Love You, Sunset

By pink_opal_27

2.7K 168 45

A setting sun can mean losing hope but can also be anticipation of a new beginning. Witness how love plays wi... More

Chapter 1: Collision
Chapter 2: Return
Chapter 3: Bestfriend
Chapter 4: Mia
Chapter 5: Sketchpad
Chapter 6: Time
Chapter 7: Out
Chapter 8: Stalker
Chapter 9: Kuya
Chapter 10: Goodbye
Chapter 11: Rooftop
Chapter 12: Unit
Chapter 13: Canvas
Chapter 14: Chef
Chapter 15: Visit
Chapter 16: Mommy
Chapter 17: Sister
Chapter 18: Message
Chapter 19: Dream
Chapter 20: Artwork
Chapter 21: Comeback
Chapter 22: Deal
Chapter 23: Fear
Chapter 24: Together
Chapter 25: Moment
Chapter 27: Missed
Chapter 28: Back?
Chapter 29: Again
Chapter 30: Love You, Sunset
EPILOGUE: The Story Behind

Chapter 26: Reverse

64 5 2
By pink_opal_27

Ken's POV


Mabilis na lumipas ang dalawang oras, and now we're back to the dock. It's lunch time already and we're so hungry.


"Mahal, bakit ang tahimik mo?" nakita kong nakatingin lang siya sa pedestrian lane. Papatawid kami papunta sa restaurant na napili namin for lunch. "May problema ba?"


"Mahal, can we not cross that street? Baka may iba namang restaurant na hindi na natin kailangan pang tumawid?"


Nilapitan ko siya. Nag-alala ako. "Bakit Mahal? Can you not cross the street?"


"I don't know kasi Mahal pero natatakot ako"


Hinawakan ko nang mahigpit ang mga kamay niya nang makita kong nag-uunahan na ang mga luha sa mga mata niya.


"Alright Mahal. Wag ka nang umiyak. May isa pa namang restaurant dito sa same side ng hotel natin. Dito na lang tayo."


"Salamat Mahal" pero ramdam ko pa rin ang panginginig ng mga kamay niya.


Nung nasa loob na kami ng restaurant at nakapag-order na kami ay maingat akong nagtanong, "Mahal, pwede magtanong? Ano bang naramdaman mo sa pedestrian lane na 'yun?"


"Actually Mahal, I really don't know pero parang ang lakas lang ng takot ko sa pagcross ng mga streets. Kaya simula dati pa, nakasasakyan lang ako if tatawid ng road, even if malapit lang naman."


"Why? May bad experience ka ba in the past na related sa pagtawid ng daan?" hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya kasi feeling ko anytime, iiyak na lang siya agad.


"Wala naman Mahal. I don't remember any bad experience though. Baka sa past life ko meron?"


"Wag mo na yun isipin Mahal. Andito lang ako ha. Hindi na kita pipilitin pang tumawid ng daan ha."



We just had our quick lunch. We then went back to our hotel room and slept for a couple of hours. Medyo malamig ang weather kaya ang sarap lang magcuddle under the white sheets.





It was around 9pm na nang magising kami. "Grabe yung tulog natin Mahal, maglilimang-oras ah" biro ko sa kanya habang pinipinch ko yung ilong niya. "What do you want for dinner?"


"Ahm padeliver na lang tayo Mahal? Parang I do not feel going out eh"


"Sige Mahal. Open ko yung Foodpanda and let's see ha"


I was scrolling along the different restaurants na nagdedeliver around the area. Unfortunately, hanggang 7pm lang yung deliveries nila. They're still open til 12mn pero for dine in and take out na lang.


"Mahal, yung restaurants around, apparently hindi na nagdedeliver ng past 7pm. 9pm na ngayon Mahal eh."


"Hala Mahal. Paano tayo magdidinner niyan? Ayoko talagang lumabas na kasi."


"Ahmm sige ganito na lang Mahal, lalabas na lang ako to buy us dinner."


"Mahal, wag na. Gabi na rin eh. Tingnan na lang natin baka may cup noodles na freebie itong room."


"Seriously Mahal? Cup noodles for dinner, di naman tayo mabubusog niyan eh"



She was looking at me. I know gusto niya rin ng food na talagang pangdinner. "Sige na nga Mahal. Pero saglit ka lang ha. Hihintayin kita dito"


"Oo Mahal. Saglit lang ako. May nakita akong malapit na chicken resto dito oh, tatawid lang sa tapat ng hotel tapos 5 minutes walk. Kaya ito Mahal"


"Sure ka ba talaga Mahal?"


"Anything for you Mahal. Alam kong favorite na favorite mo ang roasted chicken diba?" I smiled. Humigpit ang yakap niya sa akin. "Balik ka agad Mahal ha".


Tumayo na ako mula sa higaan namin at nagbihis na ako. Nagulat naman ako nang bigla niya akong niyakap from behind.


"Mahal" she said. "Malapit na mag-12 midnight oh. Ready ka na ba?"


Hinaplos-haplos ko ang braso niyang nakayakap sa akin. "Sigurado akong makakabalik siyempre ako before 12 midnight. Sasautin ko lang ng itatanong mo at makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo, my Cinderella"


"Naku naku. Ayan na naman tayo sa Cinderella na 'yan eh. Alam mo namang hate ko si Cinderella kanina pa."


"Bakit nga kasi? Kanina mo pa yan sinasabi sa yate pero hanggang ngayon hindi mo sinasabi why?"


"Wala lang. I hate time constraints kasi. Ayoko yung feeling na limited yung time sa mundo. I want everything to be endless"


Hinarap ko siya at hinaplos ang magkabilang braso niya, "Mahal, hindi naman pwedeng wala nang katapusan ang lahat. Paano ang mga taong naghihirap? Ibig sabihin ba forever na silang maghihirap? Masasaktan?"


"Hindi naman sa ganoon Mahal. Gusto ko lang kasi ng extra time. Gusto ko lang na patigilin ang orasan para magawa ko lahat ng gusto kong gawin bago gumalaw ang mundo ulit."


"So ano gusto mong tumigil ang mundo? Kaya mo?" nangingiti ako sa sinasabi ko pero deep inside ay nagtataka ako kung bakit ito ang mga katagang binibitawan ng Mahal ko.


"Oo kaya ko no. Ang lakas kaya ng powers ko" sabay pakawala sa akin mula sa pagkakayakap niya.


"Sige na Mahal, bago kung saan pa mapunta itong usapan natin, aalis na ako. Tingnan mo sa kadramahan nating dalawa, 10pm na tuloy. Aabutan na ako ng 12mn sa daan niyan eh"


"HAHAHAHA" she laughed, "Sige na Mahal. Mag-iingat ka ha"




Bumaba na ako sa lobby ng hotel. Sakto namang umaambon, grabe ang great timing naman talaga. Mahina lang naman kaya kayang-kaya pang pumunta sa restaurant.


Pagdating ko ay medyo marami pang customers na naghihintay for their turn. Uso pala talaga dito ang midnight dinner na kahit 10pm na, buhay na buhay pa rin ang mga kainan.


Finally came my turn now to say my order. Gladly, meron pang roasted chicken kahit malapit nang mag-11pm. Mabilis lang naman ang pagprepare ng orders kaya nakuha na agad ng mga 11:30pm. Malapit na talagang mag-12 midnight.


Ayun as expected, tumawag si Mia.


"Oh Mahal? Saan ka na ba? Tagal ha, akala ko ba malapit lang yung resto?" sabi ni Mia sa kabilang linya.


"Yes Mahal. Ito na po. Sorry na natagalan, ang dami pa palang tao ngayong nag-oorder, di ko inexpect. Pabalik na ako ng hotel. Wag mo na ako mamiss ha" sabay baba ng phone ko. Hayy ang mahal ko talaga.


Patawid na sana ako pabalik ng hotel nung naalala ko na may kailangan pala akong bilhin sa drugstore. Yung gamot ni Mia na pasikreto ko lang sinusupply sa stocks niya. Marami naman siyang stocks kaya di niya nahahalata na dinadagdagan ko ito from time to time. At mas lalong hindi niya alam na alam ko na ang tungkol sa sakit niya.





Mia's POV


"Hayy buti naman pabalik na rin. Kanina pa ako gutom. Anong oras na ba?"


Pagtingin ko sa phone ko ay 11:30pm na pala. Malapit nang mag-12 midnight. Pabalik na daw siya kaya may ipapakain na rin ako sa nag-aalburuto ko nang tiyan.


Dahil feel ko na malapit na siya ay hinanda ko ang lamesa. I prepared a candlelight dinner.


Sobrang espesyal ng gabing ito dahil ngayon ko napagdesisyunang aminin na ang lahat kay Ken. 'Yung tungkol sa sakit ko kahit alam kong alam na niya. At yung true identity ko, na ako yung bunsong anak ng babaeng namatay sa ER noon. At first, nagalit kami ni Kuya when soemone informed us na si Ken daw ang may kasalanan, na siya daw ang nagpabaya kay Mommy noon kaya siya namatay. Kaya ganoon na lang din ang galit ni Kuya nang malamang sinagot ko si Ken na at first ay parte lang sana ng plan namin.


However, when we tried to investigate sa pagbalik ni Kuya dito sa bansa, Ken did not know anything about the existence of Mom waiting sa ER. And it appears na finrame-up lang siya. Digging up further, nalaman namin ni Kuya na my ex-boyfriend Bruno wants to dismantle the neurology department of my Ken because of envy and anger. And that nakipagsabwatan daw siya sa isang certain Rodrigo Iringan, to dump my Ken down using that framed-up case.


All along I knew about this pero hinintay ko lang si Ken na siya mismo ang magtapat sa akin about dun. But he didn't do it. So I decided na ako na magmake ng first move. And I made it tonight. Why?


Bruno started it again. The night that he was about to harrass me sa Asian resto, when Ken came to rescue me, I heard them talking outside kung saan ako nagtatago. They were talking about the deal they had, and it involved me kaya walang nagawa si Ken but to agree. Minsan talaga I hate people who are so mabait.


Bumalik ako sa kwarto after preparing the candles sa table. I opened the luggage, his luggage.


This brown envelope says it all. I first saw this sa condo when hinatid niya ako after that incident. He was deeply asleep when I sneaked out to the kitchen to get some water nung nakita ko na hindi masyado nakasarado ang drawer sa console table sa may hallway.


I slowly opened that drawer and I saw this envelope. Damn, andito lahat ng hospital records ko, neuro clinical abstracts, and lahat ng treatments na natapos ko na at gagawin pa lang.


Napailing ako. So this is what Bruno was trying to provoke Ken to give me up to him. What the hell diba?


I acted as if I do not know anything dahil natatakot din ako na baka may gawin siyang wrong move out of his rage. Hindi ko akalain na dadalhin niya pa ito dito sa luggage, dapat iniwan na lang niya sa bahay. I have all my records sa laptop ko that I can show him though.





Napaupo ako sa bed. "Wait parang ang tagal na, anong oras na ba?"


Pagtingin ko sa phone ko ay quarter to 12 na. Saan na ba yun?


Nagulat ako nang biglang parang lumamig sa kwarto. Paghawi ko ng kurtina ay nakita ko ang grabeng pagbuhos ng ulan.


"Teka, walang payong yun si Mahal ah. Sabi ko na magdala siya ng payong eh"



Dali-dali akong nagsuot ng raincoat at kumuha ng dalawang payong. Bumaba agad ako para sunduin siya.



Nang nasa labas na ako ng hotel ay nakikita ko na si Ken sa kabilang side ng daan, nakasilong sa isang establishment pero alam kong nababasa na rin siya dahil sa hanging dala ng malakas na ulan.


Mukhang napansin din niyang nakatayo na ako sa kabilang gilid ng kalsada, "Mahal!" sigaw niya. "Dapat hindi ka na bumaba. Magpapatila lang ako ng ulan dito. Okay lang ako."


"Mahal, sa lakas nito, anong oras ka pa makakauwi. Ala-una? Alas dos?" pinipilit kong lakasan ang boses ko para magkarinigan kami.


"Kaso paano ko ibibigay itong payong sayo?" sabay angat ng payong na hawak ko.



May phobia ako sa pagtawid ng kalsada pero kailangan ako ni Ken, kailangan ko na siyang madalhan ng payong dahil magkakasakit naman siya.


"Dalhin ko diyan sa'yo!" hindi ko na masyadong marinig ang sinasabi ni Ken, siguro ay dahil sa lakas ng ulan. Pero nakikita ko siyang nagsesenyas na wag na, wag na daw ako tumawid. Okay lang daw siya.


Hello, sino bang okay pa kahit nababasa na ng ulan?


Kaya ko 'to. Phobia lang 'to. Baka ito nga ang way para maalis ko ang phobia na ito. I started crossing the road.





Ken's POV


Kulit talaga ni Mahal. Sabi nang okay lang ako. Mas mag-aalala lang ako sa kanya dahil nawitness ko yung tindi ng takot niya makakita pa lang ng pedestrian lane.


Sumisigaw ako pero parang di na niya ako naririnig. Sinesenyasan ko siya na wag nang tumawid pero parang buo na ang loob niya.


Tumayo na ako para salubungin siya. Inayos ko ang mga plastic ng pagkaing nabasa na sa lakas ng ulan. Nakayuko ako nang makarinig ako ng isang impit na tunog mula sa di kalayuan.




Pagtingin ko sa daan ay makapal na fog ang nagpreprevent sa aking makita ang kalsada. Biglang huminto ang ulan at unti-unting nahawi ang fog. At dahan-dahan din nitong ipinakita sa akin ang nakatakdang mangyari.




Nabitawan ko ang mga dala-dala ko. Ang roasted chicken ni Mia. Ang mga gamot ni Mia.




Tama ka Mahal. Kaya mo ngang magpatigil ng mundo ko.






.................................................


Rita, wag mo na habulin yung bola!


Rita, wag ka na sabing tumawid. May iba pa akong bola dito!


Rita, may sasakyan!


Ritaaaaaa!

..................................................



A/N 

Last four chapters na po. 

Di ko akalain na makakatapos ako ng isang buong story dito hehe...

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 233 10
this story is about 2 friends (sara and pom) who go for the first time to comic con in san diego. they are from the netherlands so they have to pack...
44.4K 2.2K 200
All Wong Xue Guo ever wanted was her parent's attention on her. She had done all that she could do to get it, only for her attempts to be futile. Jus...
6.1K 231 8
sana magustuhan po HEHE
22.4K 759 30
Unicode ငယ်ကိုအရမ်းမုန်းတာပဲလားမမမုန်း သဲငယ် ငါ့ဘဝမှာမင်းကိုအမုန်းဆုံးပဲ တစ်သက်လုံးမုန်းန...