Stars On Her Shoulder

By RGFilipina

255K 9.4K 682

The Wattys 2021 Winner | New Adult Stefan Carreon is a simple rich guy living in Manila. Gaya ng simpleng pam... More

Stars On Her Shoulder
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Wakas

Kabanata 50

4.5K 143 18
By RGFilipina

STEFAN

PAGKATAPOS NG ilang sandaling paghihintay sa sagot sa halos hindi mabilang na tawag, binitawan ko na ang cellphone ko at iritadong umupo sa study table.

Dalawang araw na akong hindi kinakausap ni Raffi, at sa bawat oras na dumaraan, mas lalo lang akong nafu-frustrate.

Laman siya ng balita ngayon. Kahit saan ako magpunta, pangalan niya ang naririnig ko. Gusto kong malaman ang buong nangyari ngunit hindi niya ako kinakausap. Nagbigay lang ng statement ang nanay niya tungkol sa kasong isasampa sa mga taong kasabwat ng mga rebelde, at pagkatapos ay wala na.

Hindi humaharap si Raffi sa media. Ang nanay lang niya ang sumasagot at humaharap sa mga tanong. Ang ibang tanong doon ay tanging si Raffi lang ang makasasagot kaya tinatalikuran na lang ito ng nanay niya.

Gustong-gusto ko na puntahan si Raffi kaya lang natatakot ako na baka mas lalo siyang magalit sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit ako tawag nang tawag sa kanya. Iniisip ko na kung ayaw niya akong makita, kahit sa telepono lang ay makapag-usap kami. Gusto ko lang malaman kung kumusta na siya dahil nag-aalala ako. Gusto kong malaman ang buong detalye ng kaso.

"Stefan..." boses ni Mama bago buksan ang pinto ng kuwarto ko. Pagpasok niya, agad akong tumayo at nagtungo sa closet upang kumuha ng shirt at pants. Katatapos ko lang kasi maligo. "Tumawag sa akin si Mandy. Hindi mo raw sinasagot ang tawag niya?"

"Pupunta naman siya sa resort. Doon kami magkikita, Ma."

Gray polo shirt at jeans ang sinuot ko. Walang event ngayong araw sa resort kaya ayos lang kung hindi gaanong formal ang suot.

"Hindi lang si Mandy, pati na rin sina Andres at Lilian ay tawag nang tawag dito sa bahay dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag nila."

Pagkatapos kong magsuot ng sapatos ay nilingon ko siya. "Yes, dahil magkikita-kita naman kami sa resort."

Humalukipkip siya at nagtaas ng kilay. "Tell me. What's going on?"

Kinuha ko ang cellphone sa study table at binulsa ito bago lumapit sa kanya. Ngumiti ako at marahan siyang hinalikan sa noo. "Nothing, Ma. May lakad ka ngayon with Tita Milena?"

Naningkit ang mata niya sa pagbago ko sa usapan. Sinadya ko talagang baguhin iyon para hindi na siya magtanong. Ayaw kong iniisip pa niya ang problema ko. I can solve this on my own.

"Yes, pupunta kami sa mall ngayong araw. Nagpapasama siya sa akin bumili ng regalo para sa nalalapit na kasal nina Mandy at Ryan."

Hindi ko naitago ang gulat sa narinig. Mas lalong tumaas ang kilay ni Mama dahil sa inakto ko.

"Hindi mo alam na ikakasal na ang kaibigan mo?"

Oh.

Pilit akong tumawa. "Yeah, right! Nasabi nga ni Mandy sa akin noong isang araw. Nalimutan ko lang."

Ang totoo niyan ay wala naman talagang sinabi sa akin si Mandy. Wala pa akong nakakausap ni isa sa mga kaibigan ko dahil masyado akong abala kay Raffi at sa nangyayari sa Elena. Kung hindi lang tumawag sa akin si Andres kanina na balak nilang magpunta nina Lilian at Mandy sa resort ngayong araw, hindi ko pa sila makakausap.

Wala na rin akong kawala sa kanila dahil lantad na sa lahat ang ginawa ni Raffi. Alam nilang may nalalaman ako kaya kailangan ko na sabihin sa kanila ang ginagawa namin.

"Aalis na ako, Ma. I'll call you kapag maaga ako nakauwi ngayon."

Sumimangot si Mama kaya ngumiti ako bago siya hinalikan sa pisngi. Ilang sandali pa'y lumabas na kami ng kuwarto. Sinamahan niya ako hanggang sa labas ng bahay.

"Mag-ingat ka," aniya.

"Yes, Ma," sabi ko bago tuluyang sumakay sa loob ng sasakyan.

"I love you..." pahabol niya bago ko isara ang pinto.

Ngumiti ako at tumitig sa mapupungay niyang mga mata. "I love you, too..."

Habang nasa byahe, sinubukan ko ulit tawagan si Raffi ngunit gaya ng dati, hindi pa rin niya ito sinasagot. Kapag ako napuno, talagang pupunta ako sa kanila makausap lang siya!

Pagdating sa resort, pagbati mula sa mga empleyado ang bumungad sa akin. Ngumiti lang ako at tumango habang dire-diretso ang lakad papunta sa opisina. Pagbukas ko ng pinto, nalaglag ang panga ko nang makita sina Andres, Lilian, at Mandy sa loob.

Si Mandy ang nakaupo sa aking swivel chair habang sina Andres at Lilian nama'y nakaupo sa sofa.

"Stefan!" si Lilian bago tumayo at naglakad palapit sa akin. Napangiti ako nang yumakap siya na para bang isang taon kami hindi nagkita. "Akala ko hindi ka na naman papasok!"

"Why are you late?" mataray na tanong ni Mandy na lumapit na rin pala sa akin. "Maaga ka tinawagan ni Andres, 'di ba?"

Napatingin tuloy ako kay Andres na seryosong nakatingin sa akin at kay Lilian. Tumayo na rin siya upang lapitan ako.

"I'm sorry," wika ko. "Kayo, bakit ang aga n'yo? Hindi manlang ako nakapaghanda ng pagkain para sa atin—"

"Hindi kami nagpunta rito para roon. Mag-uusap tayo," seryosong wika ni Mandy sabay lapit sa aking swivel chair upang hilahin iyon palapit sa sofa. Umupo siya roon.

Wala akong nagawa nang umupo na rin sina Andres at Lilian sa sofa. Pumwesto ako sa pagitan nila dahil iyon ang nilahad sa akin ni Lilian. Sumulyap ako kay Mandy na akala ko may sasabihin na hindi maganda ngunit tahimik lang ito at seryoso pa.

What is going on? Bakit masyado silang seryoso?

"I'll go first," pagbasag ni Andres sa katahimikan. "Sino si Andoy, Stefan?"

Kumunot ang noo nina Mandy at Lilian. Kung tingnan nila si Andres ay parang isang malaking question mark ang sinabi nito. Nagpakawala ako ng mabigat na buntong-hininga kaya napatingin sila sa akin.

Mukhang wala na talaga akong choice kundi sabihin sa kanila ang lahat, huh?

"Okay, sasabihin ko sa inyo ang lahat simula sa umpisa hanggang dulo. Pero bago 'yon, please understand na nilihim ko ito sa inyo dahil iniisip ko ang kaligtasan n'yo. This is not easy for me, too."

Hindi sila nagsalita. Nanatiling diretso at seryoso ang tingin nila sa akin.

"Naaalala ninyo ang nangyaring barilan sa palengke noong pista sa San Jose?" tanong ko kina Andres at Lilian. "Ang pangalan ng lalaking nabaril ay Rene. Si Raffi ang nakabaril at nakapatay sa kanya."

"Isang rebelde," tinig ni Andres, tinutukoy si Rene.

Umiling ako. "Noong nakita ko si Gorio sa gubat kasama ang rebeldeng may hawak sa kanya, sinabi nito na hindi nila kasamahan ang napatay ng hukbong sandatahan. Sinabi ko iyon kina Raffi at Captain Pablo Abad pero tinanggi ito ni Captain Pablo Abad. Huwag daw akong maniniwala sa sinabi ng rebelde dahil gusto lang daw nito na sumapi ako sa kanila."

Napasinghap sa gulat si Lilian. Humawak siya sa palapulsuhan ko habang punong-puno ng pangamba ang mga mata.

"Dahil doon ay nag-imbestiga kami ni Raffi. Pinuntahan namin ang pamilya ni Rene upang magtanong kung tunay bang kasapi ito ng mga rebelde o hindi. Doon namin napagtanto na walang katotohanan ang sinabi ni Captain Pablo Abad. Si Rene ay hindi isang rebelde ngunit iba ang sinabi ni Captain Pablo Abad sa media."

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Andres sa iritasyon. Sina Lilian at Mandy naman ay hindi pa rin kumakalma mula sa matinding gulat.

"Nakita ko kung paano naghanda si Raffi para sa galit ng mga magulang ni Rene. Ngunit imbis na ipakulong nila ito, tinanggap nila ang paghingi ng tawad ni Raffi kapalit ng hustisya para sa ginawa ng mga sundalo sa kanila. Tinakot at binayaran kasi sila upang manahimik tungkol sa tunay na katauhan ni Rene. Gusto nilang ipakulong ang mga abusadong sundalo."

"What..." Hindi matapos-tapos ni Andres ang sasabihin.

"Ito na ba ang simula ng lahat, Stefan?" mahinang tanong ni Mandy.

Tumango ako. "Yes. Doon na kami nagsimulang mag-imbestiga ni Raffi. Kailangan naming malaman kung sino-sino ang mga sundalong—"

"It's obvious na si Captain Pablo Abad ang may gawa no'n! Nagsinungaling siya sa media!" hirit ni Mandy.

"Pinagdudahan namin siya," sambit ko. "Hindi kami puwedeng magturo ng walang ebidensya kaya hanggang pagdududa na lang muna ang nagawa namin. Noong mga panahong iyon, hindi ko alam na nagdududa na si Raffi sa kanyang kapitan. Kahit nagdududa ako, wala naman akong magawa dahil hindi ko kayang lumapit sa mga sundalo. Dahil doon, nag-focus na lang ako sa paghahanap sa bangkay ni Rene. Si Raffi ang nag-imbestiga tungkol sa kung sino-sino ang mga sundalong nang-abuso sa pamilya ni Rene habang ako naman sa nawawalang bangkay."

Naghari muli ang katahimikan. Seryoso na ulit ang mga mukha nila ngunit alam kong gulong-gulo pa rin sila hanggang ngayon.

"Doon na pumasok si Tatay Andoy," pagpapatuloy ko sabay tingin kay Andres na biglang umayos ng upo. "Isang gabi, kumatok siya sa bahay at kinausap ako. Ang sabi niya'y magkita raw kami sa lumang covered court kinabukasan. Tinanong ko iyon kay Mac kaya sumama siya sa akin. Doon lang din inamin sa akin ni Mac na matagal na raw niyang nakikita si Tatay Andoy na nagmamanman sa tinutuluyan natin."

"Paano ka niya nakilala?" tanong ni Andres.

"Ang anak niya ang nagnakaw ng wallet at cellphone ko. Nakita niya ang IDs ko."

Napasapo ng noo ni Lilian habang si Mandy nama'y napapikit nang mariin. Si Andres lang ang tulala sa akin.

"You should've told me..." mahina niyang sambit. "Kung gano'n ay alam ito ni Mac?"

Tumango ako kaya napailing siya. Bumuntong-hininga ako. "I'm sorry kung nilihim ko ito sa inyo, lalong-lalo na sa 'yo Andres. Ayaw ko lang na marami ang makaalam dahil masyadong delikado."

"What happened next?" pagbalewala ni Mandy.

Tumikhim ako. "Nakipagkita sa akin si Tatay Andoy dahil humihingi siya ng tulong para sa proteksyon ng kanyang anak. Sumapi kasi ito sa mga rebelde, at nalaman niyang may kaibigan akong sundalo kaya inisip niya na puwede ko siyang tulungan na pigilan ang hukbong sandatahan na patayin ang anak niya kung sakaling matagpuan nila ito sa isang engkuwentro."

"What?" pagalit na sambit ni Mandy. "You're just an ordinary civilian!"

"Pumayag ka?" maliit na tanong ni Lilian.

Tumango ulit ako. "Yes. Sinabi kasi niya sa akin na hahanapin daw niya ang bangkay ni Rene kapalit no'n. I'm desperate to help Raffi kaya pumayag na ako kahit hindi ako sigurado kung magagawa ko 'yon."

"You're unbelievable!" Tumayo si Mandy at pabalik-balik naglakad sa harap namin. "That was a dangerous move, Stefan!"

Napangiti ako. Iyan din ang reaksyon ni Raffi nang sabihin ko ito sa kanya. Yes, in times like this, nagagawa ko pa ring isipin siya. This is crazy!

"So, nasabi ba niya sa 'yo kung nasaan ang bangkay ni Rene?" naiinip na tanong ni Andres.

Napawi ang ngiti sa labi ko. "Noong umuwi tayo rito sa Maynila, nahirapan akong makausap si Tatay Andoy. Humingi ako ng tulong kay Mac upang alamin kung nasaan ito ngunit lumipas na ang ilang araw ay hindi pa rin ito nagpapakita. Hanggang sa nakausap ko si Papa..."

Napahinto sa paglalakad si Mandy. Bumalot naman ang pagtataka sa mukha ng dalawa.

"Naaalala n'yo ang balitang kumalat tungkol sa pagsabog sa San Rafael? Tinanong ko si Papa tungkol doon dahil nag-aalala ako kay Raffi. Pagpunta ko sa opisina niya, narinig ko siyang may kausap tungkol sa pagtatago nila sa publiko tungkol sa pagsalakay ng mga rebelde. Dahil doon, naalala ko ang mga sundalong nang-abuso sa pamilya ni Rene. Ayaw kong isipin na may kinalaman din si Papa roon pero nangangati akong magtanong kaya nagtanong ako..."

"No..." naiiling na sambit ni Mandy. "Tell me that Tito Simeon is not..."

"I'm sorry, Mandy." Yumuko ako upang itago ang pinaghalong hiya at sakit. "Kasabwat siya nina Captain Pablo Abad at Brigadier General Rowan Española sa pagtago ng totoo sa publiko tungkol sa katauhan ni Rene. Ginawa nila 'yon para hindi marumihan ang imahe ng hukbong sandatahan, at para na rin hindi makulong si Raffi. Binayaran nila ang pamilya ni Rene at tinago nila ang bangkay upang wala nang mag-imbestiga."

"Brigadier General Rowan Española?" tinig ni Andres. "Tatay ni Raffi?"

Tumango ako "Oo. Inamin lahat ito sa akin ni Papa."

"Alam na ba ito ni Raffi?" nanghihinang tanong ni Mandy.

Tumango ulit ako. Hindi ko na nagawang magsalita dahil biglang yumakap sa akin si Lilian. Napahilamos naman ng palad si Mandy dahil sa matinding frustration. Natulala naman si Andres sa kawalan na para bang tinatahi niyang maigi ang mga impormasyong narinig.

"Kung alam ko lang na ganito ang pinagdadaanan mo, sana..." bulong ni Lilian na hindi niya matuloy-tuloy.

Tipid akong ngumiti habang hinahagod ang likod niya. "I chose to keep this from all of you. Don't blame yourself."

Humiwalay siya sa yakap at tinitigan ako gamit ang mga matang puno ng lungkot at sakit para sa akin. "Kahit na! Naramdaman ko na noon na may nililihim ka pero binalewala ko lang dahil masyado akong kampante na kakayanin mo. Kung sinunod ko lang sana ang nararamdaman ko, may kasama ka sana noong mga panahong 'yon. I'm sorry, Stefan..."

"Stop it, Lilian," tinig ni Andres. "Wala kang kasalanan. At isa pa, hindi rin ikaw ang gustong makasama ni Stefan noong mga panahong 'yon. You know that."

Ngumiwi ako. Matalim namang tumingin sa kanya si Lilian na hindi niya pinansin.

"Bukod pa ba ito sa kumakalat na balita tungkol sa ginawa ni Raffi at ng mommy niya?" kuryosong tanong ni Mandy.

Tumango ako. "Yes. Tungkol naman iyon sa mga opisyal na tumutulong sa mga rebelde upang samsamin ang yaman ng Elena."

"Ang sabi mo'y rebelde ang anak ni Tatay Andoy," tinig ni Andres kaya napatingin ako sa kanya. "Iyon ba ang dahilan kung bakit nakita siya ni Billie sa gubat? Pinuntahan niya ang anak niya roon?"

Lumunok ako. "Oo. Nalaman kasi niya sasalakay ang mga sundalo sa kuta ng mga rebelde."

"Paano niya nalaman?"

Umiwas ako ng tingin. "Sinabi ko..."

"What?" sabay nilang tanong ni Mandy.

"Bakit mo sinabi?" si Andres.

"Wala akong intensyon na masama," depensa ko bago pa nila ako pag-isipan ng masama. "Ang gusto ko lang, malaman ni Tatay Andoy ang mangyayari dahil nandoon ang anak niya. Anak pa rin niya ang rebeldeng iyon."

"Ang sabi ni Billie ay naubos ang halos kalahati sa bilang ng mga sundalo roon!" ani Andres sa medyo mataas na boses. "Kaya siya nandoon ngayon dahil kailangan niyang tumulong sa pag-rescue. Nandoon din daw ang tatay ninyo ni Raffi."

"Kumusta si Raffi ngayon kung ganoon?" nababahalang tanong ni Mandy.

Bumuntong-hininga ako. "Nakipaghiwalay siya sa akin. Wala na kami.."

Doon sila natahimik. Nakatitig lang sila sa akin gamit ang mga matang puno ng awa. Ngumiti ako kahit nahihirapan ngunit walang nagbago sa mga expression nila.

"That is not your fault, Stefan..."Lumapit sa akin si Mandy. Lumuhod siya upang magpantay kami. Hinawakan niya ang kamay ko kaya nakita ko roon ang kanyang singsing. "We will help you. Kung gusto mo, kakausapin ko si Raffi para sa 'yo."

Hinawakan ko ang kamay niya kung nasaan ang singsing. "Don't worry about me. May ibang bagay ka pang dapat isipin."

Bumaba ang tingin ko sa singsing niya kaya tumingin siya roon. Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay dahil sa hiya. Tumayo siya at tinalikuran ako.

"Congratulations, Mandy," pang-aasar ko.

"Shut up! This is not the right time to talk about that! Hangga't hindi kayo nagkakaayos ni Raffi, hindi ako matatahimik."

"P-Paano kung ayaw na talaga ni Raffi?" Napatingin kaming lahat kay Lilian na ngayo'y nakayuko habang pinaglalaruan ang kanyang kuko. "She's grieving. Hindi si Stefan ang kailangan niya sa mga oras na ito kaya siya nakipaghiwalay. She needs... time to... heal."

Humalikipkip si Mandy at nagtaas ng kilay. "No. She broke up with him because she blame him for what happened. Kailangan niyang maunawaan na walang kasalanan si Stefan."

Umiling si Lilian. "Hindi 'yon. Sa tingin ko, nakipaghiwalay siya kay Stefan dahil... sinisisi niya ang sarili sa nangyari. Masyado pa siyang nasasaktan ngayon at nahihirapan siyang patawarin ang sarili."

Mapait na halakhak ang pinakawalan ni Mandy bago nagsalita, "Sinasabi mo ba 'yan dahil concern ka kay Stefan, o dahil may hidden agenda ka? For sure, nagdidiwang ka ngayon dahil hiwalay na sila and you are using the situation to your advantage para landiin ang kaibigan ko!"

Nag-angat ng tingin si Lilian sa kanya. Kung kanina'y kalmado pa ito, ngayon ay bakas na ang matinding galit sa mukha niya.

"Hindi ako ganyang klaseng tao!"

Ngumisi si Mandy. "Oh, yeah! Dahil may kaya ka pang gawin para mapunta sa 'yo si Stefan. I wonder how many tricks are you hiding under your sleeves.."

Marahas na tumayo si Lilian kaya napatayo agad kami ni Andres. Siya ang lumapit kay Lilian habang ako naman kay Mandy.

"Stop it, Mandy..." awat ko.

"Kung may balak akong paghiwalayin sila, sana noon ko pa ginawa, 'di ba?" bulalas ni Lilian. "Kung desperada ako gaya ng iniisip mo, wala ako ngayon dito sa harap ninyo dahil hindi ko kakayanin na makita siyang nagmamahal ng iba! Pero tingnan mo, nandito ako ngayon, 'di ba? Tinitiis ang lahat dahil tanggap ko na hanggang magkaibigan lang kami, kahit noon pa!"

Tinago ko ang gulat habang nakatitig kay Lilian. Nang magtama ang mata namin ay unti-unting lumambot ang tingin niya. Yumuko siya upang itago ang kanyang mukha.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya..." mahina niyang sambit, tila natauhan.

"Tama na," seryosong wika ni Andres habang nakatingin kay Lilian. Hawak niya ang braso nito sa mahigpit na paraan. Unti-unti lang lumuwag nang makita ang kundisyon ng kaibigan. "Hindi natin matutulungan si Stefan kung ganito tayo."

Nagtaas ng kilay si Mandy habang nakangisi pa rin. "There. Sa wakas, sinabi mo rin."

Nag-angat ng tingin sa kanya si Lilian. Maging kami ni Andres ay napatingin din sa kanya.

"I don't like you, but because you're Stefan's friend, I need to help you. You can't bury your feelings forever, girl. Kailangan mong ilabas 'yan para wala kang pagsisihan sa huli. Yes, alam mong hindi ka niya kayang mahalin pabalik, but it doesn't mean na hindi ka na puwedeng umamin. This is your closure. You need to say it one last time so you can finally move on."

Humigpit ang kapit ko sa kanya. "Mandy..."

Nilingon niya ako. "What? I am helping your friend! I don't like her, but she's special to you so I need to fix her ridiculous mindset!"

Huminga ako nang malalim bago muling tumingin kay Lilian. Hindi ko inasahan ang ngiti sa kanyang labi habang nakatitig kay Mandy. Nang magawi ang tingin niya sa akin ay mas lalo kong nakita ang saya sa mga mata niya. Kumirot ang puso ko dahil alam ko kung ano'ng uri ng saya iyon. 

It's a joy of acceptance and letting go.

Isang tunog ng cellphone ang sunod naming narinig. Nagkatinginan kaming apat hanggang sa gumalaw si Andres upang kunin ang cellphone niya sa bulsa. Nang makita kung sino ang tumatawag ay agad kong nakita ang pagbago ng ekspresyon ng mukha niya.

"Billie!" Ni-loudspeaker niya ang tawag pero lumapit pa rin kami sa kanya. "Bakit ka napatawag? May problema ba?"

"Kasama mo ba si Stefan ngayon?"

Tumingin sa akin si Andres bago nagsalita, "Oo. Bakit?"

"Stefan! Alam mo na ba?"

Nilapit ko ang bibig sa cellphone para magsalita. "Ang alin? Tungkol ba sa ginawa ni Raffi at ng mommy niya—"

"Hindi iyon! Pinauwi sa Maynila ngayon sina Captain Simeon Carreon, Brigadier General Rowan Española, at Captain Pablo Abad dahil nagsumbong na si Raffi sa presidente. Ginawa niyang witness ang pamilya ni Rene upang mas tumibay ang salaysay niya tungkol sa ginawa nila Captain Pablo Abad na pang-aabuso rito. Nag-aalala ako para kay Raffi dahil biglaan ito! Kung hindi ko pa nabalitaan sa mga sundalo sa Maynila, hindi ko pa ito malalaman!"

Nanlaki ang mata ko. "N-Nandito sa Maynila ang pamilya ni Rene?"

"Oo! Inutusan niya si Alarcon na dalhin ito sa Maynila! Hindi mo alam? Bakit wala kang alam? Hindi ba kayo magkasama?"

Hindi ako nakapagsalita. Naramdaman kong humawak sa akin si Mandy upang pakalmahin ako ngunit hindi iyon umubra.

Ano ang nasa isip ni Raffi? Bakit biglaan ang lahat ng ito?

"Gustong-gusto ko na umuwi sa Maynila para kausapin siya ngunit hindi ako makaalis dito sa Elena dahil pinagbabawalan kami ni General Gregory Lizardo! Hindi ko nga alam kung paano nakaalis si Alarcon kasama ang pamilya ni Rene kaya masama ang kutob ko sa ginagawa ni Raffi. Please, Stefan, kausapin mo siya!"

Pagkatapos ng tawag ay agad akong kumilos. Natigilan lang ako nang humarang sina Mandy, Lilian, at Andres sa dadaanan ko.

"Where are you going?" tanong ni Mandy.

"Alis diyan. Kailangan kong puntahan si Raffi."

"Paano? Saan mo siya pupuntahan?"

Hindi ako nagsalita kaya lumapit sa akin si Andres.

"Calm down. Hindi ka puwedeng sumugod sa bahay ni Raffi dahil siguradong may mga media roon ngayon. Kahit nga yata sa headquarters..."

"Kung ganoon ay ano ang gagawin ko? I need to talk to her!" singhal ko.

Kailangan kong malaman ang plano ni Raffi. Hindi ako puwedeng tumunganga na lang dito habang kumikilos siya mag-isa.

Kahit hindi niya sabihin, alam kong natatakot siya. She's strong, but I know she's scared. Kailangan kong manatili sa tabi niya hanggang sa matapos ang lahat ng ito.

Sorry, Raffi. Alam kong tinalikuran kita noong huli nating pag-uusap, at pinagsisisihan ko iyon. Wala na akong pakialam ngayon kung ipagtabuyan mo ako ulit. Kahit umiyak at sumigaw ka pa, hindi ako aalis sa tabi mo. You can't change my mind because my heart never change. My feelings never fades. Kahit anong gawin ko, kahit anong subok ko, at kahit anong layo ko, hindi ito nagbabago.

Hinawakan ni Andres ang balikat ko at ngumisi. "Ako ang bahala..."

Continue Reading

You'll Also Like

Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.9M 85.4K 28
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
47K 3.2K 51
"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mism...
350K 7.6K 49
" You are the worst philandering bitch who walked on earth, I unfortunately met!" Masakit na salita na sinabi ni Gabriel Valencia sa kanya! He's the...
377K 10.2K 69
If life is a novel. I am sure ang storya ng Buhay ko ang mangunguna. A Nerd? Weakling? Stupid? A typical Nobody? Well that's me! Pain! Suffering! ...
Wattpad App - Unlock exclusive features