Capturing Her Heart

By DarkPncyl

41.1K 1.1K 130

BOOK FOUR OF SWEET BACHELOR SERIES |RATED SPG Xylyx Soreman is a leading champion when it comes in gossip. A... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter

Chapter 18

964 36 2
By DarkPncyl

CHAPTER 18

NANG MARATING sila Sanie sa patutunguhan, napanganga na lang siya sa ganda ng restaurant. The restaurant is called Dev-Laux Restau. Nakikita niya minsan sa tabloid ang restaurant na ito dahil sa masasarap na pagkaing hinahain rito.

This is like a dream come true for her. Gustong-gusto niya na makakain sa restaurant na ito pero hindi niya magawa dahil sa wala naman siyang pera at ayaw at ayaw naman niyang gastusin ang mga naipon niya para sa pamilya niya.

And now, she's given an opportunity to eat in here. She's so excited. Hinawakan niya sa kamay si Xylyx nang makatayo ito sa tabi niya.

"Halika na." Aniya at nilingon sa likuran si Lucas na papalapit sa kanila. "Lucas, come on."

Nginitian siya nito at tumango. Siya naman ay hinila papasok ng restaurant si Xylyx. Nang makapasok sila ay agad na may bumungad sa kanilang waiter na masiglang nakangiti sa kanila.

"Good afternoon, ma'am, sir." Bati nito sa kanila ng may ngiti. "Any reservation?"

"No." Si Xylyx ang sumagot. "Table for two–"

"Three." Putol niya sa sasabihin nito. "Table for three."

"Oh, yeah. I forgot." Wika ni Xylyx at namulsa. "We brought our pet."

"Pet, Sir?" Tanong ng waiter na bakas sa mukha ang gulat.

"No, he means our friend. Kasama namin ang kaibigan namin." Ulit niya at siniko ito. "Nang-aasar lang talaga 'to."

"Akala ko ho kasi may alaga ho talaga kayong dala." Napapakamot na wika ng waiter, siya naman bahagyang natawa. "Pet is not allowed here."

"Heard that, Lucas?" Tanong ni Xylyx kay Lucas na ikinakunot ng nuo niya. "No pets are allowed."

"Xylyx!" She hissed Xylyx. He just shrugged then laugh silently. Gusto niya rin sanang matawa pero pinigilan niya. Nilingon niya si Lucas na nakamasid lang sa kanila. "I'm sorry about that."

Lucas smile. "It's fine."

Masamang tingin ang binato niya kay Xylyx. "That's not funny at all."

Napailing-iling na lang siya saka sinundan na ang waiter papunta sa table nila. Nang maihatid sila ng waiter sa table nila, pinaghugot siya ng upuan ni Lucas. Nginitian niya ito bago maupo.

Kinuha niya ang menu na nasa harapan niya at namili ng pagkaing gusto niya. Hindi niya pa naangat ang kamay para kunin ang atensyon ng waiter pero may waiter na agad sa table nila.

"What's your order, ma'am and sir?" Nakangiting tanong nito. Sinabi niya ang order niya ganoon rin ang dalawa. "Your orders will be serve soon."

"I need to excuse myself." Wika ni Lucas saka tumayo. Napatingin siya sa papalayo nitong rebulto. Papunta ito sa banyo, kung tama siya.

"Why did you invite that guy to come and eat with us?" Biglang tanong ni Xylyx. Tinignan niya ito seryoso itong nakatingin sa kanya. "It's annoying."

"I don't want to be rude." Aniya at napabuntong hininga. Bakit ba ayaw na ayaw nito kay Lucas? "Bakit ba high blood ka pagdating sa kanya?"

Nag-iwas ito ng tingin na para bang kapag tinignan niya ito sa mata ay may mababasa siya. "He just annoy me everytime i see his face."

"Huwag ka ngang ganyan kay Lucas." Wika habang hinihintay itong lumingon sa kanya. "Mabait naman siya ah. Walang mawawala sayo kung makikipagkaibigan ka kay Lucas."

"If you only knew." Bulong nito pero narinig niya pa rin. Her eyebrows furrowed of what he just whisper. "I don't want to be friends with him. Sasayangin niya lang oras."

Napabuntong hininga siya at napailing-iling. "Hindi naman kita mapipilit kung ayaw mo kay Lucas. Basta huwag ka lang maging kontrabida pag magkaharap kayo. Hindi bagay sayo."

"I'm not being an antagonist." Dependsa nito at tumingin sa kanya. "Madami na akong kaibigan, ayoko ng madagdagan iyon."

Wala na siyang panahon para magsalita dahil nakita niyang papalapit na sa kanila si Lucas na may ngiti sa labi. She smile back.

Sinulyapan naman niya si Xylyx na masama na naman ang timpla ng mukha.

Ano bang nangyayari sa kanya?

"Sorry, i need to use the bathroom." Paumanhin nito nang makaupo ito sa silya.

"It's okay." Aniya at ngumiti. Muli niyang sinulyapan si Xylyx at nakita ang madilim na naman nitong mukha. Weird. "Anong balak mo aftet natin kumain?"

Umasta itong nag-iisip. "I'll go back to work, i guess. Ikaw ba?"

"I'll go back to work too." Sagot niya. Isinandal niya ang likod sa upuan.

Nakita niyang sinulyapan ni Lucas si Xylyx at tumingin sa kanya. Bahagya itong lumapit sa kanya na para bang may ibubulong.

"What to that guy?" Pabulong nitong tanong. Napatingin siya kay Xylyx at nakayuko lang ito at walang imik. "Is he alright?"

"Yes, he is." Sagot niya at tinapik ito sa balikat. "Just don't mind him."

Lumipas ang ilang minuto dumating na ang order nila at agad naman silang kumain. Pero nagtataka siya kay Xylyx dahil para itong walang ganang kumain. Paunti-unti lang ang pagsubo nito.

Hindi iyon ang Xylyx na kilala niya. The Xylyx she knew is energetic especially when it comes to food. Hindi man halata pero mahilig talaga itong kumain.

Pero ngayon? He looks like he just lost his appetite.

Hindi na lang muna pinansin ang kilos ni Xylyx at nakipag-usap na lang kay Lucas. Mukhang wala namang balak magsalita ngayon si Xylyx.

Nang matapos silang kumain, naghintay muna sila ng ilang minuto para magpahinga pagkatapos ay tinawag ni Lucas ang waiter sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay at agad namang tumalima ang waiter.

"Our bill please." Wika ni Lucas. Mukhang sanay na sanay itong kumain sa restaurant dahil sa mga kilos nito. Panandaliang umalis ang waiter sa table at ng bumalik ay may dala na itong bill na nakalagay sa silver platter. "Thanks."

"Ako na ang magbabayad." Biglang wika ni Xylyx na ikinatingin niya rito. "Give me the bill."

"Ako na." Ani naman ni Lucas.

"Give it to me, ako na ang magbabayad." Pagpupumilit naman ni Xylyx.

Huwag nilang sabihin sa kanya na pati sa pagbayad ng bill ay mag-aaway ang mga ito?

She face palm. Kailan ba kasi magkakasundo ang dalawang ito? Kung wala ng pag-asa na magkasundo ang mga ito, sa susunod ay hindi na niya magdidisisyon na pagsamahin ang dalawa.

Kinuha niya ang wallet ng mga ito na nakapatong na ibabaw ng mesa pati na rin ang bill hawak pa rin ni Lucas.

Tinignan niya ang bill at halos lumuwa na ang mata niya sa laki ng babayaran nila. Ganito na ba kamahal kumain sa ganitong restaurant?

Kumuha siya ng pera sa wallet ng dalawa at pinaghati iyon para mabayaran ang bill. May sobra sa binayad niya pero wala na siyang balak kunin ang sukli. Binalik niya ang wallet ng mga ito at pilit na ngumiti.

"You act like a child. Both of you." Aniya na may masamang tingin sa dalawa. Tumayo na siya at nag-ayos. "Halika na. Salamat sa lunch."

Naglakad na siya palabas ng restaurant at hinintay na lang si Xylyx sa labas ng kotse nito. Lumipas ang ilang segundo ay lumabas na rin ang dalawa na halatang hindi pa rin magkasundo.

Lumapit sa kanya si Xylyx na nakayuko ganoon rin si Lucas.

"I'm sorry." Wika ni Lucas at hindi makatingin sa kanya ng maayos. "I act like a kid and an asshole."

"Atleast you know your mistakes." Wika niya at tumingin naman kay Xylyx na nakayuko pa rin. "At ikaw naman, Sir Xylyx, may gusto ka rin bang sabihin?"

"Sorry." Wika nito at napabuntong hininga. "Lets go."

Napailing-iling na lang siya sa asal nito. She look at Lucas and smile. "I'm sorry about that. Until next time."

Ngumiti rin ito sa kanya. "Yeah, until next time."

Sumakay na siya sa kotse at hindi siya komportable dahil sa tahimik ng binata. Hanggang sa makabalik na sila sa trabaho hindi man lang siya sinulyapan o kinausap ng binata.

Napabuntong hininga na lang siya at naupo sa swivel chair niya. Hindi siya sanay sa asal nito ngayon.

WALANG EMOSYON ang mukha ni Xylyx habang inaayos ang suot ng suit. Maaga siyang aalis ngayon sa kompanya dahil wala siya sa mood ngayon at gusto niyang ilabas ang inis niya. 

Nang maayos na siya saka siya lumabas ng opisina niya. Napatingin siya kay Sanie at nang mapansin nitong nakatayo siya malapit rito, agad itong tumayo at bahagyang yumukod.

"Good afternoon, Sir Xylyx." Wika nito at tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "Aalis ka na?"

"Yeah." Aniya na walang emosyon. "Umuwi kayo ng maaga kung gusto niyo."

Yun lang at naglakad na siya palapit sa elevator. Kung kakausapin niya pa ng matagal ang dalaga baka mawala ang inis niya.

Bumukas ang elevator kaya naman sumakay na siya at nagpahatid sa lobby. Nang makarating sa lobby, agad siyang lumabas ng building at sumakay sa kotse niya saka pinaharurot iyon patungo sa bahay ng kaibigan niyang si Xhian.

Makalipas ng ilang minutong pagmamaneho, nakarating rin siya sa simple pero yayamaning bahag ni Xhian. Simple iyon sa labas pero kapag nasa loob ka na ng bahay nito ay marami ng mamahaling bagay.

Bumaba siya ng sasakyan niya at pinindot ang doorbell sa gilid ng gate. Hindi naman malaki ang gate at tama lang ang lalakarin para makarating ka sa pintuan ng bahay. You don't need to bring your car inside.

Segundo lang ang lumipas at nakita niyang lumabas si Xhian ng pinto. As usual, wala na namang emosyon ang mukha nito. Shocking.

"Why are you here?" Tanong agad nito nang makalapit ito sa gate at pagbuksan siya. "You're here to annoy me?"

"No." Sagot niya agad at bumuntong hininga. "Can i use your gym? I might kill someone if i let this anger eats me."

Ngumisi ito at niluwagan ang pagkakabukas ng gate. "Come in."

And Xhian being Xhian, he only allows people to enter his house if they want to relieve their anger.

Nang makapasok sa loob mismo ng bahay nito, hindi na siya nagulat sa mga mamahaling gamit.

"At the basement." Wika nito at sinundan naman niya ito ng lakad patungo sa isang hagdan patungo siguro sa basement na tinutukoy nito.

Nang makarating sila sa basement, kaagad niyang nakita mga gamit pang-gym. Hindi rin nakaligtas sa mata niya si Ytthan at Dirk na nakaupo sa gilid at pawis na pawis.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong niya sa dalawa nang makalapit sila sa mga ito at parehong habol ang hininga. "Exercise?"

"Stress reliever." Hingal na sagot ni Ytthan at tumayo para kunin ang bote ng tubig. "Bakit ka rin nandito?"

"He wants to kill someone so i think he'll pretend that that sandbag is the person he wants to kill." Si Xhian ang sumagot. Tinignan niya ito ng masama. "Just sayin'."

Dirk snorted. "Since when did you want to kill someone?"

"Since i first saw him touching my woman." Wika niya nakipag man-to-man hug rito. "Long time no see, man."

"Yeah. Its been years." Wika nito at tinapik ang balikat niya. "So, you have an apple of the eye, huh?"

"You can say that." Aniya habang nagsusuot ng safety gear para sa kamay. Hinubad niya ang suot na suit at tinaas hanggang siko ang suot niyang polo. "Lets see."

Lumapit siya sa isang sandbag saka nagsimula iyong pagsusuntukin. As Xhian said, inisip niya talaga na si Lucas ang sinusuntok niya. This is fun.

I'll kill you, bastard.

He just keep on punching and punching until he feels like he can loss his breath. Huminga siya ng malalim bago naglakad palapit sa mga kaibihan at naupo sa tabi ng mga ito.

"Hard punches." Wika ni Ytthan habang nakangising nakatingin sa kanya. "May pinaghuhugutan ka ng galit."

"Who ever that guy is, Xylyx will kill him very soon." Ani naman ni Dirk at bahagyang natawa. "Isama mo ako kapag papatayin mo na siya."

"Pabigat ka lang." Biro niya at natawa naman ang mga ito. Tumunog ang cellphone niya kaya naman kinuha niyo iyon sa bulsa ng suit niya tinignan. Its a message from Kielle. "Interesting."

Binuksan niya ang mensahe nito at nakita ang isang photo at may message ito na nakalagay na, This is all the data i can get. I find it weird so I'll look for more info.

Sunod naman niyang binuksan ang photo. Its the information about Lucas. As he requested.

Information of Lucas Perez:

Name: Lucas Perez
Date of birth: January 8, 1990

He works at Valla's hotel as a manager. He has two siblings living with their grandparents at their province. They lost they parents after he graduated in College.

Kumunot ang nuo niya sa information na iyon. Impossible na iyon lang ang mga imporsyon ng Lucas na iyon.

Kielle find it weird so he probably knows something is off.

Pinatay niya ang cellphone at agad na bumalik sa sandbag saka nagsimula na naman itong pagsusuntukin.

"Are you hiding something, Lucas Perez?"

--------
:>

Continue Reading

You'll Also Like

64.1K 4.6K 46
ផ្តើមចេញពីអ្នកបម្រើក្នុងភូមិគ្រឹះលោកគហបតីក្លាយខ្លួនជាសំណព្វចិត្តលោកគហបតីសង្ហារត្រឹមមួយពព្រិចភ្នែកតើស្នេហារវាងអ្នកពីរនិងទៅជាយ៉ាងណាបើចង់ដឹងចុចអានទៅ🤭🤍
53.4K 1.4K 40
¨i dont like her, ok?!¨ ¨oh you definitely do¨ lynn loud is the schools best athlete. shes good at everything, basketball, baseball, soccer, you name...
17.1K 571 16
"I dare you to..." Peter grins evilly. "Sleep with Harry Osborn." "I ACCEPT!" Yells Harley. "ABSOLUTELY NOT!" Tony shouts, panicked. "But why? It isn...
17.6K 346 32
I hope you guys enjoy:) Lucy isn't in this at all