Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

172K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 36♕

2.2K 66 6
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

Na pagpasyahan naming tumigil ng isang araw sa Romulus Estate dahil sa hindi ko inaasahang pagbisita ni Diana at ni Hendrix sa manor.

"Kamusta naman ang preperayon ng minahan Kiera?" Tanong ng Duke habang sabay-sabay kaming kumakain sa mahabang hapagkainan kasama ng mga bisita na 'min.

Nakahanda ang napakaraming't masarap na pagkain sa harap na 'min at hindi naman magkandaugaga ang mga katulong sa pagsisilbi sa dalawang royal na nasa tabi't harapan ko.

"Nagsisimula na po sila magmina at kahit sa bukana pa lang daw ng minahan ay may nakukuha na agad silang mga mineral na maaaring maibenta sa malaking halaga your grace," kwento ko sa kaniya habang hinihiwa ko ang karne sa maliliit na piraso sabay subo rito.

"Kung maging maayos ang kalakalan doon ay paniguradong matutulungan din ng minahan mo ang ekonomiya ng emperyo," sagot naman ng crown prince at ngumiti ang duke at duchess sa ideya na 'yun.

"Nakakatuwa lang dahil pati ang matagal nang problema na miasma ay nagawan mo ng solusyon, nais ko rin sana magpasalamat sa kaibigan mo na mula pa sa ibang nasyon, lady Kiera" sagot naman ni Diana at muntikan na ko mapaubo dahil hindi ko alam kung mabuting ideya ba na makilala pa nila si Achlys sa kanila pero sa ngayon tatango muna ako sa sinabi niya.

Kahit na nakakatakot na ideya pagkitain si Achlys at itong crown prince, si Viggo pa nga lang at si Achlys ay sumasakit na ang ulo ko idagdag pa kaya itong si Hendrix?

"Nakakapagtaka lang na may nakilala kang tiga ibang bansa kung hindi ka naman nakakaalis ng emperyo, sister," dagdag ni Keisha sabay ngiti sa harap ko at inum sa wine niya.

Nagsisimula na naman ang isang 'to na inisin ako, kaya minsan kahit gusto ko dumalaw sa Romulus Estae ay napapaisip ulit ako dahil ayokong makita ang babaeng 'to.

"Hindi mo lang alam Keisha pero marami na kong lugar na napuntahan,". Sagot ko sa kaniya sabay ngiti pero hindi siya nagpatalo.

"Akala ko nga nobyo mo ang nababalitang pinatira mo sa kastilyo, hindi ka man lang humingi ng abiso sa ating ama at nagpatira ka na ng lalaki sa kastilyo mo, dont get me wrong ate, concern lang ako," sagot niya at tumingin sa 'kin na akala mo talaga ay nag-aalala siya.

Kung hindi ko kilala itong si Keisha baka inisip ko nang nagbago na talaga siya at may concern na sa 'kin pero hindi ako kakagat sa mga pinapakita niyang kaplastikan.

"Hmm... Kiera, may punto ang kapatid mo. Hindi ka nagpaalam sa 'kin tungkol sa pagpapatira mo sa iyong kaibigang lalaki sa kastilyo, nais ko muna sana siyang makilala para alam ko ang bawat taong nasa paligid mo," sagot niya sabay tingin kay Viggo.

"Sa ngayon si sir Viggo at Wilbert lang ang nais kong pagkatiwalaan mo, sa kanila ay kampante ako na magiging ayos ka," sagot nito at tumango pa kay Viggo, tila ba sobrang laki ng tiwala niya sa butler ko.

Medyo nakakakaba lang kung malalaman niya na ang lalaking pinagkakatiwalaan niya ang sumisiil sa labi ng anak niyang babae sa gabi.

Napayuko tuloy ako dahil pakiramdam ko namumula ang pisnge tuwing na aalala ko ang mga halik na pinagsasaluhan namin ni Viggo.

"Maiba ako, ikaw lady Keisha kamusta ka naman? May na iambag ka na ba sa Romulus?" Biglang tanong ni Hendrix kay Keisha na nagdulot sa kaniya ng pagkapahiya sa harap naming lahat.

Alam kong wala siyang masasagot dahil wala naman siyang ibang ginawa kung hindi humingi ng pera sa duke upang ipambili ng magagarbo niyang damit at alahas.

"Hmm... nag-aaral pa po ako your highness at hindi ko po ako handa upang magsimula ng kahit anong negosyo," sagot niya at napatawa naman saglit si Hendrix.

"Sabagay, isa pa, bagay rin sayo na manatili sa silid mo at magmistulang manika dahil hindi bagay sa 'yo ang magtrabaho sa ganda mong iyan," sagot ni Hendrix at ngumiti sa harap ni Keisha, kitang-kita ko kung pano humigpit ang kapit ni Keisha sa tinidor na hawak niya at ang pagpipigil niya ng galit sa harap ng crown prince.

Kung sa ibang babae 'yun na walang alam ay paniguradong matutuwa sila sa mga salitang iyon, pero alam ni Keisha ang ibig sabihin ng crown prince, pinapahiwatig lang nito na para siyang isang manika na maganda lamang at walang silbi.

Natahimik ng ilang minuto si Keisha at iniba naman ng Duke ang usapan, nag-usap kami tungkol sa iba pang mga plano para sa empire at sa border, tinatanong na rin nila ang tungkol sa ipapangalan ko sa kastilyo na 'yun at sa lupain na sakop ko pero hanggang ngayon wala pa rin akong na iisip na pangalan para rito.

Natapos ang hapunan at bumalik ako sa loob ng aking dating silid para magpahinga at makapagpalit na ng damit pangtulog,  pinaghandaan din ng Romulus ng kanilang matutulugan ang crown prince at si Diana kaya naman pagtapos kong makaligo ay dumaretsyo ako sa kwarto ni Diana.

"Viggo, puntahan ko lang si Diana ah," sabi ko sa kaniya at tumango naman siya saka sumalampak sa sofa.

"Sige matutulog lang ako rito," sagot niya at tamad na tamad humilata saka naghikab.

Mukhang mabilis na mapagod si Viggo dahil madalang ko na rin siya mapainum ng dugo ko dahil sa sobra akong naging abala sa mga lumipas na araw.

Kumaway ako sa kaniya at sinara ko ang pinto saka ako naglakad papunta sa kwarto ni Diana pero hindi pa ko nakakalayo sa aking silid ay nakasalubong ko na agad si Keisha na nakatayo malapit sa gilid ng hagdan, masama siyang nakatingin sa 'kin na para bang may ginawa na naman akong kasalanan sa kaniya.

Naglakad ako dare-daretsyo dahil mas mabuti nang iwasan ko siya kesa naman sa magdulot na naman siya ng ikakairita ko sa kaniya ngunit dahil sa paakyat ako sa hagdan ay agad niya kong hinarang at tinignan nang masama.

"Ano na naman ba Keisha?" tanong ko sa kaniya at parang wala siyang naririnig at patuloy lang na nakatingin sa kin nang masama.

"Saan mo nakuha ang impormasyon na 'yun? Sino ang kasabwat mo para malaman mong may minahan na natatago sa makapal na miasma na 'yun?" inis niyang tanong at halata sa mukha niya ang inggit dahil sa natatamo kong kasikatan at kayaman ngayon, lahat ng atensyon ng mga tao ngayon ay na sa akin, hindi lang dahil sa nakuha ko ang pabor ng royal family, kung hindi dahil na rin  sa kayamanan na natatamasa ko ngayon.

Kung hindi ako nagkakamali halos lahat ng mga pamilya ng kaibigan niya ay nagpadala sa 'kin ng liham na nais daw nila maki-negosyo sa 'kin, tila ba lahat ng kakampi niya ay isa-isa nang lumilipat sa sa 'kin.

Unti-unti ka nang nawawalan ng lakas at kinang Keisha, unti-unti ko nang napuputol ang humahaba mong sungay.

"Pasensya ka na Keisha pero walang nagsabi sa 'kin, gusto ko lang matanggal ang miasma na 'yun bago pa 'to umabot sa kastilyo ko kaya iyon! Bonus na lang ang napakaraming kayaman sa loob ng kuwabe na nagtatago roon," sagot ko sa knaiya sabay ngiti at tulak sa kaniya para umalis siya sa dadaanan ko.

"Hindi ako naniniwala Kiera, mahahanap ko rin kung ano 'yung bagay na tinatago mo," rinig kong bulong niya at naglakad na palayo sa 'kin, kumunot na lang ang noo ko at hindi na siya pinansin pa dahil sakit lang siya sa ulo kaya naman dumaretsyo na ko paakyat ng hagdan papunta sa kwarto ni Diana.

"Kanina pa kita iniintay lady Kiera," paunang bati niya kaagad pagbukas niya pa lang ng pinto ng kaniyang silid sabay sukbit ng kaniyang braso sa 'kin at hila papasok ng kwarto niya.

"Kamusta ka na? Hindi na tayo ganong nakakapagkwentuhan at miske sa mga liham ay madalang na tayo nakakapagpadala sa isa't isa," sabi ni Diana at parang malungkot sa ideya na hindi na nga kami ganu'n nakakapag-usap hindi katulad noon na halos lagi silang magkasama ni Kiera.

"Kaya nga eh, masyado kasi tayong abala pagtapos na 'tin makapagtapos sa academy, hayaan mo pag natapos ko na ang mga bagay na kailangan kong tapusin ay bibisita ako sa royal palace," sabi ko sa kaniya at sabay kaming naupo sa sofa.

"Magkikita rin tayo sa darating na hunting event at maiba ako, hindi ko inaasahan ang sinabi mo kanina doon sa hardin tungkol kay sir Viggo ah," sagot niya sa 'kin sabay ngiti at taas pa ng kaniyang mga kilay na akala mo talaga ay may na lamang juicy na tsimis.

"Ba't ganiyan ka makatingin? Ano na naman ba ang na iisip mo?" Tanong ko sa kaniya at sumandal naman siya sa sofa saka tumingin sa magandang kisame ng silid na ito.

"Wala lang, pakiramdam ko lang ay kukunin ka sa 'kin ni sir Viggo," sagot niya na kinatawa ko. Ang ibig ba niyang sabihin ay pakiramdam niya ay lahat ng atensyon at oras ko ay ilalaan ko na kay Viggo? Kaya ba lagi rin masama ang tingin niya sa bampira na 'yun?

Hindi ko napigilan matawa at sumandal sa balikat niya, "Hahaha iba ka naman sa kaniya dahil ikaw pa rin naman ang best frined ko at walang pwedeng magbago roon," sagot ko, at oo alam kong hindi ito ang isasagot ni Kiera sa kaniya pero ito ang gusto kong sabihin kay Diana bilang Cana.

Lalo na't nalaman ko tungkol kay Achlys na ako ang pang-apat na reincarnation ni Kiera. Alam kong hindi pa sigurado ang bagay na 'yun pero iyon lang ang nakikita kong dahilan sa ngayon kung bakit ako ang nasa loob ng katawan niya at kung bakit ganito ang pakiramdam ko para kay Kiera.

Kung ano ang bagay na mahalaga kay Kiera ay poprotektahan ko at kahit na pinagtangkaan niyang patayin sa libro si Diana ay alam ko sa puso niya ay naging importante rin sa knaiya ang kaibigan niya.

"Ikaw pa rin 'yung best friend na pinapahalagahan ko," dagdag ko pa at umayos kami ng upo saka niya hinawakan ang kamay ko at tumingin sa 'kin nang diretsyo.

"Pangako mo 'yan Kiera ah, at pangako ko rin na susuportahan kita kahit na anong mangyari. Lalo na sa ano mang desisyon mo at ni sir Viggo," sagot niya at tila ba pinapahiwatig niya sa 'kin na kung sakaling piliin kong kalabanin ang tingin ng high sociaty sa magiging relasyon namin ni Viggo ay papanig niya sa klin at makukuha ko ang suporta niya.

"Salamat Diana," sagot ko at ngumiti naman siya sa 'kin na mapang-asar.

"So totoo nga na may pagtingin ka kay sir Viggo hehe," pamang-asar niyang tawa at hindi ko na tinanggi pa iyon sa kaniya kahit na alam kong dapat sa kaniya ang lalaking minamahal ko.

Sguro nga na bago ko na ang storya, siguro nga malaki ang epekto ko nang baguhin ko ang tadhana ni Kiera, pero hindi ako nagsisisi sa bawat hakbang na ginawa ko.

Lalo na't alam kong mas madaming tao ang natutulungan ko at masaya sa desisyon ko.

"May kwento ako, alam mo ba nung isang araw si  sir Grimm inaya akong lumabas," kwento niya at halata sa mukha niya ang saya kaya napangiti na lang din ako at inubos ang dalawang oras sa pagkukwentuhan naming dalawa.

Sa totoo lang kung pag-uusapan namin lahat ng mga bagay na gusto namin pag-usapan ay tiyak na kulang pa ang isang buong gabi sa mga kwento na 'yun.


Pagtapos nang mahabang kwentuhan namin ni Diana ay bumalik na ko sa aking silid at salamat naman at wala akong nakasalubong na Keisha or Hendrix sa pasilyo pagbalik ko. Pumasok ako sa loob at kinandado na ang pinto, na abutan ko si Viggo na mahimbing na natutulog sa sofa.

Para bang alam niyang ako ang papasok sa loob ng silid kaya hindi na siya bumangon pa at hinayaan na lang ang sarili na matulog nang mahimbing.

Lumapit ako sa kaniya at pinagmasdan ang maganda niyang mukha habang tahimik na natutulog, lalo siyang gumagwapo tuwing tahimik siya at hindi laging galit sa 'kin pero alam ko nitong mga nakaraang linggo ay napapabayaan ko na siya at hindi na rin kami ganung nakakapag-usap.

Alam ko nagiging abala ako sa iba't ibang bagay, alam ko madalas ko siyang mautusan nitong mga nakaraang linggo at hindi na nagagampanan ang pagbibigay ko sa kaniya ng dugo.

Salamat na lang din at hindi siya naghahanap ng dugo o baka binabawi niya ang lakas niya sa pamamagitan ng tulog kaya lagi siyang nakahiga at naghihikab.

"Pasensya na Viggo," bulong ko sa kaniya at hinawi ang iilang hibla ng buhok niya sa mukha, marahan akong lumapit sa kaniya at hinalikan ang kaniyang pisnge.

Tanda ko noon madalas siyang magising pag-isang pindot ko pa lang sa pisnge niya, pero ngayon tulog na tulog siya at hindi man lang binubuksan ang kaniyang mga mata.

"May gusto sana akong aminin sa 'yo pero sa susunod na lang, sa magandang pagkakataon na tayong dalawa lang," muli kong bulong sa kaniya at kumuha ng kumot saka siya kinumutan at ako naman ay humilata na rin sa aking kama.

Sa susunod na araw, papatak ang unang nyebe at ito na rin ang araw na pinaka kinakakatakutan ko. Sa araw na 'yun ay babagsak ang nyebe pagpatak ng alas otso ng gabi, babalutin ng kulay puti ang buong lugar at mararamdaman namin ang lamig sa simoy ng hangin.

Sa araw na 'yun ay tatangkain ni Kiera na patayin si Diana na sobrang layo na sa pangyayari ngayon, alam kong maiiwasan ko na ang pagkamatay ko sa kamay ni Viggo pero hindi ko pa rin maiwasan na kabahan at matakot sa mga posibilidad.

Gusto ko maging positive sa mga bagay na maaring magaganap pero hindi ko rin maiwasan matakot lalo na't hindi ko pa rin hawak ang tadhana ko.

Sabi nga nila, iba ang hinaharap at ito ang bagay na ikaw mismo ang gagawa, pero ang tadhana mo raw ay hawak na ng langit at hinding-hindi mo na mababago pa, kaya may kaba ako sa puso ko na sobra kong nilalabanan.

Dahil natatakot ako sa tadhana ni Kiera, natatakot ako na baka hindi ko ito mabago o maiwasan man lang. Patunay na roon ang ilang beses kong pagpasok sa panganib, 'yung muntikan ko nang kamatayan sa kamay ni Viggo at 'yung pagdating ni Achlys.

Kinakabahan ako na baka si Viggo pa rin ang taong kukuha sa buhay ni Kiera at ayokong mangyari ang bagay na 'yun dahil paniguradong mahuhulog sa kalungkutan si Viggo at baka habang buhay na lang siyang makulong dito.

Gusto kong makita si Viggo na masaya, gusto ko siya laging makitaan ng ngiti sa mga labi, ayokong iparanasan sa kaniya 'yung nakaraan niya o kahit ano pang masalimuot na nangyari na sa kaniya.

Gusto ko siyang makalaya sa lungkot at sa buhay niya bilang vampire slave, gusto kong putulin ang konrtata na namamagitan sa 'ming dalawa upang makamit niya ang kalayaan na 'yun.

Sa mga isipin ko ngayon pakiramdam ko hindi ako makakatulog kaya naman bumangon ako at nagsalin ng tubig sa isang baso na nasa side table ko, uminum ako doon at tumayo saka sinuot ang balabal ko at lumapit kay Viggo.

Napatingin ako sa kaniya, tahimik lang siyang natutulog na para bang walang problema sa mundo at sobrang komportable niya sa pwesto niya.

"Buti ka pa mahimbing ang tulog," bulong ko at napanguso dahil parang hindi siya nilalamig sa silid na 'to.

Napatitig ako sa kaniya at hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko para umupo sa sofa at humiga sa tabi niya.

"Hmmm..." rinig kong ingit niya kaya naman napatakip ako sa bibig ko at tinignan lang ang mukha niya.

Ang gwapo talaga! Kailan kaya ulit ako hahalikan ng lalaking ito? 

Ang bango pa ng katawan niya na akala mo talaga may pabango siyang suot, hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na sumiksik sa dibdib  niya at yakapin siya para maibsan ang lamig sa paligid.

Dito na lang ako sa tabi mo. Dito, pakiramdam ko makakatulog ako nang mahimbing na walang ibang iniisip kung hindi ikaw.

TO BE CONTINUED

EDITED

Continue Reading

You'll Also Like

2M 134K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...
91.5K 5.3K 46
Liliana West is a Healer from Sandovia. She was living her life peacefully until the son of a High Lord asked her hand for marriage. She knows better...
69K 5K 117
Blue -Sabrina Lorraine Park *typographical and grammatical errors ahead.. Meet Blue- Sabrina Lorraine Park a highschool students full of talents,- b...