magustuhan?"

"They will surely love you"

"Paano kung isipin nilang hindi kita deserve?"

"No one's deserving of me except you"

"Paano kung alukin nila ako ng limang milyon para layuan ka? Kinakabahan ako Uno dahil alam mong praktikal akong tao, pag nagkataon ay mahihirapan ako" nakaawang ang labi niyang humarap sa akin.

"Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango ako na dahilan ng pagsinghal niya. Sineryoso niya iyon kahit na biro lamang para sa akin. Hanggang nagsimula at matapos ang trabaho ay issue pa din sa kaniya iyon. Napaka isip bata.

Lumipas buong linggo at dumating ang araw na kinakatakutan ko. Ang Birthday niya. Ngayon kasi niya ako ipakikilala sa parents niya, wala silang ibang inimbitahan kundi ako. Ayaw din kasi ni Uno na magparty pa.

Kaninang tanghali ay lumabas kami kasama ang mga kaibigan niya. Himala nga at nanlibre siya, umorder sila ng mga mamahaling pagkain dahil minsan lang daw manlibre si Uno. Nakasimangot tuloy siya ng ihatid ako sa bahay, susunduin niya na lang ako mamayang dinner.

Halos isang oras na lamang at darating na siya pero wala pa rin akong mapili na isusuot. Sabi naman ni Uno ay kung saan ako komportable ay doon ako.

Napatingin ako sa kulay rosas kong dress. Iyon na lamang ang isinuot ko dahil iyon ang paborito ko. Naglagay ako ng kaunting pulbo at pampapula ng labi. Naglagay din ako ng pabango para naman makasabay ako sa amoy nila kahit paano.

Maya maya ay dumating na si Uno, simpleng white polo shirt at black pants lang ang suot niya pero kahit sinong babae siguro ay lilingunin siya. Ang gwapo.

"Ganda yarn?" inismidan ko siya at nagpaalam kay papa bago ko siya hilahin paalis.

Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali, nilibang ko ang sarili sa musika at tanawin sa labas pero hindi iyon epektibo.

"Why are you so nervous?" narinig ko pang humalakhak siya

"Ayos lang ba itong suot ko?" umikot ako sa harapan niya para makita niya iyon. Nandito na kami sa tapat ng bahay nila, at nagtatanggal siya ng sapatos.

"Mei kahit anong isuot mo ay maganda ka. Relax!"

Bumuntong hininga ako pero biglang bumukas ang pinto ng bahay nila kaya muli akong sinalakay ng kaba.

"Honey you're here! Come in!" isang magandang babae ang sumalubong sa amin, pormal ang boses niya at bakas ang pagiging strikta, pero kahit ganoon ay nakangiti siya sa amin kaya naman bahagyang nabawasan ang kaba ko.

"G-good evening po ma'am!" bati ko sa kaniya at iniabot ang dala kong caldereta. Ako ang nagluto noon, nabanggit kasi sa akin ni Uno na mahilig doon ang parents niya.

"Maaa!" parang bata na sumalubong si Uno sa Mommy niya. Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi.

"Stop it sweetie! Your girlfriend is watching you"

"Where is Dad?"

"Son!" umangat ang tingin ko sa hagdanan nila kung saan pababa ang isang lalaking kamukhang kamukha ni Uno. Para silang pinagbiyak na buko.

Sinalubong din siya ng yakap ni Uno. Bago kami dumiretso sa dining area nila.

"Wow! Caldereta?" kahit may edad na ay bakas pa rin ang pagiging mapaglaro sa boses ng Daddy niya.

"Yes Dad! Meisha cooked this for us"

Tumingin sa akin ang Daddy niya at ngumiti lamang ako. Kumuha siya doon at napapalatak ng matikman.

"You cooked this?" tumango ako sa kaniya.

"Ah. Opo sir"

"Come on! Just call me Tito" bumaling siya sa asawa niyang tahimik na kumakain "Hon, I'm sorry to say this but Meisha got a better Caldereta"

Pang aasar niya sa asawa, tumingin sa akin ang Mommy ni Uno bago magsalita.

"I guess so"

Halos hindi nagalaw ang ibang ulam dahil inubos nila ang Caldereta ko. Pagkatapos kumain ay nag serve ng dessert habang nag kukwentuhan kami.

"I heard a lot about you. Sabi ni Uno ay Student assistant ka and working student yet your a consistent honor student. Wow!" napangiti ako sa papuri ng Mommy niya

"Really? How was that possible? I mean, it's kind of hard. Your parents must be so proud of you" tumingin sya kay Uno nang may mapagtanto "Siguro ay iyon ang dahilan kung bakit nagpumilit itong mag part time, gusto kang masabayan"

"Dad, it's for myself"

"I highly doubt that" nang aasar pa ang Daddy niya bago sumingit ang Mommy niya.

"Let's give him the benefit of the doubt"

Magaan silang kausap at parang nadoble si Uno dahil sa Daddy niya. Kahit ang Mommy niya ay nakikisali sa biruan. Napangiti ako dahil hindi rin naman pala masamang ideya ito. Mabuti na lamang talaga at wala ang Lolo niya.

"Maraming salamat po!" pagpapaalam ko.

"Good night Meisha! Uno take care of her"

"Bring Caldereta again next time"

Iyon ang bilin ng Daddy niya bago kami umalis.

"Happy?" tanong ko kay Uno dahil nakangiti siyang nakatitig sa akin.

"Sobra sobra" huminto siya at itinagilid ang ulo na para bang kinikilatis ako, "sobra mong ganda".

~💙

Continue Reading

You'll Also Like

319K 23.4K 28
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
189K 8.9K 31
Hooked onto drugs, no family, no guidance or sanity until she met HIM. Cover Creds: @Triceynexttdoor ā¤ļø -BLICKY.
Saved By Madison:)

General Fiction

836K 16.5K 33
Isabella Rose Romano A 13 year old to which love is something very unfamiliar to her. Having grown up in the foster system, it didn't come very often...
Cecilia By Anastasia

General Fiction

32.6K 766 27
Cecilia's father, a well-known and successful lawyer, was tired of her problems. Tired of the issues she had been causing for the family and it's nam...