MISSION 3: Claiming You

By AleezaMireya

184K 8.7K 2.5K

"Pwede bang hindi kita tawaging Kuya? Crush kasi kita." Ang mga salitang iyon ang unang sinabi ni Pretzhel k... More

Author's Note
Teaser
Chapter 1 - Memory Lane
Chapter 2 - Pretty
Chapter 3 - Jealousy
Chapter 5 - Portrait
Chapter 6 - Love Story
Chapter 7 - Gift
Chapter 8 - Seduction
Chapter 9 - The Chase
Chapter 10 - Confirm
Chapter 11 - Threatened
Chapter 12 - Getting To Know
Chapter 13 - Family
Chapter 14 - Admission
Chapter 15 - Lured
Chapter 16 - Cornered
Chapter 17 - Virtual War
Chapter 18 - Come Clean
Chapter 19 - Sweetheart
Chapter 20 - Secret
Chapter 21 - Priceless
Chapter 22 - Mission
Chapter 23 - Introduced
Chapter 24 - Unimpressed
Chapter 25 - Make Out
Chapter 26 - Future Plans
Chapter 27 - Lap Dance
Chapter 28 - Grand Slam
Chapter 29 - Warned
Chapter 30 - Taste
Chapter 31 - Tested
Chapter 32 - Unrestrained
Chapter 33 - Overheard
Chapter 34 - Wrong Verb
Chapter 35 - Evasive
Chapter 36 - Connive
Chapter 37 - Captivated
Chapter 38 - Tricked
Chapter 39 - Captured
Chapter 40 - Remorseful
Chapter 41 - Ready
Chapter 42 - Marked
Chapter 43 - Busted
Chapter 44 - Beloved
Chapter 45 - Perturbed
Chapter 46 - Cared For
Chapter 47 - Perfect Addition
Chapter 48 - Fairy Tale
Chapter 49 - Jubilant
Exciting News!!!

Chapter 4 - Research

4.3K 166 48
By AleezaMireya

"Good morning. Sorry. I'm late," bakas ang hiya sa boses na bati ni Redge.

Isinarado muna ni Pret ang oven door bago niya nilingon ang babae na kapapasok lang sa kitchen. Kaagad nitong kinuha ang apron. Pero hindi pa nito iyon naisusuot ay muling bumukas ang pinto.

"Hey, you haven't given me my goodbye kiss," anang kuya niya na walang babalang hinagip ang bewang ni Redge. Hinalikan nito ang babae sa labi. "Anong breakfast ang gusto mo, honeypie?"

"Bahala ka na. Kahit ano," bakas ang hiya sa boses na sagot ni Redge. Namumula ang magkabilang pisngi nito.

"Okay. How about you, Pret? Nag-agahan ka na ba?" tanong ng kuya niya nang bumaling sa kanya.

Pretzhel grinned. Of course, alam niyang hindi lang sa pagkain kulang ang dalawang ito. Pupusta siyang pati sa tulog.

"Kaninang umaga pa. Kung sa bahay ka rin natulog, o kaya kung maaga kang umuwi, tiyak, nakapag-agahan ka na rin, Kuya," nanunudyong sagot ni Pretzhel.

Nalaman niyang hindi sa kanila natulog ang kuya niya noong kakain na sila ng agahan. Kapag kasi umuuwi ang kuya niya ay lagi silang sabay-sabay kumain, basta nasa bahay ito. Umalis ito noong isang araw dahil dumating ang mga mistah pero umuwi na rin kahapon. Dumaan pa nga ito sa bakeshop kahapon. At napilitan siyang itaboy ito at si Redge dahil sa walang katapusang kakulitan ng kuya niya.

Pero kaninang umaga ay wala ito sa hapag-kainan. Nang hanapin niya ay sinabi ng Papa niya na nasa garahe ang motor nito pero ang dalawang helmet ay nasa bangko sa teresa nina Tita Odessa. Maging ang sapatos ng kuya niya ay naroon din daw.

"Pero kung mamimilit ka, hindi breakfast meal ang sa akin kasi snack time na," nanunudyong dagdag niya.

Tumawa lang ang kuya niya. Muli itong bumaling kay Redge. "I'll be back in a jiffy, honeypie."

Pagkasabi noon ay muli nitong hinalikan ang babae. Mas matagal kaysa kanina. Nang bitawan ng kuya niya si Redge ay kaagad itong nagyuko ng ulo habang itinatali ang apron. Pero kita niyang lalong namula ang mukha nito.

Pret grinned. Seeing the glimmer in her brother's eyes, Pretzhel can bet all the money in her bank account that her brother caught the love bug. She haven't seen that look in her brother's eyes before. She'd never seen that huge grin, the contentment in his eyes. Her brother looked at Regine like she's the most beautiful and precious thing in this planet. He looked at Regine with adoration in his eyes.

No doubt. His brother is madly in love.

And she hope and pray that someone will look at her the same way her brother looked at Redge.

An image pop in her head but she immediately squashed it.

Pretzhel cleared her throat, "You look good together." She started with a giddy voice. And she really is excited. Kung si Redge ang magiging sister-in-law niya ay walang ka-proble-problema sa kanya.

Redge bit her lip and slowly turned to look at her. She let out a sigh of relief, followed by a shy smile when their eyes met.

Gumanti ng ngiti si Pretzhel, "You're glowing, Redge," aniya matapos itong pinasadahan ng tingin. "Afterglow, for sure." Pinikitan niya ito. "So, how was it?"

Napanganga si Redge. Halata ang gulat sa mga mata.

"Please don't tell me the specifics," ani Pretzhel na ngumiwi pa. "Just tell me how it feel. Were you happy? Elated? Ecstatic?"

She remembered the look on Clifford's face when he thought she'd been intimate with Lucas. He looked at her with anger, jealousy and most of all, disappointment.

At lalo lang nakadagdag sa galit sa puso niya ang reaksyon ng lalaki.

How dare him?

Gano'n ba talaga ang tingin nito sa kanya? Gano'n kababa? Dahil ba minsang ini-offer niya ang sarili niya rito ay tingin nito na io-offer na niya ang sarili sa lahat ng lalaking nakakasama? Hindi ba nito naisip na nakakainom siya noong gawin niya ang kapagahansang iyon?

Yeah, sure. She'd been bold and daring before, directly telling him he can have her body and all, but she only offered her body to him on that single occasion, and she's so intoxicated that time.

Pero kung gano'n kababa ang tingin nito sa kanya ay hahayaan niya. Mas ipakikita pa niya sa lalaki na marami siyang alam pagdating sa sex. Lalo siyang magpre-pretend na master na niya ang topic na iyon.

A sex connoisseur.

Iyon ang nagtulak sa kanya para alamin ang lahat ng pwede niyang malaman tungkol sa sex. Minus na actual sex part, of course. Ibibigay lang niya ang sarili sa lalaking sigurado siyang mahal niya. At mahal siya. Sa lalaking alam niyang worthy.

This maybe selfish to others but she vowed to be with someone na alam niyang mas mahal siya kesa mahal niya. Sabihin na ng lahat na mali iyon, pero sa tulad niyang naranasan ang rejection at ibasura ang pagmamahal na handa niyang ibigay, iyon ang pinaka logical na gawin.

Kung may naitulong man ang rejection at ang ginawa nina Clifford at Brigitte sa kanya, iyon ay ang pahalagahan ang sarili. Ang unahin ang sariling kapakanan. Dahil at the end of the day, sarili lang niya ang tutulong sa kanya para bumangon at muling sumaya.

Oo nga't gwapo si Clifford, pero letse talaga ang lalaking iyon!

Noong kabataan niya ay inilabas nito ang sultry at daring side niya. At ngayong malaki na siya ay ang bitchesang side naman niya ang inilalabas ng lalaki.

Clifford really is bad for her. He is toxic. A vice Pret knew she should not entertain and needed to immediately flush out of her system. And she will. Gaganti lang muna siya.

Nagtagis ang ngipin niya.

Clifford is bringing out all her bad sides. All her worst attitude and attributes.

"I can't believe you're asking me about that, Pret." Pulang-pula ang magkabilang pisngi ni Redge. Halatang hindi komportable sa mga tanong niya.

Huminga siya nang malalim. Pilit niyang kinotrol ang nabuhay na emosyon sa dibdib at nag-focus sa babaeng kaharap.

"Come on! I need to know how sex feels. I haven't experienced that and I'm curious. Alam kong naranasan mo na iyon," nanunudyong salita niya na nagtaas-baba pa ang kilay, "Hindi ka makakapagkunwaring walang alam kaya ikaw na lang ang tatanungin ko."

Lalong namula ang buong mukha ni Redge. Pati tenga nito ay namumula na. "You really are like your Kuya. Parehas kayong walang filter."

Nagkibit-balikat siya. "We've got the same genes. Pero wag mong ibahin ang topic. Basta absolutely no specific positions and whatnots, just how it feels."

"Are you serious?" Redge reaction was totally floored.

Nagkibit-balikat si Pretzhel, "Just doing research. Walang malisya, curious lang talaga. So, how was it?"

Umiling ito. "I won't answer any of your questions, Pret. What happened between Gab and I will stay between the two of us. If it's research you want, go and buy books."

"I did that already. Pati nga articles sa internet binasa ko na. Nanood na nga rin ako ng porn," balewalang sagot niya. Na talagang ginawa niya pag-akyat niya sa kwarto matapos nilang mag-usap ni Clifford sa kusina.

Nanlaki ang mga mata ni Redge, "Pretzhel!" she uttered in total disbelief.

"What? Wala namang malisya. Just doing research. Anyway, as I was saying. The only lacking part about my research on sex is an interview with a person who actually experienced it. I can't ask random people on the street about their sex life. You know, they'll think I'm psycho or something. And I can't ask my friends or relatives, either. Baka kaladrakin ako sa simbahan at pabasbasan ng mga iyon. So I need to find someone I trust that I know won't judge me for asking those weird questions. And you are the perfect interviewee," mahabang paliwanag niya.

Umiling si Redge. Ilang saglit siyang tinitigan. Disbelief in her face. Kukulitin pa sana niya ito nang biglang bumukas ang pinto.

"Hi," anang lalaking nagbukas noon. Nakangiting itong tumingin kay Redge at sa kanya.

Pretzhel's eyebrow rose. This guy is the last guy he wanted to see today.

"You again," Pretzhel answered drily. Katatapos lang niyang supulin ang inis sa dibdib pero muli iyong nanumbalik.

"Him! I think he's knowledgeable about that subject. Siya na lang ang interview-hin mo," sa halip ay sagot ni Redge. May ngiting unti-unting nabubuo sa labi nito.

Bahagyang kumunot ang noo ni Clifford, "Interview? About what?"

"How to hurt someone," sagot ni Pret, itinaas pa niya ang mukha. "You're good at that, right?"

Kumunot ang noo ni Clifford. Magpalipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Redge. Sa wari'y sinisiguradong iyon nga ang gusto niyang malaman.

"Ang lalim naman noon, Pretzhel. May pinaghuhugutan ka?" ani Redge na humakbang palapit sa bench.

Pretzhel catch the slight frown and grimace when Redge took several steps. Kaagad din itong humawak sa gilid ng bench, inabot ang bangko at naupo roon. Sa kabila ng inis ay Clifford ay may ngiting sumungaw sa labi niya.

Napilitang tumayo muli si Redge. Yumuko ito para isaksak ang mixer. At muling gumuhit ang discomfort sa mukha nito. Parati rin itong nakakapit sa bench na sa wari'y humihiram doon ng lakas. Nang muling maupo sa bangko ay pasimpleng itong nagpakawala nang maluwag na paghinga.

Nakaramdam siya ng habag sa babae. At the same time, takot din. Gosh! She needed to prepare herself. Ganito pala the day after ng all night sex!

"You okay, Ate Redge?" ani Pretzhel na binigyan ng emphasis ang pagtawag ng 'Ate' rito. Sigurado siya na it's just a matter of months, magiging ate talaga niya ito.

Nang magtama ang mga mata nila ay muling namula ang pisngi nito. "Yeah, I'm okay, Pret. Thank you for asking."

Ngumiti siya. Regine is really polite and poised. It's ingrained in her, as natural as breathing. Sa mga simpleng bagay at pagkakataon, tulad niyon, niya nakikita ang magandang upbringing at katauhan ni Redge. Kaya nga hindi niya ito mahusgahan sa ginagawa nitong paglilihim. Siguradong malalim ang dahilan ng babae.

"Pagbalik ni Kuya ay sasabihin kong iuwi ka na. Kailangan mong magpahinga. Tatawagan ko na lang muna si Mama."

Lalong namula ang pisngi nito. Umiling si Redge. "No need, Pret. Believe me, kaya ko," buo ang kompiyansang salita nito.

"Just let me know if you needed anything. I'll hand it right over." Mabuti na lang at nakalagay na sa bench ang mga ingredients para sa frosting, hindi na nito kailangang magpabalik-balik sa pantry nila.

"I will. But for the meantime, balikan mo na lang muna ang topic noong research mo. Interesting ang topic, eh," nakangiting wika Redge saka sumulyap sa lalaking nasa kusina. Halatang gusto nitong baguhin ang topic. "How to hurt someone? At sabi mo'y magaling doon si Clifford. Care to elaborate?"

At nagpaunlak si Pretzhel sa gustong mangyari ni Regine.

"Nothing personal, Ate Redge. It's just that alam mo naman sa mga men in uniform. Iilan lang ang tulad ng kuya ko na matapat at hindi nananakit ng damdamin ng babae. Karamihan sa kanila ay isinasabuhay ang motto na 'In every port, report. In every pier, repair'."

Tumikhim si Clifford. "Ikaw na rin ang nagsabi na may iilan pa rin na matapat at hindi nananakit ng damdamin ng babae. Kabilang ako roon."

Tumaas ang kilay niya. "Do'n mo 'yan ikwento sa mga babaeng ilang ulit mo nang niloko at pinaiyak pero paniwalang-paniwala pa rin sa boladas mo."

Bumuntonghininga si Clifford. "Patutunayan ko sa iyo sa mga darating na araw na hindi ako bolero at hindi ako nananakit ang damdamin ng iba."

Nagkibit-balikat siya, "No need. Kung tungkol lang doon ang ipinunta mo rito ay makakaalis ka na."

"I have a car with a crate full of strawberries for you."

Umismid siya, "I already have a crate full of strawberry courtesy of my Kuya."

"Good. At least dalawang crate ng strawberry na ang meron ka. Sandali. Kukunin ko lang," anito na muling lumabas.

Nagkatinginan sila ni Regine. Ngumiti ito. "He got it bad. Sa Dusit pa lang, halata ko na kaagad na gusto ka niya."

Pinaikot niya ang mga mata. "Gusto na naman niya akong paglaruan, tulad ng larong ginawa nila noon."

Kumunot ang noo ni Redge. Magbubuka pa lang sana ito ng bibig nang muling bumukas ang kitchen door at iniluwa si Clifford. Ipinatong nito ang crate ng strawberry sa bench.

"Oorder din ako ng cake. Strawberry flavor sana. Birthday ni Lola Ada sa makalawa," sagot ni Cliff.

"Ah. Why I am not surprised na suhol pala ito para makuha mo ang gusto mo?" nakataas ang kilay na sagot ni Pret. "I tell you what, go and look for other bakeshop near your area. Dito ka pa dumayo ng cake order sa Pampanga, eh, I'm pretty sure maraming bakeshop sa Bulacan," dismissive na sagot ni Pretzhel.

"Bakit ang cake ni Carl ikaw ang gumawa? Sa Bulacan mo din naman idineliver iyon, ah," ani Clifford na humakbang palapit sa kanya.

"That's different. Pinsan ko si Abby at inaanak ko si Carl."

Nagkibit-balikat si Clifford. Nang makarating sa harapan niya ay namulsa ito at hininaan ang boses, 'yong ang makakarinig ay tanging siya lang. "I also want us to talk, Pretzhel."

"Sorry. Got no time for nonsense talks. I'm super busy. And can you move back a little? I don't like the smell of your perfume."

Damn that smell! It's making her mind swirl. His nearness is making her dizzy! This is not good. This is so not good.

Pretzhel wanted to took a step back but she held her ground. She reminded herself what were the reasons why she's doing what she'd been doing lately - She needed to make this man suffer. He needed a taste of his own bitter and toxic medicine.

That thought made her mind focus. Her eyes hardened.

"Okay. I'll change my perfume. Any preferences?" ani Clifford na humakbang ng isang beses paatras.

"Viktor and Rolf's Flowerbomb or Chanel's Coco Mademoiselle."

"Flowerbomb? Mademoiselle? Isn't that woman's perfumes?"

Nagkibit-balikat siya. "You asked what my preferences were."

Huminga nang malalim si Clifford. "Right. Okay. I'll wear it next time. But for now, let me apologize for the way I acted when we last saw each other, Pret," mababa ang boses na salita nito. Halata ang tunay na paghingi ng pasensya sa mga mata. "I don't know what came over me, Pretty."

Tumaas ang kilay niya, humalukipkip. "Ah. So, hindi lang pala iyon suhol, peace offering din. Kung palagay mo'y mabibilog mo na naman ang ulo ko tulad noong nene pa ako, you will surely be disappointed, Clifford." Umismid si Pretzhel.

Mataman siyang tinitigan ni Clifford. Makalipas ang ilang sandali ay nagsalita ito. "Where were the adoring gaze you used to give me before, Pretty?" Clifford murmured. His brown eyes searching her face before he looked directly in her eyes. He is trying to reach her soul.

Pretzhel smirked. "Gone. And you shouldn't be surprised about that. Di ba't sabi mo noo'y masyado pa akong bata para malaman ko kung ano ang talagang gusto ko? Ngayon alam ko na. At hindi ikaw iyon." Pagkasabi noon ay itinaas ni Pretzhel ang mukha.

May nakiraang emosyon sa mga mata ni Clifford. Pero makalipas ang ilang sandali ay ngumiti ito. "Nagustuhan mo ako noon, Pret. At sisiguraduhin kong magugustuhan mo ulit ako ngayon."

Tumaas ang kilay niya. "At paano ka nakasigurado? Nalimutan mo na bang may Lucas na ako?"

Lalong lumapad ang ngiti ni Clifford, "Hindi ako naniniwalang gusto mo si Lucas. Kung talagang gusto mo siya ay matagal mo na sana siyang sinagot."

Nagsalubong ang kilay niya. Di yata't nakapag-imbestiga na rin ang lalaking ito.

Sasagot sana siya nang bumukas ang kitchen door. "Breakfast muna tayo, honey... Anong ginagawa mo rito, Sales? At lumayo-layo ka nga sa kapatid ko."

Continue Reading

You'll Also Like

452K 11.9K 35
What's the truth behind their pleasure?
409K 9.4K 34
A roller coaster ride to forever. Prince Cage Monteverde was known as a notorious playboy. He could make you his by his sugar coated words. Telling y...
204K 4.6K 17
"You turned me into a needy without me knowing about it, Candy. Im a beggar for your love and that irritates me." SYNOPSIS Candy is sweet just like h...
677K 13.2K 23
Krizza Mae Cloropio's life was perfectly fine even she'd to struggle hard for her loved one. But one day, she accidentally bumped with the well-known...