Shattered Pieces of Trust

By euphrosync

48.8K 3.1K 407

𝐼𝐼 | Feeling the surging passion of being in love... just like the first day of spring where you feel like... More

Shattered Pieces of Trust
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
Pasasalamat

Kabanata 36

930 57 2
By euphrosync

Kabanata 36...
Failed


"Talaga namang sinagot mo ako noon kasi gusto mo ng halik ko!"

"Hindi nga, Leon!"

"Iyon ang totoo, Tine," malaki ang ngisi n'ya.

Mas lalo akong sumimangot.

"I said yes to you kasi doon din naman 'yon patungo."

He jokingly rolls his eyes and tried to tickle me. "Ayaw pang aminin. Tanggap ko naman na may kissable lips ako," he grinned.

My eyes widen as I felt my cheek flushed. Hindi na ako nakasagot dahil may katotohanan naman iyong sinabi n'ya.

He licked his lips.

I took a glimpse at it and can't help but to praise it for the nth time.

He indeed has a kissable lip. Ang labi n'yang effortless na mapula at isang dila lang ay tila lalo pang nagninigning iyon sa paningin ng kahit na sino.

Lalo akong namula nang muli s'yang ngumisi at humalakhak.

Pero totoo rin naman ang sinabi ko! I said yes to him before because I knew I'll eventually do that since I like him. Not just because I want to kiss him! But well... that's probably one of my reasons too... but still!

Ilang minuto pang nagpatuloy ang pang aasar n'ya sa'kin at natigil na lamang nang sabay naming sinundan ng tingin si Papa na kapapasok lamang ng aking office.

Napatayo ako at agad sinalubong ng yakap si Papa. Sa likod n'ya ay nakasunod si Mama na agad umaliwalas ang muka at inagaw ako para yakapin.


"Kamusta, hija?"

"A-Ayos lang naman po... Katatapos lang ng isang meeting kanina at uh... may pinipirmahan na lang pong kaunti,"

"Mabuti naman at hindi hectic ang schedule mo?" Si Papa.

"I'm working well managing my time, 'Pa. Hindi naman po madalas natatambakan, minsan lang..."

Umiling si Papa habang nangingiti.

Bumalik ang tingin ko kay Leon na straight na ang tayo matapos bumati kina Mama at Papa. I tried to smile at him but all he can do was a faint smile. My forehead creased.


"Giselle's getting married, hija. Papunta na kami doon ng Papa mo para sa dinner. Susunod ka,"

"Nakauwi na sila, Mama?"

"Kauuwi lang kahapon,"

Tumango ako.


Ang sabi ni Mama'y napadaan lang daw sila ni Papa at aalis din, pero ang totoo ay nag tagal pa sila sa office ko. Buong pag uusap na iyon, kasama namin si Leon at paminsan-minsan na sumasali sa usapang business, pero mas madalas ang pagiging tahimik n'ya.

Hindi ko mapigilan ang mapaisip.

Matapos naming ihatid sila Papa palabas ay hindi ko napigilan ang pagmamatyag kay Leon.

He slightly chuckles and close our distance.

See? How he changes his mood is just so sketchy.

Saglit lang akong ngumiti bago sumandal sa'king couch at patuloy pa rin s'yang pinagmamasdan. Nawala ang ngiti n'ya at naupo katabi ko.


"What's the problem?"

Umiwas ako ng tingin nang mamuot sa'kin ang kaba, pero talagang hindi ko napigilan ang magtanong.

"Bakit ganoon ang trato mo kay Papa?"

I look at him. He looks stunned. His mouth gape open, yet he didn't utter a word. I continued.

"I-I'm sorry if this is a sensitive question, but it's bothering me."

He only nodded and pursed his lips.

"A-Are you... are you suspecting my father about Tito's... death?" My heart pounded. "I tried to shrug it off before, but ever since you went to our house the first time after all those years... I already noticed how you treat my father. All those words you used..."

Pilit kong isinantabi ang mga makahulugang sinabi ni Leon, pero ngayong kitang-kita ko na nanatili ang trato n'ya kay Papa ay talagang naalerto na ako.

Nakagat ko ang labi ko habang nakatingin sa kan'ya, nag aantay ng sagot.

Mahigit isang minuto bago s'ya nag buntong hininga at niyakap ako.

"You're overthinking so much..." he sighs. "Hindi, Tine."

Napapikit na lang ako at bahagyang napangiti at sinuklian ang yakap n'ya. Tumawa ako nang hinigpitan pa nito ang yakap sa'kin.

"Stop thinking over it. Just think about me. Kailan mo ako sasagutin, ganoon."

Umirap ako pero hindi napigilan ang pag tawa.

"For real though? You're not really suspecting my father? Because I tell you Leon, Papa has nothing to do with it."

Iling lang ang nagawa n'ya bago halikan ang pisngi ko at muling higitin para yakapin.


Somehow, with his consistency for the weeks ever since he came back, I'm learning to trust him wholeheartedly. Just some little steps and I'm ready... to take him back again.



Maingay na ang mga pinsan ko pagkapasok pa lang ng bahay ng aming lolo't lola. Nang makita nila akong naglalakad palapit ay nag hiyawan pa iyon pang aasar. Tumatawa akong lumapit sa kanila.

Tila bumalik sa'kin ang mga pasko at bagong taon noong bata pa lang ako.

Madalas pa nila akong asarin noon. Lahat sila kasali, pero tuwing umiiyak na ako at papagalitan na sila'y nagtuturuan na at kung sino ang tao ay s'yang hindi kasali sa ice cream ng aming Lola.

"He proposed to me sa gitna ng bumubuhos na cherry blossom, nakaluhod at nakalahad ang singsing, sino ba ako para humindi?! Feeling ko prinsesa ako!" Kwento ni Ate Giselle.

Tumawa ang kan'yang fiancé at pabiro pang tinakpan ang bibig. Natawa kami nang inambahan s'ya ni Ate Giselle ng hampas.

Nakikitawa lang ako sa kanila kasabay ng pakikipaglaro sa anak ni Kuya Marco.

Lalaki iyon. Kulot ang buhok at mataba ang pisngi kaya masarap pisilin.

Hindi ko napigilan ang pagiisip sa magiging anak ko.

Magiging ganito rin kaya s'ya ka-cute? Possible. Isa sa mga frames sa kanilang bahay ay nandoon si Leon habang bata pa. Ang cute-cute n'ya doon kaya malamang ay ganoon din ang magiging anak namin.

Anak namin...

I bite my lip and slightly caress my tummy.


Pabirong akong hinampas ni Kuya Marco nang maabutan akong pinanggigigilan ang anak n'ya. Napahalakhak ako.

"Ba't hindi mo dala ang boyfriend mo, Callie?"

Tumaas ang kilay ko sa tanong ni Kuya Kian.

"Wala naman akong boyfriend, Kuya."

"Sus! Wala!" Asar nila.

"Wala nga..." natatawa kong ani.

"I saw you..." ngumisi si Kuya Kian at hindi na dinugtungan ang sinasabi.

Iniyugyog s'ya ni Ate Giselle na nabitin sa pahayag nito. Naitikom ko lang ang bibig ko dahil hindi ko rin alam ang tinutukoy n'ya, pero hindi na handang mag tanong pa. Nakitawa na lang ako nang ako ang pinagtuunan nila ng pansin.


Muntik na kaming makumpletong pamilya kung dumalo lang sila Ate Ly.

The whole dinner was fun nonetheless. Ate Giselle's fiancé seems nice and so was his family, thus the two family just blend well together.


Taka ako nang magtatanghalian na kinabukasan ay hindi ko pa nasisilayan si Leon.

Kung ano-ano na ang nasa isip ko, pero napalitan na lamang iyon ng pag aalala nang makita ang message ni Kristine.


Kristine:

Ate Callie, Kuya's sick. Wala raw s'yang gana kumain. :((((


Gusuhin ko mang puntaha agad si Leon, dahil may dalawa pa akong magkasunod na meeting ay hindi ko agad nagawa. Umabot pa iyon ng halos apat na oras bago ko nagawang mag drive patungo sa kanilang bahay.

Agad akong sinalubong ni Kristine na nakasimangot at dinala sa kwarto ng kan'yang Kuya.


"Pero binigyan ko na naman s'ya ng gamot Ate, kaso ang init pa rin."

Tumango ako at ngumiti.

Bahagya n'ya pa akong niyakap bago nakangiting tumalbog-talbog pababa ng hagdan.

Marahan kong isinara ang pinto para hindi gumawa ng tunog at dahan-dahang nilakad ang kama ni Leon.

Patay ang aircon pero balot na balot s'ya ng kan'yang duvet. Namataan ko ang isang basong tubig doon at bukas na gamot. Dahan-dahan kong hinila ang kumot at nang sumingaw ang kan'yang noo ay ipinatong ang palad doon.

May lagnat pa rin s'ya.

Pinagmasdan ko ang namumula nitong muka at marahang hinagod ang kan'yang basang noo sa pawis.

He groans, slightly annoyed at my touch. I chuckle.

Nang mag mulat s'ya ay agad na napaupo sa kan'yang kama.

"Hindi ka pa kumakain?"

"Ayos lang ako,"

Tumawa na ako at itinulak ang kan'yang balikat para muling mahiga. Muli kong pinunasan ang noo n'yang pinagpapawisan.

"Mainit ka pa nga. Anong oras ka ba uminom ng gamot? You should eat, para makainom ka na ulit."

Ngumuso s'ya at ipinalupot sa'kin ang braso habang nagsusumiksik sa gilid ko.

"Leon,"

"Si Kristine ba ang nagpapunta sa'yo? Sinabi nang masakit lang ang ulo at kailangan lang ng pahinga e,"

"Anong pahinga? You still have fever, uminom ka nga ng gamot!"

"Bakit ka nagagalit?" He laughs while trying to sit.

Sinimangutan ko s'ya.

"I'm fine, Tine. It's just really a head ache,"

I roll my eyes. "Tell that to your fever,"

He let out a hearty laugh before hugging me. "You're getting grumpier and grumpier each day, hmm?"

I pouted.

"Okay lang naman, I love all your emotions. Pero lagnat nga lang ito, Tine."

"Anong oras ka uminom ng gamot?" I asked, ignoring the butterflies on my stomach.

Gusto kong tumawa nang sumagi sa isip ko na baka nakikipaglaro ang anak ko sa mga paro-parong iyon.

"Pahinga nga lang—"

My glare stopped him. "You're not answering my question."

He jokingly frowns before pressing his face against my neck. I immediately felt goosebumps as his hot breath touch my skin.

"Kanina pa pong umaga..."

"T-Then you really have to eat. Kailangan mo nang uminom ng gamot,"

He moaned. I flinch when I suddenly felt him bite my neck. My eyes widen while he just grinned before pulling his duvet as well as my body to also lay beside him. He wrapped his arms around me and pulled me closer.

Napasinghap ako at bahagya s'yang itinulak, pero mas isiniksik n'ya lang ako sa kan'yang katawan.

"Leon," I groan.

"Hmm, let's just stay like this for a while please. Baka gumaling agad ako," humalakhak s'ya.

Sumimangot ako pero itinigil ang pagpupumiglas.

Natahimik kami ng mga sumunod na minuto.

Dahan-dahan kong itinaas ang braso para yakapin s'ya pabalik. Rinig ko ang bahagya n'yang tawa bago bahagyang bumaba. Ang braso n'ya ay nakapalibot sa tiyan ko habang nakasiksik ang kan'yang ulo sa leeg ko at ang kan'yang hita na iniipit ang dalawang hita ko.


"I just realize I like cuddles," he laughs. "This is the first time we cuddled, Tine."

Natawa ako.

"Yeah..."

"This could've been the second if you didn't leave me that night,"

Nakagat ko lang ang labi ko.

I was panicking. Of course, hindi ako makakapagisip sa ginawa ko ng gabing iyon kung s'ya rin ang kasama ko. I had to leave and call a friend.

That night... made my baby. It wasn't so bad after all.

"I had to..."

He chuckles before pressing his head on my neck. Nang maramdaman ang halik n'ya doon ay napalayo ako sa kan'ya ng bahagya pero hindi napigilan ang pag tawa.

"Maybe I really shouldn't have cut it shorter huh?"

"Yes, Tine. You shouldn't have." He smirked before doing it again.

Umirap lang ako at muli s'yang niyakap.

"But you should really take your medicine, Leon."

"I will... Just more minutes, Tine."

Bumuntong hininga na lang ako at muli s'yang hinila palapit at marahang hinagod ang kan'yang braso. Hinila n'ya ang kamay kong iyon at pinagisa ang mga kamay namin.


"Those years were hard, Tine..." he suddenly uttered while playing with my hands. "We never ran out of problems. I want to mourn for my father, but I never did have a chance to do it properly. Kahit pa sabihin mong naroon ang kamag-anak namin para tulungan kami, mas lamang pa rin ang galit nila kaya wala akong magawa..."

I close my eyes as tears started to form.

All I can do is listen to every word that's coming out of his mouth.

"Abala ako sa pagpapalibing ng ama ko, sa gitna noon ay ang pag aalaga rin kay Kristine na wala pa ring malay na nakaratay sa higaan ng ospital..."

"They were there, but almost all the problems still lie on my back. Those were my darkest days, Tine... Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala na ang mga magulang ko at si Kristine na lang ang natitira, pero wala akong magawa para sa kalagayan n'ya. Kung pupwede lang ay sana ako na lang ang nakaratay doon..."

"Shh..."

I feel so guilty for throwing him hate words because he left me, when those times, he was the one suffering the most.

"Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nahahanap ang pumatay sa mga magulang ko, Tine. Hindi ako makakapayag hangga't hindi nabubulok sa kulungan ang walang hiyang iyon..."

I felt his hand trembling with anger.

I firmly close my eyes as I plant a kiss on top of his head.

"You will find your justice, Leon."

"I certainly will."

I slightly smile before tightening our hug.


Ilang sandali pa kaming nanatili sa ganoong posisyon. S'ya habang pinaglalaruan ang bawat daliri ko, at ako naman na hinahagod ang kan'yang maikling buhok. Pero nang muli n'yang pabirong kinagat ang leeg ko kasabay ng halakhak ay saka ko lang naalala na kailangan n'ya pang kumain at uminom ng gamot kaya agad ko s'yang iniwan doon para ipaghanda ng pagkain.

Of course, he didn't just stay put. Few minutes after I gone to their kitchen, he was already there.

Umirap ako.


Ipinagsasalin ko s'ya ng tubig nang mapatalon ako sa bigla n'yang pagyakap sa'kin.

"Galing ka pa talagang trabaho? Ba't amoy bagong ligo ka?" He chuckles under his breath.

Nagtaasan ang balahibo ko.

"U-Umupo ka na lang!"

"Okay po," muli n'yang halakhak.

Bumaba rin si Kristine sa kalagitnaan noon kaya napalitan ng pagiging masungit ang mapagalaro ni Leon. Napapangisi na lang ako tuwing pinapangaralan n'ya si Kristine.

If I know, he just loves her so much. S'ya na ngayon ang tumatayong magulang ni Kristine, it must be so hard for him, but I know he's doing good. I just wonder what his reaction will be if I tell him he's gonna be a real father soon.

I'm still scared, I admit. But right now, I'm just waiting for the right time...



"Bakit ka ba kasi nagkasakit?"

"Sumakit lang ang ulo ko. Pahinga lang talaga 'to,"

"Maybe you're too stressed," I step closer to him and touch his forehead.

Napasimangot ako nang mainit pa rin s'ya.

"You should rest Leon,"

"Rest with me?" He uttered, holding my hand as he lay on his bed.

Umupo s'ya nang hindi ako sumagot.

"Tomorrow's Sunday, Tine. Can you stay here? I promise I'll be good."

Tiningnan ko s'ya habang tinitimbang ang magiging desisyon ko. Pinisil n'ya ang kamay ko. Bumuntong hininga ako at marahang tumango sa kan'ya. Lumaki ang ngisi n'ya bago ako hinila para mapaupo sa kan'yang tabi.

Alam ko rin naman sa sarili ko na kahit umuwi pa ako ngayong gabi, s'ya pa rin ang iisipin at iisipin ko. Mabuti na sigurong narito ako dahil gusto ko rin naman s'yang alagaan.


It's nice talking with Leon the whole night with random things either deep or shallow. Hearing both of our perspective in different circumstances makes me know him better.


Hindi ko alam kung paano akong nakatulog, basta't nagising na lang ako sa mahigpit n'yang yakap.

Aalis na sana ako, pero masyado akong nasa komportableng posisyon kaya hindi muna ako gumalaw.

"Good morning," I felt his kiss on my forehead.

I can't help but smile before hugging him tighter. Natawa s'ya.

Hindi na s'ya mainit kaya napanatag ako. At least my stay here paid off.


"I just got a call..."

"Hmm?"

"About the investigation. Kailangan kong pumuntang Nueva Valencia,"

Napaangat ako at tiningnan s'ya.

"Ngayon na?"

He nods. "I'm not yet sure about it. But my investigator got a big evidence about my parent's death. Kung mapapatunayan 'yon, at tumugma sa isang suspect, dadalhin na namin sa court agad-agad."

"Aalis ka na?"

"I'm about to. I already booked a flight two hours from now,"

Tumango ako at sandaling napaisip.

Nang muling nagbalik ang tingin ko sa kan'ya ay isa lang ang nasa isip ko.

"Can I come?"

"I knew you'd ask that," he chuckle. "You can. But I told you I don't want you stressed so—"

"I'm not gonna pry on anything, Leon. I just want to be there for you,"

Tumango s'ya at muling nangiti.

"Now, let's just cuddle. May oras pa para mag handa,"

Humalakhak lang ako at hindi na pumalag pa.


Isang beses pa akong kumaway kay Kristine bago umandar ang sasakyan ni Leon papuntang airport.

Hindi man nagsasalita si Leon tungkol sa maaaring makuha n'ya mamaya, ramdam kong tensyonado rin s'ya doon.


I slowly reach his hand as the plane descend on the familiar airport of Guimaras. I close my hand when he intertwined hour hand.

Being here after so many years feels nostalgic.

Sinundo kami ng driver nila Leon na namamalagi sa Nueva Valencia. Tila hindi pa man kami nakakalayo ng husto sa airport ay natulog ako at nang magising ay papasok na kami sa kanilang gate.

Tinawanan lang ako ni Leon.


"Hindi kita maisasama,"

Napatingin ako sa kan'ya bago dahan-dahang tumango.

"Ayos ka lang do'n? Ikaw lang mag-isa ang aalis?"

Tumango s'ya. "Dadalhin ko ang isang sasakyan. Babalik din ako kaagad pagkatapos naming mag usap,"

"Hihintayin kita."

Ngumiti s'ya at hinalikan ang pisngi ko bago ako igiya palabas ng sasakyan.

Halos walang pinagbago ang bahay nila, kung hindi lang nadagdagan ng puno at halaman ang kapaligiran. Sa isang malayong gilid ay natanaw ko pa ang kubo kung saan ko nakilala ang mga kaibigan n'ya.


"Tine,"

I chuckle before catching up to Leon.

Maraming bumati sa'min papasok. Hindi ko maiwasan ang pagkamangha, pero agad iyong napalitan ng gulat at pagtataka nang ang malaking ngisi na si Kalani ay nanakbo patungo sa amin mula sa loob ng kanilang bahay.

"Leon! Nakabalik ka na pala!"

Ang anak ni Ate Delia ay narito sa bahay nila Leon? Paano nangyari iyon at talagang... galing sa loob ng bahay? She's staying here?

"Oo, Kalani."

"Bakit hindi ka nagsabi? Sana nag handa man lang kami! Nalaman ko lang nang papunta na sa airport ang driver, wala pa namang nailutong pagkain!"

"Hindi na naman kailangan,"

Natawa si Kalani at hinampas pa ang braso ni Leon, pero unti-unting nawala iyon nang magawi ang tingin n'ya sa'kin.

"Oh, Caceres..."

"Ah, oo. Kasama ko si Tine, Kalani."

"Bakit?"

Kumunot ang noo ko sa tanong n'ya.

Kita ko ang pag tingin ni Leon pero hindi nawala ang mariin kong titig kay Kalani.

"You're staying here?"

"Hindi, Tine." Ani Leon.

Saglit ko s'yang nilingon pero agad ding ibinalik kay Kalani na s'ya ring mariin ang tingin sa'kin.

"Teacher s'ya sa isang school dito at nakatira lang d'yan sa katabing bayan, hindi s'ya rito nakatira, Tine. Let's go inside?"

I glare at him before nodding.

He held my back before walking towards their house.

"Nagugutom ka na? Gusto mong kumain muna tayo?" He asked in a soft tone.

Muntik na akong umirap.

Umiling ako. "Hindi na, I'm still full."

"Tara sa kwarto,"

Sumimangot lang ako, pero hindi na pumalag. Nang marating ang kan'yang kwarto ay nauna na akong maupo sa kan'yang kama.

Pinagsamang cream at brown ang kulay ng kan'yang kwarto. May kalawakan iyon at may balcony sa isang gilid na s'yang pinapasukan ng hangin na nagpapalipad sa puti n'yang kurtina.


"Tine?"

I raise my brow.

He sighs before sitting beside me and holding my hand.

"Bakit? Are you bothered by Kalani?"

Hindi ako sumagot at tiningnan lang s'ya.

"She's not staying here. Talagang sa kabilang baryo s'ya namamalagi at siguro bumisita lang nang marinig na pauwi ako. Nakasalamuka ko s'ya nang isang beses kaming magkasalubong sa bayan. Iyon ay noong nakaraang buwan pa. Hmm? Are you jealous?"

Umirap ako at umiling.

Natatawa n'ya akong niyakap.

"As much as I want to stay here and assure you that there's nothing going on with Kalani and I, kailangan ko nang umalis."

Bumuntong hininga ako.

"It's okay. I'm fine here. Naniniwala naman ako. Nagulat lang ako na biglang may sasalubong sa'yo ng ganoon, ni hindi nga kami nagkikita noon."

He chuckles.

"I love you,"

I roll my eyes and try to hide my smile. Napahalakhak s'ya.

"I'm going, okay? Babalik din ako oras na matapos iyon,"

Tumango ako.

Hinalikan n'ya isang beses ang tuktok ng ulo ko bago tadtadin ng halik ang pisngi ko. Tumatawa ko s'yang inilayo sa'kin at pinilit na sumimangot.

"Sige na, umalis ka na."

He grinned before walking away.

Bumuntong hininga ako nang maisara n'ya ang pinto.

Tinanaw ko na lang mula sa kan'yang balkonahe ang pag alis ng sasakyan n'ya. Kumaway pa ako nang ibinaba nito ang bintana at ngumisi.

Gustuhin ko mang bumaba, sa tingin ko'y naroon pa rin si Kalani kaya 'wag na lang. Ayos na siguro ako rito sa apat na sulok ng kwarto ni Leon.


His sheets smell like him...

Inamoy ko pa ng isang beses ang unan n'ya, pero napailing na lang sa sarili.

I probably look like a creep doing that.

I wonder what Leon is doing right now... I hope he's fine.


I sigh as I sit on a cold metal chair outside his veranda. I can see workers cleaning on their yards, some are just talking casually while laughing.

I pursed my lips before going back his room.

Tumama ang tingin ko sa kan'yang table at agad tinungo iyon. Pinadaan ko ang daliri sa kan'yang lamesa habang binabasa ang pangalan ng bawat libro sa shelf. Bumaba ang tingin ko at namataan ang isang laptop.

I pulled a chair closer before slowly opening his laptop.

Tumaas ang kilay ko at napangiti nang walang kahirap-hirap ko iyong nabuksan dahil walang password.


Binuksan ko ang browser at halos isang oras yatang nag browse sa social media at ni-reply-an ang mga kaibigang nagre-reach out na pala. Pero nang makaramdam ng boredom sa paulit-ulit na ginagawa ay ini-log out ko lahat ng account ko doon at isinara ang tab.

Nagpaikot-ikot ako sa upuan bago nagpasyang tignan ang mga files ni Leon.

Well, he didn't keep a password so I bet he has nothing to hide or keep in personal here? I wish he won't get mad with my nosy ass.


I can't help but to smile when I saw a picture of him and Kristine, wearing sweaters under falling snow. Leon was smiling so bright here as he hugs Kristine on her neck, while Kristine's blurred and looked annoyed.

I pouted when I ran out of photos to look at. Leon keeps so few pictures!

Kumunot ang noo ko nang pagkasara ng tab na iyon ay nahagip ng paningin ko ang isang folder.


The moment I opened it, my heart sank.

"Papa..." nanginginig ang boses ko.

Mabilis ang pag-click ko. At sa bawat pictures na lumalabas, mas lalo lamang sinasaksak ang puso ko.

I asked him if he's suspecting my father, and he said he's not... but I was wrong to believe him because here it is... files about my father's doings for the past years both before and after his parents died.

He thinks my father killed his parents...?

My hand tremble as tears started rolling down my cheeks.

Why did he lie to me?

I asked him, but he lied to me!

It makes sense. Kung bakit ganoon ang trato n'ya kay Papa, kung bakit marami s'yang itinatago sa'kin tungkol sa imbestigasyon ng pagkamatay ng magulang n'ya... pero kung sinabi n'ya naman sa'kin 'to ay maiintindihan ko s'ya... pero nagsinungaling s'ya sa'kin.

Ang sakit-sakit.

I was ready!

I was ready to tell him about our child and take him again by this day, but he failed me.


Hindi ko inalintana ang bumubuhos kong luha at nanghihina kong katawan, tinahak ko ang palabas ng kwarto ni Leon.

"Naku, hindi ko naabutan 'yan dati pero ang sabi nga ni Inay ay maarte nga raw 'yan! Spoiled kumbaga. Mas gusto ka naman namin para kay Sir, Kalani,"

"Oo nga, hindi ko rin gusto ang kilos noon."

"Pampalipas lang 'yan ni Sir, hula ko!"

Napapikit ako sa narinig na hagikhikan at tsismisan nang marating ko ang baba.

Pilit kong hindi pinansin iyon at nag martsa na palabas, pero napatigil sa biglang pag tawag ni Kalani.

"Ano, Caceres? Pupuntahan mo si Leon? Masyado ka namang clingy, baka mapabilis ang pagsasawa sa'yo n'yan," humalakhak ito.

Dismaya akong umiling habang tuoy-tuloy pa rin ang usap n'ya.

"Pansamantala ka lang, Caceres! Sa akin pa rin uuwi si Leon!"

Napasinghap ako nang hindi pa nga tapos si Kalani ay tumambad naman sa harap ko ang nakangising si Janine.

"Oh, buti sinama ka ni Leon? Mukang matatapos na ang—"

Natigil ang pagsasalita n'ya nang mabilis ko s'yang nilampasan.

I heard her yell my name and asked why am I crying. I bite my lip to stop from sobbing as I raise my hand to get the attention of a ride nearby.


"Saan ma'am?"

"A-Airport..." my voice tremble.

"Naku ma'am, napakalayo ng airport, hindi naman po kaya iyon at saka—"

"Bayan, kuya! Pakibilisan please..."


...

Continue Reading

You'll Also Like

650K 22.3K 28
Yshara Madriaga is traumatized due to a kidnapping incident during her 7th birthday, with that she's currently suffering psychogenic mutism, unable t...
85.4K 1.3K 23
π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—¦π—›π—˜π—— π—¨π—‘π——π—˜π—₯ π—£π—œπ—£ PURSUING MY DREAMS (SINGLE LADIES SERIES #5) Shelley Elana Olivares has so many dreams in life. She study hard t...
167K 4K 35
Baguio Entry #3 [Completed] Desiree Solaina Pascual student from University of Sto.Thomas: a "ghoster" decided to transfer at Saint Louis University...
28.2K 1.2K 22
Ashleigh fell in love with the man in her dreams. Alam niyang ang lalaki sa panaginip niya ay ang lalaking nakalaan para sa kanya. At wala na siyang...