Elemental Kingdoms: The Rule...

By RinkakuMayo

2.4M 78.4K 9.3K

In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someon... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
DREAME come true🥰
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
OMG! WE ARE ON THE "WHAT'S HOT!"
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Miss Ai's Note♡
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
What is the meaning of Prophecy?
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Thanks Giving
BOOK II ♡
Miss Ai's echoserang Note ✌

Chapter 24

35.9K 1.2K 180
By RinkakuMayo


Fire's POV

Magaling ako pagdating sa pagkontrol ng galit ko. Hindi ko pinapansin ang mga bagay na alam kong ikaiinis ko lang. Pero ibang usapan na ngayon.

Bwisit! Kanina pa ako naiinis sa lalaking kaharap namin ni Aria na ngiti nang ngiti ng nakakaloko.

"Grabe ka naman magsalita, Fire. Papatayin mo ba ako kapag niligawan ko si Prinsesa Aria?" he asked while grinning. E kung sipain ko kaya 'to pabalik sa pinagmulan niya?!

"Aria, tara na." Hinila ko ulit si Aria papunta sa Elemental Head's Office.

"Sandali lang, Fire! 'Wag mo naman akong kaladkarin," she said. Oo nga pala. Nakasuot nga pala siya ng mga karaniwan na isinusuot ng mga elemental people. Ang totoo niyan ay lalong gumanda si Aria sa paningin ko noong lumabas siya sa kwarto niya at ganito ang suot. Ano ba 'yang sinasabi mo, Fire?! Anong lalong gumanda sa paningin mo? Hibang ka na ba?

"Bilisan mo kasi'ng maglakad!" I said. Medyo nainis na naman siya sa akin kaya tumigil siya sa paglalakad and she crosses her arms in front of her chest.

"Ano ba'ng sapak mo ngayon, Fire? Kung mang-iinis ka lang din naman ay babalik na lang ako sa dorm!" she turned her back to me at nag-umpisa na siyang maglakad palayo sa akin. Kahit kailan talaga, ang sakit niya sa ulo!

"Aria, sandali!" Hinabol ko siya at agad na hinawakan ko ang kamay niya at iniharap ko siya sa akin. Kaya lang ay may isang hindi inaasahan na nangyari.

Paghila ko sakaniya ay na-out of balance siya at tuluyan siyang bumagsak sa akin.

"Aray ko! Putspa naman, Fire! Ano ba'ng nasinghot mong leche ka?!" she angrily muttered before she stand.

"Ikaw naman kasi ang may kasalanan. Sinabi ko na sa iyo na pupunta tayo kay Heiro." Dahil sa naiirita na rin ako, hinawakan ko ang kamay niya at nagteleport ako papunta sa Elemental Head's Office.

"Baliw ka ba, Fire?! Alam mo naman na bawal gamitin ang kapangyarihan nang walang sapat na dahilan tapos feel na feel mo pa ang magteleport at talagang idadamay mo pa ako?! Kung hindi ka ba naman----" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko.

"Ang daldal mo. Nakakarindi na," I said before I knocked on the door.

"Oh, Fire! Ano'ng ginagawa ninyo dito?" Heiro said as soon as he opened the door. Siya lang ang tao sa loob. Siya kasi ang huling umaalis dito.

"May sasabihin lang sana ako," I said pero bigla akong nainis nang dumating si Zep.

"Pa!" he happily shouted. Bwisit! Pigilan ninyo ako dahil baka bigla na lang magliyab ang isang 'to.

"O, Zep. Ano'ng ginagawa mo dito? 'Di ba sabi mo ay pupuntahan mo si Aria?" Heiro muttered. Talaga palang sinabi niya sa anak niya na puntahan si Aria? Aba, ayos kayong mag-ama ah!

"Kaya nga po ako nandito, Pa kasi nandito si Prinsesa Aria," Zep said that makes my blood to boil. Talagang iniinis ako ng isang 'to.

"Gano'n ba? E ikaw naman Fire? Bakit ka nandito? At bakit kasama mo rin si Aria?" Heiro asked. Noong lumingon ako kay Aria ay parang wala lang siyang pakielam sa nangyayari. Ano ka ba, Aria! Wala ka man lang bang reaksyon diyan?

"Sigurado ba kayo na si Zephyrus ang magiging trainer ni Aria? Wala na bang iba?" I asked. Dito sa mundo namin ay may mga elemental people na sikat sa ibat-ibang larangan. At si Zephyrus ay kilala sa Kaze Kingdom bilang babaero.

"Fire, may problema ka ba kay Zephyrus?" tanong ni Heiro. Alam naman niya ang ugali ng anak niya kaya bakit pa siya nagtatanong?

"Fire, bakit ba ayaw mo na ako ang magtuturo kay Aria? May problema ka ba sa akin?" asked by Zep. Talagang nagtanong pa ang hayop na 'to!

"Tama na 'yan. Alam ko ang pinag-aalala mo, Fire at maniwala ka sa akin, hindi ko hahayaan na mangyari 'yon. Sa akin mananagot si Zephyrus kapag may ginawa siyang hindi maganda kay Aria." Dahil sa sinabi ni Heiro ay medyo gumaan ang pakiramdam ko at nabawasan ang pag-alala ko kay Aria.

"Oo nga. 'Wag kang mag-alala. Wala akong balak na lokohin si Aria, Fire," Zep said.

"Mabuti naman kung gano'n." Nag-smirk pa ang loko bago siya sumagot at talaga nga namang gusto ko na siyang ihawin! He said,

"Hindi ko siya lolokohin kasi seseryosohin ko siya."

Aria's POV

Naranasan niyo na ba ang mapunta sa isang sitwasyon na kung saan ikaw ang pinag-uusapan pero wala kang masabi? Aba, ang ayos lang e no? Ang sarap lang kumuha ng blade at maglaslas.

Kanina pa ako naiirita sa takbo ng pag-uusap nina Heiro, Zep at Fire. Jusko! Alam ko na maganda akong nilalang pero hindi niyo kailangang magkagulo!

"Itigil mo na 'yan, Zep," saway ni Heiro sa mahangin niyang anak. Wala talagang duda na galing sa Kaze Kingdom ang isang 'to dahil sa lakas ng hangin na bumabalot sa katauhan niya. Bwisit! Akala naman nito ay mahuhumaling ako sa kaniya? Aba, asa ka kuya! Hindi ako pinanganak na maganda para lang maisama sa koleksyon mo leche ka!

"Nagbibiro lang ako, Pa. Teka, kumain na ba kayo, Fire at Aria? Gusto niyo ay sabay na lang tayong tatlo?" Biglang nagsapakan ang mga bituka ko sa loob ng tiyan ko noong niyaya kami ni Zep na kumain. Hindi pa nga pala ako kumakain. Ang lakas naman kasing umeksena ni Fire e!

"Hindi bale na lang," sagot ni Fire. Ay ang taray! Nagfafasting ba tayo, Fire? Baka gusto mo akong iinform?

"Sasama ako sa'yo," sabi ko kay Zep at agad naman akong sinamaan ng tingin ni Fire.

"Talaga, Prinsesa Aria?!" Zep shockingly replied.

"Oo. At Aria na lang ang itawag mo sa akin. Masyadong nakakaganda ang prinsesa," I said and he laughed pero si Fire ay lalong sumama ang mukha. Gutom ka na Aria kaya 'wag mo nang pansinin ang epal na 'yan!

"Tara na? Baka magsara na ang cafeteria," sabi ni Zep pero hinawakan ni Fire ang kamay ko.

"Tara. Sasama ako at nagugutom na rin ako." Eh? Sasama siya? Biglang ngumiti ng nakakaloko si Zep.

"Kung hindi lang dahil sa primary rule na meron tayo dito sa elemental world, iisipin ko na may gusto ka kay Aria, Fire," Zep said. Susmarya! 'Di nga? Mukha ba talaga na may gusto sa akin si Fire? Totoo? Hala!

Pero ayan, 'yan ang masaklap sa mga ganyan e. Natututo akong mag-assume.

"Ano ba'ng sinasabi mo diyan, Zep? Kapatid na ang turing ko kay Aria kaya inilalayo ko siya sayo dahil baka lokohin mo lang siya. Nag-aalala ako bilang kapatid." Parang may sumapak sa akin noong sinabi 'yon ni Fire. Dapat ba akong mag-planking sa harapan niya at sabihin na, wow! Magkapatid pala tayo? Kailan pa?! Dapat na ba kitang tawagin na Kuya Fire?! Pucha!

So gano'n? Lahat ng ito ay puro sisterly act lang? Aba matindi ka Fire! Paasa kang leche ka! Pakamatay ka na! Bwisit!

Sa inis ko ay iniwan ko silang dalawa doon.

"Aria, saan ka pupunta?" Tumigil ako sa paglalakad at humarap kay Zep.

"Magkita na lang tayo bukas, Zep. Inaantok na kasi ako," I said before I left.

Padabog akong naglalakad at sinisipa ko ang mga bato na nadadaanan ko sa sobrang inis ko.

"Bwisit! Bwisit talaga! Paasa ang-----Ay pusa!" Nagulat ako noong sumulpot sa harapan ko si Fire. Ang unfair! Hindi ba ako pwedeng mag-walk out at makalayo sa'yo, Fire? Kailangan ay susulpot ka na lang palagi sa harapan ko nang walang pasabi?!

"O bakit?" tanong ko sa kaniya habang siya ay titig na titig sa akin na para bang sinusubukan niya akong liyaban. Baka mamaya ay bigla na lang akong mag-apoy dito?! Pero hindi, Aria! Mas may karapatan kang magalit! Hindi makatarungan ang ginawang pagpapa-asa sa'yo ng lalaking 'yan! Nakakawala ng poise at nakakasira ng ganda!

"Ano'ng nangyayari sa'yo?" he asked. Bigla naman akong kinabahan. Teka, nakakaramdam nga pala ang isang 'to! Nararamdaman niya ba ang nararamdaman ko na sobra na ang galit ko sa kaniya at ang gusto ko na lang ay regaluhan siya ng bomba o kaya ng lubid para magbigti na siya? Gano'n na ba ka-obvious na gusto ko siyang upakan dahil sa lecheng kapatid chorva na sinasabi niya?!

"Paki mo ba? Alis nga!" Konti na lang ang tao dito ngayon dahil gabi na. Pagsapit ng alas nuwebe ay wala nang estudyante ang makikita na palakad-lakad sa Yoso.

"Sabihin mo sa akin kung anong problema. Ayaw mo ba kay Zep as your trainer? Kakausapin ko ulit si Heiro," he said in a soft voice. Leche! Hindi si Zep ang issue dito, bwisit ka!

"Bakit ko naman aayawan si Zep e ang bait niya nga? Besides, he's friendly," I replied trying to hide my irritability. Langya ka Fire! Akala ko ba nakakaramdam ka?! Bakit parang ang manhid mong bwisit ka?! Walang hiya! Talipandas!

"So gusto mo siya?" Hindi ko alam kung saan hinuhugot ng walang hiya na 'to ang mga tinatanong niya sa akin. Siguro ay nilamon na ng kagutuman ang bituka niya kaya hindi na siya nakakapag-isip ng tama.

"Gusto ko siya. Ano naman ang problema doon?" I said. Biglang sumama ang mukha ni Fire. Teka, may nasabi ba akong mali?

"Ngayon mo lang siya nakilala tapos gusto mo na agad?! Nag-iisip ka ba?!" he angrily muttered. Ay ang bongga! Kailangan ba ay isang dekada ko munang kilala si Zep bago ko siya magustuhan? At ano'ng pinaglalaban mo, Fire? Gusto ko si Zep bilang trainer ko!

Pero nagalit na rin ang kaluluwa ko na kanina pa nagtitimpi. Parang lahat ng sama ng loob ko sa kaniya noong una ko siyang makilala ay bumalik at pakiramdam ko, ngayon ang tamang oras para ilabas ang galit at sama ng loob ko sa kaniya dahil kung hindi ay magmimistula akong kanyon na puputok at sasabog na lang dito bigla.

"E ano naman sa'yo, Fire?! 'Wag ka ngang makielam! Buhay ko 'to at gagawin ko kung ano ang gusto ko! Tatay ba kita para magpaalam ako sa'yo? Kapag sinabi mong oo, 'yon ang susundin ko? At kapag ayaw mo ay dapat ayaw ko rin? Aba matindi! Ano'ng trip mong leche ka?! Ano ba kita?! Ano ba ako sa'yo?! Ano ba tayo?!" Gusto kong bawiin 'yong huli kong tanong. Seriously, Aria?! Anyare sa neurons mo? Ginutom na rin ba kaya hindi ka na nakakapag-isip nang ayos?! Ano'ng pinaglalaban ng ano ba tayo spiel mo?

"Aria---" I cut him off,

"Please Fire. Sinabi ko na sa'yo noon. Don't be kind to me. Don't do these things. Don't act as if you care! Don't do anything like this that will make me fall in love with you! As much as possible, leave me alone!" I said before I left him dumbfounded.

Thea's POV

Kanina pa namin hinihintay ni Kai sina Aria. Hindi na kami tumuloy na kumain sa cafeteria. Nagluto na lang si Kai ng dinner namin.

Habang nakaupo kami ni Kai sa sofa ay bigla na lang kaming nagulat noong pabalag na binuksan ni Aria ang pinto ng silid namin. What happened to her? Or should I say, to them?

Sumunod si Fire na mukhang galit na rin.

"Aria, mag-usap tayo!" he shouted before Aria can open her door.

"Wala tayong dapat na pag-usapan, Fire! At utang na loob lang, inaantok na ako!" Aria snapped. Wait, hindi ba sila aware na nandito kami ni Kai? I looked at Kai and he just shrugged his shoulders.

"Sabi ko, mag-usap muna tayo! Besides, hindi ka pa kumakain. Matutulog ka nang walang laman ang tiyan mo?! Nababaliw ka na ba?" Fire said. Ngayon ko lang siya nakita na ganyan kaconcern sa isang babae na kakakilala pa lang niya.

"Nakalimutan na ng tiyan ko na nagugutom siya dahil sa kalechehan mo! Ayan ka na naman e! 'Di ba sinabi ko na sa'yo na 'wag kang maging ganyan sa akin?!" Aria answered with her high voice. Halos maputol na ang ugat sa leeg niya habang nagsasalita. Teka, what exactly is going on?

"Aria, hindi ako nagbibiro. Kumain ka muna bago ka matulog," Fire calmly replied pero kung titingnan ay kanina pa talaga siya nagpipigil ng galit.

"What's going on between them?" Kai asked.

"Hindi ko alam. Teka, Fire." Doon lang yata nila nalaman na nandito kami ni Kai kaya agad siyang lumingon sa pwesto namin ni Kai.

"Kanina pa kayo nandiyan?" he asked. Seriously?! Hindi niya talaga kami napansin?!

"Yes and we heard everything. Ano'ng problema?" I asked the two of them pero bigla na lang silang sabay na pumasok sa kwarto nila at pabalang na isinara ang pinto. What is their problem?

"This is not good," Kai said.

"Yes. Hindi talaga maganda na nag-aaway sila palagi. Baka magiba na lang bigla ang pintuan ng mga kwarto nila sa kakadabog," I replied. Hindi ko alam kung bakit hindi sila magkasundo na dalawa. Parang hindi yata sila mabubuhay nang hindi nagsisigawan at nagbabangayan.

"Hindi 'yon ang tinutukoy ko, Thea," sabi ni Kai. Bigla naman akong naguluhan sa sinasabi niya. Anong hindi iyon ang ibig niyang sabihin? May iba pa bang dahilan?

"What do you mean, Kai?" I asked him. Halata sa kaniya na kinakabahan siya. Teka, bakit siya kinakabahan?

"Are you okay? Mukha kang kinakabahan," I said.

"Natatakot ako, Thea."

"Ha? Bakit? Ano ba'ng problema Kai?" Nakakaloka rin si Kai e. Pasuspense pa.

"Bago pumasok sa loob sina Fire, I have read their minds."

"Tapos? Ano'ng nabasa mo?" I asked pero sana pala ay hindi na lang ako nagtanong dahil bigla akong nakaramdam ng kakaibang takot noong sumagot si Kai.

"Aria and Fire are now falling in love with each other, Thea and we have to make a way to stop them before it's too late."




Miss Ai

Continue Reading

You'll Also Like

32.9K 1.3K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
1.1M 29.9K 75
[Trinnity High 1st Series] Madness lies within us all. Welcome to Hell.
2.5M 66.5K 90
"You survive what you thought would kill you, now straighten that crown and move forward like the queen you are." L E C Q U A R E S A C A D E M Y...
277K 21.1K 34
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...