My View Every Night

By 8phrodite

5.5K 3.4K 915

Ang tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na... More

Prologue
MVEN-1
MVEN-2
MVEN-3
MVEN-4
MVEN-5
MVEN-6
MVEN-7
MVEN-8
MVEN-9
MVEN-10
MVEN-11
MVEN-13
MVEN-14
MVEN-15
MVEN-16
MVEN-17
MVEN-18
MVEN-19
MVEN-20
MVEN-21
MVEN-22
MVEN-23
MVEN-24
MVEN-25
MVEN-26
MVEN-27
MVEN-28
MVEN-29
MVEN-30
MVEN-31
MVEN-32
MVEN-33
MVEN-34
MVEN-35
MVEN-36
MVEN-37
MVEN-38
MVEN-39
MVEN-40
MVEN-41
MVEN-42
MVEN-43
MVEN-44
MVEN-45
MVEN-46
MVEN-47
MVEN-48
MVEN-49
MVEN-50
MVEN-51
MVEN-52
Epilogue
Author's Note

MVEN-12

118 109 12
By 8phrodite

Wala naman masyadong nangyari sa loob nang isang linggo.

Hindi ko na naman naririnig na nagkikita si Dave at si Divine, palagi na naman kaming magkasama ni David umuwi kaya okay na kami.

Friday ngayon, so as usual masaya ako.

Nagising ako nang may biglang yumakap sa'kin.

"Anak! Happy birthday!" Masayang bati ni mama at sa gilid ko naman si papa samantalang nakatayo sa likuran ni mama si kuya.

"Huh? Birthday?" Nagtatakang tanong ko.

Anong petsa ba ngayon?

"Sinasabi ko na ngabang nakalimutan mo birthday mo eh," saad ni kuya habang naka krus ang braso.

Tumayo ako at tinignan ang kalendaryo kung anong petsa na nga ba talaga.

Ay tanga! Birthday ko na nga pala.

"Thank you ma, pa, at sa napakabait kong kuya," masayang saad ko.

"Oh sige na, magbihis ka na, malelate ka na sa klase mo," saad ni papa bago humalik sa noo ko at umalis na nang kwarto.

Sinilip ko ang kanang bintana ko dahil nagtataka ako kung bakit hindi ako binati ni engkanto.

Pagtingjn ko ay wala na siya sa kwarto niya!

Iniwan ako?

Ang galing ha!

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na lang rin ako at kumain nang almusal.

"Malungkot ata tayo ngayon mare," buling ni kuya.

"Tumahimik ka diyan," saad ko.

"Di ka binati? Okay lang yan," pang-iinis niya sa'kin.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagkain.

"Ma, alis na ako" saad ko at humalik sa pisngi ni mama.

Kanina pa umalis si papa dahil may ginagawa silang project ngayon.

Wala nga, ako lang mag-isang naglakad papunta sa school. Para akong iniwan nang basta basta dahil ang lungkot lungkot ko habang naglalakad.

"Oh, ikaw lang ata mag-isa ngayon, Belle" pansin ni manong guard.

"Opo. Nakadaan na po ba siya dito?" Tanong ko kay manong.

"Oo, may kasama siyang babae," saad ni manong guard na ikinainit nang ulo ko.

Ito ba ang gift niya sa'kin?

"Sino po?" Tanong ko sa kaniya.

"Di ko kilala eh," saad  ni manong.

Tumango lang ako at naglakad na papunta sa classroom.

Palapit na ako ngayon sa room namin nang may biglang nag-abot sa'kin nang papel na may nakasulat na 'H'.

"Para saan 'to?" Tanong ko kay Carl.

Hindi niya ako sinagot at ngumiti lang.

Naglakad pa ako nang may biglang nag-abot ulit sa'kin nang papel na may letter 'A'.

Ano bang nangyayari?

May nag-abot ulit sa'kin nang papel na may letter 'P' sunod naman ang letter 'P' ulit, at nakita ko na nakahilira ang nga kaklase kong lalaki sa labas nang classroom at sa gilid nila si Chris.

Naglakad ako papunta sa kanila at iniabot sa'kin ni Chris ang papel na may letter 'Y'.

Happy?

Binigyan ako nang mga kaklase ko na nakatayo sa harapan ko nang roses at binuksan nila ang classroom.

When the door opened, nakita kong merong mga baloon at roses sa gilid nang room at meron pang nakasulat sa board na 'BIRTHDAY, MISS PRESIDENT'

"Lift your head,"

Napatayo ako sa gitna nang makita ko si David na nakaupo habang nakapatong sa binti niya ang gitara at sinimulan nang kumanta.

"Baby, don't be scared
Of the things
That could go wrong
Along the way,
You'll get by
With a smile
You can't win at everything
But you can try."

Nakangiti siya kumakanta, dinadama ang bawat lyrics nang kanta.

"Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said
That there's an easy way
When they're closing
All their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny
But I'll say it anyway."

Ramdam ko na naman ulit ang pagbilis nang tibok nang puso ko habang naririnig siyang kumanta.

"Girl, I'll stay
Through the bad times
Even if I have
To fetch you everyday
We'll get by
With a smile
You can never be too happy
In this life."

Napatingin ako sa kisame para mapigilan ang pagtulo nang aking mga luha.

"Too doo doo doo...
Too doo doo doo...
Too doo doo doo
Doo doo doo doo doo doo..."

Napangiti ako nang sumabay kumanta ang mga kaklse ko kasama na si Chris.

"Let me hear you sing it"

"Too doo doo doo...
Too doo doo doo...
Too doo doo doo
Doo doo doo doo doo doo..."

"HAPPY BIRTHDAY, MISS PRESIDENT!" Sabay-sabay na bati nila nang matapos ang kanta.

Naglakad si Kevin papunta sa'kin at iniabot sa'kin ang regalo nila.

When I opened the gift, I can't stop my self from crying. Napaiyak ako nang makita ang nakaframe naming picture. It was a picture of our section wearing the attire that we want to be in the future.

"Happy birthday pres." Masayang saad ni Kevin.

"Thank you," nakangiting saad ko.

"Happy birthday to the best president," sigaw ni Marie.

"Happy Birthday!" Sagot nilang lahat.

Napatawa ako sa lahat nang ginawa nila. It warmed my heart.

"Happy Birthday, Isabel Betriz Reyes," saad ni David while holding a bouquet of roses.

"May kasalanan ka pa sa'kin" saad ko at tinanggap na ang roses.

"Ano na naman ang kasalanan ko?" Nagtatakang tanong niya.

"Di mo 'ko hinintay kanina, di mo manlang ako ginising," nagtatampong saad ko.

"Kailangan ko kasing pumunta dito nang maaga para maihanda ito," pagrarason niya.

Tumango lang ako sa kaniya pero hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan ako.

"Happy Birthay, Belle, I love you," mahinahong saad niya at niyakap ako nang mahigpit.

Hindi ko siya magawang yakapin kasi may hawak aking bulaklak pero alam kong alam naman na niya ang sagot.

Agad nagkatyawan ang mga kaklase ko nang marinig ang sinabi ni Dave.

"Pssst! Tahimik!" Pagsuway ko sa kanilang lahat.

Nagsibalikan na sila ngayon sa upuan nila para maghanda sa furst subject namin.

"Good morning Sir Velasco!" Sabay-sabay naming bati sa kaniya.

"Where's miss president?" Tanong ni sir pagpasok niya nang classroom.

"Sir?" I raised my hand and he gestured me  to come towards him.

He gave me a rose and smiled widely. "Happy birthday, Beatriz" saad ni sir.

"Thank you so much sir," nakangiting sagot ko bago bumalik nang upuan.

"Pres, walang pera si sir?" Tanong ni Kevin pagkaupo ko.

"Wala eh," sagot ko naman.

Natawa siya sa sinagot ko at nakinig na sa discussion ni Sir.

Pagkatapos nang dalawang subject ay recess na pero wala akong ganang magrecess ngayon kaya umupo nalang ako sa upuan ko.

"Lonely natin ah," saad ni Dave at umupo sa harap ko at tumingin sa'kin.

"Hindi mo 'ko hinintay kanina, tapos maririnig ko na may kasama kang babae papunta sa school," medyo nagseselos na saad ko.

"Huh? Sinong nagsabi?" Natatawang tanong niya.

"Si manong guard," sagot ko.

Hindi na niya napigilan ang tawa niya at tunawa na nang malakas.

May nakakatawa Dave?

"Bakit? Anong nakakatawa?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Sinabihan ko kasi si manong na kapag tinanong mo kung may kasama ako isasagot niya na meron akong kasamang babae para mainis ka," pagpl-explain niya habang tumatawa.

"Ewan ko sa'yo," pagtatampo ko.

"O, huwag ka nang magtampo, smile na," saad niya at pilit akong pinapangiti.

"Bahala ka!" Supladang saad ko.

"Smile na, may regalo ako sa'yo mamaya," saad niya.

Napatingin agad ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon.

Nacurious tuloy ako kunh ano ang regalo niya sa'kin.

"Sige na ngumiti ka na,"pagpupumilit niya sa'kin.

Wala na akong nagawa kundi ang ngumiti. Nang makitang ngumiti na ako ay inilahad niya ang kamay niya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Recess tayo," aya niya.

"Libre mo ba?" Tanong ko.

Dahil kung hindi libre huwag nalang.

"Oo," saad niya kaya agad akong humawak sa kamay niya.

Tumayo na kami para pumunta nang canteen nang may nakasalubong namin si Lexess.

"Belle, happy birthday," bati niya sa'kin.

"Thank you," sagot ko.

Pagkatapos no'n ay hinatak na ako ni David para dumeritso nang canteen.

"Belle, happy birthday," panggagaya niya kay Lexess habang nakapila kami.

"Tumahimik ka na diyan," pagsuway ko sa kaniya.

"Hindi bagay sa kaniya ang maging mabait oy," dugtong niya pa.

"Alam mo isa pa talagang reklamo baka sabihin kong nagseselos ka," saad ko.

"Oo, nagseselos ako," agad-agad na sagot niya kaya nagulat ako.

"Nag...s-seselos ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo, kaya kung okay lang sa'yo, kung pwede man, layuan mo o huwag mo masyadong kausapin ang lalaking 'yon," saad niya.

Napabilis na naman ulit ang pagtibok nang puso ko kaya napahawak ako doon.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Dave nang makitang nakahawak ako sa dibdib ko.

"Okay lang ako," saad ko at ngumiti sa kaniya.

Ano bang nangyayari sa'kin?

Bakit ako nagkakaganito?

Kilig ba 'to o kaba?

Bakit naman ako kikiligin?

Wala lang 'to, diba?

Belle, wala lang yan!

Pagkatapos nang klase namin ngayong umaga ay sabay na naman kami ni Dave na kumain nang lunch.

"May regalo ako sa'yo mamaya," masayang sabi niya habang kumakain kami.

"Ano?" Tanong ko sa kaniya.

"Basta," pagsususpense niya.

Tumahimik nalang din ako para masurprise ako mamaya. Baka mag-away na naman kami kapag kinulit ko pa siya.

Wala naman masyadong nangyari ngayong hapon at hinihintay ko lang na matapos ang klase namin ngayong hapon dahil excited ako para sa regalo niya.

"Ate, happy birthday ulit!" Masayang saad ni Chris at tinapik ako sa braso.

Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot nang school dahil dinala daw ni Dave and sasakyan nang papa niya.

"Thank you," masayang saad ko.

"Alam mo ate may sasabihin ako sa'yo," saad niya habang naglalakad kami.

"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ko.

"Uhmm...crush po kita dati," nahihiyang saad niya at napakamot pa sa batok niya. Napatingin agad ako sa kaniya sa gulat.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Opo. Kaso ang sabi nila girlfriend ka ni master kaya hindi nalang po," saad niya.

Ayy malas naman.

Sino ba kasi nagpapakalat nang fake news na yan.

"Hindi naman ako girlfriend ni Dave," saad ko sa kaniya.

Agad na napatingin si Dave sa'min ni Chris nang marinig ang sinabi ko.

"Oo nga po. Pero hindi ko nalang po kayo crush baka may makaaway pa po ako eh, diba master?" Saad niya.

"Oo. May makakaaway ka talaga." Sagot naman ni Dave.

"Sino?" Nagtatakang tanong ko.

"Basta," sagot niya ulit.

Bakit ba parating 'basta' ang sagot nang engkantong 'to!

"Sige master, ate! Mauuna na ako, babye," paalam ni Chris at umalis na.

Napahinto kami sa pagalalakad nang  may nakalimutan pala ako.

"Ay hala! Hindi pa pala ako nakapagpaalam kay mama," saad ko at agad na kinuha ang phone ko.

"Pinayagan ka na nila. Pinagpaalam na kita," saad niya.

"Kailan?" Nagtatakang tanong ko.

"Kaninang umaga," maikling sagot niya and smiled cutely.

Napahinto kami sa paglalakad nang makarating kami sa tapat nang sasakyan niya.

Iniabot niya sa'kin ang susi nang sasakyan kaya agad akong nagtaka.

"Oy, huwag mong sabihin na sasakyan ang regalo mo sakin Paolo," medyo gulat na saad ko.

"Naku Paolo! Sasakyan talaga regalo mo sa'kin, kaya love na love kita, ang mamahalin nang mga regalo mo sa'kin!" Dagdag ko pa.

Kita kong napakunot ang noo niya sa mga pinagsasabi ko.

"Pinagsasabi mo Beatriz? Pinahawakan ko lang sa'yo kasi may kukunin ako sa bag," natatawang saad niya at binuksan na ang sasakyan.

"Kumpletuhin mo kasi, kaya ang daling umasa sa'yo eh," saad ko na ikinagulat niya.

"So umasa ka?" Tanong niya pagpasok namin nang sasakyan.

"Medyo,"

Oo. Umasa ako!

Umasa ako na mahal mo 'ko at hanggang ngayon ay umaasa parin ako.

"Pupunta ulit tayo doon?" Masayang tanong ko.

Naaalala ko kasi ang daan na pupunta na naman kami siguro sa first place, kung saan kami unang nagkita.

"Oo," he glanced at me for a second before turning his gaze back to the road.

Naexcite ako bigla nang sabihin niya 'yon.
Medyo madilim narin naman kasi malapit nang mag-alasais sa gabi.

"Wow!" I exaggerately said nang makita ko ang city lights and then merong upuan sa gitna tapos merong ilaw sa paligid.

Paglabas ko nang sasakyan ay dumeritso agad ako sa may upuan para damhin ang napakagandang tanawin at ang malamig na simoy nang hangin.

Bumalik ang tingin ko kay Dave para tawagin sana siya pero napaatras ako bigla nang makita kong nakaluhod na ang isang paa while his holding a box with a ring inside it.

Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang mga luha ko while staring at him.

"Isabel Betriz Reyes, I'll give this ring to you as a sign of our promises for each other," he said sincerely.

I'm so....speechless!

"This ring will be a sign of our love for each other, ang singsing na ito ang magsisilbing alaala kung sakali mang hindi maging tayo sa hinaharap, kung sakali mang hindi tayo ang itinadhana o maghiwalay man tayo nang landas. Itong singsing na ito ang palaging magpapaalala sa'yo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko at kung gaano kita kamahal," he's saying it with full of love and affection.

"D-dave..." I cover my mouth para hindi umiyak nang malakas.

Tumayo siya at isinuot ang singsing sa kaliwang kamay ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinahiran ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko and gently kissed my forehead which made me close my eyes.

"I want myself to be the reason of your smiles always," he casually said.

Umupo kami ngayon sa may upuan and together we stared at the beautiful view.

"May kuryente ba dito? Paano ka nakakuha nang mga ilaw?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"There's thing you called solar," sarcastic na sabi niya.

"Ikaw lang nagprepare nito?" Tanong ko ulit.

"No. Tinulungan ako ni Chris," saad niya.

"Thank you," I smiled at him.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at hinawakan niya rin ang balikat ko.

"You're always welcome," he said and kissed my forehead.

Napatahimik kami at dinadama ang napakagandang tanawin at hangin sa ngayong araw.

"I love you, Belle,"

'Gusto ko mang sabihin na gusto kita na mahal kita, pero di ko kaya,'

____________________________________________________________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

673K 14.9K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
143K 11.3K 170
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
1.2M 53.6K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...