Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

173K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 34♕

2.1K 72 3
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

Hindi nila ako maiwasan tignan nang may pagtataka pagtapos kong mag-uwi ng isa pang lalaki na hindi nila kilala.

'Yung mga tingin nila sa 'kin ay pawang nagtatanong kung ano na naman ang binabalak ko, pero ramdam ko naman na hinahayaan din nila ang magiging desisyon ko.

Inaasikaso nila sa pagkain ang lalaking nakita ko sa loob ng kweba, ramdam ng bawat katulong sa loob ng komedor ang kaba dahil sa kakaibang aura na binibigay ng lalaki.

Panay rin ang sulyap nila ng tingin sa 'kin na parang nag-aalala at nais itanong kung ayos lang ba ako dahil miske ako ay halatang namumutla sa presensyang dala ng dragon na 'to. Nagtataka nga ko sa sarili ko kung pano ko pa nagagawang ikalma ang sarili ko sa harap nila dahil hindi ko maitatangi na sobrang ramdam ko ang kapangyarihan na dala ng dragon na 'to.

"My lady, ayos lang po ba kayo?" Bulong sa 'kin ni Wilbert sabay sulyap sa lalaking masayang kumakain sa harapan namin. Siguro kanina niya pa nais magtanong pro hindi niya magawa dahil tahimik lang din ako at hindi magawang magsalita.

Napalunok ako at tumango na lang dahil hindi ko rin alam kung anong maaari niyang gawin kung magkamali kami ng trato sa kaniya o kung may marinig siyang hindi niya gusto.

"Pagsilbihan niyo na lang siya nang maayos, ako na bahala makipag-usap sa kaniya at pag ayos na ang lahat ay saka ko sa inyo sasabihin ang detalye," kwento ko sa kaniya at tumango naman si Wilbert.

Sa totoo lang hindi ko alam kung maaari ko bang aminin sa kanila na ang lalaking nasa harapan nila ay isang dragon na ilang dang taon nang nakakulong o kung maniniwala ba sila pagsinabi ko ang katotohanan.

Mabuti pa't kausapin ko muna siya nang maayos at tanungin kung ano nga ba siya, sa ngayon ay iyon lamang ang maaari kong gawin.

"Hindi ko akalain na ganito na kasarap ang mga pagkain sa panahon na 'to!" Sabi niya habang nilalantakan ang halos pang tatlong araw na naming rasyon ng pagkain.

Kung araw-araw ay ganito ang kailangan niyang ikunsumo na pagkain ay tiyak na magugutom at mamamatay kami sa darating na tag lamig.

"Tanong ko lang ah, kailan pa naging lupain ng mga mortal ang Gazina?" Tanong niya at halatang nagtataka na ang mga katulong na nakakarinig sa usapan namin.

"Ah, maaari niyo na kaming iwan," utos ko na lang sa kanila para hindi nila marinig ang ano mang usapan na maaaring lumabas sa bibig ng kakaibang nilalang na ito.

"Masusunod my lady," tugon nilang lahat at isa-isa lumabas ng pinto saka ako tumingin sa dragon.

"Ilang libong taon na," maikli kong sagot habang hindi pinapakita ang kaba na nararamdaman ko, mabuti na lang at kasama ko si Viggo ngayon sa loob ng silid kung hindi ay baka kanina pa ko bumigay sa kaba na 'to.

"Ganu'n? Ako na lang ba ang natitirang dragon?" Tanong niya at sumagot naman ako ng ayon sa na lalaman ko.

"Hindi ko po alam, ngunit mukhang ikaw na lang ang natitira na nakikita namin ngayon," sagot ko dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko na baka may katulad pa siyang dragon na ikinulong lamang sa ibang kweba rito sa Gazina, wala kaming kasiguraduhan kung may lalabas pa ba na dragon o may nagtatago pa.

"Hmmm, kung ganu'n pagmamay-ari ko na ang mundo?" Tanong niya at agad akong umiling sa kaba.

"Hi-hindi! Hindi mo pwede angkinin ang mundo!" Sagot ko sa kaniya at tumaas lang ang isang kilay niya sabay subo ng karne gamit ang kamay niya.

"Bakit hindi? Noon nga lagi ko pinupuno ng itim na apoy ang sanlibutan, sinasamba nila ako at inaalayan ng maraming tupa at baka," sagot niya at tinaas ang karne sa kamay niya.

"Pero mas masarap 'to, hindi ko alam pano mo ginawa 'to at dahil d'yan hindi ko susunugin ang kastilyo mo," sagot niya sabay subo ulit ng karne sa kaniyang bibig.

Mahabagin! Dapat ako magpasalamat sa kusinero namin, kasi kung hindi dahil sa kaniya ay baka wala na kami ngayon.

"Hahaha, kung gusto mo ay maaari ka pa naman namin paghandaan niyan," tugon ko sa kaniya kahit na malapit na kami maubusan ng karne sa kakakain niya.

"Maiba ako, bakit may kasama kang bampira sa tabi mo?" Tanong niya sabay turo kay Viggo gamit ang mahahaba niyang kuko na may nakatusok pang piraso ng karne.

"Butler ko siya," maikli kong sagot at napaisip naman siya.

"Hindi mo na siya kailangan dahil dito na ko titira at walang ni sino man ang gagambala sayo kung malaman nilang kasama mo ang Dark Dragon na si Achlys," sagot niya at halos mahilot ko ang noo ko sa sakit ng ulo sa mga pangyayari na hindi ko inaasahan.

"At sino naman nagsabi sa 'yo na titira ka rito?" Tanong ni Viggo at agad akong lumingon sa kaniya at pinanlakihan siya ng mata.

"Ha? Hahahaha! Kinukwesyon mo ba ko?" Tanong naman ng dragon at inangilan lang siya ni Viggo nilang sagot.

"Tama na! Ako ang lady sa lugar na 'to kaya ako ang masusunod at hindi kayong dalawa!" Tapang-tapangan kong sagot sa kanila kahit na alam kong wala pa sa kalingkingan ng lakas nila ang lakas ko.

Baka isang pitik lang ako nitong si Achlys ay tumba na ko pero kailangan kong pasunurin siya dahil hindi maaari na maging sunod-sunuran lang ako dahil sa takot ko sa kaniya.

"Hmm... palaban ka para sa isang mortal na may dugong mangkukulam," sagot niya na nagbigay naman sa 'kin ng pagtataka.

Pareho sila ng sinabi ni Viggo at ngayon kompermado ko na, na maari ngang galing si Kiera sa lahi ng mga witch.

"Alam mo ba ang tungkol sa mga mangkukulam? Nabasa ko ang istorya mo sa loob ng kweba," sagot ko sa kaniya at si Viggo naman ay tahimik lang na nakikinig sa usapan namin.

"Syempre alam ko, kinulong kaya ako ng isang mangkukulam doon at kaya mo nabasa ang mga nakasulat doon dahil ikaw ang pangalawang buhay niya o sabihin na 'ting isa kang reincarnation niya," sagot niya sa 'kin na lalong nagbigay ng tanong sa isip ko.

"Ha? Anong reincarnation?" Tanong ko sa kaniya at tinignan niya lang ako nang seryoso, mata sa mata.

"Kung nais mong sabihin ko sa 'yo lahat paalisin mo 'yang bampira na nasa likuran mo," sagot niya at para bang nakatunog ako sa maaari niyang sabihin.

Hindi kaya alam niyang hindi ako galing sa mundong 'to? Hindi kaya alam niyang hindi talaga ako ang babaeng kaharap niya ngayon?

"Nagloloko ka ba? Hindi ako pwedeng umalis sa tabi ng master ko!" Sagot naman ni Viggo pero tumingin ako sa kaniya.

"Viggo wag ka mag-alala, tatawagin naman kita kung may mangyayari sa 'kin o kung may gagawin siya sa 'kin," sagot ko sa kaniya at muli siyang umiling.

"Sige na, may pag-uusapan lang kami at pag nalinawan ako ay sasabihin ko rin sa 'yo lahat ng pinag-usapan na 'min," sagot ko sa kaniya at tinignan niya lang ako nang seryoso tila ba sinusuri ang kilos ko.

"Tsk, hindi mo na kailangan sabihin sa 'kin, butler mo lang naman ako," sagot niya at dire-diretsyong naglakad palabas ng pinto at iniwan kaming dalawa ni Achlys sa loob ng komedor.

Bakit ganu'n? Parang may iba pang gustong sabihin sa 'kin si Viggo at bakit niya binibigyan diin ang pagiging butler niya? 

"Ano handa ka na ba makinig?" Tawag sa atensyon ko ni Achlys habang nililinis ang mga kamay niya at inum ng wine.

Tumango ako sa kaniya at inihanda ang sarili ko sa ano mang mga tanong at inpormasyon na pwede niyang sabihin sa 'kin.

"Hindi sa 'yo ang katawan na 'yan hindi ba?" Direkta agad sa paunang tanong niya pa lang kaya wala na kong nagawa kung hindi ang tumango at sabihin sa kaniya lahat.

"Tama ka, hindi ako galing sa panahon na 'to," sagot ko sa kaniya at sumalumbaba siya sa mesa habang nakatingin sa 'kin.

"Alam mo bang kahawig, kaamoy at pati presensya mo ay katulad ng kay Felicity?" Tanong niya at natandaan ko naman na tinawag niya rin ako sa pangalan na iyon kanina.

"At sino naman siya?" Tanong ko muli siyang uminum sa kupita at inilapag ito sa mesa.

"Yung babaeng nagkulong sa 'kin sa kweba," sagot niya at napahigpit ako ng kapit sa palda ko habang nakatitig siya sa mga mata ko.

"Alam ko naman na pinarusahan nila ako dahil sa pagiging magulo ko at walang sawang pagpatay ko ng mga inosente pag wala akong magawa, alam kong nabasa mo 'yun habang nasa kweba ka," sagot niya at tinuro ako.

"Kaya kinulong ako ng pangalawang prinsesa ng Majiro Kingdom na si Felicity Blackwood at ikaw ang pangalawang reincarnation niya," sagot niya sabay ngise sa harap ko nang makita niya ang gulat sa mukha ko.

"Bali ang katawan na pinasukan mo ngayon ay ang pangalawa niyang pagkabuhay at ikaw na nasa loob ng katawan na 'yan ay ang pang-apat niya," sagot ng dragon sabay hikab pero ako gising na gising sa mga nalalaman ko.

"So may pangatlo pa? Bakit hindi ko tanda 'yung memorya ko bilang felicity?" Tanong ko dahil wala naman pumapasok sa memorya ko na mga pangyayari ukol dito at ang tanging alam ko lang ay ang memorya ni Kiera.

"Reincarnation ka na kasi, hindi naman ibig sabihin nu'n ay dala mo pa rin ang memorya mo, may dugo kang mangkukulam at may kakaunti ring kapangyarihan na nananalaytay sa dugo mo," sagot niya sa 'kin at halos hindi ko maipasak lahat sa utak ko ang mga nalalaman ko.

"'Yung itim na usok na 'yun, bakit ako dinala nu'n dito? Bakit ako hinigop nu'n papasok ng libro? Wala ka bang kinalaman doon?" Tanong ko sa kaniya at inalis niya ang pagkakasalumbaba niya at muling naghikab.

"Hindi naman galing sa 'kin ang itim na usok na 'yun kung hindi sa mahika na ginamit ni Felicity nung ikinulong niya ko sa lugar na 'yun," sagot niya at napaisip naman ako.

Kung ganu'n walang kinalaman ang dragon sa pagpasok ko sa loob ng libro o sa kasaysayan bagkos ay dahil sa may lahi akong mangkukulam o may iba pang dahilan sa likod ng mga pangyayaring 'to?

"Hindi kaya si Kiera ang may pakana ninto?" Bulong ko sa sarili ko at tumayo naman siya sa pagkakaupo.

"Sinong Kiera? 'Yang may ari ng katawan na 'yan?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Kung nais mo malaman ang bagay na 'yan ay tutulungan kita tutal malaking utang na loob ko naman sa 'yo ang pagpapalaya mo sa 'kin," sagot niya naglakad papalapit sa 'kin kaya tumayo ako saka niya nilahad ang palad niya sa harapan ko.

"Nakakatawa man dahil mismong reincarnation pa ni Felicity ang sumira sa seal na siya mismo ang may gawa para makulong ako, pero ikinagagalak kitang makilala lady Kiera," saad niya at kinuha ko naman ang kamay niya at nakipagkamay sa kaniya.

"Naghugas ka ba ng kamay?"tanong ko sa kaniya at umiling siya sabay tawa.

"Wahahah may laway ko 'yan," sagot niya pa sa 'kin dahil ramdam ko ang lagkit ng pagkaing kinamay niya kanina.

Inis na lang akong lumapit sa maliit na hugasan malapit sa pintuan at naghugas ng kamay doon.

"Siya nga pala, may gusto ka bang hilingin kapalit ng pagpapakawala mo sa 'kin?" Tanong niya at napaisip naman ako.

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong mangyayari pagtapos kong makilala ang dragon na 'to, hindi ko alam kung makakabuti ba siya sa Lumire Empire o siya ang magiging dahilan sa pagbagsak ninto.

Dahil siya na rin mismo ang nagsabi kanina na isa siyang walang pusong dragon noon na walang ginawa kung hindi pumatay ng mga mortal at sumunog ng ilang mga emperyo.

Kaya hindi ko alam kung makakadagdag ba siya sa lakas ko o magiging kaaway ko, kaya naman mas mabuti nang hanggat maaga ay kunin ko na agad ang panig niya, sa ganitong paraan baka maging kakampi pa siya ng empire.

"Gusto ko lang hilingin na sana ay hindi ka na papatay pa ng kahit sinong inosente sa kahit anong lugar ka man mapunta," sagot ko sa kaniya at tumingin nang diretsyo sa kaniyang mga mata.

"Hmmm.. pag-iisipan ko," sagot niya saka lumapit sa 'kin.

"Pero asahan mong kakampi mo ko, nakikita ko naman sa mga mata mong seryoso ka sa gusto mong gawin, at makakaasa kang hindi ko sisirain ang tiwala mo sa 'kin," sagot niya at napangiti naman ako hanggang ramdam kong unti-unti na wawala ang kaba ko sa dibdib.

"Ako rin, hindi ko sisirain ang tiwala mo, pwede kang tumira rito basta wala kang gagawin sa kahit sino at untian mo na rin ang kain mo dahil mawawalan kami ng makakain dahil sa 'yo," sagot ko sa kaniya at tumawa lang siya nang malakas.

"Hahaha! Binabawi ko lang ang lakas ko wag ka mag-alala dahil hanggat nasa anyong tao ako ay kaya ko naman mabuhay na katulad niyo, sa ngayon sampung pursyento pa lang ang bumabalik na lakas ko," sabi niya at nakita ko sa kamay niya ang isang itim na apoy.

Kahit sabihin niyang maliit na pursyento lang ito ay halata namang sa pusentong iyon ay kayang-kaya niya nang tupukin ng itim na apoy ang buong kastilyo o baka pati ang buong Lumire empire.

"Pag naging ganap na ang kapangyarihan ko ay maaari na kong bumalik sa pagiging dragon ko," sagot niya pa at sana wala na ko sa lugar na 'to pag nangyari 'yun dahil hindi ko alam kung anong ire-react ko pag nakakita ako ng malaking dragon sa harapan ko.

"Siya nga pala, nais mo bang pumunta sa Darakota para makita ang pinagmulan mo?" Tanong niya at agad naman nagliwanag ang mukha ko.

Hindi lang dahil sa nais kong malaman ang pinagmulan ko kung hindi dahil nais ko ring bisitahin ang magandang lugar na 'yun.

"Tutulungan kitang hanapin ang sagot aa mga katanungan mo, kaya ako ng bahala sa 'yo," sagot niya at tumango naman ako.

Lumabas na kaming dalawa sa komedor at nakita ko si Viggo na nakatayo lang sa labas ng pintuan. Halata sa mukha niyang hindi niya gusto ang ideya na iwan ako mag isa sa harap ng isang mapanganib na nilalang kaya naman agad ko siyang nginitian at sinubukan pagaanin ang loob niya.

"Wala naman nangyari sa 'kin oh, nakakuha pa ko ng inpormasyon tungkol sa hinahanap ko," sagot ko sa kaniya at tumingin lang siya sa 'kin sabay iwas ng tingin at nauna nang maglakad sa 'kin.

"Naku-naku mukhang hindi lang kayo master and slave, mukhang may iba pa kayong koneksyon ah," bulong naman ng tsimosong dragon na 'to at agad akong lumayo sa kaniya.

"Isipin mo ang gusto mo, basta wala kang sasaktan sa loob ng kastilyo ko at susundin mo ang utos ko hanggat narito ka," sabi ko sa kaniya at napailing na lang siya.

"Hindi ko akalain na magiging tiga pagsunod ako ng isang mahinang mortal," sagot niya at lakas loob ko na lang siyang tinignan nang masama kahit kabado pa rin ako sa kaniya.

Ang importane ngayon ay nakuha ko na ang minahan, naalis ko na ang miasmang humabalot sa border at nakakuha pa ko ng inpormasyon tungkol sa pagkatao ko.

Hindi ko lubos akalain na may dugong mangkukulam ako at ang kapangyarihan ito galing pa sa unang witch at prinsesa ng Majiro Kingdom.

Noon nababasa ko lang ito sa mga libro, hinahangaan sila sa kanilang mga nagawa ngunit hindi ko lubos akalain na may halong mahika pala ang lahat ng mga iyon na hindi naman binaggit sa bawat librong nabasa ko.

Ano pa bang hindi ko nalalaman? Ano pa bang mga nilalang ang dapat kong makilala? Ano pa bang pagsubok ang magaganap sa 'kin bilang Kiera?

Marami pa rin tanong sa isip ko kahit na unti-unti ko nang nabubunyag ang katotohanan.

Sana lang pagdumating na ang panahon na alam ko na ang lahat-lahat ng sikretong hinahanap ko ay maging ayos ang lahat, dahil ayokong bumalik sa pagiging Cana ko kung hindi ako siguradong iiwan ko sila ng hindi maayos.

Napatingin ako sa likuran ni Viggo, tumatakbo sa isip na kaya ko bang iwan ang lalaking 'to kung makabalik ako?

TO BE CONTINUED 

edited

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 158 34
For over a thousand years, the Phantom King has been placing monsters all over the land of Reocuria. But with the arrival of Melody in Aozora Academy...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
284K 16.5K 62
"I just arrived in this world and suddenly I'm pregnant? HOW?!" -Candace Dulce ____________ Copy pasted from WRAWA so expect some errors in this stor...
216K 6.2K 80
She was a gangster yet she discovered she wasn't just like any other normal gangster when this one heck of a perverted jerk appear and confused her o...