Jonah Complex (GL) [HSS #3, C...

بواسطة InsaneSoldier

242K 17.6K 3.8K

[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 3: West Date started: July 16, 2017 Date completed: August 1... المزيد

Jonah Complex
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Final Chapter

Chapter 33

5K 446 135
بواسطة InsaneSoldier

Pagkatapos namin sa cemetery ay dumiretso naman kami ni West sa isang Japanese restaurant para mag-lunch. Dati pa-Tokyo-Tokyo lang ako, ngayon level up na.

Ang eme ko.

"Anong gusto mo?"

Inabot niya yung menu sa akin. Binabasa ko naman pero automatic na hinanap ng mata ko yung ramen. Ewan ko kung bakit tuwing kakain ako, lagi na lang ramen pumapasok sa isip ko.

Masarap naman din kasi, eh.

"Ito," Tinuro ko sa kanya yung gusto ko. Mabilis naman siyang tumango at tinawag yung waiter.

Pinanood ko lang siya magsabi ng order namin. Ang ganda niya talaga kahit saang angle tingnan, tapos ang feminine niya, yung cool type. Para bang kahit anong gawin niya cool pa rin siya kahit hindi siya masyadong nags-smile sa iba.

Tuwing ngumingiti siya, mas mukha pa siyang ngumingisi na ang chill lang tingnan. Parang kalmado lang siya lagi, miski kapag tumatawa siya.

"You sure you don't want anything else?" Napatigil ang isip ko sa paglipad-lipad nang magsalita siya─may kasama pang paghawak ng kamay! Wait lang naman, hindi ako prepared!

"H-huh?"

Nginitian niya na naman ako, yung para bang aliw na aliw siyang lutang ako. Grabe ka naman, self, why naman always pahiya yourself? Jusko.

"Do you want anything else aside from ramen?"

"Uh, ano..." Napalingon ako sa dumaang waiter na isa at nakita yung mga dala niya. "Tempura. He-he."

Parang masarap din, eh. Sana maubos ko lahat.

Tumango si West at sinabi na ro'n sa waiter yung dagdag na item, umalis din si kuya kaagad after niya i-repeat yung order namin just to make sure na na-note niya lahat. Tahimik lang kaming dalawa, pero ako yata ang naiilang dahil nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko mapigilan yumuko na lang at likut-likutin yung daliri ko.

"This is not a typical date but I hope you enjoyed."

Napalingon ako sa kanya. "Nag-enjoy kaya ako, tsaka nakaka-touch na pinakilala mo ako sa Mama mo."

Umangat yung kabilang dulo ng lips niya, hanggang sa tuluyan na siyang nangiti at napailing. "I really like you."

"A-ako rin."

She chuckled. "I remembered the first time we ate on Tokyo-Tokyo where I supposed to meet Jam but I was stood up. Hindi siguro halata but I was glad you're there."

"Ako, no'ng time na 'yon, hindi ko sure." Natawa ako. "I mean kasi, 'di ba, hindi naman talaga tayo close. Pero siguro curious na ako sa'yo ng slight, kasi magkaiba kayo ni East, eh. Naisip ko pa dati malabo makasundo kita kasi parang ibang level ka."

"Ibang level?"

"Eh, basta." Napakamot ako sa may tainga ko. Hindi ko kasi ma-explain sa kanya ng maayos yung gano'n, na para bang unlike East, mas mahirap siya i-reach, although parehas sila ng kambal niya na parang may wall sa kanila. "Tapos nag-start na lang lahat no'ng malaman ko na yung favorite write ko—"

"Na crush mo—"

"Wuy!" Bigla kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko kahit ang lamig dito dahil may aircon. Jusko, minsan talaga walang filter 'to si West! Sasabihin talaga! "Secret lang 'yon."

"Ni isang beses hindi ko binura messages mo." Tinaas-baba niya ang dalawang kilay, halatang nagsisimula nang mang-asar. "Mabasa nga mamayang gabi."

"Sana hindi mo na lang sinabi sa akin." Napanguso ako. Parang hindi yata talaga lilipas ang araw nang hindi ko mapapahiya ang sarili ko.

Maisip ko pa lang lahat-lahat ng mga pinagsasabi ko sa kanya since day one parang gusto ko na lang mabaon sa lupa. Ang korni-korni ko ro'n! Tapos sa real life wala, isa lang akong ganap na halaman to the point na hanggang label lang panliligaw ko dahil parang si West naman ang nanliligaw talaga, ayaw niya lang aminin.

"I was just teasing you," Inabot niya ang kamay ko ulit at pinaglaruan ang mga daliri ko. "Those messages are sweet, lalo na yung mga nauuna pa sa breakfast ko. It's just nice to be admired like that, kahit hindi ako sumasagot."

"Pero wala ka talagang nire-reply-an kahit isa? As in never?" Hindi ko maiwasan ma-curious.

Umiling siya. "Ang daming nagp-private message sa akin, usually puro thank you rin for writing, o kaya gusto nila yung stories or characters, or they want to be friends with me, may iba naman na parang ikaw—flood messages."

Oh, lupa, I summon you, lamunin mo na ako.

"You're so cute, huwag ka na mahiya."

"Nakakahiya kaya."

"Sweet yung gano'n since you're making an effort kahit hindi ka napapansin." Pinagsalikop niya yung mga daliri namin. "Mahiyain ka lang talaga sa personal, dinaig mo pa ako."

"Hindi ka naman kasi mahiyain talaga," sagot ko sa kanya. Nagkibit naman siya ng balikat.

Introvert siya kung tutuusin pero hindi siya yung shy type na kada kilos, or kada iikot sa kanya ang crowd ay titiklop siya. She can carry herself with confidence kung gugustuhin niya. May mga opinion siya sa mga bagay-bagay at hindi siya nahihiya i-express iyon sa mga piling tao. Reserved type siya, iyon siguro ang proper term.

Ako kasi kung nasa pwesto niya ako, baka magtago na lang ako. Nagawa ko lang naman din siyang kausapin talaga dahil siya mismo sinubukan niya mag-open up. Kung hindi, malamang sa malamang wala kami ngayon dito.

Feeling ko wala akong effort kaya gusto ko makabawi sa kanya sa paraan na alam ko. Na maging expressive din kahit papaano, na sabihin kung may gustong sabihin at mag-stand para sa bagay o tao na gusto ko.

Parang kailangan ko talaga mag-thank you kay Val, isa siya sa reason bakit nakapag-progress kami ni West nv ganito, eh. Malibre nga 'yon ng pagkain—kapag may ipon na ulit ako.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang order namin. Mas lalo kong naramdaman ang gutom nang makita yung ramen! Ang sarap sa sight!

"Ella." Natigilan ako nang tawagin niya ako. Para kasing ang seryoso ng boses niya. Tiningnan ko siya at nilabas naman niya ang cellphone. "I rarely get pictures with you, can we?"

"Huh?" Parang may fireworks sa loob ko. Shems, Lord, bakit naman ganito ka-cute si West! Favorite mo talaga? "S-siyempre."

Favorite mo rin siguro ako, Lord, hindi lang obvious. West ang regalo, eh. Baka pwede paulanan mo na rin ako kaunting talent? O kaya kahit kagandahan na lang?

--

Bihira ako mag-upload ng photos sa Facebook, kung oo man, madalas pagkain lang o kaya mga view ng school at kung saan-saan mang napuntahan ko—kahit sa mall lang ako madalas. Kung hindi mga 'yan, mga pagmumukha ni Val kapag tinatambak niya lahat ng selfies sa gallery ko.

Pero wala rin naman akong ia-upload ngayon, nasabi ko lang kasi—jusko!

Nag-upload lang naman si West ng pictures namin at naka-tag pa ako and wait! Yung caption niya pa sa post niya!

You're so cute. Let's date again.

Nagpagulung-gulong ako sa kama ko sa sobrang kilig. Akala ko nga hindi nagamit ng Facebook 'yon kahit may account naman siya, paano wala halos laman. Kung meron man, puro mga photos lang nilang magkakapatid, o kaya mga tag and mention sa kanya ni Jamaica.

Ang daming likes and react no'ng post lang na 'yon, napansin talaga kaagad ng mga kaklase namin pati ng mga kung sinong friends ni West sa account na hindi ko kilala pero familiar ang mukha dahil schoolmate namin sila.

Puro sana all nababasa ko. Hindi naman siguro sila nakakahalata na may something—ay, ano 'to!

Nagising lalo ang diwa ko nang makita kong nag-comment din si Valeen.

Valeen Fabregas
Haba hair yarn? @West Hansen sinagot mo na ba to? Ako na sasagot para sayo, nakakahiya naman sa bagal ninyo!

Jo Martinez
@Valeen Fabregas Ako na lang sagutin mo, baby.

May angry react naman si Val sa reply ni Julliana sa kanya. Itong dalawang 'to...

Jam
Kyuddie may pag-date na!

Himala nagparamdam si Jam. Ever since kasi na hindi na siya pumasok ay bihira na lang din ako makarinig ng tungkol sa kanya.

May ibang mga kaklase namin na nakisabay sa comment thread, nagtatanong kung anong meron. Napalunok ako. Oh, my ghad, parang ayokong pumasok sa Monday.

Valeen Fabregas
Back off na guyths, magjowa na mga yan ako nanligaw at sumagot para sa kanila :"D

Apatay talaga.

Paalam, tahimik na school life.

Binitawan ko ang phone saglit para ibaon ang mukha sa unan bago tumili. Kailangan ko ilabas ang kilig at kung anu-ano pang nararamdaman ko dahil para akong sasabog. Hindi kinakaya ni self!

Humilata ulit ako at tumitig sa ceiling. Ang daming ganap today. Pag-uwi ko pa kanina tinadtad ako ng asar nina Mama kesyo sinagot na raw ba ako, meet the parents na ba, at kung anu-ano pa.

Parang sobrang saya ko lalo. Nakakatakot yung ganoong saya pala, parang ayokong mabawi kung nagkataon, effort talaga 'to.

Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ulit ang cellphone at sakto naman na may nag-pop na Wattpad notification sa top ng screen.

Napabangon ako sa nabasa ko. Oh, my!

Nishi_Ishin started following you.

Nishi_Ishin wrote on your Message Board: "Hi."

Teka lang naman! Hindi ready ang heart ko! Hindi ko alam kung ano uunahin ko, fangirling mode ba as a reader o fangirling mode as someone na may gusto sa kanya!

Para akong tanga na in-screenshot pa yung notification pagbukas ko ng Wattpad. This is treasure, first time lang ni West in history na may ni-follow siya. Ang swerte ko naman masyado!

Nag-reply ako sa message board ng "Hello."

Hindi ko na alam ano idudugtong ko kasi nanunuot pa ang kilig hanggang laman-loob ko. Parang gusto ko sumayaw at kumanta at tumalon sa bintana saglit kaso baka ma-deads naman ako no'n. Parang ang labong makatulog ako.

Maya-maya ay may nag-notif ulit pero this time ay sa Facebook naman. Parang gusto kong maiyak na ewan nang makita ko yung notification.

West Hansen listed that you two are in a relationship.

Confirm                             ❎

_____

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.2M 53.5K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1.4M 52.8K 52
[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 20, 2017 ** "Malalaman ko rin ang lahat n...
158K 13.1K 37
"No! Stop!" I could see her fading silhouette. She keeps on walking away just like the way I dreamt of her every night. 'No! Please don't walk away...
672K 14.9K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...