A Martial's Query (Saint Seri...

By gereyzi

24.2K 1.1K 789

6/6 of Saint Series. Sylvia Ameliah and Feliciano are engaged for years. Little did Chano know that the 'mald... More

A Martial's Query
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 3

716 30 51
By gereyzi

Chapter 3
North

"Liah, Liah, hinog ka na ba? Kung oo, oo, pansinin mo na 'ko!"

Mabilis na kumunot ang noo ko nang lapitan ulit ako ng annoying na batang lalake na ito at kantahan. I rolled my eyes on him, inayos ko rin ang pigtails ko bago ko siya iniwan sa cafeteria.

"Sylvia Ameliah, hinog ka na ba? Kung oo, oo, friends na tayo!" he sang again. I can't stop myself from rolling my eyes ulit. So annoying!

Today's my second day here in this school. I'm on my fourth grade, and I just don't get this boy. The last time I checked, I just asked him where room 201 is. He's so papansin! Hindi ko lang masabi kasi I might offend him. Napag-alaman ko rin na Pinoy din pala s'ya. He lives near our village, too, nakasabay ko s'ya sa school bus kanina.

He's a bit chubby with that clean hair cut. Mayroon din siyang makapal na salamin. He looks so rich... and wimp. But not the one who lacks confidence, ha? He has a lot kasi, e. Papansin masyado. F.C!

"Liah, you're so snobbish!" sabi niya nang hindi ko siya pansinin bago humabol sa akin. Argh! Isusumbong ko na 'to kay Daddy— never mind. I don't wanna talk to him.

"Liah, you're so snobbish!" ulit n'ya.

"Mr., you're so papansin and nakakainis! Please, leave me alone!" masungit kong sabi bago ko siya iwan nang tuluyan sa hallway. Tumakbo ako ng super fast para lang makapasok sa room ko.

"Lunch."

Tumaas ang kilay ko nang inilahad ni North ang kaniyang kamay sa aking hararapan. Nakapamewang pa siya na akala mo'y bossing.

Excuse me, but I'm the boss here!

Mula sa pagiging abala ko sa pagwawalis ng sahig ay namewang din ako. "Go get, then," taas kilay kong sabi. I flipped my hair.

"Okay. I'll call Mr. Zeich—"

"Fine! Fine! Ito na! Malditong 'to!" mabilis kong putol sa kaniya. Nakakainis! "Feliciano Havoc!" tawag ko kay Chano.

"Ano?" sigaw niya mula sa ikalawang palapag. Kasama niya si South doon, nag-aayos sila ng gamit sa kwarto yata.

Kalilipat lang ng ibang gamit ko sa pesteng mansyon na ito. Sirang-sira na kaagad ang araw ko dahil kasama ko lang naman sa bahay na ito ang mga taong kinaiinisan ko. Putcha!

Can you believe it? Nagka-anak ako in an instant? What the shit? Nagka-fiance na nga, nagka-anak pa! May imamalas pa ba ang buhay ko?

"Kakain daw itong anak mo!" sigaw ko habang nakatingala sa ikalawang palapag. Mabilis namang sumilip si Chano mula roon.

"Wow! Ako na nga nag-asikaso ng gamit mo! Pagwawalis na nga lang ginagawa mo!" asik niya. Namewang akong at umirap.

"And so? Just do it, Chano!" pamimilit ko. Nilingon ko si North at muling inirapan. "Matuto ka kayang kumuha ng sariling foods? Can't you do that? Go make gawa your own food!" asik ko sa bata.

"You're one of my foster parents," masungit na sagot sa akin ni North. Kumulo na ng tuluyan ang aking dugo dahil doon.

"E, kung kaltukan na kaya kita—"

"Hep! Tara na sa kusina. Ako na magluluto," pigil sa akin ni Chano. Nasa likuran ko na siya at hinigit na ako sa braso.

"Tsk! Huwag mo ngang ini-spoil 'yang mga 'yan!" inis kong sabi kay Chano. Nakahalukipkip kong pinapanood ang pagkain ng dalawang bata sa dining table. Nilingon ako ni Chano at sinamaan ng tingin.

"Maldita ka!" asik niya sa akin. I just shrugged. "Ikaw mag-asikaso sa mga 'to. May pasok ako maya-maya."

Nanlaki ang mata ko nang ibigay niya sa akin ang apron. Sinundan ko siya nang lumabas siya ng kusina. "Anong aalis? Paano ko aasikasuhin ang dalawang 'yon?" humahabol kong tanong.

"Liah, naman!" frustrated na sagot niya. Sumimangot siya at tinitigan ako. "May lakad din kasi ako ngayon," aniya. Kumamot pa sa kaniyang ulo.

Mula sa pagiging simangot ay ngumiti siya. Tumaas kaagad ang kilay ko. "Ano na naman 'yan?" duda kong tanong.

"Halika," sabi niya at hinigit ako sa braso. Hindi ako naka-react dahil sa aking gulat. Umakyat kami sa ikalawang palapag, isinama niya ako sa kaniyang kwarto.

"A-anong gagawin mo?" kabado kong tanong nang i-lock niya ang pinto. "Huwag kang ano, ha? Hindi kita papatulan!"

Tanging ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Mas kinabahan na ako nang isarado niya ang kurtina ng kaniyang kwarto, bahagyang dumilim dahil doon.

"Chano!" saway ko sa kaniya nang patayin niya ang ilaw. Wala na akong makita dahil sobrang dilim! Parang nagkakarera na ang aking puso dahil sa bilis ng tibok nito.

"Pupa!" biglang sigaw nya.

Nagulat ako nang biglang may humigit sa aking braso. Akala ko'y kung sino iyon, nainis lang ako nang makita ko ang ginagawa ni Chano. Dinala niya ako sa tapat ng kaniyang kama. Patay pa rin ang ilaw.

"Ang ganda, 'di ba? Bagay naman sa kwarto ko?" aniya.

Namewang ako sa sobrang inis. Pigil-pigil ko ang aking sarili na sapakin siya, nilingon ko ang kaniyang kumot na glow in the dark. Si Barney ang nakalagay doon, kitang-kita sa gitna ng dilim.

Mabilis akong pumunta sa switch ng ilaw, binuksan ko iyon. Nang mahanap ko si Chano ay kaagad ko siyang kinurot sa braso. Lumayo siya sa akin at sumimangot.

"Inaano ka? Tatanungin ko lang naman kung maganda, e!" nakanguso niyang sabi, hinihimas pa ang braso. "First time ko kasi makabili n'yang design! Ngayon lang nakaabot yung pera ko. Hindi rin naman kasi pwede sa bahay nila Mama Traise kasi maliit kwarto ro'n at hindi dumidilim ng ganto!"

"E, anong pinaglalaban mo?" nakapamewang kong tanong. Umiling ako. "Ang isip bata mo!" I exclaimed.

"Tsk! May business proposal din kasi ako kaya kita sinama rito! I need your ideas!" galit niyang sabi. Tumango ako.

"Ano 'yan? Siguraduhin mo lang na hindi masasabit pangalan ko r'yan, ha?"

"Hindi! Teka," sagot niya at dumiretso sa kaniyang cabinet.

Kinuha ko ang pagkakataon, inilibot ko ang aking paningin sa kaniyang kwarto. Hindi ko maiwasang mamangha. May ilang book shelves siya, puro libro about law. Ang kabilang side ng kaniyang kwarto ay puro libro pa rin. May maliit siyang study table na katapat ng bintana, napailing ako nang makita ko ang Barney na stuffed toy na nakapatong doon. Galing sa akin iyon nung maging kami. Paborito kasi n'ya. Ako pa nag-introduce sa kaniya dati.

Ang sunod kong tiningnan ay ang bukas niyang closet. Napanganga ako nang makita ang organized niyang mga damit. Dalawang section lang iyon: pang-motor niya at pang-formal. Lahat ay maayos na maayos ang sampay at tiklop. Lumapit ako ng bahagya roon, naningkit ang aking mata nang makita ang isang maliit na gloves doon. Dinampot ko iyon at pinakatitigan. Akma akong sisigaw nang may nagtakip ng aking bibig at kinuna sa akin ang gloves.

"Oo na! Gloves mo ito! First gloves mo ito!" mabilis niyang depensa. Tinabig niya ako patabi, napalabas ako ng closet dahil doon.

"At bakit nasa'yo 'yan?"  pigil-inis kong sabi. Nag-iwas siya ng tingin at nagpanggap na wala lang iyon.

"Wala. Remembrance. Ito yung unang dance mo tapos nadulas ka, 'di ba?" nakangiti niyang tanong. Ngiting-ngiti rin niyang pinagpagan ang gloves, matapos gawin iyon at niyakap pa niya. What the?

"Ewan ko sa'yo!" sigaw ko sa mukha niya at binalot iyon ng aking palad. Napaatras siya at pilit na inaalis ang aking kamay sa kaniyang mukha. "Nasa akin pa rin naman picture mo nung chubby ka!"

"Pupa, naman! Bitaw!" angal niya. Ngayo'y nasa labas na kami ng closet. "Oo na, hindi na! Sa'yo na rin picture ko!"

"Gago ka kasi!" huli kong bwelta  bago siya bitawan.

"Oo na! Hayaan mo na 'yan. Wala namang makakaalam no'n, e!" nakangiti niyang sabi. "By the way, tingnan mo nga kung ayos ba 'yang business. Gusto ko kasi ng extra income, e. Magulang na tayo."

Tinanggap ko ang papel ni Chano para itago ang aking pagkagulat sa huli niyang sinabi. Tinalikuran niya ako at mabilis na naghubad ng damit, kunot-noo ko siyang sinulyapan bago binuksan ang papel. Dumiretso na ako sa pintuan para mabasa ang papel. Sa couch na nakalagay sa hallway ako naupo at binasa iyon.

"Ang cringey ng business name mo!" sigaw ko mula sa labas ng kwarto ni Chano. Narinig ko ang halakhak niya mula sa loob. "Seriously? Chanology? Eww!"

"Give me some, then!" hamon niya matapos sumilip sa pinto, paniguradong hubad-baro.

"Sige! Basta may pursyento ako," nakangisi kong sagot. Tumango siya at muling bumalik sa loob para magbihis.

Dahil abala pa naman sa paghahanda si Chano, bumalik ako sa kusina at sumabay sa pagkain ng dalawang bata na hindi ako pinapansin. Hindi ko na lang din pinansin. Duh?

Binuksan ko rin ang malaking radyo sa kusina, malakas iyong tumututog ngayon.

"Alis na ako!" biglang sigaw ni Chano nang mapadaan siya sa kusina. Kaagad akong tumayo mula sa upuan at sinundan siya sa sala.

"Hoy, ibili mo 'ko nito," sabi ko nang maabutan ko siya. Kaagad kong inabot sa kaniya ang papel.

"Ano 'to?" nagtataka niyang tanong habang binabasa ang list ng ipapabili ko. "Ang haba naman!"

"Maikli 'yan! Basta 'yung napkin pinakamahalaga mong mabili," sabi ko at tinalikuran na siya. "Bumalik ka kaagad dahil kailangan ko 'yan! Pagbalik mo saka ko babayaran. You must be here by eight," dahilan ko.

Narinig ko ang inis na bulong niya nang talikuran ko siya. Ngumisi ako at muli siyang hinarap. Nakita kong nasa pintuan na siya at palabas na.

"Tsk! Alam naman siguro ni Chantal kung saan mabibili ang napkin na 'to? Papasama na lang ako."

Natigilan ako sa huli niyang ibinulong. Hindi ako nakagalaw hanggang sa isalpak na niya ang malaking pintuan ng mansyon.

"Behind closed doors I'm a fool for your love..." mahinang sabay ko sa kanta na nagmumula sa kusina.

Dumaan ang buong linggo. Kasalukuyan akong nakatingin kay Chano nang masama. Pakamot-kamot siya sa kaniyang batok, hindi ako matingnan. Sila Gab at Ericka ay naka-antabay dahil sa takot na sabunutan ko ulit si Chano na gagong-gago.

"Bakit Martial nakalagay sa credit?" tanong ko ulit. Pang-anim na tanong na. Humalukipkip ako at tinap ang aking paa sa sahig.

"E, kasi, Puppa..." aniya. Ngumiti siya ng awkward. "Hindi naman big deal iyan!"

"Anong hindi big deal? Nasaan pangalan ko? Martial isn't my name!" sigaw ko. Sila North at South ay tahimik kaming pinapanood. "I gave you Pissed Off Advice, not Piece of Advice!" sigaw ko.

"E, kasi..." kabado n'yang sabi. "Wala akong choice. Baka magselos si Chantal, e. Sinabi ko na lang na ang daddy mo ang tumulong mag-isip ng title. Si Martial naman at ikaw ay iisa, Pupa! You're my Martial, right? Mula bata?"

"E, ano? Pangalan ko lang as business name creator ang gusto ko! Wala akong pake kung magselos syota mo!" taas-kilay kong sabi.

"Pupa, pagbigyan mo na 'ko, please? Bago lang kami nagbalikan," pakiusap niya. Natigilan ako dahil doon. Tinitigan ko siya, umiwas ako ng tingin dahil sa pag-asa na nakikita ko sa kaniya.

"Tang-ina mo," tangi kong nasabi at tinalikuran na siya. Kaagad na sumunod sa akin ang aking mga kaibigan. Dumiretso ako ng kusina.

"Nagbalikan na ba sila?" tanong ni Gab. Pumunta siya sa cabinet at kumuha ng makakain. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Malay ko. Wala akong pake!" I replied... honestly.

"Hay na'ko, Liah," mahinahon na sabi ni Ericka bago ako tapikin sa balikat. "Kailan mo kaya aaminin sa sarili mo ang totoo? I mean, there's no wrong at falling in love."

Dahil sa sinabi ni Ericka ay napalayo ako sa kaniya. Inalis ko ang kaniyang kamay sa aking balikat at nandidiri siyang tiningnan. "Me? In love? No thanks!"

"In love ka, Pupa?"

Muli akong napairap nang marinig ko na naman ang boses ni Chano. Ngiting-ngiti siya na naupo sa aking tabi, inakbayan ako. Nagkatinginan naman kaming mga babae, napangiwi ako bago bumuntong hininga.

"Oo," sagot ko. Inalis ko ang akbay sa akin ni Chano. Nanlaki ang mata niya, O.A siyang napanganga at nagtakip pa ng bibig, a gasped was clearly heard from him.

"Bakit ka may gusto sa iba? Ako fiance mo!" pagalit niyang sabi kunwari. Bumuntong hininga na lang ako at hindi na siya pinansin pa.

Dumating ang kinabukasan, ngayo'y narito ako sa likuran ng Agnes para sa inaasikaso ko sa isang subject namin. Tanghaling tapat ngayon at nagsisigawan ang aming block para lang magkarinigan. May itinatayo kaming three house na by group. What's the worst? Ngayon ang pasahan, mainit dahil tanghaling tapat, at higit sa lahat, lahat halos ng Agnes ay narito na para panoorin kami. Lunch break na kasi pero hindi pa rin kami maka-lunch.

"Left wing, George!" sigaw ko mula rito sa baba ng puno. Si George nama'y nasa puno at siyang naglalagay ng maliit na bintana.

"Liah, pahiram naman ng T-square!" it was Dina who shouted. Nasa kabilang panig siya ng ground.

"Nasa table!" sigaw ko pabalik. "Rics, paki-isod naman yung fake clock ng mga 20 degrees? Thanks!" baling ko sa isa pa naming blockmate.

"Paabot ng marker, Zeich!" Rics replied. I pouted at that pero wala akong nagawa kun'di kuhanin ang ipinapakuha niya.

Mabilis kong itinali ang aking buhok at ibinaba ang longsleves ng aking uniform.

"Ganda naman ni Architect Zeich!"

Rinig kong kantyaw na naman sa akin ng mga baseball players nang umakyat na ako sa ladder para mag-abot ng gamit sa aking kasamahan.

"Of course! The ever pretty!" segunda na naman ng mga plastic na cheerdancers. Dahil sa inis ko, hindi ko na napigilan na lingunin ang side nila at irapan. They all got shocked at that.

"Damn! That sexy roll eyes!" kantyaw na naman nila. Mariin na akong napapikit at pilit silang hindi pinansin.

"Boys!" saway na ng aming proffesor. Buti nga!

"Ganda nga naman kasi," rinig kong bulong ni Chin nang tulungan niya ako sa pagbaba sa hagdan. I just smiled at her.

"What's the matter, Prof D?"

Natigilan ako nang may marinig akong pamilyar na boses mula sa may 'di kalayuan. Bahagya akong kinabahan bago dahan-dahang humarap. It was... Gallad, of course. With that light brown clean cut hair, black lawsuit, and a dark formal shoes.

"The boys... they keep on distracting my student, Mr. Cobby," sagot ni Prof. Nilingon ako ni Gallad kaya mabilis akong umiwas ng tingin. Nginitian ko ulit ng isang beses si Chin bago ako dumiretso sa table namin.

Nagpatuloy ang oras, alas dos ng tanghali kami nag-lunch, hindi pa rin tapos ang aming project. Kasalukuyan kaming narito sa cafeteria at magkakasama na kumakain.

"You fine?" biglang tapik ni Drake sa aking balikat nang mapadaan sila ni Chris. "I've have heard the cat-calling thing back there," seryoso niyang dagdag.

Natigilan ang lahat ng kasamahan ko dahil doon, ako ay napangiti ng tipid at tumango. "I'm fine," tipid kong sagot. Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain kaya wala siyang nagawa kun'di ang umalis.

"So... yung sa may entrance pa ang aayusin natin," said JC nang makabawi sa biglaang appearance ni Drake.

"Pwede naman siguro tayo hanggang six?" I suggested. Tumango ang iba.

"Or... eight or nine at best?" Zayne said.

"I'm... I'm sorry but I have to be home by eight?" mabilis kong tutol. Napalingon sa akin ang lahat, ang ilan pa'y nagkatinginan.

"Liah, may tanong lang ako..." biglang sabi ni Peach. Nilingon ko siya. "Totoo ba talaga yung usap-usapan na engaged kayo ni Chano? Or... biruan n'yo lang?"

"We all know naman na friends kayo since gradeschool, 'di ba?" Rics.

Kinabahan na ako sa sunod-sunod nilang tanong. Napahawak ako sa aking hita dahil sa tensyon, natigil lang iyon nang may tila nabasag na pinggan mula sa counter. Lahat kami ay nilingon iyon, I saw how Jan and her squad kicked the tray on the floor when a poor girl's about to take it. Mabilis na kumunot ang aking noo dahil doon. Nanatili akong tahimik at pinanood ang kaganapan.

"You squammy! Ang baho-baho mo tapos ang lakas ng loob mong magpahara-hara?" Jan shouted. "Tumayo ka! Hampas lupa!"

"Iyan na naman sila," Peach murmured. Walang ibang makapagsalita dahil sa takot. Ultimo hangin sa labas ay rinig na mula rito.

Inilibot ko ang aking paningin, wala ni isa sa aking mga kaibigan ang nasa paligid. Kaasar! Lagot ako kay Biancs kapag nalaman niya na may sasampalin ako maya-maya.

"Malalakas ang loob ng mga yan na mang-bully dahil wala si Bianca. Si Bianca lang naman ang nakakapigil d'ya— shit na 'yan!" Rics exclaimed when Sofia slapped the girl real hard. Dumarami na rin ang tao sa cafeteria kaya hindi na ako nakapagpigil. Tumayo ako mula sa aking upuan, gumawa iyon ng ingay kaya nilingon ako ng lahat.

With head up high, I walked slowly but confident towards the scene. Nang makarating ako roon ay nginisian ako ni Jan, thinking that I'm a bitch so I'm on their side.

"Wanna spill this to her?" she asked. Akmang iaabot niya sa akin ang baso nang juice nang unahan ko siya. Kinuha ko iyon at ibinuhos sa kaniyang ulo. "What the fuck is your problem, Liah?" she blurted out.

"Pick up the tray," utos ko. Nagtataka ang lahat sa aking ginawa. Sumama ang tingin sa akin ni Jan, akma siyang magsasalita nang magpatuloy ako. "You pick it up with your hand or I'll let your teeth pick?"

"T-teka nga," ani Sofia makalipas ang sandali na pagkagulat. Tumaas ang kilay ko at pinamewangan siya. "Bakit ka ba nangingielam? Magpapasikat ka? Para ano? Para masabi na totoo kang vlogger—"

"Liah, that's enough!"

Biglang higit palayo sa akin ni Gallad nang sampalin ko ng malakas si Sofia.

"You say one more stupid shit and I'll slap you again," banta ko kay Sofia bago ko harapin ang iba. Inalis ko ang hawak sa akin ni Gallad. "One more bullying and I won't hesitate to use my name to get you dragged out of this  damn school!" huli kong sigaw nang higitin na ako ni Gallad palabas.  Nakasalubong pa namin sa pintuan si Rom, nginisian niya ako at in-apir-an.

Naging patuloy ang paghigit sa akin ni Gallad, natigilan lang iyon nang matauhan ako. Nasa ground na kami. "Sandali nga! Bitawan mo 'ko!"

"Please, huwag ka na makipag-away," he replied. Kalaunan ay ngumiti. "But you were good there—"

"Yung babae, Gal," putol ko sa kaniya. Tinalikuran ko siya at muli akong naglakad pabalik sa loob ng cafeteria. Nakita kong patayo na ang babae kaya nilapitan ko siya at hinigit palabas. Gaya ng kanina, kasama na naman si Gallad.

"Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko sa babae matapos ko siyang abutan ng towel. Kasalukuyan kaming narito sa parking lot. Si Gallad nama'y tahimik lang sa aking likuran. Panay pa ang lingon sa kaniya ng babae. Crush yata.

"Z-zoe... Zoe Sanchez... third year," the girl replied. Tumango ako bago bumalik sa aking kotse. "Kalilipat ko lang dito. From public school," she added. Kumuha naman ako ng tubig. Inabot ko rin iyon sa kaniya.

"You should change your ugly outfit," sabi ko sa kaniya. Napayuko siya at tumango. Napailing ako dahil doon. I held her chin using my index finger. "You don't do that when someone's talking. They might feel unheard or dominant."

"So-sorry—"

"And don't say sorry just because you can't get through things on your own—"

"Hi, Pupa!"

Mabilis akong lumingon sa labas ng gate nang marinig ko si Feliciano mula roon. Nanlaki pa ang aking mata nang makita ko si North na nakasay sa tangke. What the heck?!

Mabilis na naipasok ni Chano ang motor kaya nakalapit kaagad siya sa aming pwesto. Para akong tanga na nakanganga sa kaniyang harapan.

"Hi, pangit!" bati sa akin ni North. Kukurutin ko sana siya nang abutan niya ako tumbler. "Here! Tatay Chano told me to bring that to you. Busy day mo raw."

"Wow," tangi kong nasabi at tumango. Binalingan ko si Chano. "Ano? Nandito ka na naman!"

"Pareng Gallad!" bati niya kay Gal. Hindi ako pinansin. "Nagbalikan na kayo? Akala ko kayo pa ni Sam?"

"Ah, hindi kami ni Sam."

"Ah, so kaya babalikan mo—"

"Chano!" saway ko.

"Ikaw naman!" natatawang nilingon ako ni Chano. "By the way, alis na kami. Agahan mo mamaya, may klase ako hanggang 7:59. Prof ko na nag-adjust para d'yan sa curfew mo!"

Nang makaalis si Chano ay saka ko lang ulit naharap ang dalawa kong kasama. Si Gallad ay seryosong nakasunod ang tingin kay Chano habang si Zoe nama'y sumulyap ng isang beses.

"I think we should go inside," anyaya ko kay Zoe. Hinawakan ko siya sa kamay pero mabilis niyang inalis iyon. "Do we have a problem?"

"W-wala," mabilis niyang sabi. "Ano... marumi kasi ang kamay ko. Nagtitinda ako ng isda, nakakahiya sa'yo, madudumihan ka—"

"Bitch, shut-up!" Putol ko sa kaniya. Muli kong hinawakan ang kaniyang kamay at hinigit na siya pabalik sa loob. Hindi ko pinansin si Gallad. "Yung lalake kanina, fiance ko, nagtitinda rin minsan ng isda sa palengke yon 'pag wala s'yang pasok sa restaurant."

"Ah, ganoon ba?" hiyang-hiya na sagot ni Zoe. Tumango ako sa kaniya. "Ang... swerte n'ya naman sa'yo."

"Talaga!" mabilis kong sang-ayon.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...