Love You, Sunset

By pink_opal_27

2.7K 168 45

A setting sun can mean losing hope but can also be anticipation of a new beginning. Witness how love plays wi... More

Chapter 1: Collision
Chapter 2: Return
Chapter 3: Bestfriend
Chapter 4: Mia
Chapter 5: Sketchpad
Chapter 6: Time
Chapter 7: Out
Chapter 8: Stalker
Chapter 9: Kuya
Chapter 10: Goodbye
Chapter 11: Rooftop
Chapter 12: Unit
Chapter 13: Canvas
Chapter 14: Chef
Chapter 15: Visit
Chapter 16: Mommy
Chapter 17: Sister
Chapter 18: Message
Chapter 19: Dream
Chapter 20: Artwork
Chapter 21: Comeback
Chapter 22: Deal
Chapter 24: Together
Chapter 25: Moment
Chapter 26: Reverse
Chapter 27: Missed
Chapter 28: Back?
Chapter 29: Again
Chapter 30: Love You, Sunset
EPILOGUE: The Story Behind

Chapter 23: Fear

65 4 1
By pink_opal_27

Ken's POV


Napalingon ako sa higaan nang maramdaman kong pagising na si Mia. Agad kong pinunasan ang mga luhang pumatak sa mga mata ko sa kakaisip kung anong desisyon ang kailangan kong gawin. I want to save her but the only way of doing it is to leave her.


Napadilat siya ng mata at mukhang nasisilawan sa liwanag na sumisilip mula sa bintana. Agad akong tumabi sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa labi niya na animo'y ito na ang huling sandali na makakasama ko siya. Kinakailangan ko nang magdesisyon ng maaga dahil buhay na niya ang nakataya rito.


"Good morning Mahal" bungad ko sa kanya. Nakapikit pa din siya ngunit ngumingiti na ito nang bahagya sa akin. Tinugunan naman niya ang halik na ginawa ko ngunit napabalikwas ng kaunti.


Nagtakip siya ng bibig, "Mahal, ano ka ba? Hindi pa nga ako nagtotoothbrush, ikaw talaga"


Tinampal-tampal niya ako pero hinuli ko ang mga kamay niya at hinalik-halikan. Mamimiss ko siya, alam ko, dahil mahal ko siya. Siya lang at wala nang iba.


Bumangon na siya at ngayon ay nakasandal sa mga braso kong nakapalupot sa kanya. "Teka Mahal, wala ka bang pasok ngayon. Monday na ah"


"Nagleave ako for one week Mahal. Pahinga muna" sagot ko, "And I want to spend the rest of the week with you Mahal."


"Hmmm Mahal ha. May kasalanan kang ginawa no? Bakit ang extra sweet mo today? Tsaka yung leave mo for one week, first time Mahal ha" pinulupot na rin niya ang mga braso niya sa bewang ko. Sobrang magkadikit na ang aming mga katawan. Ramdam ko ang init ng pagmamahal na nag-aalab sa aming mga puso kasabay ng lamig ng idea na iiwan ko siya after a week.


Kumawala ako sa pagkakayakap niya dahil alam kong patulo na naman ang mga luha ko. Ngunit muli niya akong hinila at hindi nakaligtas sa kanya ang mga luhang pumatak na.


"Oh Mahal?" maingat niyang ipinangpahid ang mga daliri niya sa mga mata ko "Bakit ka umiiyak Mahal?"


Tinititigan ko lang siya. I was trying to memorize everything about her nang hindi siya ever mawala sa isip ko.


"Ah wala Mahal. Sobrang saya ko lang na nahanap ko ang isang babaeng tulad mo. Napakaswerte ko dahil ako ang minahal mo"


"Naku naku naku Mahal ha. Another scoop of sweetness na naman po ha" pinisil-pisil niya ang mga pisngi ko pero patuloy pa rin akong nakatitig sa kanya at lumuluha.


"Siyempre Mahal" pagpapatuloy niya pa, "Because you're you"


"Ha?"


"You're you. Wala kang katulad. Like you're masipag sa work, super mabait sa mga tao, tapos love na love mo yung pamilya mo. Lagi mong inuuna ang ibang tao bago ang sarili mo"


"Tsaka magaling magmasahe?"


"Ng paa! Grabe Mahal, super galing mong magmasahe ng paa. Sana sa susunod naman, iba naman masahiin mo sa akin ha" sabay bigay ng isang nakakalokong tingin sa akin. Isang matalim na pagtitig na parang may balak.


"Ikaw Mahal ha. Daming compliments sa morning ha" tuluyan na talaga akong tumayo sa kama "Maliligo na muna ako Mahal"


"Hmm pwede sumabay?"


"Mahal talaga. Kiss na lang para di mo ako agad mamiss" bumalik muli ako sa kanya at bingyan siya ng isang malalim na halik "Sige na, ito na maliligo na ako"




Pagkatapos kong maligo ay hindi ko na nakita si Mia sa higaan. Maayos na rin ang kama, ang mga kumot ay nakatupi na rin.



Matapos kong magbihis at mag-ayos ng sarili ay dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at pumunta sa may console table sa may hallway going to her lounge room. Dito ko kasi nilagay pansamantala ang envelope na naglalaman ng mga papel na yun.


Pagbukas ko ng drawer ay nakita ko pa rin ang envelope. Buti na lang at hindi nabuksan ni Mia ito. Hindi na niya dapat malaman na alam ko na ang lahat tungkol doon. Ayokong lumayo siya sa akin nang dahil doon. Di pa muna sa ngayon. Eenjoyin ko pa ang isang buong linggo na kasama siya.


Napasara ko agad ang drawer nang bigla siyang magsalita sa may kabilang dulo ng hallway.


"Mahal?" aniya, "Anong ginagawa mo diyan? Bumalik ako ng kwarto para yayain ka nang kumain wala ka. Andito ka lang pala. Tara kain na tayo. Nagluto ako ng breakfast."


Akma na sana siyang lalapit sa akin nang dali-dali akong tumalikod sa lamesa at agad siyang nilapitan.


"Mahal, ano yan? May tinatago ka ba diyan?"


"Ahmm Mahal. Wala. Bakit naman ako magtatago ng anything dito sa drawer mo Mahal?"


"Hmm meron Mahal eh."


She was about to go to check the drawer kaya hinawakan ko agad ang kamay niya at hinalikan siya.


"Mahal?!! Ikaw talaga. Halika na nga."


"Halikan na?"


Sinamaan na naman niya ako ng tingin pero parang gusto rin naman niya.


"Naku Mahal ha. Sige na nga. Tara na magbreakfast na lang tayo" niyakag na niya ako palabas ng hallway na yun pero nakalingon pa rin ako sa drawer. Hinihiling ko na sana di na talaga maging curious pa si Mia sa laman ng drawer na yun kundi patay ako.





"Mahal, after breakfast, alis tayo"


"Hmm? Saan tayo pupunta Mahal?"


"Diba nagleave nga ako ng one week para makasama ka. So magbabakasyon tayo"


Lumapad ang ngiti sa mga labi ni Mia. Walang mapagsidlan ang tuwang nararamdaman niya. Ayokong sirain.


"Talaga Mahal? Halaaa excited na ako. Eh saan nga ba kasi tayo pupunta?"


"Basta Mahal. Nakapagpabook na ako kagabi pa. Everything is set."


"Wow Mahal. Advance naman po mag-isip. Eh paano pala kung hindi ako sasama sayo?"


"Ah ganon, so hindi ka sasama? Tigilan mo ako Mahal, hindi totoo" pinahiran ko ang mumunting mumu sa gilid ng labi niya. Ang cute niya talagang pagmasdang kumain. Para siyang bata kung kumain, ang messy pero ang pretty.


Nakikita kong super excited siya. Binilisan niya pa lalo ang pagkain niya.


"Oy Mahal, dahan-dahan lang naman. Mabibilaukan ka niyan eh" binigyan ko siya ng tubig dahil feel ko anytime talaga mabibilaukan siya.


"No Mahal I'm fine. Siyempre maliligo pa ako, mag-eempake pa ako, tapos hahanap pa ako ng maganda kong susuutin no"


"Yung empake wag mo nang alalahanin. Tapos ko na kagabi pa. Yung maganda mong susuutin, wag ka na ring mag-abala. Maganda ka na sa paningin ko"


Kita ko ang pagkagulat ni Mia "Ha? Nakapag-empake ka na? Bilis Mahal ha"


Naglakad ako pabalik ng kwarto habang nakasunod siya sa akin. Kinuha ko ang mga maleta sa ilalim ng higaan at binuksan. Tatlong maleta na maliliit lang naman. Ang isang maleta ay mga damit ko, ang isa ay ang mga damit niya, at ang isa naman ay naglalaman ng mga essentials naming dalawa.


"Wow Mahal. Ready na ready ah. You prepared everything na talaga. Ano pa bang gagawin mo for me?"


I was struck by her question. Ano pa ngang dapat kong gawin?


Napaisip ako ng malalim na sagot sa simple niyang tanong na yun. "Mahal? Tulaley lang ang peg?"


Napabalik ako sa huwisyo ko. Humirit na lang ako para di naman halata "Maligo Mahal. Gusto mo ako na ring magpaligo sayo?"


Napabitaw siya sa akin. " Mahal, ikaw ha. Kanina ka pa talaga ha? Siguro lumaklak ka ng maraming energy drink kagabi no?"


Sarap lang ng tawanan namin habang nagpreprepare siya ng susuutin niya bago siya tuluyang pumasok sa CR.


Pagkapasok na pagkapasok niya ay agad akong bumalik sa drawer sa hallway, kinuha ang envelope at agad na isiniksik sa ilalim ng mga damit ko sa maleta. Mahirap na baka balikan niya pa sa drawer.


10AM na and ready to go na kami. Coding kasi ang sasakyan ko today pati ang sasakyan ni Mia ay coding din today. So we decided na magrent-a-car na lang kami for one whole week of vacation.


While in the car, she keeps on asking me kung saan kami magbabakasyon. Hindi ko siya sinasagot dahil gusto ko masorpresa ko talaga siya.


"Tagaytay" ang tanging salitang binabanggit ko pag nagtatanong siya.



Nang malapit na kami sa hotel ay ginising ko na siya. Napasarap na naman ang tulog niya sa front seat ng sasakyan, basta nakaincline lang ito at pahiga na rin ang posisyon niya.


"Mmmm saan ka pupunta?"


Akma ko na sanang tatanggalin ang seatbelt niya nang bigla siyang umungol ng mga salitang iyon.


"Mahal?"

"Dito ka lang. Please?"


"Mahal?" mukhang nananaginip yata si Mia. "Mahal" sa muling pagsabi ko ay nagising na nga siya. Bigla siyang napayakap sa akin at may isang patak ng luhang tumulo sa kanyang mapupungay na mata.


"Mahal? Ano bang napaginipan mo?"


"Mahal. Dito ka lang sa tabi ko ha. Wag kang aalis ha"


Napapaisip ako. I want to hold her but I can't. Until I know that she's going to be fine in his hands.


"Mahal, hindi naman ako mawawala eh. Dito lang ako" ngunit may pangamba sa isip at puso ko. Niyakap ko siya tsaka niyaya nang bumaba ng sasakyan.






Mia's POV


Isang munting panaginip na naman ang nakita ko. Mukha siyang na sa dating panahon yung setting pero kami ni Ken ang characters. Nakikita ko ang sarili ko with him in that dream. Nakaupo kaming dalawa sa ilalim ng puno ng mangga, masaya, nagtatawanan. Nagpepaint ako habang siya naman ay nakikipaghabulan sa mga tutubi sa paligid. Para kaming mga bata.


Tapos malapit nang magsunset. Sumandal ako sa balikat niya. Nakatingala kami sa langit habang pinagmamasdan ang ganda ng kulay na binibigay ng dapit-hapon. Comfort and love ang nakikita ko between us. Masarap sa pakiramdam.


Wait. Teka? Familiar yung bracelet!


Bracelet...saan ko nga ito nakita?


Ah tama. Ito yung bracelet na suot-suot ni Ken ngayon ah. Pero nabanggit niya dati na napaginipan na daw niya finally yung nagbigay ng bracelet na yun sa kanya. Eh Rita daw ang pangalan but in my dream, ako ang nagbigay sa kanya. Bakit may discrepancy? Government ba kami? Char!


Pinagmamasdan ko lang sila, kami. Pinalibot ko yung paningin ko. Parang familiar din ang paligid. Natatanaw ko sa malayo na may nakatirik na malaking bahay, pamansion na nga yata. Sige lang ako sa paglibot ng paningin nang may naaninag ako sa may kanang parte ng scene na yun.


Isang batang babae na nakadress ng pula. Matalim kung tumitig sa aming dalawa ni Ken at mukhang naiiyak pa nga yata sa inis. She's around 10 years old yata.


Napatingin siya sa akin dahil naramdaman niya siguro andoon ako. Palapit na sana ako sa kanya nang bigla siyang sumigaw. Nagulat ako. "Hindi kita kapatid!" sabay takbo papalayo mula sa akin. Lubos ko itong pinagtakhan pero at the same time, naawa ako sa bata dahil kitang-kita sa mga mata ng bata ang lungkot at galit na namumuo sa kanya.


Paglingon ko kung nasaan kami nakaupo ni Ken kanina ay muli akong nagulat.


Wala na si Ken sa kinauupuan niya samantalang nakita ko naman ang sarili ko na mag-isang nakaupo at umiiyak. Lumapit ako sa kanya, sa sarili ko.


"Mia, please bring my Steven back. Promise me."


"Steven?" aniko, "Hindi ba Ken ang pangalan niya?"


"No, he's my Steven. My only Steven, Mia. Promise me to get him back for me." patuloy lang ang pag-agos ng mga luha sa mga mata niya, ko.


Niyakap ko siya ng mahigpit. "If he's Steven, then you, who are you?"


"I'm Rita. Rita Daniela." bigla siyang tumayo at tumakbo papalayo sa akin. Naiwan akong mag-isa roon. Maraming tanong, maraming bakit.


Pero isa lang ang hinahanap ko that time. Saan nagpunta si Ken? or Steven?


"Mahal?" hinahanap ko siya sa paligid ngunit wala akong maaninag na kahit sino man. Nagulat ako nang biglang may kumalabit sa likod ko. Siya, si Ken.


"Mahal, pinakaba mo naman ako" yumakap siya sa akin from behind. Mahigpit na yakap. Sabay akmang aalis muli.


"Hmmm saan ka pupunta?" hinawakan ko ang mga braso niya dahil mukhang ayaw niya magpapigil. Naiiyak na rin ako.


"Dito ka lang. Please?" ngumit siya ngunit tinanggal niya ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak sa braso niya.


"Hindi pwede Mahal. Si Steven ang hintayin mo. Babalik siya. Kailangan ko nang umalis"


Napatayo lang ako sa kawalan. Puzzled by all they said. Bakit ganoon ang panaginip ako? Please help me wake up.



Hanggang sa naririnig ko na ang isang boses na di ko alam kung saan nanggagaling.


"Mahal?"


Napadilat ako ng mata. Nagising din ako from that dream. Muli kong nakita si Ken, ang mahal ko.


Napayakap ako sa kanya, dahilan para ikagulat niya.


"Mahal? Ano bang napaginipan mo?"


"Mahal. Dito ka lang sa tabi ko ha. Wag kang aalis ha"


"Mahal, hindi naman ako mawawala eh. Dito lang ako" ngunit may pangamba sa isip at puso ko. Niyakap niya ako tsaka niyakag pababa ng sasakyan.



Pero sandali. Bakit parang umiikot ang paningin ko?


Paglabas ng sasakyan ay napahawak ako sa may pintuan nito. Umiikot ang paligid ko. Napahawak naman si Ken sa bewang ko upang suportahan ako.


"Mahal ayos ka lang?"


Ito na naman. Nag-iiba na naman ang tunog ng boses ng tao sa tenga ko. Parang laging may nagriring na kahit anong gawing kutkot ko ay di maalis. Patuloy na lumalabo ang paningin ko at pandinig.


Ito na naman ba? Bakit ngayon pa? Kung kailan masaya na ako.




------------

A/N Sorry for the very late update huhu

This is so far my longest chapter...

Hope you like it!

Continue Reading

You'll Also Like

7.9K 446 51
Can you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind thos...
517K 10.3K 53
The Romano family always had one saying 'Family over anything' Which they stuck to, especially after the disappearance of their youngest daughter...
191K 20.4K 56
"කේතු දන්නවද මම කේතුට කොච්චරක් ආදරෙයි කියල ?" "හැමතිස්සෙම වචනෙන් නොකිව්වත් සර්ගෙ ඇස් මගේ ඇස් එක්ක පැටලෙනකොට ඒ දිලිසෙන ඇස්වලින් මට පේනවා සර් මට කොච්...
50.9K 6.6K 55
"ඒයි ඇටිකිච්ච ඔහොම ඉන්නවා" "නේත්‍ර, නේත්‍ර... මගේ නම නේත්‍ර" "මොකද උඹේ කට ඔච්චර සද්දෙ, මට ඔය වයසට වඩා උඩ පනින්න දඟලන ඇටි කිච්චන්ව පේන්න බෑ. ඒ නිසා මට...