A Martial's Query (Saint Seri...

By gereyzi

22.7K 1K 787

6/6 of Saint Series. Sylvia Ameliah and Feliciano are engaged for years. Little did Chano know that the 'mald... More

A Martial's Query
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 6

608 39 6
By gereyzi

Chapter 6
Begging

"Martial, kain tayo!" tawag sa akin ni Chano.

Nakasuot ang ulo niya sa bintana ng aming classroom. Katatapos lang mag-ring ng bell for lunch but he's here na kaagad. Sana ay huwag niyang maalis ang ulo niya. Joke.

"Libre daw ni Rom!" he added after a while. I made myself busy with my things habang silang dalawa ni Romulo ay inaabangan ako sa labas ng room.

"I have to go to the ballet classroom after lunch," agap ko nang makalabas ako sa classroom. Baka kasi ayain na naman ako nitong dalawa na pumunta sa arcade na malapit dito sa school.

"You're not getting tired, do you?" mahinang tanong ni Rom. I just shrugged at him. "You're just on the fifth grade. You must enjoy."

"Wow, hiyang-hiya naman sa wala nang ginawa kun'di magbasa!" Chano said.

"Sayo rin, hiyang-hiya. Wala ka nang ginawa kun'di kumain. Tsk!" sagot ni Rom.

Nailing na lang ako sa pagtatalo ng dalawa. Iniwan ko sila sa hallway at umuna na sa cafeteria.

"Feliciano Havoc, bilisan mo na nga riyan!" sigaw ko mula sa labas ng kwarto ni Chano. "North and South, pakibilis din! Please lang!" tawag ko naman sa dalawang bata.

We're now heading first in dad's place. Sinabi niya kanina na doon daw muna ang mga bata dahil rest day daw niya ngayon. Idadaan muna namin ang mga bata bago kami pumunta sa Agnes para sa event na pupuntahan namin ni Chano.

"Gwapo na ba ako, Pupa?" tanong niya nang lumabas siya sa kwarto niya. "Oo na, huwag ka na sumagot. Alam kong sasabihin mo ay 'oo, mahal. Hundred percent, mahal—"

"E, kung binibilisan mo na kaya? Kanina pa nag-aalburuto ang mga kasamahan mo roon! Ang tagal-tagal mo! Late na tayo ng thirty minutes!" putol ko sa kaartehan ni Chano.

"Pupa, sasabihin mo lang naman na gwapo ako, e!" pagdadabog niya nang palabas na kami sa bahay kasama ang mga bata.

Parang gago. Sabi-sabi na huwag ko nang sabihin, e.

"Chano, ano ba?" angal ko. Naiinis na ako dahil ayaw magpababa ni  South. Itong si North nama'y inaasar pa ang kakambal na umiiyak na. "Isakay mo na yang maldito mo sa sasakyan nang makaali!"

"Sasabihin lang na pogi ako, e!" nakanguso na bulong ni Chano bago niya buhatin si North papasok sa kotse.

We're gonna use my car today dahil hindi naman kami kasya sa motor. Baka pati kalbuhin ako ni Daddy kapag nalaman noon na sa motor ko isinakay ang mga bata.

Buong byahe ay nakanguso si Chano habang abala sa pagmamaneho. Patuloy din ang pagbulong niya kaya nailing na lang ako at hinayaan siya. Pasado alas otso naman ng umaga nang makarating kami sa condo ni Daddy bago kami dumiretso sa school.

"God, you're here finally!" usal ni Bert. Kasama sa grupo ni Chano sa kanilang readings.

"Nag-aalala si Betong. Baka raw siya ang mapag-speech kung hindi ka darating," natatawang sabi ni Peeko. "Hi, Liah! Nice to see you!" bati niya sa akin. He's Peeko ng Valdemor. Iba siya sa Peeko na sporty ng Sebastian.

Tanging tango lang ang isinagot ko sa kanila nang batiin nila ako bago ako naglakad na papasok ng school at iniwan silang magkakaibigan sa parking lot. Kaagad akong dumiretso sa ground kung saan doon ginaganap ang opening. Kaagad ko namang nakita ang aking mga kaibigan sa gitna ng ga-dagat na tao.

"Grabeng Agnes day ito! May kaunting Agnas, ha?" umiiling na sabi ni Jonah.

"Here! Wear that!" ani Gab. Sinuotan niya ako ng hair ban sa ulo. May tatak iyon ng Agnes. Tumawa ako at umakbay sa kaniya.

"Sexy mo, ah!" puna sa akin ni Chris. I just winked at him.

"Liah, pa-picture mamaya!" sigaw ng ilang kilala na basketball player ng school namin. I smiled at them plainly as I raise my thumbs up. Bumaling na ako sa stage at hinayaan ang ilan na kuhanan ako ng litrato nang pasimple.

I'm now wearing a ripped boyfriend jeans paired with my white long sleeves cropped-top. I'm with my white sneakers, too.

"Ayos ka na r'yan? I'll be off to the backstage now," biglang tabi sa akin ni Chano na pormal na pormal sa suot niyang uniform.

"Yeah. Good luck," tipid kong sagot. Biglang nilingon kami ng karamihan. Ang iba pa'y sinukat ako bigla ng tingin. Karamihan sa mga gumawa noon ay taga-Valdemor o 'di kaya ay CDS. Chantal Dela Marcos Supporter. Eww.

"May problema ba kay Liah?" tanong ng ilang Agnes sa mga outsider. Umiwas kaagad ng tingin ang ito.

Nagpatuloy ang event. Nanatili ako sa panig ng mga kaibigan ko dahil ayaw nila akong paalisin. Idagdag pa na dumating sila River. Nagagalit dahil bakit pa raw ako lalayo, lalo lang daw ako mamatahin ng mga taga-samba ni Chantal. Narito rin daw kasi ang babaeng iyon.

"Bili lang ako ng water. Sasalang na yata si Chano, e," paalam ko sa mga kaibigan ko.

"Bumalik ka kaagad," tila nagbabanta na sagot ni Drake. Kaagad akong tumango  bago ko tinungo ang mga stall.

Napakarami kasing stall sa paligid. May mga banderitas din na akala mo'y fiesta. Ang mga outsider ay nagkalat din sa paligid.

Gaya ng plano ko, dumiretso ako sa bilihan ng tubig. Nadaanan ko pa ang art gallery room, sinilip ko iyon ng bahagya. Sarado pa iyon pero may ilang nang nakapila para sa tickets.

"Dalahin ko lang kay Chano, I swear!" nagmamadali kong sabi nang makita ko ang matalim na tingin sa akin ni Drake nang makabalik ako sa pwesto. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya, kaagad na akong tumakbo papunta sa backstage...

Only to find out that Chano and Chantal are talking.

Wearing a white lacy dress, Chantal is smiling completely in front of Feliciano. Todo usap sila roon bago tatawa na akala mo'y miss na miss na ang isa't-isa. I can clearly see it through their eyes. Ang mga simpleng tapik ni Chano sa braso ni Chantal na akala mo'y ayaw niyang bitawan.

Nang makita kong lumapit na si Chantal at palihim na humalik sa pisnge ni Chano ay doon na ako tumalikod. May nakita akong basurahan sa malapit kaya mabilis kong itinapon doon ang bottled water bago ako umalis. Hindi na ako bumalik sa pwesto ng mga kaibigan ko. Pumunta ako sa art gallery room at tumulong sa admins sa pag-aayos ng mga gamit doon.

Mula rito sa aking pwesto ay rinig na rinig ko ang introduction para kay Chano. Ang malalakas na cheer para sa kaniya ay rinig din mula rito.

"One ticket, please!"

Napataas ang tingin ko sa nagsalita. Kaagad akong ngumiti nang makita ko si Gallad na ngayo'y naka-uniform pa. Kakaibang-kakaiba sa suot namin.

"You're here! Mukhang nakalusot ka sa prof mo, ah?" Sagot ko. Binuksan ko ang maliit na pinto sa ticket station at binigyan siya noon. He handed me the money.

"Well, we have a class today. Bibili lang ako ng ticket. Baka maubusan ako at hindi makapasok mamaya, e," he replied lightly. "Ano, kumusta naman? Ang ganda mo."

"Thank you," nakangiti kong sabi. "I'm good. Ikaw ba?"

"Ayos din. Doing great now."

Pinalipas ko ang oras. Talagang hindi ko pinanood si Chano, mas pinili kong makipag-usap sa mga kasamahan ko habang abala sa pag-aayos ng aming station. Nang sinabihan na kami ng aming adviser na maghanda na dahil nalalapit na ang oras ng aming station ay mabilis na kaming kumilos.

"Sila Chantal at Chano ba?" biglang tanong ni Anton. Nilingon pa niya ako.

"Ang alam ko'y hindi," si Nemia ang sumagot. "Kasi kanina, before ako pumunta rito ay nanood ako ng speech ni Chano. Sinabi niya sa ending na salamat daw kay Liah for hanging with him, too."

"Rinig ko nga," tumango si Feah, ngayo'y abala sa pag-aayos ng kaniyang portrait. "Saka nagkita raw ang dalawa kanina. Humingi ng closure si Chantal."

Oh. Okay? So, mali ako ng interpretation sa nakita ko?

But, whatever. Ayaw ko makisali sa kanila.

"Liah, pwedeng ikaw muna sa entrance?" tanong ni Amy nang bubuksan na ang aming station. "I'll just have to attend this one," she added while pointing at our professor.

"What should I do?" tanong ko.

"Just list their names," nagmamadali niyang sabi. Mabilis siyang nagtatakbo dahil sa senyas ng terror teacher namin.

"The gate opens in three..." panimula ni John na siyang assigned sa pagbubukas ng maliit na gate namin. Ilang tao na rin ang nakapila sa labas para makapasok. "Two... one!"

Naupo na ako sa entrance para kuhanin ang pangalan ng mga papasok na gagawan ng name tag. Inabala ko ang aking sarili doon nang magpasukan na ang mga tao.

"Eren, Liah," said Eren Manzanilla. Tumango ako at isinulat ang pangalan niya sa sticky paper.

"There you go. Enjoy!" sabi ko bago siya hayaang pumasok sa loob.

Marami pang pumila para makapasok. Ang ilan pa'y nagpakuha ng litrato kasama ako. Hindi ko naman matanggihan dahil isa iyon sa way para mas kumita ang aming station. Hindi ko lang inaasahan na....

"Chantal," pupunta si Chantal.

Tumango ako sa kaniya at isinulat ang pangalan niya sa papel. Nang iabot ko sa kaniya ang papel ay ngumisi siya sa akin. She even flipped her hair in front of me. Ang mga tao nama'y pinapanood na kami.

"So, you're happy now? Enjoying the life?" she asked with a smirked. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil doon. I nodded. Akmang rerebutt ako nang pumutak ulit sjya. "Huwag mong asahan na totoo ang mga ipinapakita ni Chano sa'yo. Lahat 'yon ay recycled—"

"Ang tagal naman umalis sa pila nung ibinasura!"

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Bianca. Nilingon ko ang pila at napanganga nang makita ko silang mga kaibigan ko.

"Lakas mo naman makasabi na recycled, tsk!" parinig ni Drake. "Bakit kaya recycle, e, yan naman kasama ni Chano mula bata."

Nilingon ko si Chantal na ngayo'y napapahiya na. I smiled at her. Pake ko ba sa kaniya.

"Layas na. Mag-eeskandalo ka. Akala mo nama'y inagawan ka," sabi ko. I pointed her the door to the gallery. "Wala akong inaagaw sa'yong babae ka dahil break kayo ni Chano nang ma-engage kamj. Wala akong alam doon."

"Bitch!" she hissed before walking out.

"Yehey! Libre na tayo sa tickets!" biglang sabi ni Jonah.

"Ulol," tangi kong sabi.

Nang makapasok ang aking mga kaibigan ay naging normal din ulit ang lahat. Mas dumagsa ang tao lalo na nang malaman nila na pupunta raw pala rito ang mga kilalang santo boys. Wala naman—

"Jacos, madam!"

Natawa na kaagad ako nang marinig ko ang bagong papasok. Nag-angat ako ng tingin kay Jacos. Nakita kong kasama nila sa pila si Aia pero wala si Chano. Good. Baka masampal ko siya sa inis. Ako ang sinusugod ng ex niyang mapagpanggap.

"Ang ganda-ganda mo grabe!" ani Aia nang siya na ang sinusulatan ko ng pangalan.

"You too," nakangiti kong sabi. Iniabot ko sa kaniya ang papel bago silang anim pumasok sa loob.

"Gallad, miss!" it was Gallad.

"Naka-abot ka!" masaya kong sabi at nakipag-apir pa sa kaniya.

"I'd like to see your arts, e," he replied. Masaya akong tumango at isinulat ang pangalan niya gaya ng sa iba.

Ibinigay ko kay Gallad ang papel. "Enjoy ka! I'm glad you came!"

Nang mawala si Gallad ay mabilis akong naghanda ng panibagong papel nang may dumating na ulit sa pila. Hindi na ako nag-abala pang magtaas ng tingin at hinintay na lang ito na magsalita.

"Name?" tanong ko nang hindi ito umimik. Nang marinig ko ang mahihinang iritan ay napataas na ako ng tingin. It's Chano.

"They usually call me Chano but you can call me mine," he replied and winked at me. Ang lahat ay nagsigawan sa kilig dahil sa sinabi ni Chano.

"Ayos din!" sigaw ng ilang kalalakihan.

"Nice one, baby!" sigaw naman nila Gaven na nasa likuran ni Chano.

Ipinatong pa ni Chano ang kaniyang siko sa aking desk. Nakipagtitigan ako sa kaniya. Isinulat ko ang pangalan niya sa papel at idinikit iyon sa kaniyang noo.

"Next!" sigaw ko sa mga nakapila na nang-aasar pa.

"Pupa, naman! Pinag-isipan ko iyon kanina habang nags-speech ako, e!" angal ni Chano.

"Pumasok ka na lang! Ang daldal mo!"

Naging abala ako maghapon. Maya't maya naman akong dinaraanan ni Chano para ayain na maglibot sa ibang station. Hindi ako pumapayag dahil napakarami ng tao sa aming station, bawal iwan dahil kulang kami sa manpower. Nang matapos ang event ay pasado alas otso na ng gabi.

"Akala ko'y umuwi ka na," sabi ko kay Chano nang maabutan ko siyang nilalamok na sa parking lot. "Bobo, bakit di ka pumasok sa sasakyan?"

"Baka hindi mo ako makita, e," he replied. "Ganoon ka kasi. Nasa harapan mo na ako pero iba lagi ang nakikita mo— aray, Pupa!" aniya. Mabilis ko siyang tinampal sa noo kaya napaatras siya.

"Sad boy ka na naman," umiiling kong sabi. "Tara. Inom soju."

"Huwag na! Wala akong pera ngayon. Bukas na lang, pay day ko," tutol niya.

"My treat," sagot ko.

"Ano ka ba naman, Pupa! Bakit ang bagal mo? Tara na't nang makatambay na sa overpass!" bigla niyang bawi nang marinig na libre.

"Pumunta kanina sa gallery shota mo, ah," panimula ko nang makarating kami sa overpass. Ngayo'y tanaw na tanaw na ulit namin ang mga sasakyan.

"Naroon ka naman talaga, ah?" he replied.

"Yuck!"

"Hoy, grabe ka maka-yuck!" aniya. Nagulat pa ako nang bigla niyang ibutones ang damit na suot ko. "Ang ganda mo, Pupa. Rinig na rinig ko kung paano ka pag-usapan sa school n'yo kanina."

"Maliit na bagay," mayabang kong sabi. Ngumiwi naman siya at tinipon ang aking buhok gamit ang kamay niya nang makita na humaharang ito sa aking mukha.

"Pero, seryoso, you still love Chantal. Bakit hindi mo balikan?" usisa ko. Nilingon ko siya habang ang kamay niya ay nasa likuran ko at hawak ang aking buhok.

"Dapat ko pa bang balikan ang taong hindi ko na priority?" he asked curiously. "Hindi ko rin kasi talaga alam. Basta I just woke up, bawas na feelings ko. Ayaw ko namang maging unfair sa kaniya. Masama 'yon."

"Anong plano mo?" tanong ko. Nilingon ko ulit siya. Nang mapansin ko ang hikaw niya ay bahagya ko iyong hinawakan, umiwas lang ako nang makita ang titig sa akin ni Chano.

"Wala. Continue my life with you," he replied plainly. Like it's just nothing. Para akong sinampal sa sinabi niya sa halip na kiligin. Natigilan lang ako when he eld out two rings. "Pili ka, Pupa! Tig-isa tayo na engagement ring!"

Natawa na lang ako dahil sa pagiging inosente ni Chano. Pumili ako ng singsing. Isinuot naman niya iyon sa akin.

"Saan mo naman nabili 'to?" natatawa kong tanong habang tinitingnan iyon sa aking palasingsingan.

"Sa school n'yo. Twenty-five pesos lang isa kaya kinuha ko na," he replied. Inilapit niya ang kamay niya na may singsing sa akin. "Saka na yung pinakamahal. Kapag yumaman na ako, Pupa."

Napangiti ako sa sinabi ni Chano. I took my phone at kinuhanan ng litrato ang mga kamay namin na nakahawak sa railing ng overpass.

"Saka na yung pinakamahal kapag ako na talaga," mahina kong sabi.

"Ano 'yon, Pupa?" tanong niya. Nilingon ko siya at inilingan. Kinuha ko ang aking soju at mabilis na uminom.

Ayaw ko nitong kahibangan ko. Mababaliw yata ako.

"You think I look good na?" tanong ko kay Chano habang nasa tapat ako ng salamin. Nilingon niya ako habang abala siya sa pagtatali ng sintas ng kaniyang sapatos.

"You look good in any agle. In any flavor," sagot niya. Tumayo na siya at kinuha sa akin ang susi ng kotse bago lumabas. Napanganga ako at sinundan siya ng tingin habang palabas.

I bit my lower lip and smile while watching him walk outside. Hindi ko maiwasang purihin ng palihim ang hitsura niya ngayon. Kakaibang-kakaiba kasi sa grey uniform niya o 'di kaya'y black outfit  na madalas niyang suot. He's now wearing a grey sweater, black cargo shorts, and a rubber shoes. Mayroon din siyang itim na sumbrero ngayon. Bitbit pa niya ang kaniyang skateboard. He's on his chilling outfit.

Nang masigurado kong ayos na ang aking suot ay lumabas na ako. I'm also wearing a sweater and black shorts with rubber shoes. Ngayon kasi kami scheduled na dumalaw sa pamilya ni Amora Gonzaga.

"Ameliah!" bati sa akin ni Jianne. Sinalubong nila ako ng yakap at beso. Hindi ko naman maiwasang mapairap sa aking isipan dahil alam kong ayaw nila sa akin para kay Chano.

"Hi," mahina kong sagot.

"Nariyan na pala kayo, pasok!" said Amora nang lumabas siya sa kanilang mansyon. As usual, she's on her 'pa-sosyal' look. Parang may party na pupuntahan. But that's how she is. Napaka-ganda pa kahit ma-edad na.

"Havoc! You're up to play today, ha," puna ni Thorn sa kapatid.

"Yeah," tipid na sagot ni Chano. Hinawakan pa niya ako sa likuran para alalayan papasok sa kanilang bahay.

"Good afternoon," mahinang bati ko kay Thorn. Ngumisi siya sa akin kaya napaiwas ng tingin ako.

"Ang ganda-ganda ni Ameliah! Parang walang bahid ng dungis!" he fired. Nagulat ako nang kaagad siyang tumalisik sa malawak na hagdan na entrance ng kanilang bahay.

"Feliciano!" saway ko sa kaniya.

"Anak, stop that!" si Amora naman.

"Isa pang salita mo ng kagaguhan kay Liah ay ingungudngod ko 'yang nguso mo sa semento," banta ni Chano. Nang lingunin ako ni Amora ay kaagad ko nang dinaluhan si Chano.

"Uwi na tayo?" bulong ko sa kaniya. Hinigit ko siya palayo kay Thorn.

"Bakit ka ba pikon na pikon? May masama ba akong sinabi?" asked Thorn. Nakangisi niya muli akong nilingon, ngayo'y pinunasan niya ang dugo sa labi. "I just appreciated her! Masama ba 'yon?"

"Just fuck off!" bara ni Chano. Hinawakan niya ako sa kamay at hinigit papasok sa kanilang bahay.

Dumating si Salvador Gonzaga nang magsisimula na kami sa aming lunch. Nanatili akong tahimik sa tabi ni Chano habang ang lahat ay kani-kaniyang usapan. Si Thorn naman bilang basura na ugali ay umalis ng bahay matapos biglang ibato ang flower vase nila. 

Buang.

"How was your studies, Havoc?" tanong ni Salvador.

"Good," tipid na sagot ni Chano. Naging abala siya sa paghihiwa ng karne na inilalagay niya sa aking plato.

Ang mga pinsan niya ay nagkukwentuhan. Akala mo'y wala nang bukas. Ilang beses din nilang nabanggit si Chantal dahil ito ang ka-close nila. Akala yata'y may pakielam ako.

"Just had a talk at Liah's school yesterday. It was fun," kwento pa ni Chano sa kaniyang stepfather. He even smiled a bit. Bagay na hindi niya ginagawa sa kaniyang tunay na ama.

"I'm glad you're having fun at your activities," ngumiti si Salvador sa anak. Nilingon niya ako at tinanguhan. I smiled at him. "Have you brought your board?"

"Yes! I prepared it first thing in the morning!" excited na sagot ni Chano. Gumaan ang pakiramdam ko nang makitang bumalik na kahit kaunti ang sigla niya.

He's closest to Salvador. Mas ka-close pa niya ito kaysa sa kaniyang mga magulang. Katulad ni Traise, ito naman ang itinuturing niyang tunay na ama.

"I'm glad. How 'bout Liah? Does she know how?" baling sa akin ni Salvador. Nakita kong ngumisi ang mga pinsan ni Chano. Mocking me.

"Remember Chantal, Tito? She's good at skating, 'to!" Elena said. She even smirked at me.

"Oh really? Sino 'yon?" Salvador fired. Napapahiya na ngumiti ang mga pinsan ni Chano. I smirked this time.

"I don't know how to, sir," I replied honestly. "I came here to watch Chano have fun."

"Really, Pupa?" nang-aasar nang sabi ni Chano.

"What's Pupa? It sounds like shit!" Jianne blurted out. "Tuta ka ba, Liah? Kuya Havoc's endearment to Chantal's baby—"

"It means babe," nakangiti kong putol kay Jianne. "I'm not a baby so why would he call me that? I can stand on my own and do my own homework without asking Chano to make me one. It's not what Chantal do as a baby, yes," I added sarcastically.

"Chantal's asking you to do her homework, anak?" gulat na tanong ni Amora. "You did her homework?"

"Ma, well..." Chano replies. Napapahiya niyang kinamot ang kaniyang batok.

"I prefer Pupa, hijo, kung ganoon," tumatawang sali ni Salvador.

Nang matapos ang aming lunch ay tumungo na kaming lahat sa rooftop ng mga Gonzaga. Tahimik akong naupo sa bench habang pinapanood ang magpipinsan na maghanda para sa kanilang pags-skateboard. Si Amora nama'y umalis kaagad dahil sa emergency meeting. It's Salvador who's with Chano now.

"Are we late?"

Napalingon ako sa entrance ng rooftop nang may isa... no, limang lalake na pumasok. The Santori cousins. Lahat ay matatangkad at mukhang iba ang lahi. Gwapo.

"On time!" si Russel na pinsan na lalake ni Chano ang sumalubong sa mga ito.

"Ganda mo naman, miss!" biglang lingon sa akin ng isa sa mga bagong dating.

Mula sa pagiging abala ko sa pagsipat sa kanila ay natigilan ako. I smiled at them and waved a bit.

"Tol, huwag 'yan," natatawang sabi ni Russel. "She's off limit," he added. Hinigit na niya ang mga lalake palayo. Ang isa pa'y nakahabol ang tingin sa akin.

"What? Ang ganda! Ipakilala mo ako!"

"Kay Chano ka muna daraan."

Nailing na lang ako dahil doon. Inabala ko ang aking sarili sa pag-eedit ng video na iu-upload ko sa aking YouTube channel. Hindi ko lang maiwasang mailang nang magsimula sila sa paglalaro. Naging madalas ang pagdaan ng lalake sa aking harapan. Rinig na rinig ko ring pinag-uusapan ako ng magpipinsan.

Ang alam ko'y hindi sila saint students. Lahat sila ay kilala sa larangan ng sports. Wala na akong pakielam kaya iyon lang ang alam ko.

"Music naman daw, Paning!" sabi ni Kurt sa pinsang babae ni Chano.

"Oh sure!" masayang sabi ni Paning. Kasunod noo'y dumagundong na ang patugtog sa buong rooftip habang patuloy ang pag-skate nila. Parang mabibingi ako sa kantang Beggin'. Naging paulit-ulit iyon.

"Your turn, Attorney!" sabi ng lalakeng nagtatanong ng pangalan ko. Akmang makikipag-apir siya kay Chano habang nakasakay sa board pero hindi siya pinansin nito.

Mula sa pagkakaupo sa semento, tumayo si Chano dala ang kaniyang board. Inayos pa niya pabaliktad ang kaniyang sumbrero.

"Damn!" I exclaimed nang makita ko ang galaw niyang iyon.

He went to the small field with a ragged look. Hindi ko maiwasang ma-excite dahil bagay na bagay ang kanta sa kaniyang galaw. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at kinuhanan siya ng video habang ginagawa niya ang iba't-ibang tricks. Wala akong alam sa tricks pero hindi ko maiwasang mapanganga dahil ang galing ni Chano.

Smooth niyang pinaandar ang kaniyang board sa sahig nila na kakaiba. Pinadadaan pa niya iyon sa mga bakal na nakalagay sa sahig.

"Damn!" Salvador exclaimed. Proud siyang pumalakpak sa anak.

"Husay pa rin!" sigaw nila Russ sa kaniya.

Ipinagpatuloy ko ang video habang ang kanta ay patuloy din sa pagtunog. Nakangisi na dumaan sa harapan ko si Chano. Nagulat pa ako nang mabilis niyang nailipat sa akin ang kaniyang sumbrero.

"Yeah... Rrr-rat-tat-tat-tat!" he sang with the song. Nagpanggap pa siyang binabaril ako. Nangingiti ko siyang inilingan habang nakatutok sa kaniya ang camera. He's the coolest, tangina!

"I'm beggin' you..." mahina ko ring pagsabay sa kanta habang abala na si Chano sa paggawa ng tricks sa mga bakal. "I'm beggin' you... let me move on."

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...