Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

173K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 31♕

2.4K 72 2
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

Tatlong araw din ata akong nakahilata sa kama at sobrang nagtataka ang mga kasama ko sa kastilyo dahil sa pagkakaalam nila si Viggo itong isinugod pauwi na may malubhang karamdaman ngunit ako itong nakahilata sa loob ng tatlong araw.

Nagpalusot na lang kami at sinabing late lang 'yung effect ng miasma sa katawan ko, hindi ko na rin pinarating pa sa Duke ang nangyari dahil baka ano pa ang gawin niya at pagbawalan na ko bumalik sa lugar na 'yun.

Matapos din mawalan ng kontrol si Viggo dahil sa miasma ay nagpasya akong magpahinga muna at ipagpaliban ng isang linggo ang pagpunta sa lugar na 'yun.

Hindi ko rin kasi alam kung pupunta ba ko mag-isa doon o ano, dahil ako lang naman ang tingin kong nakakatagal sa usok na 'yun.

Simula rin ng insedente na 'yun ay nag-iba ang turing sa 'kin ni Viggo, hindi naman sa nagbago siya o tinigil niya na ang pang-aasar sa 'kin. Lagi pa rin siyang tamad na tamad pero mabilis niya nang sinusunod ang utos ko ngayon na wala nang reklamo.

Ang malaking katanungan na lang sa 'kin ay kung ano na ba talaga ang namamagitan sa 'ming dalawa ngayon, dahil kung hindi pa ko mawawalan ng lakas nung gabing iyon ay baka may nangyari na sa 'min na hindi ko planado.

Nakakaloka lang, dahil syempre kung tutuosin ay unang gabi ko iyon tapos hindi ko sure kung ano ba ang lebel naming dalawa para sa isa't isa.

"Pinatawag niyo raw po ako my lady," pasok ni Wilbert sa loob ng opisina ko kasunod si Viggo sa kaniyang likuran.

"Hmm.. may iuutos ako sa 'yo," sagot ko sa kaniya at tumango naman siya saka lumapit sa pwesto ko.

"Gusto kong ipakalat mo sa lahat ng tao sa loob ng kastilyo na magkakaroon tayo ng pagdiriwang dahil natapos na ang pag-aayos sa kastilyo," sagot ko sa kaniya at nakita kong natuwa siyang ibahagi ang balita na iyon sa lahat.

"Masusunod my lady," sabi niya at akmang lalabas na sa opisina ko pero agad ko siyang pinigilan.

"Saglit Wilbert, hind pa natatapos riyan ang misyon mo, nais kong patago mo rin ikalat ang impormasyon na 'to," sagot ko sa kaniya at inaya siyang lumapit sa 'kin saka ko sa kaniya sinabi ang nais kong gawin.

"Patago mong sabihin sa iisang tao na narinig mong lalagyan ko ng lason ang piging mamayang gabi," sabi ko sa kaniya na kaniyang kinagulat, napatingin siya sa 'kin na para bang nakarinig ng hindi tama.

Kumunot ang noo niya at humarap sa 'kin na takang-taka, tila ba mali ang mga narinig niya at nagtatanong ng kumpermasyon kaya tumango naman ako bilang sagot.

"Tama ang narinig mo Wilbert, dapat kumalat ang balita na nilagyan ko ng lason ang piging na ihahain ko sa kanila mamaya," sagot ko sa kaniya at ngumiti pero halata ang takot sa mukha niya.

Tumayo ako at tinapik ang balikat niya saka bumulong.

"Kung nagtitiwala ka sa bago mong amo, sundin mo ang inuutos ko sa 'yo at nais ko bawat isang tao sa loob ng kastilyo ay makarinig ng balitang iyon. Wag na wag mong ipapaalam na ako ang nag-utos, nais ko lang subukin kung sino ang may tiwala sa 'kin," sabi ko sa kaniya at nang marinig niya iyon ay saka niya na kuha ang binabalak ko.

Agad siyang tumango sa harap ko kahit na kabado sa kaniyang gaagwin, ngumiti lang ako sa kaniya at humalukipkip habang nakasandal sa table ko at tinitignan siyang umalis.

"Talagang gagawin mo ang bagay na 'to?" Tanong naman ni Viggo at lumapit sa 'kin, napatingin ako sa kaniya at ngumiti sa harap niya.

"Planado ko na 'to, hindi ba't sinabi ko naman sa 'yo lahat ng plano ko?" Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya sabay hawi sa iilang hibla ng buhok ko na tumatakip sa mata ko.

"Alam ko, ayoko lang may mangyari sa 'yo," sagot niya na kinamula ko, dahil habang tumatagal kaming dalawa sa ganitong set-up ay parang lalo siya nagiging open sa nararamdaman niya para sa 'kin na damang-dama ko naman.

Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang pagtingin sa 'kin ni Viggo, wala pa lang talagang kasiguraduhan dahil pareho naming iniisip ang kalagayan ng isa't isa.

Malaking usapan kung malaman nilang naging nobyo ko ang butler ko na walang titulo. Malaking usapan ito sa high society na maaring makasira sa 'kin na ngayon ay nag-uumpisa pa lang gumawa ng pangalan bilang noble lady.

"Hayaan mo, kontrolado ko ang plano, kailangan ko lang salain ang mga taong pagkakatiwalaan ko," sagot ko sa kaniya at tumango naman siya.

Agad na naghanda ang mga katulong sa salo-salo na gaganapin mamaya, nagpaluto ako ng maraming pagkain para sa lahat ng mga trabahor na nasa loob ng kastilyo.

Nag-imbita rin ako ng ilang musikero para makadagrag sa pagsasaya na gagamapin para mamayang gabi. Outdoor ang kasiyahan dahil mas malaki ang lugar sa labas para sa lahat ng mga trabahador sa loob ng kastilyo.

Bumaba ako sa hagdan at nakitang abala ang mga katulong sa paghahanda ng kasiyahan mamaya, pansin ko ang ilang sulyap sa 'kin at ang mga tingin na parang kabado kung mamahuli.

Halata rin sa mga mukha ng ibang katulong ang galit at kaba, tila ba nalaman na nila ang plano ko para mamaya.

Unti-unti ko silang sasalain hanggang makita ko kung sino ang maaari kong pagkatiwalaan sa kanila, at sino man ang matira ay bibigyan ko ng malaking halaga kapalit ng loyalty nila.

Mahirap na makahanap ng mapagkakatiwalaang tao. Sa ngayon si Wilbert at Viggo pa lang ang maituturing kong mapagkakatiwalaan ko at nais ko sanang madagdagan pa ito.

Dahil ayoko naman magtagal sa lugar na 'to ng hindi maayos ang pakikitungo ko sa bagong pamilya na makakasama ko.

Kailangan ko ng mga tauhan, dahil ang unang mapagkukunan mo raw ng kayaman ay ang tulong na makukuha mo sa mga taong gumagawa at nagtatrabaho sa 'yo.

Kaya kung nagbabalak akong palakihin ang negosyo na itatayo ko ay kailangan ko muna makakuha ng mga taong hindi lang mahuhusay kung hindi mapagkakatiwalaan pa.

"My lady handa na po ang piging sa hardin," sabi ni Wilbert na mukhang kakatapos lang tignan ang ginawa nilang pag-aayos sa hardin kaya naman tumango ako at sumunod kami ni Viggo sa paglalakad patungo sa lugar.

Pagtingin ko sa buong lugar ay nakita ko ang mahaba at tatlong limesa na nasa harapan ko. Lahat iyon ay puno ng mga pagkain at nakaharap sa isang malaking bonfire na nagbibigay init sa lugar dahil ramdam na ngayon sa hangin ang lamig ng klima.

May tinayo rin silang apat na poste sa bawat sulok ninto para doon isabit ang mga palamuti at ilang mga ilaw para sa paligid. Sa gilid naman ay na roon ang bandang aking inupahan na nag-aayos na ng kanilang tutugtugin.

Napangiti ako, para lang akong nasa isang casual na pagtitipon at ito ang gusto ko.

"My lady, sinunod ko po lahat ng mga inutos niyo ayon sa planong ibinigay niyo sa 'kin," saad ni Wilbert at tumango naman ako sa kaniya.

"Na saan na ang lahat?" Tanong ko dahil walang katao-tao sa paligid o baka hindi pa sinasabi ni Wilbert na magsisimula na ang kasiyahan?

"Hmm.. my lady, nagdadalawang isip sila kung sasalo ba sila sa piging dahil sa iniutos niyo sa 'kin," sagot niya at napangiti naman ako.

Inaasahan ko na ang ganitong kaganapan kaya daretsyo akong umupo sa harap ng hapagkainan habang may iilang trabador na sumisilip sa aking kinauupuan.

"Tara na Viggo, Wilbert kumain na tayo," aya ko sa kanila at umupo naman ako sa unahan ng isang mahabang piging.

Kumain kaming tatlo at hindi pinalagpas ang mainit na pagkain, pero kada subo ko pakiramdam ko gusto kong magwala sa inis dahil sa pinapakita nila sa 'kin ngayon.

Hindi ako naghanda ng pagkain na maaari nilang kainin ngayon gabi bukod sa inihanda kong piging pero ni isa sa kanila ay wala pa ring sumasalo sa 'min.

Tahimik kaming kumakaing tatlo, pinag-uusapan ang iba't ibang bagay habang patago kong iniintay na may sumalo sa 'min.

Pero lumipas ang isang oras ay wala, walang lumabas sa loob ng kastilyo hanggang sa dumating si mang Solomon, iyong kutsero na laging kasama ni Kiera noon pa tuwing lalabas siya ng Romulus estate.

"Aba! Huli na ko namamadali pa naman ako! Malamig na ba ang pagkain?" Malakas niyang tanong na nakapukaw ng ilang trabahador na nasa labas ng manor, sinundan nila ng tingin si mang Solomon habang kakamot-kamot ng ulo itong lumapit sa 'min.

"Pasensya na my lady, alam kong nag-abala ka maghanda ng pagkain pero nahuli ako sa pag-uwi galing bayan," sabi ninto at napangiti lang ako.

"Sumalo na kayo sa 'min mang Solomon, hanggat mainit pa ang pagkain," sabi ko sa kaniya at ako pa talaga ang kusang naglagay ng pagkain sa plato niya na kinahiya niya.

Alam kong nakita nila ang ginagawa kong pagpapahalaga kay mang Solomon, at nagtataka kung bakit hindi pa bumubula ang bibig ni Viggo at Wilbert.

"Tapos na ba silang kumain at nagsipagpahinga na? Parang hindi naman na ubos ang pagkain," tanong ni mang Solomon sa 'min apat pero hindi ko siya masagot.

Pano ko ba sasabihin na takot sila sa 'kin at baka lasunin ko sila sa inihanda kong pagkain? Pano ko sasabihin na wala silang tiwala sa master nila at nagpapaniwala sa sabi-sabi?

"Ah, sa katotohanan niy—"

"My lady, paumanhin at ngayon lang kami sumalo," rinig kong sabi ng mga trabahador habang kakamot-kamot ng ulo at nahihiya tumingin sa 'kin pero agad ko silang nginitian.

"Kain kayo kanina ko pa kayo iniintay," aya ko sa kanila na kanilang kinagulat, halatang hindi nila inaasahan ang iaakto ko sa harap nila.

Alam kong nagdadalawang isip ang iba sa kanila ngayon, natatakot na baka pakitang tao lang ang mga ngiti kong ibinibigay sa kanila pero alam ko rin pinili nilang pagkatiwalaan ako.

Pinaghandaan ko sila ng pagkain dahil sa walang katulong ang nais sumalo sa 'min, hiyang-hiya sila dahil ako pa ang nag-aabot ng makakain sa kanila ngunit habang tumatagal ay napapanatag na naman sila matapos matikman ang pagkain at walang nangyari sa kanila.

Hanggang sa marinig na ng iba ang mga tawanan namin at isa-isa na silang lumabas sa loob ng kastilyo at humingi ng patawad sa 'kin para makisabay kumain.

"Pasensya na my lady, kakatapos lang namin mag-asikaso ng mga hugashin," palusot ng isang katulong kasama ang iba pa sa likuran niya pero alam kong natakot lang sila nung una kaya hindi nila nais sumalo sa 'min.

Pero ayos na iyon, ang importante lang naman sa 'kin ay saluhan nila ako sa pagkain pagtapos nilang malaman na may lason ang inhanda ko. Gusto ko lang makita kung nagtitiwala ba sila sa 'kin at handang itaya ang buhay nila sa tiwalang iyon.

At ngayon 'yung kaninang tatlong lamesa na walang kalaman-laman na tao ay ngayon halos mapuno na sa mga kasambahay na nakikisalo sa 'min.

Malakas na tawanan at tugtugan ang naganap sa kasiyahan, tinignan ko pa sila isa-isa at sinuri patago kung sino ang mga nawawala at hindi sumama sa kainan.

"Viggo, wala 'yung lady in waiting ni Keisha no?" Patago kong bulong kay Viggo habang hawak ang isang basong kupita ng alak.

"Oo siya at ang dalawa pa na katulong ni Kiera," sagot niya at bali tatlo lang ang hindi sumali sa 'min sa hapagkainan.

Mabuti na rin dahil sila ang gagawin kong example ng mga taong nais kalabanin ako, sila ang gagawin kong ihemplo kung pano magalit ang isnag Kiera Deidamia sa mga taong hindi nagtitiwala sa kaniya.

Ngunit pinalipas ko muna ang galit ko dahil gusto kong namnamin ang kasiyahan na 'to, gusto kong magsaya muna silang lahat dahil nagpapasalamat ako na nagtiwala sila sa 'kin.

"My lady sayaw po tayo!" Aya sa 'kin ng isang katulong na medyo bata pa, hindi ko tandan ang itsura niya pero mukhang isa siya sa pinili ng Duke para ipadala sa lugar na 'to.

Halatang nakainum siya ng kakaunting alak dahil sa pamumula ng mukha niya at na tawa na lang ako dahil sa lakas ng loob niyang ayain akong sumayaw. Kaya tuloy lahat ng mga nakarinig ay napalingon at natatakot sa maaring kahinatnan niya.

Pero ayoko naman pahiyain ang batang ito na masaya lang na inaaya ako, isang tanda lang na wala siyang takot o hindi niya ko tinuturing na mahirap lapitan katulad ng mga sabi-sabi ng iba.

Kaya naman tumayo ako na kinagulat nila, nilapat ko ang kamay ko sa kaniya at sabay na 'ming itinaas ang kabilang bahagi ng mga palda naming dalawa.

Sabay kaming sumayaw at nakisali ako sa palikot na sayawang ginagawa ng iba pang katulong.

Hawak kamay kaming nagsasayaw ay paikot-ikot na sumasabay sa musika.

Hindi ko mapigilan matawa at magsaya rin, para bang ngayon ko na lang nagawang magsaya ng katulad nito.

Tuwing may sayawan kasi sa ano mang social gathering na sinagawa ng mga aristocrats ay parang hindi ka maaaring magsaya talaga at mahihirapan kang huminga sa loob ng pagdiriwang pero ngayon, sa isinagawa kong pagtitipon ay naramdaman ko ang tunay na pagsasaya.

Ngayon kasi ay pakiramdam ko normal na tao lang ako katulad ng dati kong buhay sa pagkatao ko bilang Cana.

'Yung walang mga matang nakatingin sa bawat galaw mo, 'yung walang manghuhusga sa 'yo kung magkamali ka man.

Kaya naman nagsaya talaga ako sa buong gabing iyon, pero nilimitahan ko ang pag-inum ng alak dahil baka naman magwala ako at masira ko ang magandang imahe na binubuo ko ngayon.

Pagtapos kong magsayaa ay bumalik ako sa pagkakaupo sa tabi ni Viggo, sumandal ako sa kaniya dahil sa pagod at hindi na inintidi ang tingin ng mga nakakita sa akong ginagawa.

"Sir Viggo, mukhang pagod na ang binibini, ihatid mo na siya sa kaniyang silid at kami na ang bahala rito," rinig kong sabi ng isang kasambahay dahil hindi ko na maiwasan ipikit ang mga mata ko.

"Ingatan mo 'yang si lady Kiera, nanghahalik 'yan paglasing lalo na pag gwapo ang binatang kasama niya," rinig kong boses naman ni mang Solomon at narinig ko silang nagtawanan.

"Naku mang Solomon! Wag mo na ipaalala kalokohan ko noon!" Reklamo ko habang hirap na hirap ang idilat ang mata ko dahil sa antok.

"Hahaha, wag mo na asarin ang binibinit mang Solomon," rinig kong kantyaw nila sa ginoo at muli ko silang narinig na nagsitawanan.

Si mang Solomon ang laging sundo nitong ni Kiera noon kaya siguro alam niya lahat ng mga kagagahan ni Kiera tuwing nalalasing siya.

"Kung ganu'n mauna na kami at ipapahinga ko na si lady Kiera," rinig kong sabi ni Viggo habang buhat-buhat ako sa bisig niya at kumaway naman ako sa kanila na patuloy na nag-iinum doon at nagsasaya.

Panay ang sinok ko habang inaakyat ako ni Viggo sa loob ng silid ko, inilapag niya ko sa kama at nakita ko siyang kumuha ng pamalit ko at ng basang bimpo para punasan ako.

"Nakakatuwa lang malaman na pwede ko rin pala sila makasama ng normal," sabi ko sa kaniya habang pinupunasan niya ang braso ko.

"Mabuti't nakuha mo ang tiwala nila," rinig kong sabi niya at napangiti ako.

Sana lang ay magtuloy-tuloy na ang magagandang balita katulad ninto, sana ay hindi lang ang mga tao sa loob ng kastilyo ang magbago ang tingin sa 'kin.

"Sana maging ayos na ang lahat at kaya mo 'to Cana!" Hiyaw ko sabay taas ng kamay ko at sinok dahil sa kalasingan.

"Sinong Cana?" Tanong niya at para naman akong binuhusan nang malamig na tubig sa mga tingin niyang nagtataka sa aking harapan.

TO BE CONTINUED

edited

Continue Reading

You'll Also Like

299K 11.9K 37
[COMPLETED] Namatay siya nang mahulog ang sasakyan na minamaneho sa taas ng skyway, however, she was resurrected inside a novel that she once read, b...
69.1K 5K 117
Blue -Sabrina Lorraine Park *typographical and grammatical errors ahead.. Meet Blue- Sabrina Lorraine Park a highschool students full of talents,- b...
216K 6.2K 80
She was a gangster yet she discovered she wasn't just like any other normal gangster when this one heck of a perverted jerk appear and confused her o...
91.6K 5.3K 46
Liliana West is a Healer from Sandovia. She was living her life peacefully until the son of a High Lord asked her hand for marriage. She knows better...