MISSION 3: Claiming You

By AleezaMireya

184K 8.7K 2.5K

"Pwede bang hindi kita tawaging Kuya? Crush kasi kita." Ang mga salitang iyon ang unang sinabi ni Pretzhel k... More

Author's Note
Teaser
Chapter 1 - Memory Lane
Chapter 2 - Pretty
Chapter 3 - Jealousy
Chapter 4 - Research
Chapter 5 - Portrait
Chapter 6 - Love Story
Chapter 8 - Seduction
Chapter 9 - The Chase
Chapter 10 - Confirm
Chapter 11 - Threatened
Chapter 12 - Getting To Know
Chapter 13 - Family
Chapter 14 - Admission
Chapter 15 - Lured
Chapter 16 - Cornered
Chapter 17 - Virtual War
Chapter 18 - Come Clean
Chapter 19 - Sweetheart
Chapter 20 - Secret
Chapter 21 - Priceless
Chapter 22 - Mission
Chapter 23 - Introduced
Chapter 24 - Unimpressed
Chapter 25 - Make Out
Chapter 26 - Future Plans
Chapter 27 - Lap Dance
Chapter 28 - Grand Slam
Chapter 29 - Warned
Chapter 30 - Taste
Chapter 31 - Tested
Chapter 32 - Unrestrained
Chapter 33 - Overheard
Chapter 34 - Wrong Verb
Chapter 35 - Evasive
Chapter 36 - Connive
Chapter 37 - Captivated
Chapter 38 - Tricked
Chapter 39 - Captured
Chapter 40 - Remorseful
Chapter 41 - Ready
Chapter 42 - Marked
Chapter 43 - Busted
Chapter 44 - Beloved
Chapter 45 - Perturbed
Chapter 46 - Cared For
Chapter 47 - Perfect Addition
Chapter 48 - Fairy Tale
Chapter 49 - Jubilant
Exciting News!!!

Chapter 7 - Gift

3.5K 154 20
By AleezaMireya

"Fuck!" ani Clifford habang habol ng tingin ang palabas na si Pretzhel.

"Lagot na! Ngayon ko lang narinig na sumigaw nang gano'n kalakas si Pretzhel, Kuya," ani Brian na lumabas sa kusina.

"Kung kuya niya ang kasama niya, tiyak may kinalagyan ka na. At kung hindi lang kita ka-close, naupakan na rin kita. Pinsan ko 'yon, Cliff!" ani Julius na kasunod lumabas ni Brian sa kusina. Naiiling ito habang nakakunot ang noo.

Naroon din siya kanina at lumabas lang nang maulinigan si Pretzhel. Ang totoo ay sa garden sana siya pupunta nang malamang dumating na ito pero hindi muna siya doon tumuloy nang makitang busy at naka-concenrate sa ginagawa si Pretzhel.

Naihilamos niya ang kamay sa mukha. "Shit! Wala sa plano kong sabihin iyon sa kanya. Ewan ko bakit lumabas sa bibig ko iyon." Napatingala si Clifford habang hinihilot ang batok. Shit! Seeing Pret again after so many years made him so excited. He totally forgot to slow down and choose his words.

Oo nga't nakikita niya ito sa mga tagged photos nina Brian at Abby, pero hindi nabigyan ng hustisya ng mga larawang iyon ang tunay na ganda ni Pretzhel. Clifford thought the wind got knocked out of his chest when he saw Pretzhel at Jason and Jillian’s wedding. Nakangiti ito habang naglalakad palapit, sa bagong kasal nakatingin. The wind catches her hair in every step.

And hot damn!

The navy blue, off-the-shoulder dress perfectly accentuated her slender body. Gone were the baby fats. She got all the right curves in all the right places.

"Paano mo masusuyo iyon, eh, ipinahiya mo pa sa harapan ni Lolo? Sa lahat ng diskarte mo sa buhay, dito ka sablay, Kuya," palatak ni Brian.

"Sablay talaga! Ipamukha mo ba naman sa pinsan ko na easy lay siya," naiiling na dagdag ni Julius. "Pasalamat ka't suntok lang ibinigay sa iyo noon. Maalam ng martial arts iyon. Tinuruan ng kuya niya."

"Bakit nga ba iyon naman kasi ang sinabi mo, Kuya? No offense meant, pero kahit ako, napailing kanina. Kung ako ang babae at sinabihan mo rin ako noon, sasapakin din kita, Kuya. Eh hindi naman babastusin si Pret. 'Yong suot nga niya ngayon, balot na balot naman siya. Ultimo hubog ng hita, hindi kita."

"Fuck!" That was really messed up! He knew that he messed up big time the moment Pretzhel looked at him with shocked expression. And he saw how that shocked expression turned to anger. Kaya nga hinayaan niyang ilabas ng babae ang galit sa kanya kanina.

He really don't know what's gotten into him.

The moment he looked in her beautiful eyes, and get a glimpse of those plump and succulent lips, he lost it. All he wanted was to taste and claim her lips.

"Si Pret," ani Julius bago sinagot ang tawag sa cellphone nito, nakinig sa sinabi ng nasa kabilang linya. "Nasa loob pa. Nasa kusina. Kumakain kami ni Brian. Tapos ka na? Teka lang. Tatapusin ko lang ang pagkain ko. Pasok ka muna rito. Kain muna tayo."

Brian gave a thumbs up to Julius. "Pret, pasok ka muna, kain ka!" malakas na salita nito.

"Salamat na lang daw pero aalis na kami pagkatapos kong kumain," Ulit ni Julius sa tugon ni Pret. Muli itong nakinig sa nasa kanilang linya. Tumingin kay Brian saka sumulyap sa kanya. "Kaagad? Papababa lang ako ng kinain, Pret. At saka hindi mo pa nga naibibigay 'yong regalo mo sa lola ni Brian, di ba? Nasa loob pa ng van. Nalimutan ko ring dalhin kanina."

Iniumang niya ang kamao kay Julius at binanga naman iyon ng lalaki. He owe him. Kanina pa niya nasabi rito at kay Brian ang intensyon niyang suyuin si Pretzhel.

"Mga ten to fifteen minutes pa. Pasok ka kasi muna rito sa kusina." Muling nakinig si Julius. "Okay. Sige," anito bago inalis ang cellphone sa tenga. "Ayaw pumasok. Sa labas na lang daw siya," bigay-alam ni Julius habang nakatingin sa kanya.

Tumango si Clifford. Basta na lang siyang tumalikod sa dalawang lalaki. Kahit mabalian siya ng buto, lalapit ulit siya kay Pretzhel para mag-sorry.

Kumunot ang noo niya bago pa man makaradating sa parking. Hindi niya matanaw si Pretzhel. Iniikot niya ang paningin sa paligid. Nakahinga siya nang maluwag nang makita ito sa ilalim ng puno, nakaupo sa damuhan, malapit sa may kiddy playground sa gilid ng bahay.

Humakbang siyang palapit dito. Kumunot ang noo niya nang matitigan ang posisyon ng dalaga. Nasa gilid nito ang sneakers na suot kanina. Ang suot nito ay t-shirt na puti na naka paloob sa wide-leg pants na malambot ang tela. Her knees are close together, she is sitting on her heels. Her head, neck and back were straight. Her hands resting on her thighs. Her eyes closed. She's motionless, breathing deeply.

The wind blew and her long locks goes in disarray. Her flowery, intoxicating scent was carried by the soft breeze. And it only adds to the dreamlike vision in front of him.

"Congratulations, Clifford."

Nakangiting lumingon si Clifford. "Thanks, Pet. Akala ko'y uuwi ako na hindi mo man lang ako binabati. Pero dahil binati mo ako, required kang magbigay ng regalo."

Nasa PMA grounds pa sila. Tapos na ang graduation, maging lahat ng graduation traditions. Pauwi na sila noon. Pinauna na niya sa sasakyan ang Lolo at Lola niya kanina at sinabing susunod na lang doon. Sinabi niyang magpapaalam lang siya sa mga mistah sa huling pagkakataon.

Her chubby cheeks colored. Nagbaba ito ng mga mata, tumingin sa kamay na may habak na maliit na box. May pulang ribbon pa iyo. "May regalo ako. Kaso hindi ko alam kung magugustuhan mo."

Napangiti si Clifford. "Syempre matutuwa at magugustuhan ko iyan kasi galing sa iyo," aniya na nagkusa nang abutin ang regalo ng dalagita sa kanya.

"Wag!" pigil ni Pretzhel nang kakalagin na sana niya ang ribbon. "Wag mong buksan!"

Kunot-noong tumingin siya rito. "Akala ko para sa akin ito?"

Muli itong nagyuko ng ulo. She bit her lip while fidgeting with her fingers. "Oo nga. Pero mamaya mo na buksan kapag hindi mo na ako kaharap. Ayaw kong makita ang disappointment mo kasi simple lang naman ang regalo ko sa iyon. Iyan lang kasi ang kinaya kong bilhin sa ipon ko. Dalawa kasi kayo ni Kuya na niregaluhan ko."

May humaplos na tuwa sa puso ni Clifford. "Dahil diyan ay mas gusto ko na tuloy makita ang regalo mo. Bubuksan ko na ito ngayon para personal ulit akong nakapagpasalamat sa iyo pagkatapos."

Ngumuso ito. Halatang hindi natuwa sa sinabi niya. "Bahala ka na nga!" anito na tumalikod bigla.

Napatawa si Clifford. Sinundan niya ito. Nang abutan ang dalagita ay hinigit niya ito sa gilid ng parking. Ipiniwesto niya ito sa ilalim ng malaking pine tree. "Sige. Ganito na lang. Dito ka. Sa kanilang side ako ng puno para hindi mo kita na binuksan ko."

Muli itong lumabi. "Gano'n din iyon, eh!"

Clifford fought hard the urge to pinch her cheeks. Lumunok siya saka inalis ang pagkakatingin sa labi nito. "Basta diyan ka lang. Wag kang aalis," aniya na tumalikod bigla. Pumakabila siya sa puno.

Nagmamadali niyang inalis ang ang pulang ribbon. Nang angatin niya ang takip noon ay ang crucifix na pendant kaagad ang nakita niya. Dahil pag-aalahas ang negosyo ng lolo ay alam kaagad niya ang kalidad ng regalo ng dalaga. Gawa sa silver ang crucifix, maging ang necklace. There's nothing really fancy about the necklace. Even it's design is ordinary.

But what made this necklace ultra special was the person that gifted this to him.

Muli siyang bumalik sa kabilang side ng puno. Inabutan niyang nakasandal doon si Pretzhel habang matiim na nakapikit ang mga mata at mariing kagat ang pang-ibaba ng labi. Itinaas ni Clifford ang kamay at marahang hinaplos ang pisngi nito.

"Pwede mo bang isuot sa akin ito, Pet?"

Dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata. Uncertainty written in those warm, expressive brown eyes.

"Isusuot mo?" bulong nito.

"Syempre. Nagustuhan ko kaya isusuot ko. Pwede mo bang isuot sa akin?"

Gumalaw ang labi nito. Nangilid ang mga luha at sunod-sunod na tumango.

Ngumiti si Clifford. Siya na ang nag-alis ng pagkaka-hook ng kwintas bago iyon inilagay sa palad ni Pretzhel. Dahil di hamak na mas matangkad siya rito ay umuklo siya para maabot nito ang batok niya.

Humakbang si Pretzhel palapit. Ang kamay nito ay umikot sa leeg niya. Napapikit si Clifford. She smelled so nice, so sweet. Like he is in a flower field. Sobra ang pagpipigil niya para hindi isubsob ang ulo sa leeg ng dalagita.

"There!" deklara nito nang maikabit ang kwintas.

Tatayo na sana siya nang tuwid nang humawak ito sa magkabilang balikat niya. Clifford knew she intended to kiss him on the cheeks but he purposely turned his face. Pretzhel sucked her breath when their lips met. He knew he should move back, but he can't. Her warm, soft lips were a revelation to him.

Sinapo ni Cliff ang likod ng ulo nito. Pero naantala ang intensyon niyang palalimin ang halik nang maulinigan niya ang papalapit na tawanan.

Imbes na ituloy ang paglapit dito ay nanatili si Clifford sa kinatatayuan. He blinked several times. Drawn by the beauty in front of him. He can't look anywhere else but her, in her cute, little proud nose, her plump, kissable lips, her long lashes. Her lovely face calm. Serene.

Makalipas ang mahaba-habang saglit ay unti-unting nagmulat ng mga si Pretzhel. Inaasahan na niyang guguhit na naman ang galit sa mga mata nito. He mentally prepared to be shouted at. But she just stared at him unmoving. Her eyes void of any emotion.

None.

Like she doesn't even care if he is right there in front of her.

Bago pa siya makakilos palapit dito ay kumilos ito. Inabot ang sapatos, pagkasuot ay tumayo, pumunta sa swing at doon naupo. Marahan nitong inugoy ang duyan. Ang mahabang buhok nito ay muling nilaro ang hangin.

Namamalik-matang humakhang si Clifford palapit sa dalaga. Nang makarating sa harapan nito ay namulsa siya. Hindi niya maihiwalay ang paningin sa maganda at maano nitong mukha.

"Pasensiya na sa mga nasabi at nagawa ko noon, lalo na kanina Pretty."

Nanatili itong nakatitig sa kanya pero hindi nagsalita.

"I know I messed up. Big time. And I'd like to ask if we can start over, Pret?" naninikluhod na tanong niya.

Pero muling walang tugon o kahit na anong reaksyon ang dalaga.

"Babalik na ako sa detachment sa isang araw, Pretty. At gusto ko sanang bago ako umalis ay maayos ang samahan natin. Ayaw kong umalis na alam kong galit ka sa akin."

Silence and blank stare were her only answer.

Fuck!

Mas nanaisin pa ni Clifford na magalit ito, kesa naman ganito na nakatingin nga ito sa kanya pero parang hindi naman siya nakikita. He knew wheels are turning inside her head. And he would give everything just to know what is it she's thinking.

Tumikhim siya. Surrender without a fight? He haven't done this before. But he will for Pretzhel. Just to win her favor. Inalis niya ang kanang kamay sa bulsa ng pantalon at itinaas ang puting panyong naroon.

Sinundan ng tingin ni Pretzhel ang kamay niya. Tiningnan ang panyong hawak saka muling tumingin sa kanya.

Clifford gritted his teeth. It was a physical struggle not to shout 'Fuck!'

That blank stare is making him nervous. Taon na nang huli niyang naramdaman ang ganitong kaba sa dibdib. Mula nang maging commissioned officer siya ay lalong tumaas ang kompiyansa niya sa sarili. Na lalong nahasa sa tuwing sasabak siya sa missions at giyera. Nasisigawan at napapagalitan siya ng superior niya, pero ipinagkikibit-balikat lang niya iyon at hindi iniinda.

Pero ang blangkong tingin ni Pretzhel sa kanya ay sapat para mag-alangan siyang bigla. 

Imbes na sumagot ay isinandig nito ang ulo sa swing chain saka muling ipinikit ang mga mata.

"Pret! Sabi ni Brian ay paalis ka na raw? Hindi ka a-attend ng birthday ni Lola?" ani Abby na bagong lapit sa kanila.

Nagmulat ito ng mga mata at tumingin sa pinsan. "Formal event ito at tingnan mo ang suot ko."

"Oh! Kung susuutin ang ang problema ay may solution ako diyan," ani Melanie na kasunod din ni Abby. "You've seen my cousin Nicolette earlier, di ba? Fashion designer iyon. Sangkaterba ang damit at shoes na dala. Pinagsukat na nga kami kanina."

"Oo nga! Sure ako na may kakasya sa iyo doon," ani Abby na hinigit patayo sa swing ang dalaga. "Wag ka munang umuwi, please! Attend ka muna ng party."

Inaasahan na ni Clifford na tatanggi itong mag-stay pa dahil sa kanya. Kaya naman gano'n na lang ang gulat niya nang marining ang isinagot ng dalaga.

"Okay. I'll stay," anito na ngumiti pa.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
191K 8.9K 52
It was supposed to be a tranquil night. Gabriel just got back from his military duty and is already sleeping soundly. It was supposed to be an ordina...
14.5K 363 33
STATUS: COMPLETED [ISLA GRANDE SERIES #03] Synopsis Sahara Wynne Alvalandres came from a family of soldiers. Her grandparents, her parents, and her...
320K 11.9K 44
LANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si...