BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHM...

By AshQian

75K 3.7K 199

Love, and ignorance of loving brought her inside the cold corners surrounded by bars. She was left alone with... More

UNANG YUGTO
Chapter 1 - Unang Yugto
Chapter 2 - Unang Yugto
Chapter 3 - Unang Yugto
Chapter 4- Unang Yugto
Chapter 5 - Unang Yugto
IKALAWANG YUGTO
Chapter 1 - Ikalawang Yugto
Chapter 2 - Ikalawang Yugto
Chapter 3- Ikalawang Yugto
Chapter 4 - Ikalawang Yugto
Chapter 5 - Ikalawang Yugto
IKATLONG YUGTO
Chapter 1 - Ikatlong Yugto
Chapter 2- Ikatlong Yugto
Chapter 3 - Ikatlong Yugto
Chapter 4 - Ikatlong Yugto
Chapter 5 - Ikatlong na Yugto
IKAAPAT NA YUGTO
Chapter 1 - Ikaapat na Yugto
Chapter 2 - Ikaapat na Yugto
Chapter 3 - Ikaapat na Yugto
Chapter 4 - Ikaapat na Yugto
Chapter 5 - Ikaapat na Yugto
IKALIMANG YUGTO
Chapter 2 - Ikalimang Yugto
Chapter 3 - Ikalimang Yugto
Chapter 4 - Ikalimang Yugto
Chapter 5 - Ikalimang Yugto
HULING YUGTO
Chapter 1 - Huling Yugto
Chapter 2 - Huling Yugto
Chapter 3 - Huling Yugto
Chapter 4 - Huling Yugto
Chapter 5 - Huling Yugto
DENOUEMENT

Chapter 1- Ikalimang Yugto

1.7K 96 2
By AshQian

Pumayag si Javier na sumaglit siya sa lunch meeting ni Miles pero hindi kasama si Aki dahil dumating si Vierra at ipinasyal ang bata sa amusement park ng Bel Air.

"Talagang hindi ka magpapakita kay Miles?" tanong niya sa binata habang nagtatanggal ng seatbelt. Hinatid siya nito sa isang mamahaling fine dining sa metropolitan area.

"No, I don't think Miles will be glad to see me." Kumindat ito, tonong nagbibiro lang naman at iniumang sa kanya ang nguso.

Humalik siya roon. Kinagat pa nito ang ibabang labi niya at lumalim ng ilang segundo ang halikan nila. Kumakaway siya sa papalayong sasakyan ng nobyo at nang maglaho na iyon sa tanaw ay saka lamang pumihit at pumasok sa gusali. Dumaan siya sa protocol ng security. Mabuti na lang at walang pila.

Naaaninag niya ang sarili sa tinted na salaming dingding na kanyang nadadaanan patungo sa naka-reserved na dining room na inu-okupa ng grupo ni Miles. Her outfit was too plain. Black halter top, white skinny jeans, and a gray high heel boots. Dangling on her shoulder is a saddle bag. Ibinagsak lang niya ang mahabang buhok at hinayaang sumayaw kasabay ng kanyang balakang. Still, without her usual make-up she can make heads turn to her like involuntary reflexes.

Nakita agad siya ni Miles pagpasok niya. Tumayo ito at sinalubong siya. Nagpalitan sila ng halik sa pisngi.

"Si Aki?" tanong nito.

"Isinama ng Lola niya."

Tumikwas ang mga kilay nito. "Talaga? Kasundo mo ba ang family ni Javier?"

"Oo naman. Anong akala mo sa akin mahirap pakisamahan?" biro niya sa kapatid.

"Hindi, pero duda ako sa kakayahan mong makisama." Gumanti ito ng biro at tinangay na siya patungo sa malaking mesa na pabilog. May hollow iyon sa gitna kungsaan masisilip ang floor aquarium. Samu't saring Coy species ang naglalaro roon. Iba't iba ang kulay.

Binati niya ng kaway ang mga kakilala niya. Lumapit sa kanya ang iba. With their glowing and superficial smile known the worldof showbiz. Siguro kung hindi niya kabisado ang industriya ay maniniwala siyang tunay ang mga ngiting iyon. Nakipagbeso siya.

Matapos ang maikling kumustahan ay muling pumasada ang paningin niya at humantong sa lalaking nasa gitna ng dalawang bakanteng silya. Tila ba walang gustong tumabi rito. Nakababa masyado sa mukha nito ang visor ng suot nitong itim na cap. Tutok ito sa hawak na cellphone.

Kahit nakaupo, takaw-pansin ang tangkad nitong bumalansi sa tikas ng pangangatawan. He had thick and wide shoulders. Nakalilis sa ibaba ng siko ang mahahabang manggas ng suot na graphic sweatshirt hoodie. Around his wrist is a high end watch and some leather bracelet. Roman numerals tattoo looks good in his long and sturdy fingers moving in a subtle rythmn while holding the phone.

Nag-angat ito ng mukha at suminghap siya nang dumako sa kanya ang tila dragon nitong mga mata dahil sa contacts na suot. Saglit lang itong tumitig sa kanya at binalikang muli ang pinanonood sa cellphone.

"Come here." Kinaladkad siya ni Miles papalapit sa lalaki at inurong nito ang isa sa mga bakanteng silya. Itinulak siya paupo roon. "Excuse me, K."

The guy cast them a veiled glance, waiting Miles to continue.

"I'd like you to meet Roanne, my sister." Ipinakilala siya ng kapatid.

Marahang tumango ang lalaki. Binitawan ang cellphone. Akala niya mag-aalok ng palad pero tiningnan lang pala nito ang oras sa suot na relos.

"Roanne, he is Kreed Andromida. Co-producer ng bago kong movie for a cause sa ilalim ng Saturn."

Halos mabilaukan siya ng sariling laway. Kreed Andromida? Kapatid ni Rheeva? Gusto niyang gumapang na lang paalis nang iwanan siya roon ni Miles katabi ang lalaki. She knew Rheeva has been considerate with her crime but she is not sure with the other siblings. Hindi niya alam kung ano'ng tingin ng mga ito sa kanya. Biglang pakiramdam niya ay may disgusto sa kanya ang lalaking ito.

"K, do you have additional suggestion for the location of our tapings and photo shoot?" tanong ni Miles.

He shifted on his seat. Halos dama niya ang bigat nito dahil sa gaspang ng pag-uga ng silya.

"We will see the assessment from the field agents then we can proceed to the benchmarking of the primary venues? Anything after that will be catered along the way. Miles, check your email, I'm sending few top ups regarding the budget." Dumaan sa kanya ang sulyap nito bago nagtuloy sa mga kausap.

"Right away, Sir!" masiglang sagot ni Miles.

"Sir, how about the approval of the cast?" Nagsalita ang matabang lalaking assistant director ni Miles.

"I've made some changes, it's on the data roster." Sumabit na naman sa kanya ang mga mata nito.

Yumuko siya. Baka inisip nitong sasali siya sa movie na iyon. Bigla siyang nagsisi at pumunta pa roon. Pwede namang sa bahay na lang niya binisita ang kapatid. Natabig niya ang saddle bag na nasa kandungan at nahulog iyon.

Umuklo siya para pulutin iyon, sakto ring yumukod ang lalaki at naunahan siyang damputin ang bag. Sabay silang nag-angat ng mukha at muntik nang magtagpo ang labi. The tip of his nose brushed her cheek. She jerked up and her chair revolted. Alertong nahawakan iyon ni Kreed, kung hindi ay tiyak bumalandra siya sa sahig.

"T-thank you," sambit niyang umusok ang mga pisngi.

Tumango lang ito. Nilapag sa kandungan niya ang bag. Isinilbi ng waiters ang mga pagkain at nagpatuloy ang diskusyon habang kumakain sila. Ilang beses na lumapit sa binata ang isa sa mga waiter at inalok ito ng kung anu-ano pero sa kanya ibinibigay iyon ng lalaki. Halos pumutok tuloy ang tiyan niya sa sobrang kabusugan.

Tumunog ang cellphone niya. Kinapa iyon sa loob ng kanyang bag at tiningnan ang chatbox. Picture nina Javier at Aki. Kumakain na rin ng lunch ang mag-ama niya. Napangiti siya at pinindot ang heart emoticon. Nagtype siya ng message.

Her: Love you both, Mama's boys.

Nagreply si Javier.

Him: Love you back, Papa's girl.

Kasunod ang bagong photo ng dalawa. Their lips giving a virtual kiss. She giggled. Dagling napawi ang tawa niya nang mapansin si Kreed na nakatitig sa kanya.

***
Row, row, row your boat
Gently down the stream
Merrily, merrily, merrily merrily
Life is but a dream

Duweto nina Javier at Aki habang nagmamaneho ang lalaki at katabi ang anak patungo sa restaurant. Susunduin nila si Roanne. Nag-apir ang mag-ama pagkatapos ng kanta at nagtawanan.

"Papa, I saw the baby goose at the pond. He's alone, where is his Papa and Mama?" tanong ng bata.

"Hm, maybe he just run around to play and got separated. His Papa and Mama will surely find him."

"Like how you find me and Mama?"

"Uh-huh, that's right." Ginulo niya ang buhok ng anak.

"Lola told her fat friends earlier I looked a lot like you when you were little, is it true?"

"Haven't you seen the photos?"

Humaba ang nguso nito. "I have but you don't wear dresses, I wore them."

"Mama will explain it soon why, we just have to wait, okay?"

Tumango ito at nag-isip na naman ng bagong itatanong. Buti na lang hindi na muling sumagi sa utak nito ang itanong kung paano gawin ang bata. Nauubusan na siya ng objective explanation. Ka-papark lamang nila sa lobby ng gusali nang matanaw niyang palabas si Roanne. Nakita agad sila nito at kumaway. Ibinaba niya ang salamin ng bintana.

"Mama!" Naglikot sa upuan si Aki.

Tumakbo papunta sa kanila ang dalaga at sumaglit ng halik sa kanya bago lumigid sa passenger seat. Hindi na nito nilipat sa likod si Aki at kinandong na lamang.

Goodness!

She's getting sexier now. Those butt and legs sent knockdowns on his groin. Akala niya makapagpapahinga na siya sa bigat ng kanyang puson ngayong may regular contact na sila. Mali. Mas lumala pa ang paghahangad niya sa dalaga.

"Can we drop by at the firm? May kukunin lang akong plates."

"Sure," tango nitong ngumiti ng matamis.

Umusad ang sasakyan at mula sa side mirror ay nahagip ng mata niya ang lalaking lumabas ng gusali. His forehead creased. Isn't that Kreed Andromida? A Jaguar Hurricane car pulled over in front of the guy.

"Mama, Lola told me we should go to their house too." Nagsalita si Aki, tiningala ang ina.

"We will do that after your school, okay? You can't skip."

Tumingin sa kanya ang bata. Naghintay ng confirmation.

"Mama is right. We'll go to Lola's house this coming summer vacation." Sumulyap siya sa rear view at napansin ang Jaguar ni Kreed na nakabuntot sa kanila.

He gave way to the inside of the lane for the guy to overtake but the car remained behind them. What's up with this jerk? Itinodo niya ang takbo ng sasakyan paglagpas ng intersection.

"Jav, I was offered a new contract under Saturn," Roanne said in a low tone.

Sinulyapan niya ang dalaga. "Babalik ka sa showbiz?"

"Modeling and a movie. Pero sabi ko pag-iisipan ko pa. Papayag ka ba sakali tanggapin ko?"

"Kahit hindi ako pabor, kung masaya ka sa gagawin mo hindi kita pipigilan. I won't hold you back from the things you're good at."

Hinawakan nito ang kamay niya. "Maniwala ka, gusto kong mag-focus sa iyo at sa anak natin. I'm happy and complete with you and Aki, gusto ko ring magkaanak pa."

His heart warmt at that.

Continue Reading

You'll Also Like

66.7K 1.5K 32
One relationship ruined because of a one night mistake. Bata palang si Psalm Jaxeen ay may lihim na siyang pagtingin sa kababata niyang si Mc Llisha...
2.4M 60.1K 39
Eros Phileo Herrera has a three priority in life, family, his patient and chasing bad guys. He don't do party, bar hoping or even bedding woman, spec...
641K 15.5K 33
Ybañez Series Side Story He's a Casanova She's a bitch When someone hurt you big time, it caused you so much pain. But it doesn't mean hurting them b...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...