MISSION 3: Claiming You

By AleezaMireya

184K 8.7K 2.5K

"Pwede bang hindi kita tawaging Kuya? Crush kasi kita." Ang mga salitang iyon ang unang sinabi ni Pretzhel k... More

Author's Note
Teaser
Chapter 1 - Memory Lane
Chapter 2 - Pretty
Chapter 3 - Jealousy
Chapter 4 - Research
Chapter 6 - Love Story
Chapter 7 - Gift
Chapter 8 - Seduction
Chapter 9 - The Chase
Chapter 10 - Confirm
Chapter 11 - Threatened
Chapter 12 - Getting To Know
Chapter 13 - Family
Chapter 14 - Admission
Chapter 15 - Lured
Chapter 16 - Cornered
Chapter 17 - Virtual War
Chapter 18 - Come Clean
Chapter 19 - Sweetheart
Chapter 20 - Secret
Chapter 21 - Priceless
Chapter 22 - Mission
Chapter 23 - Introduced
Chapter 24 - Unimpressed
Chapter 25 - Make Out
Chapter 26 - Future Plans
Chapter 27 - Lap Dance
Chapter 28 - Grand Slam
Chapter 29 - Warned
Chapter 30 - Taste
Chapter 31 - Tested
Chapter 32 - Unrestrained
Chapter 33 - Overheard
Chapter 34 - Wrong Verb
Chapter 35 - Evasive
Chapter 36 - Connive
Chapter 37 - Captivated
Chapter 38 - Tricked
Chapter 39 - Captured
Chapter 40 - Remorseful
Chapter 41 - Ready
Chapter 42 - Marked
Chapter 43 - Busted
Chapter 44 - Beloved
Chapter 45 - Perturbed
Chapter 46 - Cared For
Chapter 47 - Perfect Addition
Chapter 48 - Fairy Tale
Chapter 49 - Jubilant
Exciting News!!!

Chapter 5 - Portrait

3.6K 183 35
By AleezaMireya

"Ako lang talaga? Hindi ka po sasama, Ma?" tanong ni Pretzhel nang maisakay nila sa van ang mga cakes na dadalhin sa Bulacan para sa birthday ng lola ni Clifford.

Sa huli ay hindi rin naman niya napahindian ang lalaki. Kilala rin naman kasi niya personally sina Lola Ada at Lolo Gener. Graduation sa PMA nang una niyang nakilala ang dalawang matanda at ilang beses na rin niyang nakausap ang mga ito sa mga okasyon at selebrasyon kina Brian at Abby. Parehas mabait at magiliw ang dalawang matanda. Mabiro si Lolo Gener at makwento naman si Lola Ada.

"Alam mong mabilis na akong mapagod, anak. At isa pa'y aantayin ko ang tawag ng kuya mo kung nakarating na ba siya sa detachment nila. Ikaw na ang bahalang mag-bigay ng regalo natin sa kanya."

Lumingon siya kay Redge na nakatayo sa tabi ng mama niya. Kababalik lang nito at ng kuya niya kagabi mula sa Anvaya. Kaninang umaga umalis ang kuya niya at kahit sabi nila'y magpahinga muna ito ay sumama pa rin sa bakeshop at tumulong sa pagpa-pack ng mga cupcakes at tatlong tier na cake. Bukod doon ay may apat na strawberry shortcake din siyang ginawa. Kahapon iyon itinawag ni Clifford. Personal request daw ng lola nito.

"I can't, Pret," ani Redge na umiling kaagad bago pa man siya makapagsalita. "Bukod sa hindi ko kilala personally ang celebrant ay aantayin ko rin ang tawag ni Gabriel."

"Magpasalamat ka sa pag-ibita niya sa atin at ihingi mo na rin ng pasensya na hindi kami makakapunta ng Papa mo."

Tumango siya. "Sige po."

"Mang-iingat kayo. Julius, ayusin ang pagmamaneho at importante ang mga sakay mo," bilin ng ina niya na sinilip pa ang pinsan niya na nakaupo na sa tapat ng manibela.

"Opo, Tita. At kasama ko po si Pret. Siguradong kukutusan ako nito kapag hindi maayos ang pagmamaneho ko," nakangiting sagot nito.

"Hindi lang ang cake ang tinutukoy ko, maging iyang pinsan mo. Sige na at baka abutin kayo ng traffic sa daan at magahol kayo sa pag-set up ng cake sa venue," taboy ng mama nila.

Tahimik na lumulan si Pretzhel sa van at kumaway na lang sa mama niya at kay Redge. Tama naman kasi ang ina niya. Hindi nila masabi ang kondisyon ng daan kung wala bang traffic jam. Minsan ay maging sa expressway ay traffic dahil sa aksidente.

Walang aberyang nakarating sila sa Bulacan. Wala ring aberyang nakapasok sila sa exclusive subdivision. Naitawag na in advance ang pagdating nila. May security guard pa nga na umuna sa kanila para ihatid sila sa bahay nina Lola Ada.

Sumipol si Julius habang pasulyap-sulyap sa mga bahay na dinaraanan nila, "Bigatin ang mga bahay dito. Mansion."

At iyon din mismo ang naisip ni Pretzhel.

Pero in a way ay inaasahan na niya iyon. Nabanggit ni Abby na may sinasabi talaga ang pamilya ng napangasawa nito. Self-made man daw si Lolo Gener. Simpleng tiga-design at tiga-gawa ng alahas lang daw ito na naglakas loob magtayo ng sariling negosyo at ngayon ay may branches ang jewelry store nito sa mga malls sa iba't ibang panig ng bansa. As in mula Luzon hanggang Mindanao ay may jewelry stores ang lolo ito. Noong nakaraan nga lang ay nagpunta ng Hong Kong sina Abby dahil may binuksan daw na branch doon.

Nakipag-usap ang guard na nag-assist sa kanila sa guwardiang nakabantay sa gate. At hindi naglipat saglit ay bumukas iyon.

"Eto talaga ang bahay ng lolo at lola ni Brian?" bakas gulat sa boses ni Julius habang nagmamaneho papasok sa gate.

At maging si Pretzhel ay nagulat. Kung ito ang bahay ng grandparents ni Clifford, ibig sabihin ay dito lumaki ang lalaki. Parehas uniformed personnel ang mga magulang ni Clifford kaya lumaki ito sa pangangalaga ng lolo at lola nito. At dahil din sa tawag ng serbisyo kaya hindi na nagkaroon pa ng kapatid si Clifford.

Pumalatak si Julius, "Lalo akong napahanga nina Brian at Clifford. Galing sa mayamang angkan, pero kung umasta, akala mo, wala lang. Magaling makisama."

Magpinsang-buo sina Brian at Clifford. Ang pagkakaalam niya ay panganay na anak ang ama ni Clifford, habang pangatlo at bunsong anak naman ang ina ni Brian.

In a way ay sumasang-ayon doon si Pretzhel. Napaisip din siya kung paanong mas pinipili ni Clifford na magpalipas ng ilang araw na bakasyon sa kanila, gayong tingin niya ay lulusot ang bahay nila ng higit makatlong ulit sa laki ng bahay na ito. And they are just talking about the mansion and not the entire lot!

Muling pumito si Julius. "Ni sa panaginip ay hindi ko naisip na makakapasok ako sa ganito kagandang lugar."

At maging si Pretzhel ay nalula. From the manicured lawn, to the round fountain at the end of the cemented driveway, to the arched doors and huge windows, the stone walls and the red-tiled roof!

Kung siya ang tatanungin ay mas gusto niya ang modern contemporary design sa bahay. Gano'ng design ang dream home niya. The stark minimalism, clean lines, open space, glass windows, the simplicity and subtle sophistication excites her. Pero ang mediterranean style na mansion na ito ay kahanga-hanga rin.

Bago pa man tumigil ang sasakyan ay nakita na niya si Abby na nakatayo sa porch. Pagtigil ng sasakyan ay lumapit kaagad doon ang ilang kalalakihan na naka-uniform. Base sa tatak noon ay mga tauhan ng catering services.

Bago bumaba ng sasakyan ay kinuha niya ang isang box kung saan nakalagay ang pang-design na bulaklak sa cake. Maselan ang mga iyon kaya hindi niya ipagkakatiwalang iba ang magdala.

"Hi! Kumusta? Ikaw lang? Nasaan sina Tita?" ani Abby pagbaba niya ng sasakyan.

"Hindi nakasama at mapapagod lang daw sa balikang biyahe. At saka nag-aantay iyon ng tawag ni Kuya Gab. Bumalik na kasi siya sa detachment kanina."

"Ah. Okay. Tara na. Set-up na natin iyang cakes mo," ani Abby. Pagkatapos ay kay Julius naman ito bumaling. "Park mo na lang iyan doon, tapos pasok ka na lang dito at sunod ka sa likod."

Nang lingunin ni Pret ang van ay wala ng laman iyon. Dala na ng mga lalaking sumalubong sa kanila. Pumasok ang mga iyon sa kabahayan. Kaagad naman silang sumunod ni Abby.

And Pretzhel thought she's transported to a movie set the moment they entered the grand room. The house was so bright and airy due to the wide arched windows, yet it is warm and cozy. The elaborate metal works in the handrails of the stairs, the embroidered fabric used on the sofa, the rugs, the chandelier, the paintings, they all screamed opulence.

Napalingon siya sa malaking larawang naka kwadro sa tapat ng isang eskaparate. Gusto pa niyang titigan iyon pero may kailangan siyang tapusin. Mamaya na lang niya iyon babalikan para tingnang muli.

Nang makalampas sa grand room ay sa covered lanai sila dumaan bago narating ang garden sa likod.

At muli ay gustong malula ni Pret sa ganda ng lugar. Ang swimming pool doon ay idinisenyo na sa wari mo'y may natural na talon. Ang isang gilid noon ay waring may islet, complete with palm trees. At base sa bulwak ng tubig doon ay nahihinuha niyang outdoor jacuzzi. Ang malawak na sementadong gilid noon ang magsisilbing dance floor, may maka set-up pang disco ball.

Ang pool ay punong-puno ng talulot ng pulang rosas at floating candles. Sa kabilang gilid ng pool ay may mga naka set-up na cocktail table. Sa ibabaw noon ay may flower vase at kandila na nasa glass lantern. Maging sa pebbled pathways ay may mga mas malalaking candle glass lantern. Gabi ang selebrasyon, at alas kwarto pa lang ng hapon kaya hindi pa sinisindihan ang mga kandila, maging ang mga ilaw na nakalambitin sa mga puno at ang ilan ay nakapaikot sa mga halaman.

The set-up is magnificent. This garden will definitely look divine later. Too bad she can't stay to see it. Magre-request na lang siya kay Abby na picture-an ang garden mamaya.

Sa mas malawak na lanai na malapit sa pool dumiretso ang mga lalaking may dala ng cakes niya. May mga nakaayos na ring lamesa at bangko sa loob noon. Maging sa ilalim ng trellis at ibang part ng garden ay may mga nakaset-up ding lamesa na ang ibabaw ay may nakapatong na ring candle glass lanterns at flower vase.

Pagpasok sa lanai ay agaw atensiyon ang tatlong lamesa. Ang cake table ay napagigitnaan ng buffet table. May mga naka ayos ng chafing dish doon. Sa cake table ay may nakapatong na ring cupcake at cake stand. Ang mga dala niyang cake ay maayos na nakapatong sa pinakamalapit na lamesa.

"Let's set this up. Tulungan ka na namin," ani Abby na tinanguan ang isang tauhan ng catering.

Dahan-dahan nilang inalis sa box ang three-tiered cake na ginawa niya. Ang unang layer noon ay itim. Ang ikalawang layer ay itim na may gold design at ang pinaka taas na layer ay purong gold. Sa ibabaw noon ay may 75 na number na gold din ang kulay. Nang maayos na mailagay iyon sa gitna ng lamesa ay inilagay na niya ang decorative flowers. Dalawang malalaking kulay peach na bulaklak at ilang pirasong maliliit na puting bulaklak ang inilagay niya sa pinaka babang layer ng cake. Nilagyan din niya iyon ng dahon, pero imbes na green ay gold ang kulay noon. Maging sa pinaka taas na tier ay nilagyan din niya ng bulaklak at gold na dahon.

"Oh, wow! What an elegant cake!"

Nang lumingon siya ay si Melanie ang nakita niya. Nakababatang kapatid ito ni Brian na naging ka-close na rin niya over the years.

"It is elegant, apo," nakangiting dagdag ni Lola Ada na sa cake rin nakatingin.

"Natutuwa po akong nagustuhan ninyo, Lola Ada," nasisiyahang salita ni Pretzhel.

Kumumpas ang matanda. "Nang sabihin sa akin ni Cliff na sa iyo siya magpapagawa ng cake ay natuwa na kaagad ako. Alam ko ang kalidad ng cakes na gawa ninyo."

Ngumiti si Pretzhel, "Strawberry cream cheese po ang frosting niyan." The old lady loves strawberry. Nalaman niya iyon dahil gano'n ang ginawa niyang cake noong first birthday ni Carol, ang bunsong anak ni Abby. "Iyon din po ang frosting ng cupcakes na ginawa ko. With fresh strawberries as toppings. Nagawa ko rin po ang shortcakes na request ninyo."

"Oh! Thank you, hija," natutuwang sagot ng matanda. Lumapit ito sa mga box na nasa lamesa, sinilip ang isa pagkatapos ay sumulyap sa kanya, "Would you mind if I taste one?"

"Sure po, Lola," aniya na binuksan ang isang cupcake box.

"Ako rin, Lola," ani Melanie na nagkusa na ring kumuha ng cupcake.

"Very delicious," anang matanda matapos malunok ang isinubong cupcake.

"Lola! There you are! We're waiting for you na in your room. We need to start your make up na," anang babaeng bagong lapit sa kanila. Hindi ito pamilyar kay Pretzhel pero nahihinuha niyang tiyak na apo rin dahil kahawig ni Melanie.

"Uubusin ko lang ito, apo. Susunod na ako."

"You finish na lang that in your room. Halika na. We will have photoshoot pa. The photographer said we need to finish before the sun sets so we can use that as background in your photos," anito na umabresiyete sa abuela.

Umiling ang matanda, tumingin sa kanila," Hindi ko mawarian kung selebrasyon ba ito o ano. Simpleng family dinner lang ang gusto ko at masyadong marangya ang party na ito. May photo shoot pa raw ako. Hindi naman ako artista."

"We are celebrating your wonderful and fabulous life kaya. Not all na seventy-five looks way younger that their actual age," sagot ng apo nito.

"Agree ako doon, Lola Ada. Hindi ka lang mukhang bata, ang healthy at ang lakas niyo pa. Kayo at si Lolo Gener." Nakangiting sagot ni Abby. "Ano po ang sekreto ninyo?"

Ngumiti ang matanda, "Masayang pagsasama. Nagmamahalan kami ng tapat ng lolo ninyo."

"How sweet talaga! I wish I'll meet someone as handsome, as faithful, as hardworking as Lolo Gener. But Lolo is a rare gem, eh. I haven't met someone outside of this family na half as great as Lolo, my brothers or my cousins," lukot ang mukhang sagot ng pinsan ni Melai.

"Anyway, let's go na, Lola. It's time to make you more beautiful that you already are. Pa-in love-in natin lalo si Lolo."

Ngumiti ang matandang babae na noon lang nagpatangay sa apo.

"I'll go ahead na rin. Mapapa-make-up pa rin ako," ani Melanie matapos nitong maubos ang cupcake.

Nilingon niya si Abby. "You probably should go, too. Kaya ko na ito. At saka may mga nag-a-assist naman sa akin."

"Okay. Baka hinahanap na rin ako ni Carol. Basta kung may kailangan ka, magsabi ka lang." Pagkasabi noon ay tumalikod na si Abby. Siya naman ay ibinalik ang atensiyon sa ginagawa. At mabilis niya iyong natapos dahil tumulong ang mga taga catering.

Matapos masiyahan sa set-up ay ilang beses iyong kinuhaan ng litrato ni Pretzhel. Maging ang set-up ng garden ay kinunan na rin niya. Pagpasok niya sa mansion ay dumiretso siya sa harap ng naka kwadrong larawang unang nakakuha ng atensiyon niya.

Wedding portrait iyon nina Lola Ada at Lolo Gener. They look so young yet so happy. Maganda si Lola Ada at gwapo si Lolo Gener. They look perfect together. And they really are perfect for one another. Nasaksihan naman niya mismo iyon sa ilang pagkakataon na nakasama niya ang mga ito.

But what drawn her attention to this huge portrait was Lolo Gener. Tumanda ito, pero ang features nito ay halos hindi nabago. Despite the age, Lolo Gener is very handsome still. His stand still commands attention and respect. Maging ang buhok nito ay namuti lang pero malago pa rin.

Mula sa malaking portrait ay tumingin siya sa mga framed photo na nakahanay sa eskaparate sa ilalim noon.

Pretzhel's heart skipped a beat when she saw several photos of Clifford. Wala sa sariling inangat niya ang isang larawan at tinitigan iyon. At kasabay ng pagtitig sa larawan ang unti-unting pagbilis ng pintig ng puso niya.

PMA graduation. Clifford is in his complete uniform. She distinctly remember that day.

That was the day she experienced her first kiss.

Wala sa sariling nakagat niya ang labi kasabay nang pagpikit ng mga mata. Uminit ang magkabilang pisngi niya at pakiwari niya ay may init din na dumampi sa labi niya.

"Kamukhang-kamukha ko ang apo ko, di ba?"

Dagling napamulat at napalingon si Pretzhel sa nagsalita.

Lumunok si Pretzhel at saka ngumiti. "Opo, Lolo Gener. Para po kayong pinagbiyak noong kabataan ninyo. Pati ang biloy ninyo, nakuha niya."

Tumawa ang matanda, humakbang palapit sa kanya. Sinulyapan ni Lolo Gener ang framed photo na hawak pa rin niya. Noon lang iyon ibinalik ni Pretzhel sa ibabaw ng eskaparate.

"Kung hindi ako nagkakamali ay dalawapu't isang taong gulang diyan si Clifford at ako naman ay dalawanpong taon sa litratong iyan."

Nabuhay ang interest sa puso ni Pretzhel. "Twenty pa lang po kayo ng ikasal kay Lola Ada?"

Tumango ang matanda. "Si Ada naman ay labing-walong taon gulang diyan."

Umawang ang labi ni Pretzhel. "Eighteen? Wow!" Kaya pala mukha silang bata pa sa portrait kasi bata pa talaga!

"Hindi na namin pinatagal dahil sigurado naman kami na mahal namin ang isa't isa ni Ada. Labing-limang taon pa lang siya ay sinabi na niya sa akin na mahal niya ako at kaming dalawa ang magsasama habang buhay." Kumislap ang mga mata ng matanda. Nakatingin ito sa portrait pero alam ni Pretzhel na naglalakbay sa nakaraan ang isip nito. "Inantay ko lang na maging legal na ang edad niya bago ko siya pinakasalan."

Wala sa sariling tumango si Pretzhel. Napatitig rin sa larawan sa harapan.

"Kung gano'n ay talo namin kayo, Lolo. Labing-tatlong taon pa lang si Pretzhel ay alam na niyang ako ang lalaking makakasama niya habang buhay."

Continue Reading

You'll Also Like

257K 5.7K 22
WARNING: MATURE CONTENT INSIDE | RATED SPG | 18+ Isang sikat na Matchmaker ang inutusang hanapan ng babaeng mapapangasawa si Leonardo Villaruiz- a we...
408K 9.3K 34
A roller coaster ride to forever. Prince Cage Monteverde was known as a notorious playboy. He could make you his by his sugar coated words. Telling y...
455K 12.4K 38
Caleb Acosta grew up in a fucked up family. His mother's a cheater, and so as his father. Now he's planning to stay as a bachelor billionaire all his...
191K 8.9K 52
It was supposed to be a tranquil night. Gabriel just got back from his military duty and is already sleeping soundly. It was supposed to be an ordina...