Under A Rest | โ˜๏ธ

By blueth_24

475 36 6

Police Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
A/N

Chapter 33

5 0 0
By blueth_24

Sa isang fast food restaurant lang kami kumain kaya naman afford ko iyon kahit papano. Nag uusap sila tungkol sa ibang bagay at hindi ako halos makasabay. Hindi ako makarelate sa pinag uusapan nila, masyadong malayo ang pamumuhay nila kumpara sa akin.

"Nakakainis! Naubusan ako ng stock noong paborito kong libro"

Sila ay iyon lamang ang inaalala samantalang ako namomroblema kung paano makakapag tapos ng pag aaral.

Napansin ng mga kasama ko na tahimik ako, kaya napunta sa akin ang atensyon nila.

"Ikaw Meisha? May paborito ka bang K-pop group or Wattpad author? Or anything?"

"Ah. Wala akong alam sa ganiyan e." napakagat ako sa ibabang labi dahil nahihiya ako. Hindi ko naman kasalanan na wala akong oras para doon .

"Are you even serious? Come on! That's what we called living nowadays" hindi ko alam kung anong isasagot ko doon. Pilit na lamang akong ngumiti sa kaniya. Nakita ko namang bahagyang napaismid at natatawa ang ibang kasama namin.

Nagpaalam akong pupunta ng banyo pero si Maui lang ang may pakealam na aalis ako.

Habang naglalakad ay nagtext ako kay Uno, at tinanong kung anong ginagawa niya. Wala akong ibang masabi sa kaniya, ayaw ko namang magpasundo sa kaniya dahil baka mag alala pa siya.

Pumasok ako sa isang cubicle habang iniintay ang reply niya pero wala. Baka busy?

Pagkalabas ko ay ang nag aalalang mukha ni Maui ang sumalubong sa akin.

"Ayos ka lang ba? Pasensya ka na sa kanila"

Wala naman siyang kasalanan at wala rin siyang dapat ihingi ng tawad. Wala rin naman ginawa o sinabing masama iyong mga kagrupo namin. Ako ang may problema, dahil nararamdaman ko nanaman na hindi ako kabilang sa kanila.

"Ayos lang" nginitian ko siya para hindi na siya makonsensya.

"Bumalik na tayo doon. May naghihintay sayo"

"Sino?"

Nagkibit balikat lamang siya at naunang lumabas. Nagtataka akong sumunod sa kaniya.

Nang makalapit sa pwesto namin ay napaawang ang labi ko nang makita roon si Uno. Anong ginagawa niya rito?

"Oh! Anjan na pala sila"

Sinalubong ko ang seryosong mata ni Uno, pero agad na lumambot iyon nang makita niya ako.

"Let's go home?"

Tumango ako at nagpaalam sa mga kasama ko, kahit hindi naman kawalan na umuwi ako. Pero nagulat ako nang nagpaalam na rin si Maui na mauuna na.

Naalala kong transferee nga pala siya kaya siguro hindi niya kilala si Uno.

Sabay sabay kaming tatlong kumabas doon. Nagpaalam sa amin si Maui na mauuna na siya.

"Mauna na ako Meisha! Kita kits sa school" ngumiti siya sa akin at tumango sa lalaking nasa likuran ko.

Naglakad kami ni Uno papunta sa sasakyan niya. Sumandal siya doon at parang may iniintay na sabihin ako.

"Anong tinitingin mo jan?"

"What happened to your dinner?"

Napasimangot ako at naalala nanaman kung paanong na out of place ako kanina.

"May kilala ka bang K-pop group? O author ng Wattpad?" Tanong ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.

"Ha?" parang naguluhan siya sa tanong ko. "Ah! Naalala ko na, ayun yung kinaaadikan ni Michelle at Aryana. Bakit?"

"Wala. Sabi nang kasamahan ko ay iyon na daw ang means of living sa panahon ngayon. Naisip ko tuloy masyado na ata akong old school"

Para akong batang nagsusumbong sa kaniya. Napaismid ako nang marinig ko ang mahina niyang pag tawa.

"You're so cute" tinapik tapik niya ang ulo ko at bahagyang yumuko para pantayan ang tingin ko. "You know what baby, we all live for a certain reason. And those reasons are different and that is okay. Having a different reason from others to live doesn't make you less, kaniya kaniyang buhay lang yan at kaniya kaniya rin ng dahilan."

Napangiti ako sa sinabi niya. Maaaring mapagbiro at puno ng kalokohan si Uno, pero nagagawa niyang bigyan ng paliwanag lahat. Natututo ako sa kaniya sa maraming paraan.

"Ang lalim naman" pang aasar ko sa kaniya na ikinasimangot niya.

Naguluhan ako ng ibunuka niya ang mga braso niya.

"Stop teasing me, instead give me a hug." hindi ako gumalaw sa pwesto ko. " Come on! Namiss kita maghapon"

Siya na mismo ang humila sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Grabe ka. Pinakilig mo ako kanina" pabiro ko siyang hinampas sa likod ng maalala ang tinutukoy niya.

Hindi kasi ako madalas mag "I love you" sa kaniya, pero sigurado naman akong totoo ang mga iyon sa tuwing sasabihin ko sa kaniya. Kaya naman hindi raw niya mapigilang kiligin.

~

Habang papasok ay naagaw ng pansin ko ang mga bulaklak at teddy bear na dala dala ng mga estudyante. Napahinto ako at agad na nanlaki ang mga mata nang maalala kung anong mayroon ngayon. Valentine's Day.

Nakalimutan ko iyon sa dami ng iniisip  ko at ginagawa ko. Wala rin namang nabanggit sa akin si Uno tungkol dito. Nakonsensya tuloy ako, siguro ay hindi niya na sinabi sa akin para hindi na ako maabala.

"Bat nakasimangot ka?" iyon ang bungad sa akin ni Maui nang makapasok ako.

Kahit tapos na ang Research ay kinakausap pa rin niya ako. Hindi ko alam kung kaibigan na ba ang turing niya sa akin.

"Valentine's Day pala ngayon?"

"Hindi mo Alam?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Hindi ko naalala"

Nagulat ako nang may inilapag siya sa table ko. Isang balot ng chocolate.

"Happy Valentine's Day" nahihiya akong tumingin sa kaniya, hindi ko magawang suklian ang ngiti niya dahil wala akong maibigay sa kaniyang kahit ano.

"Ah. K-kasi wala akong maibibigay sa'yo"

Bahagya siyang napatawa bago sumagot na siyang ikinatigil ko.

"Hey! I'm not asking for anything in return except the friendship that I'm offering"

"H-ha? Gusto mong maging kaibigan ako? Pero bakit?"

Nagkibit balikat lamang siya at bahagya pang natawa.

"Why not? I can't see something wrong with being friends with my cousin's girlfriend"

Pinoproseso pa ng utak ko ang sinabi niya. Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"P-pinsan? Si Uno?"

"Mismo!" humalakhak pa siya at parang natutuwa pang makitang naguguluhan ako.

Paanong nangyari iyon? Noong nagkita sila ay hindi manlang nila binati ang isat isa.

Buong maghapon ay iyon ang iniisip ko, mabuti na lamang at walang klase dahil mayroong event sa school.

Habang naglalakad pauwi ay may narinig akong sumusitsit, hindi ko siguradong ako ang tinatawag kaya naman hindi ako lumingon at tuloy tuloy na naglakad pero napahinto ako nang may humarang sa dinaraanan ko. Si Landon.

"Sayo na lang. Mukhang walang nagbigay sayo" iniabot niya sa akin ang isang stemmed fresh rose bago tumakbo pabalik sa mga kasama niyang tinatawanan siya. Weirdo.

Malawak ang ngiti ni Uno nang sinalubong niya ako pero agad na napasimangot siya nang makita ang hawak hawak ko.

"Kanino galing yan?" wala pa manlang ay parang nagtatampo na siya.

"May nagbigay Lang"

"Ganda yarn?" sinimangutan ko siya na ikinatawa naman niya.

Sumakay kami sa kotse niya at nagdrive siya papunta sa tabing dagat. Sumalubong sa amin ang sariwang hangin at payapang tunog ng mga alon.

Naglabas siya ng kung anong mga gamit mula sa kotse niya. Napansin niyang nakatitig ako doon kaya natawa siya at pinisil ang ilong ko.

"Hindi mo po kasi naalala, kaya ako na ang naghanda"

Napanguso ako dahil nakokonsensya ako.

"Hoy! Araw ng mga puso, hindi ng mga nguso. Kaya umayos ka nga, baka mahalikan kita"

Hinampas ko siya at tinulungan na magdala ng mga gamit, pumwesto kami sa isang maliwanag na parte ng dalampasigan at naglatag ng carpet.

Ipinagmalaki niya pa ang mga pagkain na siya raw mismo ang nagluto. Sobrang naaappreciate ko lahat nang ginawa niya.

"Saglit lang may regalo ako sayo" paalam niya pagkatapos namin kumain.

Maya maya ay bumalik siya dala dala ang isang bouquet ng bulaklak, pero hindi iyon fresh na roses kundi handcrafted, umiilaw iyon ng bahagya na lalong nakapag paganda sa kaniya.

"A-ang ganda nito Uno"

Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya.

"Nagustuhan mo ba?" malambing na tanong niya at agad naman akong tumango. "Sabi mo ayaw mong ibili kita ng kung ano anong bagay, kaya naman gumawa ako para sayo. Sana napasaya Kita. Happy Valentine's day, Mahal Kita"

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at tinitigan siya sa mga mata.

"Happy Valentine's Day. I love you too"

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at pinaglapat ang mga labi namin. Ito ang kauna unahang beses na nahalikan niya ako. Kita ko ang gulat sa mga mata niya pero puno ito ng saya. Sana palaging ganito, sana hindi na matapos.

~💙

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 186K 71
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
27.1K 1.9K 13
In a twist of fate, two individuals with contrasting personalities found themselves tied together in the sacred bond of marriage. She exuded a vibran...
385K 24.9K 56
The feeling of being abandoned by one's own family was not unknown to Aadhira. She hates her family for abandoning her when she was only a newborn, l...
26.3K 1.3K 20
What happens when a suicidal twenty-two year old meets someone who pushes her to be more than her grief. In return she teaches him how to be patient...